Share

Kabanata 2

Author: sweetjelly
last update Last Updated: 2022-11-02 11:18:25

Rinig na rinig ko ang malakas na dagundong ng dibdib ko, kasabay ang mabagal na paghakbang papunta sa nakita ko na parang pigura ng tao.

"Aya!" pasigaw na tawag ni Belle sa pangalan ko. Bakas ang takot sa boses.

"Ouch!" Pigil ang pagdaing ko nang pabagsak akong napaupo at tumama ang puwet ko sa ugat ng punong-kahoy dahil sa biglang pag-atras. Hindi nga ako nagkamali. Tao nga ang nakita ko. Lalaking nakadapa at walang malay.

"Aya, halikana na, t-tara na sa bahay," nauutal at umiiyak na sabi ng kaibigan ko na pilit akong hinihila patayo, kaya lang parang nawalan ng lakas ang mga paa ko. At parang nabingi ako.

Rinig ko ang mga sinabi niya na iwan na lang namin ang lalaki at ipagbigay alam na lang sa kapitan ang aming nakita, ngunit nanatili lang akong naka-upo malapit sa lalaki na hindi ko alam kung buhay o patay.

"Aya!" pabulong na sigaw ni Belle. "Halika na!" Hinila na niya ang damit ko at sinubukan na itayo.

Pero hindi ko pa rin kayang tumayo. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kaibigan ko at sa lalaking nakahandusay. Gusto ko'ng sundin ang sinasabi ni Belle. Iwanan na lang ang lalaki, ngunit hindi ko magawa. Hindi ko alam kong bakit. Takot na takot ako pero mas nanaig pa rin ang kagustuhang tulungan ang lalaki. Gusto kong alamin kung buhay ba o patay.

Nanginginig ang buong katawan ko pero pilit kong nilalakasan ang loob. Pagapang akong lumapit sa lalaki at hinagilap ang pulso nito.

"B-Belle, buhay!" nanginginig ko'ng sabi.

Lumapit pa ako at tinutok sa mukha nito ang ilaw ng flashlight. Bukod sa may maraming sugat at pasa sa mukha, amoy alak din.

"Lumapit ka rito, tulungan natin," nanginginig ang mga kamay ko, ngunit buo ang loob na tulungan ito.

"Naloloka ka na ba, Aya? Paano kung masamang tao 'yan?" singhal ng kaibigan ko na bakas pa rin ang nginig sa boses.

Alam ko. Ramdam ko ang pangamba ni Belle, dahil iyon din ang nararamdaman ko, ngunit hindi ko magawang iwan ang lalaki sa ganoong ayos. 'Tsaka nurse ako. Magiging nurse sana, kahit paano ay may alam ako sa pagbibigay ng paunang lunas.

"Belle, tumahimik ka na. Tulungan mo na lang ako," sabi ko, kasabay ang pagpaupo sa lalaki. Wala nang nagawa si Belle, kun'di ang tulungan ako pero hindi pa rin talaga tumigil sa kakadada.

Kahit hirap na hirap kami dahil sa bigat ng lalaki, nagawa pa rin namin na iakyat ito sa kubo. Nagtuloy-tuloy pa rin ang sermon ni Belle, at hindi rin matigil ang pagdadabog niya. Hindi siya maperme sa isang lugar, pabalik-balik na naglakad sa loob ng kubo, pero tinulungan naman akong mag-init ng tubig.

Hindi na mamukhaan ang lalaki dahil sa mga pasa at sugat na natamo nito sa mukha. Ginupit ko ang suot nitong damit para tingnan din ang katawan nito. Ilang ulit akong napailing nang makita ang bugbog-sarado nitong katawan. Walang parte sa katawan niya ang walang latay.

"Aya, bakit pati 'yan?" nanlaki ang mga matang tanong ni Belle, nang binaklas ko ang sinturon ng lalaki.

"Ano pa ba? Para makita ko—"

"Malaking kasalanan 'yang gagawin mo sa taong walang ka malay-malay!" sabi niya na napa-sign of the cross pa.

"Gaga!" nasambit ko na lang. Anong akala niya , pag-interesan ko ang lalaking ito na hindi ko alam kung masamang tao nga? 'Tsaka hindi ako desperada para pagnasahan ang lalaking hindi ko naman kilala.

Kung sino man ang walang puso na gumawa sa kaniya nito. Siguradong gusto talaga nilang wakasan ang buhay niya. Hindi lang kasi simpleng bugbog ang natamo niya at halata din na pinagtulungan ito. Naihi pa nga dahil siguro sa sakit na natamo. Ang panghi niya rin kasi.

Kahit ayoko, kahit labag sa kalooban na makita ang alaga niya. Wala akong magawa, kailangan kong linisin pati iyon. Sinisiksik ko na lang sa utak ko habang hinuhubad ang salungganisa nito na training ko ito, sakaling makabalik ako sa dati kong buhay at maging isang ganap na nurse.

