Chapter: Kabanata 37KABANATA 37Kabanata 37: BloodshotHis eyes. Pulang-pula ang mata niya. It was bloody red. Akala ko kung anong gagawin niya sa leeg ko noong dumapi ang mga labi niya doon, kaso imbis na ‘yon ang pagtuunan ko ng pansin sa mga mata niya ako hinihigop.I suddenly closed my eyes when his slips brush in the corner of my lips. Nagtuloy-tuloy siyang ginagawa ang bagay na ‘yon hanggang sa naabot niya ang aking tainga. Dinampian niya ‘yon ng magagaan na halik. I feel his breath. It was hot. It wasn’t just the heat I’m feeling, but it was very different. Kasi nagmumula ang init na ‘yon sa kanya. Parang napapaso ang balat ko tuwing tumatama ang mga labi niya sa kung saang parte ng mukha ko.Hindi ko na nga napansin kong anong klaseng pwesto ang mayroon kami. Nakakandong na ako sa kanya, habang siya’y nakaupo sa gilid ng kama. Hawak niya ako sa baywang gamit ang isa niyang kamay habang ang isa’y naka-patong sa kama, mukhang sinusuportahan ang pareho naming bigat.“I won’t bite you, Vamaila.” It w
Huling Na-update: 2024-07-27
Chapter: Kabanata 36KABANATA 36Kabanata 36: ‘The Tangled Faith’Dalawa ang binigay na propesiya sa’kin habang ang pangatlo naman ay sumpa. Hindi ko alam kong kailangan ko bang maniwal sa mga sinasabi niya? O baliwalain na lamang kong anong lumalabas sa bibig niya? Ngunit ang taong nasa harapan ko ngayon may kakaiba sa kanya.“I know. Alam ko kung anong pumapasok ngayon sa isip mo.” Sinabi niya ‘yon na parang nagtutunog sigurado.“Bakit hindi mo sabihin sa’kin kong sino ka?” hamon ko rito, pilit nilalabanan ang mapaglaro niyang ngisi. Palagi na lang akong pinaliligiran ng mga abnoy!“I’m Kaliv Velasquez.” sinabi niya ‘yon na parang hindi ko pa alam kung anong pangalan niya.“Wala akong oras para makipagbiruan, Kaliv.”Tumingin ako sa kanya. Ano mang lumabas sa bibig niya ngayon na hindi ko magugustuhan sisiguraduhin kong may kalalagyan siya.Narinig ko ang marahas niyang pagbuga ng hangin.“If you’re here to fool me, or get rid of me. Alam mong may kalalagyan ka, hindi ba?” inunahan ko na siya. Kung hind
Huling Na-update: 2024-07-19
Chapter: Kabanata 35KABANATA 35 Kabanata 35: ‘The Untangled Joy’“Hmm-hmm.” Narinig ang pagtikhim na iyon sa apat na sulok ng silid. Akala ko puro tunog nang kutsara at tinidor lang ang maririnig ko, ang mapaglarong tinig din pala nang nilalang na ‘yon.Yes, my-so-called-lovely-brother!To hell with him! Tutal doon narin naman siya nakatira. Irita tuloy akong napatingin rito, kahit alam niya naman sa sarili niyang gustong-gusto niya lang makuha ang atensyon naming lahat. Inis kong nilapag ang hawak kong kubyertos saka ito nginitian ng peke. Mas peke pa sa kilala ko. “You choose brother, do you want to rather die or eat your dinner peacefully?” mas nainis lang ako ng makahulugan siyang tumingin sa’kin, hindi niya siguro inaasahan na sasabihin kong kapatid ko siya sa harapan nila.Akala ko babalik na sa katahimikan ang lahat, ngunit nagkakamali ako. Bakit ko nga ba nakalimutan ang isang ‘to? Hindi naman kasi siya part ng family para alalahanin ko hindi ba?“So, you’re related with this demon?” may kung a
Huling Na-update: 2024-07-18
