Home / Romance / When Heart Forgets ( TagLish ) / Kabanata 2: Pakiusap...

Share

Kabanata 2: Pakiusap...

Author: jessavellagunias125
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

Tulala ako sa kawalan habang nasa tabi ng boyfriend kong si Trevor, na ngayon ay mahimbing nang natutulog.

Malungkot ko siyang tinitigan. Dahan-dahan kong hinaplos ang pisngi niya, mapait akong ngumiti.

Bakas sa mukha ni Trevor ang lungkot at pagod kahit pa mahimbing na siyang natutulog, tila bang sa himbing ng tulog ay parang ngayon lamang siya nakapagpahinga ulit nang maayos.

Halos dalawang linggo na ang nakakalipas magmula nang lumabas ang resulta ng bar exam, halos dalawang linggo na rin akong abala sa intern ngayon.

Ngayong araw ang isa sa mga pinakamasakit na pangyayari sa buhay ni Trevor.

Sa halos isang buwan na pabalik-balik sa ospital at pagpapagamot ay tuluyan nang bumigay ang puso ni Tito Terrence, Daddy ni Trevor.

Alam ko kung gaano kamahal ni Trevor ang mga magulang niya, lalo na ang Daddy niya, kaya labis din talaga akong nasasaktan para sa kanya.

I know exactly what it feels like when losing your father. I've been in that same situation years ago.

As long as I can, I'm not leaving Trevor's side. Even though, I'm also busy with internship.

Agad kong inalis ang kamay kong humahaplos sa pisngi niya nang bahagya itong gumalaw, akala ko'y nagising ko siya ngunit nakahinga ako nang malalim nang bumaling lamang ito sa kabilang banda.

Tumingin ako sa aking pang pulsong relo. Mag aala-sais na pala nang gabi, kailangan ko nang pumasok sa ospital.

Dahan-dahan akong tumayo mula sa kama. Inayos ko ang kumot sa katawan ni Trevor, pagkatapos ay ginawaran ko siya ng isang marahang halik sa noo.

Napangiti ako nang kumunot ang noo niya.

I know, everything will gonna be alright eventually. I just wish time to get faster. I can't wait to see Trevor wear his genuine smile again.

Sa kanilang malawak na tanggapan, sa kanilang bahay ay doon nakaburol ngayon ang mga labi ni Tito Terrence.

I started to walk downstairs. Agad na hinanap ng paningin ko si Tita Andrea, Trevor's mother.

Maraming mga taong nakikiramay. Nandito rin ang ilang mga kamag-anak nila Trevor para tumulong.

Nilapitan ko si Tita Andrea nang mahanap ko siya. Naka-upo siya sa bandang unahan, nakatulala sa litrato ng asawa.

"Tita…" mahinang sambit ko ngunit sapat lang para marinig niya.

Malungkot itong bumaling sa'kin. "Aalis ka na, hija?" Tumango ako.

"Opo, Tita. Babalik na lang po ako rito mamaya kapag kaya pa ng oras ko," magalang kong tugon.

"Ayos lang, Alex. Salamat ha? Kumusta si Trevor?" aniya sa nag-aalalang boses. Ngumiti ako para hindi siya lalong mag-alala.

"Tulog na po siya, Tita," sambit ko.

"Salamat talaga," mahina nitong sinabi bago malalim na humugot ng hininga.

"Wala po 'yon, Tita, handa akong tumulong sa abot ng aking makakaya." Yumuko ako nang kaonti para yakapin siya. Naramdaman ko naman ang pagyakap niya pabalik.

"Nag-dinner ka na, Alex?" si Lari nang magkasalubong kami sa corridor ng ospital. Sa parehong ospital namin napiling mag-intern.

"Oo." pagsisinungaling ko.

Inismiran niya ako at tumingin sa kaniyang wrist watch bago bumaling ulit sa'kin.

