Share

Kabanata 3

Author: sweetjelly
last update Last Updated: 2022-11-05 06:47:15

Sumiksik ako sa gilid ng kama at lalong napahigpit ang kapit sa kumot na ginawa ko nang panangga sa buong katawan. Pero ang hayop ay mukhang tuwang-tuwa at napangisi pa. Mabagal itong humakbang palapit sa akin.

Paulit-ulit akong umiling. " 'W-wag kang lumapit!" nanginginig kong paki-usap. Nag-uunahang lumandas ang mga luha ko habang nakatingin sa lalaki na animo hibang at handang lapain ako.

Ngisi at tingin niya lang nakakatakot na. Halos hindi na ako makahinga ng maayos sa lakas ng kaba ko. Napatingala ako nang tumapat na siya sa kama ko.

" 'Wag po!" Napapikit ako at napayuko nang umangat ang kamay niya. Halos lumabas ang puso ko sa takot. Napaka-hayop ng lalaking ito.

Humagulgol ako nang bigla nitong hinablot ang kumot. Niyakap ko na lang ang sariling mga tuhod habang pikit-mata at pigil ang paghagulgol

"Tumayo ka at magluto! Nagugutom ako!" singhal niya. Binalibag niya sa akin ang kumot na hinablot niya kanina.

Lalo lamang akong humagugol sa ginawa niya. Nayakap ko na lamang ang lukot na kumot. Lahat ng tapang na binuo ko para maipagtanggol ang sarili sa mga taong mapagsamantala ay naglaho na lamang bigla. Napalitan ng takot dahil sa hayop na ito.

"Tumayo ka na! Kung ayaw mong kaladkalarin pa kita!" duro niya ako. "Puro ka iyak, sakit ka sa tainga!" singhal na naman niya."

Taranta akong tumayo. "O-po... " utal kong tugon. Pinahid ko ang mga luha. Dali-dali akong lumabas ng kwarto, ni ang magtanggal ng muta o magsuklay hindi ko na nagawa. Bahala na kung magmukha man akong aswang. Kaagad ako'ng bumaba ng kubo.

"Saan ka pupunta? Tatakas ka?!" singhal ulit nito na nagpa-igtad sa akin. Nasa likod ko na kasi siya.

At kung makasinghal siya parang utusan niya ako. Hindi man lang ba nito naisip na kung hindi dahil sa akin maaring pinagpyestahan na siya ng mga langgam?

"H-hindi po. K-kukuha po ako ng itlog," nanginginig at mahina kong tugon.

Kumunot ang noo niya pero hindi ko na iyon pinansin. Hinawakan ko ang sariling mga kamay. Maawat ko man lang ang panginginig nito. Luha ko pa, hindi matigil sa pagpatak. Sa tingin ko, hindi ako mamamatay sa taga ng itak, kung hindi sa ataki sa puso.

Hindi na normal ang t¡bok ng puso ko. Nakakapanghina na. Nakakapagod. Pakiramdam ko bubulagta na ako dahil sa nararamdamang takot.

Nakamasid lamang ang hayop na lalaki habang naghahanap ako ng mga itlog sa paligid.

Pakalat-kalat lang kasi ang mga inahin kong manok kung mangitlog. Anim na itlog ang nakuha ko. Walang imik na pumanhik ako at agad nagsaing bago ko naman e-prito ang mga itlog.

Para namang buwayang gutom ang lalaki na nakaupo na sa hapag at hinintay akong matapos magluto.

"Matagal pa ba 'yan?!" singhal na naman nito.

Hindi yata marunong magsalita ng mahinahon ang hayop na ito. Hayop nga pala siya. Kaya hindi marunong magsalita ng mahinahon.

"T-tapos na po," tugon ko. Nilapag ko ang tatlong pritong itlog at pinatong sa lamesa ang maitim sa kaldero.

Nanlaki ang mga mata niya na tumitig sa kaldero at dahan-dahang nag-angat ng ulo. Masyado siyang atat. Kaya mag-tiis siyang harapin ang kalderong kasing itim ng ugali niya.

Hindi ko na hinintay na masalubong pa ang nakamamatay nitong tingin. Tumalikod na ako at hinanda na rin ang baon ko.

