BIGLANG itinulak si Xia ng lalaking nag-ngangalan na Blake sa loob ng silid na iyon. Nang muli siyang humarap dito ay nakita na niya itong inilapat ng pasara ang pintuan at sumandal pa ito upang hindi siguro siya makalabas.
Sinalubong siya ng mainit na tingin nito at nakita niya ang pagmasid ng mga mata nito sa kanya mula ulo hanggang paa. Muli siyang nailang ng makita niya kung paano siya pasadahan ng tingin nito na tila nagkakamali yata ito ng impresyon kung ano ang trabaho niya.
Isa lamang siyang mananayaw para sa gabing ito at wala siyang balak na magpa-kama sa kahit na kaninong lalaki na nandito."W-wait, Blake d'ba?" Itinaas niya ang dalawa niyang kamay tapat ng kanyang dibdib upang pigilan ito ng makita niyang nagsimula itong i-unbotton ang pangalawang butones nito. "Hindi ako ano dito-"
Napaatras siya ng makita itong humakbang habang kasunod na in-unbutton ang pangatlong butones. Sa nakikita niya sa kanyang harapan ay isang mala-Anghel ngunit mapanganib na nilalang dahil napakainit nitong tignan. Sa tangkad at tindig nito ay wala kahit sinong dalaga ang makakatanggi dito dahil ano pa ba ang hahanapin mo, halos mukhang modelo na ang isang nilalang na ito ngunit hindi siya handa para sa mga ganitong aktibidad.
"H'wag kang lalapit," Halos pabulong na sabi niya ng mapagmasdan ang adam's apple nito na sobrang visible. Napalunok siya ng laway dahil parang nadedemonyo siyang pumayag sa gusto mang gawin nito.
Hindi man ito nagsasalita habang papalapit sa kanya ay ramdam niya na siguro ang mainit na enerhiyang gusto nitong isalin sa kanya. Naramdaman niya ang paglapat ng katawan nito sa kanya habang niyakap ng isang bisig nito ang kanyang bewang.
"Uhhh," Isang mahinang ungol ang napakawala niya ng biglang bumaba ang mukha nito sa pagitan ng kanyang leeg at collarbone. Hindi niya tuloy mapigilang mapakapit sa mga balikat nito habang marahang naitutulak ito pero katulad lang ng isang lalaki kanina ay hndi ito natinag sa kanyang pagtulak.
Naramdaman niya ang mainit nitong hiniga na parang sinsinghap siya mula sa kanyang leeg pababa sa kanyang colarbone. Hindi pa man lumalapat ang mgagandang labi nito ay mukha magdedeliryo na siya sa sobrang init na nararamdaman.
(Lord ito na ba yun?..) Mariin siyang napapapikit at bigla siyang napadasal sa diyos kung bibigay ba siya at ihahalo ang ganitong aktibidad sa kanyang trabaho. Naramdaman niya na gumapang ang isang kamay nito sa kanyang likuran upang suportahan ang kanyang balanse dahil mukhang ramdam nito na naghihina siya.
Napadilat na lang siya ng maramdam na gumapang na ang isang kamay nito sa kanyang zipper ng costume at marahang ibinababa ng paunti unti.
Itutulak niya sana ito ng bigla itong kumawala sa pagkakahapit sa kanya at bigla siya nitong itinulak. Natumba siya at isang malambot ng kutson ang sumalo sa kanyang katawan. Napaigdad siya ng sumunod na umibabaw sa kanya ang blake na ito. Sa sobrang bilis ng mga pangyayari ay nalo-lost track na siya.
Umibabaw ito sa kanyang katawan ngunit salo nito ang sariling bigat kung kaya't naitukod niya agad ang kanyang dalawang siko upang umatras paakyat pa ng kama ngunit bigla siya hinawakan magkabilang hita at marahas na hinila pabalik sa kanyang pwesto.
Halos manlaki ang kanyang mata sa ginawa nitong paghila. Tinitigan niya ang mga mata nitong nakatitig din sa kanya. Napakalamlam noon halos hindi nito inaalis ang tingin sa kanya ngunit bakit hindi naman niya maramdaman na sabik ito sa magaganap sa kanilang ngayong gabi.
