Home / Romance / We Touch, We Kiss, We Sin. / 06. THE HUGE GAP BETWEEN US

Share

06. THE HUGE GAP BETWEEN US

MARAHAN niyang idinilat ni Xia ang kanyang mga mata ng marinig ang mga ibon na naghuhunian sa kanyang paligid. 

"Hah?!" Biglaan siyang bumangon mula sa pagkakahiga sa deck at tinanggal ang headmask na nakatulugan na niya kagabi. 

"Gago, Umaga na?" May araw na nang magising siya at nasa tapat ng init ng araw. Agad niyang inayos ang pagkakaupo at inalis ang nakatakip na coat na nagsilbing kanyang kumot.  " Ay palaka!" 

Napasigaw siya ng mahagip ng gilid ng kanyang paningin ang isang hindi katandaan na lalaki na nasa tabi niya at nakatayo. Hinagod ng kanyang mata ang nakatayong maanda na nakaformal coat din at waring kanina pa siya pinagmamasdan. 

"Good Morning Miss," Magalang na bati nito ng magtama ang kanilang mga mata. Bahagya itong ngumiti sa kanya at inilahad ang isang kamay upang tulungan siyang makatayo. 

"G-good morning ho," Pinilit niyangngumiti Kahit na nagtataka siya kung bakit may matandang nakapormal ang nakatayo sa harapan niya. "Nakita niyo yung kasama ko kagabi?" 

Agad siyang nagpalinga-lingat pagkatayo niya sa deck ng matantong wala na ang kausap niya kagabi. Ni hindi nga niya maalala kung anong oras siya nakatulog ng dahil sa mahabang nilang kwentuhan ng binate at ngsayon ay ni anino nito ay mukhang wala na sa loob ng yate na iyon. 

"Si Sir Blake ho ba ang tinutukoy niyo Miss?" Nakangiting awag nito, Sunod-sunod naman siyang tumango dito blang sagot. 

"Kagabi pa siya nakaalis ng makadaong ang yate dito." Magan=lang na pagbibigay ng impormasyon nito. 

"Anong kagabi pa?!" nagulat siya sa narinig ng tignan niya ang kanyang phone ay ala-sais na ng umaga. " Di man lang ako ginising ng mokong na yon," pabulong na inis niya ng mapagtanto na iniwan siya nito kagabi pa. 

"Our boss instructed us not to wake you up and wait until sunrise for you to wake up on your own." sabi ap niito. 

"Ha?ako?" Halos hindi siya makapaniwala na ginawa iyon ng binatang nakakwentuhan kagabi. "Sana ginising niyo na lang po ako, uhm Excuse me po pwede bang matanong kung sino kayo?" ngiti niya sa mas matandang lalaki sa kanyang harap.

"Ako si Mr. Gonzales, his butler," Pagpapakilala naman nito. 

"B-butler?" mas Lalo siyang magulat na kanyang narinig. Sobra nga sigurong yaman nito at mayroon itong naka-amerikanong butler?. 

"Shall we?" iginawi nito angmga kamay upang magpatiuna siyang makababba ng yate, Kahit na o-overwhelm sa umagang iyon ay sumunod na lang siya. Marahan niyang isinuot ang coat na naiwan sa kanya ng binate at isinuot iyon upang takpan ang kanyang katawan na naka- costume pa.

Pagkababa nila ng yate ay may agad na dumating na isang magarang itim na kotse sa kanilang tapat.

Dumaan naman sa kanyang harapang si Mr. Gonzales at binuksan ang likuran ng seat ng itim ng kotse para sa kanya. 

"Ay, hindi na po pero salamat, Mamasahe na lang po ako." Tanggi niya ng makita ang special treatment nito at saka isa pa nakakapagtaka na pati ang magarang kotse na ito ay para sa kanya. 

"Mahigpit na ibinnilin samin ng boss naming na ihatid kayo kung saan kayo pauwi," sabi nito habang kalmado pa rin ang boses. Napangiwi naman siya upang tanggapin ang alok nito Kahit na nagtataka ay hindi na rin siya tumanggi dahil convenient rin naman ang alok nitong pagpapasakay sa kanila. 

"Ang gara!" Mahinang bulalas niya ng makaupo sa likuran ng sasakyan nito. Sa tanang buhay niya ay ngayon lang siya. Ang mga upuan nito ay nababalot ng light brown leather at kurtina na tabing sa mga windows ng kotse. May harap din sa pagitan ng driver's at passenger's seat area kung kaya't hindi siya makikita ng mga ito unless na buksan nito sa gitna ang maliit na salaaming bintana. 

Hindi niya mapigilang mapamangha na naman kung gaano ba kayaman ang nagging kliyente upang pasakayin siya sa ganoong klaseng sasakyan. Siguro ay natuwa ito sa kanya dahil sa kanilang mga kwentuhan. Kung ano pa man ang nakawento niya dito ay wala na siya maalala dahil nalasing na siya sa bandang dulo.

(Gwapo na, mayaman pa!..) Kahit pa siguro iwan siya nito sa gitna ng disyerto basta't may nakahandang ganito sa kanyang pagbalik ay ayos na ayos sa kanya. 