Walang imik ang lalaki habang kumakain. Pero ramdam ko ang titig nito mula sa likod ko. Matapos maihanda ang baon ko. Pumasok ako ng silid. Napanganga ako nang makita ang sirang pinto na ngayon ko lamang napansin. Kaya pala siya nakapasok kanina.

Nakuyom ko ang mga kamao at nilingon ang hayop. Pero agad din akong nag-iwas ng tingin nang makita ko ang ngisi nitong mala-demonyo.

Humarap ako sa cabinet, pinahid ang mga luha. Pinilit na ikalma ang sarili. Kahit ang hirap. Nag-ngitngit sa galit ang kalooban ko. Ang kubong inalagaan ko, sinira lamang basta nitong hayop na lalaki.

Ang sama ng loob ko pero wala akong magawa. Ano ba ang laban ko sa kaniya? Singhal at tingin nga lang niya ay nangangatog na ako at halos kapusin na ang paghinga. Ang sama-sama niya. Siguro pati yata mukha niya, kasing pangit din ng ugali niya.

Nanghihina ang buong katawan ko. Hindi ko pa alam kung hahayaan niya ba akong umalis ngayon o ikukulong niya ba ako at gawing utusan.

Ayoko namang magtanong, natatakot ako. Kumuha ako ng damit at tahimik na lumabas ng silid. Kinuha ko sa may lababo ang sabon panligo at shampo.

Yuko ang ulo ko na dumaan sa harap niya. Wala pa rin siyang imik, ngunit kita ko sa gilid ng aking paningin ang pagsunod niya sa galaw ko.

Talagang sinundan niya ang bawat galaw ko. Hinintay ko lang din naman kung ano ang sasabihin niya. Nasa sala na ako, ngunit wala pa rin siyang imik kaya nagtuloy-tuloy akong lumabas at nagtungo sa likod-bahay.

Kumawala ang hagulgol ko pagdating sa batis. Binuhos ko ang lahat ng takot at galit sa tubig. Ang hinanakit at pagsisisi dahil sa tigas ng ulo ko, napapahamak ako ngayon.

Nakakalungkot na ang pagtulong ko sa kapwa, ganito ang kapalit. Nakakatakot din palang tumulong na lamang basta sa taong hindi kilala. Nakaka-trauma! Ayoko nang tumulong pa.

Nilublob ko ang sarili sa tubig, hinayaang humalo ang mga luha ko sa malamig na tubig ng batis. Sigurado akong nagtataka na iyon si Mang Eban, kung bakit hindi pa ako dumating sa bahay nila para kunin ang mga baka na ipapastol ko.

Lahat na lamang nasira dahil sa lalaking hayop na nasa kubo ko. Nawala na nga ang tapang ko. Nawalan ng pinto ang silid ko. Mawawalan pa yata ako ng trabaho dahil sa hayop na tinulungan ko.

Hindi ko akalain na makakatagpo ako ng taong kagaya niya. Walang puso. Hindi marunong tumanaw ng utang na loob. Paulit-ulit kong sinisisi ang sarili. Pero kahit anong pag-sisisi ko. Hindi na magbabago. Nagdala ako ng taong asal hayop sa kubo ko.

Naisip ko pa kung paano ito kumain. Ang takaw, ang laki ng subo. "Sana mabilaukan ang hayop na iyon o hindi kaya malunok niya iyong kutsara at tuluyang mamatay. Para mawala na ang problema ko at bumalik na sa normal ang buhay ko!" maktol ko at napasuntok pa sa tubig.

"Buwesit! Pati itlog at alaga niyang walang buhay ilang beses kong nahawakan. Kung alam ko lang na hayop siya. Hinugot ko na sana iyong lupaypay niyang alaga, at dinurog ang kuyupos niyang itlog!"

"Ano ang sabi mo?!"

