NANLALAKI ang mga mata ko habang nakatingin sa lalaking paparating. Dire-diretso lang itong naglakad papasok sa gate ng aming bahay na animo'y sanay na sanay ng pumunta rito, na para bang matagal na kaming magkakilala.
"You're late again Alisha. Maghihintay nanaman ako sa 'yo?" tanong nito sabay pout ng kaniyang mapulang labi.
"Drexel?" kunot noong sambit ko.
"Oh ba't parang gulat na gulat ka?" natatawang sambit nito habang naniningkit ang kaniyang mga mata.
Sino ba namang hindi magugulat? Siya lang naman yung crush ko na varsity player sa basketball. Nililigawan niya ako?
Ito ba yung ibig sabihin ng panaginip ko? Na sabi ni Doz na pati ang manliligaw ko ay 'di alam ang password ng phone ko?
Tsaka sino si Juancho at Kinoah na kapatid ko? Sino sila? Fuck! Ang gulo.
"Oh? What happened?" pag-aalala ni Drexel nang mapansin na nakatulala lang ako sa kaniya.
"Wa-wala," mahinang sambit ko.
Bakit may manliligaw ako? Paano kami nagkakilala? Anong nangyari? Sa pagkakatanda ko, never pa niya ako na-notice sa tana ng buhay ko. Hindi ko nga alam noon kung nage-exist ba ako sa buhay niya, isa lang naman kasi akong tagahanga niya.
"Sige na, maligo ka na. I'll wait for you." Walang ganang sambit nito bago ngumiti.
"Drexel," mahinang sambit ko. "I'm sorry pero hindi ko alam ang nangyayari."
"Huh?" nagtatakang tanong nito. "What do you mean?"
Napasinghal ako, hindi nga pala sila maniniwala kung sasabihin ko sa kanila ang nangyayari.
"I'm sorry Drex, mas gusto kong ako na lang muna mag-isa ang pumasok ng school."
Matapos kong sabihin 'yon ay dali-dali akong naglakad pabalik ng kusina. Napansin ko naman ang nakatulalang itsura ni tita Nelly dahil sa nangyari.
Narinig kong tinawag pa ako ni Drexel pero hindi ko na siya nilingon. Wala akong alam sa mga nangyari kung bakit naging manliligaw ko siya.
"Umalis na siya," walang ganang sambit ni tita Nelly bago ngumuso na para bang nanhihinayang.
"Tita Nelly kailan pa ako nililigawan ni Drexel?" tanong ko sa kaniya.
"Aba malay ko sa 'yo, nalaman ko lang naman na may manliligaw ka last week lang dahil lagi 'yang napunta rito para sunduin ka." Kunot noong sambit nito.
"Hays," napabuntong-hininga ako.
"Ano bang nangyayari sa 'yo? May problema ka ba?" tanong nito sa akin.
"Tita Nelly, nanaginip ako kagabi ng mga pangyayari noon. Tapos paggising ko isang buwan na agad ang nakakalipas." Naniningkit ang mga mata ko habang nagkukwento kay tita Nelly.
"Huh?" napatingin ng seryoso sa akin si tita Nelly. "Ikaw talaga kung ano-ano na lang naiisip mo, kakabasa mo 'yan ng mga pocketbooks!"
"Tita Nelly, totoo po 'yon. Sabi sa panaginip ko may kapatid raw ako noon. Para bang na-reincarnate lang ako ulit ngayon?" paliwanag ko sa kaniya.
"Ay naku Alisha, hindi totoo ang reincarnation no. Pero kung makulit ka talaga may alam akong makakatulong sa 'yo tungkol diyan." Napatingin ako ng seryoso kay tita Nelly. "Kaso sabi nila baliw raw yung dalaga na 'yon."
"Huh? Si-sino po 'yan?" tanong ko sa kaniya.
"Mm, anak 'yon ng kumare ko. Inaanak ko. Ganyan na ganyan rin ang sinasabi niya." Sambit nito habang nakataas ang kilay. "Ay, ewan ko ba sa inyo mga bata kayo, kung ano-ano kasing mga pinapanood at binabasa niyo e, ayan tuloy kung ano-ano mga naiisip niyo!"
"May number po ba kayo ng babaeng 'yon?" seryosong tanong ko sa kaniya.
