Share

Chapter 2

Author: EMENELPen
last update Last Updated: 2021-07-08 14:09:40

A L I S H A

HALOS ang mga kaklase ko ay dali-daling lumabas nang makarinig kami ng mga sigawan mula sa labas ng classroom namin.

Napatingin ako kay Colixe na nakatulala na para bang takot na takot ang itsura niya. Dali-dali ko siyang nilapitan at hinawakan ang kaniyang balikat.

"Are you okay?" tanong ko sa kaniya. Pansin ko ang pagkagulat niya dahil sa biglaang paghawak ko sa balikat kaniya.

"Yes, I'm just tired. Hinihingal lang ako, sa pag-akyat ko kanina rito sa 3rd floor," paliwanag nito habang hinahabol pa rin ang kaniyang paghinga.

"I'll be back okay? Pupuntahan ko lang yung pinagkakaguluhan nila," paalam ko sa kaniya bago ako tuluyang lumabas ng classroom.

Nang makalabas ako ay nakasalubong ko ang nagmamadali na si Teacher Colaine, ang mama ni Colixe.

"Where's Colixe?" natatarantang tanong nito.

Pansin ko ang dala-dala niyang inhaler para kay Colixe.

"Nasa loob po, okay naman siya." Pagkasambit ko no'n ay tila ba nakahinga siya ng maluwang.

Ngumiti lang ito bilang tugon sa sinabi ko bago siya naglakad papunta sa aming classroom.

Nang ayos na ay nagmadali na akong naglakad papunta sa garden area. Shit! Ganitong-ganito ‘yong pakiramdam ko doon sa panaginip ko!

Habang naglalakad ay dinarasal ko na sana'y hindi tama ang hinala ko na si Xyline ang makikita ko, ngunit nang makarating ako sa garden area ay para bang naubusan ako ng lakas nang makita ko ang walang ulo na katawan ni Xyline habang nakasabit sa puno, katulad na katulad sa panaginip ko nakasabit rin sa kaniyang gilid ang kaniyang ulo na puno ng hiwa at dugo.

Nanlaki ang mga mata ko nang mapansin ang isang puting papel na nakapaskil sa puno. Katulad na katulad nang nasa panaginip ko 'yong nakasulat roon. Bumilis ang kabog ng dibdib ko dahil sa labis na kaba.

"Sino sa tingin mo ang gumawa niyan kay Xyline?" Bahagya akong napatalon nang biglang sumulpot sa gilid ko si Trez.

Naningkit ang mga mata ko nang maalala ang panaginip ko, ganitong-ganito ang tanong niya sa akin. Nangyayari ba sa totoong buhay ang lahat ng napapanaginipan ko?!

Tinignan ko lang si Trez at hindi ko siya nagawang masagot sa kaniyang tanong, dahil wala rin naman akong ideya kung sino ang gagawa nito sa kaniya.

"To próto mou thýma," napatingin kaming dalawa kay Ikay na halos kakarating lang din dito sa garden. "My first victim."

Nanlaki ang mga mata ko habang nakatingin sa kaniya. Napatitig rin si Trez sa kaniya nang marinig ang binanggit ni Ikay.

"Ikay? Umamin ka na!" sambit ni Trez na animo'y isang detective sa tono ng kaniyang boses habang seryosong nakatingin kay Ikay. "Ikaw ba ang pumatay sa kaniya?!"

Tinaasan siya ng kilay ni Ikay at binalingan ng tingin kasabay nang pag-alis niya sa pagkaka-cross ng kaniyang mga kamay, dali-dali niyang sinapok si Trez na agad namang ininda ang sakit.

"Bobo ka? Mag-g****e ka! Mag-g****e ka! Puro ka ML!" nakangiwing sambit ni Ikay.

"Aray!" reklamo ni Trez habang magkasulubong ang kilay. "Joke lang naman e!"

"Tumigil na nga kayo!" suway ko sa kanila bago sila inirapan. "Respeto naman sa kaklase natin!"

"Ito kasi e!" panduduro ni Ikay kay Trez.