Related chapters

  • When Heart Beats   Kabanata 4

    "W-wala po," utal-utal kong sagot kasabay ang pag-ahon sa tubig.Lumublob na rin kasi ang hayop. At wala akong balak maligo kasabay ang hayop na lalaking 'yon. Parang magliliyab na kasi ang buong katawan ko sa init ng mga tingin niya. Sana nga kumulo na ang tubig at maluto siya."Iwanan mo 'yan!" singhal na naman nito. Kaagad akong huminto. Napatingin sa hawak na sabon. Wala naman kasi akong ibang hawak sabon lang at damit na isusuot ko sana. Pinatong ko na lamang sa bato iyon at walang lingon na umalis. Mabuti na lang at hinayaan niya akong umalis. Hindi na kasi ito nagsalita matapos kong ilapag ang sabon.Mabilis ang mga hakbang ko na bumalik sa kubo, at agad nagbihis. Muli naman akong nalungkot dahil sa pintong sinira na walang hiya. Talagang walang hiya. Hayop!Hindi ko na nagawang magsuklay at agad nang umalis ng kubo bago pa ako maabutan ng walang hiya.Hindi matigil ang pagpatak ng mga luha ko habang hila-hila ang alaga ko. Patakbo kong nilisan ang kubo na naging tahanan ko sa

    Last Updated : 2022-11-19
  • When Heart Beats   Kabanata 5

    "B-belle, tara na." Kasabay ng naramdamang kaba, ang mahigpit na paghawak ko sa braso ng kaibigan ko. Bumakas ang pagtataka sa mukha niya pero hindi nagawang magtanong dahil sa hitsura nitong lalaking papalapit sa amin na talaga namang makalaglag-panty. Pero iba ang kutob ko habang tanaw siya. Takot ang agad kong naramdaman at hindi paghanga. Takot na naramdaman ko lang sa lalaking hayop na aking tinulungan.Hinila ko na lamang si Belle. Halos walang kurap kasi na nakatitig sa lalaki. "Halika na Belle," gusto ko na siyang kaladkarin, makalayo lamang kami sa lalaking may kakaibang ngiti habang nakapako na ang tingin sa akin. "Aya, bakit ba?" tanong nito habang pinipilit na sabayan ang paghakbang ko."Bilisan mo na lang ang paglalakad, Belle, mamaya na ako magpapqliwanag ." "Do you really think, hahayaan kita na takbuhan uli ako?" Dumagundong ang boses niya mula sa aming likuran. Nagpatuloy kami sa paghakbang at hindi pinansin ang sinabi niya. "One more step, and you'll regret it!"

    Last Updated : 2022-11-21
  • When Heart Beats   Kababata 6

    Matinding takot ang naramdaman ko nang umupo siya sa tabi ko. Talagang animal ang lalaking ito."What do you expect? Matutulog ako sahig?!" arogante nitong tanong.Hindi ko mapigil ang mapahagulgol. Paano kung gawan niya ako ng kahayupan habang tulog ako?"Shut up! Will you?" sikmat niya. Bwesit siya. Kaya ako umiiyak ng ganito dahil sa kaniya. Kung umalis siya, hindi niya sana maririnig ang iyak ko, at hindi ako iiyak ng ganito. Gusto ko na ngang tumigil sa pag-iyak pero paano? Nasa tabi ko siya. Hayop! "Stop crying, sakit na sa tainga ang mga iyak mo. Kung sa tingin mo ay papatusin kita. Hell no, hindi ka kagandahan at hindi sexy para patusin ko," dada niya. Peste talagang manok 'to, kung makaputak wagas. "Tumahimik ka na at matulog kung ayaw mong busalan ko iyang bibig mo," sikmat niya pa.Naglagay ako ng unan sa pagitan namin. Takip na rin ang palad ko sa bibig. Ayaw pa rin kasi talaga tumigil ang paghikbi ko."Gumising ka ng maaga bukas. Magluto ka ng ibang ulam. Nakakasawa na

    Last Updated : 2022-11-25
  • When Heart Beats   Kabanata 7

    Hindi makapaniwalang napatingin ako kay Miguel, na may ngiting nagmamalaki. Nanatiling nakatingin sa kaniya si Ancel. Feeling ko, gusto na niyang tukain ang mga mata ni Miguel. "Tito? Sino ka, para tawagin akong Tito?!" ngitngit na tanong nito. "I'm Aya's soon to be boyfriend, kaya ngayon pa lang dapat masanay na akong tawagin kang Tito," maangas na tugon niya. Ang kamay na nakalahad kanina ay binawi na niya. Hindi naman kasi nag-abalang makipagkamay si Ancel. "Soon to be boyfriend, huh?" Biglang nag-switch ang tingin nito sa akin. Nanlilisik ang mga mata at nagtangis ang bagang. Nawalan ng lakas ang mga paa ko na ikinawala ng balanse ko. Napahawak ako kay Miguel na alerto namang humawak sa baywang ko. "Aya, ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong niya. Mapakla akong ngumiti, at kaagad lumayo sa kanya. "A-ayos lang ako, Miguel, salamat." Tumikhim at nagbaba pa ako ng paningin pagkatapos. Kinalma ko muna ang sarili bago muling tumingin kay Miguel na nakatitig pa pala sa akin. "H

