“Anak, hindi ka na nanaginip,” pabulong na sabi ni mama, napapangiti pa. Sakto naman kasing lumingon siya sa akin habang napangiwi ako. Kinurot ko kasi ang sarili ko. Sinisigurado ko nga kung hindi ba ako na nanaginip. “Totoo ang lahat ng ‘to, anak, hindi panaginip at hindi gunuguni.” Natiim ko ang labi ko. Nagpipigil maiyak. Pero wala eh, talagang hindi ko kayang pigilin ang mga luha ko. Luha ng saya. “Mahal na mahal ka ni Ancel, anak. Hindi pa naman siya nakalabas ng kulungan ay pinaplano na niya ang lahat.” Bumuga ng hangin si mama. “Hindi ka man naging ma swerte sa amin ng papa mo, naging maswerte ka naman sa lalaking minahal mo. Ang swerte ni Baby Anaya dahil kayo ang mga magulang niya,” madamdamin na sabi ni mama, sabay ang banayad na haplos sa kamay kong nakahawak na sa braso niya.Tipid akong ngumiti at saka, bumuga din ng hangin. Luha ko ay nag-uunahan ng pumatak sa pisngi ko. Halo-halo na kasi ang nararamdaman ko. Saya, lito, basta, para lang naman akong nakalutang sa ere
Pawis at nag-iinit na ang magkahawak naming kamay ni Ancel. Ayoko kasing bitiwan dahil kung saan-saan na lang dumadapo ang kamay nitong pilyo kong asawa. Dumidilim na rin kasi, baka maisipan pa nitong sumuot kung saan mailabas lang ang init ng katawan. Hindi ko na nga muna siya nilingon. Bahala siyang pumisil-pisil sa kamay ko. Sa paligid ko na muna tinuon ang atensyon ko. Kasalukuyan na kasi naming binabaybay ang daan papunta ng El Canto, at ilang minuto na lang ay masisilayan na naming muli ang bahay-kubo na naging saksi ng pagmamahalan namin ni Ancel. Dito nga kasi niya gustong mag-honeymoon. No’ng una ay nagdalawang-isip ako. Iniisip ko kasi ang iisipin ng mga taga baryo. Bukod sa ang alam nila ay magkadugo kami. Ang alam ng lahat ay nawala ako dahil sumama sa ibang lalaki. Wala ni isang nakakaalam kung ano ba talaga ang nangyari sa akin. At malamang wala rin ni isang nakakaalam na mag-asawa na kami. Hindi naman kasi ugali ni nanay at tatay na makipagtsismisan sa mga kapitb
"Magpapakasal ka, sa ayaw mo't sa gusto!" hasik ni papa.Parang bomba na sumabog sa tainga ko ang salitang 'yon. Wala na akong marinig matapos ang nakabibinging katagang iyon.Nadatnan ko kasi itong magagaling ko'ng mga magulang na kausap ang tauhan ng taong pinagkakautangan nila. Rinig na rinig ko ang pag-uusap nila. Ako bilang kabayaran sa pagkakautang nila. Umalma ako pag-alis ng mga lalaking 'yon. At ito nga, sandamakmak na singhal ang inabot ko. Lahat na yata ng kamalasan sa buhay ay nasalo ko. May mga magulang nga akong tinatawag, pero hindi ko naman maramdaman ang pagmamahal nila. Magulang lamang sila kong tawagin pero ang gampanan ang tungkulin nila bilang mga magulang ko ay hindi nila magawa. "Mayaman ang mapapangasawa mo, Cahaya! Kaya tigilan mo na iyang kaartehan mo!" singhal ni Mama. "Ano ngayon kung mayaman? Hindi naman iyon ang issue dito. Ginawa n'yo po akong pambayad utang." Ang sakit, hindi na nga nila ako magawang mahalin. Ngayon naman ay basta na lamang nila ako
