Home / YA/TEEN / Vengeance For A Million Of Tears / Chapter 5- Franco's Life

Share

Chapter 5- Franco's Life

Author: Angel Megumi
last update Last Updated: 2023-08-05 04:08:40

ONE WEEK has been passed, matapos ang huling pagkikita namin ni Franco ay hindi ko inaasahang bubungad siya sa akin isang umaga. At talaga namang naka-timing pa siya sa pagbisita dahil ngayon ang rest day ko.

"Good morning, Mandy!" masayang pagbungad niya sa pinto.

At bago pa man ako makapagsalita ay napansin ko na ang dala niyang bouquet ng bulaklak.

"Franco? B-bakit napabisita ka?" Mabilis ang pagtibok ng puso ko sa kaba at aaminin kong malakas pa rin talaga ang epekto ng presensya niya sa akin.

"Tinatanong pa ba 'yon? Nandito ako para bisitahin ang magandang babae na katulad mo." Bahagyang kiniliti no'n ang puso ko pero hindi ako nagpahalata. Gayunpama'y hindi ko maiwasang mahiya sa nadatnan niyang magulong bahay ko. Nasaktuhan niya kasing hindi pa talaga ako nakakapaglinis ng bahay, dahil na rin sa isang linggong busy sa trabaho.

Matapos kong papasukin sa bahay si Franco ay tinanong ko siya kung anong gusto niyang inumin. "Ahm, gusto mo ba ng kape or juice na lang?"

"No, hindi na, actually, nagpunta ako rito para ayain ka sanang kumain sa labas. Ahm, free ka ba ngayon?" Bahagyang napangiwi ang labi ko.

"Free naman pero.. mag-aayos at maglilinis sana muna ako ng bahay kasi medyo madumi at magulo na."

"O, edi tulungan na kita," masayang pagpipresinta niya.

Bahagya naman akong natigilan. "Naku, hindi na. Nakakahiya naman sa'yo, bisita kita kaya dapat ay hindi kita dapat hayaang maglinis dito."

"And why not? E, dito naman tayo papunta, 'di ba?" Sandali na naman akong natigilan habang nakatitig sa kaniya. "What I mean is, if ever lang naman na maging boyfriend mo na ako, I am willing to help you, sa kahit na anong bagay pa 'yan."

I smiled softly. Pakiramdam ko ay talagang nagpapa-plus points sa akin si Franco. At talaga namang effective iyon dahil ramdam kong bahagyang kinikiliti niyon ang puso ko.

At dahil nga tinanggap ko ang offer na tulong ni Franco ay hinayaan kong tulungan niya akong mag-ayos at maglinis ng bahay. Siya ang nakatoka sa may living room at kusina habang ako naman sa may k'warto at CR. Pero bago pa man kami magsimula ay hindi ko inaasahang maghuhubad siya nang pang-itaas na damit. Dahilan para mamilog ang mga mata ko.

"Franco! Magdamit ka nga!" Kinikilabutan ako nang sabihin iyon pero sa totoo lang ay hindi ko maiwasang mag-imagine kung gaano katigas ang mga abs niya.

Napasigaw pa ako sa isiping iyon hanggang sa bumungad siya sa aking harapan. "Mandy, relax. Kailangan kong hubarin 'to para hindi ako matuyuan ng pawis sa likod. Maglilinis tayo, remember?" Dahan-dahan akong napatango at tila napahiya ako sa aking malisyosang isipan.

Nakita ko pa ang mahinang pagtawa niya bago pa man kami magsimulang maglinis. Ipinusod ko ang aking buhok bago pa man magsimula dahil tiyak na makararamdam ako ng grabeng init habang kumikilos. Pero ewan ko ba, hindi pa nga kami nagsisimula ay nakaramdam na ako kanina ng init! "Mandy, ano bang pumapasok sa isipan mo!" bulong ng isip ko.