    Last Updated : 2022-11-28
  • When Heart Beats   Kabanata 8

    Paulit-ulit ang pagbuntong-hininga ko habang walang tigil sa paghampas sa mga binti at braso kong pinapapak ng mga lamok. Pero ayos lang kahit pagpyestahan pa ako ng mga lamok kay sa naman manatili ako sa umuugang kubo.Nandiyan na naman kasi si Telay. Mula kasi noong unang gabing pagkikita nila ng hilaw kong Tito ay napadalas na ang pagpunta ng babaeng haliparot na iyon dito. Nakakainis nga. Dagdag siya sa hirap ko. Feeling entitled ang haliparot. Ginawa na nila akong alila. Taga silbi, at wala akong choice kung hindi ang sumunod. Ang gaga ko rin kasi nagtiis ako ng ganito katagal. Umaasa pa rin kasi ako na kusa siyang aalis kapag nagsawa na sa liblib na lugar na ito pero hindi dumating ang inaasahan ko. Lalo pang humigpit ang pagbabantay niya sa akin. Sinusundo na rin niya ako sa palayan tuwing hapon. Ilang beses na rin kasi akong nagtangkang tumakas at sa kada tangka ko, nahuhuli niya lang ako.Hindi ko alam kung bakit ayaw niya akong pakawalan; kung bakit tinatali niya ako sa bu

    Last Updated : 2022-12-03
  • When Heart Beats   Kabanata 9

    "Tulong–" Natigil ang ngawa ko nang makita ang pamilyar na kwartong kinalalagyan. Umiling ako ng paulit-ulit habang ang mga luha ay walang tigil sa pagdaloy. Hagulgol ang kasunod sa mahina kong paghikbi. Takip na rin ang mga palad sa bibig. Gusto kong gumalaw; gusto kong bumangon. Pero ramdam ang sakit sa buong katawan ko. Bumalik sa isip ko ang eksina sa bundok bago ako nahulog. "Aya!" Boses ni Belle ang narinig ko kasabay ang pagyugyog ng kubo. "Belle, tulungan mo ako. Umalis na tayo rito." Hawak ko ang kamay ni Belle. Nangingilid rin ang mga luha niya. Pero umiling-iling. "Belle, ano ba, tulungan mo na akong tumayo. Tara na.""Sa tingin mo, makakaalis ka rito sa kalagayan mong 'yan?" Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Ancel. Ngumisi pa ito na lalong nagpalakas sa paghikbi ko. "Katangahan mo, kaya nangyari sa'yo 'yan!" "Ancel, ano ba? Talagang nagawa mo pa na sa sigawan ang kaibigan ko. Kung hindi dahil sa'yo, hayop ka, walang mangyayaring masama sa kaibigan ko. Ikaw ang d

    Last Updated : 2022-12-07
  • When Heart Beats   Kabanata 10

    "Belle naman, ayoko ng naiisip mo. Ilayo mo na lang ako, please." Hawak ko na ang kamay niya habang ang mga luha ay patuloy sa pagpatak. "Aya, tumahan kana. Alam mo ba na kung hindi dahil sa kaniya ay pinaglalamayan ka na ngayon?" Pinahid niya ang mga luha ko saka hinaplos ang dibdib ko. "Sana nga at 'yon na lang ang nangyari. Mas gugustuhin ko pa na tuluyan na lang mawala kay sa makasama pa ang lalaking 'yon. Pagod na kasi ako, Belle. Puro na lang sakit at hirap ang nararanasan ko." I can't utter the words I want to say because I'm sobbing at the same time. Para akong bata na hindi matigil sa pag-iyak.Ang sikip na ng dibdib ko. "Ayoko na, pagod na pagod na ako, Belle. Pagod na ako sa lahat.""Aya, ano ba? Tumigil ka nga," tarantang pag-alo sa akin ni Belle, kasabay ang pagbangon sa akin. Kinapos na kasi ako sa paghinga. Feeling ko, k'unti na lang ay mawawalan na ako ng malay. Yakap na niya ako, at walang tigil sa pagtapik at paghaplos sa likod ko. Hinang-hina na ang katawan ko. Gu

