DUMAAN pa ang ilang minuto ay nakarinig siya ng mahinang kalabog at kaunting hiyawan ng mga boses ng mga kalalakihan. Marahan niyang nilapat ang tenga niya. Nang unti-unti niyang marinig na humina na ang ingay at kaluskos kasabay ng pagsisimula ng isang slowed version ng musika ay agad na niyang pinatay ang ilaw sa loob ng banyo. Kinuha niya ang latigong nakapatong sa sink counter na kasama talaga sa kanyang costume dahil isa nga siyang "CAT WOMAN" .
"Did you really think, I'd just forgive and forget, no
After catching you with herYour blood should run cold, so coldYou, you two-timing, cheap-lying, wannabeYou're a fool, if you thought that I'd just let this go" ....Nang magsimula ang musika ay agad siyang naglakad ng pasilyo palabas kung saan nakalokasyon ang maliit na event na inihanda ng mga ito para sa groom. Isang madilim na may may mga patay sinding iba't ibang ilaw ang sumalubong sa kanyang mga mata habang tinutungo ang malawak na lanai ng villa na iyon, Nakita niya agad ang ilang mga kalalakihan na nasa bilang siguro ng anim o pito ang nasa gilid ng mga sulok-sulokan ng lanai na iyon na nakangisi habang pinapanood ang kanyang magiging performance. Nakita rin niya si Charles na unang nagpakilala sa kanya habang may kabulungan na lalaki rin.
Halos lahat ang mga yun ay nakatingin at pinapanood ang bawat lakad niya.
"Whoa! cat woman, I like it" Narinig niya pang komento ng isang nanonood sa kanya habang tinitignan siya na makikita mo na may pagnanasa sa kanyang nakalantas na katawan.
Napakasexy kasi ng kanyang suot, Hindi man malaswa ay sapat na talaga para maglaway ang mga ito dahil kitang kita ang kanyang kurba.
Ngunit wala ni isang hiya ang kanyang nararamdaman dahil trabaho niya iyon at kung nagagandahan man ang mga lalaking naandoon sa kanya ay maganda senyales iyon dahil ibig sabihin ay maganda ang kanyang ginagawang performance.
Nakita niya pang kinindatan siya ng isang lalaki habang itinaas nito ang champagne glass para sa kanya. Agad niyang binawi ang kanyang tingin at nagsimulang hanapin ang direksyon ng kanyang pakay.
Maali naman niyang natagpuan ang groom na nakaupo sa gitn ng platform na nasa gitna din ng lanai na iyon, Nakatalikod ito sa kanyang view at may piring ang mga mata. Ang mga kamay nito ay nakatali rin patalikod dito habang nakahalf-turn ang ulo parang pinakikiramdaman ang kanyang kilos. Nagsimula siyang sumayaw ng bahadya at haplusin ang sarili upang maging ka-akit-akit ang kanyang pagsasayaw.Muli ay narinig niya ang mga makamundo hiyawan.
"Wildddd.." "Yeah, baby go for the gold.."
"Whooooo" halos magpalakpakan itong mga nakapalibot ng lalaki sa kanila habang h=abala siya sa pag-pe-perform.
Pagkarating sa chorus ng kanta ay muli niyang isinasiwas ang hawak na latigo dahilan upang lumikha ng ingay.
Marahan niyang inilagay ang palad sa balikat ng kanyang kliyente na nakaupo sa upuan na iyon, Nakita naman niya ang pagtikhim nito ng makalapit. Kung sisipatin mo ang groom ay matipuno rin ito katulad siguro ng Charles na iyon. Mukhang bata pa ito katulad ng mga nasa paligid nila. Tila magkakaibigan yata ang mga ito at wala ka makikita na Kahit man lang mga may edad na kalalakihan.
Tinanggal niya ang pagkakatali ng mga pulso nito sa likuran kasabay ng pagpihit niya dito dahilan maramdaman niyang nagulat ito.
"I see red, red, oh redA gun to your head, head, to your headNow all I see is red, red, red" ...Sinimulan niya itong haplusin mula sa balikat nito pataas sa leeg hanggang sa marating niya ang jaw nito. Hindi man niya makita ang mga mata nito dahil sa pagkakapring ay halatang hindi ito excited sa mga nangyayari sa paligin, Nakita rin niya ang pang-iling nito sabay iwas ng mukha sa kanya.
