Share

Chapter 5

Author: EMENELPen
last update Last Updated: 2021-09-09 16:23:27

A L I S H A

"YOU'RE all parents needed!"

Pagkasigaw ng Principal nun ay mariin akong napapikit. Pansin ko rin ang dismayadong mga itsura ng mga kasama ko, lalo na si Elice na masamang nakatingin sa akin mula kanina.

"Ang aga-aga gumagawa kayo ng gulo! Hindi man lang ba kayo nahiya? Celebration pa 'man din ng Buwan ng Wika?!"

Napasinghal na lang ako habang nakikinig sa nanenermon na si Principal Konnie.

Nang matapos na 'tong manermon ay pinayagan na niya kaming lumabas pero kailangan muna naming maglinis sa may tapat ng principal's office.

"Buwisit ka talaga! Kasalanan mo 'to!" reklamo ni Elice habang nakataas ang kilay.

Nagdidilig siya ng mga halaman na para bang diring-diri sa mga 'to. Kitang-kita sa magkasalubong niyang mga kilay ang pagkainis niya sa kaniyang ginagawa.

"Deserve!" sagot ko habang nakataas ang kilay.

"H'wag na kayo mag-away please?" inosenteng sambit ni Colixe habang hawak-hawak ang isang tabo na may laman na tubig. "Para agad tayo matapos, may klase pa tayo. Baka 'di tayo makapag-quiz niyan e."

Tiningnan ko lang si Colixe at nginitian ito bilang tugon sa kaniyang sinabi, bago ko pinagpatuloy ang pagwawalis ko ng mga nalaglag na dahon, mga balat ng kendi at kung ano-ano pang kalat ng mga kapwa ko estudyante.

"Hays," napasinghal ako dahil sa pagod. Pinunasan ko ang noo ko gamit ang likod ng aking palad.

Napatingin naman ako kanila Wyrlo at Drexel na kasalukuyang naglalakad galing sa tapunan ng mga b****a, dala-dala nila ang tig-isang malalaking drum na kanina'y puno ng b****a. Halata mo sa kanilang mga mukha ang pagkairita at pagod.

***

"Are you okay?" mahinang tanong ko kay Ikay, mula kasi kaninang pagpasok namin sa classroom ay 'di niya ako kinikibo.

"Huh? Yeah I'm fine. Why?" tanong nito bahagya niya akong binalingan ng tingin bago muling ibalik ang tingin niya sa pisara at pinagpatuloy ang pagkopya sa aming lecture.

"Sure ba?" paninigurado ko, sa puntong 'yon ay napahinto siya sa pagsusulat at itinuon nito sa akin ang kaniyang atensyon.

"Mm?" suminghal siya. "Okay, I'm not fine of what you've done earlier. What is it again?"

Again? Anong ibig niyang sabihin?

"Hindi kita maintindihan, ano'ng tinutukoy mo?" kunot noo kong tanong sa kaniya. "If it's about Elice and Colixe, I just did the right thing to do."

"Pa-victim," mahinang sambit nito ngunit narinig ko.

"Huh? Galit ka ba sa akin Ikay?" diniretso ko na siya. "Tell me what I did."

"Mm may dapat ba akong ikagalit?" sambit nito habang nakataas ang kilay.

"Hindi ko maintindihan Ikay. Ba't ka ba nagkakaganyan?" Naniningkit ang mga mata ko habang nakatingin sa kaniya. "Baka nakakalimutan mo kung anong klaseng tao si Elice. Deserve niya ang nangyari kanina at 'di niya 'yon dapat ginagawa kay Colixe!"

Napalakas ang boses ko dahil sa medyong pagkainis, kung kaya't lahat ng atensyon ng mga kaklase ko ay napunta sa akin. Buti na lang at wala ang teacher namin.

Binaling ko na lang ang atensyon ko sa pagsusulat. Napansin ko naman si Trez na nakatingin sa aming dalawa ni Ikay na para bang sinasabing 'wag kaming mag-away. Napangiwi lang ako habang nakatingin sa kaniya at nagpatuloy na pagsusulat. Hays!