'Tsaka hindi ko naman nitingnan ng todo, pinikit ko kaya ang isang mata ko. 'Tsaka, hindi rin naman nakakatakot, lambot nga kasi.

"Jusmiyo, Aya!!" nasambit pa ni Belle, pero hindi naman nilubayan ng tingin habang ako ay nangingiming hawakan iyon. Buti na lang talaga at lupaypay din ito katulad ng may-ari.

Natapos din namin ang ginawang gamutan at dahil sa wala naman akong damit na panlalaki, sinuot ko na lang sa kan'ya ang daster ko. Para matakpan na rin 'yong lupaypay niyang alaga.

Pero nanatili pa rin kaming nakatingin sa lalaking walang malay na talagang kahagbag-habag ang hitsura.

"Aya naman, ano ba itong pinasok mo? Paano tayo matutulog ngayon?" bakas pa rin ang takot sa boses ni Belle.

"Pumikit ka!" wika ko.

"Aya naman, e! Nakuha mo pa talagang magbiro, nagpapasok ka na nga ng taong 'di natin kilala!"

"Wala pa naman dapat tayong ikatakot, Belle. Kung masamang tao man ang lalaking 'yan, 'di niya pa kakayanin na gawan tayo ng masama. Halos mamatay na nga 'yong tao."

Tugon ko na lang, pero ang totoo balot din ng takot ang buong sistema ko. Paano kong magising nga ito at barombado pala?

Naglatag na lang kami ng mahihigaan sa sala para doon na muna matulog. Kinandado ko rin ang k'warto para sakaling magising man ang lalaki, hindi agad ito makakalabas ng k'warto at may chance pa kami na makatakas ni Belle.

LUMIPAS ang dalawang araw, hindi pa rin nagising ang lalaki. Nadagdagan din ang trabaho ko dahil sa kaniya. Imbes na tuwing hapon lang ako uuwi sa kubo, ngayon ay kailangan ko nang umuwi ng tanghali para e-check siya. Kailangan ko pa siyang linisin araw-araw at palitan ang benda niya. At dahil wala pa rin itong malay pinapatakan ko lang ng kaunting tubig ang bibig niya.

Kaya ngayon, sobrang sisi ko kung bakit hindi ko magawang hayaan na lang ang lalaki at e-report na lang sa kapitan ang nangyari. Pero tapos na, nasa huli talaga ang pagsisisi.

Imbes mga hayop ang inaalagaan ko, nag-alaga na rin tuloy ako ng tao na hindi ko pa alam kung anong klaseng ugali ang mayro'n. Sana naman hindi asal hayop ito.

Kakarating ko lang galing sa pagpapastol at kaagad nagluto. Habang nagsasaing, sandali ko pa na sinilip ang lalaki na hanggang ngayon ay wala pa ring malay. Hindi pa rin klaro ang mukha nito, wala din kaming nakuha na pagkakilanlan niya dahil wala namang laman ang bulsa niya. Walang wallet, walang kahit ano.

Nagsimula na sana akong kumain nang makarinig ng ungol mula sa loob ng k'warto. Agad nagtambol ang dibdib ko. Bakit ngayon pa siya nagising? Bakit ngayon pa na wala akong kasama?

Dahan-dahan akong tumayo at sumilip sa k'warto. Agad akong nagkubli sa gilid ng dingding nang makitang nakaupo na ang lalaki at bakas ang pagtataka sa mukha. Hawak niya pa ang suot na bistida at sigurado akong sa pagkakataong ito, alam na niya na wala siyang suot na salungganisa.

Rinig ko ang mabagal nitong pagtayo kasabay din ang impit na ungol. Dahan-dahan naman akong lumayo sa may pinto. Bumungad sa akin ang matalim nitong titig at seryosong mukha. Mababanaag din ang galit nito kahit pa puno ng pasa ang mukha, isabay pa ang paggalaw ng panga.

"Sino ka?!" pasinghal nitong tanong habang hawak ang tagilirang balot sa bandage. May saksak din kasi siya sa tagiliran pero mababaw lang naman.

"Ah-po, ako 'yong nakakita at tumulong sa'yo," putol-putol kong tugon.

Nakakangatog ng mga tuhod ang boses niya. Buo at walang emosyon. Walang bakas ng pasalamat sa taong tumulong sa kan'ya. Sa madaling salita, walang utang na loob.

"Anong lugar 'to?! pasinghal na tanong ulit nito.

"El Canto, po," sagot ko, kasabay ang pag-atras.

" 'Yong mga damit ko!"

"Sa k'warto," turo ko ang nakatupi na damit. Mabuti na lang at hindi ko tinapon ang damit niya. Tinahi ko ang t-shirt na ginupit ko at nilabhan ang mga iyon.

Lumabas na rin ako ng kubo, pagpasok niya sa k'warto. Pero agad din akong nahinto sa paghakbang nang makarinig ng ingay mula sa loob. Kahit takot ako, pumanhik pa rin ako at sumilip sa k'warto.