"Huwag ka nga! Alam kong hindi pa, nagtitipid ka na naman. Nagugutom ako, tara libre kita," ani Lari sabay hila sa'kin patungong canteen.

"Huwag na, Lari. Busog pa naman ako at saka nagdi-diet ako," tanggi ko sa alok niya.

Hindi naman talaga ako nagdi-diet o kung ano pa man. Nakakahiya lang kasi, palagi na lang niya akong nililibre.

Ang totoo kasi niyan, nagtitipid talaga ako, lalo na ngayon. Magastos ang pag-asral ng nursing, lalo na ngayong pa-graduate na ako kaya mas lalong kailangang magtipid.

Ang tanging nasasandalan ko lang para makapagpatuloy sa pag-aaral ay ang scholarship na inaalagaan ko mula pa noong freshmen.

Tinutulungan din naman ako ni Trevor sa mga expenses pero siyempre hindi naman puwedeng laging ganoon na lang.

May allowance rin naman akong sapat para sa mga gastusin. Tuwing wala kasing pasok sa paaralan, naglilinis ako sa bahay ng isang Doktor na kaibigan ni Papa.

Medical Technician si Papa noon, siya ang dahilan kung bakit ginusto ko ring pumasok sa field ng medicine. Pangarap namin itong dalawa. Samantala, ang gusto ni Mama para sa akin ay mag-aral ng abogasya.

"Girl, Wala yata sa vocabulary natin ang diet 'no! Tara na, remember bawal tumanggi sa grasya!" aniya habang nakataas pa ang kilay. Wala na akong nagawa nang nahila niya ako ng tuluyan.

"Isa pang pilit mo friendship over na tayo!" madramang utas ni Lari habang nilalantakan ang Adobo.

Napabuntonghininga na lang ako, ibinalik ko ang pera ko sa aking wallet. Pinipilit ko kasing bayaran 'yong in-order niyang pagkain para sa'kin.

Ayoko lang  naman isipin ng iba na inaabuso ko ang kabaitan ng mga taong nakapaligid sa akin.

Imbes na makipag pilitan pa sa kanya, kumain na lang din ako.

"By the way, How's Trevor?" tanong niya.

Uminom muna ako sa aking soda bago sagutin ang tanong niya.

"Siyempre malungkot siya at pagod." Napabuntonghininga ako nang malalim, iniisip na sana ay mahimbing pa rin ang tulog ni Trevor.

He deserves to rest. Maraming oras ang iginugol niya noon sa pagpasok sa review center, nakakapagod kaya 'yon. Puro aral lang siya at walang pahinga sa halos isang taong pagre-review para lang mag-top sa bar exam. Tapos hindi pa man tapos ang exam, sumunod namang pinagkaabalahan niya ay ang Daddy niya.

I'm guilty that I wasn't by his side the time his father died. Sigurado akong napakasakit no'n para sa kanya.

"Grabe 'no? Napaka-unexpected din talaga 'yong nangyari, parang kailan lang nakikita ko pa si Tito Terrence na sobrang lakas, tapos ngayon, wala na siya," malungkot niyang sambit. "Kawawa naman si Trevor," dagdag pa nito.

Nagpatuloy lang kami ni Lari sa pagkain. Nagkuwentuhan kami tungkol kay Trevor hanggang sa oras na para mag-training.

Pareho kaming na-assign sa night shift ni Lari for the whole internship, 'di nga lang kami pareho ng ward.

Itinuturo ng supervisor ko sa akin ngayong gabi, kung paano ang tamang pagkuha ng dugo sa isang pasyente, for blood test. 

Pinapanuod ko siya habang dini-demo sa'kin kung paano ito gawin sa totoong tao.

"Relax, dear, mabilis lang 'to" ani Doktora gamit ang kalmadong boses sa dalagang pasyente.

May idea na ako kung paano ang mga tama at dapat gawin sa pagkuha ng dugo sa isang pasyente, although hindi ko pa siya nagagawa sa totoong tao.

