Kabanata 3 : Ang Tadhana Mula sa kanyang mapanghusgang mga mata, tumalim ang titig niya sa aking mga balat, maging sa kulay ng aking mga mata. Alam kong may kakaiba na siyang nararamdaman, kumpara sa edad kong mas doble pa sa edad niya. Ang asawa ni Carlii na ma purog dugo ng isang Lobo, at isang "Alpha" hindi na ako magtataka kong nalaman niyang isa ako sa mga nilalang na kinamumuhian ng kanya lahi. "Ama, bakit mo ipagkakatiwala ang pangalan ng aking anak sa isang— nilalang na kinamumuhian ng aming lahi. Isa siyang kaaway!" at ang kanyang mahahabang kuko ay unti-unti ng humahaba at lumalabas. Handa na para ako'y kalabanin nguni isang mapang-uyam lamang na ngiti ang iginawad ko sa kanya. Isang ngiti, na magiging metsa ng kanyang mas ikakainis pa sa akin. I'm not afraid of him. He might be an Alpha, but— I more higher than him. "Kaya mo bang saktan ang kalahating bahagi ng anak mo.... You think?" hamon ko rito. Ngunit, hindi ko inaasahan ang mas pagdilim ng kanyang mga mata sa akin
Kabanata 4 : CaelumTumagal rin kami sa hospital ng mga ilang araw pa. At nahihirapan na ako sa bagay na iyon, lalo na't mas naging sensitibo ang pang-amoy ko, kinakabahan pa naman ako dahil baka bigla na lamang akong mauhaw, at dugo ng tao ang mainom ko.Ngunit, sa hindi ko malaman na dahilan, hindi ako nakaramdam nang kahit anong uhaw? Hindi man lang ako nagutom, o kahit nakaramdam man lang nang kahit anong pagkatuyot sa aking lalamunan.Mukhang nakatulong ang binigay na basbas ni Tito Sebastian sa akin. Simula noong araw na iyon ay binigyan niya ako ng basbas upang makontrol ko ang aking pagka-uhaw kapag nakaka-amoy ako ng sariwang dugo.At mukhang umepekto iyon sa akin, kaya hito ako ngayon? Nakakalapit ng maayos kay Caelum. Ako ang nag-aalaga sa kanya kapag tulog ang kanyang ina, lalo na ngayong nakauwi na kami sa kanilang tahanan.Inimbitahan akong, dito muna ako maninirahan kahit ilang buwan lamang, bilang kasama nila sa bahay at magbantay sa kanilang anak. Hindi ako makapaniwa
Kabanata 5: 'Sneak Peak'Lumipas ang ilang mga taon at ang batang si Caelum ay ganap ng binata. At ako naman ay bumalik na sa tirahan ko sa Isla. Kailangan kong magtago mula sa kanya, upang hindi siya magtaka at upang hindi siya malito kung ano nga ba ako sa buhay nito.Naging kalituhan rin sa akin ang mga araw at gabi na hindi ko siya nakikita. At sa tuwing malapit ako sa kapahamakan ay naririnig ko ang iyak niya.Ngunit iba na, simula noong lumabas ang marka na sa kanyang kanang braso. Kalahating buwan at kalahating araw ang itsura ng kanyang marka.Nabalitaan kong siya'y hinahanda na rin ni Lolo Gregorio, sa kanyang responsibilidad. Mayroon na lamang kasi nagpadala sa amin ng isang Anonymous Prediction. Nakasulat ito sa isang lumang papel. Ang hinala ko, baka buhay parin ang mata nagtatago lamang kaya naman hindi namin siya matagpuan.O baka naman hindi pa ganoon kalawak ang aking kapangyarihan kaya hindi ko siya matagpuan nang tuluyan. May hindi lamang ako maintindihan sa nangyaya
Kabanta 6: 'Not in the plan'Wala sa plano ko ang nangyayaring kaganapan ngayon. Nakakagulat nga na bigla na lamang magpapakita ang lalaking ito sa mismong harapan ko. Bakit siya nandito? Ano bang problema niya? Lagi na lang sumusunod ang nakakainis na nilalang na ito sa akin."Why are you here?" iyon agad ang unang bungad ko sa kanya. At parang sanay na kami sa presensya ng isa't isa, base sa paraan ng aming pag-uusap."Kilala mo ako, Vamaila. Kaya ko gawin ang lahat. My last name wouldn't Sadiya for nothing, right cousin?" Tama kayo nang nababasa. Hindi ko rin alam kong sadya bang manghuhula ang nagsusulat na iyon sa amin, dahil maging sa mga makilala ko ay mayroon silang malalaman. Kaya naman mukhang hindi narin ako nagulat sa mga nangyayari ngayon sa buhay ko. Kagaya na lamang nang pagkikita naming ng magaling kong pinsan na si Dev.Galing sa angkan ng mga mangkukulam. Nalaman ko rin sa kanya na ang kanyang Ina ay galing sa angkan ng mga makapangyarihang Diyosa. Ang kanyang Ina ay
