Bakit ko pa ba tinatanong? Kahit pa sabihin na si Ancel ang dahilan kung bakit buhay pa rin ako hanggang ngayon, hindi pa rin niyon mababago ang katotohanan na siya ang dahilan kung bakit ako umalis ng ganoong oras. Siya ang dahilan kung bakit ako napahamak."Ano ba ang pumasok sa utak mo, Aya at umalis ka nang ganoong oras, ha? Gano'n ka ba ka desperada na makalayo sa hayop na 'yon? Alam mong delekado ang lugar natin lalo na sa gabi pero umalis ka pa rin." Nauwi sa sermon ang pagtatanong ko."Oo, Belle, desperada nga akong lumayo. Hindi ko na kayang makasama sa iisang bahay ang lalaki na 'yon. Sawa na akong makita ang mga pinaggagawa nila ng Telay. Ayokong magtiis na lang na gawin nila akong utusan." Marahas kong pinahid ang mga luha ko. "Tahan na, Aya. Alam ko naman na galit ka nga sa Ancel na 'yon pero kung hindi dahil sa kan'ya. Baka hindi lang 'yan ang inabot mo." Pinahid niya rin ang mga luha ko. Mapait akong tumawa. "Belle, siya ang dahilan kaya nangyari sa akin 'to. Kung hind
My grip on Ancel's nape tightened as he nearly toppled. I yelled out of fear. The path we were walking on was covered with rocks, making it extremely difficult to walk. Fortunately, he kept his balance and we didn't tumble totally."Ang likot mo kasi," paninisi niya. "Kumapit ka nga lang ng mabuti at 'wag nang dumadal" dagdag niya pa.Tarandado talaga. Kumulo ang dugo ko. Ang sarap pagtatampalin ang mukha. "Ikaw ang nagdala sa akin dito, kaya 'wag kang magreklamo kung nahirapan ka," irita kong sabi."Sabi na ngang tumahimik ka na lang." Tumiin ang labi niya matapos sabihin 'yon at sandaling sumulyap sa akin. Nakagat ko rin ang labi ko dahil sa inis. Nagmistulang kuko ng pusa ang mga kuko ko na bumaon sa batok niya. Gusto ko pa nga sanang katagatin ang leeg niya. Sira-ulo siya. Dinala-dala ako rito, puro naman pala reklamo."Gusto mo bang madagdagan ang bali' mo?" sikmat nitong tanong. "Tigilan mo na ang ginagawa mo ngayon bago pa kita ibagsak." Sandali siyang huminto. Pinaling-p
Napailing at napangisi ako dahil sa sinabi ni Belle. Pakiramdam ko ay hinuhuli niya kung ano ang magiging reaksyon ko.Humarap ako sa kanya, saka ko siya tinitigan. "Do you really think I'm concern about your friend? Your imagination is so vast, Belle. But sorry for bursting your bubble; I don't care about her or anyone else," mariin kong sabi."Talaga?" Belle folded her arms and turned away. "All right, e-deny mo lang ng e-deny, at lokohin mo ang sarili mo hangga't gusto mo, kaya lang kasi, 'yang action mo ay hindi nagsisinungaling; it's undeniable that you care about my friend."Nilingon niya pa ako at mapang-asar na ngumiti.Sekreto kong nakamot ang ulo ko. Ang talas din kasi ng pakiramdam nitong si Belle. Kahit anong bangis ng ugaling pinapakita ko sa kan'ya ay huli niya pa rin ang kahinaan ko. Paanong hindi. Nakita niya ako na halos mabaliw sa kahahanap kay Aya no'ng gabing nawala siya. Naabutan niya pa ako sa hospital na nasa tabi ng kaibigan niya. Halos walang kurap na nakatit