Nag-focus na lamang ako sa ginagawa. Nilinis ang dapat linisin. Inayos ang dapat ayusin. Paminsan-minsan ay sinusulyapan ko si Franco sa ginagawa niya at hindi ko maiwasang humanga dahil kahit lalaki siya ay marunong siya sa gawain ng isang babae.

Makalipas lamang ang mahigit isang oras ay natapos na rin kami. Pareho kaming hingal na hingal sa pagod. Tagaktak na rin ang aming mga pawis kaya naman pinili na rin naming magpahinga. Kaniya-kaniya kaming pagpunas ng pawis sa aming mukha at katawan subalit hindi ko naman inaasahan na magagawa niyang agawin ang hawak kong towel upang punasan ako sa mukha. Dahilan para sandali kaming mapatitig sa isa't isa.

"You're still beautiful, kahit pawis na pawis ka," sabi niya. Tipid akong napangiti. At para na namang may paru-parong lumilipad sa loob ng tiyan ko kasabay nang pagkiliti sa puso ko. Hindi ko na mabilang kung ilang beses niya na akong pinakilig ngayong araw at aaminin kong na-o-overwhelmed ako sa presensya niya ngayon.

Ilang sandali pa ay nagpasya akong ipagtimpla siya ng juice. Pinaresan ko rin iyon ng white bread at nilagyan ng palaman na kinuha ko pa sa may cabinet. "Wow, asikasong-asikaso ako ng future wife ko, hah?" Hindi ko maiwasang mapangiti sa sinabi niya. Oo batid kong may halong biro 'yon pero bakit masyado naman akong nadadala sa mga salita niya?

"Ahm.. paano ka naman nakasisiguro na magiging asawa mo nga ako, Franco?" tanong ko nang hindi nakatingin sa kaniya. Doon nama'y narinig ko ang mahinang pagtawa niya.

"Let me say, I am claiming the universe na tayo ang magkakatuluyan, kapag sinagot mo na ako." Hindi ko maiwasang mapangisi sa sinabi niya. Paano ba siya nakasisiguro na sasagutin ko siya?

Napailing pa ako bago magsalita. "Ang lakas talaga ng kompiyansa mo sa sarili na sasagutin kita, ano?"

"Of course, but like what I told you, willing akong maghintay, kahit gaano pa 'yan katagal." Napabuntong hininga ako.

"Salamat." Doon nga'y pareho na naming ginalaw ang tinapay at juice habang nililibang niya na naman ako sa kaniyang mga k'wento. In fact, sa kasulok-sulukan ng puso ko ay totoong may pag-asa naman talaga siya, e. Ayoko lang talaga na parang ang lakas ng kompiyansa niya sa sarili na kahit sinong ligawan niya ay magiging girlfriend niya agad, siyempre, kailangan niya muna iyong paghirapan.

Matapos namin magkaroon ng sapat na pahinga ay saka na ako naligo. Pagkatapos ay bigla naman akong nag-alala para sa kaniya. "Paano ka?"

"Hah?" pagtatakang tanong niya.

"Ang ibig kong sabihin, hindi ka maliligo?"

"Ahm, wala akong baon na damit, e. Malay ko ba naman na magge-general cleaning tayo ngayon." May pahapyaw pa siyang pagkindat nang sabihin iyon, dahilan para pasimple kong makagat ang pang-ibabang labi ko. "Don't worry about me, doon na lang ako maliligo malapit sa farm."

"Ano? Sa farm n'yo tayo pupunta?"

Bahagya siyang napatango. "I wanted you to meet my mother, Mandy. Well, kahit wala na si papa, gusto kong makilala ka pa rin niya kaya after natin sa farm, p'wede mo rin ba akong samahan sa cemetery?" I nodded. Wala naman siguro akong choice para tumanggi. Saka isang Franco Esquivel ang kasama ko ngayon. Pinapantasya ng karamihan kaya bakit ako tatanggi?

