"HELLO Madame Z?" Mahinang tanong ni Xia sa kanyang telepono habang kausap ang kanyang boss na kung i-adress niya ang Mamita kung minsan. "Yes po, Andito na po ako, Nasa Elevator na po ako." "Oh is everything alright? Tandaan mo you are exclusively invited by Mr. Gonzalez. So you better behave as one of my good role model okay?" Sabi pa nito na watring pinapapaalahanan siya na maging maayos sa pakikitungo sa bagong booking niya dahil ilang beses na rin itong nagpaalala ng pumayag siya na magpabook muli ng solo ay hindi basta-bastang tao ang nagpabook. Kundi ang isa sa mga tinuturing na mos elite bachelor ng kanilang bansa. Si Lorenzo "Enzo" Lopez ang isa sa bunsong anak ng may-ari ng ONE WORLD BANK CORP. Ang banko na PANGMASA, ika nga sa isang mga naging sikat na commercials nito.Ito kasi ang sikat na tagline ng banko. Ang banko kasi na iyon ang isa sa pinakamatagal na sa larangan ng industriya nito, Hindi pa siguro siya pinapanganak ay tanyag na ang mga negosyo nito kung kaya't kabi
"LET me introduce myself, I'm Enzo Lopez" Isang magalang na paglalahad ng kamay nito sa kanya na agad naman niyang inabot. Marahan itong yumuko upang daplisan ng iasang magaang halik ang kanyang kamay. Muntikan namang mamula ang mga pisngi sa inasal nitong panggalang sa kanya. "I believed that we've already met in Jacinto's welcome party if you remember?" Tumango naman siya bilang tugon sa pagpapakilala. "Yes po, Natatandaan ko pero bakit po mukhang tayo lang ang nandito?" Muling tanong niya dito. Ang alam niya kasi ay exclusive booking ang raket niya ngayong gabi ay katulad lang din ng mga nakaraang araw na pinuntahan niya noong mag-isa lang din siyang magpeperform para sa isang pribadong kaganapan. Bahagya niya pang nilapit ang mukha sa magandang lalaki at binulungan ito " Booking po ito hindi ba?" Nakita niya ang kaunting pagtawa ng lalaki at sabay pagngisi sa kanya. "Yes it is. I booked the enitre night with you Ms. Xia Pineda," Mas lalo namang napasinghap siya dahil sa bu
"BE my woman, Xia," Inulit pa ng gwapong binata ang sinabi nito ng matulala si Xia sa tanong nito. Sino nga ba ang makakasagot ng diretso kung ang tinatanong nito ay hindi basta tanong lang. "I can provide for you Xia, If you choose to be my woman, I'll let you live in vain," Bago pa man siya nito hintaying sumagot ay mas in-emphasize pa nito ang mga makukuha niya kapag pumayag sa gusto nito. "W-wait lang, Tinatanong mo ba ako na maging girlfriend mo?" Nanlalaki ang kanyang mga mata nang tanungin niya iyon. "Girlfriend?" Balik-tanong nito at muli niyang narinig ang mahinang pagtawa nito. "We don't do that thing Xia, I supposed you know how to deal with this kind of proposal. Correct me if I'm wrong, Are you some kind of new with these things?" Napaisip siya sa mga sinasabi nito dahil akala niya ay gusto siya nito maging girlfriend. Sa kabila kasi ng effort na nakita niya at ang panunuyong nakita niya ngayong gabi ay aakalain niya talaga ang pakikipag relasyon ang gusto niyo. Biglan