"Nye! Nye!"

Napairap na lang ulit ako sa kanila. Parang mga bata!

"Oh my God!" Lahat kami ay napatingin sa bagong dating na si Elice habang hawak-hawak ang kaniyang phone. "Welcome to my live guys! Please share this live stream, as you can see our class muse Xyline died--"

"Hoy Elice!" suway ni Trez sa kaniya buti naman at may nasabi ring maayos ang mokong na 'to. "Pasali naman diyan sa live! Tag mo ako!"

Mariin akong napapikit at nagkasulubong ang mga kilay bago sila binalingan ng tingin. "What the fuck are you doing?! Respetuhin niyo naman ang patay natin na kaklase!"

Natigilan silang dalawa sa kanilang ginagawa at napatingin sa akin.

"Tara doon na lang tayo, may kj dito." Nakataas ang kilay na sambit ni Elice bago sila naglakad palayo.

"Mabuti pa nga. Sayang yung live, dami pa namang nagco-comment na chix."

Napairap na lang ako bago ipag-cross ang mga kamay ko.

"Letse ka talaga Trez!" sigaw ni Ikay. "Magsama kayo ni Elice!"

Pansin ko ang pagkairita sa mukha ni Ikay. Mm, halata naman na nagseselos siya sa dalawa.

"Anica, napanaginipan ko ito." Seryosong sambit ko kay Ikay habang nakatingin pa rin sa mga nagkukumpulang mga tao.

Kasalukuyan ng dumating ang mga pulis. May mga nag-iimbestiga na rin ng nangyari.

Binalingan naman ako ng tingin ni Ikay. "You mean, na-predict mo 'yong future?"

"No, hindi gano’n e." Mariin akong napapikit bago muling nagsalita. "Parang, nangyari na 'to dati?"

"Mm, I don't know if what exactly happened to you," napatingin ito sa malayo na parang iniisip ang sinabi ko sa kaniya. "But if you're saying that it seems like it happened before, so it is more likely... reincarnation?" sambit nito bago ako muling balingan ng tingin.

"Reincarnation?" naguguluhan kong sambit.

"Yeah, but I'm not really sure." Sagot nito. "Pero... may nabasa ako before na isang article na may mga taong nakakabalik sa past through their dreams, I don't know if it's true? So, kung totoo man 'yon it means lahat ng mapapanaginipan mo about doon ay mangyayari talaga sa kasalukuyang panahon."

"Hays," napabuntonghininga na lang ako.

Tama kaya si Ikay? Kung ganoon, yung pumatay kay Xyline ay ang tao rin na pumatay kay Cynthia? Sino kaya siya?

"Kawawa naman si Xyline."

Sabay kaming napalingon ni Ikay sa bagong dating na si Wyrlo. Hingal na hingal ito at pinagpapawisan.

"Nakausap ko pa siya kanina, hindi ko alam na mangyayari 'to sa kaniya."

"Nakausap?" naningkit ang mga mata ko dahil sa sinabi niya.

Seryoso ring napatingin sa kaniya si Ikay. "Pero ngayon lang 'to nangyari right? Anong oras mo siya nakausap?"

"Kung hindi ako nagkakamali 40 minutes ago pa lang 'yon. So yeah, probably halos ngayon lang 'yan nangyari." Kabadong sagot nito habang hinahabol pa rin ang kaniyang hininga.

"You're right halos ngayon nga lang 'to nangyari," seryosong sambit ni Ikay habang naniningkit ang mga mata na nakatingin kay Wyrlo. "Too fast to happen, if the killer is just one right?"

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi ni Ikay. "What do you mean?"

"What I'm trying to say is..." binalingan niya ng tingin si Wyrlo bago nagpatuloy sa pagsasalita. "This can't be done by just one person, probably the killer-- the killers, I mean... is not only one, maybe more than one, maybe two? Three? Well... Who knows right? But one thing is for sure the killer has hirs accomplice for this crime."