"Aya! 'Yong kambing mo, gumala na naman!" Nagising ang diwa ko nang marinig ang kambing. Ay este, si Cambelle. Matalik ko'ng kaibigan na mala kambing din ang bunganga kung makasigaw.Tinawag ko ang alaga kong kambing na agad namang lumapit sa akin. "Naku naman, Aya. Hindi mo pet ang kambing na 'yan para pangalanan mo at lalong hindi mo kambing 'yan. Tagapag-alaga ka lang. Ibibenta rin ni Mang Eban 'yan!" saway sa akin ng kaibigan ko.Bahagya akong natawa. Tama siya, tagapag-alaga ako. Iyan nga ang magandang tawag sa akin. Imbes na nurse sana, nauwi sa tagapag-alaga ng mga hayop. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, e 'di sana nag-veterenarian na lang ako. Dalawang taon na ang lumipas mula nong tumakas ako sa sarili kong mga magulang. Gano'n na katagal, ngunit sariwa pa rin sa alaala ko. Nandito pa rin sa puso ko ang hinanakit sa magulang ko. Pero kahit na ganoon ang ginawa nila. Hindi pa rin sila mawaglit sa isipan ko. Magulang ko pa rin kasi sila. Kahit hindi ko pa naramdama
Rinig na rinig ko ang malakas na dagundong ng dibdib ko, kasabay ang mabagal na paghakbang papunta sa nakita ko na parang pigura ng tao. "Aya!" pasigaw na tawag ni Belle sa pangalan ko. Bakas ang takot sa boses."Ouch!" Pigil ang pagdaing ko nang pabagsak akong napaupo at tumama ang puwet ko sa ugat ng punong-kahoy dahil sa biglang pag-atras. Hindi nga ako nagkamali. Tao nga ang nakita ko. Lalaking nakadapa at walang malay."Aya, halikana na, t-tara na sa bahay," nauutal at umiiyak na sabi ng kaibigan ko na pilit akong hinihila patayo, kaya lang parang nawalan ng lakas ang mga paa ko. At parang nabingi ako. Rinig ko ang mga sinabi niya na iwan na lang namin ang lalaki at ipagbigay alam na lang sa kapitan ang aming nakita, ngunit nanatili lang akong naka-upo malapit sa lalaki na hindi ko alam kung buhay o patay."Aya!" pabulong na sigaw ni Belle. "Halika na!" Hinila na niya ang damit ko at sinubukan na itayo. Pero hindi ko pa rin kayang tumayo. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kaibi
Sumiksik ako sa gilid ng kama at lalong napahigpit ang kapit sa kumot na ginawa ko nang panangga sa buong katawan. Pero ang hayop ay mukhang tuwang-tuwa at napangisi pa. Mabagal itong humakbang palapit sa akin.Paulit-ulit akong umiling. " 'W-wag kang lumapit!" nanginginig kong paki-usap. Nag-uunahang lumandas ang mga luha ko habang nakatingin sa lalaki na animo hibang at handang lapain ako.Ngisi at tingin niya lang nakakatakot na. Halos hindi na ako makahinga ng maayos sa lakas ng kaba ko. Napatingala ako nang tumapat na siya sa kama ko." 'Wag po!" Napapikit ako at napayuko nang umangat ang kamay niya. Halos lumabas ang puso ko sa takot. Napaka-hayop ng lalaking ito.Humagulgol ako nang bigla nitong hinablot ang kumot. Niyakap ko na lang ang sariling mga tuhod habang pikit-mata at pigil ang paghagulgol "Tumayo ka at magluto! Nagugutom ako!" singhal niya. Binalibag niya sa akin ang kumot na hinablot niya kanina. Lalo lamang akong humagugol sa ginawa niya. Nayakap ko na lamang ang l