Gusto niya sanang mao-ffend pero hindi niya na pinansin ang ganoong damdamin dahil trabaho lang naman ito para sa kanya.Bigla siyang umupo sa kandungan nito, paharap sa groom kasabay ng pagsampay ng kanyang mga kamay sa balikat nito.
Narinig na naman niya ang pagbuntong-hininga nito at pagtikhim ng maramdaman na sobrang lapit na ng kanyang katawan sa katawan nito.
Halos matumba siya sa kanyang pagkakaupo ng maramdaman niya naman na inilalayan pa rin ng mga kamay nito ang kanyang bewang upang hindi matumba. Halos maamoy niya ang mabangong pabango nito na halatang mamahalin.Napatitig siya sa nakatikhim ng mga labi nito dahil sa manipis iyon ay kulay rosas rin, para itong naka lipgloss, Ibinalanse niya ang sarili at nagsimulang bigyan ito ng kaunting haplos sa balikat papunta sa itim nitong sleeves, hanggang sa mahawakan niya ang butones nito.
Habang iginiling niya ang kanyang bewang ay sinumulan naman niya tanggalin ang unang butones ng lalaking kaharap niya ng bigla siya nitong hawakan sa kamay at pigilan. Napaigdad siya ng gawin ito ng lalaki dahil hindi niya talaga nakikita dito ang excitement na dapat ay nakikita niya sa mga lalaki."Blake, Maybe you shouldn't get married. You're missing a chance here," narinig niya pang kantyaw ng isang lalaki.
Hindi niya pinansin ang pagpigil nito at muling iginapang ang isang palad upang tanggalin ang piring nito sa mata, Hindi naman ulit ito umangal at marahang pa siyang tinulungan na tanggalin iyon,
Halos mapatigil siya sa pag-giling ng makita at masilayan ang mga mata nito ng mahubad ang piring nito, Sa gitna ng patay-sindi nang malarong ilaw ay kitang-kita pa rin niya ang kabubuan ng mukha nito. Napakagandang tanawin sa kanyang loob.Ngayon lang siguro siya na-distract ng ganito sa kanyang pagt-trabaho ng makita ang ganda ng hilatsa ng mukha nito. Isang napakaamong, angel-like ang nakikita niya sa kanyang harapan. Napakurap siya ng dalawang beses na magkakasunod ng makita ang malamlam nitong titig sa kanya.
Ang matangos nitong ilong ay bagay na bagay sa korte ng mukha nito. Totoo ba itong tao or isang mannequin? si ken ng barbie? Asian ken ng pilipinas?
"Get off.." Narinig niyang bumuka ang bibig nito ngunit hindi niya marinig ang sinasabi nito dahil sa ingay ng musika sa paligid.
Marahan niyang inilapit ang tenga upang muling pakinggan ang sasabihin nito.
"I said, Get off." sabi muli nito ng bumulong ito sa kanya. Agad naman siyang tumayo dahil sa init ng hininga nito na para kumeryente sa kanyang tenga pababa ng kanyang katawan.
Gusto na talaga niyang ma-offend dahil sa sobrang sungit ng kliyente na ito.
Hindi pa man siya nakakabawi ay may biglang humapit sa kanyang bewang dahilan upang mapakapit siya sa mga balikat ng humapit sa kanya.Nakita niya ang pag-ngisi ng lalaking humawak sa kanyang bewang, habang hinahagod siya ng tingin.
"If Blake rejected you, don't worry my woman, I can be your man for tonight," Sabi pa nito sabay na ibinaba ng lalaki ang mukha sa kanyang leeg.
Agad siyang napaigdad at marahang itinulak ito.
"T-teka lang" pigil niya sa bastos na kaharap ng pilit na sinisiksik ang mukha sa kanyang leeg. "W-wala sa usap-"
Tinutulak niya ang balikat nito ngunit mas lalo lang nitong hinigpitan ang pagkakahapit sa kanyang katawan.
"Jason, Don't do that," Narinig niyang lumapit na ang Charles na kanina niyang kausap, "Geez, You're ruining the party" sabi pa nito sa kaibigan na Jason pala ang pangalan.
"Blake doesn't want her, Anong masama? Edi akin na lang." sabi pa nito ng bitawan siya at nag-hands up upang bitawan siya.
Hindi pa siya nakakakilos sa dami ng mga nangyari ay naramdaman niya na may humawak muli ng kanyang pulso at bahagyang hinila papalapit sa katawan nito.