"Next week, I'll let you do it. I'll be watching you," ani Doktora Honey habang naglalakad kami sa hallway. Ang tinutukoy niya ay ang itinuro niya sa akin kanina.

Ngumiti ako sa kanya at marahang tumango.

"Yes, Doc," magalang kong sagot at ngumiti ng kaonti.

"Alright, I guess that's for tonight. See you tomorrow." She then pat my shoulder and left.

Humihikab ako habang binubuksan ang kandado ng pintuan sa bahay. Pagkapasok, dumiretso ako sa kusina para uminom ng tubig.

Hating-gabi na nang matapos ang training ko ngayon. Usually, apat o hanggang limang oras ang training.

Pagkapasok naman sa kuwarto ay nilapag ko ang bag ko sa ibabaw ng kama at kinuha ang tuwalya bago pumasok sa banyo para maligo.

Hindi na ako makakapunta kina Trevor ngayon, inaantok na rin talaga ako at saka isa pa sobrang late na rin, dadalaw na lang ulit ako doon bukas bago pumuntang ospital.

Pagkatapos maligo at magbihis ng pantulog, dumiretso naman ako sa harap ng salamin para magsuklay.

Habang nagsusuklay, nakita ko mula sa salamin ang pag-ilaw ng cellphone kong nasa ibabaw ng unan ko.

Taka naman akong tumayo at lumapit doon. Tinignan ko ang orasan at halos ala-una na nang madaling araw.

Sino pa kaya ang posibleng tatawag sa akin sa ganitong oras? Natigil naman ang pagtataka ko nang makitang si Trevor ang tumatawag. Agad kong dinampot ang cellphone ko at agad itong sinagot. Umupo ako sa kama at isinandal ang likod sa head rest nito.

Trevor's bloodshot and worn eyes greeted me on the screen. Medyo madilim kung nasaan siya ngayon, pero kita pa rin naman ang mukha niya.

"Why didn't you wake me up earlier, when you left?" He said huskily, kakagising lang yata.

Hindi ko maiwasang hindi mapangiti nang marinig ang boses niya.

Kahit bakas sa mukha ang puyat at pagod hindi pa rin maaalis na guwapo talaga  siya.

"And why are you smiling?" aniya sa mapaglarong boses.

Humalakhak ako. "Nothing... I just miss you," sambit ko sa malambing na boses. Unti-unti namang sumilay ang ngiti sa labi niya.

"I missed you too. Can I see you?" aniya.

"Gabi na... Bukas na lang." Nginitian ko siya.

Trevor pouted. "Sige na, babe. I want to feel your hug kahit sandali lang," aniya.

Pabiro akong umirap sa kanya. Miss ko na rin siya. Sobra.

"Okay fine, kaso baka wala ng sasakyan," nag-aalangan kong sinabi.

"It's okay… I'm outside." Naniningkit ang mga mata kong tumingin sa kanya.

"Outside?" sabi ko sa nagdududang boses.

"Outside… your house." Bahagya namang nanlaki ang mga mata ko. Agad akong nagtungo sa gilid ng bintana para silipin kung totong nando'n nga siya.

Napasapo ako sa noo ko nang makita ko siyang nakasandal sa poste ng street light.

"Ikaw talaga!" singhal ko. Humalakhak lamang siya.

Agad akong bumaba para puntahan siya.

Pagkabukas ko ng pintuan ay bumungad na agad siya sa akin.

"Bakit pumunta ka p-" Naputol ang panenermon ko sana sa kanya nang walang pasubali niya akong hinagkan.

Ramdam ko ang higpit nito kaya niyakap ko na lang din siya pabalik.

Sa bahay natulog si Trevor nang gabing 'yon.

Makalipas pa ang ilang araw ay nilibing na rin ang ama ni Trevor.

Dalawang araw, makalipas ang libing ay nagulat ako nang bumisita sa bahay si Tita Andrea.

"Alexandria…" tawag nito.