Matapos ko ngang makapagbihis at makapag-ayos ay bumiyahe na kami patungo sa farm nila. Medyo may kalayuan iyon kung kaya inabot ng mahigit isang oras ang biyahe namin. Pagkarating namin doon ay mainit kaming sinalubong ng kaniyang ina. May pagkakahawig naman ito kay Franco pero siguro ay mas nakuha ni Franco ang itsura nito sa kaniyang ama.

"Ma, si Mandy po," pagpapakilala ni Franco sa akin.

"Hi, nice to meet you, hija." Nagbeso at nagbigayan pa kami ng ngiti sa isa't isa ni Tita Friday.

Ang k'wento ni Franco bago pa kami makarating sa farm ay naroon naka-stay si Tita Friday at nagbabantay ng farm ngayon. Kaya naman expected ko nang doon kami magkakakilala.

Inilibot ko ang tingin sa buong farm, napagtanto ko na p'wedeng-p'wede ka nga roon mag-stay dahil may maliit silang kubo roon. At hindi lang ito basta kubo, dahil kumpleto ito sa gamit. May maliit na kusina, may dining area, CR at k'warto.

"Ahm, sandali lang, ma, ililibot ko lang po sa buong farm si Mandy," pagpapaalam ni Franco sa kaniyang ina.

"O, sige, saktong-sakto at maghahanda rin ako ng pagkain para sa tanghalian, dito ka na kumain, hija."

"Sige po, tita," nakangiti kong sagot.

Inilibot nga ako ni Franco sa kanilang farm. Pinahiram niya ako ng sumbrero na kung tawagin daw ay sambalilo. Tirik na tirik kasi ang araw at iniingatan ni Franco ang aking balat. Talagang nag-enjoy akong makita ang iba't ibang uri ng hayop katulad ng manok, baboy, rabbit, baka at kambing. Doon ko nakita ang simpleng pamumuhay ni Franco sa kabila ng pagkakaroon nito ng masaganang buhay mula pa noon. Nakilala ko rin ang ilan sa mga tauhan nila na nakatokang magpakain sa mga hayop. Isa na roon si Mang Joaquin.

Sobrang na-amaze ako kung paano nito pakainin ang isang rabbit. Kaya nag-request ako na kung p'wede ko iyong subukan. "Naku, ma'am. Napakaganda mo po para magpakain ng kuneho. Pero sige, papayag ako dahil baka mapagalitan pa ako ni boss, e." Bahagya akong napangiti at sandaling napasulyap kay Franco.

"Salamat pero parang ang saya lang kasi ng ginagawa n'yo, Mang Joaquin." Mabilis nga akong natutong magpakain ng rabbit. Hanggang sa sinubukan ko na ring magpakain ng iba pang uri ng hayop.

Nang makaramdam ng pagod ay nagdesisyon na kaming bumalik sa kubo. Doo'y naamoy namin ang mabangong niluluto ni Tita Friday.

"Ma, mukhang masarap 'yan, ah?" pagbungad ni Franco nang makalapit kay tita.

Nakita kong napangiti si Tita Friday bago siya lumingon sa akin. "Ano, Mandy? Nag-enjoy ka bang makita ang mga hayop dito sa farm?"

"Opo, tita. Nakakatuwa po pa lang magpakain."

"Naku, sa una lang 'yan pero kapag palagi mong ginagawa ay nakakasawa rin."

"Ma," pagsaway ni Franco kay tita.

"E, bakit? Totoo naman ang sinasabi ko. Pero sa totoo lang, mas gusto ko talaga rito sa farm kaysa sa bahay. Kasi rito, marami akong nakikita at hindi ko masyadong naiisip ang papa mo." Hinayaan ko na muna silang makapag-usap mag-ina hanggang sa nakuha muli ang atensyon ko nang may sabihin si tita na nakapagpa-curious sa akin.

"Siya nga pala, may darating din akong bisita kaya nagluto rin ako ng masarap na pagkain."