    Last Updated : 2022-12-10
  • When Heart Beats   Kabanata 11

    Bakit ko pa ba tinatanong? Kahit pa sabihin na si Ancel ang dahilan kung bakit buhay pa rin ako hanggang ngayon, hindi pa rin niyon mababago ang katotohanan na siya ang dahilan kung bakit ako umalis ng ganoong oras. Siya ang dahilan kung bakit ako napahamak."Ano ba ang pumasok sa utak mo, Aya at umalis ka nang ganoong oras, ha? Gano'n ka ba ka desperada na makalayo sa hayop na 'yon? Alam mong delekado ang lugar natin lalo na sa gabi pero umalis ka pa rin." Nauwi sa sermon ang pagtatanong ko."Oo, Belle, desperada nga akong lumayo. Hindi ko na kayang makasama sa iisang bahay ang lalaki na 'yon. Sawa na akong makita ang mga pinaggagawa nila ng Telay. Ayokong magtiis na lang na gawin nila akong utusan." Marahas kong pinahid ang mga luha ko. "Tahan na, Aya. Alam ko naman na galit ka nga sa Ancel na 'yon pero kung hindi dahil sa kan'ya. Baka hindi lang 'yan ang inabot mo." Pinahid niya rin ang mga luha ko. Mapait akong tumawa. "Belle, siya ang dahilan kaya nangyari sa akin 'to. Kung hind

    Last Updated : 2023-01-20

Latest chapter

  • When Heart Beats   Special Chapter (Honeymoon)

    Pawis at nag-iinit na ang magkahawak naming kamay ni Ancel. Ayoko kasing bitiwan dahil kung saan-saan na lang dumadapo ang kamay nitong pilyo kong asawa. Dumidilim na rin kasi, baka maisipan pa nitong sumuot kung saan mailabas lang ang init ng katawan. Hindi ko na nga muna siya nilingon. Bahala siyang pumisil-pisil sa kamay ko. Sa paligid ko na muna tinuon ang atensyon ko. Kasalukuyan na kasi naming binabaybay ang daan papunta ng El Canto, at ilang minuto na lang ay masisilayan na naming muli ang bahay-kubo na naging saksi ng pagmamahalan namin ni Ancel. Dito nga kasi niya gustong mag-honeymoon. No’ng una ay nagdalawang-isip ako. Iniisip ko kasi ang iisipin ng mga taga baryo. Bukod sa ang alam nila ay magkadugo kami. Ang alam ng lahat ay nawala ako dahil sumama sa ibang lalaki. Wala ni isang nakakaalam kung ano ba talaga ang nangyari sa akin. At malamang wala rin ni isang nakakaalam na mag-asawa na kami. Hindi naman kasi ugali ni nanay at tatay na makipagtsismisan sa mga kapitb

  • When Heart Beats   Wakas

    “Anak, hindi ka na nanaginip,” pabulong na sabi ni mama, napapangiti pa. Sakto naman kasing lumingon siya sa akin habang napangiwi ako. Kinurot ko kasi ang sarili ko. Sinisigurado ko nga kung hindi ba ako na nanaginip. “Totoo ang lahat ng ‘to, anak, hindi panaginip at hindi gunuguni.” Natiim ko ang labi ko. Nagpipigil maiyak. Pero wala eh, talagang hindi ko kayang pigilin ang mga luha ko. Luha ng saya. “Mahal na mahal ka ni Ancel, anak. Hindi pa naman siya nakalabas ng kulungan ay pinaplano na niya ang lahat.” Bumuga ng hangin si mama. “Hindi ka man naging ma swerte sa amin ng papa mo, naging maswerte ka naman sa lalaking minahal mo. Ang swerte ni Baby Anaya dahil kayo ang mga magulang niya,” madamdamin na sabi ni mama, sabay ang banayad na haplos sa kamay kong nakahawak na sa braso niya.Tipid akong ngumiti at saka, bumuga din ng hangin. Luha ko ay nag-uunahan ng pumatak sa pisngi ko. Halo-halo na kasi ang nararamdaman ko. Saya, lito, basta, para lang naman akong nakalutang sa ere