Hindi ko nagawang tumingin sa kanya, abala ako sa pagbabasa sa iniabot niya sa aking white envelope.

Isa itong imbitasyon mula sa isang sikat na Law firm company sa Chicago. Sumaya ang puso ko pagkabasa nito, ito 'yong company na pangarap pasukan ni Trevor sa ibang bansa!

Oh my God! Sobrang saya ko!

Nakangiti akong bumaling kay Tita Andrea, ngunit kumunot ang noo ko nang nakita ang pagkislap ng kanyang mata dahil sa mga namumuong luha.

"T-Tita…" kinakabahan kong sambit.

"Hija, alam mo namang pangarap ito ni Terrence para sa kanya hindi ba?" aniya sa nanginginig na boses.

Hindi ako nakapagsalita. Alam ko 'yon. Nanatili akong nakatitig kay Tita. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

"Ayaw tanggapin ni Trevor ang imbitasyong 'yan… dahil ayaw ka niyang iwan dito Alex," mahinang sambit niya.

Doon parang tinusok ang puso ko. Suportado ko si Trevor sa pangarap niyang ito pero hindi sumagi sa isip ko ang katotohanang sa ibang bansa nga pala ito… ibig sabihin… magkakalayo kami…

Hindi ko alam ang sasabihin ko dahil may pakiramdam na ako sa totoong dahilan niya kung bakit siya nandito ngayon, kung bakit siya ang nagsasabi ng bagay na ito sa akin at hindi si Trevor mismo.

Hinawakan ni Tita Andrea ang nanginginig kong mga kamay.

"Alex… nakikiusap ako…  pakiusap… pakawalan mo muna ang anak ko," halos pabulong na sambit ni tita, subalit napakalinaw sa pandinig ko.

Tuluyan  na akong nanghina nang mapagtantong tama ang nasa isip ko.

Related chapters

  • When Heart Forgets ( TagLish )   Kabanata 3: Break up

    "T-Tita… ano po ang ibig niyong sabihin?" mahinang sambit ko..Bahagya akong umatras nang kaonti mula sa kanya, alam ko ang ibig niyang sabihin. Malinaw sa akin ang gusto niyang gawin ko, pero ayaw itong tanggapin ng sistema ko.Hindi ko yata kayang pakawalan si Trevor… Sa halos limang taon na palagi kaming magkasama, nakadepende na ang buhay ko sa kanya. Hindi ko kayang isipin na mabuhay nang wala siya.Kaya kong tiisin ang mga panahong hindi kami magkasama, lubos ko 'yong nauunawaan. Ang mahalaga, kahit na sobrang abala kami sa pag-aaral ay nananatili ang matatag naming komunikasyon sa isa't-isa.Iniyak ko lahat ng sama ng loob ko sa loob ng kuwarto pagka-alis ni Tita Andrea sa bahay.Hindi ko lubos maintindihan kung bakit niya hinihiling na hiwalayan ko si Trevor, hindi ko naman ikinukulong si Trevor sa buhay ko. Kaya 'kong umintindi sa abot ng makakaya ko. I can compromise.Kung kinakailangan naming mag long distance re

  • When Heart Forgets ( TagLish )   Kabanata 4: Accident

    "Oh, shit!" Halos mabuwal si Lari sa kanyang kinauupuan sa labis na gulat nang bigla akong tumayo.Maging ako ay nagulat din nang makita ko si Trevor na papasok sa cafeteria kung saan kami pansamantalang nagpapahinga ni Lari.Ang bilis at lakas ng kabog ng puso ko. Suot ni Trevor ang hindi ko maipaliwanag na emosyon."Lari, mauuna na pala ako." Agad kong kinuha ang bag ko mula sa mesa. Hindi ko na hinintay pang sumagot ito. Nagsimula na akong maglakad palabas. Sa kabilang pinto ako dumaan.My heart keeps on pounding so loudly that I could almost hear it."Oy, Alex! Hindi mo pa oras ah?" tanong pa nito na hindi ko na pinansin at nagpatuloy na lang sa paglalakad.Hindi pa niya nakikita si Trevor dahil nakatalikod siya rito."Trevor, nandito ka pala. Alex, nandito si Trevor oh!" malakas na sambit ni Lari na may halong pang-aasar pa.'Shit… 'yon na nga Lari, e!'Mas binilisan ko pa ang paglalakad. Eksaktong pagkalabas