"XIA, Size 10 oh!" Narinig niyang salita ng kaibigang si OKA habang kinakalabit siya sa likuran upang lingunin niya ito. Hawak-hawak nito angisang pares na kulay pulang wedge shoes. Habang abala siya sa pagsusukat ng high heels na kanyang natipuhan. She rolled her eyes while making a face to her friend. "Oka, Hindi ka size 10, umayos ka," pandidilat niya dito. "Size 10 ako gaga!" Sabi pa nito na may kasama pang pag po-pompyang sa magkabila niyang tenga. Napahigikgik siya dahil muli na naman niyang naasar ang sungit-sungitan niyang kaibigan. Magkatalikuran silang nakaupo sa isang bench na mukhang mamahalin pa sa buhay kanilang dalawa. "Kunin mo na nga," Sabi niya rito. "Ang mahal naman kasi dito Mhie!" Bulong pa nito sa kanya na nalulula sa mga presyong mga sapatos. "Tignan mo oh, yung price tag mas mahal pa sa allowance ng boyfriend ko!" Sabi pa nito. "Para saan at meron ako nito?" iwinasiwas niya ang credit card na meron siya dito. "Kaya kunin mo na gusto mo," Paglalambing ni
"ABA, magkikita kayo ni Fafalush mo? Himala." Halumbaba pa nito sabay taas kilay na mukhang hindi naman masaya para sa kanya. "Tumawag siya kanina, Nasa out of the country daw siya," Paliwanag naman niya. " Kaya magllluluto ako ng ddinner with candle light," Excited na sabi niya. "Xia, Mukhang iba na yang ginagawa mo ah," Lalong tumaas ang kilay nito nang tumingin sa kanya at hinagod pa ang kanyang katawan mula ulo hanggang paa. "Grabe makatingin yarn? Parang mapupunta ako sa impyerno mhie ah," Asar-talo na sabi niya. " Ano ka ba alam mo naman, mga isang buwan na rin kaming di nagkikita." "Alam mo kung umasta ka para ka ng jowa." Pagpapaalala nito. "Mag-ingat ka baka kakaisip mo nang gnyan lumagapak ka sa lupa." Bigla naman siyang natigilan sa sinabi nito dahil may point naman talaga ang sinasabi nito. Nagmumukha na siya isang giirlfriend na sobrang miss na miss ang kanyang minamahal. "Halata ba Mhie?" Tanong niya ayy Oka habang napangiwi dahil hindi niya maitago ang toto
Tahimik na nakaupo si Xia sa harap ng malaking salamin sa may powder room ng kanyang malaking banyo. Nakatira na siya ngayon sa isang mamahalin at maganda disenyo na condominium. Binigay sa kanya ito ni Enzo upang ito ay maging "Nest" nila. Dito siya ibinahay nito sa loob ng dalawang taon. Mag-isa lamang siya dito palagi dahil sa loob ng dalawang taon na naging ekslusibong babae siya ng ni Loranzo Lopez ay napagkasunduan nila na ibabahay siya nito at ito mismo ang pipili ng lugar kng saan upang maiwasan ang chismis at balita. Maingat talaga ito dahil sa iniingatang pangalan. Sa loob ng dalawang taon na iyon ay hindi man lang niya nakahalubilo ang mga kapawa nitong alta-syudad. Hindi kasi pwede, Ang ganitong trabaho ay hindi ipinanlalandakan ng mga alta-syudad. It was a hidden yet open secret sa circle ng mga ito. Kung meron man nakakaalam ay siguro ay mga closest friends ng mga ito pero bibihira lang din talaga niya makita dahil nga mukhang walang pakialamanan ang kanilang tradis
"NEGATIVE," Pahayag niya habang inilapag sa lamesa ang pregnancy kit na kanyang ginamit ng pilitin siya nitong i-check kung talagang buntis siya.Nawala ang anumang excitement na kanyang narramdaman hindi dahil hindi siya talagang buntis kung hindi sa naging reaksyon sa mukha nito na kulang na lang y isigaw nito sa mukha nito na hindi maaring magdalang-tao siya. "I'll call you back," Sagot sa telepono ng binatang si Enzo ng mapansin ang kanyang presensya nanggaling sa loob ng banyo. He was in the middle of a phone calls ng i-interrupt niya ito. He unbuttoned his upper button of his sleeves at tumngin sa inilapag niyang kit. "Single red line" Rinig niya pang baanggit nito. "Good," Maiksing sabi nito habang lumapit sa kanya. Siya naman ay nakayuko lamang dahil hindi niya alam kung paano ang magiging reaksyon niya sa sinabi nitong 'good'. Hindi ganito ang naiimagine niyang reaksyon nito at sa isang iglap lamang ay mukhang nagbago ang pakikitungo ng binata sa kanya. "Ayoko nang mauul