Ito yung groom na sinasabi nilang si Blake, Nakalapit na pala ito sa kanila at inagaw siya mula sa dalawang lalaking nagkakagulo.
"She's not yours Jason f*ck off." Rinig niyang sabi nito sa kaibigang Jason ang pangalan. "She's here to be with me right? so she's mine for tonight. " Pagpapaalala pa nito.
"Fine, fine," ngumisi pa ito at umatras. "She's all yours" sabi pa nito at inilahad ang mga kamay upang ituro ang direksyon ng isang pintuan na sa tingin niya ay kwarto.
Akma siyang pipiglas sa pagkakahawak nito nang matanto ang ibig sabihin ng mga ito ng ituro ang direksyon ng kwarto na itinuturo ng mga kaibigan yata nito ng walang pasintabing hinila siya ng groom na iyon papunta sa kwarto.
"T-teka ano," tawag niya dito habang inaagaw ang sariling pulso ngunit hindi ito natinag at mabilis na naglakad papasok sa kwartong iyon.
BIGLANG itinulak si Xia ng lalaking nag-ngangalan na Blake sa loob ng silid na iyon. Nang muli siyang humarap dito ay nakita na niya itong inilapat ng pasara ang pintuan at sumandal pa ito upang hindi siguro siya makalabas. Sinalubong siya ng mainit na tingin nito at nakita niya ang pagmasid ng mga mata nito sa kanya mula ulo hanggang paa. Muli siyang nailang ng makita niya kung paano siya pasadahan ng tingin nito na tila nagkakamali yata ito ng impresyon kung ano ang trabaho niya. Isa lamang siyang mananayaw para sa gabing ito at wala siyang balak na magpa-kama sa kahit na kaninong lalaki na nandito. "W-wait, Blake d'ba?" Itinaas niya ang dalawa niyang kamay tapat ng kanyang dibdib upang pigilan ito ng makita niyang nagsimula itong i-unbotton ang pangalawang butones nito. "Hindi ako ano dito-" Napaatras siya ng makita itong humakbang habang kasunod na in-unbutton ang pangatlong butones. Sa nakikita niya sa kanyang harapan ay isang mala-Anghel ngunit mapanganib na nilalang dahi
"T-TEKA," Hinabol niya ang binatang lumabas sa kwarto at dumiretso muli sa lanai kung saan ginanap ang party. Napatigil siya ng makitang wala na nga ang mga lalaking kaibigan nito. Tanging ang bakas ng okasyon na lang ang makikita doon. Hindi naman ito natinag at tuloy-tuloy lang ito naglakad sa may mahabang buffet table kung saan nandun ang champagne tower na puro champagne glasses at kumuha ng isa ang binata. Hinanap nito ang coat at isinampay sa kanyang balikat gamit ang isang kamay. Nagsimula itong lumabas ng lanai at pumunta sa direksyon ng beach sand. (shit...) Palihim na mura niya habang nagmamadaling bumalik sa banyo kung saan siya nag-ayos at kinuha ang kanyang malaking tote bag kung nasaan ang kanyang damit pampalit. Kailangan niyang mahabol ito dahil wala na siyang kasama doon at sa tingin niya ay nag-uwian na ang mga ito ng biglaan. Hindi naman siya pwedeng mag-stay doon dahil wala naman yun sa kanilang kontrata at saka isa pa ay bangka lang ang pwedeng niyang sakyan
SUMANDAL ito sa railing sa kanyang tabi at tinitigan siya. "Oh ba't ka nakatingin?" Hindi niya mapigilang umiwas ng tingin dahil sa ilang oras pa lang niya kasama ito ay hIndi na siya mapakali kapag tumititig ito sa kanya. "Aren't you gonna remove you head mask? it's awkward." Nakangising tanong nito sa kanya. Hinawakan niya ang sariling headmask at kumunot ang kanyang noo dahil sa pagngisi nito na tila natatawa sa kanya. "Tatanggalin ko lang 'to kapag dumiretso na ulit yang dila mo, English ka ng english." balik-asar niya dito. Lalo lang itong tumawa at umiling sa kanyang harapan. "Okay, You can keep it that way, Im not even interested to see how you look," balik-asar nito. (Aba!) Gusto niyang magtaray ngunit alam naman niyang nang-aasar lang ito. Humalikipkip na lang siya ng umalis ito at tumingin sa kawalan. "Bakit hindi ka sumama sa mga kaibigan mo?" Muli na namang tanong niya dito. Hindi pa siya nakakaharap ng muli itong bumalik sa dati nitong pwesto sa tabi niya at i