"Talaga, ma? E, sino?" At bago pa man masagot ang katanungang iyon ni Franco ay lumiwanag naman ang mukha ni Tita Friday.

"O, she's here!" Pareho kaming napalingon ni Franco sa pinagmamasdan ng mata niya. At tila natameme ako nang bumungad sa amin si Elaiza.

Sandali siyang napairap nang magsalubong ang tingin namin. At tila naging maamong tupa ang awra nito nang lumingon ito kay Tita Friday.

"Hi, tita! Na-miss kita!" Sa totoo lang ay hindi na ako magtataka kung magka-close sina Elaiza at Tita Friday. Dahil noon pa naman ay batid kong may connection na ang pamilya ni Franco sa pamilya ni Elaiza.

Naramdaman ko ang pagkapit ni Franco sa aking braso. Ramdam siguro niyang hindi ako komportable sa nangyayari. "'Wag kang mag-alala, hindi ako makapapayag na awayin ka niya, dahil kasama mo ko," bulong ni Franco sa akin.

At nang mabaling ang tingin ni Elaiza sa kamay ni Franco na nakahawak sa braso ko ay pakiramdam ko, sa tingin niya pa lang ay parang gusto niya na akong tirisin ng buhay.

Related chapters

  • Vengeance For A Million Of Tears   Chapter 6- Jealous

    TIRIK NA TIRIK ang araw kung kaya't nanatili muna kami sa may kubo. Hindi ko maiwasang bumilib sa mga magsasaka na nakikipagsapalaran sa init ng panahon. Bukod kasi sa mga halamang hayop ay may taniman din ang farm nila Franco. Kaya nga pakiramdam mo ay nasa province ka kapag nag-stay ka rito.Hindi nga namin maiwasan ni Elaiza ang magkailangan lalo na nang magkaharap kami sa tapat ng hapagkainan. Siyempre, inihain ni Tita Friday ang specialty raw niyang adobo. TIRIK NA TIRIK ang araw kung kaya't nanatili muna kami sa may kubo. Hindi ko maiwasang bumilib sa mga magsasaka na nakikipagsapalaran sa init ng panahon. Bukod kasi sa mga alagang hayop ay may taniman din ang farm nila Franco. Kaya nga pakiramdam mo ay nasa province ka kapag nag-stay ka rito.Hindi nga namin maiwasan ni Elaiza ang magkailangan lalo na nang magkaharap kami sa tapat ng hapagkainan. Siyempre, inihain ni Tita Friday ang iniluto niyang adobo at mainit na kanin. "Alam mo bang specialty ito ni mama noon pa man," kwen

    Last Updated : 2023-09-14
  • Vengeance For A Million Of Tears   Chapter 7- Guilt and Happiness

    "I'm sorry talaga, Mands, wala akong kaalam-alam sa mga ipinadalang litrato sa'yo ni Elaiza, maniwala ka. Ang totoo niyan, I really felt sorry dahil hindi man lang kita naipakilala sa harap ng puntod ni papa, marami pa sana akong gustong gawin kanina na kasama ka pero mas kinailangan ako ni Elaiza," mahabang paliwanag ni Franco sa kabilang linya na sa totoo lang ay parang ayokong pakinggan. Ewan ko ba, the moment na nakita ko pa lang ang mga litrato nila ni Elaiza na magkasama ay parang nasira na ang buong araw ko. Ayoko namang isiping naghihigpit ako na may makasama siyang iba lalo na ang isang babae pero kasi, ibang usapan na kapag si Elaiza. "Hindi mo naman kailangang mag-explain, Franco." "No, kailangan mong malaman ang totoo. And believe it or not, walang nangyari sa amin. Sadyang nakatulog lang ako sa pagbabantay sa kaniya, iyon lang 'yon." Hindi na ako sumagot pa at sa halip ay ibinaba ko na lamang ang linya. Bahala na kung mag-overthink siya nang malala. Kasalanan niya rin na