"ATE, Tanggalin mo kasi yang salamin mo," inis na kinuha ni Aries ang kanyang sunglasses mula sa pagkakasuot niya kung kaya umilay ang liwananang ng buong arena sa kanyang mata. Nakaksilaw na tila pnagigising siya sa katotohonan. "Nasisilaw ako Aries, ano ka ba?" Inis na sabi niya sa kapatid habang kinukuha ang hingit nitong sunglasses niya. ngunit iniiwas lang ng kapatid ito. "Nasa loob ka na ng arena ate, Wala namang araw." Tanggi nito. Hindi na siya kumibo at tumingin sa kawalan habang pinagkrus ang dalawang braso sa kanyang dibdib. "Umiyak ka ba ate?" Puna nito nang mapansin siguro nito na namamaga ang kanyang mata at malalim ang ang paligid nito tanda na hindi siya nakatulog ng maayos kagabi dahil sa unang pagkakataon ay nag-away sila ni Enzo. "H-hindi," Maiksing sagot niya na nagsinungaling siya sa nakababatang kapatid kahit halata naman na galing siya sa iyak. "Matagap pa ba si Arry?" Naiinip na sabi niya habang nakatingin sa court kung saan um-attend sila ng Aries sa taekw
“Hays,” Malakas na buntong hininga ang pinakawalan ni Xia kasabay ng mabigat niyang pagsara sa kanilang gate. Ramdam niya ang pagod ng makarating sa kanila. Inabot na sila ng alas-otso ng gabi kakagala upang magpatay ng oras.Kasama sina Oka at Aizu upang magpatay ng oras…“H-Hello?” Mabigat sa pakiramdam niyang sinagot ang kanyang tumutunog na telepono. Si Oka iyon at wala na yata itong ginawa kung hindi i-check ang kanyang pag-uwi.[“Ano girl? Nakauwi ka na ba?” Tanong na naman nito ng paulit-ulit. Umikot naman ang kanyang mata.“Ito na kakapasok sa loob.”[“PATINGIN!] utos pa nito na parang nagsisinungaling pa siya.“Oh!” Inalis niya ang telepono sa kanyang tenga at in-on ang video call upang ipakita ang paligid ng kanilang bakuran. “Okay na ba?”[“Good, Good. Oh? Bakit sambakol ang mukha mo aber?!”] Pagtaas naman ng kilay nito sa kanya. [“Baka gusto mo ipaalala ko sayo Xia, Ikaw ang kusang sumunod sa suggestion ko pero parang natalo ka ng sampung kabayo dyan? Nanghihinayang sa date
I'M TAKING A BREAK UNTIL JANUARY 2025YES PO, BREAK hindi po abandoned or unfinished. simple HIATUS po muna tayo since busy po ako and holiday season at hindi ko po ma-please ang mga ibang readers. I still thank my other readers who are patiently waiting for my return and still love my works :) They know na babawi ako sa kanila :) Again, I work and i need to earn money kaya po hindi ako nakakaagupdate since marami po akong naka-line up, I thank god dahil hindi niya po ako pinabayaan mawalan ng poject to provide. This novel hasn't giving me income yer. YES po, Wala po akong kinikita rito kahit gaano na po karami ang chapters na nailagay ko. That's why. Im in a slow process to earn more readers. Sa mga nagagalit at gusto po i-unread ito. You are always free to do whatever you want but please don't encourage hate and stubbornness. Wala po akong sinasayang na pera ninyo sa bawat pagpindot po ninyo sa ads or unlock without tapping coins. Hindi po ako kumikita dyan unless i-uunlock niyo