Chapter: Kabanata 34KABANATA 34 Kabanata 34: Morning Star“Once I found out na siya nga ang taong nilalang na iyon, don’t hesitate to abduct her as soon as possible, Uncle! Mas may tiwala ako sa inyo ngayon…pansamantala.” Hindi malabong napasunod narin ni Thalia ang ibang nilalang na naroroon. Or maybe ang nasa isip ko lang ay ang mismong anak niya. If my vision is right, mapaghahandaan ko pa ang mangyayari.“Paano kong ikaw naman ang kuhanin nila?” napalingon ako sa taong nagsalita, wala akong makitang dahilan para mag-alala siya.“Remember, hindi mo pa nakukuha ang bagay na iyon, wala ka pang control sa kapangyarihan mo!” alam kong babala iyon but I will control my power, especially alam kong naroroon siya.“Babalik na ako sa lupa. Wait for my signal!” bago ako nawala sa paningin nila.______________“Gabriel!”“Gabriel!”“Gabriel!”“I’m pregnant?!” malakas na sigaw ko sa labas ng bahay nila. Kung hindi ko siya mapapalabas sa simpleng pag-sigaw bakit hindi ako gumawa ng isang simpleng palabas para sa
Huling Na-update: 2024-06-25
Chapter: Kabanata 33Kabanata 33 Kabanata 33: ‘Searching’Pakiramdam ko, niloloko lang ako ng buong paligid ko. Hindi naman marunong magbiro ang kapatid ko. And of course, bakit siya magbibiro ng tungkol sa akin, mas mahaba ang buhay niya sa akin, hindi tumigil iyon. Mas marami siyang nasaksihan kaya sa akin. Tumigil ng ilang ulit ang buhay ko, pero hindi naman ako namatay. Masyadong magulo ang ang tingin ko ngayon sa mundo. Hindi ko alam, wala na akong maintindihan. Hindi ko na alam kong anong paniniwalaan ko. Mas mainam siguro kong kakausapin ko si ama. Malamang sa malamang alam niya kong anong nangyari.Pikit mata akong nagtungo sa kanyang tahanan. Kagaya ng dati ang init at baga na bumabalot sa kanyang ay ganoon parin. Ang mga pader na pinapalibutan ng ilang libong mga dyamante na kulay apoy, maging ang kisame nito’y gawa rin sa dyamante na iyon. Kagaya ng dati, kung bakit ganoon na lamang ang galit ng mga Hunter sa amin, dahil wala kaming kahirap-hirap namumuhay sa lupa bilang kung sino at anong mag
Huling Na-update: 2024-06-06
Chapter: Kabanata 32Kabanata 32 Kabanata 32: Blood by Blood"Munting Terese, kamusta kana?" isang boses ang gumising sa natutulog kong diwa. Ano nanamang ginagawa ng boses na ito sa panaginip ko. Punong-puno nanaman ng kadiliman, hindi ko nanaman maintindihan kong anong klaseng lugar nanaman ang napuntahan ko. Palagi na lang walang paliwanag."Wala akong panahon para sa mga ito. Magpakilala ka?!" nagbago ang paligid. Ang liwanag ay galing lamang sa mga kandila na nakadikit sa mga ding-ding, hindi ko man lang namalayan na isa pala kaming kubo. Ang matandang ito nanaman. "May madugong digmaan ang magaganap. Ang hindi mo aasahan na bagay ay magaganap. Sa oras na mangyari iyon, wala kang kahit anong lakas na mahahanap, at puro lamang pagdurusa ang mararamdaman mo, sa oras ding iyon magigising ang nakatago mong pagkatao, ang katauhan na pilit mong tinatakasan." Kagaya ng palagi niyang itsura sa panaginip ko, palagi na lamang natatakpan ang mukha niya ng isang kulay itim na belo. "Bakit ba hindi mo ipakita
Huling Na-update: 2024-03-28