Napano ba kasi si Ikay? Para bang may masama akong nagawa? Hindi ko siya maintindihan!

"Okay fine! I'm mad!" mahinang sambit nito at pansin kong binalingan niya ako ng tingin nang huminto ito sa pagsusulat. "Let's talk about it later!"

***

Nang matapos ang klase namin ay inaya ako ni Ikay sa library upang doon daw kami mag-usap. Maaari namang mag-usap sa library lalo na't malapit naman na 'tong magsara dahil oras na ng uwian, basta ba hindi masyadong malakas ang inyong mga boses.

Nang makaupo kami sa magkaharap na upuan sa pagitang mesa ay dali-dali niyang pinatong ang kaniyang sling bag sa mesa.

May nilabas itong picture at kaagad na pinakita sa akin.

"Explain it to me!" mahinang sambit niya pero ramdam ko ang diin sa pagkakasabi niya.

Nanlaki naman ang mata ko nang makita kung ano ang nasa picture na pinapakita niya.

Picture namin ni Trez habang naghahalikan. Shit! Ano na naman 'to? Bakit may ganito kaming larawan?

"Wa-wala akong alam na nangyari 'yan Anica," naguguluhang sambit ko habang nanlalaki pa rin ang mga mata ko.

"Liar," mahinang saad nito at tinaasan niya ako lalo ng kilay. "So how can you explain this one?"

Kinuha niya ang picture na hawak ko at mariin niya itong tinupi na para bang galit na galit.

"Snake!" mariing sambit niya.

Napabuga ako nang hangin dahil sa mga sinasabi niya.

"I'm sorry Ikay, believe me wala akong natatandaan na nangyari 'yan. Remember nung sinabi ko na yung panaginip ko nagiging totoo?" sunod-sunod kong sambit. "Nanaginip ulit ako kagabi ng mga pangyayari noon, ngunit paggising ko isang buwan na agad ang nakakalipas."

"I don't have time for this bullshit, Alisha!" sambit nito, napalakas ang boses niya.

Napansin ko naman si Viance na dali-daling naglakad palapit sa amin.

"Keep silence please," mahinang sambit nito sa amin at muling tumalikod pabalik ng kaniyang desk.

Napatitig lang ako sa nakatali niyang buhok at napukaw ng atensyon ko ang isang maliit na half moon tattoo sa kaniyang batok.

"Mm?" Muli akong napatingin kay Ikay.

"Gaya ng sabi ko, wala akong alam tungkol diyan Ikay. Believe me," mahinang sambit ko. "Tsaka bakit ko naman gagawin 'yan, alam ko naman na gusto mo si Trez. Sa akin ka pa nga unang nagsabi 'di ba."

"Hays. I'm sorry," saad nito bago bumuga ng hangin. "Sa totoo lang 'di rin ako makapaniwala, pero ito 'yon e. May ebidensiya. Ilang linggo ko rin 'tong tinago sa 'yo, mula nang ibigay 'to sa akin ni Elice."

"Elice?" tanong ko habang naniningkit ang mga mata ko.

Duda ako diyan sa Elice na 'yan!

"Yeah. She gave it to me!" mariing sambit nito.

"Kaya ba kinakampihan mo siya kanina?" tanong ko. "Really Ikay? Pinagkakatiwalaan mo yung babaeng 'yon?"

"Why not? At least she's not a snake like you!" sambit nito habang nakataas pa rin ang kilay.

"Naririnig mo ba ang sarili mo Ikay?" iritang tanong ko, nagkasalubong ang mga kilay ko dahil sa mga sinasabi niya. "Alam naman natin lahat nina Trez at Colixe na ginagamit lang tayo ng babaeng 'yon, dahil iniwan siya ng mga dati niyang kaibigan!"

Hindi ko maisip na kaya akong pag-isipan ng ganito ni Ikay dahil lang sa isang larawan na hindi mo man lang alam kung edited ba o ano.

"Sa sobrang pagka-in love mo kay Trez, nagiging bobo ka na--"

Napatigil ako sa pagsasalita nang mapagtanto na sumobra ako sa mga sinabi ko. Pansin ko na nanlaki ang mga mata niya dahil rito.

