Share

We All Died in Year 2020
We All Died in Year 2020
Author: EMENELPen

Chapter 1

Author: EMENELPen
last update Last Updated: 2021-07-08 14:05:41

ALISHA

"TUMAKBO KA NA!"

Isang malakas na sigaw ang narinig ko kung kayat kaagad akong napalingon ngunit tanging sariling anino ko lang ang aking nakita. 

Sobrang dilim ng paligid, nasa isang mapunong lugar ako. Tanging ang buwan lamang ang nagbibigay liwanag sa paligid.

Tumakbo lang ako nang tumakbo, hindi ko alam kung saan ako pupunta, tagaktak na ang pawis ko. Halos mawalan ako nang hininga dahil sa sobrang bilis ko. Pakiramdam ko'y may humahabol sa akin ngunit 'di ko matukoy kung sino ito.

Hindi ko alam kung nasaan ako basta ang alam ko lang ay tumatakbo na lang ako bigla rito sa lugar na 'to na tila ba may humahabol sa akin na kung sino.

"Lilia!"

Napatigil ako sa pagtakbo nang makarinig ako nang malakas na sigaw, paglingon ko'y may nakita akong isang pigura ng tao sa dilim. 

Hindi ko mawari kung siya ba'y babae o lalaki dahil sa sobrang dilim ng paligid. Dahil na rin sa pagkabalisa at sobrang takot ay 'di ko na siya magawang obserbahan pa nang mabuti. 

Ngunit sino si Lilia? Bakit niya ako hinahabol? Anong kasalanan ko?

Pansin ko ang hawak niya, isang napakalaking patalim! Mas lalong nadagdagan ang takot na nararamdaman ko dahil sa nakita ko. 

"Tumakbo ka na!"

Halos tumalon ang puso ko sa kaba sa sobrang lakas ng kaniyang sigaw at dahil sa kakaibang tono ng kaniyang boses. 

Ewan ko, pero para bang naparalisa ang buong katawan ko. Hindi ko maigalaw ang mga paa ko at napatitig lang ako sa kaniya habang tumatawa ito nang nakakatakot. 

Napaatras ako nang mapansing lumalapit ito sa akin, sa puntong 'yon ay nagising ang ulirat ko at napagtanto na kailangan ko ng tumakbo palayo sa kaniya.

Mas bumilis ang kabog ng dibdib ko nang mapansing bumilis ang paglalakad nito palapit sa akin, kaya naman dali-dali na akong tumakbo palayo sa kaniya bago pa niya ako maabutan. 

Sa pagtakbo ko nang mabilis ay natalisod ako sa nakatumbang punong kahoy. Shit!

"Fuck!" Kaagad kong ininda ang sakit nang katawan ko dahil sa pagkakatalisod ko. 

Nahirapan akong ibangon ang katawan ko dahil sa sobrang sakit nito. Lumingon ako at napansin kong malapit na siya sa akin kung kayat para bang sasabog na ang puso dahil sa sobrang takot at kaba na nararamdaman ko. 

"Paalam Lilia!" sigaw nito nang makalapit na siya sa akin. 

Kaagad niyang itinaas ang hawak niyang malaking patalim, akmang sasaksakin na niya ako. Wala akong ibang nagawa kung 'di ang pumikit.

"Waaah!" sigaw ko na halos lumabas na ang litid ko sa aking leeg dahil sa sobrang lakas. 

"Alisha gising!"

Isang kakaibang ingay ang narinig ko nang ipikit ko ang mga mata ko. Para bang may tumatawag sa pangalan ko. 

Nang imulat ko ang mga mata ko ay bumungad sa akin ang nakangiting si Trez kasama ang iba naming mga kaibigan. 

Hingal na hingal ako habang nililibot ang paningin ko, nasa loob pala ako ng classroom, nakatulog pala ako kanina.

Maaga kasi akong pumasok ng school dahil ayaw kong makita si papa, uuwi siya dahil lang sa araw na 'to. Hindi ko alam ang rason niya kung bakit ngayon lang siya nagpakita, basta ang alam ko lang ay nagtatrabaho siya sa ibang lugar. 

