Hawak-hawak ni Cassandra ang braso ni Alejandro sa mga sandaling iyon. Dahan-dahan niyang tinatahak ang kaniyang mga paa papunta sa bukana ng mansyon. Ramdam niya ang mabigat na awra sa bawat paghakbang niya.
Natatanaw pa niya ang mga trabanteng tumitingin sa kaniya.
"Halika na, Cassandra..." sabi pa ni Alejandro.
"I'm...nervous." Cassandra said. Namumula pa ang mata nito na tanda mula sa pag-iyak. Muling hinawakan siya ni Alejandro na parang nagsasabing nandito lang siya at handa siyang damayan.
Alejandro rubbed her hands and smiled.
"Andito lang ako," sabi pa nito.
Muling hinakbang ni Cassandra ang kaniyang mga paa at doo'y nabungaran ang tarangkahan ng mansyon, natatanaw niya ang salas na kinalalagyan ng mga bulaklak at pinaglalamayang abo ng kaniyang lolo. Mabilis na tumulo ang kaniyang mga luha sa nakita.
"Lolo...lolo! Lolo!" iyak pa ni Cassandra na noo'y napatakbo sa gawi ng lamesa. Humagulhol pa ito habang nahihirapang tumayo.
Nagising si Cassandra mula sa pagkakatulog, agad siyang napabalikwas at nilinga ang paningin."Alejandro!" tawag pa niya sa kawalan, masama ang kutob niya. Agad siyang tumayo at agad na tinungo ang labas. Pumanaog siya sa hagdan at hinanap ang binata. Magmamadaling araw na sa oras na iyon. Mayamaya ay pumunta siya sa may kusina at doo'y nakita sina Kata at Kulas."O, Cassandra, nagising ka na pala?" sabi pa ng dalawa na nagtitimpla ng kape."Nasaan si Alejandro?" aligagang tanong ni Cassandra."May pupuntahan lang daw sa Manila, maniningil lang daw siya ng utang," walang kamalay-malay na saad ni Kulas."Oh my god!" bulalas ni Cassandra na may masamang kutob."O? Bakit, bakit Cassandra?" naguguluhan na saad ni Kata sa kaibigan."I have some feeling, may kutob akong hindi maganda!" sabi pa ni Cassandra na naupo sa kalakip na silya."Huminahon na muna, please. Nakakasama sa'yo ang mag-alala, hindi ka pa magaling." Sabi pa ni Kata.
Ngayon na ang araw ng paglilitis ng kaso. Ngayon ang araw kung saan isasalang ang mag-amang Nunez, na sina Jerick, Erickson at Don Sebastian.Nasa City Hall sila ng San Luisita para sa hearing. Nandoon ang lahat ng kapisan ng samahan ng mga magsasaka. Naroroon din ang mga kapanalig nina Alejandro at Cassandra. Nahahati ang panig ng kinauupuan nila. Nasa kaliwa ang panig ng mga Nunez, nandoon nakaupo ang kanilang attorney at ang mag-amang naka-suot ng kulay orange na damit. Nandoon din si ginoong Abuevo na nag-iisang kapanalig ng mag-ama.Nasa kanan naman nakaupo ang lahat ng magsasaka na halos pumuno sa upuan, nakatayo naman ang iilan na nasa gilid, kumpleto ang lahat, naroon sina Ka-Tonyo, si manang Anda, ang mga kaibigan ni Cassandra na sina Christian at Sherly, naroon din sina Juan, Luis, Felix at iilang testigo para sa kaso.Nasa harapan si Cassandra at si Alejandro na seryosong nag-uusap habang katabing nakaupo. Naghihintay sila ng pagdating ng judge.
"In the name of the father, and of the son, and of the holy spirit, Amen." Sabi pa ng pari sa oras na iyon na noo'y hawak ang ceramic vase na pinaglalagyan ng abo ni Don Ejercito. Nasa may pangpang sila para isaboy sa kahanginan ang abo ng yumaong matanda. Napagdesisyonan nila na doon ito ilagay dahil alam nilang iyon ang paboritong lugar ng matanda. Doon ito nagpapalipas ng oras habang tinitingnan ang bukang-liwayway at dapit-hapon ng bayan.Nakahawak sa braso ni Alejandro si Cassandra na tahimik na umiiyak. Suot nila ang mga itim na kasuotan, tanda na nagluluksa sila sa pagkamatay ng ginoo. Naroroon ang lahat ng trabahante at piling kakilala. Ramdam nila ang paghihinagpis nito, hindi sila iniwan ng mga ito simula pa sa umpisa. Buo ang suporta ng mga taga-San Luisita sa kanilang lahat.Nang maipanalo nila ang kaso at mapakulong ang mga Nunez ay medyo humupa ang tensyon sa pagitan nila. Cassandra on her side, was temporarily settled and stable for once. Naisagawa ng hu
"Does it taste good?" tanong pa ni Cassandra habang kaharap si Alejandro. Nakaupo sila sa lamesa that time, katatapos lang nilang magluto sa kusina. Hawak ni Alejandro ang kutsara saka pa ngumiwe dahil sa lasa n'on. "O? Hindi mo ba nagustuhan?" sabi pa ni Cassandra na lumungkot ang mukha. "Ang asim.." sabi pa ni Alejandro na hindi matiis ang asim sa nilutong sinigang ni Cassandra. Cassandra immediately checked his spoon and tried to taste Alejandro's bowl. Sumandok ito at tinikman iyon. "Hmm..ang sarap naman ah!
