2 YEARS AGO..
Nilagyan ni Xia ang kanyang kulay na rosas na mga labi ng mapulang kulay nang lipsticks habang sinisipat kung may lagpas ba iyon. Habang nakatingin sa malaking salamin ng banyo kung saan siya ang event ng party kung saan ay isa siya sa guest. Sinipat niya ang sariling katawan kung maayos ang kanyang pagkakalagay ng black stocking at kung nababagay ba ito sa suot niyang cat woman costume na kulay itim at inayos niya ang maliliit na strands ng kanyang buhok sa upang iipit sa likod ng kanyang punong-taynga. She was a 5'6 ft. tall and had a fair skin, Hindi maputi hindi rin gaanong morena, tama lang. Nagagandahan siya sa kanyang ayos ngayong gabi dahil litaw na litaw ang hubong ng kanyang katawan. Balingkinitan at lumilitaw ang kanyang katamtaman na malusog na dibdib. Ang kanyang buhok na may natural na kulay na Amber ay mas pinangtingkad dahil sa pinatungan niya ito ng kulay medium champagne. Ang kanyang mga labi na natural ng makapal ang ibabang labi ay mas lumitaw ng lagyan niya ito ng kulay pulang lipstick. Palagi tuloy siyang napagkakamalan nagpafiller Kahit na sabihin niyang natural iyon. Ang mga ganitong katangian niya ang dahilan kung bakit napili siya ngayong gabi na maging exclusive dancer sa gaganaping bachelor's party. Bukod sa kailangan niya ng malaking pera ay siya mismo ang unang choice na ipadala ng kanilang Madame Z. Ang may-ari at namamalakad ng kanilang Zstars Agency. Kung saan siya nagtatrabaho bilang high maintenance escort. Yes, ang tawag sa lahat ng mga alaga ni Madame Z ay angels in short for escorts. They were not prostitute nor g.r.o or p****k katulad ng mga nakikita sa low-class clubs or bars. They were meticulously chosen. Hindi ito basta-bastang organisasyon. Their agency was legally approved by the government as an agency. well ang purposed nito ay under the table dahil their agency serves temporarily joy and happiness sa mga high class statuses. Especially for MEN. They serve happiness sa iba't ibang paraan katulad ng mga ganitong events. or private parties basta mga mahilig sa makamundo or entertainment ay sila ang kailangang tawagan. Women like her who works for Madame Z ay hindi basta-basta mo makikita na pakalat-pakalat sa mga public places. They had rules for that and all are strictly for business. Na nasa sayo na lang as a model/escorst/angel kung papasok ka pa sa mas deeper na relasyon sa mga kliyente at labas ang agency sa mga bagay na iyon pero ang dapat lang ay one time bigtime lang ang pinapayagan ni madame Z. Kapag may exclusive client ka ay hindi ka pwede tumanggap ng beyond sa binibigay mo sa iyong napiling pakiksamahan. For example, Kapag nagustuhan ka ng isang mayamang pulitiko at gusto ka niyang ibahay, you have to make sure na alam ito nang agency mo at hindi ka pwedeng tumanggap ng kahit anong deeper business or relationship sa ibang magiging kliyente. As of now ay wala naman sa balak niya ang makatargent ng one time big time customer. Ang mag trabaho ng marangal pa rin ang tangi niyang hangad kung kaya nagkakasya lamang siya sa mga ganito bookings, one of event's dancers, event's enteirtainer, extra-ordinary modeling events pero ang mga parties involving politics at iba pang extra -curiculars ay wala siyang tinatanggap na kahit ano. Gusto lang niya ng maayos na pamumuhay at makapagipon para sa dalawa niyang kapatid na nagaaral pa ng highschool. Makapagipon lang siya ng malaki-laki ay aalis na siya sa ganitong trabaho although mabait