  • When Heart Forgets ( TagLish )   Kabanata 5: Lost

    Natigilan ako sa ginawang pag sampal sa'kin ni tita. Minuto na ang lumipas ngunit nanatili sa pisngi ko ang pakiramdam, parang nakalapat pa rin sa pisngi ko ang mainit niyang palad. Sa sobrang lakas no'n, sigurado akong namumula na ito ngayon.Masakit, oo. Pero doble ang sakit sa puso ko dahil ramdam ko ang galit niya.Para akong nalagutan ng hininga. Nakatitig lang ako kay tita Andrea. Masama pa rin ang tingin sa akin, bakas sa mukha ang pagkamuhi sa'kin. Ngunit sa kanyang mga mata ay kita pa rin ang pag-aalala, siguro ay para kay Trevor.Gamit ang nanginginig na kamay ay sinubukan ko siyang hawakan. "Tita…"Bumagsak ang mga luha ko nang tinabig niya ang kamay ko at umatras siya ng kaonti na para bang nandidiri, na para bang hindi kami nagturingang pamilya."Kasalanan mo 'to!" sigaw niya."Tita, sorry… hindi ko naman po-""Ang sinabi ko pakawalan mo muna ang anak ko, hindi ko sinabing ipagpalit mo siya!" bulyaw niya.

  • When Heart Forgets ( TagLish )   Kabanata 6: Without

    "Hmm…" daing ko nang maramdaman ko ang isang banayad at marahang halik sa aking labi na siyang tuluyang gumising sa akin.Hindi pa man ako nagmumulat ng mga mata ay kumurba na ang labi ko para sa isang malawak na ngiti. I slowly opened my eyes. My smile grew wider when my eyes met Trevor's handsome face."Good morning, babe," he said with his husky voice. Ang kanyang mga mata ay namumungay na nakatitig sa akin."Morning…" pagbati ko sa mahinang tinig na halos hindi ko rin narinig ang sarili ko.Trevor laughed huskily and then he pinch my nose. I pouted.A ghost of a smile is hiding on his red lips as he stares at me intently. I pouted more because of that.He grinned. Pinatakan niya ako ng isang mabilis na halik sa labi bago siya tuluyang ngumiti."I love you, Alex, " aniya sa mababang boses. Ang kaninang masayang ngiti sa labi ay unti-unting naglaho at napalitan ng malungkot na ngiti. Kumunot ang noo ko.Ku

  • When Heart Forgets ( TagLish )   Kabanata 7: Nakita

    Umiyak lang ako ng umiyak pagkatapos kong balikan muli ang mga masasakit na ala-alang 'yon nang nakaraan.Hinayaan at dinamayan ako ni Lari hanggang sa hindi ko namalayang nakatulog na pala ako, marahil ay dala na rin nang pagod sa pag-iyak, pati na rin nang hindi magandang pakiramdam.Nang mga sumunuod na mga araw ay naging maayos naman na ang pakiramdam ko. May mga gabi pa rin na dumadalaw si Trevor sa panaginip ko, siguro ay dahil madalas ko na naman siyang iniisip. Hindi ko na lang ipinaalam kay Lari ang tungkol dito dahil alam kong ayaw din naman niyang pag-usapan pa namin ito.Lari:Sa'n ka na, Alex? Hindi pa tapos shift mo? Nandito na kami sa cafeteria. Bilisan mo at gutom na ang mga bulate ko sa tiyan.Napailing na lang ako pagkabasa ko sa text message ng aking kaibigan. Napakagat ako ng labi para pigilin ang tawa nang ma-imagine ko kung ano ang itsura niya habang tinitipa ang mensahe'ng 'yon para sa akin.Lari talaga...Agad

  • When Heart Forgets ( TagLish )   Kabanata 1: Congratulations!

