Share

Kabanata 3

Kabanata 3 : Ang Tadhana

Mula sa kanyang mapanghusgang mga mata, tumalim ang titig niya sa aking mga balat, maging sa kulay ng aking mga mata. Alam kong may kakaiba na siyang nararamdaman, kumpara sa edad kong mas doble pa sa edad niya.

Ang asawa ni Carlii na ma purog dugo ng isang Lobo, at isang "Alpha" hindi na ako magtataka kong nalaman niyang isa ako sa mga nilalang na kinamumuhian ng kanya lahi.

"Ama, bakit mo ipagkakatiwala ang pangalan ng aking anak sa isang— nilalang na kinamumuhian ng aming lahi. Isa siyang kaaway!" at ang kanyang mahahabang kuko ay unti-unti ng humahaba at lumalabas. Handa na para ako'y kalabanin nguni isang mapang-uyam lamang na ngiti ang iginawad ko sa kanya. Isang ngiti, na magiging metsa ng kanyang mas ikakainis pa sa akin.

I'm not afraid of him. He might be an Alpha, but— I more higher than him.

"Kaya mo bang saktan ang kalahating bahagi ng anak mo.... You think?" hamon ko rito. Ngunit, hindi ko inaasahan ang mas pagdilim ng kanyang mga mata sa akin.

Mukhang hindi niya inaasahan ang mga bagay na lalabas sa aking mga bibig, at maging ang kanyang mga maririnig.

"You really think, I will believe you?" ngumisi lamang ako sa kanya, at maging siya'y nagulat sa aking inaasta.

"I really hate, introducing my self... But let me tell you this one.... I'm a Terese and I'm a Sadiya." pero, kailan ba may naniwala na isa ako sa mga makapangyarihan apo ng mga Sadiya.

I'm a late bloomer vampire. Hindi pa lumalabas ang mga pangil ko, at maging ang pang-amoy ko ay kailanman hindi po lumakas. Ang mga mata ko ay parang mata ng isang normal na tao ang nakikita. Ang bilis ko— ay hindi kasing bilis ng gaya sa isang manlalaro sa pagtakbo.

Wala pang dalawang Metro, hinihingal na ako. So, I'm not shocked if there's no one believe that I'm a Sadiya, nor a Terese.

"Sinong maniniwala sayo? Matagal ng patay ang apo ng Diyos ng Liwanag. And there's no successor of Terese Clan. Matagal ng patay ang apo ng mga ito... Na siyang pinagpapasalamat ko dahil sigurado akong gulo lamang ang dala nito." ang kanyang tono ay para bang sigurado na siya sa kanyang mga nalalaman. Ang lahat ng nalalaman niya ay tunay at walang kahit anong kamalian.

Sasagot pa sana ako rito, ngunit.... ang nakakabinging iyak ng bata ang siyang umayaw ng aking atensyon.

"ENOUGH!" at mukhang hindi narin nakatiis si Lolo Gregorio. Ang kanyang sigaw ay halos nagbigay ng kilabot sa akin na ngayon ko lang naramdaman.

"Tumahimik. Wala na kayong ginawa kung hindi ang magbigay ng opinyon sa bawat isa. Kayo ba ay sigurado na sa mga salitang binibitawan niyo. At ikaw naman Sebastian, ang sabi ko hindi ba? Si Vamaila ang nakatalaga na magpapangalan sa bawat panganay ng pamilya. At iyon ang bagay na hindi mo pwedeng babaliin." madiin na sabi ni Lolo, na siya namang nagpabalik sa kanyang tunay na anyo. Nawala na ang kanyang mga mahahabang kuko, maging ang kanyang mga matalim na tingin.

"At ikaw naman apo, sigurado ka bang ikaw ang kalahating bahagi nang aking Apo na si Caelum?" naninigurado niyang katanungan. Tumango naman ako bilang pagsang-ayon, dahil— Kung hindi ito iyon ano ang mga pangitain na nakita ko.

"Sa paanong paraan ka nakaka-sigurado?" nanghahamon na tanong ni Sebastian.