at maalaga ang kanilang madame Z ay iniisip niya pa rin na temporary lang ang ganitong trabaho. Oo maganda siya, pasalamat siya sa kanyang ina dahil ang lahi ng kanyang ama ay dumdalay sa kanyang dugo. Siguro ay may lahi itong banyaga pero hindi niya na gusto pa malaman pa. Ang alam lang niya ay hindi niya ito man lang Nakita lalo na't nang magkaisip siya. Wala itong nai-ambag sa kanyang pagkatao bukod sa pagbibigay ng buhay sa kanya sa mundong ibabaw.Hindi naman siguro siya mapapasok sa ganitong klase ng trabaho kung may maayos siyang kinalakihang pamilya. Ang kanyang ina ay dating isang entertainer din katulad niya pero hindi na niya alam kung bakit walang nangyari din sa buhay nito. siguro ay dahil nainlove? sa kanyang ama? Hindi niya alam ang sagot dahil sa ngayon ay ang kanyang ina ay nahihibang sa pangtatlo nitong kinakasama. Nagkaanak ng dalawa ang kanyang ina sa pangalawa nitong naging boyfriend at yung ang mga kapatid niya sina Arrieta at Aries. Siya na ang halos naging ina ng mga ito dahil ang kanilang ina ay susulpot-lilitaw sa kanilang tahanan. Marami kasi itong sinasamahang mga lalaki lalo na pag umiibig ito ay hindi mo ito makikita sa bahay. Ngayon ay nag-asawa pa ito at bibihirang umuwi sa kanilang bahay Kahit man lang bisitahin ang kanyang mga kapatid. Hindi nila gusto ang ugali ng naging asawa ng ina nila bukod sa nananakit ay lagi rin naman naglalasing. Sa ganitong kapalaran kaya nagdesisyon na siyang huminto ng college dahil sa hindi rin siya kayang supurtahan ng kanyang ina ay kailangan niyang kumayod para pag-aralin ang dalawa niyang kapatid dahil wala talaga siyang maaasahan sa kanyang ina. Matalino siya, hanggang second year college ang inabot niyang edukasyon ngunit hindi sapat ang talino niya para magtiis at tapusin ang kursong Entrepreneurshipkung kaya ay mag-gigive way muna siya kapag nakatapos na ang dalawa niyang kapatid ay siya naman ang magpapatuloy ng kanyang pag-aaral. "Hey?" Isang mahinang katok ang kanyang narinig mula sa labas ng pintuan.Marahan niyang binuksan iyon ng kalahati lang at dumukwang upang alamin kung sino ang tumatawag sa kanya. "Y-yes?" tanong niya sa lalaking naka formal coat na sa tingin niya ay ito ang contact ni Madame Z sa event na ito."Hi, I'm Charles by the way," Inilahad ng gwapong lalaki ang kamay nito upang kamayan siya. "You must be the Angel that Zamora sent?" Agad nitong tanong na sa tono ay may pagmamadali.Agad naman siyang tumango. "Alright, the groom will be here in 5 minutes, He doesn't know about the surprise party so if you hear the song started. you can go out here and start the show understood?" Paliwanag pa nito. Muli siyang tumango sa kausap. Nasa isang private island nga pala siya na may isang malaking private resort villa na wari niya ay nasa gitna ng isla nito. Remoted ang lugar kaya alam niya na ito na yung lalaking nag-book sa kanilang agency. Sa laki at ganda ng island resort na ito ay iisipin mong para sa publiko ito pero alam niya na private property ito, Maaring kay Charles ito. Hindi naman nakakapagtaka ang anyo nito at pananamit pa lang ay halatang mga alta-syudad. Mga anak siguro ng bilyonaryo at willing gumastos ng kahit milyon pa para lang sa mga ganitong event or parties. Ayun lang at umalis na ang lalaki at isinara niya ang pinto, saglit niya pang inayos ang sarili at isinuot ang maskara na pangpusa. Wala na siyang ibang gagawin kung hintayin na tumunog ang sinasabi nitong tugtog at lalabas na siya ng banyo.
