Natigilan ako sa ginawang pag sampal sa'kin ni tita. Minuto na ang lumipas ngunit nanatili sa pisngi ko ang pakiramdam, parang nakalapat pa rin sa pisngi ko ang mainit niyang palad. Sa sobrang lakas no'n, sigurado akong namumula na ito ngayon.
Masakit, oo. Pero doble ang sakit sa puso ko dahil ramdam ko ang galit niya.
Para akong nalagutan ng hininga. Nakatitig lang ako kay tita Andrea. Masama pa rin ang tingin sa akin, bakas sa mukha ang pagkamuhi sa'kin. Ngunit sa kanyang mga mata ay kita pa rin ang pag-aalala, siguro ay para kay Trevor.
Gamit ang nanginginig na kamay ay sinubukan ko siyang hawakan. "Tita…"
Bumagsak ang mga luha ko nang tinabig niya ang kamay ko at umatras siya ng kaonti na para bang nandidiri, na para bang hindi kami nagturingang pamilya.
"Kasalanan mo 'to!" sigaw niya.
"Tita, sorry… hindi ko naman po-"
"Ang sinabi ko pakawalan mo muna ang anak ko, hindi ko sinabing ipagpalit mo siya!" bulyaw niya.
"Tita, hindi po… sorry…" sabi ko gamit ang basag na boses. Lumapit pa ako sa kanya lalo at sinubukan kong muling hawakan ang kamay niya, pero gaya kanina ay tinabig niya ulit ito.
Narinig ko ang paghakbang ni Lari palapit sa amin. "Alex," aniya sabay hawak sa braso ko.
Sinulyapan ko siya sandali, bakas sa mukha niya ang pag-aalala, ngunit agad kong ibinalik ang tingin ko kay tita Andrea na ngayon ay galit pa rin ang ibinibigay na ekspresyon.
"Hindi ko akalaing malandi ka pala, Alex," nagtitimpi nitong sambit na ikinabigla ko "Siguro matagal mo na talagang niloloko ang anak ko. At ang pakiki-usap ko sa'yong pakawalan siya ay ginawa mo lang dahilan para tuluyan ka ng sumama sa lalaki mo!" matigas nitong sabi.
Sa gitna pa lamang ng pananalita niya ay paulit-ulit na akong umiling. Paano nasasabi ni tita ang mga gano'ng salita? Alam kong alam niya kung gaano ko kamahal si Trevor.
"T-Tita…" hikbi ko. "Tita ano po ang sinasabi n'yo? Alam niyo po kung gaano ko kamahal ang anak niyo," pagtatanggol ko sa sarili ko.
"Sinungaling ka! 'wag ka ng magmaang maangan pa, Alex!" sigaw nito sa akin habang dinuduro ako.
"Tita, hindi ko po kayo maintindihan," sabi ko sa garalgal na boses.
"Si Trevor! Umuwi sa bahay… lasing! Umiiyak! Sinabi niya sa akin… sinabi niya sa aking may mahal ka na raw na iba. Sinabi niya sa aking mas pinili mo ang kababata mo kaysa sa kanya!" umiiyak nitong sambit ngunit nanatili ang galit na boses. "Wasak na wasak siya Alex, na umuwi sa bahay. Alam mo ba kung gaano 'yon kasakit para sa akin? Na makita siyang gano'n, ha?" Si tita.
Sobrang lakas ng kabog ng puso ko na para bang sasabog na ito.
"Tita sorry po… hayaan niyo po muna sana akong magpaliwanag, mali po ang ini-" pinutol ulit nito ang salita ko.
"Ibig mong sabihin nagsisinungaling ang anak ko?" Mariin itong tumitig sa akin.
"Tita, hindi po," pagmamakaawa ko.
"Mawalang galang na ho tita, ha?" Si Lari na pumagitna sa amin. "Hindi po ba kayo ang may gusto nito? Na hiwalayan ni Alex ang anak niyo? Ginawa naman po niya, ah? Sinunod niya kayo kahit po labag sa loob niya, pero bakit po parang kasalan pa niya?" bakas sa boses ni Lari ang pigil na inis.
"Lari…" pigil ko. Hinawakan ko ang braso niya at hinila kaonti patungo sa tabi ko. Tinitigan siya ni tita Andrea ng masama.
"'Wag kang makialam dito!" singhal niya.
"Tita Andrea…" tawag ko sa nanginginig na boses. Bumaling ito sa akin gamit ang galit na mga mata.