MARAHAN niyang idinilat ni Xia ang kanyang mga mata ng marinig ang mga ibon na naghuhunian sa kanyang paligid. "Hah?!" Biglaan siyang bumangon mula sa pagkakahiga sa deck at tinanggal ang headmask na nakatulugan na niya kagabi. "Gago, Umaga na?" May araw na nang magising siya at nasa tapat ng init ng araw. Agad niyang inayos ang pagkakaupo at inalis ang nakatakip na coat na nagsilbing kanyang kumot. " Ay palaka!" Napasigaw siya ng mahagip ng gilid ng kanyang paningin ang isang hindi katandaan na lalaki na nasa tabi niya at nakatayo. Hinagod ng kanyang mata ang nakatayong maanda na nakaformal coat din at waring kanina pa siya pinagmamasdan. "Good Morning Miss," Magalang na bati nito ng magtama ang kanilang mga mata. Bahagya itong ngumiti sa kanya at inilahad ang isang kamay upang tulungan siyang makatayo. "G-good morning ho," Pinilit niyangngumiti Kahit na nagtataka siya kung bakit may matandang nakapormal ang nakatayo sa harapan niya. "Nakita niyo yung kasama ko kagabi?" Agad s
"GOODMORING BAKLA!" Isang masayang pagbati ang iginawad ni Xia ng mkapasok sa loob ng building ng kanyang pinagta-trabahuan na Zstars Agency. Sa loob ng building na iyon ay diretso siyang pumunta sa may malaking Dance studio ay nandoon ang kanyang tinuturing na kaibigan sa trabaho na sin OKA.Ang bading niyang kaibigan na mas babae pa sa kanya ngunit hindi mo ito makikitang nagdadamit ng pambabae pero kung kumilos ay napakalamya. Si Oka ang punong-abala sa mga costumes na kanilang sinusuot. Ito ang nagtatahi at naga-alter ng mga lahat ng wardrobe ng angels na nagt-trabaho dito. Lahat ng babae doon ay may kanya-kanyang costumes kung kaya't alam niya na malinis at very hygienic ang kanilang sinusuot dahil labag sa rules ang magpalit at maghiraman ng mga gamit sa building na iyon.Palagi rin nitong kasama ang isa rin sa tinituring rin niyang kaibigan sa trabaho ay si Aizu, Isa ito sa scheduler ng kanilang Agency. Ito ang may handle sa kanyang mga booking, Bawat scheduler doon ay may kan
(SIYA siguro yung fiance ni Blake...) Nagpahalumbaba siya upang titigan mabuti ang nasa tv. Hindi niya maiwasang maisip na bagay nga talaga ang dalawa, kaya siguro hindi man lang siya nito kaya...Napapilig siya ng ulo ng marealize na kung ano-ano ang iniisip niya. (THE COUPLE IS EXPECTING TO TIE KNOT ON THE LAST DAY OF THE WEEK AND IT WILL BE HELD IN THE CITY OF PARIS. ONLY CLOSE RELATIVES AND CLOSE FRIENDS ARE SET TO ATTEND THE WEDDING, THE PRINCE OF THE BWEALTH FINANCE CO. MR. LIAM BLAKE BIESCHEL IS RUMORED TO BE DATING THE PRINCESS OF THE MADDEN FASTFOOD AND RESTAURANT CO., MS. TIFFANY MADDEN SINCE THEIR COLLEGE DAYS AND NOW THE TWO OF THE WEALTHIEST CLANS ARE HAVING A GRAND UNION THIS YEAR.) (Liam Blake Bieschel pala ang pangalan niya...) Inulit niya ang pangalan nito sa kanyang isipan habang hindi inaalis ang kanyang tingin sa malaking TV kung saan nakikita niya ang pagpasok nito sa Airport habang nakakapit sa bisig nito ang fiance nito. Hindi niya maiwasang mamangha sa dalaw
