NANG makauwi ako kanina'y kaagad akong dumiretso sa kwarto, ayaw kong makita ako nina mama at papa! Tutal 'di naman ako gutom dahil kumain kami sa cafeteria bago umuwi.
Maaga kaming pinauwi dahil sa nangyari kay Xyline. Binilinan kami ng aming mga teachers na huwag na raw ilabas ang nangyari. Ayaw kasi nilang masira ang imahe ng school. Sa lugar namin ang university namin ang pinakasikat. Kaunti lang ang mga nag-aaral rito, walang bayad pero kailangan matataas ang mga grades mo bago ka makapag-enroll.
Sabagay, wala naman akong pagsasabihan nang nangyari kanina. Ayaw ko pa kasi kausapin si papa dahil nagtatampo pa ako sa kaniya. Ang tagal niya kasing nawala e, nagtrabaho siya sa Saudi sa loob ng 8 years tapos nabalitaan na lang namin na may kabet pala siya roon. Pero nangako naman siya na magbabago siya, kaso 'di naman ako agad maniniwala roon, lalo na't malayo siya sa amin. Si mama dahil marupok, ayon pinatawad agad si papa. Hindi naman ako sobrang galit kay papa, kita ko naman ang pagbabago niya. Hirap lang talaga ako na kausapin siya ngayon lalo na't sampung taon pa lang ako nang umalis siya.
"Hay," napasinghal ako at tumagilid ng pagkakahiga.
Mariin akong napapikit nang muling maalala ang nangyari kay Xyline. Sino kayang may gawa nun sa kaniya? O sino ang mga gumawa nun sa kaniya? Tama naman si Ikay kanina, hindi 'yon magagawa ng isang tao lang at kas lalong hindi 'yon magagawa ng babae, kung kaya't possible na dalawa o higit pa ang may gawa nun at possible na lalaki ang may gawa nun o babae't lalaki.
"Ay naku," bulong ko bago bumuga ng hangin.
Bakit ko napapanaginipan 'yon bago nangyari? Bakit iba ang mga pangalan namin? Reincarnation nga ba ang tawag do'n o nape-predict ko ang future? Ah basta, naguguluhan na ako sumasakit ang ulo ko sa kakaisip ng mga pangyayari.
***
"Lilia, ano'ng feeling na may kapangalan ka na ML character?" Napatingin ako kay Trez habang naglalaro siya ng ML.
"Huh anong Lilia? Tsaka hindi ako naglalaro niyan! Sira ka talaga!" inis na sambit ko habang nakataas ang kilay.
"Eh, paturo ka sa kapatid mong si Kinoy."
Nanlaki naman ang mata ko dahil sa sinabi niya. "Kapatid?"
"Oo kapatid. Si Kinoy, si Kinoah! Ano ba nangyayari sa 'yo?"
Shit! Panaginip lang 'to! Sinong kapatid ko?
Nilibot ko ang paningin ko sa paligid. Nasa Garden area pala kaming tatlo nina Ikay.
"Teka bakit nasa garden tayo?!" tarantang tanong ko.
"Ano ka ba? Dalawang buwan na ang nakakalipas nung namatay si Cynthia hangga ngayon natatakot ka pa rin dito sa Garden?" nakangiwing sambit ni Doz.
Dalawang buwan? Panaginip nga 'to.
"Doz? Natukoy ba kung sino ang pumatay kay Cynthia?" mahinang tanong ko.
"Ano ka ba? Nagka-amnesia ka ba? Ako kahit isang daang taon pa ang lilipas, maglalaro pa rin ako ng ML. Hindi ko 'to makakalimutan!" nakangising sambit nito. "Hindi pa natutukoy ang pumatay kay Cynthia, kahit naging suspect sina Bianca at kapatid mong si Juancho e, wala rin naman kasing matibay na ebidensya."
Bianca at Juancho? Hindi kaya sina Viance at Wyrlo ang mga ito sa kasalukuyang panahon? Pero kapatid ko raw si Juancho? Pero wala naman akong kapatid ngayon. Nag-iisang anak lang ako. Tsaka imposibleng maging kapatid ko si Wyrlo sa kalasalukuyang panahon!
"Mm, may picture ka ba nina Juancho at Bianca?" tanong ko kay Doz.
"Huh? Ano ba 'yan! Naglalaro ako e. Pati ba naman itsura nila nakalimutan mo?!" sambit nito habang seryoso pa rin siyang naglalaro. Hindi porke kapatid mo sa labas si Juancho e, kakalimutan mo na agad ang itsura niya, isa pa kaka-stopped lang nila mag-aral last week ah, ang bilis mo makalimot!" iritang sambit nito bago bumuga ng hangin.
Padabog naman niyang tinigil ang paglalaro niya at dali-daling nagtungo sa f******k account nila.