Nang mahimasmasan ako ay napansin ko na nandito pala lahat ng mga kaklase namin na abot hanggang tainga ang ngiti habang nakatingin sa akin.

It's suppose to be my special day ngunit 'di ko alam kung special pa rin ba 'tong maitatawag kung wala namang kakaibang mangyayari. 

Sila lang naman ang nagpumilit sa akin na magkaroon ng ganitong klaseng set-up. Even thought it's my eighteenth birthday I still don't want to celebrate it. 

Lahat sila ay binalingan ko ng tingin at pinilit ko na lang ngumiti para 'di naman sila magalit sa akin at para na rin sa effort nila.

"Happy 18 birthday Alisha!" sabay-sabay nilang bata sa akin. 

***

"ANO ba 'yan Alisha, akala ko pa naman kakain tayo sa Jhonnybee!"

Hays, nagreklamo pa talaga siya! Siya na nga 'tong inilibre!

Nasa isang burger stand kami ngayon nina Trez habang kasalukuyang kumakain ng burger na sa unang kagat daw ay tinapay lahat.

"Sayang ambag ko ro'n sa cake mo no!" dagdag pa ni Trez, inirapan ko na lang siya.

Wala ako sa mood para makipag-usap sa kaniya lalo na't puro reklamo lang din naman ang laman ng kaniyang bunganga!

"Hoy Trez, mahiya ka nga!" sambit ni Ikay habang nakataas ang kilay. "Bente pesos lang share mo ro'n, inutang mo pa sa 'kin 'yong sampu!"

Napangiwi na lang ako dahil sa kanilang dalawa.

"O, ba't tulala 'yong birthday girl?" tanong ni Elice habang umiinom ng milk tea at walang tigil sa pag-selfie.

Ubos na 'yong milk tea niya hanggang ngayon picture pa rin siya ng picture, 'di naman siya yung bumili.

"May iniisip lang," walang gana kong sabi.

Hanggang ngayon ay 'di ko pa rin makalimutan 'yong napanaginipan ko kanina. Parang totoo kasi, nakakatakot. Iniisip ko pa lang ulit, kinikilabutan na ako.

"Sorry, I'm late."

Napalingon kaming lahat sa bagong dating na si Colixe paika-ika itong maglakad dahil sa dami ng bitbit niyang pagkain.

"Uy! Ayan na pala 'yong pinakamayaman at pinakamataba- pinakamaganda nating kaibigan!" abot taingang ngiti at walang prenong sambit ni Trez.

Napataas kami ng kilay dahil sa kaniya, ngumisi lamang ito. Tsk!

"Tulungan mo naman si Colixe!" utos ni Ikay kay Trez habang naka-cross arms. "Magpaka-gentleman ka naman!"

"Ito na nga Ikay, 'di ko babayaran ‘yong sampu mo sige!" banta nito bago tulungan si Colixe. "Crush mo siguro ako kaya lagi mo akong inaaway ano?"

"Duh!" nakataas ang kilay na sabi ni Ikay.

Napairap na lang ako sa kanila lagi na lang silang nag-aaway. Humigop na lang ako sa milk tea ko na malapit na ring maubos.

"Happy birthday Alisha!"

Halos maluwa ko ang milk tea sa bibig ko nang biglang sumulpot sa harapan ko si Wyrlo.

"Thank you Wyrlo," singit ni Elice na para bang puputok na ang labi sa sobrang pula nito.

Hindi ako na inform na siya pala 'yong may birthday? Tsaka ang bilis niya nakapaglagay ng lipstick no? In fairness.

Kaagad namang nag-iwas ng tingin sa kaniya si Wyrlo at dumiretso itong umupo sa upuan na nasa tabi ko.

"Haha! Pahiya," pang-aasar ni Trez kay Elice sa mahinang boses habang kasalukuyan na silang kumakain ng mga pagkaing dala ni Colixe. "Hindi naman kasi ikaw yung may birthday e."

"Ano'ng kailangan mo?" walang gana kong sabi kay Wyrlo habang nilalaro ang burger na nasa tapat ko gamit ang aking daliri. "Wala na ba kayo ni Viance kaya nandito ka ulit?"