"Ay manong, pwede bang ihatid niyo na lang ako sa agency naming?" Tanong niya dito nang dumukwang siya sa maliit na salaaming bintana upang makita ito sa passenger's seat. Nakangiting tumango naman ito sa kanya bilang sagot. 

"There's a coffee beside your seat Miss," sabi nito ng agad naman niyang nilingo kung nasaan ang tinitukoy nito. Isang mainit na kape na nasa to-go ang nakahanda sa kanya. "Mr. Blake wanted to treat you a coffee since you got hangover." 

"S-salamat," Hindi niya tuloy mapigilang mapangiti Kahit sandal dahil sa simpleng ginawa nito ay nakaktaba ng puso. Pakiramdam niya ay isiya ang mapapangasawa nito dahil hindi pa man siya kilala ay ganito na ito mag-asikaso.

Naramdaman niya na kinilig siya sa kanyang iniisip, paano pa kaya kung sa fiancé nito siguro ay mas sweet ito. Nakaramdam siya ng panghihinayang dahil hindi niya na muli sigurong masisilayan ito. Ang mga ganitong pagkakataon ay minsan lang talaga mangyari, Napakabihira na may matagpuan siya sa linya ng trabaho niya ng isang matino at magalang na katulad ng Blake na iyon. 

"Salamat po sa paghatid manong," Ngiti niya after ng ilang mga mahabang minutong pagbyahe ng makarating sila sa lumang building ng kanilang Agency na Xstars Agency. Nasa 2 storey building lang ito at sinadyang mukhang luma sa labas ang anyo ng building nito upang hindi takaw paningin sa eskandalo or sa mga press. Kahit na kasi legal sila ay hindi naman sila bulgar sa kanilang mga trabaho. 

Muli ay tumango ito ng mapagbuksan siya ng pintuan ng kotse upang siya ay makababa. Nang makakababa siya ay may inabot itong makapal na brown envelope. 

"Ano po ito?" Takang tanong niya ng tanggapin iyon at sabay na binuksan. may maliit na note na nakalakip doon kung kaya inuna niyang kunin iyon.

(FOR YOUR SIBLINGS.)

Isang maiksing sentence lang ang nakalahad doon na siyang pinagtaka niya. 

"Mr. Blake would like to extend his gratitude to you by giving you this," rinig niya litanya ng matanda habang nanlaki ang mata niya ng makita ang nasa loob. 

"FIFTY THOUSAND PESOS?!"napabulalas siya sa kapal na cash na Iyo na may nakabundle na printed na nagsasabing 50k iyon. Mariin siyang umiling nang makia iyon at ibinalik sa loob ng enevelop. 

"Nako! Manong ang laki niyan, hindi ko matatanggap iyan, saka isa pa bawal samin ang tip." sabi niya ng hindi makapaniwalang cash iyon na nasa kanyang palad. 

"Sige na ho tanggapin niyo na Miss, Kabilin-bilinan niya sakin na maiabot ko sayo yan. Jus accept it as a gift." ibinalik nito ang kanyang palad sa kanya upang tanggapin niya ang malaking halaga na iyon. 

Napangiti naman siya ng tumanggi ito dahil isang beses lang siya tatanggi kapag ipinili ay sino siya para tumanggi sa grasya? at saka isa pa ay pinaghirapan niya iyon. 

"S-sige ho, sabi niyo e, Hindi ko na talaga to tatanggihan, pera din ho to," bulong niya sa manoong na nakikipagbiruan na siya. 

Tumawa naman ito ng mahina dahil sa jolog na pagkilos niya. 

"May kaunting kahilingan lang ang aking boss sa pagtanggap mo ng pera na yan." saad pa nito. 

Tumango naman siya agad at handa siyang making sa hiling nito. Kung sasabihin nito na magkita ulit sila ay Kahit bukas pa ay hindi siya tatanggi basta't wala siyang booking. 

"He hopes that no one would know about spending the night with you, Wala sanang makakalabas na Kahit anong rumors about sa mga nangyari sa isla." Sabi pa nito. " To avoid any scandals or rumors."

"Ahhhhh," maiksing sagot niya na may halong panghihinayang dahil akala naman niya ay muli siyang magkikitang dalawa.

(Hindi na siguro kita makikita pa, sa napakaimposible na. Napakalaki ng pagkakaiba ng mundo natin...) Muling salita niya sa sarili habang tumango-tango sa butler nitong si Mr. Gonzales. 

Marahan naman din itong tumango ng maparating ang pagkakaintindihan nila at marahan ng umalis sa kanyang harapan para makaalis na. 

Isang pagtanaw na lang ang kanyang ginawa ng makaalis sa kanyang harapan ang itim na kotse na naghatid sa kanya. At doon alam niyang natapos ang mala fairytale niyang isang araw. 

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Ssam_grl
later po meron na po:) kakaupdate ko lang po kanina:)
goodnovel comment avatar
Ma Sofia Amber Llanda
wla pong update Ms. author
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status