"I saw his future.."

"Iyon lang?" putol niya. Ngunit hindi ko iyon binigyan ng pansin at tumuon lamang ng tingin sa mga mata ng sanggol.

"With me." dugtong ko rito na siyang nagpagulat sa mga taong nasa loob ng kwarto. Na kanina pa pala nanonood sa amin.

"Pwede mo bang sabihin sa amin ang mga bagay na nakita mo?" nakikiusap na tanong ni Carlii, na siya namang tinanguan ko rin.

"Nakita ko kung paano ang kanyang mga bughaw na mga mata ay palagi kong makikita sa mga bawat araw na daraan sa buhay ko. Makakasama ko siya, kahit hindi ko hihilingin. At payapa kaming mamumuhay, malayo sa panganib." dahil iyon lamang ang mga nangyari na nakita ko. Wala ng ibang pangyayari ang umikot sa mga nakita ko.

Tanging iyon lamang.... At wala ng iba. Ngunit, mukhang hindi iyon sapat na kasagutan para sa Lobong pangangalanan kong Sebastian. Mukhang  lahat nang sasabihin ko ay magiging mali para sa kanya.

"Sa ganoong pangitain ka bumase? Papaano na lamang kong hindi pala iyon ang mga mangyayari sa buhay niyo? Paano kong iba pala? Handa ka bang harapin iyon?" umiling ako. At naging hudyat iyon para siya naman ang ngumisi sa akin.

Animo'y nanalo na, kahit wala namang kompetisyon na nangyayari.

"Hindi ako sa ganoon lamang bumase, dahil naramdaman ko. Ikaw ba? Noong naramdaman mo bang si Carlii na ang nakatadhana sayo? Ang mga dumating ba sa inyong mga pagsubok ay naging madali rin? Naging masaya ka ba agad? Noong una mo bang makita ang kalahating bahagi mo, wala ka bang ibang naramdaman?" hamon ko rito. Nang makita kong nanahimik siya at tumingin sa ibang sulok, iyon na ang naging hudyat para ibalik sa kanya ang mga katanungan niya.

Nawala na rin ang iyak ng sanggol, tumigil na rin ito sa pag-iyak, at nakatingin na lamang ito sa akin...  Ganoon na nga, dahil iba ang sanggol na may dugo ng isang Lobo O Bampira, mas mabilis magkaroon ng pagbabago sa isang katawan ng bata.

Naimumulat niya na agad ang kanyang mga mata at nakakatawa na ito ng maayos. At hindi lamang iyak ang tangi mong maririnig.

"Handa akong harapin ang mga bagay na magaganap, hangga't ang uuwian ko ay siya. Kung sakali mang hindi ako ang nakatadhana sa kanya at mali ang pangitain na nakikita ko, handa parin akong iligtas ang batang ito... Sumaya lamang at maging maayos ang hinaharap niya." sinabi ko iyon habang nakatitig sa batang may bughaw na mga mata. Nawala ang lahat ng inis ko, nang makita ko siyang ngumiti sa akin, at akala mo'y naiintindihan na ang mga bagay na sinasabi ko.

Wala narin akong narinig na kahit anong pagtutol sa kanyang Ama. Nanahimik narin kasi ito, sa isang tabi. At hindi ko mapangalanan ang emosyon na nakikita ko sa kanyang mga mata.

Nagulat na lamang ako nang bigla itong lumapit sa akin at bigla akong niyakap.

"Hindi ako makapaniwalang nasa harap ko ngayon ang batang magdadala ng kapayapaan sa bawat nilikha. Ang magdadala ng kasarinlan sa bawat mundo. Ako'y patawarin mo. Matagal ko ng alam ang tungkol sa bagay na ito, ngunit hindi ko lamang matanggap na may dugo ng isang Bampira ang tagapagligtas na tinutukoy sa aklat ng Liwanag." hindi ko pinahalata ang gulat sa aking mga mata. Lalo na't nasa amin ang buong atensyon ng mga tao na nasa loob ng silid na ito.