"Simula ngayon ayoko ng makita pa ang pamumukha mo, Alex. Ayoko na rin na makita kang lumalapit pa sa anak ko!" pasigaw nitong sambit.
"Ano?!" naibulalas ni Lari sa gilid.
"Tita, bakit naman p-" ako na naputol ang pananalita dahil lumabas ang doktor mula sa silid kung nasaan si Trevor.
"Kayo po ba ang ina ng pasyente?" aniya.
"Yes, ako nga." Bumaling si tita sa doctor. Bakas sa mukha ang labis na pag-aalala. "How's my son, doc?" Ang lahat ng atensiyon ni tita ay nasa doctor na ngayon.
"I'm sorry to tell this, but Mrs. your son isn't in a good condition right now. Malala ho ang naging damage nito sa ulo niya. Wala naman kaming nakitang nabasag o naapektuhan sa bungo niya ngunit maraming dugo ang nawala sa kanya kaya kailangan namin siyang masalinan sa lalong madaling panahon." Paliwanag ng doktor. "Sa ngayon ay patuloy pa rin namin siyang inoobserbahan dahil posibleng may namuong dugo sa utak nito. And I want to be honest, Mrs. there's a possility that your son will be in coma," dagdag niya.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig. Nanghina ako. Kung wala si Lari sa tabi ko, siguro'y kanina pa ako bumagsak sa sahig.
Isang hikbi ang kumawala sa bibig ko hanggang sa nagtuloy-tuloy na ito. Niyakap agad ako ni Lari.
'Kasalanan mo 'to, Alex! Ang tanga-tanga mo!'
Kung sana ipinaliwanag ko na lang sa kanya ng maayos. Kung sana pina-intindi ko na lang. Kung sana hindi ako naging makasarili. Kung sana mas nilawakan ko pa ang pag-iisip ko. Edi sana hindi ito mangyari kay Trevor. Kasalanan ko 'to!
Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa kanya. Please…
"Gagawin ko ang lahat, doc. sabihin mo lang sa akin ang dapat kong gawin maligtas lang ang anak ko,".si tita na humahagulgol na.
"Katulad ho ng sinabi ko kanina, kailangan niyang masalinan ng dugo sa lalong madaling panahon. Type AB po ang kailangan naming isalin sa kanya," aniya.
Hindi ko na napigilan ang sarili kong magsalita. "Doc. ako po," sabi ko. Pareho silang bumaling sa'kin ni tita.
"Sige, hija. Sumama ka sa'kin," aniya. Agad akong sumunod sa kanya.
"Hindi." Napatigil kami sa paglalakad nang magsalita si tita.
Tiningnan ko siya. Tinapunan niya ako ng blankong tingin bago bumaling sa doktor.
"Type AB ako. Ako ang magbibigay sa anak ko," aniya.
"Tita…" mahina kong sabi. Hindi ito pinansin ni tita at siya na ang unang naglakad kasama ng doktor.
Naiwan kami ni Lari sa kinatatayuan habang pinapanuod lang ang paglalakad palayo nila tita hangggang sa mawala na sila sa paningin namin.
Naitakip ko ang dalawang palad ko sa mukha ko dahil sa pagkabigo.
"Alam mo, Alex, kanina pa ako nanggigigil sa mommy ng boyfriend mo, ha?! Hindi ko gets kung bakit ikaw ang biglang sinisisi niya! Hindi mo naman inutusan si Trevor na magpakalasing tapos magmaneho pa. Kasalanan 'to ni Trevor, e…" mahabang litanya ni Lari.
"Lari, please…" pakiusap ko. Parang sasabog na ang ulo ko sa kaka-isip.
"Okay fine, sorry. Pero Alex, anong plano mo?" aniya. Pumikit ako ng mariin at malalim na bumuntonghininga. Nanatili lang akong tahimik.
Sumulyap ako sa pintuan kung saan nasa loob si Trevor ngayon.
"'Babe, please… hold on… hindi puwedeng may mangyaring masama sa'yo. Please lang. Pangako kapag gumising ka hindi na kita hihiwalayan pa, please…'"Oy! Saan ka pupunta?!" Si Lari nang nagsimula akong maglakad paalis doon. Hindi ko siya kinibo. Naramdaman ko ang pagsunod niya sa akin.
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad patungo sa lugar kung saan sigurado akong naroon sina tita.
Nang makarating doon ay huminto ako sa gilid ng pintuan na bahagyang nakabukas ng kaonti.
