Home / Romance / We Touch, We Kiss, We Sin. / 04. THE EXPENSIVE BEAUTY

Share

04. THE EXPENSIVE BEAUTY

"T-TEKA," Hinabol niya ang binatang lumabas sa kwarto at dumiretso muli sa lanai kung saan ginanap ang party. Napatigil siya ng makitang wala na nga ang mga lalaking kaibigan nito. Tanging ang bakas ng okasyon na lang ang makikita doon. 

Hindi naman ito natinag at tuloy-tuloy lang ito naglakad sa may mahabang buffet table kung saan nandun ang champagne tower na puro champagne glasses at kumuha ng isa ang binata. Hinanap nito ang coat at isinampay sa kanyang balikat gamit ang isang kamay. 

Nagsimula itong lumabas ng lanai at pumunta sa direksyon ng beach sand. 

(shit...) Palihim na mura niya habang nagmamadaling bumalik sa banyo kung saan siya nag-ayos at kinuha ang kanyang malaking tote bag kung nasaan ang kanyang damit pampalit. Kailangan niyang mahabol ito dahil wala na siyang kasama doon at sa tingin niya ay nag-uwian na ang mga ito ng biglaan. Hindi naman siya pwedeng mag-stay doon dahil wala naman yun sa kanilang kontrata at saka isa pa ay bangka lang ang pwedeng niyang sakyan pabalik ng bayan dahil nga private property ito. 

Halos matisod siya dahil sa taas ng kanyang takong upang habulin ito papalabas sa beach area ng resort villa na iyon. 

"Saglit lang.." Muli niyang tawag dito ngunit katulad kanina ay hindi pa rin ito tumitigil sa paglakad. Nakita niya na ininom nito ang kinuhang champagne glass ng diretso sabay itinapon sa kawalan ang baso pagkaubos nito. Napatigil siya sa nakitang paghagis nito dahil sa pagkamangha kahit na mamahaling baso ay basta-basta na lang itinatapon ng mga mayayamang katulad nito. Kung sa kanilang pamamahay iyon ni basag na mamahaling baso ay malamang itatago niya pa sa inaamag nilang cabinet.

"Blake!" Sigaw niya sa pangalan nito dahilan upang mapatigil ito sa paglalakad at humarap sa kanya. 

"What?" He asked with a nonchalant look in his face. Nagpamulsa pa ito ng isang kamay habang nakasabit pa rin sa isang kamay nito ang nakasampay sa balikat na coat nito. 

Nagpagtanto niya kung gaano kagandang lalaki pala talaga nito lalo ng tumapat sa maliwanag na sinag ng buwan. 

"Aalis ka na? " Wala sa ulirat na tanong niya habang nagkibit-balikat pa ito sa kanya. Kaya di niya masigurado kung oo or hindi ang sagot ng isang ito. Nakita naman niya sa direksyon ng pupuntahan nito ang isang medium size na yate na waring naghihintay dito na makasakay. 

"P-pwede ba ako sumabay?" Ngiti niya dito. Kinapalan niya na ang mukha na makisabay dito dahil nga hindi naman niya inaasahan na ganito ang mangyayari ngayong gabi dahil nga akala niya hanggang ala- sais pa siya ng umaga nakatakdang umalis dahil yun ang usapan ng nagpabook ang kaibigan nitong may pangalang Charles. 

At isa pa wala na siyang masasakyan ng ganitong oras past 12 midnight na. Ang kinontrata niyang bangka ay sa umaga pa dadating. 

Hindi ito sumagot at muli itong tumalikod at naglakad muli papunta sa yateng naghihintay dito. 

(Aba!) Napataas-kilay niya ng makita ang aksyon nito na tila wala itong pakialam sa paligid or ibang tao. Nasipa niya ang buhangin sa sobrang inis dahil hindi man lang siya sinagot ng lalaking yon. Nage-gets naman niya na hindi siya nito kakilala kaya bakit nga naman siya papansinin nito pero wala rin naman siyang choice kundi magbakasali kesa naman abutan siya ng mag-isa doon mapagkamalan pa siyang akyat Bahay mahirap na! Mayayaman ang mga ito at sobrang layo sa mundo ginagalawan niya kaya anumang oras ay pwede siyang baliktarin ng mga ito. Well, ganon naman diba palagi sa mga drama serye na pinapanood niya. 