Kumabog ng malakas ang dibdib ko nang marinig ang sigaw at pagdaing ni Aya. Walang sabi-sabi na tinalon ko ang bakod na kawayan, kaagad ko lang marating ang kubo."Telay, tigilan mo na nga 'yan, ano ba? Wala ngang kalaban-laban si Aya," rinig ko ang boses ni Mica."Oo nga naman, Telay. Kailan ka pa naging gan'yan ka bayolente at nagawa mong saktan ang taong wala namang ginawang masama sa'yo?" Si Ason naman ang narinig kong boses.Nakuyom ko ang kamao ko sa tindi ng galit, lalo't sumasabay ang pagdaing at pagsigaw ni Aya sa pag-saway ng mga kaibigan ni Telay. "Pabayaan niyo nga ako." Gigil na sigaw ni Telay. "Bakit n'yo ba ako inaawat? Hindi ko talaga titigilan ang babae na 'to hangga't hindi siya tumayo." Malakas na da¡ng na naman ang kasabay no'n."Hindi na nga tama ang gigawa mo, Telay."Rinig na rinig ko ang sagutan nila. Habang papalapit ako."Tumahimik nga kayo. Lahat gagawin ko sa babaeng tamad na 'to. Alam ko, nagkukunwaring pilay lang 'to para makuha ang atensyon ni Ancel." S
Ang angas ko habang sinasabi ang salitang 'yon. Pero nang makita ko ang nanlaki na mga mata ni Aya, bigla akong nahiya. Nilamon ako ng hiya. Pero pinanindigan ko pa rin ang pagiging gago. Ang pagiging hayop ko. Hindi ako nagpatinag sa nararamdaman kong hiya na si Belle lang ang nakakahalata. Nagtakip na kasi ito ng bibig, at sandaling nag-iwas ng tingin sa kaibigan niya. Lalo tuloy na dagdagan ang hiya ko dahil dito kay Belle na nagpipigil na namang tumuwa. Sinabayan pa niya ng mapang-asar na tingin at bahagyang pagyugyog ng balikat niya. "Sabi ko naman sa'yo, Belle, hindi aalis ang hayop na 'yan," sikmat ni Aya matapos ang sandaling pagkagulat. “Hindi mangyayari na kusa siyang aalis. Ang sarap nga ng buhay niya rito. Libre lahat, pati katulong,” nangagalaiting dinuro-duro niya ako. Nanlilisik pa ang mga mata sa puntong hindi na niya napinsan ang pagpipigil na tawa ng kaibigan niya. Ngumisi ako ng kakaiba. Sumandal sa hamba ng pinto at pinag-ekis ang mga paa. Ang angas ko pa rin tin
"Hayop ka! Ibaba mo ako! Ano ba ang kasalanan ko sa'yo? Bakit mo ba ako ginaganito? Bakit mo ba ako pinahihirapan?" pasigaw nitong tanong kasabay pa rin ang paghampas sa mukha ko. "Gusto mong ibaba kita? Tapos ano ang gagawin mo? Gagapang ka pabalik sa kubo o palayo sa lugar na 'to?" Nginisihan ko na naman siya. "Tingin mo magagawa mo 'yon? Hindi mo nga nagawa noong nakakalakad ka pa ng maayos, ngayon pa kaya?""Wala kang pakialam! Wala kang pakialam kung ano man ang paraan na gagawin ko makalayo lang sa'yo," hagulgol pa rin niya. Pero bakas na ang medyo panghihina sa boses niya, at ang mga suntok at hampas niya ay hindi na rin ganoon ka lakas. Habang ako humigpit pa lalo ang paghawak ko sa kanya dahil kaunti na lang ay mababagsak ko na talaga siya, mabibitiwan ko na siya. Hindi dahil sa galit ako, at gusto ko siyang saktan, kung hindi dahil sa pagpupumiglas at paghampas niya sa akin kanina pa. Unti-unti na siyang dumaosdos sa mga bisig ko. Idagdag pa ang sigaw niya na parang bumaba
