Share

Kabanata 4: Accident

Author: jessavellagunias125
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

"Oh, shit!" Halos mabuwal si Lari sa kanyang kinauupuan sa labis na gulat nang bigla akong tumayo.

Maging ako ay nagulat din nang makita ko si Trevor na papasok sa cafeteria kung saan kami pansamantalang nagpapahinga ni Lari.

Ang bilis at lakas ng kabog ng puso ko. Suot ni Trevor ang hindi ko maipaliwanag na emosyon.

"Lari, mauuna na pala ako." Agad kong kinuha ang bag ko mula sa mesa. Hindi ko na hinintay pang sumagot ito. Nagsimula na akong maglakad palabas. Sa kabilang pinto ako dumaan.

My heart keeps on pounding so loudly that I could almost hear it.

"Oy, Alex! Hindi mo pa oras ah?" tanong pa nito na hindi ko na pinansin at nagpatuloy na lang sa paglalakad.

Hindi pa niya nakikita si Trevor dahil nakatalikod siya rito.

"Trevor, nandito ka pala. Alex, nandito si Trevor oh!" malakas na sambit ni Lari na may halong pang-aasar pa.

'Shit… 'yon na nga Lari, e!'

Mas binilisan ko pa ang paglalakad. Eksaktong pagkalabas ko ay naramdamdan ko ang mainit na kamay ni Trevor na bumalot sa palapulsuhan ko. Alam kong siya 'yon.

"Ano ba?! Masakit!" bulyaw ko. Hindi totoong masakit 'yong hawak niya sa akin. Ang tinutukoy kong masakit ay ang puso ko. Sobrang sakit nito na para akong tinutusok.

Bumuntonghininga siya at dahan-dahan akong binitawan. Ginamit ko ang pagkakataong 'yon para sana makaalis ngunit isang hakbang pa lamang ang nagagawa ko ay agad niya akong isinandal sa pader. Sa gilid lamang ng pinto.

Halos maubusan ako ng hininga sa sobrang gulat sa ginawa niya.

Ikinulong niya ako sa mga braso niya. Isinandal niya ang dalawang kamay sa magkabilang gilid ng ulo ko.

"Trev-" nanghihina kong sambit. Gamit ang nanginginig na kamay ay sinubukan ko siyang itulak, ngunit hindi iyon sapat. Hinawakan niya ang kamay kong nasa dibdib niya gamit ang kanang kamay.

"Alex, please… talk to me," mahinang sabi nito ngunit sapat lang para marinig ko. Maririnig sa boses niya ang pagmamakaawa.

 Pumikit ako nang mariin. Agad na pumatak ang luha ko nang tuluyan na akong tumingin sa kanya. Bakas sa mukha niya ang sakit at pagmamakaawa.

Pupunasan na sana niya ang luha ko gamit ang isa pang kamay subalit agad kong iniwas ang mukha ko.

Ikinuyom na lang nito ang kamay at inilagay sa gilid niya.

"Hey, love birds! Nandito pa pala kayo…" Mula sa masayang boses ay unti-unting humina ang boses ni Lari.

"Oy, ano 'to? Alex, bakit ka umiiyak diyan?" Sunod-sunod na tanong niya.

Bumaling si Trevor sa kanya. Ginamit ko ang pagkakataong iyon para tuluyan nang makaalis.

Agad akong tumakbo papalayo sa kanila.

"Alex!" tawag nila sa akin pareho ngunit nagpatuloy lang ako.

Hinihingal akong tumigil nang sigurado na akong malayo na ako sa kanila kahit papaano.

Ilang minuto pa akong nanatili lang doon. Hanggang ngayon ramdam ko pa rin ang bilis ng tibok ng puso ko. Nakasandal ako sa pader malapit sa may Pediatric ward nang mag-beep ang telepono ko para sa isang mensahe.

Nakahinga ako nang maluwag  nang nakita kong si Lari lamang ito.

Larissa:

Bruha ka! Anong mayro'n? Umalis na si Trevor. Ikaw ha? Magpapaliwanag ka sa akin mamaya. Hihintayin kita sa parking lot. Alexandria Mendiola Gabrini, hihintayin kita.

Halos marinig ko ang boses ni Lari habang binabasa ko ang text message niya. Napa-iling na lang ako sa pagiging demanding nito.

