Share

Kabanata 1

Kabanata 1 : Ang Bagong Tahanan

Parang hindi totoo ang paligid. Maging ang oras ko'y para naring tumigil. Nasa isa akong bahay ngayon. At ang nakatira, ang lalaking tumulong sa akin.

Ang kanyang edad ay tunay na tatlumpu't lima, maaring siya nga ang matandang laging nagpapakita sa aking panaginip.

"Dito ka titira. Sandali lamang, ano nga pala ang pangalan mo?" hindi ko nga pala nasasabi ang pangalan ko. Kamuntikan ko na ring makalimutan ang tunay kong katauhan nang panandalian.

Ngumiti ako sa kanya at bukas-palad kong sinabi ang aking totoong pangalan.

"Ako si Vamaila Terese." biglang kumunot ang kanyang noo ng marinig niya ang aking ngalan.

Sandali? May mali ba sa pangalan ko? Bakit parang— hindi niya nagustuhan? Anong bang mali sa sinabi ko? Ako'y nalilito sa binigay niyang reaksyon.

"Kailangang mong gumamit ng 'po' at 'opo' Vamaila." iyon ang una niyang napuna. Hindi ko man maintindihan ngunit ako na lamang ay biglang napatango. Bagama't walang alam kung saan nga ginagamit ang salitang sinasabi niya.

"Bakit kailangan ba iyan—po?" alam kong may mali pero tinukoy ko parin. Ganito ang mga naunang eksena ang bumungad sa akin, sa bago kong tahanan. Kung saan, siya muna ang ituturing kong Ama, at ako'y ituturing niyang anak.

Wala akong hiniling sa mga nangyayari, hindi ko nga rin alam marahil na ako'y makakarating sa ganitong oras. Ako'y pinagkaitan nang pagmamahal ng nakakarami. Hindi ko nga alam kung paano ako nakarating rito, at nang matagpuan ng tatawagin ko ng 'Ama' ngayon.

Bago ako mapadpad sa lugar na ito, katakot takot na delubyo ang dinanas ko, mula sa mga taong— mas masahol pa sa demonyo.

May mga bata akong kasama sa ampunan na iyon, punong puno nang mga inosenteng bata ang nakatira roon. Mga musmos at walang alam. Mga batang naulila na nang mga magulang. Mga pasakit na sana ay hindi niya nadanas, ngunit sa kasawiang palad, kanila itong naranasan. Sa mga kamay ng mga taong— inakala ko noong unang walang mahina at walang laban kumpara sa lahi kong, halos lahat na ata nang matatawag kong malakas.

Bigla akong napatulala at napatitig sa bago kong tahanan, tunay ngang ako'y malaya na. Mula sa tirahan na aking unang nakagisnan.

Ang hindi lang malinaw sa akin, bakit malinaw sa akin ang mga nangyari? Ang nakaraan ko at marami pang detalye. Tila, kahapon lang nangyari, ganoon kasariwa ang naaalala kong mga detalye.

Para lamang akong isinilang kahapon, ngunit ang mga dinanas ko'y kasing hirap noong sinaunang panahon. Nasubukan kong mamalimos at magutom, ngunit ang hindi ko kailanman pinangarap na mapunta sa kamay nang mga sindikato.

"Ayos ka lang ba, Vamaila? May problema ba anak?" ganito niya ako kausapin lagi. Simula noong tumira ako rito sa loob ng kanyang bahay ay malaya niya na akong tinatawag na anak.

Ngunit kagaya nang mga binabanggit ko nitong nakaraang araw, ako'y maayos lamang. Hindi ko pa sa kanya masabi ang lahat ng mga detalye.

Hindi ko nga alam kong ilang taon na akong namamalagi sa mundong ito, at bakit tila yata kay dami ko nang nakaharap na pagsubok.

Alam kong maraming taon nabubuhay ang isang 'bampira' ngunit hindi ko matiyak kong tunay nga bang, ako'y pitong taong gulang na.