"Alex, anong ginagawa mo?" bulong ni Lari sa gilid ko, na nakasunod pa rin pala.
"Sorry Mrs. Hadson, pero hindi po kayo maaaring magsalin ng dugo-" Hindi ko na narinig pa ang kasunod na sinabi ng doktor dahil may mga nurses na dumaan at malakas na nagkukuwentuhan.
Nakita ko na lang na tumayo si tita at ang doktor na parang may seryosong pinag-uusapan at mukhang palabas na, kaya naman agad kong hinila si Lari at nagtago sa gilid ng hallway para hindi kami makita ni tita.
Ibig bang sabihin niyan, hindi puwede si tita?
Nang nakita kong tuluyan nang nakalayo sina tita ay bumalik ako sa silid kung nasaan sila kanina.
"Kinakabahan ako sa'yo, Alex." Bulong-bulong ni Lari sa tabi ko.
Hindi na ako nagdalawang isip pang pumasok doon. Naabutan ko ang isang nurse at isang babaeng doktor. Pareho silang bumaling sa amin ni Lari.
"Yes?" anang doktor.
"Uhh… tungkol po sa pasyenteng si Trevor Hadson…" sabi ko.
Nakita ko ang pag scan ng nurse sa kanyang chart. "'Yong bagong pasyenteng nangangailang salinan ng dugo, doc." sabi nito sa doktor.
"Gusto ko po sanang mag-donate sa kanya," sambit ko.
Tumango ang doktora. "May I know how are you related to him?" tanong niya.
"B-boyfriend ko ho siya," sabi ko.
"Anya," tawag nito sa nurse at may isinenyas.
Nagsimula akong i-assist ng mga ito. Tinanong nila ako ng kung ano-anong may kinalaman sa kalusugan ko para siguradong maaari nila akong kuhanan ng dugo hanggang sa tuluyan na nga nila akong kuhanan.
Pinapanuod lang ako ni Lari na tahimik na nakaupo sa gilid.
Hindi ko na ininda pa ang sakit na nararamdaman habang kinukuhan ng dugo. Ang mahalaga sa akin ngayon ay ang maligtas si Trevor.
Nakiusap ako sa doktor at sa nurse na huwag na lang nilang sabihin sa mommy ni Trevor na ako ang nag-donate ng dugo.
Tapos na ang oras ng training nang makabalik ako sa assigned ward ko. Tulad ng inaasahan ay nagpagsabihan na naman ako. Binigyan na rin ako ng warning at sinabing kapag mauulit pa ito ay makakarating na ito sa paaaralan namin, ngunit sa panahong iyon ay wala na akong pakialam pa. Si Trevor na lang ang tanging naging laman ng isipan ko.
Hinatid ako ni Lari sa bahay nang gabing iyon. Umaga na yata ako nakatulog o hindi ko alam kung nakatulog nga ba talaga ako.
Sinag ng araw mula sa bintana ang nagpamulat sa akin kinabukasan. Ramdam ko ang hapdi ng mata ko pagkadilat.
Napasulyap ako sa orasang nasa dingding at nagulat ako nang makita kong alas onse na ng umaga. Lahat ng antok ko ay nawala at naging gising na gising ang sistema ko.
Agad akong nagtungo sa banyo para maligo.
Mamayang gabi pa dapat ang punta ko sa ospital pero dahil gusto kong makita si Trevor, pagkatapos mag-ayos ng sarili at kumain ay nagtungo na ako roon.Nang makarating, agad akong nagtungo sa nurse station.
"Trevor Hadson," sambit ko. Nakita kong ini-scan ng nurse ang chart. Tumingin ito sa'kin nang siguro'y nahanap na niya.
"Room-"
"Oy, Anika," tawag ng nurse na katabi niya. Kumunot naman ang noo ng huli. Bumaling ito sa akin. "Kaano-ano ka niya, miss?" medyo mataray nitong sabi.
"Girlfriend niya ako," walang prenong sabi ko. Bahagya niya akong tinaasan ng kilay bago lumapit sa kasama at may ibinulong rito. Parang kumukulo ang dugo ko sa asal ng nurse na ito. Buti na lang at wala akong panahong patulan siya ngayon.
"Pasensiya na, miss," napatingin ako sa nurse na una kong nakausap. Kumunot naman ang noo ko. "Bilin ho kasi sa amin ni Mrs. Hadson na 'wag kang palapitin sa anak niya," nalulungkot niyang sambit, samantalang ang isa naman ay napangisi.