"ATE," Masayang binati siya ni Arrietta na sinalubong siya nito sa kanilang maliit na pintuan, Napansin niya na umuuga na ang screen door nito ng hinawi niya iyon upang buksan ang kanyang dadaanan. "Wow, Ang dami mo namang binili," Agad na kinuha ng kanyang kapatid na babae ang dalawang malalaking supot sa kanyang kamay upang tulungan siya na ipatong ito sa kanilang maliit na lamesa. "Oo, Para sa bahay yan at pambaon niyo na rin next week ni Aries," Masayang sabi niya dito, Nginitian siya ng nakakabatang kapatid."Ate, Highschool na kami ni Aries next week, magbabaon pa ba kami ng ganito?" "Aba oo, para tipid sa baon, iba ang pagiging highschool mas maraming subjects lalo na accelerated ang kapatid mo," Ang tinutukoy niya ay si Aries. "Asan na nga pala si Aries?" Hanap niya sa isang kapatid. "Humiram ate sa kapitbahay ng martilyo, Aayusin niya yang pinto, Medyo umuuga na eh." Itinuro nito ang pintuan na kanina pa rin niya napansin na medyo umuuga na nga. Pinuntahan niya ang pinto n
SA totoo lan ay mabait ang kanyang ina ngunit tanga talaga ito pagdating sa pag-ibig kung kaya't ganito ito kapag may kinakasama, palagi na lang inuuna ang kailangan ng lalaki nito kesa sa kanilang magkakapatid. "Bakit naglasing na naman ba yang lalaki mo at nagbasag sa isang bar?" Hindi niya mapigilan ang pagtataray dahil umakyat talaga ang init ng dugo niya skapag ganito ang kanilang ina. "Wala akong pera para sa lalaking yan, Ma!" "Aba!" Narinig niyang sumigaw ang lalaki ng marinig siya, Inihagis nito ang isang plastik na buinuksan nitong loaf bread sa sahig. "Ang Sakit mo magsalita Xia ah! Ano ba pinagmamalaki mo?! Iyang paghuhubad mo?!" Sugod nito sa kanya habang ang ina niya at Inawat ang boyfriend nito na makalapit sa kanya. "Ate!" Agad namang lumapit ang kapatid niyang lalaki ng makita nitong akmang- aambaan siya ng boyfriend ng kanyang ina. "Sinong maysabi sayong naghuhubad ako?! Ayusin mo ang pananalita mo lalo na sa harap ng mga kapatid ko!" Matapang niya itong sina
“Maganda ba?” Itinaas pareho ni Xia ang dalawang bracelets na kanina pa niya tinitignan sa isang sulok ng section ng department mall kung saan kasama niya sina Oka at Aizu. Maaga niya kasi itong niyaya upang makipagkita sa kanya kahit magmiryende lang sila sa labas dahil nga may mga trabaho ang mga ito.Gusto rin niya pakiusapan si Aizu na ipasok sana siya nito muli sa trabaho ngunit bago sila nakapag-usap ay nagpasya muna silang maglakad-lakad.“Ano naman yan?” Nagtaas-kilay naman si Oka habang masuring tinititigan ang pinapakita niyang bracelet.“Couple Bracelets” Ngiting tagumpay niya habang naiimagine na kung para kanino ang gift na iyon. “Tignan mo!” Nagmamadali niyang kinuha ang isang kamay ni Oka upang ikabit ang isang silver chained magnetic pendant na nasa kanyang kabilang kamay. “It’s a magnetic pendant po and with a button po. These are also called distance Bracelet po. Kapag magkasama po kayo ng partner ninyo nabubuo po ang hearts na pendant.”Mabilis rin niyang sinuot ang
[RING! RING! RING!]Halos hindi maimulat ni Xia ang kanyang mga mata ngunit dahil sa tuloy-tuloy na tunog ng kanyang telepono ay napabalikwas siya upang kunin iyon sa kanyang maliit na lamesita sa tabi ng kanyang kama.Ala-sais pa lang ng umaga at hindi pa ras para gumising siya. Sa totoo lang ay napuyat siya kagabi dahil halos hanggan alas tres yata sila magkausap sa text ni Liam.Nag-enjoy siyang kausap ito kahit text lang iyon. Liam showed her how Liam was different now. They just talked about theirselves. Mga paborito at hindi paborito ng isa’t isa. Sa sobrang dami ay natulog siyang may ngiti sa mga labi dahil napakadaldal nito sa texts.“Si Liam?” Napabalikwas si Xia ng pagbangon sa kama ng makita ang ID caller ng tumatawag. “L”. Agad niyang hinawakan ang lalamunin at bahagyang umubo ng kaunti upang ayusin ang boses bago sinagot ang tumatawag.[“H-Hello?” -Xia.][“Good morning, Princess.” – Liam.]Napapikit siya na may halong kilig na nararamdaman dahil sa ganda ng boses nito ay t