Napatingin lang ako nang seryoso kay Ikay habang patuloy siya sa sinasabi niya. Hindi na ako magtataka kung bakit niya na analyze ang pangyayari dahil bukod sa nasa dugo nila ang pagiging police at detective ay siya rin ang top 1 sa klase at candidate for valedictorian.

"Pinaghihinalaan mo ba ako?!" malakas na sambit ni Wyrlo habang nakaharap kay Ikay.

"Mm, you said it right." Ngumisi si Ikay. "So yeah... tama ka. You're one of my suspect but you don't have to be afraid to me. I'm not yet a cop." Binalingan namin ni Ikay ng tingin ang paparating na Pulis na hindi napansin ni Wyrlo na nasa likuran na niya. "I guess you better be afraid to the cop behind you."

Pagkasabi ni Ikay no'n ay napalingon si Wyrlo at pansin kong napaatras siya dahil sa gulat, nang mapansin na nasa harapan niya ang isang pulis.

"Good morning, Mr Tambalo right?" bungad ng pulis. Hindi nakasagot si Wyrlo. "You have to go to the police station, to get some information from you and also to give your statement."

"W-what do you mean? Am I a suspect?!" malakas na sambit ni Wyrlo.

Mariin akong napapikit nang marinig 'yon. Wala naman kaming magagawa kung maging suspect siya dahil kahina-hinala naman talaga ang nangyari.

Dinala na si Wyrlo sa loob ng patrol car. Naiwan naman kami ni Ikay na nakatayo. Marami pa ring estudyante ang naiwan na nakikiusyoso sa nangyari.

"I guess nangyari 'to, maybe... 30 minutes ago?" seryosong sambi ni Ikay bago ko siya balingan ng tingin. "As you can see, fresh pa 'yong dugo na nasa katawan ni Xyline. Look at the detective."

Napatingin naman ako sa tinutukoy niya. Kasalukuyang may ini-spray ang detective sa tulay na gawa sa bato na nandito sa garden.

"What is it?" naguguluhang tanong ko.

"It is Luminol," seryosong sambit nito. Napabuntonghininga na lang ako dahil 'di ko naman maintindihan ang tinutukoy niya.

Napansin naman niya na hindi ko naintindihan ang sinabi niya.

Napasinghal ito bago muling nagsalita. "Luminol is a chemical that exhibits chemiluminescence, with a blue glow, when mixed with an appropriate oxidizing agent. They use luminol to detect trace amounts of blood at crime scenes, as it reacts with the iron in hemoglobin."

Napairap lang ako sa kaniya at pansin kong natawa siya ng bahagya.

"In short?" tanong ko.

Huminga siya nang malalim. "Para makita kung may dugo na inalis ang suspect, using the luminol made-detect kung may dugo ba sa lugar na 'yon."

Bahagya akong nakahinga nang maluwang dahil kahit papaano ay nalinawan naman ako.

"As you can see, may kulay blue na lumitaw sa tulay." Napatingin naman ako sa tinutukoy niya, tinatakpan ng dalawang detective ang sinag ng araw at napansin ko ang kulay asul na lumitaw dahil sa dilim.

Nginitian niya ako bago siya muling nagsalita. "That color blue indicates blood, it means may dugo sa lugar na 'yon. So kung mapapansin mo ang pwesto ng dugo ay pa-north."

"Then?" naguguluhan kong tanong.

"As you noticed, ang mga lugar na possible na puntahan sa north direction are the basketball court and the library," tumingin ito ng seryoso sa akin. "Anong araw ngayon?"

"Friday," mahinang sagot ko.

"Mm, tuwing Friday may practice ang mga basketball player right?" tanong nito. Tumango ako. "That's the reason why Wyrlo is one of the suspect, beside sa sinabi niyang nakausap niya si Xyline, 40 minutes ago."

Nakuha ko naman ang punto niya. Isang varsity player si Wyrlo at tama siya may practice nga ang mga varsity player tuwing friday ng umaga.

"Sa tingin ko tama rin naman yung iniisip ko na lalaki ang may gawa nito," seryosong sambit niya. "Maybe a girl and a boy? Or both of them are guys? I don't know."