"Ano ka ba, 'di ba sabi ko sa 'yo wala naman talagang kami ni Viance," paliwanag nito. "So please pansinin mo na ako ulit."

"Speaking of Viance!" singit ni Elice, na kanina pa pala nakikinig sa usapan namin ni Wyrlo. "Look at this!"

Lahat kami ay napatingin sa kaniyang phone.

"Ano 'yan?!" iritang tanong ni Ikay.

"Oy Elice, nanonood ka pala niyan ah!" natatawang sambit ni Trez habang kumakain ng burger.

"Porn 'yon ah!" walang prenong sambit ni Wyrlo.

Napabuntonghininga na lang ako sa kanila.

Namula naman ang mukha ni Elice.

"Ay hindi pala 'yan, sinend lang 'yan sa GC namin! Hindi ako nanonood niyan no," palusot nito habang pulang-pula pa rin ang mukha. "Ito kasi 'yon!"

Muli kaming napatingin sa phone niya at sa pagkakataong 'yon ay nanlaki ang mga mata namin.

"Do you see that? Kinakarma na siya!" nakataas ang kilay na sabi ni Elice. "Video 'yan na umiiyak siya kanina, may humahabol raw sa kaniya sa may garden area at papatayin raw siya."

"Duh? Naniniwala naman kayo diyan? Parang ikaw lang naman 'yang babaeng 'yan puro fake news ang alam!" singit ni Ikay habang naka-cross arms.

"Tse!" iritang sambit ni Elice bago naglakad palayo dala-dala ang kaniyang milk tea at burger.

Napasinghap ako, "sabi sa 'yo loka-loka 'yong babae na 'yan."

"Kaibigan ko nga lang 'yon," nakangiwing sambit ni Wyrlo.

"Kaibigan pero kahalikan? Ay sus!" singit naman ng tsismosong si Trez.

"Hindi nga 'yon totoo, fake news lang 'yon! Gawa-gawa lang 'yon ng illuminati!" napasinghal siya.

Bumuntonghininga ako at binaling ko na lang ang atensyon ko sa pagkain ng burger.

***

"May pinatay raw na estudyante!"

Marami akong nakitang estudyante na tumatakbo ngunit hindi familiar ang itsura ng mga ito.

Ang building ay familiar sa akin, ito ang school namin. Ngunit malayo na ang itsura nito sa itsura niya ngayon.

Bakit ganito? Nananaginip ba ako?

Sino sila?

Sumunod lang ako sa mga estudyante na tumatakbo. Hindi ko alam kung saan sila patungo. Hanggang hindi ko namalayan na nakarating na ako sa garden area. May mga estudyante na nagkukumpulan habang nakatingala isang puno.

Nang tumingala ako ay nanlaki ang mga mata ko. Bumilis ang kabog ng dibdib ko nang makita ang isang estudyanteng babae na nakasabit sa puno, wala itong ulo. Mas lalong bumilis ang kabog ng dibdib ko nang mapansin na nakatali ang ulo nito sa puno. Puro pasa ito at sugat na parang hiniwa kung kaya't halos mag kulay berde na ang kaniyang mukha, punong-puno rin ito ng dugo na halos hindi mo na makilala. Napatitig ako sa ulo niya nang mapansing familiar ang itsura niya.

"Shit!" napamura ako nang makumpirma ko na si Xyline nga na class muse namin ang walang awang pinatay.

"Kawawa naman si Cynthia!"

"Napaka-demonyo ng gumawa nito kay Cynthia!"

Cynthia? Bakit iba ang pangalan ni Xyline? Panaginip nga ba ito? Pero bakit ako nananaginip ng ganito?

"Lilia, sino sa tingin mo ang gumawa niyan kay Cynthia?" Napalingon ako nang biglang may humawak sa balikat ko.

"Trez?" Nanlaki ang mata ko nang makita ko siya. "Anong Cynthia? Si Xyline 'yan! Tsaka ako 'to si Alisha!"

"Huh? Sinong Trez? Ako 'to si Doz! Inaasar mo na naman ba ako?" nakangiwing sambit nito.

"Hays," napabuntonghininga na lang ako dahil sa hindi ko talaga maintindihan kung anong nangyayari.