"Nasaan ang wallet ko?!" agad nitong tanong. Kita ko ang mga nagkalat na kagamitan ko sa loob ng kwarto. Kasalukuyan niyang hinalungkat ang backpack ko na naglalaman ng importanteng mga gamit.

"Po... wala... po kayong wallet sa bulsa, " takot kong tugon. Pero nasa backpack ang tingin ko. Pabagsak niya iyong binitiwan at hinarap ako.

"Paano ako aalis?" sigaw niya at dinuro ako.

Nanginginig ang mga kamay ko na dumukot ng pera sa bulsa at inabot iyon sa kaniya. Pinipilit na huwag mas'yadong makalapit sa kaniya. Gusto ko nang batukan ang sarili ko. Ako na nga ang gumamot, ako pa ang nagbayad. Nabawasan pa tuloy ang sahod ko.

Pahablot niya iyong tinanggap at wala pa ring pasalamat na bumababa ng kubo. Lumuwag ang pakiramdam ko nang maglakad na ito palabas ng bakod. Napaupo pa nga ako sa may hagdan at napisil ang noo habang ang mga tuhod ko ay nangangatog pa rin.

"Hoy!" umalingawngaw ang boses nito na agad nagpa-angat ng ulo ko.

"Saan ako dadaan?!" galit na naman nitong tanong.

Tinuro ko ang daan, ngunit matalim na tingin ang ganti niya. Wala akong nagawa kun'di ang samahan siya para ituro sa kaniya ang daan. Giniya ko siya palabas sa makipot na daan palabas ng El Canto hanggang sa malaking kalsada.

Tinuro ko na lang sa kaniya ang daan papunta sa bus stop at patakbong umalis at iniwan siya. Walang lingon at mabilis ang ginawa kong pagtakbo, makabalik lang agad sa kubo.

Bukod kasi sa naramdamang takot dahil sa boyolenteng lalaking niligtas ko. Padilim na rin at ayokong abutan ng dilim sa nakakatakot na daan na mag-isa lang ako.

Pawis at hingal akong dumating sa kubo. Pero kahit na ganoon, panatag na rin ang kalooban ko dahil wala na dito ang lalaking iyon na tinulungan ko na nga, siya pa ang galit. May mga tao talagang hindi marunong magpasalamat.

Inayos ko na muna ang mga gamit kong hinalungkat ng lalaki kanina, saka ako umupo sa harap ng lamesa. Kinalma ko na rin muna ang sarili, bago ako nagsimulang kumain. Mahigit dalawang oras na ang lumipas, sigurado akong nakasakay na ang lalaking iyon ng bus.

Malakas na tili ang nagawa ko nang biglang bumukas ang pinto. Kahit sobrang nagulat ako, agad ko namang nabunot ang itak ko.

"B-bakit ka bumalik?" tanong ko, nanginginig ang mga kamay, ngunit nagawa ko pa rin na itutok sa kaniya ang hawak na itak.

Matalim pa rin ang mga mata niya pero naka-taas na ang mga kamay, ngunit hindi ito sumagot. Nasa nakahain na pagkain sa lamesa ang tingin niya, kaya napalingon din ako roon.

Mabilis niyang nahawakan ang kamay ko at naagaw ang itak, at saka tinulak ako pagkatapos. Nasalampak ako sa sahig.

Hindi ko napigil ang pamumuo ng mga luha ko, kasabay ang paulit-ulit na pag-iling.

Nanlilisik kasi ang mga mata niya at nagtiim ang bagang, walang kurap din itong tumitig sa akin.

Umurong ako palayo nang dahan-dahan siyang humakbang palapit sa akin. Lalo pa akong nanginig nang tinutok niya sa akin ang itak.

Naisip kong ito na yata ang katapusan ko. Tuluyan ko yatang iiwan ang mga magulang ko. Ang masama, mamatay ako na hindi man lang sila nakita.

Tuloy ako sa pag-urong hanggang sa marating ko ang pinto ng k'warto. Pumasok ako at agad ni lock iyon. Kahit sobrang takot ko na. Nakuha ko pa rin na sumilip sa giwang ng dingding.

Hawak pa rin nito ang itak habang mabilis ang ginawang pagsubo. Para itong hayop na gutom na gutom. Dalawang araw nga naman itong walang kain at puro tubig lang ang laman ng tiyan.

Pinahid ko ang mga luhang lumandas sa aking pisngi at nilagyan ko ng harang ang pinto. Pigil ang iyak ko habang balot ng kumot ang katawan ko. Bakit pa ba siya bumalik? Ano pa ba ang gusto niya? Ginamot ko na nga siya at binigyan pa ng pera.

Napa-upo naman akong biglang nang marinig ang bahagyang pagtulak ng pinto. Mas kumabog pa ng malakas ang dibdib ko, hirap na ako sa paghinga. Pigil din ang hikbi ko. Ilang taon akong nagtago at tumakas sa mga taong naghahanap sa akin. Ito lang din pala ang kahahantungan ko.