Umigting ang panga ko sa narinig, lalo pa sa isang nurse na ito. Imbes na ipagpilitan ko pa ang gusto ko, walang sabi na lang akong umalis doon.
Alam ko namang kasalanan ko kung bakit narito si Trevor ngayon sa ganitong sitwasyon. Pero bakit parang sobra na yata si tita Andrea, na pati ang makita ko lang si Trevor ay ipagkakait pa niya.
Nagsimula akong maglakad-lakad sa mga hallways. Kung kailangan kong isa-isahin ang bawat kuwarto sa ospital na ito ay gagawin ko mahanap ko lang si Trevor ay gagawin ko.
Halos tatlong oras na ang nakakalipas, hindi ko pa rin nahanap kung nasaan si Trevor, nakarating na rin ako sa ika-apat na palapag. Sana lang talaga mali ang hinala ko. Na wala naman na talaga si Trevor sa ospital na 'to.
Pasuko na sana ako nang mahagip ng paningin ko si tita Andrea na kakalabas lang mula sa isang pribadong silid, kasama ang doktor na kausap din niya kahapon. Agad akong nagtago. Hinintay ko silang makalayo bago ako nagmadaling pumasok sa kuwarto kung saan sila galing.
Bumuntonghininga ako ng malalim para mawala ang kabang nararamdaman. Pagkatingin ko sa kama ay tumambad sa akin ang walang malay na si Trevor.
Parang nabiyak ang puso ko nang makita ang itsura niya ngayon. Balot ng benda ang ulo. May mga bakas ng gasgas sa braso. May nakasuporta rin sa kanyang oxygen.
Kahit nanghihina ay pinilit kong makalapit sa kanya. "Trevor…" basag ang boses na sambit ko kasabay nito ay ang tuluyang pagbasak ng mga luha ko. "Babe, sorry…" Gamit ang nanginginig na kamay ay hinawakan ko ang pisngi niya.
Tunog lang ng monitor at ng hikbi ko ang tanging maririnig sa silid.
Pinagmasdan ko lang siya habang patuloy na bumabagsak ang mga luha ko.
Natigilan ako nang bumukas ang pinto. Agad akong bumaling dito, natatakot na baka si tita ito.
"Miss, anong ginagawa mo rito?" Ang nurse na nasa station kanina. "Hindi ka puwede rito miss, mapapagalitan kami," mabait nitong sambit.
"Parang awa mo na, sandali lang," pakiusap ko.
"Sige, pero tatlong minuto na lang ang maaring ibigay ko sa'yo ha?" aniya.
"Salamat…" Tumango lang ito sa akin bago ako iniwanan sa silid. Sa tatlong minutong 'yon ay tinitigan ko lang si Trevor. Kinausap at nagdasal na sana ay magising na siya.
Halos dalawang linggo na gano'n ang naging set-up ko para malayang makita si Trevor. Sa tulong ni Anika- 'yong mabait na nurse. Tuwing oras ng check-up niya kay Trevor ay ite-text na niya ako. Minsan kasama ko si Lari, madalas ako lang.
Halos dalawang linggo na pero hindi pa rin nagigising si Trevor.
Sabado ng gabi, nakatanggap ako ng mensahe kay Anika, may importanteng lakad daw si tita Andrea at siya ang napiling magbantay kay Trevor. Hindi ko na pinalampas pa ang oras at agad na akong nagtungo sa ospital.
Isang mahinang pisil sa kamay ko ang gumising sa akin, nagmulat ako ng mga mata at natantong nasa ospital ako ngayon.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong gising na si Trevor!
"Babe!" naibulalas ko at agad kong kinuha ang telepono para matawagan si Anika.
"Anika, si Trevor!" 'yon lang ang sinabi ko bago binaba ang tawag.
"Babe?" mahinang sambit niyang ikinatigil ko. Kita ko ang pagtataka sa mukha niya.
"M-may masakit ba?" nanginginig kong sambit. Kumunot lalo ang noo niya.
"Nurse, can you give me water, please?" nanghihina nitong sabi. Bahagyang bumuka ng kaonti ang labi ko. May gusto akong sabihin ngunit walang lumalabas na boses sa bibig ko.
"Miss?" aniya.
"Trevor, n-nagbibiro ka ba?" ako.
Bahagyang lumukot ang mukha niya dahil yata sa may kirot na naramdaman. Nag-alala ako kaya agad ko siyang nilapitan.
Saktong paglapit ko ay ang pagbukas ng pinto at ang sunod-sunod na pagpasok ng ilang nurses kasama na si Anika at ang doktor ni Trevor, pati na rin si… tita.