  • When Heart Beats   Kabanata 59

    “Belle, bilisan mo na! Bakit ba ang tagal mo?” Apura ko sa kaibigan ko na kanina pa nagmumokmok sa kwarto kasama si Baby Anaya. First birthday kasi ni Baby Anaya ngayon, at plano namin ay bibisitahin muna namin si Ancel, saka kami pupunta sa venue ng party. Pero dahil sa kabagalan nitong si Belle ay parang hindi na namin mapupuntahan si Ancel. Thirty minutes na lang kasi ay magsisimula na ang party at hindi kami pwedeng ma-late. Hindi rin pwedeng e-extend ang oras ng paggamit namin sa venue dahil may susunod pa na gagamit. “Ano ba, Belle!” Padabog akong nagpunta sa kwarto, at siya namang pagbukas ng pinto. Bumungad agad sa akin ang napaka-cute na mukha ni Baby Anaya at nakakainis na mukha ni Belle. “Akin na nga si Baby.” Binawi ko kay Belle si Baby. Hindi naman nagreklamo si Belle. Ngiting-ngiti pa nga ito habang sinusundan ako. “Sila Mama at papa?” tanong ko kay Camille. “Nauna na sila sa venue, kasama nila si nanay at tatay,” sagot naman ni Camille, sabay bukas ng pinto ng kotse

  • When Heart Beats   Kabanata 58

    Hindi ko alam kung ngingiti ba ako o iiyak habang nakatitig kay Ancel na mahimbing na natutulog. Sa wakas ay nagkamalay na siya— sa wakas ay tapos na ang paghihintay ko. Kaya lang, matapos niyang ma-check ng doctor kanina ay nakatulog ulit siya. Hindi niya ako kinausap o ngumiti man lang, tumingin lang siya at saka pumikit ulit. Pero hinayaan naman niya ako na hawakan ang kamay niya hanggang sa makatulog siya. ‘Yon lang ay sapat na sa akin. Kasi naiintindihan ko naman kung bakit siya gano’n, kagagaling nga lang niya sa coma. At ang sabi nga ng doctor, pwedeng maging iritable siya o confused; normal lang daw na magpakita ng ibang emotion—ibang ugali ang mga taong galing sa coma. “Matulog ka lang, mahal ko. Dito lang ako sa tabi mo, hindi kita iiwan, kahit maging hayop o kahit maging demonyo pa ulit ang ugali mo, mamahalin pa rin kita. Alam ko kasi—” Nilapat ko ang palad ko sa dibdib niya. “Na itong puso mo ay mala-anghel naman at ako lang ang tinitibok. Napatunayan ko na kung gaan

  • When Heart Beats   Author's Note

    Namali po ako ng update nito. In review na po ang edited chapter nito, baka bukas pa maayos. "Kabanata 57" kulang-kulang na chapter ang na update ko. Sa mga gustong mabasa ang complete na kabanata 57, paki delete muna sa library n'yo ang story na 'to then add n'yo na lang ulit. Pasensya na po. Malapit na sana matapos, saka naman nagkamali. Maraming salamat sa mga nagbabasa nito, kahit konti lang kayo ay ayos lang, at least may bumabasa. Sana mabasa n'yo rin ang ibang stories ko. May mga completed stories na rin po ako, may ongoing din po, pero slow update. Maraming salamat!

  • When Heart Beats   Kabanata 57

    “Aya, heto na ang maligamgam na tubig at towel,” nakangiting sabi ni Belle, sabay lapag niyon sa bedside table. “Salamat, Belle,” nakangiti ko namang sagot, pero mga mata ko ay hindi na maalis sa kaibigan kong titig na titig sa lantad na katawan ni Ancel. Yes, Ancel survived. Pero in coma pa rin, magdalawang linggo na siyang ganito, at hindi ako nawawalan ng pag-asa. Hindi ko siya susukuan. No’ng araw nga na akala ko ay mawawala na siya ng tuluyan sa buhay ko, hindi ako sumuko, ngayon pa kaya na nakakahinga na siya na walang vintelator—walang life support. Alam ko, nararamdaman at naririnig niya ako, kaya hindi ako nagsasawang kausapin siya. Kinuwento ko sa kanya ang mga nangyayari sa buhay ko nitong mga nag-daang araw. Hindi lang naman kasi si Ancel ang nagpapagaling. Ako rin, nagpapagaling din ako mentally at emotionally. Hindi ko pa rin kasi nakakalimutan ang mga nangyari sa amin. Kahit struggling pa rin ako sa araw-araw kong buhay. Nilalakasan ko naman ang loob ko. Alam ko,