"Meron naman," sambit nito bago kapain ang dipindot niyang cellphone sa kaniyang bulsa. "Oh eto yung number niya."
Kinuha niya ang maliit na notebook na nasa itaas ng refrigerator at ang isang ballpen na kasama nito at tsaka isinulat rito ang phone number ng tinutukoy niyang babae.
Hmm? Sino kaya 'yon?
"Sabihin mo pamangkin kita kapag nagtanong." Suminghal siya bago inabot sa akin yung sinulatan niyang papel. "Ay, magkakasundo kayo niyan! Mahilig rin 'yan magbasa ng... ano nga 'yon? Watchpad?"
Napangisi na lang ako dahil sa sinabi ni tita Nelly. "W*****d po."
"Ay basta 'yon na 'yon, 'di ko naman alam 'yon e. Naririnig ko lang 'yon sa mga pinsan mo." Paliwanag nito habang nagkakamot ng ulo. "Mga pocketbooks lang naman yung alam ko."
Nginitian ko na lang si tita Nelly at nag-umpisa na akong kumain ng mga niluto niyang almusal.
Kaagad rin naman akong natapos kumain at sinunod ko na ang pagligo upang makapasok na sa school.
***
Pagdating ko sa school ay napatingin ako sa mga disenyo na nakapaskil sa bulletin board. Mga iba't ibang mga tula na nakasulat sa wikang Filipino. Nakapaskil rin ang sinabi ng pambansang bayani na si Jose Rizal na Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit sa hayop at malansang
isda.Napasinghal ako bago nagpatuloy sa pagsasalita, buwan na nga ng Augusto ngayon. Bakit ang bilis ng pangyayari?
Habang naglalakad ako ay napatingin ako sa paligid, maraming mga palakad-lakad na estudyante sa loob ng campus. Para bang normal lang ang lahat, animo'y walang nangyaring krimen kahapon.
"Alisha!"
Napalingon ako nang marinig kong may tumawag sa akin sa familiar na boses.
"Drexel?" kunot noo kong sabi.
"I'm sorry Alisha. May nagawa ba akong mali?" Pansin ko ang lungkot sa kaniyang mga mata. "What should I do?"
"Wa-wala kang ginawang mali and wala kang dapat gawin," mahinang sambit ko.
Hindi ko magawang tignan siya dahil bumibilis ang kabog ng dibdib ko sa tuwing napapatingin ako sa napakaguwapo nitong mukha.
"Hindi ko maintindihan Alisha," sambit nito bago hawakan ang braso ko. "What happened? Ayos naman tayo kahapon 'di ba?"
Ramdam ko ang lungkot sa kaniyang boses at hindi ko maiwasan na makaramdam din ng lungkot at konsensya.
Kung alam ko lang talaga ang nangyari sa loob ng isang buwan ay hindi ko naman hahayaan na maramdaman niya ito, kaso hindi ko alam at pakiramdam ko ay unfair 'yon kung itutuloy ko ang isang bagay na hindi ko naman alam kung bakit nangyari.
Aaminin ko na crush ko si Drexel ngunit paghanga lang talaga 'yon dahil 'di ko pa naman siya nakasama noon o nakausap man lang, ni isang beses.
"I'm sorry Drex pero gusto ko munang mapag-isa." Pagkasabi ko sa kaniya ng mga 'yon ay dali-dali kong inalis ang kamay niya na nakahawak sa braso ko ngunit mabilis niya rin itong binalik at mas lalong hinigpitan ang pagkakahawak.
"I'm sorry? Ganun na lang 'yon Lisha?" mahinang sambit nito halata sa tono ng kaniyang boses ang pagpigil niya ng iyak.
Huminga ako nang malalim bago muling nagsalita. "Kahit magpaliwanag ako hindi mo 'ko maiintindihan Drexel."
"No, Lisha." Napakagat siya ng kaniyang labi. Pansin ko ang pamumula ng kaniyang mga mata. "Explain it to me. I'm willing to listen. Basta h'wag mo akong iwan ng ganun-ganun na lang please? Give me a reason kahit magsinungaling ka na lang."
Napakagat ako ng aking labi at napalunok ng laway, ramdam na ramdam ko yung sakit nararamdaman niya dahil sa panginginig ng kaniyang kamay habang nakahawak sa aking braso.
"I'm sorry Drex," mahinang sambit ko pakiramdam ko ay namumula na rin ang mga mata ko.