“Maganda ba?” Itinaas pareho ni Xia ang dalawang bracelets na kanina pa niya tinitignan sa isang sulok ng section ng department mall kung saan kasama niya sina Oka at Aizu. Maaga niya kasi itong niyaya upang makipagkita sa kanya kahit magmiryende lang sila sa labas dahil nga may mga trabaho ang mga ito.Gusto rin niya pakiusapan si Aizu na ipasok sana siya nito muli sa trabaho ngunit bago sila nakapag-usap ay nagpasya muna silang maglakad-lakad.“Ano naman yan?” Nagtaas-kilay naman si Oka habang masuring tinititigan ang pinapakita niyang bracelet.“Couple Bracelets” Ngiting tagumpay niya habang naiimagine na kung para kanino ang gift na iyon. “Tignan mo!” Nagmamadali niyang kinuha ang isang kamay ni Oka upang ikabit ang isang silver chained magnetic pendant na nasa kanyang kabilang kamay. “It’s a magnetic pendant po and with a button po. These are also called distance Bracelet po. Kapag magkasama po kayo ng partner ninyo nabubuo po ang hearts na pendant.”Mabilis rin niyang sinuot ang
[RING! RING! RING!]Halos hindi maimulat ni Xia ang kanyang mga mata ngunit dahil sa tuloy-tuloy na tunog ng kanyang telepono ay napabalikwas siya upang kunin iyon sa kanyang maliit na lamesita sa tabi ng kanyang kama.Ala-sais pa lang ng umaga at hindi pa ras para gumising siya. Sa totoo lang ay napuyat siya kagabi dahil halos hanggan alas tres yata sila magkausap sa text ni Liam.Nag-enjoy siyang kausap ito kahit text lang iyon. Liam showed her how Liam was different now. They just talked about theirselves. Mga paborito at hindi paborito ng isa’t isa. Sa sobrang dami ay natulog siyang may ngiti sa mga labi dahil napakadaldal nito sa texts.“Si Liam?” Napabalikwas si Xia ng pagbangon sa kama ng makita ang ID caller ng tumatawag. “L”. Agad niyang hinawakan ang lalamunin at bahagyang umubo ng kaunti upang ayusin ang boses bago sinagot ang tumatawag.[“H-Hello?” -Xia.][“Good morning, Princess.” – Liam.]Napapikit siya na may halong kilig na nararamdaman dahil sa ganda ng boses nito ay t
“Naiintindihan mo na ba Ma?” Tanong niyang muli sa kanyang ina pagkatapos ng mahaba-habang paliwanagan. Maging si Liam ay pinilit na padaliin ang sitwasyon na kinasasadlakan nito ng mabuti. Masusi nitong inungkat ang tungkol lamang sa kwestiyon ng kanyang ina.“Ibig mong sabihin, binata ka? Pero sa papel hindi?” Muling tanong ng kanyang ina kay Liam.“We are already divorced in the other country and we didn’t register our marriage here in the Philippines, so by law, I am still unmarried. ““Nagsasama lang kayo dahil sa sakit ng asawa mo-este ng ex-wife mo? ““Uhm.” Napalingon siya ng mapatigil ito sa pagsagot sa kanyang ina. May point ang tanong ng kanyang ina. Dalawang taon ang pagsasama nil ani Tiffany at hindi naman ito kaagad na diagnose na may sakit ang pagkakaalam niya.“No, ma’am. It isn’t very easy. It’s a family matter. Our clan has this tradition that we have to marry into another wealthy family to extend our wealth- ““Alam mo naman palang may kumplikasyon pero bakit kailan
“You don’t want me to go inside your house?” Tanong ni Liam kay Xia na may pag-aalinlangan sa boses nito ng ihinto nito sa harap ng kanilang townhouse ang sasakyan nito. Halos matagal-tagal rin ang inilagi at paglalandian nila sa loob ng condo nito bago ito nagpasyang i-uwi siya sa kanila.Mahigpit niyang ibinilin nito na simula sa araw na ito ay hindi na siya titira pang muli sa mga Bieschel. Nirespeto naman iyon ni Liam at niyaya siyang ihatid sa kanilang bahay. Magtatakip-silim na rin naman ng makarating sila sa kanilang barangay.Ang sabi nito ay pwede siya nitong ihatid hanggang sa loob ng kanilang bahay ngunit tinutulan niya iyon. Nang dahil sa umaapaw ang kanyang nararamdaman ngayon lalo na at kasama niya ang lalaking nagpapatibok ng kanyang puso ay doon naman nagsimula ang pakiramdam ng pagka-asiwa.“Bakit mo pa ako ihahatid sa loob?B-baka may makakita sayo dito?”“So?’“Anong so? Gusto mong ma-headline ka?” Taas-kilay na sabi niya. Iginiya niya ng mariin ang paligid ng kanilan