Hindi nga ako naging pambayad utang at nakasal sa lalaking hindi ko kilala. Mamamatay naman ako sa kamay ng lalaking tinulungan.

Ramdam ko ang pag-uga ng kubo sa kada hakbang niya. Gawa nga lang sa kawayan ang kubo, kaya ramdam agad kunting galaw lang. Rinig ko rin ang pabagsak na pag-upo nito sa sofang kawayan at ang pagbitiw nito sa itak na hawak.

Alam kong maya maya lang ay mawawalan na kami ng ilaw dahil kanina pa nakabukas ang solar light ko. Hindi ko na kasi ito nagawang patayin at magsindi ng lampara dahil sa biglang pagbalik nitong hayop na lalaki. Talagang hayop!

Pinilit kong hindi makatulog kahit antok na antok na ako. Natatakot ako sa maaring gawin sa akin ng lalaki. Baka pasukin na lang niya akong bigla at gawan ng masama. Sa tingin at kilos niya lang kasi kanina, parang gusto na niya akong patayin.

Kung nakinig lang sana ako kay Cambelle, hindi sana mangyayari sa akin ito. Hindi magugulo ang buhay ko. Hindi malalagay sa panganib ang buhay ko.

Ilang sandali pa ay nawalan na nga kami ng ilaw.

"Shit!" paulit-ulit nitong mura, kasabay ang pag-uga ng kubo. Sa dilim ng paligid nagawa niya pa ang kumilos.

Nanlaki ang mga mata ko nang maya maya ay may ilaw na sa labas ng k'warto. Hindi ako makapaniwalang nagawa nitong mahanap ang lampara at posporo kahit madalim at hindi naman niya kabisado ang kubo.

Kung paano niya iyon ginawa wala na akong pakialam, ang mahalaga sa akin ngayon ay kung paano palayasin ang lalaking hayop na ito.

Wala na akong narinig na anumang ingay mula sa labas ng k'warto. Hindi na rin umuga ang kubo. Tanging ang mga tunog na lang ng mga kuliglig at iba pang insekto ang naririnig ko. Halos bumigay na rin ang mga talukap ko sa antok.

MALAKAS na kalampag ang gumising sa akin. Pabalikwas akong bumangon habang mahigpit ang kapit sa kumot. "P-paano ka nakapasok?"

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Nan
Nako! sana Hindi nalang nyo tinulongan Yan talagang mapahamak ka sa ganyang klasing tao naging aral din Yan na ipag alam lang sa mga pulis Nang ganong pangyayari patuloy Kong subaybayan itong kwentong ito nice story kahit nakakatakot
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • When Heart Beats   Kabanata 3

    Sumiksik ako sa gilid ng kama at lalong napahigpit ang kapit sa kumot na ginawa ko nang panangga sa buong katawan. Pero ang hayop ay mukhang tuwang-tuwa at napangisi pa. Mabagal itong humakbang palapit sa akin.Paulit-ulit akong umiling. " 'W-wag kang lumapit!" nanginginig kong paki-usap. Nag-uunahang lumandas ang mga luha ko habang nakatingin sa lalaki na animo hibang at handang lapain ako.Ngisi at tingin niya lang nakakatakot na. Halos hindi na ako makahinga ng maayos sa lakas ng kaba ko. Napatingala ako nang tumapat na siya sa kama ko." 'Wag po!" Napapikit ako at napayuko nang umangat ang kamay niya. Halos lumabas ang puso ko sa takot. Napaka-hayop ng lalaking ito.Humagulgol ako nang bigla nitong hinablot ang kumot. Niyakap ko na lang ang sariling mga tuhod habang pikit-mata at pigil ang paghagulgol "Tumayo ka at magluto! Nagugutom ako!" singhal niya. Binalibag niya sa akin ang kumot na hinablot niya kanina. Lalo lamang akong humagugol sa ginawa niya. Nayakap ko na lamang ang l

    Last Updated : 2022-11-05
  • When Heart Beats   Kabanata 4

    "W-wala po," utal-utal kong sagot kasabay ang pag-ahon sa tubig.Lumublob na rin kasi ang hayop. At wala akong balak maligo kasabay ang hayop na lalaking 'yon. Parang magliliyab na kasi ang buong katawan ko sa init ng mga tingin niya. Sana nga kumulo na ang tubig at maluto siya."Iwanan mo 'yan!" singhal na naman nito. Kaagad akong huminto. Napatingin sa hawak na sabon. Wala naman kasi akong ibang hawak sabon lang at damit na isusuot ko sana. Pinatong ko na lamang sa bato iyon at walang lingon na umalis. Mabuti na lang at hinayaan niya akong umalis. Hindi na kasi ito nagsalita matapos kong ilapag ang sabon.Mabilis ang mga hakbang ko na bumalik sa kubo, at agad nagbihis. Muli naman akong nalungkot dahil sa pintong sinira na walang hiya. Talagang walang hiya. Hayop!Hindi ko na nagawang magsuklay at agad nang umalis ng kubo bago pa ako maabutan ng walang hiya.Hindi matigil ang pagpatak ng mga luha ko habang hila-hila ang alaga ko. Patakbo kong nilisan ang kubo na naging tahanan ko sa