Napanganga ako nang marinig ang garalgal na boses na 'yon. Boses ni Aya. Hindi ko alam kong haharapin ko ba siya o hindi. Akala ko hindi na siya magsasalita. Iiyak na lang siya ng iiyak hanggang maubos ang mga luha niya. Kaya lang dahil sa sinabi ko, natigil ang mahabang paghikbi niya. At heto nga, nagawa na rin niya na magsalita pero may panggigigil pa rin. Bakas pa rin ang galit, at sa tingin ko ay malapit na siyang sumabog. Dahan-dahan akong lumingon. Narinig ko kasi ang mahina nitong tawa. Nakakakaba na tawa. Kabado ako na baka kung ano na naman ang sasabihin niya. Kung anong kalokohan na nga ang sinasabi ko, mabura lang ang masamang iniisip ng mga tsismosang matanda na kaharap namin ngayon na parehong nakataas ang mga kilay. "Talagang tinanong mo pa, Aya? Parang hindi mo naman alam at hindi ramdam." Sandali kong nakagat ang labi ko. "Umangat din kasi ang kilay niya. "Pamangkin nga kasi kita, hindi ba? Kapamilya at kadugo. Syempre mahal kita–" sagot ko, pero nasa dalawang matan
“Pasaway ka talagang bata ka! Pagtataguan mo pa talaga ako? Talagang malinlintikan ka sa akin!” Napapikit ako sandali nang makita ko ang bata na nagtatago sa isang puno habang papalapit naman ang nanay nito na may dalang pamalo at galit na galit.Napahawak rin ako sandali sa dibdib ko at tinapik-tapik pa. Bakit hindi ako kakabahan ng ganito? Pangalan ko ang sinigaw no’ng nanay ng bata. Pangalan na ginagamit ko sa magulong mundo. Akala ko kasi ay magtatapos na ang tahimik kong buhay kasama si Aya. Akala ko, dumating na ang panahon na kailangan ko na siyang iwan. Bukod sa kinabahan nga ako, nakaramdam din ako ng lungkot. Ma mi-miss ko kasi si Aya, panigurado ‘yon. Ang tagal na rin kaya naming nagsama. At sa kanya lang umiikot ang mundo ko. Kahit hindi kami magkasundo at madalas pa rin kaming nagbabangayan. Pero kahit gano'n, ramdam ko pa rin naman ang kapayapaan sa piling niya. Syempre, masaya rin ako na kasama siya. At isa pa, kahit sino naman sigurong tarantado na mabigyang ng gani
Pawis at nag-iinit na ang magkahawak naming kamay ni Ancel. Ayoko kasing bitiwan dahil kung saan-saan na lang dumadapo ang kamay nitong pilyo kong asawa. Dumidilim na rin kasi, baka maisipan pa nitong sumuot kung saan mailabas lang ang init ng katawan. Hindi ko na nga muna siya nilingon. Bahala siyang pumisil-pisil sa kamay ko. Sa paligid ko na muna tinuon ang atensyon ko. Kasalukuyan na kasi naming binabaybay ang daan papunta ng El Canto, at ilang minuto na lang ay masisilayan na naming muli ang bahay-kubo na naging saksi ng pagmamahalan namin ni Ancel. Dito nga kasi niya gustong mag-honeymoon. No’ng una ay nagdalawang-isip ako. Iniisip ko kasi ang iisipin ng mga taga baryo. Bukod sa ang alam nila ay magkadugo kami. Ang alam ng lahat ay nawala ako dahil sumama sa ibang lalaki. Wala ni isang nakakaalam kung ano ba talaga ang nangyari sa akin. At malamang wala rin ni isang nakakaalam na mag-asawa na kami. Hindi naman kasi ugali ni nanay at tatay na makipagtsismisan sa mga kapitb