Marahan siya muli nitong inilapat ang kanyang likod sa kutson at hinawakan ang magkabila niyang pulso upang walang paalam na itaas iyon sa pagitan ng kanyang mga ulo.Nang dahil sa ginawa nito ang bumilis ang tibok ng kanyang puso dahil sa unang pagkakataon ay gagawin niya ang ganitong aktibidad sa kama sa taong hindi naman niya kakilala.
Marahan siyang napapikit ng muling bumaba ang mukha nito sa kanyang mukha upang halikan siya. Naramdaman niya ang mga kamay nito ay gumapang pataas mula sa kanyang mga pulso hanggang sa kanyang mga palad. Marahan nitong binukas ang nakasarang palad niya at hawakan iyon. Ang mga daliri nito ay pinadaan sa kanyang mga daliri upang kanyang tanggapin iyon.
Sa pagkakataon na iyon ay nahuli na ng maginoong medyo bastos na ito ang kanyang damdamin at kahit ano pa ang pagtutol ng kanyang utak ay mukhang hindi na makatutuol pa ang kanyang katawan. Natalo siya ng makamundong pananabik na makasama ito sa kama kaya marahan niyang ini-angat ang sariling mukha upang salubungin ang mukha nito dahil handa na siyang tanggapin ang unang halik niya sa lalaking ito.
"Blake!" Isang malakas na katok ang nagpatigil sa kanilang dalawa at siyang kinamulat niya ng marinig iyon. "We're going to Jason's Casino Hotel, Sunod ka na lang?" Rinig niyang tawag ng mga ito sa kanya.
Agad na napatingin siya sa lalaking nakadilat pa rin ang mga mata at waring nakikinig lang sa nagsasalita sa likod ng pintuan na iyon. Nang maramdaman nila pareho na ang mga yabag ng mga ito ay nawawala na sa paligid ay agad nitong umalis sa kanyang ibabaw at hinagip sa bandang taas niya ang isang malaking teddy bear na nakapwesto sa gitna kama na iyon.
Agad siyang napa-upo at umatras habang tinakpan ang sariling katawan. Kinuha ng lalaki ang teddy bear na iyon at may kinapa sa bandang leeg ng stuffed toy na iyon, Tinanggal nito ang ribbon sa leeg noon at my biglang inalis.
Napakunot-noo siya ng may hawak itong isang maliit na hindi niya maintindihan kung pasas ba yun or bug dahil sa sobrang liit. Iniitsa nito iyon sa kama sa may gawi niya pagkatapos ay tumayo at pumunta naman sa kanilang gilid at kinuha ang isa pang maliit na teddy bear.
Nanlaki na naman ang kanyang mata dahil hindi niya napansin na halos may mga teddy bears nga na nakapalibot sa kanila dahil na rin siguro sa kulay na pula ng ilaw ng kwarto na iyon. Kinuha muli nito iyon at may tinanggal na katulad ng nasa malaking teddy bear. Iniitsa nito muli ang nakuhang maliit ng bagay.
Kinuha niya ito sa kama at sinipat-sipat ng matanto niyang may lens ang mga ito. Hindi siya nagkakamali sa kanyang iniisip. Isa itong camera."They're hidden cameras, I'm sure my friends installed it for a show." paliwanag pa nitong nang nililibot ang mga mata kung may bakas pa ng hidden cameras.
"H-hidden cameras?" Napamawang siya nang ng bibig dahil sa gulat na posible pala itong mangyari sa kanya. Kung hindi umaksyon ang lalaking ito ay malamang napagpyestahan na siya."Don't worry, it's just how they play, They do dirty jokes but they won't watch deeper than that." paliwanag nito.
(Don't worry?! Ganito ba maglaro ang mga mayayaman? They invade privacies?!) Pagtataray niya sa kanyang isip dahil hindi siya makapaniwala ang mga ganitong klase paglalaro sa mga mayayaman na katulad nitong nasa harap niya ay walang dapat ipag-alala?
"S-so?ginawa mo 'to para b-bigyan sila nang papanoorin?" Kunot-noong tanong niya sa lalaki ng matanto na lahat ng paghapit at inakto nito ay para lang sa palabas?
"I just gave them what they want so they can leave. We're not that harmful and you're safe with me." sabi pa nito at umupo sa katapat na couch. He crossed his legs just like how millionaires sat.