Muli ko na lang binaling ang paningin ko kay Xyline at napatingin ako sa isang puting papel na nakapaskil sa puno. May kakaibang salita na nakasulat dito, binasa ko ito sa isipan ko.

"to próto mou thýma"

***

"HAPPY BIRTHDAY, ALISHA!"

Napabalikwas ako ng bangon nang marinig ang boses ni papa. Hingal na hingal naman ako dahil sa napanaginipan ko. Bakit ako nanaginip ng gano’n?

"Anak ayaw mo ba kausapin si papa?" tanong ni papa habang kinakatok ang pintuan ng kuwarto ko.

Napakamot ako ng ulo at padabog na bumangon. Doon ko lang napansin na naka-uniform pa pala ako. Nakatulog pala ako nang umuwi ako kanina galing school.

Naglakad ako palapit sa pintuan at binuksan ito. Bumungad sa akin si papa na abot tainga ang ngiti habang nakatingin sa akin.

"Happy birthday anak," nakangiting bati nito sabay abot ng isang paper bag na sa tingin ko ay regalo niya sa akin.

"Salamat po," walang gana kong sabi at pinilit kong ngumiti. "Matutulog po muna ako."

Sinarado ko na 'yong pintuan, may sinasabi pa siya pero hindi ko na pinakinggan. After 8 years ngayon lang siya umuwi ulit. Normal lang naman siguro na magtampo at 'di muna siya kausapin.

Napabuntonghininga ako nang maalala ko 'yong napanaginipan ko. Bakit nanaginip ako ng gano”n?

***

Kinabukasan ay maaga ulit akong pumasok para hindi ako maabutan nina papa at mama.

Napatingin ako sa buong building ng school, sobrang layo na nga nito doon sa napanaginipan ko. Mas maraming puno roon kaysa rito.

"Uy Alisha!"

Bahagya akong napatalon nang marinig kong tinawag ang pangalan ko. Sino ba namang hindi magugulat e, ang aga-aga pa tapos wala naman gaanong tao sa loob ng campus nang pumasok ako.

"Oh Xyline?" Nginitian ko siya.

Nanlaki ang mata ko nang mapagtanto at maalala na napanaginipan ko siya. Iniling ko ang ulo ko. Panaginip lang 'yon! Hindi 'yon totoo!

"Ang aga mo nanaman ngayon ah," nakangiting sambit nito.

"Oo nga e, mas gusto ko kasing dito gawin yung assignment." Pagsisinungaling ko. "E, ikaw ba? Ba't ang aga mo?"

"Mm, secret." Nakangiting sagot niya. "May imi-meet kasi ako sa garden area!"

Pansin ko ang ngiti sa kaniyang labi na para bang kinikilig ito.

"Ikaw ah luma-love life," pang-aasar ko sa kaniya.

"Hala, parang shira!" pababaeng sambit nito sabay hawi ng kaniyang buhok sa likuran ng kaniyang tainga. "Anyway, I gotta go. See you later!"

Ngumiti na lang ako sa kaniya bilang tugon at naglakad na siya palayo sa akin.

Naglakad na lang ako patungo sa classroom namin. Tahimik pa ang paligid at tanging janitor pa lang ang ibang mga tao nandito.

Pagpasok ko sa classroom ay dali-dali kong nilabas ang paborito kong libro at tsaka ito binasa. Nang tamarin ako ay yumuko ako sa desk ng upuan ko at bahagya akong umidlip dahil inaantok pa ako.

Ilang minuto lang ang nakakalipas ay nagising na rin ako dahil parami na rin ng parami ang mga estudyante sa school namin. Pati na rin ang aming classroom ay napuno na rin ng mga kaklase ko. Tinago ko na 'yong binabasa kong libro dahil naging maingay na sa paligid.

Napatingin ako sa aking wristwatch. Shit! Bakit ang bilis ng oras? Isang oras na agad ang lumipas? Umidlip lang naman ako saglit! Sira nanaman yata ang relo ko. 

"Hays," napabuntonghininga ako at binaling ko na lang ang tingin ko sa mga kaklase ko.