"How do you say so?" tanong ko.

"Hello?" sambit nito bago tumawa sa sarkastikong tono. "We're only grade 12 students, so maliit ang chance na babae lang ang may gawa niyan. Unless they are superhero." Ngumisi ito.

Napatango na lang ako dahil sa sinabi niya. Hindi ko maiwasang hindi mamangha sa mga sinabi niya. Lahat may punto at lahat posibleng tama.

"Wait, isn't it Viance working in the library?" tanong nito.

Napatingin ako ng seryoso sa kaniya. "What do you mean?"

"Mm, 'di ba magkaaway sila ni Xyline? Then yesterday, Viance posted a video where she is crying and saying someone is hunting her because that person might kill her. Mm? Maybe it's just her strategy?" Mahabang sambit nito habang nakataas ang dalawa niyang kilay. "But Viance must be also one of the suspect--"

Natigilan ito sa pagsasalita at napatingin ito sa isang direksyon na para bang may nakitang kung ano, kaagad akong napalingon at tinignan kung ano ito.

Nanlaki ang mga mata ko nang mapansin si Viance na umiiyak habang hawak-hawak siya ng isang babaeng pulis.

"That's my mom," sambit nito habang nakangiting nakatingin sa pulis. "Like what I said, Viance must be one of the suspect, so there she is."

Napabuga ako nang hangin habang nakatingin kay Ikay, nakakamangha talaga siya.

"Look at her body," sambit nito habang walang takot na tinitingnan ang katawan ni Xyline na dala-dala ng dalawang lalaki, habang lulan ito ng hospital bed. "May mga sugat siya, means sinubukan niyang lumaban pero dahil nga sa hindi lang isa ang killer, wala siyang nagawa."

Napaatras lang ako nang idinaan sa harapan namin ang bangkay ni Xyline. Napahawak ako sa bibig ko dahil sa kaba at takot. Bumilis nanaman bigla ang kabog ng dibdib ko.

Kaagad kong binalingan ng tingin si Ikay dahil sa takot. "Nanaginip rin ako na may gusto raw pumatay sa akin Ikay, what should I do?"

Ngumisi ito. "Mm, be careful? How do I know? I'm an aspiring detective not a paranormal expert."

Napasinghal na lang ako dahil sa sinabi niya. "Aren't you scared?"

"Why should I? As an aspiring detective I must learn not to be afraid especially in this kind of situation," kumpyansang sambit nito habang naka-cross arms.

Napabuntonghininga na lang ako habang nakatingin sa kaniya. Unti-unti na ring nawala ang mga estudyante na nasa garden dahil inalis na ang bangkay ni Xyline.

"That's it guys thank you for watching, don't forget to follow me for more!"

Napalingon kami nang mapansin na papalapit na muli sa amin sina Trez at Elice. Napairap na lang kami sa kanila. Para bang tuwang-tuwa pa sila sa nangyari! Hays!

"For more talaga Elice?" nakataas ang kilay na tanong ni Ikay. "Well, it sounds exciting, but I guess it can become more exciting if the next victim is you."

Napataas ang kilay ni Elice nang binalingan niya ng tingin si Ikay. "What did you say Anica?!"

"I'm just kidding," mahinang sambit niya at ngumisi ito.

Bumuntonghininga na lang ako. Sa totoo lang kanina pa ako ina-atake ng anxiety ko, hindi ako mapakali dahil sa takot. Paano kung mangyari sa akin 'yong napanaginipan ko na may humahabol sa akin?!

Kung nangyari ang napanaginipan ko na namatay si Xyline, ibig sabihin posibleng mangyari talaga sa'kin ang bagay na 'yon.

Kailangan kong malaman sa panaginip ko kung sino ang pumatay kay Cynthia, dahil sa tingin ko ay siya rin ang pumatay kay Xyline sa kasalukuyang panahon na ito.