"I hate you!" malakas na sambit nito bago padabog na naglakad palabas ng library.

Dali-dali ko namang pinulot yung nahulog na picture bago ako naglakad ng mabilis papunta sa kaniya.

"Anica!" tawag ko sa kaniya nang nasa labas na kami ng library.

Dire-diretso lang siya sa paglalakad at 'di ako pinapansin kung kaya't hinawakan ko siya sa kaniyang braso, dahilan kung bakit siya napahinto.

"What?!" sigaw nito. "H'wag mo muna akong kausapin!"

Padabog niyang inalis ang pagkakahawak ko sa braso niya at dali-daling naglakad palayo sa akin. Sinubukan ko pa siyang pigilan ngunit 'di na siya lumingon. Hays.

Naglakad na rin ako palabas ng school at nanlaki ang mga mata ko nang mapansin si Drexel na nakasandal sa pader na nasa tabi ng gate, para ba itong may hinihintay.

Wala ng gaanong tao sa school pero nandito pa rin siya?

Nang malapit na ako sa gate ay binilisan ko ang paglalakad ko upang hindi niya ako mapansin ngunit kaunti pa lang ang inilagpas ko sa kaniya nang marinig kong tinawag niya ako.

"Lisha!" sigaw nito kung kaya't napahinto ako sa paglalakad, naramdaman ko naman na naglakad siya palapit sa akin.

"Ano bang kailangan mo?" nakataas ang kilay na sambit ko bago ako lumingon sa kaniya.

"I'm sorry about what happened earlier, it was my fault." Mahinang sambit nito.

Napatitig ako sa mga maamo niyang mga mata nang ilang segundo bago nakapagsalita.

"It's okay, kasalanan ko rin naman." Sambit ko.

"Okay na ba tayo?" tanong nito.

Suminghal ako bago siya tinignan nang seryoso. "Hindi ba't sinabi ko ng ayaw ko muna? Ang kulit mo."

"Please tell me the reason," pansin ko ang pamumula ng kaniyang mga mata. "You know how much you mean to me? You mean the world to me, because you make me feel so special even though our moments together are in a jiffy."

Napalunok ako ng laway dahil sa mga sinabi niya. Naaawa talaga ako sa kaniya, ramdam na ramdam ko ang sincerity sa kaniyang boses.

"Please tell me all your reasons, handa akong makinig. Iintindihin ko kahit gaano pa ito kakumplikado." Napagakat siya sa kaniyang labi bago muling nagsalita. "Just don't leave me hanging... please."

Huminga ako nang malalim habang nakatingin sa kaniya, pansin ko ang mga luhang pinipigilan niyang pumatak mula sa kaniyang mga mata.

Gusto ko rin naman malaman mula sa kaniya kung paano pa kami nagkakilala. Mukha rin namang mabuting tao si Drexel kung kaya't para bang nakukumbinsi niya ako na sabihin sa kaniya ang dahilan ko. Pero maiintindihan niya nga ba ako kapag sinabi ko sa kaniya ang lahat?

Muli akong huminga nang malalim bago ako nagsalita.

"Okay, I'm gonna tell you everything." Suminghal ako. "Pero kailangan mo mag-promise na after ko magkwento ay ike-kwento mo rin sa akin kung paano tayo nagkakilala."

Pansin ko na naging maaliwalas bigla ang kaniyang mukha at dali-daling napangiti nang marinig ang mga sinabi ko.

Huminga siya nang malalim at tinignan niya ako nang seryoso bago siya muling nagsalita.

"There's nothing I won't' do for you. Sasabihin ko rin sa 'yo ang lahat ng gusto mong malaman." Sambit nito habang abot tainga ang ngiti.

Naglakad ito palapit sa akin hanggang sa magkaharapan na kaming dalawa, kung kaya't napatitig ako sa kaniyang mga mata at ganoon din siya.

"I will help you to remember all the memories that we had, when you feel like giving up..."