“Anak, hindi ka na nanaginip,” pabulong na sabi ni mama, napapangiti pa. Sakto naman kasing lumingon siya sa akin habang napangiwi ako. Kinurot ko kasi ang sarili ko. Sinisigurado ko nga kung hindi ba ako na nanaginip. “Totoo ang lahat ng ‘to, anak, hindi panaginip at hindi gunuguni.” Natiim ko ang labi ko. Nagpipigil maiyak. Pero wala eh, talagang hindi ko kayang pigilin ang mga luha ko. Luha ng saya. “Mahal na mahal ka ni Ancel, anak. Hindi pa naman siya nakalabas ng kulungan ay pinaplano na niya ang lahat.” Bumuga ng hangin si mama. “Hindi ka man naging ma swerte sa amin ng papa mo, naging maswerte ka naman sa lalaking minahal mo. Ang swerte ni Baby Anaya dahil kayo ang mga magulang niya,” madamdamin na sabi ni mama, sabay ang banayad na haplos sa kamay kong nakahawak na sa braso niya.Tipid akong ngumiti at saka, bumuga din ng hangin. Luha ko ay nag-uunahan ng pumatak sa pisngi ko. Halo-halo na kasi ang nararamdaman ko. Saya, lito, basta, para lang naman akong nakalutang sa ere
“Belle, bilisan mo na! Bakit ba ang tagal mo?” Apura ko sa kaibigan ko na kanina pa nagmumokmok sa kwarto kasama si Baby Anaya. First birthday kasi ni Baby Anaya ngayon, at plano namin ay bibisitahin muna namin si Ancel, saka kami pupunta sa venue ng party. Pero dahil sa kabagalan nitong si Belle ay parang hindi na namin mapupuntahan si Ancel. Thirty minutes na lang kasi ay magsisimula na ang party at hindi kami pwedeng ma-late. Hindi rin pwedeng e-extend ang oras ng paggamit namin sa venue dahil may susunod pa na gagamit. “Ano ba, Belle!” Padabog akong nagpunta sa kwarto, at siya namang pagbukas ng pinto. Bumungad agad sa akin ang napaka-cute na mukha ni Baby Anaya at nakakainis na mukha ni Belle. “Akin na nga si Baby.” Binawi ko kay Belle si Baby. Hindi naman nagreklamo si Belle. Ngiting-ngiti pa nga ito habang sinusundan ako. “Sila Mama at papa?” tanong ko kay Camille. “Nauna na sila sa venue, kasama nila si nanay at tatay,” sagot naman ni Camille, sabay bukas ng pinto ng kotse
Hindi ko alam kung ngingiti ba ako o iiyak habang nakatitig kay Ancel na mahimbing na natutulog. Sa wakas ay nagkamalay na siya— sa wakas ay tapos na ang paghihintay ko. Kaya lang, matapos niyang ma-check ng doctor kanina ay nakatulog ulit siya. Hindi niya ako kinausap o ngumiti man lang, tumingin lang siya at saka pumikit ulit. Pero hinayaan naman niya ako na hawakan ang kamay niya hanggang sa makatulog siya. ‘Yon lang ay sapat na sa akin. Kasi naiintindihan ko naman kung bakit siya gano’n, kagagaling nga lang niya sa coma. At ang sabi nga ng doctor, pwedeng maging iritable siya o confused; normal lang daw na magpakita ng ibang emotion—ibang ugali ang mga taong galing sa coma. “Matulog ka lang, mahal ko. Dito lang ako sa tabi mo, hindi kita iiwan, kahit maging hayop o kahit maging demonyo pa ulit ang ugali mo, mamahalin pa rin kita. Alam ko kasi—” Nilapat ko ang palad ko sa dibdib niya. “Na itong puso mo ay mala-anghel naman at ako lang ang tinitibok. Napatunayan ko na kung gaan
Namali po ako ng update nito. In review na po ang edited chapter nito, baka bukas pa maayos. "Kabanata 57" kulang-kulang na chapter ang na update ko. Sa mga gustong mabasa ang complete na kabanata 57, paki delete muna sa library n'yo ang story na 'to then add n'yo na lang ulit. Pasensya na po. Malapit na sana matapos, saka naman nagkamali. Maraming salamat sa mga nagbabasa nito, kahit konti lang kayo ay ayos lang, at least may bumabasa. Sana mabasa n'yo rin ang ibang stories ko. May mga completed stories na rin po ako, may ongoing din po, pero slow update. Maraming salamat!