Iniwas na lang niya ang tingin at napakamot sa batok dahil halos matabunan siya ng hiya dahil sa muntikan na siyang maniwala sa mga ginawa nito sa kanya. Kaunting push na lang siguro nang utak niya ay malamang bumigay siya.
"Akala ko kasi-"
"Akala mo ba may gagawin ako sayo?Don't worry I don't F*ck strangers" direkatang sabi pa nito.
Nakita niyang tumayo ito at humakbang papalapit sa kanilang pintuan. "They're gone. We can leave this island now."
"Huh? anong they're gone pinagsasabi mo?" Bulong niya mag-isa pero alam niyang hindi na siya pinakinggan nito at tuluyang lumabas ng pinto. Mabilis siyang tumayo upang sundan ito sa labas.
"T-TEKA," Hinabol niya ang binatang lumabas sa kwarto at dumiretso muli sa lanai kung saan ginanap ang party. Napatigil siya ng makitang wala na nga ang mga lalaking kaibigan nito. Tanging ang bakas ng okasyon na lang ang makikita doon. Hindi naman ito natinag at tuloy-tuloy lang ito naglakad sa may mahabang buffet table kung saan nandun ang champagne tower na puro champagne glasses at kumuha ng isa ang binata. Hinanap nito ang coat at isinampay sa kanyang balikat gamit ang isang kamay. Nagsimula itong lumabas ng lanai at pumunta sa direksyon ng beach sand. (shit...) Palihim na mura niya habang nagmamadaling bumalik sa banyo kung saan siya nag-ayos at kinuha ang kanyang malaking tote bag kung nasaan ang kanyang damit pampalit. Kailangan niyang mahabol ito dahil wala na siyang kasama doon at sa tingin niya ay nag-uwian na ang mga ito ng biglaan. Hindi naman siya pwedeng mag-stay doon dahil wala naman yun sa kanilang kontrata at saka isa pa ay bangka lang ang pwedeng niyang sakyan
SUMANDAL ito sa railing sa kanyang tabi at tinitigan siya. "Oh ba't ka nakatingin?" Hindi niya mapigilang umiwas ng tingin dahil sa ilang oras pa lang niya kasama ito ay hIndi na siya mapakali kapag tumititig ito sa kanya. "Aren't you gonna remove you head mask? it's awkward." Nakangising tanong nito sa kanya. Hinawakan niya ang sariling headmask at kumunot ang kanyang noo dahil sa pagngisi nito na tila natatawa sa kanya. "Tatanggalin ko lang 'to kapag dumiretso na ulit yang dila mo, English ka ng english." balik-asar niya dito. Lalo lang itong tumawa at umiling sa kanyang harapan. "Okay, You can keep it that way, Im not even interested to see how you look," balik-asar nito. (Aba!) Gusto niyang magtaray ngunit alam naman niyang nang-aasar lang ito. Humalikipkip na lang siya ng umalis ito at tumingin sa kawalan. "Bakit hindi ka sumama sa mga kaibigan mo?" Muli na namang tanong niya dito. Hindi pa siya nakakaharap ng muli itong bumalik sa dati nitong pwesto sa tabi niya at i
MARAHAN niyang idinilat ni Xia ang kanyang mga mata ng marinig ang mga ibon na naghuhunian sa kanyang paligid. "Hah?!" Biglaan siyang bumangon mula sa pagkakahiga sa deck at tinanggal ang headmask na nakatulugan na niya kagabi. "Gago, Umaga na?" May araw na nang magising siya at nasa tapat ng init ng araw. Agad niyang inayos ang pagkakaupo at inalis ang nakatakip na coat na nagsilbing kanyang kumot. " Ay palaka!" Napasigaw siya ng mahagip ng gilid ng kanyang paningin ang isang hindi katandaan na lalaki na nasa tabi niya at nakatayo. Hinagod ng kanyang mata ang nakatayong maanda na nakaformal coat din at waring kanina pa siya pinagmamasdan. "Good Morning Miss," Magalang na bati nito ng magtama ang kanilang mga mata. Bahagya itong ngumiti sa kanya at inilahad ang isang kamay upang tulungan siyang makatayo. "G-good morning ho," Pinilit niyangngumiti Kahit na nagtataka siya kung bakit may matandang nakapormal ang nakatayo sa harapan niya. "Nakita niyo yung kasama ko kagabi?" Agad s