Nakatulala lang ako sa mga kaklase ko nang biglang makarinig kami ng malalakas na sigawan.

"May namatay raw na estudyante!"

Related chapters

  • We All Died in Year 2020   Chapter 2

    A L I S H AHALOS ang mga kaklase ko ay dali-daling lumabas nang makarinig kami ng mga sigawan mula sa labas ng classroom namin.Napatingin ako kay Colixe na nakatulala na para bang takot na takot ang itsura niya. Dali-dali ko siyang nilapitan at hinawakan ang kaniyang balikat."Are you okay?" tanong ko sa kaniya. Pansin ko ang pagkagulat niya dahil sa biglaang paghawak ko sa balikat kaniya."Yes, I'm just tired. Hinihingal lang ako, sa pag-akyat ko kanina rito sa 3rd floor," paliwanag nito habang hinahabol pa rin ang kaniyang paghinga."I'll be back okay? Pupuntahan ko lang yung pinagkakaguluhan nila," paalam ko sa kaniya bago ako tuluyang lumabas ng classroom.Nang makalabas ako ay nakasalubong ko an

    Last Updated : 2021-07-08
  • We All Died in Year 2020   Chapter 3

    A L I S H ANANG makauwi ako kanina'y kaagad akong dumiretso sa kwarto, ayaw kong makita ako nina mama at papa! Tutal 'di naman ako gutom dahil kumain kami sa cafeteria bago umuwi.Maaga kaming pinauwi dahil sa nangyari kay Xyline. Binilinan kami ng aming mga teachers na huwag na raw ilabas ang nangyari. Ayaw kasi nilang masira ang imahe ng school. Sa lugar namin ang university namin ang pinakasikat. Kaunti lang ang mga nag-aaral rito, walang bayad pero kailangan matataas ang mga grades mo bago ka makapag-enroll.Sabagay, wala naman akong pagsasabihan nang nangyari kanina. Ayaw ko pa kasi kausapin si papa dahil nagtatampo pa ako sa kaniya. Ang tagal niya kasing nawala e, nagtrabaho siya sa Saudi sa loob ng 8 years tapos nabalitaan na lang namin na may kabet pala

    Last Updated : 2021-07-08
  • We All Died in Year 2020   CHAPTER 4

    A L I S H ANANLALAKI ang mga mata ko habang nakatingin sa lalaking paparating. Dire-diretso lang itong naglakad papasok sa gate ng aming bahay na animo'y sanay na sanay ng pumunta rito, na para bang matagal na kaming magkakilala."You're late again Alisha. Maghihintay nanaman ako sa 'yo?" tanong nito sabay pout ng kaniyang mapulang labi."Drexel?" kunot noong sambit ko."Oh ba't parang gulat na gulat ka?" natatawang sambit nito habang naniningkit ang kaniyang mga mata.Sino ba namang hindi magugulat? Siya lang naman yung crush ko na varsity player sa basketball. Nililigawan niya ako?Ito ba yung ibig sabihin

    Last Updated : 2021-09-09
  • We All Died in Year 2020   Chapter 5

    A L I S H A"YOU'RE all parents needed!"Pagkasigaw ng Principal nun ay mariin akong napapikit. Pansin ko rin ang dismayadong mga itsura ng mga kasama ko, lalo na si Elice na masamang nakatingin sa akin mula kanina."Ang aga-aga gumagawa kayo ng gulo! Hindi man lang ba kayo nahiya? Celebration pa 'man din ng Buwan ng Wika?!"Napasinghal na lang ako habang nakikinig sa nanenermon na si Principal Konnie.Nang matapos na 'tong manermon ay pinayagan na niya kaming lumabas pero kailangan muna naming maglinis sa may tapat ng principal's office."Buwisit ka talaga! Kasalanan mo 'to!" reklamo ni Elice habang nakataas