“Naiintindihan mo na ba Ma?” Tanong niyang muli sa kanyang ina pagkatapos ng mahaba-habang paliwanagan. Maging si Liam ay pinilit na padaliin ang sitwasyon na kinasasadlakan nito ng mabuti. Masusi nitong inungkat ang tungkol lamang sa kwestiyon ng kanyang ina.“Ibig mong sabihin, binata ka? Pero sa papel hindi?” Muling tanong ng kanyang ina kay Liam.“We are already divorced in the other country and we didn’t register our marriage here in the Philippines, so by law, I am still unmarried. ““Nagsasama lang kayo dahil sa sakit ng asawa mo-este ng ex-wife mo? ““Uhm.” Napalingon siya ng mapatigil ito sa pagsagot sa kanyang ina. May point ang tanong ng kanyang ina. Dalawang taon ang pagsasama nil ani Tiffany at hindi naman ito kaagad na diagnose na may sakit ang pagkakaalam niya.“No, ma’am. It isn’t very easy. It’s a family matter. Our clan has this tradition that we have to marry into another wealthy family to extend our wealth- ““Alam mo naman palang may kumplikasyon pero bakit kailan
“You don’t want me to go inside your house?” Tanong ni Liam kay Xia na may pag-aalinlangan sa boses nito ng ihinto nito sa harap ng kanilang townhouse ang sasakyan nito. Halos matagal-tagal rin ang inilagi at paglalandian nila sa loob ng condo nito bago ito nagpasyang i-uwi siya sa kanila.Mahigpit niyang ibinilin nito na simula sa araw na ito ay hindi na siya titira pang muli sa mga Bieschel. Nirespeto naman iyon ni Liam at niyaya siyang ihatid sa kanilang bahay. Magtatakip-silim na rin naman ng makarating sila sa kanilang barangay.Ang sabi nito ay pwede siya nitong ihatid hanggang sa loob ng kanilang bahay ngunit tinutulan niya iyon. Nang dahil sa umaapaw ang kanyang nararamdaman ngayon lalo na at kasama niya ang lalaking nagpapatibok ng kanyang puso ay doon naman nagsimula ang pakiramdam ng pagka-asiwa.“Bakit mo pa ako ihahatid sa loob?B-baka may makakita sayo dito?”“So?’“Anong so? Gusto mong ma-headline ka?” Taas-kilay na sabi niya. Iginiya niya ng mariin ang paligid ng kanilan
Umaapaw ang nararamdamang kaligayahan sa puso ni Xia. Ang pag-amin nito na mahal na siya ng binata ay sapat na para sa kanya. Ang pag-amin nito na wala na itong asawa ay siya ring ikanatuwa niya ngunit lungkot at mabigat na responsibilidan ang pinataw nito sa kanya.“Liam,” Iiniwas niya ang sarili niyang mga labi at bahagya muli itong itinulak upang hindi siya nito mahagkan sa mga labi. “Hindi ko alam ang i-rereact ko…” Gusto niyang pagalitan ang kanyang sarili dahil umaarte siya. Kung siya ang tatanungin ay kaya niyang ipagkaloob ang kanyang sarili ngunit samu’t saring senaryo ang biglaang pumaosk sa kanyang isipan.Hindi naman porket umamin ang binata sa kanya ay kaya niyang gsunggaban ang oportunidad na iyon. Mas lalong lumaki ang kanyang problema gayong Malaya silang magmahalan ngunit hindi maitatangging malayo ang kanilang mga mundo. Langit ito at lupa siya.“Hindi sa nagiinarte ako pero ayokong isipin mo na pera ang habol ko sayo. Ayokong madaliin ang magiging relasyon natin ng