    "Miss Gabrini?"Isang kalabit mula sa katabi kong si Lari ang siyang gumising sa aking diwa. Taka akong bumaling sa kanya."Kanina ka pa tinatawag ni Prof. lutang ka na naman." Bulong nito.Doon ko lamang napagtanto na nasa paaralan pa nga pala kami at kasalukuyang nagkaklase."Miss Gabrini, are you okay?" malumanay na tanong ni Prof. Degracia sa harapan."Yes Prof. I'm sorry, ano nga po ulit 'yong tanong n'yo?" tugon ko sa nahihiyang boses dahil pinagtitinginan na pala ako ng mga kaklase ko."What DNA stands for? And give at least five importance." Tumayo ako at sumagot sa tanong niya. Nasagot ko naman ng tama. Mabuti na lang at nag-advance reading na ako kagabi pa."Bakit ba tulala ka na naman sa klase kanina ha, Alex?" ani Lari sa nagtatakang boses habang kumakain ng sandwich na binili namin.Kasalukuyan kaming nakaupo sa may damuhan sa gilid ng soccer field. Bago ko sagutin ang tanong niya, uminon muna ako ng tubig.

Latest chapter

  • When Heart Forgets ( TagLish )   Kabanata 2: Pakiusap...

    Tulala ako sa kawalan habang nasa tabi ng boyfriend kong si Trevor, na ngayon ay mahimbing nang natutulog.Malungkot ko siyang tinitigan. Dahan-dahan kong hinaplos ang pisngi niya, mapait akong ngumiti.Bakas sa mukha ni Trevor ang lungkot at pagod kahit pa mahimbing na siyang natutulog, tila bang sa himbing ng tulog ay parang ngayon lamang siya nakapagpahinga ulit nang maayos.Halos dalawang linggo na ang nakakalipas magmula nang lumabas ang resulta ng bar exam, halos dalawang linggo na rin akong abala sa intern ngayon.Ngayong araw ang isa sa mga pinakamasakit na pangyayari sa buhay ni Trevor.Sa halos isang buwan na pabalik-balik sa ospital at pagpapagamot ay tuluyan nang bumigay ang puso ni Tito Terrence, Daddy ni Trevor.Alam ko kung gaano kamahal ni Trevor ang mga magulang niya, lalo na ang Daddy niya, kaya labis din talaga akong nasasaktan para sa kanya.I know exactly what it feels like when losing your father. I've been in th

  • When Heart Forgets ( TagLish )   Kabanata 1: Congratulations!

    "Miss Gabrini?"Isang kalabit mula sa katabi kong si Lari ang siyang gumising sa aking diwa. Taka akong bumaling sa kanya."Kanina ka pa tinatawag ni Prof. lutang ka na naman." Bulong nito.Doon ko lamang napagtanto na nasa paaralan pa nga pala kami at kasalukuyang nagkaklase."Miss Gabrini, are you okay?" malumanay na tanong ni Prof. Degracia sa harapan."Yes Prof. I'm sorry, ano nga po ulit 'yong tanong n'yo?" tugon ko sa nahihiyang boses dahil pinagtitinginan na pala ako ng mga kaklase ko."What DNA stands for? And give at least five importance." Tumayo ako at sumagot sa tanong niya. Nasagot ko naman ng tama. Mabuti na lang at nag-advance reading na ako kagabi pa."Bakit ba tulala ka na naman sa klase kanina ha, Alex?" ani Lari sa nagtatakang boses habang kumakain ng sandwich na binili namin.Kasalukuyan kaming nakaupo sa may damuhan sa gilid ng soccer field. Bago ko sagutin ang tanong niya, uminon muna ako ng tubig.

DMCA.com Protection Status