    Last Updated : 2022-11-19
  • When Heart Beats   Kabanata 5

    "B-belle, tara na." Kasabay ng naramdamang kaba, ang mahigpit na paghawak ko sa braso ng kaibigan ko. Bumakas ang pagtataka sa mukha niya pero hindi nagawang magtanong dahil sa hitsura nitong lalaking papalapit sa amin na talaga namang makalaglag-panty. Pero iba ang kutob ko habang tanaw siya. Takot ang agad kong naramdaman at hindi paghanga. Takot na naramdaman ko lang sa lalaking hayop na aking tinulungan.Hinila ko na lamang si Belle. Halos walang kurap kasi na nakatitig sa lalaki. "Halika na Belle," gusto ko na siyang kaladkarin, makalayo lamang kami sa lalaking may kakaibang ngiti habang nakapako na ang tingin sa akin. "Aya, bakit ba?" tanong nito habang pinipilit na sabayan ang paghakbang ko."Bilisan mo na lang ang paglalakad, Belle, mamaya na ako magpapqliwanag ." "Do you really think, hahayaan kita na takbuhan uli ako?" Dumagundong ang boses niya mula sa aming likuran. Nagpatuloy kami sa paghakbang at hindi pinansin ang sinabi niya. "One more step, and you'll regret it!"

    Last Updated : 2022-11-21
  • When Heart Beats   Kababata 6

    Matinding takot ang naramdaman ko nang umupo siya sa tabi ko. Talagang animal ang lalaking ito."What do you expect? Matutulog ako sahig?!" arogante nitong tanong.Hindi ko mapigil ang mapahagulgol. Paano kung gawan niya ako ng kahayupan habang tulog ako?"Shut up! Will you?" sikmat niya. Bwesit siya. Kaya ako umiiyak ng ganito dahil sa kaniya. Kung umalis siya, hindi niya sana maririnig ang iyak ko, at hindi ako iiyak ng ganito. Gusto ko na ngang tumigil sa pag-iyak pero paano? Nasa tabi ko siya. Hayop! "Stop crying, sakit na sa tainga ang mga iyak mo. Kung sa tingin mo ay papatusin kita. Hell no, hindi ka kagandahan at hindi sexy para patusin ko," dada niya. Peste talagang manok 'to, kung makaputak wagas. "Tumahimik ka na at matulog kung ayaw mong busalan ko iyang bibig mo," sikmat niya pa.Naglagay ako ng unan sa pagitan namin. Takip na rin ang palad ko sa bibig. Ayaw pa rin kasi talaga tumigil ang paghikbi ko."Gumising ka ng maaga bukas. Magluto ka ng ibang ulam. Nakakasawa na

    Last Updated : 2022-11-25
  • When Heart Beats   Kabanata 7

    Hindi makapaniwalang napatingin ako kay Miguel, na may ngiting nagmamalaki. Nanatiling nakatingin sa kaniya si Ancel. Feeling ko, gusto na niyang tukain ang mga mata ni Miguel. "Tito? Sino ka, para tawagin akong Tito?!" ngitngit na tanong nito. "I'm Aya's soon to be boyfriend, kaya ngayon pa lang dapat masanay na akong tawagin kang Tito," maangas na tugon niya. Ang kamay na nakalahad kanina ay binawi na niya. Hindi naman kasi nag-abalang makipagkamay si Ancel. "Soon to be boyfriend, huh?" Biglang nag-switch ang tingin nito sa akin. Nanlilisik ang mga mata at nagtangis ang bagang. Nawalan ng lakas ang mga paa ko na ikinawala ng balanse ko. Napahawak ako kay Miguel na alerto namang humawak sa baywang ko. "Aya, ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong niya. Mapakla akong ngumiti, at kaagad lumayo sa kanya. "A-ayos lang ako, Miguel, salamat." Tumikhim at nagbaba pa ako ng paningin pagkatapos. Kinalma ko muna ang sarili bago muling tumingin kay Miguel na nakatitig pa pala sa akin. "H