"W-wala po," utal-utal kong sagot kasabay ang pag-ahon sa tubig.Lumublob na rin kasi ang hayop. At wala akong balak maligo kasabay ang hayop na lalaking 'yon. Parang magliliyab na kasi ang buong katawan ko sa init ng mga tingin niya. Sana nga kumulo na ang tubig at maluto siya."Iwanan mo 'yan!" singhal na naman nito. Kaagad akong huminto. Napatingin sa hawak na sabon. Wala naman kasi akong ibang hawak sabon lang at damit na isusuot ko sana. Pinatong ko na lamang sa bato iyon at walang lingon na umalis. Mabuti na lang at hinayaan niya akong umalis. Hindi na kasi ito nagsalita matapos kong ilapag ang sabon.Mabilis ang mga hakbang ko na bumalik sa kubo, at agad nagbihis. Muli naman akong nalungkot dahil sa pintong sinira na walang hiya. Talagang walang hiya. Hayop!Hindi ko na nagawang magsuklay at agad nang umalis ng kubo bago pa ako maabutan ng walang hiya.Hindi matigil ang pagpatak ng mga luha ko habang hila-hila ang alaga ko. Patakbo kong nilisan ang kubo na naging tahanan ko sa
"B-belle, tara na." Kasabay ng naramdamang kaba, ang mahigpit na paghawak ko sa braso ng kaibigan ko. Bumakas ang pagtataka sa mukha niya pero hindi nagawang magtanong dahil sa hitsura nitong lalaking papalapit sa amin na talaga namang makalaglag-panty. Pero iba ang kutob ko habang tanaw siya. Takot ang agad kong naramdaman at hindi paghanga. Takot na naramdaman ko lang sa lalaking hayop na aking tinulungan.Hinila ko na lamang si Belle. Halos walang kurap kasi na nakatitig sa lalaki. "Halika na Belle," gusto ko na siyang kaladkarin, makalayo lamang kami sa lalaking may kakaibang ngiti habang nakapako na ang tingin sa akin. "Aya, bakit ba?" tanong nito habang pinipilit na sabayan ang paghakbang ko."Bilisan mo na lang ang paglalakad, Belle, mamaya na ako magpapqliwanag ." "Do you really think, hahayaan kita na takbuhan uli ako?" Dumagundong ang boses niya mula sa aming likuran. Nagpatuloy kami sa paghakbang at hindi pinansin ang sinabi niya. "One more step, and you'll regret it!"
Pawis at nag-iinit na ang magkahawak naming kamay ni Ancel. Ayoko kasing bitiwan dahil kung saan-saan na lang dumadapo ang kamay nitong pilyo kong asawa. Dumidilim na rin kasi, baka maisipan pa nitong sumuot kung saan mailabas lang ang init ng katawan. Hindi ko na nga muna siya nilingon. Bahala siyang pumisil-pisil sa kamay ko. Sa paligid ko na muna tinuon ang atensyon ko. Kasalukuyan na kasi naming binabaybay ang daan papunta ng El Canto, at ilang minuto na lang ay masisilayan na naming muli ang bahay-kubo na naging saksi ng pagmamahalan namin ni Ancel. Dito nga kasi niya gustong mag-honeymoon. No’ng una ay nagdalawang-isip ako. Iniisip ko kasi ang iisipin ng mga taga baryo. Bukod sa ang alam nila ay magkadugo kami. Ang alam ng lahat ay nawala ako dahil sumama sa ibang lalaki. Wala ni isang nakakaalam kung ano ba talaga ang nangyari sa akin. At malamang wala rin ni isang nakakaalam na mag-asawa na kami. Hindi naman kasi ugali ni nanay at tatay na makipagtsismisan sa mga kapitb