Medyo mas nakahinga rin ako nang maluwag sa kaalamang umalis na si Trevor. Hindi ko kasi alam kung paano siya haharapin. Ilang araw ko na siyang iniiwasan at hindi kinikibo magmula nang hiwalayan ko siya, kahit pa ang mga text messages at tawag niya.

Paano ko ba siya haharapin? Anong sasabihin ko? Na naki-usap sa akin ang mommy niya? Hindi ko puwedeng sabihin 'yon. Hindi niya iyon tatanggaping dahilan at isa pa ayokong magtampo o magalit siya sa mommy niya. Si Trevor na lang ang tanging sandalan ni tita Andrea ngayon. Hindi ko hahayaang magkagulo sila para lang sa sarili kong kapakanan.

'I'm truly sorry, Trevor.'

Isang malalim na buntonghininga pa ang pinakawalan ko bago ko napagdesisyunang umalis na doon.

Lumilipad ang isipan ko tungkol kay Trevor sa natitirang oras ng aking training.

Alas onse y media na nang matapos ang shift ko. Gaya ng sabi ni Lari, magkikita kami sa parking lot. Isa pa 'yon. Hindi 'yon papayag na hindi malaman kung ano ang nangyayari.

Inilibot ko ang paningin ko nang nasa parking lot na ako, hinahanap ko kung saan banda naka-park ang kulay pulang sasakyan ni Lari.

Halos mapatalon ako sa gulat nang may humawak sa balikat ko. Agad na pumasok sa isipan ko si Trevor kaya naging doble pa ang tahip ng puso ko.

"Oh, relax, Alex. Ako lang 'to," ani Lari sa natatawang boses.

"Lari, ano ba?" Inirapan ko siya nang pabiro.At ang loka, inirapan din ako!

"Nagiging magugulatin ka na, aling Gabrini. Naku! masamang pangitain!" aniya sa nananakot na tono.

"Baliw! Tara na nga. Saang lupalop ba naka-park ang sasakyan mo?" natatawang sabi ko.

Hinatid ako ni Lari sa bahay. Sa buong biyahe pauwi ay tahimik lang kaming dalawa.

"Bakit naman gano'n? Dapat sabihin mo kay Trevor ang totoo!" Reaksiyon ni Lari matapos kong ikuwento sa kanya ang sitwasyon namin ni Trevor ngayon, pati na rin ang naging pakiusap sa akin ni tita Andrea.

"Hindi puwede, Lari," sabi ko habang inilalapag sa mesa ang tinimpla kong kape para sa aming dalawa.

"Huh? Bakit hindi?" Tumingin ito sa akin sabay taas pa ng kilay.

Umupo muna ako sa tapat niya bago nagsalita. "Ayokong magkagulo si tita at si Trevor. Alam mo namang tinuring ko na ring ina si tita. Sobrang dami na rin niyang naitulong sa akin magmula noong nagkakilala kami ni Trevor. Ngayon lang siya humingi ng pabor." Tumingin ako sa tasang nasa harapan ko.

"E, bakit kaya hindi ka na lang sumama sa kanila sa ibang bansa?" Napatingin ako kay Lari sa sinabi niyang iyon.

'Kung puwede lang sana.'

Malungkot akong umiling. "Mas lalong hindi puwede, Lari. Graduating tayo. Ayoko namang sayangin 'yong oras. Kailangan kong maka-graduate. Alam mo 'yan."

"Sa tingin mo ba, kapag naka-graduate ka na mailalabas mo na si tita Bianca sa kulungan?" seryoso nitong turan.

Saglit akong napaisip. Alam ni Lari na isa iyon sa mga dahilan ko kung bakit nagpupursigi ako sa pag-aaral.

Oo, galit ako sa nanay ko. Oo, halos isumpa ko siya. Pero wala, e. Nanay ko pa rin siya at mahal ko siya. Gusto ko pa ring makalaya siya roon.

"Hindi…" sagot ko. "Pero kasi siyempre, hakbang na rin 'yon para makagawa ako ng paraan." dagdag ko.

Uminom ito sa kanyang kape. "E, paano kung makiusap ka na lang sa pamilya ng papa mo na i-urong na ang kaso sa mama mo?" aniya.

"Alam mong malabo 'yan. Galit din sila sa akin," tanging naisagot ko.

"Ano ba 'yan! Kitid naman ng utak ng mga kamag-anak mo. Dinamay ka pa!" litanya niya.