"Ayan si Bianca, ito naman si Juancho. Mag-boyfriend sila okay? Sabihin ko na rin baka nakalimutan mo na rin e." inis na sambit nito habang pinapakita ang isang picture ng isang babae at isang lalaking magkayakap.
Hindi sina Viance at Wyrlo yung mga nasa picture pero parang familiar sila. Parang nakita ko na sila, pero hindi ko alam kung saan at kailan.
"Oh ano ayos ka na ba?" tanong nito.
Tumango na lang ako kay Doz. Napatingin naman ako kay Ikay habang busy ito sa pagbabasa ng libro.
"Ikay?" tawag ko sa kaniya bago siya nilapitan at hinawakan sa balikat.
Umupo ako sa tabi niya at binalingan niya ako ng tingin.
"Huh? Sinong Ikay?" tanong niya.
Nakalimutan ko hindi nga pa sila ang mga kaibigan ko sa kasalukuyang panahon. Pasimple ko namang tinigna ang I.D niya.
"I mean Nicoleen, sorry may iniisip lang kasi ako."
Ngumit lang siya sa akin at muling ibinaling ang tingin niya sa binabasa niyang libro.
"Anong kailangan mo?" walang ganang tanong nito habang nakatingin pa rin sa kaniyang. "Kung itatanong mo kung galit pa ba ako sa 'yo dahil sa pagkamatay ng bestfriend nating si Eunice, oo galit pa rin ako sa 'yo. Kung 'di mo lang sana siya inaway sana 'di niya ginawa 'yon."
Nanlaki naman ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. "Eunice?"
Bumilis ang kabog ng dibdib. Sinong Eunice? Sino siya sa kasalukuyang panahon?
"What?! Don't tell me you have amnesia?" Binalingan niya ako ng tingin at sarkastikong tumawa. "Kakamatay lang niya 2 weeks ago. Nakalimutan mo na siya agad?"
Napabuntong-hininga na lang ako dahil wala naman akong alam sa nangyayari.
Pero sino nga ba si Eunice? Kinapa ko ang bulsa ko at napansin na may phone ko rito. Dali-dali ko itong nilabas. Napabuntong-hininga ako nang mapansin na may password ito. E, hindi ko naman alam ang password nito!
"Alam niyo ba ang password ng phone ko? Nakalimutan ko kasi." Pagdadahilan ko.
Tumawa lang silang dalawa.
"Makakalimutin ka na nga," nakangising sambit ni Trez nang balingan niya ako ng tingin. " Syempre 'di namin alam 'yan. Ayaw na ayaw mo nga 'yan ipahawak kahit kanino e. Kahit pa sa manliligaw mo."
"Huh? Manliligaw?"
***
Napabalikwas ako ng bangon nang walang tigil sa pagtunog ang alarm clock ko na nakapatong sa gilid ng study table ko.
"Hays," bumuntong-hininga ako bago padabog na tumayo at pinatay ang tumutunog na alarm clock.
Natigil tuloy ang panaginip ko. Pero sino nga ba si Eunice? May mamamatay ulit? Pero sino siya?
Napatingin naman ako sa laptop ko. Teka? Bakit nakabukas ang 'to?
Sa pagkakatanda ko hindi ko naman 'to binuksan bago ako matulog kagabi. Bumuntong-hininga ako bago naglakad palabas ng bahay.
Napansin ko si Tita Nelly na kasalukuyang nagluluto sa kusina. "Oh Alisha gising kana pala. Ito nagluluto ako, kumain ka muna bago maligo at pumasok ng school."
Anong ginagawa ni tita Nelly rito? Alam ko pumupunta lang siya rito tuwing wala akong kasama sa bahay at tuwing may okasyon.
"Sina mama po?" tanong ko bago ako umupo sa upuan sa tapat ng mesa.
Napansin ko ang mga niluto niyang pagkain at nakaramdam ako ng gutom.
"Ay naku sabi nila matatagalan pa raw ang uwi nila, baka next week pa. Nag-enjoy yata sila sa Boracay. Eh, may klase ka pa kasi no? Sayang 'di ka tuloy nakasama."
Huh? Boracay?! Pumunta ng Boracay sina mama?
"Boracay?" mahinang sambit ko.
"Oo Boracay yung may puting buhangin do'n sa may bets," sambit nito habang dine-demo pa kung paano lumangoy.
"Beach po," pagtatama ko. "Pero paano sila napunta roon tita e nandito pa lang sila kagabi."
"Huh? Anong kagabi? Eh one week na sila doon."
Nanlaki naman ang mga mata ko dahil sa sinabi ni tita. One week?!
Napatingin ako sa kalendaryo at napanganga ako nang mapansin na nasa August na ang month kahit July pa lang. Kakabirthday ko lang nung isang araw!
"Tita bakit naman pinunit niyo na yung kalendaryo e, July pa lang naman." Nagtatakang tanong ko habang nakataas ang isang kilay.