Related chapters

  • We All Died in Year 2020   Chapter 3

    A L I S H ANANG makauwi ako kanina'y kaagad akong dumiretso sa kwarto, ayaw kong makita ako nina mama at papa! Tutal 'di naman ako gutom dahil kumain kami sa cafeteria bago umuwi.Maaga kaming pinauwi dahil sa nangyari kay Xyline. Binilinan kami ng aming mga teachers na huwag na raw ilabas ang nangyari. Ayaw kasi nilang masira ang imahe ng school. Sa lugar namin ang university namin ang pinakasikat. Kaunti lang ang mga nag-aaral rito, walang bayad pero kailangan matataas ang mga grades mo bago ka makapag-enroll.Sabagay, wala naman akong pagsasabihan nang nangyari kanina. Ayaw ko pa kasi kausapin si papa dahil nagtatampo pa ako sa kaniya. Ang tagal niya kasing nawala e, nagtrabaho siya sa Saudi sa loob ng 8 years tapos nabalitaan na lang namin na may kabet pala

    Last Updated : 2021-07-08
  • We All Died in Year 2020   CHAPTER 4

    A L I S H ANANLALAKI ang mga mata ko habang nakatingin sa lalaking paparating. Dire-diretso lang itong naglakad papasok sa gate ng aming bahay na animo'y sanay na sanay ng pumunta rito, na para bang matagal na kaming magkakilala."You're late again Alisha. Maghihintay nanaman ako sa 'yo?" tanong nito sabay pout ng kaniyang mapulang labi."Drexel?" kunot noong sambit ko."Oh ba't parang gulat na gulat ka?" natatawang sambit nito habang naniningkit ang kaniyang mga mata.Sino ba namang hindi magugulat? Siya lang naman yung crush ko na varsity player sa basketball. Nililigawan niya ako?Ito ba yung ibig sabihin

    Last Updated : 2021-09-09
  • We All Died in Year 2020   Chapter 5

    A L I S H A"YOU'RE all parents needed!"Pagkasigaw ng Principal nun ay mariin akong napapikit. Pansin ko rin ang dismayadong mga itsura ng mga kasama ko, lalo na si Elice na masamang nakatingin sa akin mula kanina."Ang aga-aga gumagawa kayo ng gulo! Hindi man lang ba kayo nahiya? Celebration pa 'man din ng Buwan ng Wika?!"Napasinghal na lang ako habang nakikinig sa nanenermon na si Principal Konnie.Nang matapos na 'tong manermon ay pinayagan na niya kaming lumabas pero kailangan muna naming maglinis sa may tapat ng principal's office."Buwisit ka talaga! Kasalanan mo 'to!" reklamo ni Elice habang nakataas

    Last Updated : 2021-09-09
  • We All Died in Year 2020   Chapter 1

    ALISHA"TUMAKBO KA NA!"Isang malakas na sigaw ang narinig ko kung kayat kaagad akong napalingon ngunit tanging sariling anino ko lang ang aking nakita.Sobrang dilim ng paligid, nasa isang mapunong lugar ako. Tanging ang buwan lamang ang nagbibigay liwanag sa paligid.Tumakbo lang ako nang tumakbo, hindi ko alam kung saan ako pupunta, tagaktak na ang pawis ko. Halos mawalan ako nang hininga dahil sa sobrang bilis ko. Pakiramdam ko'y may humahabol sa akin ngunit 'di ko matukoy kung sino ito.Hindi ko alam kung nasaan ako basta ang alam ko lang ay tumatakbo na lang ako bigla rito sa lugar na 'to na tila ba may humahabol sa akin na kung sino."Lilia!"