DUMAAN pa ang ilang minuto ay nakarinig siya ng mahinang kalabog at kaunting hiyawan ng mga boses ng mga kalalakihan. Marahan niyang nilapat ang tenga niya. Nang unti-unti niyang marinig na humina na ang ingay at kaluskos kasabay ng pagsisimula ng isang slowed version ng musika ay agad na niyang pinatay ang ilaw sa loob ng banyo. Kinuha niya ang latigong nakapatong sa sink counter na kasama talaga sa kanyang costume dahil isa nga siyang "CAT WOMAN" . "Did you really think, I'd just forgive and forget, noAfter catching you with herYour blood should run cold, so coldYou, you two-timing, cheap-lying, wannabeYou're a fool, if you thought that I'd just let this go" ....Nang magsimula ang musika ay agad siyang naglakad ng pasilyo palabas kung saan nakalokasyon ang maliit na event na inihanda ng mga ito para sa groom. Isang madilim na may may mga patay sinding iba't ibang ilaw ang sumalubong sa kanyang mga mata habang tinutungo ang malawak na lanai ng villa na iyon, Nakita niya agad ang
BIGLANG itinulak si Xia ng lalaking nag-ngangalan na Blake sa loob ng silid na iyon. Nang muli siyang humarap dito ay nakita na niya itong inilapat ng pasara ang pintuan at sumandal pa ito upang hindi siguro siya makalabas. Sinalubong siya ng mainit na tingin nito at nakita niya ang pagmasid ng mga mata nito sa kanya mula ulo hanggang paa. Muli siyang nailang ng makita niya kung paano siya pasadahan ng tingin nito na tila nagkakamali yata ito ng impresyon kung ano ang trabaho niya. Isa lamang siyang mananayaw para sa gabing ito at wala siyang balak na magpa-kama sa kahit na kaninong lalaki na nandito. "W-wait, Blake d'ba?" Itinaas niya ang dalawa niyang kamay tapat ng kanyang dibdib upang pigilan ito ng makita niyang nagsimula itong i-unbotton ang pangalawang butones nito. "Hindi ako ano dito-" Napaatras siya ng makita itong humakbang habang kasunod na in-unbutton ang pangatlong butones. Sa nakikita niya sa kanyang harapan ay isang mala-Anghel ngunit mapanganib na nilalang dahi
"T-TEKA," Hinabol niya ang binatang lumabas sa kwarto at dumiretso muli sa lanai kung saan ginanap ang party. Napatigil siya ng makitang wala na nga ang mga lalaking kaibigan nito. Tanging ang bakas ng okasyon na lang ang makikita doon. Hindi naman ito natinag at tuloy-tuloy lang ito naglakad sa may mahabang buffet table kung saan nandun ang champagne tower na puro champagne glasses at kumuha ng isa ang binata. Hinanap nito ang coat at isinampay sa kanyang balikat gamit ang isang kamay. Nagsimula itong lumabas ng lanai at pumunta sa direksyon ng beach sand. (shit...) Palihim na mura niya habang nagmamadaling bumalik sa banyo kung saan siya nag-ayos at kinuha ang kanyang malaking tote bag kung nasaan ang kanyang damit pampalit. Kailangan niyang mahabol ito dahil wala na siyang kasama doon at sa tingin niya ay nag-uwian na ang mga ito ng biglaan. Hindi naman siya pwedeng mag-stay doon dahil wala naman yun sa kanilang kontrata at saka isa pa ay bangka lang ang pwedeng niyang sakyan
SUMANDAL ito sa railing sa kanyang tabi at tinitigan siya. "Oh ba't ka nakatingin?" Hindi niya mapigilang umiwas ng tingin dahil sa ilang oras pa lang niya kasama ito ay hIndi na siya mapakali kapag tumititig ito sa kanya. "Aren't you gonna remove you head mask? it's awkward." Nakangising tanong nito sa kanya. Hinawakan niya ang sariling headmask at kumunot ang kanyang noo dahil sa pagngisi nito na tila natatawa sa kanya. "Tatanggalin ko lang 'to kapag dumiretso na ulit yang dila mo, English ka ng english." balik-asar niya dito. Lalo lang itong tumawa at umiling sa kanyang harapan. "Okay, You can keep it that way, Im not even interested to see how you look," balik-asar nito. (Aba!) Gusto niyang magtaray ngunit alam naman niyang nang-aasar lang ito. Humalikipkip na lang siya ng umalis ito at tumingin sa kawalan. "Bakit hindi ka sumama sa mga kaibigan mo?" Muli na namang tanong niya dito. Hindi pa siya nakakaharap ng muli itong bumalik sa dati nitong pwesto sa tabi niya at i