    Last Updated : 2024-01-22
  • Vengeance For A Million Of Tears   Chapter 1- The Beautiful, Mandy Brusola

    "GO, MANDY!" Animo'y bumabalik pa rin sa aking isipan ang malalakas na hiyawan sa tuwing rumarampa ako bilang muse ng liga sa kabuuan ng covered court na kinatatayuan ko ngayon. Ilang taon na rin ang lumipas nang huli akong makatapak dito. Subalit, kasabay ng masasayang alaalang iyon ang ay pasakit sa buhay ko na kahit kailan ay hinding-hindi ko malilimutan. "Mandy? Ikaw na ba 'yan?" Napaangat ang tingin ko sa boses na iyon. Nang pagmasdan ko siya ay hindi na ako nagulat sa taong bumungad sa akin. Dahil hanggang ngayon ay walang pinagbago ang itsura niya, medyo nangulubot nga lang ang kaniyang balat dala ng katandaan. Siya si Aleng Luzviminda, ang matalak na kapitbahay namin noon. "A-ako nga ho." "Wow. Ibang-iba ka na ngayon, hah? Balita ko ay mapera ka na! Libre naman diyan!" Parang gusto kong matawa sa sinabi niya. Kung ipahiya niya nga noon ang pamilya namin dahil sa hindi kami nakakabayad ng utang ay masakit na para sa aming buong pamilya, tapos ngayon, kung makahingi siya sa a

    Last Updated : 2023-03-16
  • Vengeance For A Million Of Tears   Chapter 2- Reunited

    ALUMNI party has come. At iyon na yata ang pinakahihintay ng lahat, habang ako ay tila nagdadalawang-isip pa rin kung tutuloy ba o hindi. At the age of twenty four ay ngayon ko lang ulit p'wedeng makita ang school na nagbigay karangalan sa aming mga estudyante sa kabila ng pagsisikap. Napasulyap ako sa aking phone na nasa lamesa. Hindi ko alam kung kusa ko bang tatawagan si Bianca para sabihing pupunta ako. Matatandaang nakailang remind from phone calls pa sa akin si Bianca kung saan kami magkikita para sabay na makarating sa venue.And the good thing is, I'm kinda doing preparing all of my important things. Kanina pa ako nakatitig sa black sexy back knitted dress na may mahabang manggas habang nagpa-final decision nang marinig ko ang tunog ng aking cellphone. At sa tuwina ay napatingin ako sa kawalan matapos pindutin ang answer button. Saka narinig ang inaasahan kong boses mula sa kabilang linya."Saan ka na ba? I'm on my way na kasi. You didn't answered all my texts, the reason why

    Last Updated : 2023-03-16
  • Vengeance For A Million Of Tears   Chapter 3- First Dance

    NANATILI SIYA sa harapan ko at hindi na nagpatumpik-tumpik pa para sabihin ang mga katagang, "It's been a long time since I see you. You look more beautiful, Mandy. That's why I'm here to tell you, if.. can we dance?" Napatakip ng bibig ang aking tatlong kaibigan nang dahil sa kilig. While I was stock of being undecided from Franco's words.Ilang ulit kong ipinikit-dilat ang mga mata ko. Hindi ako makapaniwala na pagkatapos ng ilang taon ay titibok muli ang puso ko sa isang taong minahal ko nang lihim noon. Pero napaka-unfair ko naman kung ipagkakait ko ang sandaling iyon para sumaya si Elaiza. Pero animo'y umaayon ang pagkakataon para sa amin ni Franco, dahil nang magsimula kaming pumwesto sa may dance floor upang sumayaw ay bigla naman tumugtog ang isang awitin na nag-udyok sa ibang mga nandoon para isayaw din ang kani-kanilang mga nagugustuhan o kaibigan.?Beautiful girl, wherever you are..I knew when I saw you, you had opened the door..And while I am on the bright side to have