Umaapaw ang nararamdamang kaligayahan sa puso ni Xia. Ang pag-amin nito na mahal na siya ng binata ay sapat na para sa kanya. Ang pag-amin nito na wala na itong asawa ay siya ring ikanatuwa niya ngunit lungkot at mabigat na responsibilidan ang pinataw nito sa kanya.“Liam,” Iiniwas niya ang sarili niyang mga labi at bahagya muli itong itinulak upang hindi siya nito mahagkan sa mga labi. “Hindi ko alam ang i-rereact ko…” Gusto niyang pagalitan ang kanyang sarili dahil umaarte siya. Kung siya ang tatanungin ay kaya niyang ipagkaloob ang kanyang sarili ngunit samu’t saring senaryo ang biglaang pumaosk sa kanyang isipan.Hindi naman porket umamin ang binata sa kanya ay kaya niyang gsunggaban ang oportunidad na iyon. Mas lalong lumaki ang kanyang problema gayong Malaya silang magmahalan ngunit hindi maitatangging malayo ang kanilang mga mundo. Langit ito at lupa siya.“Hindi sa nagiinarte ako pero ayokong isipin mo na pera ang habol ko sayo. Ayokong madaliin ang magiging relasyon natin ng
“A-Anong ginagawa mo dito?” Pagkabukas pa lang ni Xia ng kanilang gate sa labas ng kanilang townhouse ay bumungad na agad ang matipunong pangangatawan ang mala-anghel na mukha ni Liam. Mas kuminang yata ang itsura nito sa kanyang paningin.Nakasandal lamang ito sa may hood ng magara nitong benz. Ang kasuotan nito ay napakasimpleng polo sleeves na off-white ang kulay na nakahapit pataas sa mga braso nito kung kaya kitang-kita mo na mas maputi pa angmga braso nito kaysa kanya.Ang malamlam nitong pagtitig sa kanya ay mas lalong nakakaba ng kanyang dibdib dahil kita mo sa ga mat anito ang sinseridad ng pagpunta nito sa harapan ng kanilang bahay.Luminga pa siya sa looban ng driver’s seat nito upang hanapin ang driver nitong si Mr. Gonzales ngunit wala siyang maaninag na tao sa harapan ng kotse nito.“I came here, hoping we can talk. Xia.” Muli nitong kinuha ang ang kanyang atensyon sa pagsasalita at lumapit sa kanyang harapan.“Mag-isa mo?” Tanong niya rito na may halong pagkunot-noo dahi
Papungas-pungas pa ang mga mata ni Xia habang kinukuyumos ang mga mata pababa ng hagdan. Napasobra yata ang kanyang tulog dahil sa tindi ng sakit ng ulo na naradaman pagkatapos ng mahabang paghagulgol.“X-Xia.”Napalingon siya sa kanilang hapagkainan ng marinig niyang tawagin siya ng kanyang ina. Nakatayo lamang ito sa tabi nang nakaupo ng nobyo nitong si Briggs na matamang nakatingin rin sa kanya habang hinihigop ang mainit na kape. Siya na lamang ang naunang mag-iwas ng tingin bago pa man magkaroon na pangalawang komusyon pa. Diniretso niya ang kanilang sofa upang tignan kung naroon pa ang mga bags ng dalawang kapatid. Mukhang pumasok nga ang mga ito at hindi naman nagulob ang pag-aara l ng dahil sa nangyaring problema. “Alis na ako,” Narinig niynang nagsalita si Briggs at ang gaslaw ng silya nitong inuupuan na parang nagmamadali sa pagkilos.“Sige.” Sagot naman ng ina. Umikot na lamang ang kanyang paningin habang walang lingong umupo sa kanilang sofa. Nakiramdam laman siya sa ma