MARAHAN niyang idinilat ni Xia ang kanyang mga mata ng marinig ang mga ibon na naghuhunian sa kanyang paligid. "Hah?!" Biglaan siyang bumangon mula sa pagkakahiga sa deck at tinanggal ang headmask na nakatulugan na niya kagabi. "Gago, Umaga na?" May araw na nang magising siya at nasa tapat ng init ng araw. Agad niyang inayos ang pagkakaupo at inalis ang nakatakip na coat na nagsilbing kanyang kumot. " Ay palaka!" Napasigaw siya ng mahagip ng gilid ng kanyang paningin ang isang hindi katandaan na lalaki na nasa tabi niya at nakatayo. Hinagod ng kanyang mata ang nakatayong maanda na nakaformal coat din at waring kanina pa siya pinagmamasdan. "Good Morning Miss," Magalang na bati nito ng magtama ang kanilang mga mata. Bahagya itong ngumiti sa kanya at inilahad ang isang kamay upang tulungan siyang makatayo. "G-good morning ho," Pinilit niyangngumiti Kahit na nagtataka siya kung bakit may matandang nakapormal ang nakatayo sa harapan niya. "Nakita niyo yung kasama ko kagabi?" Agad s
"GOODMORING BAKLA!" Isang masayang pagbati ang iginawad ni Xia ng mkapasok sa loob ng building ng kanyang pinagta-trabahuan na Zstars Agency. Sa loob ng building na iyon ay diretso siyang pumunta sa may malaking Dance studio ay nandoon ang kanyang tinuturing na kaibigan sa trabaho na sin OKA.Ang bading niyang kaibigan na mas babae pa sa kanya ngunit hindi mo ito makikitang nagdadamit ng pambabae pero kung kumilos ay napakalamya. Si Oka ang punong-abala sa mga costumes na kanilang sinusuot. Ito ang nagtatahi at naga-alter ng mga lahat ng wardrobe ng angels na nagt-trabaho dito. Lahat ng babae doon ay may kanya-kanyang costumes kung kaya't alam niya na malinis at very hygienic ang kanilang sinusuot dahil labag sa rules ang magpalit at maghiraman ng mga gamit sa building na iyon.Palagi rin nitong kasama ang isa rin sa tinituring rin niyang kaibigan sa trabaho ay si Aizu, Isa ito sa scheduler ng kanilang Agency. Ito ang may handle sa kanyang mga booking, Bawat scheduler doon ay may kan
(SIYA siguro yung fiance ni Blake...) Nagpahalumbaba siya upang titigan mabuti ang nasa tv. Hindi niya maiwasang maisip na bagay nga talaga ang dalawa, kaya siguro hindi man lang siya nito kaya...Napapilig siya ng ulo ng marealize na kung ano-ano ang iniisip niya. (THE COUPLE IS EXPECTING TO TIE KNOT ON THE LAST DAY OF THE WEEK AND IT WILL BE HELD IN THE CITY OF PARIS. ONLY CLOSE RELATIVES AND CLOSE FRIENDS ARE SET TO ATTEND THE WEDDING, THE PRINCE OF THE BWEALTH FINANCE CO. MR. LIAM BLAKE BIESCHEL IS RUMORED TO BE DATING THE PRINCESS OF THE MADDEN FASTFOOD AND RESTAURANT CO., MS. TIFFANY MADDEN SINCE THEIR COLLEGE DAYS AND NOW THE TWO OF THE WEALTHIEST CLANS ARE HAVING A GRAND UNION THIS YEAR.) (Liam Blake Bieschel pala ang pangalan niya...) Inulit niya ang pangalan nito sa kanyang isipan habang hindi inaalis ang kanyang tingin sa malaking TV kung saan nakikita niya ang pagpasok nito sa Airport habang nakakapit sa bisig nito ang fiance nito. Hindi niya maiwasang mamangha sa dalaw
"ATE," Masayang binati siya ni Arrietta na sinalubong siya nito sa kanilang maliit na pintuan, Napansin niya na umuuga na ang screen door nito ng hinawi niya iyon upang buksan ang kanyang dadaanan. "Wow, Ang dami mo namang binili," Agad na kinuha ng kanyang kapatid na babae ang dalawang malalaking supot sa kanyang kamay upang tulungan siya na ipatong ito sa kanilang maliit na lamesa. "Oo, Para sa bahay yan at pambaon niyo na rin next week ni Aries," Masayang sabi niya dito, Nginitian siya ng nakakabatang kapatid."Ate, Highschool na kami ni Aries next week, magbabaon pa ba kami ng ganito?" "Aba oo, para tipid sa baon, iba ang pagiging highschool mas maraming subjects lalo na accelerated ang kapatid mo," Ang tinutukoy niya ay si Aries. "Asan na nga pala si Aries?" Hanap niya sa isang kapatid. "Humiram ate sa kapitbahay ng martilyo, Aayusin niya yang pinto, Medyo umuuga na eh." Itinuro nito ang pintuan na kanina pa rin niya napansin na medyo umuuga na nga. Pinuntahan niya ang pinto n