    Last Updated : 2023-03-16
  • Vengeance For A Million Of Tears   Chapter 4- Intention

    NAGPATULOY ang kasiyahan ng gabing iyon habang patuloy akong binabalot ng kilig sa aking kaibuturan. Alam kong masyado pang maaga para magpakita ng interes sa akin si Franco. At aaminin kong hindi ako naniniwalang totohanin niya ang kaniyang sinabi na liligawan ako ulit.Hanggang sa mag-insist siya na ihatid ako sa tinutuluyan kong bahay. Pero hindi na siya pumasok pa dahil baka kung ano pa ang isipin ng mga kapitbahay. Malalim na rin ang gabi at nakainom pa siya. And for some reason, ayokong samantalahin ang kalasingan niya kahit nararamdaman ng puso ko ang malakas na pagtibok. "Sige na, mag-ingat ka pauwi. Salamat sa paghatid sa akin." "Okay, so, next time ulit, hah?" umaasang aniya. Napangiti ako. At para tuluyan na siyang umalis ay kumaway na ako bilang pagpapaalam. Saka naman humarurot paalis ang sasakyan niyang Saturn Aura. Siyempre natigilan ako dahil baka maaksidente siya sa bilis niyang magpatakbo.Kaya naman ang sunod na ginawa ko ay siniguro ko kung safe siyang makakauwi.

    Last Updated : 2023-07-11

Latest chapter

  • Vengeance For A Million Of Tears   Chapter 5- Franco's Life

    ONE WEEK has been passed, matapos ang huling pagkikita namin ni Franco ay hindi ko inaasahang bubungad siya sa akin isang umaga. At talaga namang naka-timing pa siya sa pagbisita dahil ngayon ang rest day ko. "Good morning, Mandy!" masayang pagbungad niya sa pinto.At bago pa man ako makapagsalita ay napansin ko na ang dala niyang bouquet ng bulaklak."Franco? B-bakit napabisita ka?" Mabilis ang pagtibok ng puso ko sa kaba at aaminin kong malakas pa rin talaga ang epekto ng presensya niya sa akin."Tinatanong pa ba 'yon? Nandito ako para bisitahin ang magandang babae na katulad mo." Bahagyang kiniliti no'n ang puso ko pero hindi ako nagpahalata. Gayunpama'y hindi ko maiwasang mahiya sa nadatnan niyang magulong bahay ko. Nasaktuhan niya kasing hindi pa talaga ako nakakapaglinis ng bahay, dahil na rin sa isang linggong busy sa trabaho. Matapos kong papasukin sa bahay si Franco ay tinanong ko siya kung anong gusto niyang inumin. "Ahm, gusto mo ba ng kape or juice na lang?" "No, hindi

  • Vengeance For A Million Of Tears   Chapter 4- Intention

    NAGPATULOY ang kasiyahan ng gabing iyon habang patuloy akong binabalot ng kilig sa aking kaibuturan. Alam kong masyado pang maaga para magpakita ng interes sa akin si Franco. At aaminin kong hindi ako naniniwalang totohanin niya ang kaniyang sinabi na liligawan ako ulit.Hanggang sa mag-insist siya na ihatid ako sa tinutuluyan kong bahay. Pero hindi na siya pumasok pa dahil baka kung ano pa ang isipin ng mga kapitbahay. Malalim na rin ang gabi at nakainom pa siya. And for some reason, ayokong samantalahin ang kalasingan niya kahit nararamdaman ng puso ko ang malakas na pagtibok. "Sige na, mag-ingat ka pauwi. Salamat sa paghatid sa akin." "Okay, so, next time ulit, hah?" umaasang aniya. Napangiti ako. At para tuluyan na siyang umalis ay kumaway na ako bilang pagpapaalam. Saka naman humarurot paalis ang sasakyan niyang Saturn Aura. Siyempre natigilan ako dahil baka maaksidente siya sa bilis niyang magpatakbo.Kaya naman ang sunod na ginawa ko ay siniguro ko kung safe siyang makakauwi.