Ito na nga ba ang bagay na kinakatakot ko. Ang mga panaginip ko ay unti-unting nagkakatotoo, ang aklat ng Dilim At aklat ng Liwanag ay nagbigay na ng pangitain, ngunit aling landas doon ang aking pipiliin. Ito ang mga bagay na hindi ko napaghandaan, natatakot ako sa magiging resulta at kalalabasan.

Nakayakap parin ako sa kanya, ramdam ko ang saya sa bawat salitang lumalabas sa kanyang bibig, ngunit hindi ko maramdaman ang akin.

Samantalang ang bawat tao na nakatingin sa amin ay nakikitaan ko na ng pag-asa. Bigla kong naalala, ito na nga ang tadhana na sasalubong sa akin ngayong araw na ito. Ang tadhana na malaman ko ang mga bagay na nakasulat na sa dalawang libro at hihintayin ko na lamang, ang mga mangyayari at pipiliin ko na lamang ang landas na kakaharapin ko.

Ganoon parin ang aking emosyon, kunyari ay kalmado sa panlabas, ngunit libo-libong tarak ng pana ang aking nararamdaman sa aking kaloob-looban.

Bigla na lamang kasi akong natakot sa kadahilanang, baka hindi ko magawa ang responsibilidad na naka-atang sa akin. Natatakot ako na baka hindi ako magtagumpay at maling landas ang piliin ng aking puso at isip. Kung ang landas ba na ito ay magiging mabuti sa lahat, at hindi lamang para sa aking sarili.

Mabuti na lamang at kumalas na siya sa bigla niyang pagyakap. Nakikita ko sa mga mata niya ang sari-saring emosyon na hindi ko maipaliwanag.

"Mag-iingat ka sa mga desisyon na pipiliin mo, Vamaila. Nakakaramdam ako ng isang kasinungalingan na magdudulot ng isang malaking pagsubok at sakit sa iyong buhay. Ako ay humihingi ulit ng tawad sa aking inasal, hindi kita agad nakilala. Akala ko kung sinong bata ang dinala ni Itay" hindi ako nakasagot sa kanyang sinabi.

Kung ganoon ay mayroon siyang kapangyarihang makaramdam ng panganib na paparating, ngunit hindi niya makita ang mga mangyayari, animo'y isang babala lamang. Ngunit walang tiyak na kasiguraduhan kong ito ngay mangyayaring tunay.

"Kayo po ay walang kasalanan. Akin din pong tatandaan ang inyong babala. At sana kapag dumating ang panahon na iyon, maalala ko pa ang mga bagay na inyong sinabi. Marami pong salamat sa inyong babala, asahan niyo pong hindi ko ito kakalimutan, hanggang sa dumating ang araw na iyon." pakiramdam ko'y nangangako ako sa isang bagay na hindi ako sigurado kong kaya ko bang gawin. Ngunit, alam kong hindi ako pababayaan ng kaitaasan kong sakaling ang panahon na iyon ay dumating.

"Apo, ika'y kumain muna. Alam kong gutom kana galing sa ating byahe. Mabuti na lamang at may dala sila Sebastian ditong pagkain." mukhang naramdaman narin ni Lolo ang kaganapan kaya naman siya na mismo ang gumawa ng paraan para ang usapan ay pansamantalang matigil man lang.

Lumapit ako kay Lolo, ng bigla akong may maalala. Naalala kong mas matanda nga pala ako sa kanya ng ilang daang taon.

"Ano pong itatawag ko sa kanya, Lolo?" bulong ko kay Lolo

"Mas mainam kong tatawagin mo siyang Tiyo." balik niyang bulong sa akin. Kahit papano, kailangan ko paring gumalang sa kanya. Sa mata kasi ng mortal, mas bata ako sa paningin nila.

"Tiyo—" naputol sa ere ang sasabihin ko ng magsalita siya.

"Tito na lang." sabi niya.

"Sige po. Maraming Salamat po, sa pagkain." sabi ko sa kanya. At saka ngumiti.

To be Continued.

                                                         M. J | MissGorJuice

MissGorJuice

Please read guys!!!!!

| Like

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status