“Anak, hindi ka na nanaginip,” pabulong na sabi ni mama, napapangiti pa. Sakto naman kasing lumingon siya sa akin habang napangiwi ako. Kinurot ko kasi ang sarili ko. Sinisigurado ko nga kung hindi ba ako na nanaginip. “Totoo ang lahat ng ‘to, anak, hindi panaginip at hindi gunuguni.” Natiim ko ang labi ko. Nagpipigil maiyak. Pero wala eh, talagang hindi ko kayang pigilin ang mga luha ko. Luha ng saya. “Mahal na mahal ka ni Ancel, anak. Hindi pa naman siya nakalabas ng kulungan ay pinaplano na niya ang lahat.” Bumuga ng hangin si mama. “Hindi ka man naging ma swerte sa amin ng papa mo, naging maswerte ka naman sa lalaking minahal mo. Ang swerte ni Baby Anaya dahil kayo ang mga magulang niya,” madamdamin na sabi ni mama, sabay ang banayad na haplos sa kamay kong nakahawak na sa braso niya.Tipid akong ngumiti at saka, bumuga din ng hangin. Luha ko ay nag-uunahan ng pumatak sa pisngi ko. Halo-halo na kasi ang nararamdaman ko. Saya, lito, basta, para lang naman akong nakalutang sa ere
“Belle, bilisan mo na! Bakit ba ang tagal mo?” Apura ko sa kaibigan ko na kanina pa nagmumokmok sa kwarto kasama si Baby Anaya. First birthday kasi ni Baby Anaya ngayon, at plano namin ay bibisitahin muna namin si Ancel, saka kami pupunta sa venue ng party. Pero dahil sa kabagalan nitong si Belle ay parang hindi na namin mapupuntahan si Ancel. Thirty minutes na lang kasi ay magsisimula na ang party at hindi kami pwedeng ma-late. Hindi rin pwedeng e-extend ang oras ng paggamit namin sa venue dahil may susunod pa na gagamit. “Ano ba, Belle!” Padabog akong nagpunta sa kwarto, at siya namang pagbukas ng pinto. Bumungad agad sa akin ang napaka-cute na mukha ni Baby Anaya at nakakainis na mukha ni Belle. “Akin na nga si Baby.” Binawi ko kay Belle si Baby. Hindi naman nagreklamo si Belle. Ngiting-ngiti pa nga ito habang sinusundan ako. “Sila Mama at papa?” tanong ko kay Camille. “Nauna na sila sa venue, kasama nila si nanay at tatay,” sagot naman ni Camille, sabay bukas ng pinto ng kotse
Hindi ko alam kung ngingiti ba ako o iiyak habang nakatitig kay Ancel na mahimbing na natutulog. Sa wakas ay nagkamalay na siya— sa wakas ay tapos na ang paghihintay ko. Kaya lang, matapos niyang ma-check ng doctor kanina ay nakatulog ulit siya. Hindi niya ako kinausap o ngumiti man lang, tumingin lang siya at saka pumikit ulit. Pero hinayaan naman niya ako na hawakan ang kamay niya hanggang sa makatulog siya. ‘Yon lang ay sapat na sa akin. Kasi naiintindihan ko naman kung bakit siya gano’n, kagagaling nga lang niya sa coma. At ang sabi nga ng doctor, pwedeng maging iritable siya o confused; normal lang daw na magpakita ng ibang emotion—ibang ugali ang mga taong galing sa coma. “Matulog ka lang, mahal ko. Dito lang ako sa tabi mo, hindi kita iiwan, kahit maging hayop o kahit maging demonyo pa ulit ang ugali mo, mamahalin pa rin kita. Alam ko kasi—” Nilapat ko ang palad ko sa dibdib niya. “Na itong puso mo ay mala-anghel naman at ako lang ang tinitibok. Napatunayan ko na kung gaan
Namali po ako ng update nito. In review na po ang edited chapter nito, baka bukas pa maayos. "Kabanata 57" kulang-kulang na chapter ang na update ko. Sa mga gustong mabasa ang complete na kabanata 57, paki delete muna sa library n'yo ang story na 'to then add n'yo na lang ulit. Pasensya na po. Malapit na sana matapos, saka naman nagkamali. Maraming salamat sa mga nagbabasa nito, kahit konti lang kayo ay ayos lang, at least may bumabasa. Sana mabasa n'yo rin ang ibang stories ko. May mga completed stories na rin po ako, may ongoing din po, pero slow update. Maraming salamat!