Ngunit ang nakikita ko palagi sa aking panaginip ay kasinglaki ng isang sampung taong gulang na bata. Mahaba ang buhok. Ngunit may magkaibang kulay ng mga mata.

Matagal ko na itong napapaginipan kahit noong ako'y nasa ampunan pa, minsan ay nagigising na lamang ako sa panaginip na iyon, kapag ako'y nakakaranig nang ibang ingay na.

I hear different noises. I can identify each of those noises, but I can't barely describe them.

Marami akong naririnig na kakaibang ingay, ang iba doon ay masyado ng masilan at hindi na pwedeng marinig pa ng ibang bata.

Paulit-ulit iyong nangyayari, at ang pumapasok lamang sa isip ko tuwing oras na iyon, 'sana dumating ang araw na ako'y lumayas na mula sa lugar na ito' laging pumapasok sa isip ko, na bakit pa ako nabuhay sa mundong ito kung ganitong buhay lang din naman ang dadanasin ko. Kung ganitong bagay lang din ang laging bungad sa umaga ko. Kung ganitong paghihirap na lang lagi ang nangyayari sa buhay ko, bakit pa ako ginawang buhayin ng mga magulang ko?

Hanggang sa dumating sa puntong, napuno ako—at lahat ng taong nanakit at nagpahirap sa mga batang iyon ay pinatay ko. Kamuntikan pa akong mawalan ng kontrol, at talagang maraming madadamay na inosenteng buhay dahil sa galit ko. Doon ko lamang na napagtanto na pwede rin pala akong maging mabait at maging masama.

Hindi naman inosenteng buhay ang pinatay ko?

Marami naman na rin silang nagawang pagkakamali, mas masahol pa sa ginawa ko? Pero, hindi parin naman maaalis ang ginawa ko, at iyon ang kumitil ng buhay ng isang tao. Hindi nga pala ako diyos o kahit isang demi-god, o kahit isa pa ako roon, hindi nga pala ako pwedeng bumawi ng isang buhay, hangga't hindi ko nagpapatunayan na mali.

Ngunit sa mundong kinabibilangan ko, iba ang batas na dapat kong sundin. Alam kong mali, ngunit iyon na lamang ang natitirang paraan para lahat ng kasama ko doon bata ay maligtas at makatakas.

Iyon ang bagay na hindi ko kayang ibahagi pa sa kanya, dahil kumpara sa akin isa silang babaylan na tumutulong sa mga inosenteng kaluluwa, at nagbibigay hatol kong ikaw ba'y gumawa ng mali at ng tama.

Mula sa angkan kong ang tanging kagustuhan lamang ay umangat at magkaroon pa ng malalakas na kapangyarihan. Iyon ang tanging alam ko, at alam kong may malaki akong responsibilidad.

"Vamaila— akin kitang madalas na maekwento sa aking asawa. Malapit na siyang manganak, at nais kong ikaw ang magbigay ng pangalan." palaging ganito ang sinasabi ni Tatay Gregorio.

Noong una niyang binanggit sa akin na siya'y may pamilya na, hindi ko alam kung bakit pero nakaramdam ako nang saya. Bagama't alam niyang hindi pa ganoon kapulido ang saya na lumalabas sa aking mga mata alam kong guminhawa na ang kanyang nadarama.

Para sa isang 'babaylan' na mag-asawa, hindi ko kailanman inisip na sa kanila ako makakahanap ng kalinga, kahit mula't sapol at simula sila ng ang tinuring na kaaway ng mga lahi kong mangkukulam at bampira.

"Anak? Nakikinig ka ba?" marami na siyang tinurong magandang asal sa akin, hindi ko iyong maipagkakaila dahil ako'y natuturo narin. Mula noong una ay talagang binigyan niya ako ng pansin.