"GOODMORING BAKLA!" Isang masayang pagbati ang iginawad ni Xia ng mkapasok sa loob ng building ng kanyang pinagta-trabahuan na Zstars Agency. Sa loob ng building na iyon ay diretso siyang pumunta sa may malaking Dance studio ay nandoon ang kanyang tinuturing na kaibigan sa trabaho na sin OKA.Ang bading niyang kaibigan na mas babae pa sa kanya ngunit hindi mo ito makikitang nagdadamit ng pambabae pero kung kumilos ay napakalamya. Si Oka ang punong-abala sa mga costumes na kanilang sinusuot. Ito ang nagtatahi at naga-alter ng mga lahat ng wardrobe ng angels na nagt-trabaho dito. Lahat ng babae doon ay may kanya-kanyang costumes kung kaya't alam niya na malinis at very hygienic ang kanilang sinusuot dahil labag sa rules ang magpalit at maghiraman ng mga gamit sa building na iyon.Palagi rin nitong kasama ang isa rin sa tinituring rin niyang kaibigan sa trabaho ay si Aizu, Isa ito sa scheduler ng kanilang Agency. Ito ang may handle sa kanyang mga booking, Bawat scheduler doon ay may kan
(SIYA siguro yung fiance ni Blake...) Nagpahalumbaba siya upang titigan mabuti ang nasa tv. Hindi niya maiwasang maisip na bagay nga talaga ang dalawa, kaya siguro hindi man lang siya nito kaya...Napapilig siya ng ulo ng marealize na kung ano-ano ang iniisip niya. (THE COUPLE IS EXPECTING TO TIE KNOT ON THE LAST DAY OF THE WEEK AND IT WILL BE HELD IN THE CITY OF PARIS. ONLY CLOSE RELATIVES AND CLOSE FRIENDS ARE SET TO ATTEND THE WEDDING, THE PRINCE OF THE BWEALTH FINANCE CO. MR. LIAM BLAKE BIESCHEL IS RUMORED TO BE DATING THE PRINCESS OF THE MADDEN FASTFOOD AND RESTAURANT CO., MS. TIFFANY MADDEN SINCE THEIR COLLEGE DAYS AND NOW THE TWO OF THE WEALTHIEST CLANS ARE HAVING A GRAND UNION THIS YEAR.) (Liam Blake Bieschel pala ang pangalan niya...) Inulit niya ang pangalan nito sa kanyang isipan habang hindi inaalis ang kanyang tingin sa malaking TV kung saan nakikita niya ang pagpasok nito sa Airport habang nakakapit sa bisig nito ang fiance nito. Hindi niya maiwasang mamangha sa dalaw
"ATE," Masayang binati siya ni Arrietta na sinalubong siya nito sa kanilang maliit na pintuan, Napansin niya na umuuga na ang screen door nito ng hinawi niya iyon upang buksan ang kanyang dadaanan. "Wow, Ang dami mo namang binili," Agad na kinuha ng kanyang kapatid na babae ang dalawang malalaking supot sa kanyang kamay upang tulungan siya na ipatong ito sa kanilang maliit na lamesa. "Oo, Para sa bahay yan at pambaon niyo na rin next week ni Aries," Masayang sabi niya dito, Nginitian siya ng nakakabatang kapatid."Ate, Highschool na kami ni Aries next week, magbabaon pa ba kami ng ganito?" "Aba oo, para tipid sa baon, iba ang pagiging highschool mas maraming subjects lalo na accelerated ang kapatid mo," Ang tinutukoy niya ay si Aries. "Asan na nga pala si Aries?" Hanap niya sa isang kapatid. "Humiram ate sa kapitbahay ng martilyo, Aayusin niya yang pinto, Medyo umuuga na eh." Itinuro nito ang pintuan na kanina pa rin niya napansin na medyo umuuga na nga. Pinuntahan niya ang pinto n