    Last Updated : 2022-11-28
  • When Heart Beats   Kabanata 8

    Paulit-ulit ang pagbuntong-hininga ko habang walang tigil sa paghampas sa mga binti at braso kong pinapapak ng mga lamok. Pero ayos lang kahit pagpyestahan pa ako ng mga lamok kay sa naman manatili ako sa umuugang kubo.Nandiyan na naman kasi si Telay. Mula kasi noong unang gabing pagkikita nila ng hilaw kong Tito ay napadalas na ang pagpunta ng babaeng haliparot na iyon dito. Nakakainis nga. Dagdag siya sa hirap ko. Feeling entitled ang haliparot. Ginawa na nila akong alila. Taga silbi, at wala akong choice kung hindi ang sumunod. Ang gaga ko rin kasi nagtiis ako ng ganito katagal. Umaasa pa rin kasi ako na kusa siyang aalis kapag nagsawa na sa liblib na lugar na ito pero hindi dumating ang inaasahan ko. Lalo pang humigpit ang pagbabantay niya sa akin. Sinusundo na rin niya ako sa palayan tuwing hapon. Ilang beses na rin kasi akong nagtangkang tumakas at sa kada tangka ko, nahuhuli niya lang ako.Hindi ko alam kung bakit ayaw niya akong pakawalan; kung bakit tinatali niya ako sa bu

    Last Updated : 2022-12-03
  • When Heart Beats   Kabanata 9

    "Tulong–" Natigil ang ngawa ko nang makita ang pamilyar na kwartong kinalalagyan. Umiling ako ng paulit-ulit habang ang mga luha ay walang tigil sa pagdaloy. Hagulgol ang kasunod sa mahina kong paghikbi. Takip na rin ang mga palad sa bibig. Gusto kong gumalaw; gusto kong bumangon. Pero ramdam ang sakit sa buong katawan ko. Bumalik sa isip ko ang eksina sa bundok bago ako nahulog. "Aya!" Boses ni Belle ang narinig ko kasabay ang pagyugyog ng kubo. "Belle, tulungan mo ako. Umalis na tayo rito." Hawak ko ang kamay ni Belle. Nangingilid rin ang mga luha niya. Pero umiling-iling. "Belle, ano ba, tulungan mo na akong tumayo. Tara na.""Sa tingin mo, makakaalis ka rito sa kalagayan mong 'yan?" Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Ancel. Ngumisi pa ito na lalong nagpalakas sa paghikbi ko. "Katangahan mo, kaya nangyari sa'yo 'yan!" "Ancel, ano ba? Talagang nagawa mo pa na sa sigawan ang kaibigan ko. Kung hindi dahil sa'yo, hayop ka, walang mangyayaring masama sa kaibigan ko. Ikaw ang d

    Last Updated : 2022-12-07
  • When Heart Beats   Kabanata 10

    "Belle naman, ayoko ng naiisip mo. Ilayo mo na lang ako, please." Hawak ko na ang kamay niya habang ang mga luha ay patuloy sa pagpatak. "Aya, tumahan kana. Alam mo ba na kung hindi dahil sa kaniya ay pinaglalamayan ka na ngayon?" Pinahid niya ang mga luha ko saka hinaplos ang dibdib ko. "Sana nga at 'yon na lang ang nangyari. Mas gugustuhin ko pa na tuluyan na lang mawala kay sa makasama pa ang lalaking 'yon. Pagod na kasi ako, Belle. Puro na lang sakit at hirap ang nararanasan ko." I can't utter the words I want to say because I'm sobbing at the same time. Para akong bata na hindi matigil sa pag-iyak.Ang sikip na ng dibdib ko. "Ayoko na, pagod na pagod na ako, Belle. Pagod na ako sa lahat.""Aya, ano ba? Tumigil ka nga," tarantang pag-alo sa akin ni Belle, kasabay ang pagbangon sa akin. Kinapos na kasi ako sa paghinga. Feeling ko, k'unti na lang ay mawawalan na ako ng malay. Yakap na niya ako, at walang tigil sa pagtapik at paghaplos sa likod ko. Hinang-hina na ang katawan ko. Gu

    Last Updated : 2022-12-10

Latest chapter

  • When Heart Beats   Special Chapter (Honeymoon)

    Pawis at nag-iinit na ang magkahawak naming kamay ni Ancel. Ayoko kasing bitiwan dahil kung saan-saan na lang dumadapo ang kamay nitong pilyo kong asawa. Dumidilim na rin kasi, baka maisipan pa nitong sumuot kung saan mailabas lang ang init ng katawan. Hindi ko na nga muna siya nilingon. Bahala siyang pumisil-pisil sa kamay ko. Sa paligid ko na muna tinuon ang atensyon ko. Kasalukuyan na kasi naming binabaybay ang daan papunta ng El Canto, at ilang minuto na lang ay masisilayan na naming muli ang bahay-kubo na naging saksi ng pagmamahalan namin ni Ancel. Dito nga kasi niya gustong mag-honeymoon. No’ng una ay nagdalawang-isip ako. Iniisip ko kasi ang iisipin ng mga taga baryo. Bukod sa ang alam nila ay magkadugo kami. Ang alam ng lahat ay nawala ako dahil sumama sa ibang lalaki. Wala ni isang nakakaalam kung ano ba talaga ang nangyari sa akin. At malamang wala rin ni isang nakakaalam na mag-asawa na kami. Hindi naman kasi ugali ni nanay at tatay na makipagtsismisan sa mga kapitb