    Last Updated : 2021-07-08

Latest chapter

  • We All Died in Year 2020   Chapter 5

    A L I S H A"YOU'RE all parents needed!"Pagkasigaw ng Principal nun ay mariin akong napapikit. Pansin ko rin ang dismayadong mga itsura ng mga kasama ko, lalo na si Elice na masamang nakatingin sa akin mula kanina."Ang aga-aga gumagawa kayo ng gulo! Hindi man lang ba kayo nahiya? Celebration pa 'man din ng Buwan ng Wika?!"Napasinghal na lang ako habang nakikinig sa nanenermon na si Principal Konnie.Nang matapos na 'tong manermon ay pinayagan na niya kaming lumabas pero kailangan muna naming maglinis sa may tapat ng principal's office."Buwisit ka talaga! Kasalanan mo 'to!" reklamo ni Elice habang nakataas

  • We All Died in Year 2020   CHAPTER 4

    A L I S H ANANLALAKI ang mga mata ko habang nakatingin sa lalaking paparating. Dire-diretso lang itong naglakad papasok sa gate ng aming bahay na animo'y sanay na sanay ng pumunta rito, na para bang matagal na kaming magkakilala."You're late again Alisha. Maghihintay nanaman ako sa 'yo?" tanong nito sabay pout ng kaniyang mapulang labi."Drexel?" kunot noong sambit ko."Oh ba't parang gulat na gulat ka?" natatawang sambit nito habang naniningkit ang kaniyang mga mata.Sino ba namang hindi magugulat? Siya lang naman yung crush ko na varsity player sa basketball. Nililigawan niya ako?Ito ba yung ibig sabihin

  • We All Died in Year 2020   Chapter 3

    A L I S H ANANG makauwi ako kanina'y kaagad akong dumiretso sa kwarto, ayaw kong makita ako nina mama at papa! Tutal 'di naman ako gutom dahil kumain kami sa cafeteria bago umuwi.Maaga kaming pinauwi dahil sa nangyari kay Xyline. Binilinan kami ng aming mga teachers na huwag na raw ilabas ang nangyari. Ayaw kasi nilang masira ang imahe ng school. Sa lugar namin ang university namin ang pinakasikat. Kaunti lang ang mga nag-aaral rito, walang bayad pero kailangan matataas ang mga grades mo bago ka makapag-enroll.Sabagay, wala naman akong pagsasabihan nang nangyari kanina. Ayaw ko pa kasi kausapin si papa dahil nagtatampo pa ako sa kaniya. Ang tagal niya kasing nawala e, nagtrabaho siya sa Saudi sa loob ng 8 years tapos nabalitaan na lang namin na may kabet pala

  • We All Died in Year 2020   Chapter 2

    A L I S H AHALOS ang mga kaklase ko ay dali-daling lumabas nang makarinig kami ng mga sigawan mula sa labas ng classroom namin.Napatingin ako kay Colixe na nakatulala na para bang takot na takot ang itsura niya. Dali-dali ko siyang nilapitan at hinawakan ang kaniyang balikat."Are you okay?" tanong ko sa kaniya. Pansin ko ang pagkagulat niya dahil sa biglaang paghawak ko sa balikat kaniya."Yes, I'm just tired. Hinihingal lang ako, sa pag-akyat ko kanina rito sa 3rd floor," paliwanag nito habang hinahabol pa rin ang kaniyang paghinga."I'll be back okay? Pupuntahan ko lang yung pinagkakaguluhan nila," paalam ko sa kaniya bago ako tuluyang lumabas ng classroom.Nang makalabas ako ay nakasalubong ko an

  • We All Died in Year 2020   Chapter 1

    ALISHA"TUMAKBO KA NA!"Isang malakas na sigaw ang narinig ko kung kayat kaagad akong napalingon ngunit tanging sariling anino ko lang ang aking nakita.Sobrang dilim ng paligid, nasa isang mapunong lugar ako. Tanging ang buwan lamang ang nagbibigay liwanag sa paligid.Tumakbo lang ako nang tumakbo, hindi ko alam kung saan ako pupunta, tagaktak na ang pawis ko. Halos mawalan ako nang hininga dahil sa sobrang bilis ko. Pakiramdam ko'y may humahabol sa akin ngunit 'di ko matukoy kung sino ito.Hindi ko alam kung nasaan ako basta ang alam ko lang ay tumatakbo na lang ako bigla rito sa lugar na 'to na tila ba may humahabol sa akin na kung sino."Lilia!"

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status