Tahimik na lang akong uminom sa aking kape.

"Mabalik tayo kay Trevor. Paano na 'yan? Alex ayusin mo 'yan. Trevor deserves to know what's going on." Tumango na lamang ako.

"Pero Alex, tandaan mo nandito lang ako ha? Kahit ano pa ang maging desisyon mo susuportahan kita." Napangiti ako sa sinabi niya.

"Soft hours na ba?" pabiro kong sinabi.

"Ay, leche!" Sabay kaming tumawa.

"Pero salamat, Lari," sabi ko.

"Don't mention it."

Natapos ang gabing iyon na ang isipan ko ay na kay Trevor.

Nang mga sumunod na araw ay hindi na muling nagparamdam sa akin si Trevor. Maging sa text o tawag man lang. Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko dahil dito. Baka narealized na niyang sukuan ako, narealized niyang dapat tigilan na niya ako.

'Pero 'yon naman talaga ang gusto mo 'di ba, Alex? Iyan tinutupad na niya.

Noong weekends naman ay iginugol ko ang oras ko sa pagtratrabaho sa pamilya Ramirez. Wala sina Dr. Ramirez noong mga oras na 'yon, maging si Nate. Ayon kay manang nagtungo raw ang mga ito sa kanilang lupain sa probinsiya.

Nang mag lunes. Hapon na at naghahanda na ako para sa shift ko mamaya. Habang inaayos ko ang laman ng aking bag ay narinig ko ang busina ng kakarating lang na sasakyan mula sa labas.

Hindi ko alam pero bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko sa isiping baka si Trevor ito. Mabilis akong nagtungo sa may bintana upang silipin kung sino ang nasa labas.

Hindi pamilyar sa akin ang sasakyan. Pero nagulat ako nang bumaba ang may-ari ng sasakyan. Si Nate!

'Anong ginagawa niya rito?'

Napatingin si Nate sa gawi kung nasaan ako. Agad naman itong ngumiti at kumaway sa akin. Tipid akong ngumiti bilang tugon.

Inayos ko nang mabilisan ang laman ng bag ko bago tuluyang bumaba. Binuksan ko ang gate at tuluyan nang lumabas.

Nginitian ko si Nate. Malawak naman ang ngiti nitong nakatingin sa akin. 

"Mukhang wrong timing yata ako…" natatawang ani Nate habang nagkakamot ng noo. Napansin niya sigurong nakasuot ako ng uniform.

"Oo, e. Papasok na kasi ako sa ospital para sa training. Uhh… nga pala Nate, napadalaw ka? Akala ko ba nasa probinsiya pa kayo hanggang sa sunod na linggo?" tanong ko.

"Well… just got home this morning. I was kinda bored there so I decided to go home." Paliwanag nito. Tumango naman ako.

"Uhh… Nate… kasi…" sabi ko sa nahihiyang boses. Gusto ko pa sana siyang kausapin kaso mala-late na ako.

"Oh! Oo nga pala. Hatid na lang kita?" Alok niya na agad ko namang tinanggihan.

'Wag na Nate, maabala pa kita."

"Aray ko naman, Alex. Lagi mo na lang akong tinatanggihan," aniya na kunwaring nasasaktan.

Natawa naman ako.

"I insist, Alex. Para hindi ka ma-late. Wala naman akong gagawin. Kaya nga rin dinalaw kita rito," kumbinsi nito.

"Sige na nga." Nginitian ko siya.

"'Yon!" masaya nitong sambit.

Pinagbuksan ako nito ng pintuan. Papasok na sana ako nang nasulyapan ko ang paparating na sasakyan ni Trevor!

Grabe na naman ang kabang nararamdaman ko. Hindi ko alam ang gagawin at ang tanging pumasok lang sa isipan ko ngayon ay ang iwasan siya.

Agad akong pumasok sa loob ng sasakyan. "Nate, bilisan mo!" Tiningnan ako ni Nate. Bakas sa mukha na naguguluhan siya. Pero nagpasalamat ako sa isip ko na sinunod naman niya ako.

Pagkapasok niya ay agad niyang pinaandar ang sasakyan. "What's wrong?" tanong nito. Saglit lang siyang bumaling sa akin at ibinalik agad ang tingin sa harapan… sa side mirror.