"Hey!"
Sabay kaming napalingon ni Drex nang biglang sumulpot si Wyrlo sa tabi namin. Nagulat ako nang bigla niya itong tinulak kung kaya't naalis ang pagkakahawak nito sa akin at nagulo ang suot nitong uniform.
Dali-dali nitong inayos ang nalukot na uniform at tsaka tumingin ng seryoso kay Wyrlo.
"What's your problem dude?!" tanong ni Drex, nagsalubong ang kaniyang mga kilay.
"Sabi ko na nga ba't wala kang gagawing maganda kay Alisha e!" maangas na sambit ni Wyrlo.
"Tumigil na kayo!" malakas kong sambit at napahawak ako sa aking ulo.
Nahihilo ako sa mga nangyayari. Hindi ko na maintindihan. Bakit ko ba nararanasan ito.
"Oh my god, what's happening here?"
Napatingin naman ako sa bagong dating na si Elice kasama niya si Colixe na bitbit ang shoulder bag niya.
Buwisit talaga 'tong Elice na 'to alam na niyang may asthma si Colixe hindi pa rin niya tinitigilan ang pag-uutos niya rito!
"Ganda naman niyan pag-aagawan!" sambit nito habang palakad-lakad sa gilid namin nina Drexel at Wyrlo. "Sabi kasi sa 'yo Wyrlo ako na lang, mas bagay kaya tayo."
Huminga ako nang malalim bago ko binalingan ng tingin si Elice at bago ako nagsalita. "Ano nanaman bang problema mo Elice?!"
Napataas naman siya ng kilay sabay ng pag-cross niya ng kaniyang mga kamay. "Aba? Sumasagot ka na sa bestfriend mo? Baka nakakalimutan mo kaya ka niligawan ni Drexel dahil sa akin? Hindi ka naman mapapansin ng isang Drexel Santillian kung hindi ka kaibigan ng isang Elice Montellio!"
Iniling ko ang aking ulo bago ngumisi sa sinabi niya. "Oh talaga? Ikaw pala ang dahilan kung bakit ako niligawan ni Drexel? Eh, ano naman kayang dahilan kung bakit 'di ka magawang ligawan ni Wyrlo?"
Pansin kong dumarami na ang mga taong nakikiusyoso sa amin. Nakarinig ako ng mga mahihinang tawanan matapos ko 'yon sabihin kay Elice.
Pansin kong napasinghal siya kasabay ng paghinga nito ng malalim. "How dare you!"
"How dare you to do this to Colixe!" malakas na sambit ko, bago lumapit kay Colixe at kinuha ang bag ni Elice sa kaniya. "Carry it!"
Tinaasan niya lang ako ng kilay kaya binato ko sa harapan niya ang bag niya na hawak ko.
"Alisha," sambit ni Colixe sa mahinang boses na animo'y natatakot kay Elice. Umiling ito na para bang sinasabing hayaan ko na lang siya.
"No Colixe, you don't have to do it." Hinawakan ko sa balikat si Colixe.
Tiningnan niya ako ng seryoso sa mga inosente niyang mga mata at pinilit nitong ngumiti.
"Ugh! Bullshit!" iritang sambit ni Elice bago pulutin ang bag niya sa kaniyang harapan.
"What's happening here?!"
Sabay-sabay kaming lahat napalingon nang marinig namin ang boses ni Teacher Colaine.
Tinitigan niya muna kaming lahat nang ilang segundo bago siya muling nagsalita.
"All of you, go to principal office!" malakas na sambi nito. "Now!"
Napasinghal ako matapos marinig 'yon. Buwisit kasi na Elice 'to!
Pansin ko rin ang pagkadismaya sa mukha nina Wyrlo at Drexel. Napatingin rin ako sa takot na takot na si Colixe, alam kasi nito kung gaano ka strict ang kaniyang mama.
Bago kami naglakad ay napatingin ako kay Ikay at Trez na kanina pa pala nanonood sa nangyayari. Pansin kong masama ang tingin ni Ikay sa aming lahat.
Bakit ganun makatingin si Ikay sa amin?
"I'm gonna kill you Alisha!" bulong ni Elice sa akin habang patuloy kami sa paglalakad papunta sa office. "Ugh!"