"Po?" natuto narin akong gumamit ng mga salitang hindi ko noon madalas gamitin. Kagaya na lamang ang pagiging magalang, at kung anong kaklase pang mga salita. Pinag-aral rin ako, at hindi ko maiitangging marami nga silang naitulong sa akin.

Hanggang sa magkaroon ng anak ang mag-asawa, nagbuntis ito, at nagkaroon ng saya ulit sa tahanan.

"Ang sabi ko anak kung anong gusto mong ipangalan sa magiging kapatid mo?" hindi rin nila ako itinuring na iba, kung baga— walang nagbago, ganoon parin sila kabait at kaalaga.

"Carlii po." iyon ang pangalan na lumabas sa bibig ko. Ngunit dahil alam ng mag-asawang hindi ako tumatanda o kahit nadagdagan ng edad, itinago nila ako sa kanilang mga kamag-anak lalo na sa konseho at iba pang kasapi nila.

Lalo na nang nanganak ang asawa nito. Hindi ako pinalayas, ngunit ako'y lumipat lamang ng matitirhan. Malayo sa bayan.

Ang pagiging babaylan marahil ang nagtulak sa kanila upang itago ako sa mata ng mga marami pang tao. Hindi nila ako pwedeng makita, dahil iyon na ang katapusan ng buhay namin pare-pareho. Itinuturing nilang kaaway ang mga kauri ko, at ganoon rin ang lahi ko sa kanila.

"Just stay here, Vamaila okay? We will visit you every month, alright. I promise." it was his vacation house. Isang bahay marahil na malapit sa isang dagat. Hindi nasisinagan ng araw— at ito'y pinasadyang malayo sa mata ng maraming tao.

Buwan-buwan nga siyang dumadalaw. Nagtuturo sa mga bagay na kailangan ko pang malaman.

Hindi siya tumigil kahit ang pamilyang ninanais niya lang noon ngayon ay unti-unti ng natutupad.

Ang kanyang asawa ang laging dumadalaw sa akin, buhat-buhat ang batang si Carlii. Naging mabilis ang buong pangyayari. Ngunit ganoon parin ako.

Tila yata— tumigil na ang oras ko, at sinadyang ganito na lang ako. Hindi nga talaga nadagdagan ang edad ko, samantalang ang mga tao sa paligid ko ay unti-unting nadadagdagan ng taon.

Ang matandang madalas kong mapaginipan noon, ngayon ay ganap nang matanda. Kung ano mang itsura niya sa panaginip ko noon ay ganoon nga ang naging itsura niya.

"Natatandaan mo pa ba, Vamaila ang unang sinabi ko noon sa iyo? Ako'y iyong magiging, Ama, at dadaan ang panahon at ako'y tatawagin mong Lolo. Ang anak ko ngayon ay may asawa na. Kay bilis ng panahon, apo. Ngunit ang edad mo'y wala Paring pinagbago. Nagpapasalamat na lamang ako dahil hindi pa nagsisimula ang pagiging bampira mo." tama, hindi pa ako nagiging tuluyang uhaw sa dugo ng isang tao o hayop.

Wala akong nararamdamang ano mang klaseng pagkauhaw. Maraming salamat sa aking ina, kung hindi marahil sa kanya, baka mas marami pa akong napatay na inosente. Kahit papano kaya kong kontrolin ang pagiging Hybrid ko.

"Totoo nga po iyon, Lolo. Marami pong salamat sa inyo." ngumiti ako sa kanya ng malapad. Ang dati kong walang buhay na mga mata. Ngayon nagkaroon na ng sigla, at kinang.

Sa nagdaan na panahon, ito na ang nahanap kong tahanan na akin na ngayong matatawag.

"Being a family means you are a part of something very wonderful. It means you will love and be loved for the rest of your life." I smile to them once again, tinaas ko ang aking kamay saka kumaway sa kanila, before I say goodbye. Tapos nanaman ang kanilang pagdalaw, at sila ngayon ay muli na namang magpapaalam.

TO BE CONTINUED

M. J | MISSGORJUICE

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status