Hindi ako kumibo. Ramdam na ramdam ko ang malakas na kabog ng puso ko.

"If I'm not mistaken, that's the car of your boyfriend, right?" sambit nito na hindi pa rin tumitingin sa akin.

"H-huh?" naibulalas ko.

"Nasa likod siya, sinusundan yata tayo," aniya. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Agad akong tumingin sa likuran at tama nga siya, sinusundan nga niya kami!

"You want me to stop the car?" Nate asked.

"No," sagot ko.

"Sure ka? Alex, I think your boyfriend's drunk," dugtong nito.

'Si Trevor lasing?'

"Nate…" agad nakuha ni Nate ang gusto kong mangyari kaya itinigil nito ang sasakyan sa bandang gilid.

Bumaba agad ako sa sasakyan, gano'n din si Nate.

Hinintay kong tumigil ang sasakyan ni Trevor sa gilid, malapit sa sasakyan ni Nate.

"Finally!" aniya pagkababa sa sasakyan. Mapula ang mga mata nito at halatang nakainom nga. Muntik pa itong matumba nang maglakad palapit sa akin.

"Trevor!" May pagbabanta sa boses ko. Lumapit ako sa kanya. "Anong ginagawa mo? At bakit ka naglasing? At nagmamaneho ka pa! Alam mo namang-"

"Oh! Concerned ka pala?" sarkastiko nitong sambit. Nakaramdam ako ng kurot sa puso sa sinabi niya.

"Dude," singit ni Nate.

"Ito ba, Alex? Siya ba ang dahilan?" Itinuro nito si Nate. Ramdam ko ang kontrolado nitong galit.

"Trevor, hindi!" tanggi ko.

"Hindi? Hindi, e! Simula lang naman nang dumating 'yang kababata mong 'yan-"

"Trevor!" sigaw ko para tumigil na siya.

"Trevor," si Nate. Hindi ito pinansin ni Trevor.

"Ano, Alex? Umamin ka nga. May mahal ka ng iba, 'di ba?"

"Ano? Ang gagong 'yan ba ang ipinagpalit mo sa akin?"

"Ano, Alex?"

"Oo!" Natigilan siya sa sagot ko. Maging ako ay natigilan din. Hindi ko sinasadyang sambitin. Kusa na lang itong lumabas sa bibig ko.

Gusto kong bawiin. Gusto kong sabihing hindi, na wala akong ibang mahal, siya lang. Pero walang lumalabas na boses sa bibig ko.

"There! Bullshit!" Malutong na mura nito bago pumasok sa kotse niya, pabagsak na isinara ang pinto at walang sabing mabilis na pinaandar ang sasakyan palayo.

Agad na bumuhos ang luha ko sa sobrang sakit ng nararamdaman. Halos manghina ako sa kinatatayuan ko.

"Alex." Lumapit si Nate sa tabi ko at agad akong inalalayan.

Nanatili kami sa gano'ng posisyon ng ilang minuto. Walang imik na hinahaplos lang ni Nate ang likod ko.

Tahimik kami ni Nate sa buong biyahe patungong ospital. Wala na akong lakas para magpaliwanag pa sa kanya. Alam kong naiintindihan niya ako.

Sa oras ng training ay lumulutang din ang isipan ko tungkol sa nangyari kanina. Tatlong beses na rin akong pinagalitan ng supervisor namin dahil sa mali-mali kong nagawa.

Patungo akong banyo para sana mag-ayos ng sarili at para mahimasmasan nang nakita ko si Lari na mabilis na tumatakbo palapit sa akin.

"Alex!" Hinihingal ito nang tumigil sa harapan ko. "Si Trevor…" nag-aalangan pa ang boses nito.

"Bakit Lari? Nasa labas na naman ba siya?" kabadong tanong ko. Umiling lamang ito at nanggilid na rin ang luha.

"Lari, ano?!" Hindi ko na mapigilan ang sarili kong pilitin siyang magsalita. Hindi ko alam pero kinakabahan ako. Pakiramdam ko may masamang nangyari.

"Alex… si Trevor nasa emergency room… Na-aksidente siya," mahina nitong sambit.

Pakiramdam ko ay naubusan ako ng dugo sa katawan sa narinig sa kanya. Nagsimulang bumuhos ang mga luha ko. Kaagad akong tumungo sa emergency room. Sumunod sa akin si Lari.