Related chapters

  • We All Died in Year 2020   Chapter 1

    ALISHA"TUMAKBO KA NA!"Isang malakas na sigaw ang narinig ko kung kayat kaagad akong napalingon ngunit tanging sariling anino ko lang ang aking nakita.Sobrang dilim ng paligid, nasa isang mapunong lugar ako. Tanging ang buwan lamang ang nagbibigay liwanag sa paligid.Tumakbo lang ako nang tumakbo, hindi ko alam kung saan ako pupunta, tagaktak na ang pawis ko. Halos mawalan ako nang hininga dahil sa sobrang bilis ko. Pakiramdam ko'y may humahabol sa akin ngunit 'di ko matukoy kung sino ito.Hindi ko alam kung nasaan ako basta ang alam ko lang ay tumatakbo na lang ako bigla rito sa lugar na 'to na tila ba may humahabol sa akin na kung sino."Lilia!"

    Last Updated : 2021-07-08
  • We All Died in Year 2020   Chapter 2

    A L I S H AHALOS ang mga kaklase ko ay dali-daling lumabas nang makarinig kami ng mga sigawan mula sa labas ng classroom namin.Napatingin ako kay Colixe na nakatulala na para bang takot na takot ang itsura niya. Dali-dali ko siyang nilapitan at hinawakan ang kaniyang balikat."Are you okay?" tanong ko sa kaniya. Pansin ko ang pagkagulat niya dahil sa biglaang paghawak ko sa balikat kaniya."Yes, I'm just tired. Hinihingal lang ako, sa pag-akyat ko kanina rito sa 3rd floor," paliwanag nito habang hinahabol pa rin ang kaniyang paghinga."I'll be back okay? Pupuntahan ko lang yung pinagkakaguluhan nila," paalam ko sa kaniya bago ako tuluyang lumabas ng classroom.Nang makalabas ako ay nakasalubong ko an

    Last Updated : 2021-07-08
  • We All Died in Year 2020   Chapter 3

    A L I S H ANANG makauwi ako kanina'y kaagad akong dumiretso sa kwarto, ayaw kong makita ako nina mama at papa! Tutal 'di naman ako gutom dahil kumain kami sa cafeteria bago umuwi.Maaga kaming pinauwi dahil sa nangyari kay Xyline. Binilinan kami ng aming mga teachers na huwag na raw ilabas ang nangyari. Ayaw kasi nilang masira ang imahe ng school. Sa lugar namin ang university namin ang pinakasikat. Kaunti lang ang mga nag-aaral rito, walang bayad pero kailangan matataas ang mga grades mo bago ka makapag-enroll.Sabagay, wala naman akong pagsasabihan nang nangyari kanina. Ayaw ko pa kasi kausapin si papa dahil nagtatampo pa ako sa kaniya. Ang tagal niya kasing nawala e, nagtrabaho siya sa Saudi sa loob ng 8 years tapos nabalitaan na lang namin na may kabet pala

    Last Updated : 2021-07-08
  • We All Died in Year 2020   CHAPTER 4

    A L I S H ANANLALAKI ang mga mata ko habang nakatingin sa lalaking paparating. Dire-diretso lang itong naglakad papasok sa gate ng aming bahay na animo'y sanay na sanay ng pumunta rito, na para bang matagal na kaming magkakilala."You're late again Alisha. Maghihintay nanaman ako sa 'yo?" tanong nito sabay pout ng kaniyang mapulang labi."Drexel?" kunot noong sambit ko."Oh ba't parang gulat na gulat ka?" natatawang sambit nito habang naniningkit ang kaniyang mga mata.Sino ba namang hindi magugulat? Siya lang naman yung crush ko na varsity player sa basketball. Nililigawan niya ako?Ito ba yung ibig sabihin