  • When Heart Beats   Wakas

    “Anak, hindi ka na nanaginip,” pabulong na sabi ni mama, napapangiti pa. Sakto naman kasing lumingon siya sa akin habang napangiwi ako. Kinurot ko kasi ang sarili ko. Sinisigurado ko nga kung hindi ba ako na nanaginip. “Totoo ang lahat ng ‘to, anak, hindi panaginip at hindi gunuguni.” Natiim ko ang labi ko. Nagpipigil maiyak. Pero wala eh, talagang hindi ko kayang pigilin ang mga luha ko. Luha ng saya. “Mahal na mahal ka ni Ancel, anak. Hindi pa naman siya nakalabas ng kulungan ay pinaplano na niya ang lahat.” Bumuga ng hangin si mama. “Hindi ka man naging ma swerte sa amin ng papa mo, naging maswerte ka naman sa lalaking minahal mo. Ang swerte ni Baby Anaya dahil kayo ang mga magulang niya,” madamdamin na sabi ni mama, sabay ang banayad na haplos sa kamay kong nakahawak na sa braso niya.Tipid akong ngumiti at saka, bumuga din ng hangin. Luha ko ay nag-uunahan ng pumatak sa pisngi ko. Halo-halo na kasi ang nararamdaman ko. Saya, lito, basta, para lang naman akong nakalutang sa ere

  • When Heart Beats   Kabanata 59

    “Belle, bilisan mo na! Bakit ba ang tagal mo?” Apura ko sa kaibigan ko na kanina pa nagmumokmok sa kwarto kasama si Baby Anaya. First birthday kasi ni Baby Anaya ngayon, at plano namin ay bibisitahin muna namin si Ancel, saka kami pupunta sa venue ng party. Pero dahil sa kabagalan nitong si Belle ay parang hindi na namin mapupuntahan si Ancel. Thirty minutes na lang kasi ay magsisimula na ang party at hindi kami pwedeng ma-late. Hindi rin pwedeng e-extend ang oras ng paggamit namin sa venue dahil may susunod pa na gagamit. “Ano ba, Belle!” Padabog akong nagpunta sa kwarto, at siya namang pagbukas ng pinto. Bumungad agad sa akin ang napaka-cute na mukha ni Baby Anaya at nakakainis na mukha ni Belle. “Akin na nga si Baby.” Binawi ko kay Belle si Baby. Hindi naman nagreklamo si Belle. Ngiting-ngiti pa nga ito habang sinusundan ako. “Sila Mama at papa?” tanong ko kay Camille. “Nauna na sila sa venue, kasama nila si nanay at tatay,” sagot naman ni Camille, sabay bukas ng pinto ng kotse

  • When Heart Beats   Kabanata 58

    Hindi ko alam kung ngingiti ba ako o iiyak habang nakatitig kay Ancel na mahimbing na natutulog. Sa wakas ay nagkamalay na siya— sa wakas ay tapos na ang paghihintay ko. Kaya lang, matapos niyang ma-check ng doctor kanina ay nakatulog ulit siya. Hindi niya ako kinausap o ngumiti man lang, tumingin lang siya at saka pumikit ulit. Pero hinayaan naman niya ako na hawakan ang kamay niya hanggang sa makatulog siya. ‘Yon lang ay sapat na sa akin. Kasi naiintindihan ko naman kung bakit siya gano’n, kagagaling nga lang niya sa coma. At ang sabi nga ng doctor, pwedeng maging iritable siya o confused; normal lang daw na magpakita ng ibang emotion—ibang ugali ang mga taong galing sa coma. “Matulog ka lang, mahal ko. Dito lang ako sa tabi mo, hindi kita iiwan, kahit maging hayop o kahit maging demonyo pa ulit ang ugali mo, mamahalin pa rin kita. Alam ko kasi—” Nilapat ko ang palad ko sa dibdib niya. “Na itong puso mo ay mala-anghel naman at ako lang ang tinitibok. Napatunayan ko na kung gaan

  • When Heart Beats   Author's Note

    Namali po ako ng update nito. In review na po ang edited chapter nito, baka bukas pa maayos. "Kabanata 57" kulang-kulang na chapter ang na update ko. Sa mga gustong mabasa ang complete na kabanata 57, paki delete muna sa library n'yo ang story na 'to then add n'yo na lang ulit. Pasensya na po. Malapit na sana matapos, saka naman nagkamali. Maraming salamat sa mga nagbabasa nito, kahit konti lang kayo ay ayos lang, at least may bumabasa. Sana mabasa n'yo rin ang ibang stories ko. May mga completed stories na rin po ako, may ongoing din po, pero slow update. Maraming salamat!