"Huh? Hindi ah! August na kaya, birthday ko na nga next week e!" nakangiting sambit nito.
Mariin akong napapikit. Fuck? Anong nangyayari. Bakit ang bilis ng panahon? Natulog lang ako kagabi, August na agad ngayon?!
Dali-daling lumabas ng pintuan si Tita Nelly nang may bumusinang sasakyan.
"Oh nandiyan na yung manliligaw mong gwapo, sinusundo ka na."
Nanlaki ang mga mata ko. Manliligaw?! May manliligaw ako?!
Dali-dali akong naglakad palabas ng bahay nang mapansin ko ang isang lalaki na bumaba ng sasakyan. Nanlaki lang ang mga mata ko nang mapagtanto kung sino siya.
Shit!
A L I S H ANANLALAKI ang mga mata ko habang nakatingin sa lalaking paparating. Dire-diretso lang itong naglakad papasok sa gate ng aming bahay na animo'y sanay na sanay ng pumunta rito, na para bang matagal na kaming magkakilala."You're late again Alisha. Maghihintay nanaman ako sa 'yo?" tanong nito sabay pout ng kaniyang mapulang labi."Drexel?" kunot noong sambit ko."Oh ba't parang gulat na gulat ka?" natatawang sambit nito habang naniningkit ang kaniyang mga mata.Sino ba namang hindi magugulat? Siya lang naman yung crush ko na varsity player sa basketball. Nililigawan niya ako?Ito ba yung ibig sabihin
A L I S H A"YOU'RE all parents needed!"Pagkasigaw ng Principal nun ay mariin akong napapikit. Pansin ko rin ang dismayadong mga itsura ng mga kasama ko, lalo na si Elice na masamang nakatingin sa akin mula kanina."Ang aga-aga gumagawa kayo ng gulo! Hindi man lang ba kayo nahiya? Celebration pa 'man din ng Buwan ng Wika?!"Napasinghal na lang ako habang nakikinig sa nanenermon na si Principal Konnie.Nang matapos na 'tong manermon ay pinayagan na niya kaming lumabas pero kailangan muna naming maglinis sa may tapat ng principal's office."Buwisit ka talaga! Kasalanan mo 'to!" reklamo ni Elice habang nakataas
ALISHA"TUMAKBO KA NA!"Isang malakas na sigaw ang narinig ko kung kayat kaagad akong napalingon ngunit tanging sariling anino ko lang ang aking nakita.Sobrang dilim ng paligid, nasa isang mapunong lugar ako. Tanging ang buwan lamang ang nagbibigay liwanag sa paligid.Tumakbo lang ako nang tumakbo, hindi ko alam kung saan ako pupunta, tagaktak na ang pawis ko. Halos mawalan ako nang hininga dahil sa sobrang bilis ko. Pakiramdam ko'y may humahabol sa akin ngunit 'di ko matukoy kung sino ito.Hindi ko alam kung nasaan ako basta ang alam ko lang ay tumatakbo na lang ako bigla rito sa lugar na 'to na tila ba may humahabol sa akin na kung sino."Lilia!"
A L I S H AHALOS ang mga kaklase ko ay dali-daling lumabas nang makarinig kami ng mga sigawan mula sa labas ng classroom namin.Napatingin ako kay Colixe na nakatulala na para bang takot na takot ang itsura niya. Dali-dali ko siyang nilapitan at hinawakan ang kaniyang balikat."Are you okay?" tanong ko sa kaniya. Pansin ko ang pagkagulat niya dahil sa biglaang paghawak ko sa balikat kaniya."Yes, I'm just tired. Hinihingal lang ako, sa pag-akyat ko kanina rito sa 3rd floor," paliwanag nito habang hinahabol pa rin ang kaniyang paghinga."I'll be back okay? Pupuntahan ko lang yung pinagkakaguluhan nila," paalam ko sa kaniya bago ako tuluyang lumabas ng classroom.Nang makalabas ako ay nakasalubong ko an

A L I S H ANANG makauwi ako kanina'y kaagad akong dumiretso sa kwarto, ayaw kong makita ako nina mama at papa! Tutal 'di naman ako gutom dahil kumain kami sa cafeteria bago umuwi.Maaga kaming pinauwi dahil sa nangyari kay Xyline. Binilinan kami ng aming mga teachers na huwag na raw ilabas ang nangyari. Ayaw kasi nilang masira ang imahe ng school. Sa lugar namin ang university namin ang pinakasikat. Kaunti lang ang mga nag-aaral rito, walang bayad pero kailangan matataas ang mga grades mo bago ka makapag-enroll.Sabagay, wala naman akong pagsasabihan nang nangyari kanina. Ayaw ko pa kasi kausapin si papa dahil nagtatampo pa ako sa kaniya. Ang tagal niya kasing nawala e, nagtrabaho siya sa Saudi sa loob ng 8 years tapos nabalitaan na lang namin na may kabet pala