    Last Updated : 2021-09-09

Latest chapter

  • We All Died in Year 2020   Chapter 5

    A L I S H A"YOU'RE all parents needed!"Pagkasigaw ng Principal nun ay mariin akong napapikit. Pansin ko rin ang dismayadong mga itsura ng mga kasama ko, lalo na si Elice na masamang nakatingin sa akin mula kanina."Ang aga-aga gumagawa kayo ng gulo! Hindi man lang ba kayo nahiya? Celebration pa 'man din ng Buwan ng Wika?!"Napasinghal na lang ako habang nakikinig sa nanenermon na si Principal Konnie.Nang matapos na 'tong manermon ay pinayagan na niya kaming lumabas pero kailangan muna naming maglinis sa may tapat ng principal's office."Buwisit ka talaga! Kasalanan mo 'to!" reklamo ni Elice habang nakataas

  • We All Died in Year 2020   CHAPTER 4

    A L I S H ANANLALAKI ang mga mata ko habang nakatingin sa lalaking paparating. Dire-diretso lang itong naglakad papasok sa gate ng aming bahay na animo'y sanay na sanay ng pumunta rito, na para bang matagal na kaming magkakilala."You're late again Alisha. Maghihintay nanaman ako sa 'yo?" tanong nito sabay pout ng kaniyang mapulang labi."Drexel?" kunot noong sambit ko."Oh ba't parang gulat na gulat ka?" natatawang sambit nito habang naniningkit ang kaniyang mga mata.Sino ba namang hindi magugulat? Siya lang naman yung crush ko na varsity player sa basketball. Nililigawan niya ako?Ito ba yung ibig sabihin

  • We All Died in Year 2020   Chapter 3

    A L I S H ANANG makauwi ako kanina'y kaagad akong dumiretso sa kwarto, ayaw kong makita ako nina mama at papa! Tutal 'di naman ako gutom dahil kumain kami sa cafeteria bago umuwi.Maaga kaming pinauwi dahil sa nangyari kay Xyline. Binilinan kami ng aming mga teachers na huwag na raw ilabas ang nangyari. Ayaw kasi nilang masira ang imahe ng school. Sa lugar namin ang university namin ang pinakasikat. Kaunti lang ang mga nag-aaral rito, walang bayad pero kailangan matataas ang mga grades mo bago ka makapag-enroll.Sabagay, wala naman akong pagsasabihan nang nangyari kanina. Ayaw ko pa kasi kausapin si papa dahil nagtatampo pa ako sa kaniya. Ang tagal niya kasing nawala e, nagtrabaho siya sa Saudi sa loob ng 8 years tapos nabalitaan na lang namin na may kabet pala

  • We All Died in Year 2020   Chapter 2

    A L I S H AHALOS ang mga kaklase ko ay dali-daling lumabas nang makarinig kami ng mga sigawan mula sa labas ng classroom namin.Napatingin ako kay Colixe na nakatulala na para bang takot na takot ang itsura niya. Dali-dali ko siyang nilapitan at hinawakan ang kaniyang balikat."Are you okay?" tanong ko sa kaniya. Pansin ko ang pagkagulat niya dahil sa biglaang paghawak ko sa balikat kaniya."Yes, I'm just tired. Hinihingal lang ako, sa pag-akyat ko kanina rito sa 3rd floor," paliwanag nito habang hinahabol pa rin ang kaniyang paghinga."I'll be back okay? Pupuntahan ko lang yung pinagkakaguluhan nila," paalam ko sa kaniya bago ako tuluyang lumabas ng classroom.Nang makalabas ako ay nakasalubong ko an

  • We All Died in Year 2020   Chapter 1

    ALISHA"TUMAKBO KA NA!"Isang malakas na sigaw ang narinig ko kung kayat kaagad akong napalingon ngunit tanging sariling anino ko lang ang aking nakita.Sobrang dilim ng paligid, nasa isang mapunong lugar ako. Tanging ang buwan lamang ang nagbibigay liwanag sa paligid.Tumakbo lang ako nang tumakbo, hindi ko alam kung saan ako pupunta, tagaktak na ang pawis ko. Halos mawalan ako nang hininga dahil sa sobrang bilis ko. Pakiramdam ko'y may humahabol sa akin ngunit 'di ko matukoy kung sino ito.Hindi ko alam kung nasaan ako basta ang alam ko lang ay tumatakbo na lang ako bigla rito sa lugar na 'to na tila ba may humahabol sa akin na kung sino."Lilia!"

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status