Marahan siyang tumalikod at hinalungkat ang kanyang bag dahil nanginginig na rin ang bandang ibaba ng parteng katawan niya dahil sa lamig. Kinuha niya ang kanyang phone upang tawagan kung sino man ang pwedeng makatulong sa kanya ngunit gusto niyang mapamura ng makitang walang signal sa islang iyon.

"Hey!" Narinig niyang sinigawan siya ng lalaki kung kaya't napalingon siyang muli. "Aren't you coming? I'm leaving." Sigaw pa nito sa kanya upang marinig niya. 

"Coming!" Napangiti siya ng mapagtanto na pumapayag na itong makisakay sa magandang yate nito. Agad naman siyang tumakbo upang punta sa yate bago pa magbago ang isip nito Sinalubong naman siya ng siguro ay captain ng yate na iyon. Sosyal! in uniform pa talaga ang magd-drive ng yate na iyon. 

"Hello po," Bati naman niya sa kapitan na nag-aabang sa kanya upang alalayan siyang umakyat ng yate. 

Nagmaka-akyat siya ay nandoon pa rin ang lalaki sa entrance at waring hinihintay siyang makakaakyat pati na rin ang kapitan. 

"T-thank you ha, Kahit sa may port lang ako, okay na ako doon," Binigyan niya ito ng ngiti habang hindi pa rin pala niya tinatanggal ang mask costume niya na cat woman. 

Marahan naman itong tumango sa kanya. Kung iisipin ay hindi naman pala masama ang ugali nito. Manggalang pa nga eh kahit mukhang masungit ay mukhang hindi naman nakakatakot i-approach. 

"Let's go" Utos nito sa kapitan na nasa likod niya at muli siyang binalingan "There's a bench or a room inside, suit yourself." Sabi pa ng ingleserong binata sa kanya habang itinuro ang gawi ng cockpit at sa loob noon ay may mahaba ngang upuan bago makarating sa may kurtina na sa tingin niya ang isang pahingahan nga. 

Sinundan  naman niya ito na papunta ng deck ng yate. Nakita niya sa ibabaw ng deck na iyon ay mga mga alak at wine na nakahanda na at kakaunting mga finger foods. Hinayaan naman siya nitong sundan ito ngunit hindi pa rin siya nilingon nito. Nakita niya na kumuha ulit ito ng wine glass at nagsalin nang sarili ng maiinom. 

"Uhm g-gusto ko lang malaman mo yun kanina.." Nagsimula siya magsalita sa likod nito. "Hindi ko talaga ginagawa yon ah," Maagap na pagsagip niya sa kanyang sarili. 

Ngunit hindi pa rin ito nagsalita bagkus ay tinatanaw lang nito ang madilim na karagatan habang nakahawak sa railing sa harapan ng yate nito. 

"Sayo itong yate?" Muli niyang tanong ngunit hindi pa rin ito sumasagot. Umikot na lang mga mata niya sa inis na naramdaman dahil bakit nga ba siya mag-eexpect sa isang 'to? malamang hindi ito nakikipagusap sa hindi nito kauri. 

Pinagkasya na lang niya ang sarili din sa pagtanaw ng karagatan at tanging ihip ng hangin lang ang ingay na namamagitan sa kanila. Pumunta siya sa kabilang dako ng yate at doon pmweto mag-isa. 

(Hindi naman ako mamatay kung di mo ko kausapin no..) Pagtataray niya sa kanyang isip at saka pa ay trenta minutos lang naman ay makakarating na rin naman sila sa pangpang ng kabilang dagat. Niyakap niya ang sarili ng maramdaman ang lamig sa kanyang itaas na parte ng katawan. Sa sobrang pagmamadali kasi na makahabol sa papaalis na yate ay hindi man lang siya nagkaroon ng pagkakataon na makapagpalit man lang. 

"Here," Narinig niyang bigkas ng lalaki na nag-nga-ngalang si Blake na nasa kanyang likuran na pala. Isinampay nito ang coat sa kanyang katawan upang magkaroon siya ng panlaban sa lamig. 

Muli ay hindi niya mapigilang mamula dahil Kahit na mukhang masungit ito ay nakapa-gentle pa rin nito. Siguro nga ay hinid naman talaga ito ma-attitude taliwas sa pinoprotrait ng kanyang isip tungkol sa mga milyonaryong katulad nito. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status