Naabutan ko si tita Andrea sa labas ng pinto. Humahagulgol.

Sa nanginginig na boses ay tinawag ko siya, "Tita…" 

Bumaling ito sa akin at mas lalo pang humagulgol. Lumapit ako sa kanya para sana yakapin ngunit isang malakas na sampal ang iginawad niya sa akin.

Natigilan ako. Maging ang mga luha ko'y bahagyang tumigil. Dinig ko ang singhap na pinakawalan ni Lari mula sa 'di kalayuan.

Related chapters

  • When Heart Forgets ( TagLish )   Kabanata 5: Lost

    Natigilan ako sa ginawang pag sampal sa'kin ni tita. Minuto na ang lumipas ngunit nanatili sa pisngi ko ang pakiramdam, parang nakalapat pa rin sa pisngi ko ang mainit niyang palad. Sa sobrang lakas no'n, sigurado akong namumula na ito ngayon.Masakit, oo. Pero doble ang sakit sa puso ko dahil ramdam ko ang galit niya.Para akong nalagutan ng hininga. Nakatitig lang ako kay tita Andrea. Masama pa rin ang tingin sa akin, bakas sa mukha ang pagkamuhi sa'kin. Ngunit sa kanyang mga mata ay kita pa rin ang pag-aalala, siguro ay para kay Trevor.Gamit ang nanginginig na kamay ay sinubukan ko siyang hawakan. "Tita…"Bumagsak ang mga luha ko nang tinabig niya ang kamay ko at umatras siya ng kaonti na para bang nandidiri, na para bang hindi kami nagturingang pamilya."Kasalanan mo 'to!" sigaw niya."Tita, sorry… hindi ko naman po-""Ang sinabi ko pakawalan mo muna ang anak ko, hindi ko sinabing ipagpalit mo siya!" bulyaw niya.

  • When Heart Forgets ( TagLish )   Kabanata 6: Without

    "Hmm…" daing ko nang maramdaman ko ang isang banayad at marahang halik sa aking labi na siyang tuluyang gumising sa akin.Hindi pa man ako nagmumulat ng mga mata ay kumurba na ang labi ko para sa isang malawak na ngiti. I slowly opened my eyes. My smile grew wider when my eyes met Trevor's handsome face."Good morning, babe," he said with his husky voice. Ang kanyang mga mata ay namumungay na nakatitig sa akin."Morning…" pagbati ko sa mahinang tinig na halos hindi ko rin narinig ang sarili ko.Trevor laughed huskily and then he pinch my nose. I pouted.A ghost of a smile is hiding on his red lips as he stares at me intently. I pouted more because of that.He grinned. Pinatakan niya ako ng isang mabilis na halik sa labi bago siya tuluyang ngumiti."I love you, Alex, " aniya sa mababang boses. Ang kaninang masayang ngiti sa labi ay unti-unting naglaho at napalitan ng malungkot na ngiti. Kumunot ang noo ko.Ku

  • When Heart Forgets ( TagLish )   Kabanata 7: Nakita

    Umiyak lang ako ng umiyak pagkatapos kong balikan muli ang mga masasakit na ala-alang 'yon nang nakaraan.Hinayaan at dinamayan ako ni Lari hanggang sa hindi ko namalayang nakatulog na pala ako, marahil ay dala na rin nang pagod sa pag-iyak, pati na rin nang hindi magandang pakiramdam.Nang mga sumunuod na mga araw ay naging maayos naman na ang pakiramdam ko. May mga gabi pa rin na dumadalaw si Trevor sa panaginip ko, siguro ay dahil madalas ko na naman siyang iniisip. Hindi ko na lang ipinaalam kay Lari ang tungkol dito dahil alam kong ayaw din naman niyang pag-usapan pa namin ito.Lari:Sa'n ka na, Alex? Hindi pa tapos shift mo? Nandito na kami sa cafeteria. Bilisan mo at gutom na ang mga bulate ko sa tiyan.Napailing na lang ako pagkabasa ko sa text message ng aking kaibigan. Napakagat ako ng labi para pigilin ang tawa nang ma-imagine ko kung ano ang itsura niya habang tinitipa ang mensahe'ng 'yon para sa akin.Lari talaga...Agad

  • When Heart Forgets ( TagLish )   Kabanata 1: Congratulations!