  • When Heart Beats   Kabanata 57

    “Aya, heto na ang maligamgam na tubig at towel,” nakangiting sabi ni Belle, sabay lapag niyon sa bedside table. “Salamat, Belle,” nakangiti ko namang sagot, pero mga mata ko ay hindi na maalis sa kaibigan kong titig na titig sa lantad na katawan ni Ancel. Yes, Ancel survived. Pero in coma pa rin, magdalawang linggo na siyang ganito, at hindi ako nawawalan ng pag-asa. Hindi ko siya susukuan. No’ng araw nga na akala ko ay mawawala na siya ng tuluyan sa buhay ko, hindi ako sumuko, ngayon pa kaya na nakakahinga na siya na walang vintelator—walang life support. Alam ko, nararamdaman at naririnig niya ako, kaya hindi ako nagsasawang kausapin siya. Kinuwento ko sa kanya ang mga nangyayari sa buhay ko nitong mga nag-daang araw. Hindi lang naman kasi si Ancel ang nagpapagaling. Ako rin, nagpapagaling din ako mentally at emotionally. Hindi ko pa rin kasi nakakalimutan ang mga nangyari sa amin. Kahit struggling pa rin ako sa araw-araw kong buhay. Nilalakasan ko naman ang loob ko. Alam ko,

  • When Heart Beats   Kabanata 56

    “Ibaba ang baril!” Sunod–sunod na putok ng baril pa ang narinig ko kasabay ang mga sigaw at mga utos. Bumagal ang galaw ng paligid ko nang makita ang mga pulis na pinaghuhuli ang mga tauhan ni Jax. At si Jax—nasa harapan ko, dilat ang mga mata at naliligo sa sariling dugo. “Ancel… ligtas na tayo!” Hagulgol ang kasabay ng sinabi ko. Dumating na rin ang medics at kasalukuyan nang inaasikaso si Ancel. “Ancel, lumaban ka… huminga ka!” Tuloy-tuloy ang patak ng luha ko habang pinapanood ang mga medics na ginagawa ang lahat maisalba lang ang lalaking mahal ko. Ramdam ko na may umalalay sa akin. May umasikaso na rin sa akin, pero wala sa kanila ang pansin ko. Nakatutok ang paningin ko kay Ancel. “He’s back!” Napatakip ako ng bibig kasabay ang impit na iyak nang marinig ang salitang ‘yon. Lumaban siya. Maya maya ay inilipat na siya sa streacher. Hanggang tanaw lang ako habang nilalayo nila sa akin si Ancel. Gusto kong sundan siya; gusto kong samahan siya, pero ubos na ang lakas ko, nahihi

  • When Heart Beats   Kabanata 55

    “Ancel!” Nagsabay ang sigaw ko at hagulgol nang makita ang bakas ng dugo sa t-shirt niya. “Ancel…” Hindi agad ako nakagalaw; hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Nanginginig ang mga kamay ko na hinawakan ang sugat niya. Hinawakan naman niya ang kamay ko. “Aya, umalis ka na! Tumakbo ka na! Iwanan mo ako; tumakas ka na!” putol-putol na sabi ni Ancel. At sa kada salita niya ay may kasabay na da¡ng. “Sige na, Aya! Umalis ka na!" Sinubukan niya pa akong itulak, pero nagmatigas ako. Umiling-iling at muling itinakip ang mga palad ko sa sugat niya. “Aya, iligtas mo ang sarili mo, please…”Sa kada taboy niya sa akin ay paulit-ulit akong umiling at hindi nagpatinag sa mga tulak niya.”Ayaw kong umalis… Ancel. Hindi kita iiwan!” Hagulgol ang tumapos sa pagsasalita ko.“Ano ba, Aya, umalis ka na bago ka pa nila maabutan!” Pinilit niyang umupo at sumandal sa puno. Hawak na ng isang kamay niya ang sugat at baril naman ang hawak ng isa. Umiling-iling na naman ako. “Hindi, Ancel! Hindi kita iiw

  • When Heart Beats   Kabanata 54

    Napasalampak ako sa mga tuyong dahon matapos ang putok na ‘yon. Akala ko, katapusan ko na. Akala ko mamamatay na ako sa kamay ng lalaking mahal ko, pero dalawang sunod-sunod pa na putok ang narinig ko. Rinig ko rin ang sunod-sunod na lagabog sa harapan ko. At hindi ko magawang tingnan kung ano ‘yon. Humagulgol ako habang nakatakip sa tainga ang mga kamay kong nanginginig. Hindi ko rin magawang idilat ang mga mata ko kahit naririnig ko pa na may papalapit sa akin. “Aya, tumayo ka na." Napabalikwas ako nang nararamdaman kong may humawak sa akin at niyakap ako. Narinig ko ang sinabi niya. Alam kong si Ancel ang yumakap sa akin ngayon, pero hindi ko magawang tingnan siya. Hindi ko magawang hawakan siya. “Aya, sorry…natakot ka, but I have no choice, kailangan kong gawin ‘yon. Iyon lang ang paraan para maligtas ka,” parang maiiyak na sabi ni Ancel. Haplos-haplos na rin niya likod ko. Hagulgol pa rin ang sagot ko. Pero kamay ko ay mahina nang sinuntok-suntok ang dibdib niya. Ni ang sab

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status