"Anak are you, okay?" Nag-aalalang tanong nito.
"Who are you?" Si Trevor. Ang salita niyang 'yon ang nagkumpirma sa'kin ng hinala ko.
Trevor lost his memories…
"Anak, I'm your mom," si tita na halos magmakaawa ang boses.
Halos mapatalon ako sa gulat ng sumigaw ng malakas si Trevor dahil sa sakit ng nararamdaman.
"Babe…" ako sa mahinang boses.
Agad siyang inasikaso ng doktor at nurses. Hinila naman ako ni Anika palayo doon. "Alex, umalis ka na bago ka pa maharap ng mommy ni Trevor. Ako na ang bahala rito, babalitaan agad kita," aniya sa nag-aalalang boses.
"Hmm…" daing ko nang maramdaman ko ang isang banayad at marahang halik sa aking labi na siyang tuluyang gumising sa akin.Hindi pa man ako nagmumulat ng mga mata ay kumurba na ang labi ko para sa isang malawak na ngiti. I slowly opened my eyes. My smile grew wider when my eyes met Trevor's handsome face."Good morning, babe," he said with his husky voice. Ang kanyang mga mata ay namumungay na nakatitig sa akin."Morning…" pagbati ko sa mahinang tinig na halos hindi ko rin narinig ang sarili ko.Trevor laughed huskily and then he pinch my nose. I pouted.A ghost of a smile is hiding on his red lips as he stares at me intently. I pouted more because of that.He grinned. Pinatakan niya ako ng isang mabilis na halik sa labi bago siya tuluyang ngumiti."I love you, Alex, " aniya sa mababang boses. Ang kaninang masayang ngiti sa labi ay unti-unting naglaho at napalitan ng malungkot na ngiti. Kumunot ang noo ko.Ku
Umiyak lang ako ng umiyak pagkatapos kong balikan muli ang mga masasakit na ala-alang 'yon nang nakaraan.Hinayaan at dinamayan ako ni Lari hanggang sa hindi ko namalayang nakatulog na pala ako, marahil ay dala na rin nang pagod sa pag-iyak, pati na rin nang hindi magandang pakiramdam.Nang mga sumunuod na mga araw ay naging maayos naman na ang pakiramdam ko. May mga gabi pa rin na dumadalaw si Trevor sa panaginip ko, siguro ay dahil madalas ko na naman siyang iniisip. Hindi ko na lang ipinaalam kay Lari ang tungkol dito dahil alam kong ayaw din naman niyang pag-usapan pa namin ito.Lari:Sa'n ka na, Alex? Hindi pa tapos shift mo? Nandito na kami sa cafeteria. Bilisan mo at gutom na ang mga bulate ko sa tiyan.Napailing na lang ako pagkabasa ko sa text message ng aking kaibigan. Napakagat ako ng labi para pigilin ang tawa nang ma-imagine ko kung ano ang itsura niya habang tinitipa ang mensahe'ng 'yon para sa akin.Lari talaga...Agad
"Miss Gabrini?"Isang kalabit mula sa katabi kong si Lari ang siyang gumising sa aking diwa. Taka akong bumaling sa kanya."Kanina ka pa tinatawag ni Prof. lutang ka na naman." Bulong nito.Doon ko lamang napagtanto na nasa paaralan pa nga pala kami at kasalukuyang nagkaklase."Miss Gabrini, are you okay?" malumanay na tanong ni Prof. Degracia sa harapan."Yes Prof. I'm sorry, ano nga po ulit 'yong tanong n'yo?" tugon ko sa nahihiyang boses dahil pinagtitinginan na pala ako ng mga kaklase ko."What DNA stands for? And give at least five importance." Tumayo ako at sumagot sa tanong niya. Nasagot ko naman ng tama. Mabuti na lang at nag-advance reading na ako kagabi pa."Bakit ba tulala ka na naman sa klase kanina ha, Alex?" ani Lari sa nagtatakang boses habang kumakain ng sandwich na binili namin.Kasalukuyan kaming nakaupo sa may damuhan sa gilid ng soccer field. Bago ko sagutin ang tanong niya, uminon muna ako ng tubig.