Chapter: Special Chapter : The FinallySpecial Chapter: The Final EndingBigla akong kinabahan ng sobra, hindi ko alam kung dahil ba sa may malalaman ako, o baka dahil totoo ang mga bagay na sinasabi nila tungkol sa pagkatao ko. Natatakot ako sa malalaman ko, kasi hindi ako sigurado kong matatanggap ko ba ito, o baka hindi. Hindi ko alam? Nalilito ako. Sobra, dahil wala akong kasiguraduhan pagkatapos ng araw na ito. Habang papalapit kami sa bahay, hindi ko alam kong anog una kong hahawakan, ang puso ko bang sobra sa bilis ng pagtibok o ang paa ko bang labis na nanginginig. Marahil, dahil ilang araw na akong hindi nakakainom ng gamut na binibigay ni Lolo. Isa pa ang pangalan na iyon na paulit-ulit lang na naririnig ng sarili ko. Ang labis na bilis ng tibok ng puso ko ay hindi ko malaman kong saan rin marahil nagmumula, para itong may sariling isip na ayaw tumigil kahit anong pilit kong kumalma. "Handa ka na ba?" tanong sa akin ni Lolo, kahit hindi naman niya kamukha ang nakikita ko ngayon. He was liking shining bright, j
Huling Na-update: 2023-04-18
Chapter: Special Chapter 7Nagising akong habol ang aking hininga, at may kakaibang enerhiya akong nararamdaman. Ano bang nangyari? Bakit, parang ang daming nangyari, simula nung nakatulog ako. Hanggang sa napansin ko din, ang pagbabago ng hibla ng buhok ko, nagkaroon ito ng kulay ginto na buhok, pero hindi lahat, parang "Highlights" ito kung matatawag sa ibang mundo. Sa pakiwari ko'y ganun kalakas ang kapangyarihan ng panaginip, nadadala ka, nakakaramdam ka, at nasasaktan ka. Alam kong totoo yun, at alam kong unti-unti ko ng nahahanap ang lahat ng kasagutan. -flashback. "Isa kang huwad! Sino ka? Anong kailangan mo sa apo kung si Akihiro!" iyan ang naging katanungang sinambit ng lolo daw namin, sa babaeng espanyol. "Ako ang Ina ni Alkino! Ang Diyos ng dating Liwanag!" bigla akong nagulat sa sinambit ng babae, kung ganun, ang panglimang diyos ng mundong ito, ay Liwanag ang kapangyarihan. Kung ganun, bakit naging dilim ang siyang kapangyarihan niya. "Hindi ba't tama ako, ang anak kong si Alkino, ay naging
Huling Na-update: 2023-04-15
Chapter: Special Chapter 6Nakatingin ako sa nakakasilaw na liwanag. Nasaang lugar ba ako? Bakit hindi ko alam ang lugar na ito? Asaan ba ako? Mahina kong tinapik ang aking sarili, ngunit wala akong maramdaman. Doon ko napagtanto na nasa ibang lugar ako, pero ako'y tulog. Pakiramdam ko nasa isa nanaman akong panaginip, na ako mismo ang may gawa. Ilang taon nading palaging ganito ang nangyayari sa akin, sa oras na matulog ako. Maraming mga bagay at pangyayari ang nagaganap sa aking panaginip, at pag-nagising ako, doon ako patatahanin nang gamot na binibigay ni lolo, para pakalmahin ako. May pagkakataon talaga na, ganito ang nagiging simula nang panaginip ko.-Flashback in her Dream-"Hindi pwedeng mangyari ito! Masyado pang maaga! Hindi pa kaya ng katawan niya, Ama! Ano bang nangyayari sa inyo! Kayo, at ang buong nakatira sa kalangitan! Kayo lang ang nakakaalam, sa kung anong pwedeng mangyayari, bakit hindi na lang din kayo ang gumawa ng solusyon! Bakit kailangang ibigay niyo pa sa anak ko, ang isang ganitong
Huling Na-update: 2023-04-15