“Aya, heto na ang maligamgam na tubig at towel,” nakangiting sabi ni Belle, sabay lapag niyon sa bedside table. “Salamat, Belle,” nakangiti ko namang sagot, pero mga mata ko ay hindi na maalis sa kaibigan kong titig na titig sa lantad na katawan ni Ancel. Yes, Ancel survived. Pero in coma pa rin, magdalawang linggo na siyang ganito, at hindi ako nawawalan ng pag-asa. Hindi ko siya susukuan. No’ng araw nga na akala ko ay mawawala na siya ng tuluyan sa buhay ko, hindi ako sumuko, ngayon pa kaya na nakakahinga na siya na walang vintelator—walang life support. Alam ko, nararamdaman at naririnig niya ako, kaya hindi ako nagsasawang kausapin siya. Kinuwento ko sa kanya ang mga nangyayari sa buhay ko nitong mga nag-daang araw. Hindi lang naman kasi si Ancel ang nagpapagaling. Ako rin, nagpapagaling din ako mentally at emotionally. Hindi ko pa rin kasi nakakalimutan ang mga nangyari sa amin. Kahit struggling pa rin ako sa araw-araw kong buhay. Nilalakasan ko naman ang loob ko. Alam ko,
“Ibaba ang baril!” Sunod–sunod na putok ng baril pa ang narinig ko kasabay ang mga sigaw at mga utos. Bumagal ang galaw ng paligid ko nang makita ang mga pulis na pinaghuhuli ang mga tauhan ni Jax. At si Jax—nasa harapan ko, dilat ang mga mata at naliligo sa sariling dugo. “Ancel… ligtas na tayo!” Hagulgol ang kasabay ng sinabi ko. Dumating na rin ang medics at kasalukuyan nang inaasikaso si Ancel. “Ancel, lumaban ka… huminga ka!” Tuloy-tuloy ang patak ng luha ko habang pinapanood ang mga medics na ginagawa ang lahat maisalba lang ang lalaking mahal ko. Ramdam ko na may umalalay sa akin. May umasikaso na rin sa akin, pero wala sa kanila ang pansin ko. Nakatutok ang paningin ko kay Ancel. “He’s back!” Napatakip ako ng bibig kasabay ang impit na iyak nang marinig ang salitang ‘yon. Lumaban siya. Maya maya ay inilipat na siya sa streacher. Hanggang tanaw lang ako habang nilalayo nila sa akin si Ancel. Gusto kong sundan siya; gusto kong samahan siya, pero ubos na ang lakas ko, nahihi
“Ancel!” Nagsabay ang sigaw ko at hagulgol nang makita ang bakas ng dugo sa t-shirt niya. “Ancel…” Hindi agad ako nakagalaw; hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Nanginginig ang mga kamay ko na hinawakan ang sugat niya. Hinawakan naman niya ang kamay ko. “Aya, umalis ka na! Tumakbo ka na! Iwanan mo ako; tumakas ka na!” putol-putol na sabi ni Ancel. At sa kada salita niya ay may kasabay na da¡ng. “Sige na, Aya! Umalis ka na!" Sinubukan niya pa akong itulak, pero nagmatigas ako. Umiling-iling at muling itinakip ang mga palad ko sa sugat niya. “Aya, iligtas mo ang sarili mo, please…”Sa kada taboy niya sa akin ay paulit-ulit akong umiling at hindi nagpatinag sa mga tulak niya.”Ayaw kong umalis… Ancel. Hindi kita iiwan!” Hagulgol ang tumapos sa pagsasalita ko.“Ano ba, Aya, umalis ka na bago ka pa nila maabutan!” Pinilit niyang umupo at sumandal sa puno. Hawak na ng isang kamay niya ang sugat at baril naman ang hawak ng isa. Umiling-iling na naman ako. “Hindi, Ancel! Hindi kita iiw
Napasalampak ako sa mga tuyong dahon matapos ang putok na ‘yon. Akala ko, katapusan ko na. Akala ko mamamatay na ako sa kamay ng lalaking mahal ko, pero dalawang sunod-sunod pa na putok ang narinig ko. Rinig ko rin ang sunod-sunod na lagabog sa harapan ko. At hindi ko magawang tingnan kung ano ‘yon. Humagulgol ako habang nakatakip sa tainga ang mga kamay kong nanginginig. Hindi ko rin magawang idilat ang mga mata ko kahit naririnig ko pa na may papalapit sa akin. “Aya, tumayo ka na." Napabalikwas ako nang nararamdaman kong may humawak sa akin at niyakap ako. Narinig ko ang sinabi niya. Alam kong si Ancel ang yumakap sa akin ngayon, pero hindi ko magawang tingnan siya. Hindi ko magawang hawakan siya. “Aya, sorry…natakot ka, but I have no choice, kailangan kong gawin ‘yon. Iyon lang ang paraan para maligtas ka,” parang maiiyak na sabi ni Ancel. Haplos-haplos na rin niya likod ko. Hagulgol pa rin ang sagot ko. Pero kamay ko ay mahina nang sinuntok-suntok ang dibdib niya. Ni ang sab