Kinausap ni Alejandro ang doktor at ngayon nga'y isinagawa ang test kay Cassandra. Hindi pa nagkakamalay si Cassandra that time, kaya minabuti ni Alejandro na bantayan muna ito ngayon. Tahimik lang siyang nakatingin sa mukha ng dalaga.Hindi niya maatim na makaranas pa ito ng sakit at kung anumam na sama ng loob, tama na ang nangyari rito, sobra-sobra nang pasakit ang natamo ni Cassandra at sa lahat ng bagay na iyon, ay wala siyang nagawa.Tiim-bagang na napa-upo si Alejandro at walang imik na hinawakan ang kamay ni Cassandra."You're brave enough, baby." Sabi niya na dahan-dahang sinalikop ang kamay nito sa kamay niya. Matapos n'on ay marahan niya itong kinuha at hinalikan."I promise that from now on, you will never cry, anymore." Ani niya na hinalikan pa ang kamay ng dalaga.Mayamaya pa ay naramdaman ni Alejandro na gumalaw ang kamay nito, tanda na nagising na si Cassandra."Cassandra? Cassandra?! O god...you're awake!" sabi pa ni Alejand
Nakalabas na si Cassandra sa hospital, kasama niya si Alejandro ngayon habang sakay sa sasakyan. Papunta sila ngayon sa simbahan para magdasal. Magpapa-schedule na rin kasi sila sa kanilang nalalapit na kasal. "Alejandro," tawag pa ni Cassandra sa katabing binata. Nakahawak ito sa manibela ng sasakyan. "Yes?" tipid na sinipat ni Alejandro ang gawi niya. Ngumiti si Cassandra at nagsalita. "S
Buwan na ng disyembre sa panahong iyon, nag-uumpisa nang magsabitan ng mga palamuti ang bawat tahanan sa bayan ng San Luisita, maririnig na rin sa bawat kanto ang mga pamaskong himig at lalo na t'wing gabi na oras ng pagka-carolling ng mga bata.Hapon na iyon, nasa teresa si Cassandra habang nakaupo sa silyang de-tumba. Hinihintay niya si Alejandro na noo'y sinundo ang kaniyang mga kapatid. Ngayon kasi ang linggong magtitipon silang magkapatid. Mabuti naman at pinaunlakan nila ang kapatid nilang si Alejandro.Hawak ni Cassandra ang kaniyang paboritong libro, nasa kalagitnaan na s'ya sa pagbabasa nang marinig ang pagdating ng sasakyan ni Alejandro. Nag-park ito sa malawak na hardin ng mga Monteverde.Naupo siya ng maayos at hinintay ang pagpanaog ng mga sakay nito. Nakita niya ang limang babae na halos pang-model ang taas. Magaganda ang mga ito at halatang nababad sa malamig na klima ng panahon dahil mapuputi ito at makikinis. Lumabas din si Alejandro na sinabaya
Naging masaya ang buong linggo nina Cassandra at Alejandro dahil sa mga kapatid nito. Nagkaroon sila ng oras na maglibang at mag-bonding sa bayan ng San Luisita. Naligo sila sa kalapit na dagat doon at nagpicnic sa malawak na lupain ng Monteverde. Nanguha rin sila ng mga prutas, nagpunta sa sakahan, at nilibot ang bayan. Naging magkasundo sina Cassandra at ang limang babaeng kapatid ni Alejandro. Pareho sila ng istilo sa mga fashion, mga food trip at maging sa mga hilig na gawain ni Cassandra, ang pagluluto.Maraming silang natutunan kay Cassandra, gayundin si Cassandra sa bawat isa nila.Natutunan ni Cassandra kay Chonelle ang kahalagahan ng pag-iimbak o food processing, gumawa sila ng pickles at green olive na inimbak sa babasaging container. Maganda ito para sa mga side dish at tuyong ulam.Kay Aika naman natutunan ni Cassandra kung paano mag fermentate ng mga prutas at gulay para gawing jam o sandwich spread. Sabi pa nga ni Aika, natutunan pa raw nila iyon sa yumao nilang ina.Si