Tulala ako sa kawalan habang nasa tabi ng boyfriend kong si Trevor, na ngayon ay mahimbing nang natutulog.Malungkot ko siyang tinitigan. Dahan-dahan kong hinaplos ang pisngi niya, mapait akong ngumiti.Bakas sa mukha ni Trevor ang lungkot at pagod kahit pa mahimbing na siyang natutulog, tila bang sa himbing ng tulog ay parang ngayon lamang siya nakapagpahinga ulit nang maayos.Halos dalawang linggo na ang nakakalipas magmula nang lumabas ang resulta ng bar exam, halos dalawang linggo na rin akong abala sa intern ngayon.Ngayong araw ang isa sa mga pinakamasakit na pangyayari sa buhay ni Trevor.Sa halos isang buwan na pabalik-balik sa ospital at pagpapagamot ay tuluyan nang bumigay ang puso ni Tito Terrence, Daddy ni Trevor.Alam ko kung gaano kamahal ni Trevor ang mga magulang niya, lalo na ang Daddy niya, kaya labis din talaga akong nasasaktan para sa kanya.I know exactly what it feels like when losing your father. I've been in th
"T-Tita… ano po ang ibig niyong sabihin?" mahinang sambit ko..Bahagya akong umatras nang kaonti mula sa kanya, alam ko ang ibig niyang sabihin. Malinaw sa akin ang gusto niyang gawin ko, pero ayaw itong tanggapin ng sistema ko.Hindi ko yata kayang pakawalan si Trevor… Sa halos limang taon na palagi kaming magkasama, nakadepende na ang buhay ko sa kanya. Hindi ko kayang isipin na mabuhay nang wala siya.Kaya kong tiisin ang mga panahong hindi kami magkasama, lubos ko 'yong nauunawaan. Ang mahalaga, kahit na sobrang abala kami sa pag-aaral ay nananatili ang matatag naming komunikasyon sa isa't-isa.Iniyak ko lahat ng sama ng loob ko sa loob ng kuwarto pagka-alis ni Tita Andrea sa bahay.Hindi ko lubos maintindihan kung bakit niya hinihiling na hiwalayan ko si Trevor, hindi ko naman ikinukulong si Trevor sa buhay ko. Kaya 'kong umintindi sa abot ng makakaya ko. I can compromise.Kung kinakailangan naming mag long distance re
"Oh, shit!" Halos mabuwal si Lari sa kanyang kinauupuan sa labis na gulat nang bigla akong tumayo.Maging ako ay nagulat din nang makita ko si Trevor na papasok sa cafeteria kung saan kami pansamantalang nagpapahinga ni Lari.Ang bilis at lakas ng kabog ng puso ko. Suot ni Trevor ang hindi ko maipaliwanag na emosyon."Lari, mauuna na pala ako." Agad kong kinuha ang bag ko mula sa mesa. Hindi ko na hinintay pang sumagot ito. Nagsimula na akong maglakad palabas. Sa kabilang pinto ako dumaan.My heart keeps on pounding so loudly that I could almost hear it."Oy, Alex! Hindi mo pa oras ah?" tanong pa nito na hindi ko na pinansin at nagpatuloy na lang sa paglalakad.Hindi pa niya nakikita si Trevor dahil nakatalikod siya rito."Trevor, nandito ka pala. Alex, nandito si Trevor oh!" malakas na sambit ni Lari na may halong pang-aasar pa.'Shit… 'yon na nga Lari, e!'Mas binilisan ko pa ang paglalakad. Eksaktong pagkalabas

Natigilan ako sa ginawang pag sampal sa'kin ni tita. Minuto na ang lumipas ngunit nanatili sa pisngi ko ang pakiramdam, parang nakalapat pa rin sa pisngi ko ang mainit niyang palad. Sa sobrang lakas no'n, sigurado akong namumula na ito ngayon.Masakit, oo. Pero doble ang sakit sa puso ko dahil ramdam ko ang galit niya.Para akong nalagutan ng hininga. Nakatitig lang ako kay tita Andrea. Masama pa rin ang tingin sa akin, bakas sa mukha ang pagkamuhi sa'kin. Ngunit sa kanyang mga mata ay kita pa rin ang pag-aalala, siguro ay para kay Trevor.Gamit ang nanginginig na kamay ay sinubukan ko siyang hawakan. "Tita…"Bumagsak ang mga luha ko nang tinabig niya ang kamay ko at umatras siya ng kaonti na para bang nandidiri, na para bang hindi kami nagturingang pamilya."Kasalanan mo 'to!" sigaw niya."Tita, sorry… hindi ko naman po-""Ang sinabi ko pakawalan mo muna ang anak ko, hindi ko sinabing ipagpalit mo siya!" bulyaw niya.