SA totoo lan ay mabait ang kanyang ina ngunit tanga talaga ito pagdating sa pag-ibig kung kaya't ganito ito kapag may kinakasama, palagi na lang inuuna ang kailangan ng lalaki nito kesa sa kanilang magkakapatid. "Bakit naglasing na naman ba yang lalaki mo at nagbasag sa isang bar?" Hindi niya mapigilan ang pagtataray dahil umakyat talaga ang init ng dugo niya skapag ganito ang kanilang ina. "Wala akong pera para sa lalaking yan, Ma!" "Aba!" Narinig niyang sumigaw ang lalaki ng marinig siya, Inihagis nito ang isang plastik na buinuksan nitong loaf bread sa sahig. "Ang Sakit mo magsalita Xia ah! Ano ba pinagmamalaki mo?! Iyang paghuhubad mo?!" Sugod nito sa kanya habang ang ina niya at Inawat ang boyfriend nito na makalapit sa kanya. "Ate!" Agad namang lumapit ang kapatid niyang lalaki ng makita nitong akmang- aambaan siya ng boyfriend ng kanyang ina. "Sinong maysabi sayong naghuhubad ako?! Ayusin mo ang pananalita mo lalo na sa harap ng mga kapatid ko!" Matapang niya itong sina
"HELLO Madame Z?" Mahinang tanong ni Xia sa kanyang telepono habang kausap ang kanyang boss na kung i-adress niya ang Mamita kung minsan. "Yes po, Andito na po ako, Nasa Elevator na po ako." "Oh is everything alright? Tandaan mo you are exclusively invited by Mr. Gonzalez. So you better behave as one of my good role model okay?" Sabi pa nito na watring pinapapaalahanan siya na maging maayos sa pakikitungo sa bagong booking niya dahil ilang beses na rin itong nagpaalala ng pumayag siya na magpabook muli ng solo ay hindi basta-bastang tao ang nagpabook. Kundi ang isa sa mga tinuturing na mos elite bachelor ng kanilang bansa. Si Lorenzo "Enzo" Lopez ang isa sa bunsong anak ng may-ari ng ONE WORLD BANK CORP. Ang banko na PANGMASA, ika nga sa isang mga naging sikat na commercials nito.Ito kasi ang sikat na tagline ng banko. Ang banko kasi na iyon ang isa sa pinakamatagal na sa larangan ng industriya nito, Hindi pa siguro siya pinapanganak ay tanyag na ang mga negosyo nito kung kaya't kabi
“Hays,” Malakas na buntong hininga ang pinakawalan ni Xia kasabay ng mabigat niyang pagsara sa kanilang gate. Ramdam niya ang pagod ng makarating sa kanila. Inabot na sila ng alas-otso ng gabi kakagala upang magpatay ng oras.Kasama sina Oka at Aizu upang magpatay ng oras…“H-Hello?” Mabigat sa pakiramdam niyang sinagot ang kanyang tumutunog na telepono. Si Oka iyon at wala na yata itong ginawa kung hindi i-check ang kanyang pag-uwi.[“Ano girl? Nakauwi ka na ba?” Tanong na naman nito ng paulit-ulit. Umikot naman ang kanyang mata.“Ito na kakapasok sa loob.”[“PATINGIN!] utos pa nito na parang nagsisinungaling pa siya.“Oh!” Inalis niya ang telepono sa kanyang tenga at in-on ang video call upang ipakita ang paligid ng kanilang bakuran. “Okay na ba?”[“Good, Good. Oh? Bakit sambakol ang mukha mo aber?!”] Pagtaas naman ng kilay nito sa kanya. [“Baka gusto mo ipaalala ko sayo Xia, Ikaw ang kusang sumunod sa suggestion ko pero parang natalo ka ng sampung kabayo dyan? Nanghihinayang sa date
I'M TAKING A BREAK UNTIL JANUARY 2025YES PO, BREAK hindi po abandoned or unfinished. simple HIATUS po muna tayo since busy po ako and holiday season at hindi ko po ma-please ang mga ibang readers. I still thank my other readers who are patiently waiting for my return and still love my works :) They know na babawi ako sa kanila :) Again, I work and i need to earn money kaya po hindi ako nakakaagupdate since marami po akong naka-line up, I thank god dahil hindi niya po ako pinabayaan mawalan ng poject to provide. This novel hasn't giving me income yer. YES po, Wala po akong kinikita rito kahit gaano na po karami ang chapters na nailagay ko. That's why. Im in a slow process to earn more readers. Sa mga nagagalit at gusto po i-unread ito. You are always free to do whatever you want but please don't encourage hate and stubbornness. Wala po akong sinasayang na pera ninyo sa bawat pagpindot po ninyo sa ads or unlock without tapping coins. Hindi po ako kumikita dyan unless i-uunlock niyo