    Last Updated : 2021-09-09

Latest chapter

  • We All Died in Year 2020   Chapter 5

    A L I S H A"YOU'RE all parents needed!"Pagkasigaw ng Principal nun ay mariin akong napapikit. Pansin ko rin ang dismayadong mga itsura ng mga kasama ko, lalo na si Elice na masamang nakatingin sa akin mula kanina."Ang aga-aga gumagawa kayo ng gulo! Hindi man lang ba kayo nahiya? Celebration pa 'man din ng Buwan ng Wika?!"Napasinghal na lang ako habang nakikinig sa nanenermon na si Principal Konnie.Nang matapos na 'tong manermon ay pinayagan na niya kaming lumabas pero kailangan muna naming maglinis sa may tapat ng principal's office."Buwisit ka talaga! Kasalanan mo 'to!" reklamo ni Elice habang nakataas

  • We All Died in Year 2020   CHAPTER 4

    A L I S H ANANLALAKI ang mga mata ko habang nakatingin sa lalaking paparating. Dire-diretso lang itong naglakad papasok sa gate ng aming bahay na animo'y sanay na sanay ng pumunta rito, na para bang matagal na kaming magkakilala."You're late again Alisha. Maghihintay nanaman ako sa 'yo?" tanong nito sabay pout ng kaniyang mapulang labi."Drexel?" kunot noong sambit ko."Oh ba't parang gulat na gulat ka?" natatawang sambit nito habang naniningkit ang kaniyang mga mata.Sino ba namang hindi magugulat? Siya lang naman yung crush ko na varsity player sa basketball. Nililigawan niya ako?Ito ba yung ibig sabihin

  • We All Died in Year 2020   Chapter 3

    A L I S H ANANG makauwi ako kanina'y kaagad akong dumiretso sa kwarto, ayaw kong makita ako nina mama at papa! Tutal 'di naman ako gutom dahil kumain kami sa cafeteria bago umuwi.Maaga kaming pinauwi dahil sa nangyari kay Xyline. Binilinan kami ng aming mga teachers na huwag na raw ilabas ang nangyari. Ayaw kasi nilang masira ang imahe ng school. Sa lugar namin ang university namin ang pinakasikat. Kaunti lang ang mga nag-aaral rito, walang bayad pero kailangan matataas ang mga grades mo bago ka makapag-enroll.Sabagay, wala naman akong pagsasabihan nang nangyari kanina. Ayaw ko pa kasi kausapin si papa dahil nagtatampo pa ako sa kaniya. Ang tagal niya kasing nawala e, nagtrabaho siya sa Saudi sa loob ng 8 years tapos nabalitaan na lang namin na may kabet pala

  • We All Died in Year 2020   Chapter 2

    A L I S H AHALOS ang mga kaklase ko ay dali-daling lumabas nang makarinig kami ng mga sigawan mula sa labas ng classroom namin.Napatingin ako kay Colixe na nakatulala na para bang takot na takot ang itsura niya. Dali-dali ko siyang nilapitan at hinawakan ang kaniyang balikat."Are you okay?" tanong ko sa kaniya. Pansin ko ang pagkagulat niya dahil sa biglaang paghawak ko sa balikat kaniya."Yes, I'm just tired. Hinihingal lang ako, sa pag-akyat ko kanina rito sa 3rd floor," paliwanag nito habang hinahabol pa rin ang kaniyang paghinga."I'll be back okay? Pupuntahan ko lang yung pinagkakaguluhan nila," paalam ko sa kaniya bago ako tuluyang lumabas ng classroom.Nang makalabas ako ay nakasalubong ko an

  • We All Died in Year 2020   Chapter 1

    ALISHA"TUMAKBO KA NA!"Isang malakas na sigaw ang narinig ko kung kayat kaagad akong napalingon ngunit tanging sariling anino ko lang ang aking nakita.Sobrang dilim ng paligid, nasa isang mapunong lugar ako. Tanging ang buwan lamang ang nagbibigay liwanag sa paligid.Tumakbo lang ako nang tumakbo, hindi ko alam kung saan ako pupunta, tagaktak na ang pawis ko. Halos mawalan ako nang hininga dahil sa sobrang bilis ko. Pakiramdam ko'y may humahabol sa akin ngunit 'di ko matukoy kung sino ito.Hindi ko alam kung nasaan ako basta ang alam ko lang ay tumatakbo na lang ako bigla rito sa lugar na 'to na tila ba may humahabol sa akin na kung sino."Lilia!"

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status