Inirapan ko lang siya at hindi pinansin ang kaniyang sinabi. Galit na galit ang itsura niya. Alam niya kasing kapag na parents needed kami ay malalagot nanaman siya sa kaniyang parents.
"Ugh! I'm gonna kill you all Alisha!"
A L I S H A"YOU'RE all parents needed!"Pagkasigaw ng Principal nun ay mariin akong napapikit. Pansin ko rin ang dismayadong mga itsura ng mga kasama ko, lalo na si Elice na masamang nakatingin sa akin mula kanina."Ang aga-aga gumagawa kayo ng gulo! Hindi man lang ba kayo nahiya? Celebration pa 'man din ng Buwan ng Wika?!"Napasinghal na lang ako habang nakikinig sa nanenermon na si Principal Konnie.Nang matapos na 'tong manermon ay pinayagan na niya kaming lumabas pero kailangan muna naming maglinis sa may tapat ng principal's office."Buwisit ka talaga! Kasalanan mo 'to!" reklamo ni Elice habang nakataas
ALISHA"TUMAKBO KA NA!"Isang malakas na sigaw ang narinig ko kung kayat kaagad akong napalingon ngunit tanging sariling anino ko lang ang aking nakita.Sobrang dilim ng paligid, nasa isang mapunong lugar ako. Tanging ang buwan lamang ang nagbibigay liwanag sa paligid.Tumakbo lang ako nang tumakbo, hindi ko alam kung saan ako pupunta, tagaktak na ang pawis ko. Halos mawalan ako nang hininga dahil sa sobrang bilis ko. Pakiramdam ko'y may humahabol sa akin ngunit 'di ko matukoy kung sino ito.Hindi ko alam kung nasaan ako basta ang alam ko lang ay tumatakbo na lang ako bigla rito sa lugar na 'to na tila ba may humahabol sa akin na kung sino."Lilia!"
A L I S H AHALOS ang mga kaklase ko ay dali-daling lumabas nang makarinig kami ng mga sigawan mula sa labas ng classroom namin.Napatingin ako kay Colixe na nakatulala na para bang takot na takot ang itsura niya. Dali-dali ko siyang nilapitan at hinawakan ang kaniyang balikat."Are you okay?" tanong ko sa kaniya. Pansin ko ang pagkagulat niya dahil sa biglaang paghawak ko sa balikat kaniya."Yes, I'm just tired. Hinihingal lang ako, sa pag-akyat ko kanina rito sa 3rd floor," paliwanag nito habang hinahabol pa rin ang kaniyang paghinga."I'll be back okay? Pupuntahan ko lang yung pinagkakaguluhan nila," paalam ko sa kaniya bago ako tuluyang lumabas ng classroom.Nang makalabas ako ay nakasalubong ko an
A L I S H ANANG makauwi ako kanina'y kaagad akong dumiretso sa kwarto, ayaw kong makita ako nina mama at papa! Tutal 'di naman ako gutom dahil kumain kami sa cafeteria bago umuwi.Maaga kaming pinauwi dahil sa nangyari kay Xyline. Binilinan kami ng aming mga teachers na huwag na raw ilabas ang nangyari. Ayaw kasi nilang masira ang imahe ng school. Sa lugar namin ang university namin ang pinakasikat. Kaunti lang ang mga nag-aaral rito, walang bayad pero kailangan matataas ang mga grades mo bago ka makapag-enroll.Sabagay, wala naman akong pagsasabihan nang nangyari kanina. Ayaw ko pa kasi kausapin si papa dahil nagtatampo pa ako sa kaniya. Ang tagal niya kasing nawala e, nagtrabaho siya sa Saudi sa loob ng 8 years tapos nabalitaan na lang namin na may kabet pala

A L I S H ANANLALAKI ang mga mata ko habang nakatingin sa lalaking paparating. Dire-diretso lang itong naglakad papasok sa gate ng aming bahay na animo'y sanay na sanay ng pumunta rito, na para bang matagal na kaming magkakilala."You're late again Alisha. Maghihintay nanaman ako sa 'yo?" tanong nito sabay pout ng kaniyang mapulang labi."Drexel?" kunot noong sambit ko."Oh ba't parang gulat na gulat ka?" natatawang sambit nito habang naniningkit ang kaniyang mga mata.Sino ba namang hindi magugulat? Siya lang naman yung crush ko na varsity player sa basketball. Nililigawan niya ako?Ito ba yung ibig sabihin