    "Miss Gabrini?"Isang kalabit mula sa katabi kong si Lari ang siyang gumising sa aking diwa. Taka akong bumaling sa kanya."Kanina ka pa tinatawag ni Prof. lutang ka na naman." Bulong nito.Doon ko lamang napagtanto na nasa paaralan pa nga pala kami at kasalukuyang nagkaklase."Miss Gabrini, are you okay?" malumanay na tanong ni Prof. Degracia sa harapan."Yes Prof. I'm sorry, ano nga po ulit 'yong tanong n'yo?" tugon ko sa nahihiyang boses dahil pinagtitinginan na pala ako ng mga kaklase ko."What DNA stands for? And give at least five importance." Tumayo ako at sumagot sa tanong niya. Nasagot ko naman ng tama. Mabuti na lang at nag-advance reading na ako kagabi pa."Bakit ba tulala ka na naman sa klase kanina ha, Alex?" ani Lari sa nagtatakang boses habang kumakain ng sandwich na binili namin.Kasalukuyan kaming nakaupo sa may damuhan sa gilid ng soccer field. Bago ko sagutin ang tanong niya, uminon muna ako ng tubig.

  • When Heart Forgets ( TagLish )   Kabanata 2: Pakiusap...

    Tulala ako sa kawalan habang nasa tabi ng boyfriend kong si Trevor, na ngayon ay mahimbing nang natutulog.Malungkot ko siyang tinitigan. Dahan-dahan kong hinaplos ang pisngi niya, mapait akong ngumiti.Bakas sa mukha ni Trevor ang lungkot at pagod kahit pa mahimbing na siyang natutulog, tila bang sa himbing ng tulog ay parang ngayon lamang siya nakapagpahinga ulit nang maayos.Halos dalawang linggo na ang nakakalipas magmula nang lumabas ang resulta ng bar exam, halos dalawang linggo na rin akong abala sa intern ngayon.Ngayong araw ang isa sa mga pinakamasakit na pangyayari sa buhay ni Trevor.Sa halos isang buwan na pabalik-balik sa ospital at pagpapagamot ay tuluyan nang bumigay ang puso ni Tito Terrence, Daddy ni Trevor.Alam ko kung gaano kamahal ni Trevor ang mga magulang niya, lalo na ang Daddy niya, kaya labis din talaga akong nasasaktan para sa kanya.I know exactly what it feels like when losing your father. I've been in th

  • When Heart Forgets ( TagLish )   Kabanata 3: Break up

    "T-Tita… ano po ang ibig niyong sabihin?" mahinang sambit ko..Bahagya akong umatras nang kaonti mula sa kanya, alam ko ang ibig niyang sabihin. Malinaw sa akin ang gusto niyang gawin ko, pero ayaw itong tanggapin ng sistema ko.Hindi ko yata kayang pakawalan si Trevor… Sa halos limang taon na palagi kaming magkasama, nakadepende na ang buhay ko sa kanya. Hindi ko kayang isipin na mabuhay nang wala siya.Kaya kong tiisin ang mga panahong hindi kami magkasama, lubos ko 'yong nauunawaan. Ang mahalaga, kahit na sobrang abala kami sa pag-aaral ay nananatili ang matatag naming komunikasyon sa isa't-isa.Iniyak ko lahat ng sama ng loob ko sa loob ng kuwarto pagka-alis ni Tita Andrea sa bahay.Hindi ko lubos maintindihan kung bakit niya hinihiling na hiwalayan ko si Trevor, hindi ko naman ikinukulong si Trevor sa buhay ko. Kaya 'kong umintindi sa abot ng makakaya ko. I can compromise.Kung kinakailangan naming mag long distance re

Latest chapter

  • When Heart Forgets ( TagLish )   Kabanata 4: Accident

    "Oh, shit!" Halos mabuwal si Lari sa kanyang kinauupuan sa labis na gulat nang bigla akong tumayo.Maging ako ay nagulat din nang makita ko si Trevor na papasok sa cafeteria kung saan kami pansamantalang nagpapahinga ni Lari.Ang bilis at lakas ng kabog ng puso ko. Suot ni Trevor ang hindi ko maipaliwanag na emosyon."Lari, mauuna na pala ako." Agad kong kinuha ang bag ko mula sa mesa. Hindi ko na hinintay pang sumagot ito. Nagsimula na akong maglakad palabas. Sa kabilang pinto ako dumaan.My heart keeps on pounding so loudly that I could almost hear it."Oy, Alex! Hindi mo pa oras ah?" tanong pa nito na hindi ko na pinansin at nagpatuloy na lang sa paglalakad.Hindi pa niya nakikita si Trevor dahil nakatalikod siya rito."Trevor, nandito ka pala. Alex, nandito si Trevor oh!" malakas na sambit ni Lari na may halong pang-aasar pa.'Shit… 'yon na nga Lari, e!'Mas binilisan ko pa ang paglalakad. Eksaktong pagkalabas