“A-Anong ginagawa mo dito?” Pagkabukas pa lang ni Xia ng kanilang gate sa labas ng kanilang townhouse ay bumungad na agad ang matipunong pangangatawan ang mala-anghel na mukha ni Liam. Mas kuminang yata ang itsura nito sa kanyang paningin.Nakasandal lamang ito sa may hood ng magara nitong benz. Ang kasuotan nito ay napakasimpleng polo sleeves na off-white ang kulay na nakahapit pataas sa mga braso nito kung kaya kitang-kita mo na mas maputi pa angmga braso nito kaysa kanya.Ang malamlam nitong pagtitig sa kanya ay mas lalong nakakaba ng kanyang dibdib dahil kita mo sa ga mat anito ang sinseridad ng pagpunta nito sa harapan ng kanilang bahay.Luminga pa siya sa looban ng driver’s seat nito upang hanapin ang driver nitong si Mr. Gonzales ngunit wala siyang maaninag na tao sa harapan ng kotse nito.“I came here, hoping we can talk. Xia.” Muli nitong kinuha ang ang kanyang atensyon sa pagsasalita at lumapit sa kanyang harapan.“Mag-isa mo?” Tanong niya rito na may halong pagkunot-noo dahi
Papungas-pungas pa ang mga mata ni Xia habang kinukuyumos ang mga mata pababa ng hagdan. Napasobra yata ang kanyang tulog dahil sa tindi ng sakit ng ulo na naradaman pagkatapos ng mahabang paghagulgol.“X-Xia.”Napalingon siya sa kanilang hapagkainan ng marinig niyang tawagin siya ng kanyang ina. Nakatayo lamang ito sa tabi nang nakaupo ng nobyo nitong si Briggs na matamang nakatingin rin sa kanya habang hinihigop ang mainit na kape. Siya na lamang ang naunang mag-iwas ng tingin bago pa man magkaroon na pangalawang komusyon pa. Diniretso niya ang kanilang sofa upang tignan kung naroon pa ang mga bags ng dalawang kapatid. Mukhang pumasok nga ang mga ito at hindi naman nagulob ang pag-aara l ng dahil sa nangyaring problema. “Alis na ako,” Narinig niynang nagsalita si Briggs at ang gaslaw ng silya nitong inuupuan na parang nagmamadali sa pagkilos.“Sige.” Sagot naman ng ina. Umikot na lamang ang kanyang paningin habang walang lingong umupo sa kanilang sofa. Nakiramdam laman siya sa ma
“Aries, Arrietta, Ma, Halika na!” Mula sa malayo ay tanaw-tanaw na ni Xia ang kanyang mga kapatid na nag-eenjoy pa lamang sa dessert na nakahain sa mesa. Habang nagku-kwentuhan na si Tiffany at ang kanyang ina.“Tumayo na kayo dyan.” Pinatigas niya ang sariling panga upang hindi mahalata ng mga nakababatang kapatid na galing siya sap ag-iyak. Tumayo naman si Tiffany at maagap na lumapit sa kanya.“Xia, Are you okay? What happened?” Takang -tanong nito sa kanyang habang hinapit nito ng marahan ang kanyang siko. Kaagad niya itong binaw at iniwasan ang pagtingin rin sa mga mata nito. “Pwede bang i-uwi ko na ang mga bata? “ Pigil at garagal ang boses niya habang ipinapaalam ang mga kapatid.“Ate, bakit ka umiiyak?” Puna naman ni Arry habang nakayakap sa kanyang bewang Na warin gusto siyang i-comfort. Mariin siyang umiling at hinawakan sa isang pulso si Arry at sa kabila naman ay si Aries.“Uwi na tayo.” Maiksing pagyakag niya sa mga ito.“Huy, Anong uuwi? Sasama ka sa amin?” sagot pa ng
"Hmmm? You didn't even flinch, my Xia." Maangas na pagmamalaki pa ng lalaking nagnakaw ng halik kay Xia. Sa bilis ng mga pangyayari ay hindi man lang niya nagawang maitulak ito kaagad. Unang-una sa lahat ay nilason ng kanyang isipan ang sandaling pagpapakita nito sa kanilang harapan ni Liam. Pangalawa, hindi niya akalaing sa liit ng mundo ng mga mayayamang ito ay magkikita pa sila ng lalaking ito. Si Lorenzo Lopez, Ang unang lalaki sa kanyang buhay at ang unang bumigo at dumurog noon. Sa tindi ng galit niya noon para dito ay himalang nawala iyon at nilimot na ng panahon dahil sa wala nang laman ang kanyang isip kung hindi si Liam Bieschel. Kung iisipin mo, sino nga ba talaga ang nauna sa puso niya? si Liam o si Enzo? Si Liam ang una niyang nakilala at hiningaan ng ilang taon. Nang makaharap niyang muli si Enzo ay tila walang kahit anong bahid ng galit o inis ang kanyang nararamdaman. Kung titignan niya ito sa kabuuan ay hindi na siya apektado sa lakas ng dating nito. Hindi na rin