  • When Heart Beats   Kabanata 56

    “Ibaba ang baril!” Sunod–sunod na putok ng baril pa ang narinig ko kasabay ang mga sigaw at mga utos. Bumagal ang galaw ng paligid ko nang makita ang mga pulis na pinaghuhuli ang mga tauhan ni Jax. At si Jax—nasa harapan ko, dilat ang mga mata at naliligo sa sariling dugo. “Ancel… ligtas na tayo!” Hagulgol ang kasabay ng sinabi ko. Dumating na rin ang medics at kasalukuyan nang inaasikaso si Ancel. “Ancel, lumaban ka… huminga ka!” Tuloy-tuloy ang patak ng luha ko habang pinapanood ang mga medics na ginagawa ang lahat maisalba lang ang lalaking mahal ko. Ramdam ko na may umalalay sa akin. May umasikaso na rin sa akin, pero wala sa kanila ang pansin ko. Nakatutok ang paningin ko kay Ancel. “He’s back!” Napatakip ako ng bibig kasabay ang impit na iyak nang marinig ang salitang ‘yon. Lumaban siya. Maya maya ay inilipat na siya sa streacher. Hanggang tanaw lang ako habang nilalayo nila sa akin si Ancel. Gusto kong sundan siya; gusto kong samahan siya, pero ubos na ang lakas ko, nahihi

  • When Heart Beats   Kabanata 55

    “Ancel!” Nagsabay ang sigaw ko at hagulgol nang makita ang bakas ng dugo sa t-shirt niya. “Ancel…” Hindi agad ako nakagalaw; hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Nanginginig ang mga kamay ko na hinawakan ang sugat niya. Hinawakan naman niya ang kamay ko. “Aya, umalis ka na! Tumakbo ka na! Iwanan mo ako; tumakas ka na!” putol-putol na sabi ni Ancel. At sa kada salita niya ay may kasabay na da¡ng. “Sige na, Aya! Umalis ka na!" Sinubukan niya pa akong itulak, pero nagmatigas ako. Umiling-iling at muling itinakip ang mga palad ko sa sugat niya. “Aya, iligtas mo ang sarili mo, please…”Sa kada taboy niya sa akin ay paulit-ulit akong umiling at hindi nagpatinag sa mga tulak niya.”Ayaw kong umalis… Ancel. Hindi kita iiwan!” Hagulgol ang tumapos sa pagsasalita ko.“Ano ba, Aya, umalis ka na bago ka pa nila maabutan!” Pinilit niyang umupo at sumandal sa puno. Hawak na ng isang kamay niya ang sugat at baril naman ang hawak ng isa. Umiling-iling na naman ako. “Hindi, Ancel! Hindi kita iiw

  • When Heart Beats   Kabanata 54

    Napasalampak ako sa mga tuyong dahon matapos ang putok na ‘yon. Akala ko, katapusan ko na. Akala ko mamamatay na ako sa kamay ng lalaking mahal ko, pero dalawang sunod-sunod pa na putok ang narinig ko. Rinig ko rin ang sunod-sunod na lagabog sa harapan ko. At hindi ko magawang tingnan kung ano ‘yon. Humagulgol ako habang nakatakip sa tainga ang mga kamay kong nanginginig. Hindi ko rin magawang idilat ang mga mata ko kahit naririnig ko pa na may papalapit sa akin. “Aya, tumayo ka na." Napabalikwas ako nang nararamdaman kong may humawak sa akin at niyakap ako. Narinig ko ang sinabi niya. Alam kong si Ancel ang yumakap sa akin ngayon, pero hindi ko magawang tingnan siya. Hindi ko magawang hawakan siya. “Aya, sorry…natakot ka, but I have no choice, kailangan kong gawin ‘yon. Iyon lang ang paraan para maligtas ka,” parang maiiyak na sabi ni Ancel. Haplos-haplos na rin niya likod ko. Hagulgol pa rin ang sagot ko. Pero kamay ko ay mahina nang sinuntok-suntok ang dibdib niya. Ni ang sab

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status