  • When Heart Forgets ( TagLish )   Kabanata 3: Break up

    "T-Tita… ano po ang ibig niyong sabihin?" mahinang sambit ko..Bahagya akong umatras nang kaonti mula sa kanya, alam ko ang ibig niyang sabihin. Malinaw sa akin ang gusto niyang gawin ko, pero ayaw itong tanggapin ng sistema ko.Hindi ko yata kayang pakawalan si Trevor… Sa halos limang taon na palagi kaming magkasama, nakadepende na ang buhay ko sa kanya. Hindi ko kayang isipin na mabuhay nang wala siya.Kaya kong tiisin ang mga panahong hindi kami magkasama, lubos ko 'yong nauunawaan. Ang mahalaga, kahit na sobrang abala kami sa pag-aaral ay nananatili ang matatag naming komunikasyon sa isa't-isa.Iniyak ko lahat ng sama ng loob ko sa loob ng kuwarto pagka-alis ni Tita Andrea sa bahay.Hindi ko lubos maintindihan kung bakit niya hinihiling na hiwalayan ko si Trevor, hindi ko naman ikinukulong si Trevor sa buhay ko. Kaya 'kong umintindi sa abot ng makakaya ko. I can compromise.Kung kinakailangan naming mag long distance re

  • When Heart Forgets ( TagLish )   Kabanata 2: Pakiusap...

    Tulala ako sa kawalan habang nasa tabi ng boyfriend kong si Trevor, na ngayon ay mahimbing nang natutulog.Malungkot ko siyang tinitigan. Dahan-dahan kong hinaplos ang pisngi niya, mapait akong ngumiti.Bakas sa mukha ni Trevor ang lungkot at pagod kahit pa mahimbing na siyang natutulog, tila bang sa himbing ng tulog ay parang ngayon lamang siya nakapagpahinga ulit nang maayos.Halos dalawang linggo na ang nakakalipas magmula nang lumabas ang resulta ng bar exam, halos dalawang linggo na rin akong abala sa intern ngayon.Ngayong araw ang isa sa mga pinakamasakit na pangyayari sa buhay ni Trevor.Sa halos isang buwan na pabalik-balik sa ospital at pagpapagamot ay tuluyan nang bumigay ang puso ni Tito Terrence, Daddy ni Trevor.Alam ko kung gaano kamahal ni Trevor ang mga magulang niya, lalo na ang Daddy niya, kaya labis din talaga akong nasasaktan para sa kanya.I know exactly what it feels like when losing your father. I've been in th

  • When Heart Forgets ( TagLish )   Kabanata 1: Congratulations!

    "Miss Gabrini?"Isang kalabit mula sa katabi kong si Lari ang siyang gumising sa aking diwa. Taka akong bumaling sa kanya."Kanina ka pa tinatawag ni Prof. lutang ka na naman." Bulong nito.Doon ko lamang napagtanto na nasa paaralan pa nga pala kami at kasalukuyang nagkaklase."Miss Gabrini, are you okay?" malumanay na tanong ni Prof. Degracia sa harapan."Yes Prof. I'm sorry, ano nga po ulit 'yong tanong n'yo?" tugon ko sa nahihiyang boses dahil pinagtitinginan na pala ako ng mga kaklase ko."What DNA stands for? And give at least five importance." Tumayo ako at sumagot sa tanong niya. Nasagot ko naman ng tama. Mabuti na lang at nag-advance reading na ako kagabi pa."Bakit ba tulala ka na naman sa klase kanina ha, Alex?" ani Lari sa nagtatakang boses habang kumakain ng sandwich na binili namin.Kasalukuyan kaming nakaupo sa may damuhan sa gilid ng soccer field. Bago ko sagutin ang tanong niya, uminon muna ako ng tubig.

DMCA.com Protection Status