“Aya, heto na ang maligamgam na tubig at towel,” nakangiting sabi ni Belle, sabay lapag niyon sa bedside table. “Salamat, Belle,” nakangiti ko namang sagot, pero mga mata ko ay hindi na maalis sa kaibigan kong titig na titig sa lantad na katawan ni Ancel. Yes, Ancel survived. Pero in coma pa rin, magdalawang linggo na siyang ganito, at hindi ako nawawalan ng pag-asa. Hindi ko siya susukuan. No’ng araw nga na akala ko ay mawawala na siya ng tuluyan sa buhay ko, hindi ako sumuko, ngayon pa kaya na nakakahinga na siya na walang vintelator—walang life support. Alam ko, nararamdaman at naririnig niya ako, kaya hindi ako nagsasawang kausapin siya. Kinuwento ko sa kanya ang mga nangyayari sa buhay ko nitong mga nag-daang araw. Hindi lang naman kasi si Ancel ang nagpapagaling. Ako rin, nagpapagaling din ako mentally at emotionally. Hindi ko pa rin kasi nakakalimutan ang mga nangyari sa amin. Kahit struggling pa rin ako sa araw-araw kong buhay. Nilalakasan ko naman ang loob ko. Alam ko,
“Ibaba ang baril!” Sunod–sunod na putok ng baril pa ang narinig ko kasabay ang mga sigaw at mga utos. Bumagal ang galaw ng paligid ko nang makita ang mga pulis na pinaghuhuli ang mga tauhan ni Jax. At si Jax—nasa harapan ko, dilat ang mga mata at naliligo sa sariling dugo. “Ancel… ligtas na tayo!” Hagulgol ang kasabay ng sinabi ko. Dumating na rin ang medics at kasalukuyan nang inaasikaso si Ancel. “Ancel, lumaban ka… huminga ka!” Tuloy-tuloy ang patak ng luha ko habang pinapanood ang mga medics na ginagawa ang lahat maisalba lang ang lalaking mahal ko. Ramdam ko na may umalalay sa akin. May umasikaso na rin sa akin, pero wala sa kanila ang pansin ko. Nakatutok ang paningin ko kay Ancel. “He’s back!” Napatakip ako ng bibig kasabay ang impit na iyak nang marinig ang salitang ‘yon. Lumaban siya. Maya maya ay inilipat na siya sa streacher. Hanggang tanaw lang ako habang nilalayo nila sa akin si Ancel. Gusto kong sundan siya; gusto kong samahan siya, pero ubos na ang lakas ko, nahihi
“Ancel!” Nagsabay ang sigaw ko at hagulgol nang makita ang bakas ng dugo sa t-shirt niya. “Ancel…” Hindi agad ako nakagalaw; hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Nanginginig ang mga kamay ko na hinawakan ang sugat niya. Hinawakan naman niya ang kamay ko. “Aya, umalis ka na! Tumakbo ka na! Iwanan mo ako; tumakas ka na!” putol-putol na sabi ni Ancel. At sa kada salita niya ay may kasabay na da¡ng. “Sige na, Aya! Umalis ka na!" Sinubukan niya pa akong itulak, pero nagmatigas ako. Umiling-iling at muling itinakip ang mga palad ko sa sugat niya. “Aya, iligtas mo ang sarili mo, please…”Sa kada taboy niya sa akin ay paulit-ulit akong umiling at hindi nagpatinag sa mga tulak niya.”Ayaw kong umalis… Ancel. Hindi kita iiwan!” Hagulgol ang tumapos sa pagsasalita ko.“Ano ba, Aya, umalis ka na bago ka pa nila maabutan!” Pinilit niyang umupo at sumandal sa puno. Hawak na ng isang kamay niya ang sugat at baril naman ang hawak ng isa. Umiling-iling na naman ako. “Hindi, Ancel! Hindi kita iiw
Napasalampak ako sa mga tuyong dahon matapos ang putok na ‘yon. Akala ko, katapusan ko na. Akala ko mamamatay na ako sa kamay ng lalaking mahal ko, pero dalawang sunod-sunod pa na putok ang narinig ko. Rinig ko rin ang sunod-sunod na lagabog sa harapan ko. At hindi ko magawang tingnan kung ano ‘yon. Humagulgol ako habang nakatakip sa tainga ang mga kamay kong nanginginig. Hindi ko rin magawang idilat ang mga mata ko kahit naririnig ko pa na may papalapit sa akin. “Aya, tumayo ka na." Napabalikwas ako nang nararamdaman kong may humawak sa akin at niyakap ako. Narinig ko ang sinabi niya. Alam kong si Ancel ang yumakap sa akin ngayon, pero hindi ko magawang tingnan siya. Hindi ko magawang hawakan siya. “Aya, sorry…natakot ka, but I have no choice, kailangan kong gawin ‘yon. Iyon lang ang paraan para maligtas ka,” parang maiiyak na sabi ni Ancel. Haplos-haplos na rin niya likod ko. Hagulgol pa rin ang sagot ko. Pero kamay ko ay mahina nang sinuntok-suntok ang dibdib niya. Ni ang sab