“Maganda ba?” Itinaas pareho ni Xia ang dalawang bracelets na kanina pa niya tinitignan sa isang sulok ng section ng department mall kung saan kasama niya sina Oka at Aizu. Maaga niya kasi itong niyaya upang makipagkita sa kanya kahit magmiryende lang sila sa labas dahil nga may mga trabaho ang mga ito.Gusto rin niya pakiusapan si Aizu na ipasok sana siya nito muli sa trabaho ngunit bago sila nakapag-usap ay nagpasya muna silang maglakad-lakad.“Ano naman yan?” Nagtaas-kilay naman si Oka habang masuring tinititigan ang pinapakita niyang bracelet.“Couple Bracelets” Ngiting tagumpay niya habang naiimagine na kung para kanino ang gift na iyon. “Tignan mo!” Nagmamadali niyang kinuha ang isang kamay ni Oka upang ikabit ang isang silver chained magnetic pendant na nasa kanyang kabilang kamay. “It’s a magnetic pendant po and with a button po. These are also called distance Bracelet po. Kapag magkasama po kayo ng partner ninyo nabubuo po ang hearts na pendant.”Mabilis rin niyang sinuot ang
[RING! RING! RING!]Halos hindi maimulat ni Xia ang kanyang mga mata ngunit dahil sa tuloy-tuloy na tunog ng kanyang telepono ay napabalikwas siya upang kunin iyon sa kanyang maliit na lamesita sa tabi ng kanyang kama.Ala-sais pa lang ng umaga at hindi pa ras para gumising siya. Sa totoo lang ay napuyat siya kagabi dahil halos hanggan alas tres yata sila magkausap sa text ni Liam.Nag-enjoy siyang kausap ito kahit text lang iyon. Liam showed her how Liam was different now. They just talked about theirselves. Mga paborito at hindi paborito ng isa’t isa. Sa sobrang dami ay natulog siyang may ngiti sa mga labi dahil napakadaldal nito sa texts.“Si Liam?” Napabalikwas si Xia ng pagbangon sa kama ng makita ang ID caller ng tumatawag. “L”. Agad niyang hinawakan ang lalamunin at bahagyang umubo ng kaunti upang ayusin ang boses bago sinagot ang tumatawag.[“H-Hello?” -Xia.][“Good morning, Princess.” – Liam.]Napapikit siya na may halong kilig na nararamdaman dahil sa ganda ng boses nito ay t
“Naiintindihan mo na ba Ma?” Tanong niyang muli sa kanyang ina pagkatapos ng mahaba-habang paliwanagan. Maging si Liam ay pinilit na padaliin ang sitwasyon na kinasasadlakan nito ng mabuti. Masusi nitong inungkat ang tungkol lamang sa kwestiyon ng kanyang ina.“Ibig mong sabihin, binata ka? Pero sa papel hindi?” Muling tanong ng kanyang ina kay Liam.“We are already divorced in the other country and we didn’t register our marriage here in the Philippines, so by law, I am still unmarried. ““Nagsasama lang kayo dahil sa sakit ng asawa mo-este ng ex-wife mo? ““Uhm.” Napalingon siya ng mapatigil ito sa pagsagot sa kanyang ina. May point ang tanong ng kanyang ina. Dalawang taon ang pagsasama nil ani Tiffany at hindi naman ito kaagad na diagnose na may sakit ang pagkakaalam niya.“No, ma’am. It isn’t very easy. It’s a family matter. Our clan has this tradition that we have to marry into another wealthy family to extend our wealth- ““Alam mo naman palang may kumplikasyon pero bakit kailan