Kabanata 7: 'The Uninvited' Sa hindi malamang dahilan bigla akong napaisip kong saan nanggagaling ang babaeng iyon? At bakit ganun na lang ang ginawa niyang perwisyo sa buong kagubatan? "Hindi ba niya alam na baka may mapatay siyang mga nilalang na hindi niya nakikita?" taka kong tanong kay Dev. "May pakiramdam akong hindi niya kagustuhan ang nangyari. Ang pamilya niya isa sa mga kilalang pamilya ngayon dito sa mundong ito, hawak nila ang mga malalaking hospital ngayon rito. Kaya ang hula ko rito baka may kung anong nilalang ang nag-uutos sa kanila. O baka naman isa rin sila sa mga bampira na namumuhay na ngayon sa mundong ito." Kung tama ang mga kwentong sinasabi ni Lolo Gregorio noon sa akin, bago niya ako dalhin sa mundo na tinatawag nilang "Eclipses" maraming mga bampira ang mas pinili na lumabas lamang ng sarili nilang tirahan, at mamuhay rito sa mundo ng mga tao.Bukod roon, ang mga bampira na nanirahan rito ay may kanya-kanyang dahilan kung bakit mas piniloi nilang mamuhay r
Kabanata 8: 'I wasn't sure'Hindi ko alam kung anong klaseng pakiramdam ang dapat na maramdaman ko. Sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, bigla akong nakaramdam ng...lungkot? Paghihinayang? O bakit tila yata, pati kasiyahan? Mukha ngang napatunayan niya sa kanyang huling hininga ang mga salitang 'nasa huli ang pagsisisi' Wala ako sa pwesto para kwestyunin ang mga bagay na ginawa niya, dahil mula sa unang ginawa niyang kasalanan wala akong nalalaman. At ngayon ko lang naman siya nakita."Anong bagay ang iyong naiisip? Mula nang manggaling tayo sa estatwa ng aking tiya wala ka na sa iyong sarili. May bagay ka bang nararamdaman? Tila ika'y linalamon rin ng malalim na pag-iisip." sita sa akin ng katabi ko. Mula nang makarating ako sa mundong ito ulit, parang wala na akong maramdaman na mabuti."Maari bang tapusin na lang natin agad ito, upang makabalik na ako sa aking nararapat na mundo." matigas kong aniya. Nakita ko ang gulat na dumaan sa kanyang mga mata, ngunit mabili niya lang din ito
Kabanata 9: 'Ang Ala-ala'"Hindi ako makapaniwalang naririnig ko ito sa isang nilalang aking pinangalagaan noon. Tunay ngang mapaglaro ang tadhana, at ang hindi ko inaasahan na pangyayari ang siyang nangyayari ngayon sa akin." Ang kanyang ngiti ay hindi ko mapangalanan. Kung ito ba'y tunay o baka ito'y nagpapanggap lamang."Kaninong anak ang dinadala mo? Alam kong isa sa kambal ang ama ng sanggol na nasa sinapupunan mo." pilit winawala ang mga salitang kanyang sinasambit na siyang nagbibigay sa aking ng isang kalituhan. Ngumisi siya sa akin na animo'y hindi niya inaasahang mga bagay na lumabas galing sa akin."Kung ako ang nasa sitwasyon mo ngayon? Ano mas mainam mong gagawin? You just want to stop this fvcking danger right?" mapang-uyam niyang katanungan, at tila ayaw niya ring sagutin ang katanungan na iyon. Dahil kahit ilang beses ko nang binanggit ang batang dala-dala niya hindi niya parin mabanggit kong sino ang ama nito. But the fact that I hear her cuss, makes me think about so
Kabanata 10: 'Panaginip'Simula nong araw na iyon, nalaman ko kung ano ang mga sekretong nakatago sa bawat sulat na iyon, kaya naman natutuwa ko sapagkat kahit papano alam ko na kung paano basahin ang mga letrang nakapaloob doon kahit hindi ko tawagin ang presensya ni Dev. Siguro ay iyon na rin ang binigay niyang gatimpala sa aking pagtulong. At ang mga salitang hindi ko maintindihan noon sa mga sulat na dumadating ngayon ay niaintindihan ko na.At ako'y sa wakas nakabalik na sa aking tirahan,ngunit hindi naman ako linulubayan at bigla na lamang nagpapakita sa aking panaginip ang mga masamang elemento. Nagsimula ito, noong araw na umuwi ako galing sa mundo ng mga tao. Sa tuwing dadalawin ako ng antok, kakaibang panaginip ang siyang nasasaksihan ko.Ang iba roon ay hindi ko makilala, naging banyaga sa aking mga mata ang mga iyon. Hindi ko naman kayang hulaan ang mga bagay na iyon o kahit gamitin man lang ang aking kapangyarihan. Wala akong kayang gawin sa loob ng aking panaginip, at na