  • Vengeance For A Million Of Tears   Chapter 3- First Dance

    NANATILI SIYA sa harapan ko at hindi na nagpatumpik-tumpik pa para sabihin ang mga katagang, "It's been a long time since I see you. You look more beautiful, Mandy. That's why I'm here to tell you, if.. can we dance?" Napatakip ng bibig ang aking tatlong kaibigan nang dahil sa kilig. While I was stock of being undecided from Franco's words.Ilang ulit kong ipinikit-dilat ang mga mata ko. Hindi ako makapaniwala na pagkatapos ng ilang taon ay titibok muli ang puso ko sa isang taong minahal ko nang lihim noon. Pero napaka-unfair ko naman kung ipagkakait ko ang sandaling iyon para sumaya si Elaiza. Pero animo'y umaayon ang pagkakataon para sa amin ni Franco, dahil nang magsimula kaming pumwesto sa may dance floor upang sumayaw ay bigla naman tumugtog ang isang awitin na nag-udyok sa ibang mga nandoon para isayaw din ang kani-kanilang mga nagugustuhan o kaibigan.?Beautiful girl, wherever you are..I knew when I saw you, you had opened the door..And while I am on the bright side to have

  • Vengeance For A Million Of Tears   Chapter 2- Reunited

    ALUMNI party has come. At iyon na yata ang pinakahihintay ng lahat, habang ako ay tila nagdadalawang-isip pa rin kung tutuloy ba o hindi. At the age of twenty four ay ngayon ko lang ulit p'wedeng makita ang school na nagbigay karangalan sa aming mga estudyante sa kabila ng pagsisikap. Napasulyap ako sa aking phone na nasa lamesa. Hindi ko alam kung kusa ko bang tatawagan si Bianca para sabihing pupunta ako. Matatandaang nakailang remind from phone calls pa sa akin si Bianca kung saan kami magkikita para sabay na makarating sa venue.And the good thing is, I'm kinda doing preparing all of my important things. Kanina pa ako nakatitig sa black sexy back knitted dress na may mahabang manggas habang nagpa-final decision nang marinig ko ang tunog ng aking cellphone. At sa tuwina ay napatingin ako sa kawalan matapos pindutin ang answer button. Saka narinig ang inaasahan kong boses mula sa kabilang linya."Saan ka na ba? I'm on my way na kasi. You didn't answered all my texts, the reason why

  • Vengeance For A Million Of Tears   Chapter 1- The Beautiful, Mandy Brusola

    "GO, MANDY!" Animo'y bumabalik pa rin sa aking isipan ang malalakas na hiyawan sa tuwing rumarampa ako bilang muse ng liga sa kabuuan ng covered court na kinatatayuan ko ngayon. Ilang taon na rin ang lumipas nang huli akong makatapak dito. Subalit, kasabay ng masasayang alaalang iyon ang ay pasakit sa buhay ko na kahit kailan ay hinding-hindi ko malilimutan. "Mandy? Ikaw na ba 'yan?" Napaangat ang tingin ko sa boses na iyon. Nang pagmasdan ko siya ay hindi na ako nagulat sa taong bumungad sa akin. Dahil hanggang ngayon ay walang pinagbago ang itsura niya, medyo nangulubot nga lang ang kaniyang balat dala ng katandaan. Siya si Aleng Luzviminda, ang matalak na kapitbahay namin noon. "A-ako nga ho." "Wow. Ibang-iba ka na ngayon, hah? Balita ko ay mapera ka na! Libre naman diyan!" Parang gusto kong matawa sa sinabi niya. Kung ipahiya niya nga noon ang pamilya namin dahil sa hindi kami nakakabayad ng utang ay masakit na para sa aming buong pamilya, tapos ngayon, kung makahingi siya sa a

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status