“You don’t want me to go inside your house?” Tanong ni Liam kay Xia na may pag-aalinlangan sa boses nito ng ihinto nito sa harap ng kanilang townhouse ang sasakyan nito. Halos matagal-tagal rin ang inilagi at paglalandian nila sa loob ng condo nito bago ito nagpasyang i-uwi siya sa kanila.Mahigpit niyang ibinilin nito na simula sa araw na ito ay hindi na siya titira pang muli sa mga Bieschel. Nirespeto naman iyon ni Liam at niyaya siyang ihatid sa kanilang bahay. Magtatakip-silim na rin naman ng makarating sila sa kanilang barangay.Ang sabi nito ay pwede siya nitong ihatid hanggang sa loob ng kanilang bahay ngunit tinutulan niya iyon. Nang dahil sa umaapaw ang kanyang nararamdaman ngayon lalo na at kasama niya ang lalaking nagpapatibok ng kanyang puso ay doon naman nagsimula ang pakiramdam ng pagka-asiwa.“Bakit mo pa ako ihahatid sa loob?B-baka may makakita sayo dito?”“So?’“Anong so? Gusto mong ma-headline ka?” Taas-kilay na sabi niya. Iginiya niya ng mariin ang paligid ng kanilan
Umaapaw ang nararamdamang kaligayahan sa puso ni Xia. Ang pag-amin nito na mahal na siya ng binata ay sapat na para sa kanya. Ang pag-amin nito na wala na itong asawa ay siya ring ikanatuwa niya ngunit lungkot at mabigat na responsibilidan ang pinataw nito sa kanya.“Liam,” Iiniwas niya ang sarili niyang mga labi at bahagya muli itong itinulak upang hindi siya nito mahagkan sa mga labi. “Hindi ko alam ang i-rereact ko…” Gusto niyang pagalitan ang kanyang sarili dahil umaarte siya. Kung siya ang tatanungin ay kaya niyang ipagkaloob ang kanyang sarili ngunit samu’t saring senaryo ang biglaang pumaosk sa kanyang isipan.Hindi naman porket umamin ang binata sa kanya ay kaya niyang gsunggaban ang oportunidad na iyon. Mas lalong lumaki ang kanyang problema gayong Malaya silang magmahalan ngunit hindi maitatangging malayo ang kanilang mga mundo. Langit ito at lupa siya.“Hindi sa nagiinarte ako pero ayokong isipin mo na pera ang habol ko sayo. Ayokong madaliin ang magiging relasyon natin ng
“A-Anong ginagawa mo dito?” Pagkabukas pa lang ni Xia ng kanilang gate sa labas ng kanilang townhouse ay bumungad na agad ang matipunong pangangatawan ang mala-anghel na mukha ni Liam. Mas kuminang yata ang itsura nito sa kanyang paningin.Nakasandal lamang ito sa may hood ng magara nitong benz. Ang kasuotan nito ay napakasimpleng polo sleeves na off-white ang kulay na nakahapit pataas sa mga braso nito kung kaya kitang-kita mo na mas maputi pa angmga braso nito kaysa kanya.Ang malamlam nitong pagtitig sa kanya ay mas lalong nakakaba ng kanyang dibdib dahil kita mo sa ga mat anito ang sinseridad ng pagpunta nito sa harapan ng kanilang bahay.Luminga pa siya sa looban ng driver’s seat nito upang hanapin ang driver nitong si Mr. Gonzales ngunit wala siyang maaninag na tao sa harapan ng kotse nito.“I came here, hoping we can talk. Xia.” Muli nitong kinuha ang ang kanyang atensyon sa pagsasalita at lumapit sa kanyang harapan.“Mag-isa mo?” Tanong niya rito na may halong pagkunot-noo dahi
Papungas-pungas pa ang mga mata ni Xia habang kinukuyumos ang mga mata pababa ng hagdan. Napasobra yata ang kanyang tulog dahil sa tindi ng sakit ng ulo na naradaman pagkatapos ng mahabang paghagulgol.“X-Xia.”Napalingon siya sa kanilang hapagkainan ng marinig niyang tawagin siya ng kanyang ina. Nakatayo lamang ito sa tabi nang nakaupo ng nobyo nitong si Briggs na matamang nakatingin rin sa kanya habang hinihigop ang mainit na kape. Siya na lamang ang naunang mag-iwas ng tingin bago pa man magkaroon na pangalawang komusyon pa. Diniretso niya ang kanilang sofa upang tignan kung naroon pa ang mga bags ng dalawang kapatid. Mukhang pumasok nga ang mga ito at hindi naman nagulob ang pag-aara l ng dahil sa nangyaring problema. “Alis na ako,” Narinig niynang nagsalita si Briggs at ang gaslaw ng silya nitong inuupuan na parang nagmamadali sa pagkilos.“Sige.” Sagot naman ng ina. Umikot na lamang ang kanyang paningin habang walang lingong umupo sa kanilang sofa. Nakiramdam laman siya sa ma