Chapter: Special Chapter 5Bigla na lang akong nanlamig at kinabahan, anong meron sa kaluluwang iyon, at gusto akong kausapin. Bakit ako?"Kailangan na lang nating bilisan, Boss. Baka hindi natin siya maabutan sa kinaroroonan niya ngayon. Sa hula ko, mga isa hanggang dalawang linggo lang siya kung manatili sa kanyang kinalalagyan, sa oras na matapos ang araw na iyon, umaalis na siya, at hindi siya nag-iiwan nang alin mang bakas." mukhang tama ako ng hinala, may nararamdaman akong iba, iyong kakaiba. Kung hindi babala, isa itong paalala. "Kung ganun, bakit niyo pa kailangan magsabi ng hindi totoo, sa mismong harapan nang Ama niyo?" agad kong tanong sa kanila nang may mapagtanto ako. "Totoong nagsasalita siya ng kastila, pero nakakapagsalita din siya ng wika natin. White lies iyon. Gumawa lang kami ni Ruin ng dahilan para umalis si Ama, kagaya ng sabi namin Boss, ikaw ang siyang kailangan niyang kausapin." napataas ang kaliwa kong kilay dahil sa narinig ko. Bakit pa nila kailangan paalisin ang Ama nila? Bakit
Huling Na-update: 2023-04-15
Chapter: Special Chapter 4Meron bang mapakakapagsabi sa akin, kung anong ibig sabihin nang salitang “Ang gulo nila kausap!” Sabi sa akin nang kambal, pupunta ako dito para yung tatay nila mismo ang magsabi sa akin, kung anong mismong gagawin! E, bakit sabi nung tatay, sa mga anak niya ako makakakuha nang paliwanag! P'ny'ta. “Pwedeng diretsuhin niyo na lang ako, Ama.” sagot ko. “Mas, matino po kasi kayong kausap, kaysa sa dalawa.” dugtong ko. Dahil totoo naman, mas madaling maintindihan kong si Ama na mismo ang magsasabi sa akin.“Anak, hindi naman kasi nila sinasabi skin kung anong problema. Sa tingin mo ba nagsasabi sila?” seryoso niyang aniya. Hindi naman na ako sumagot pa, dahil alam ko namang wala din siyang sasabihin. “Malalaman ko lang na may problema kapag syempre, uuwi sila nang walang kasamang kaluluwa? Hindi pa ba malinaw iyon, Anak.” I get his point. Ang nakakapagtaka lang ay kung bakit hindi sila nagsasabi sa tatay nila, para masabi nila a kung anong problema. “Sige sila na lang tatanungin ko.
Huling Na-update: 2023-04-15
Chapter: Special Chapter 3~Underworld ~IRINA P.O.V Pagdating sa ganitong bagay, minsan hindi na ako nagdadalawang isip pa! Kung sasama ba ako o hindi!!. Sa sobrang tigas din kasi ng ulo ko, wala na akong paki-kung sakaling may mangyayari sa akin doon. Wala din naman akong pakikinggan, bukod kay Lolo! Si lolo kasi na lang ang meron ako! Hindi ko kayang nahihirapan siya, pagdating sakin! Hindi ko alam kong bakit? Pero mukhang sa ibang tao lang gumagana yung gamot na naiinom ko. Ibang iba ako pagdating sa kanya. Ibang iba“Boss, ano? Excited ka nang makita si Dadeyy?” tanung ni Ruin. Ano naman sakaling ika-excite ko? “Hindi, bakit?” naiinis kong turan. “Ahh, ganun ba boss. Akala ko, masaya ka kasi makakatikim ka nanaman ng bakbakan!” sabay ka ot sa ulo niya. Sana'y naman na ako sa ugali nila! Hindi na talaga mababago! Tanggap ko na yun! Matagal na! Mabuti na lang at madali lang kaming nakarating sa kinaroroonan ng kanilang Ama, na tinuturing ko naring ama. Ewan ko kung kailan nagsimula yun, basta napasama
Huling Na-update: 2023-04-15