Share

ANG SIMULA : PROLOGO

VAMAILA TERESE

MANY YEARS AGO

Isang digmaan. Punong puno nang mga dugo ang mga espada, at puro mga patay na katawan ang makikita. Wala nang mga buhay ang mga iba. At nakikipaglaban na lamang sila sa kung anong bagay ang pinaglalaban nila.

Hanggang ang buong paligid ay napalitan, nawala na ito sa mga taong nakikipaglaban at nakikipagdigma, bagkus ay napunta ito sa isang babaeng, nagdadalang tao. Hawak ang kanyang malaking sinapupunan, pinipilit niyang umalis sa lugar na kanyang kinalalagyan.

Kasama ang isang lalaki. Mas matangkad ito sa kanya, maputla ang balat, at sobrang pula ang kanyang labi. Ang kanyang itsura ay hindi mo mapipintasan. May dala-dala siyang angking kagwapohan.

Ang hula ko sa  taong nagsasaksihan ko ay

ang mga taong nasawi noong unang digmaan sa pagitan nang mga Bampira at Mangkukulam.

Marami ang trumaydor sa mga parehas nilang kauri, ang iba naman ay lumaban hanggang sa huli, ngunit mas marami ang nasawi kaysa ang nakaligtas sa matinding labanan. Mabibilang lamang sa daliri ang nanatiling tapat sa kung anong pinaglalaban, ngunit hindi narin nila ito nagawang pinaglaban.

Ano nga bang laban nila sa mga mangkukulam na halos hindi mamatay kahit anong gawing pananaksak nang mga bampira. Maliban na lamang kung mahuhugot nila ang puso nito o masusunog sila at magiging abo, ngunit ang sabi nang mga ito ay hindi naipapanganak ang sanggol na pupuksa sa kagaya nilang makapangyarihan sa mundo.

Samantalang ang iba naman ay nanatili sa kung anong pinili nilang landas. Ang iligtas ang anak nilang naging sanhi nang kaguluhan.

Ang babaeng galing sa angkan nang mga Mangkukulam na may dugo rin ng isang bampira na dala-dala ang maharlikang apelyido nang mga Sadiya, at ang Lalaki na galing sa angkan nang mga bampira, dala-dala rin nag maharlikang apelyido ng mga Terese.

Isinilang niya ang bata sa ganap na hatinggabi, petsa dalawa nang Nobyembre.

Ipinanganak siya sa mismong pagsasanib nang araw at buwan, o mas kilala sa tawag na Eclipses. At naging patunay rito ang pagiging pula nang buwan. Ipinanganak kasi ang sanggol sa mundo ng mga tao, at hindi sa kanilang mundo, kung kaya't madali lamang silang natagpuan ng kanilang kaaway.

At doon nagsimula ang takot sa parehas na angkan, at ninanais na puksain ang bata, ngunit ang dala-dala niyang kapangyarihan ay mas malakas pa kaysa sa kanila. Walang makaka-angat sa kapangyarihang taglay ng bata— siya'y nabubukod tangi at wala ng iba pa.

Ang kanyang ina.. Na may dugo ng isang Diyosa, ngunit may dugo rin ng isang bampira. Naging malupit sa kanila ang tadhana, hindi nila nais na mangyari ito sa kanila. Ngunit huli na ang lahat, nangyari na ang mga naganap. At ito'y hindi kaaya-aya sa kanyang mga angkan na nanonood lamang sa kalangitan, kung saan siya'y hindi na kailanman makakaapak..

Ito na nga marahil ang sumpa at kapalit ng kanyang mga kasamaan na ginawa sa kanyang angkan, ang pagtataksil sa isang bagay na kanya lang naman ninais at gustong makamtan. Ngunit, paanong ang batang kanyang karga naman ngayon, ang susi sa kanyang inaasam rin na kasarinlan.

Naging sakim ang bawat angkan, nang dahil ito sa impluwensya ng isang Diyosa ng Kadiliman na mas masahol pa kaysa sa iba niyang nakasalamuha at maging sa kanyang naging nakaraan.

Ngunit ano na nga ba ang magagawa niya? Ang nakatadhana sa kanyang anak ay naisulat na, at wala na siya doong magagawa.

Ngunit, hanggang sa kanyang huling hininga ang nais niya lamang na mangyari sa bata ay maging ligtas. At wala na siyang ibang panalangin kung hindi iyon lamang. Sa kanyang pagtangis ang hindi inaasahan na kanyang gagawin ay nagawa niya.

Siya'y lumuha at yumuko. Nagawa niya ring lumuhod, habang yakap-yakap ang sanggol na ito, at kanyang asawa naman na nag-aabang sa mga mangyayari sa paligid.

Humagolgul siya at umusal ng panalangin.

"Kapatid ko, na Diyosa ng Buwan. Nais kong humingi ng iyong gabay. Kahit sa aking anak na lamang. Iligtas mo sana siya sa mga nagbabadyang mga panganib. Bigyan mo siya ng maayos na tirahan at palakihin mo sana siya ng maayos. Alam kong hindi ito ang tamang oras para sa bagay na ito, ngunit ako'y humihingi ng tawad." ang kanyang tinig na nagsusumamo at nagsisisi sa mga bagay na kanyang nagawa na at natapos.

"Ako'y nagsusumamo sa iyo, kapatid ko. Bilang tagapagligtas sa kadiliman ng mundong ito, tulungan mo rin sana ng bukal ang anak kong magdadala rin ng kasarinlan sa mundong ito." mula sa kanyang pagtangis ay nabuo ang isang liwanag na ngayon niya lamang nagawa sa buong buhay niyang namamalagi sa mundong ito.

Hindi niya kailanman hiniling na magagawa niya pang humingi ng tawad at awa para sa kanyang kapatid na halos nasaktan niya na at nagawan pa ng masama, ngunit narito siya nakaluhod ngayon at nagsusumamo na sana marinig ng kanyang kapatid ang panalangin na sinambit niya.

Ang liwanag na iyon ay lumago, hanggang sa naging isang kalasag. At sa puntong iyon, nalaman niyang kahit anong kasalanan man ang kanyang nagawa siya parin ay pinakinggan ng kalangitan at sa oras na ito, kahit anong bigat na parusa ang kanyang makamtan sa oras na iyon tatanggapin niya dahil sa huli ang kanyang panalangin ay natupad na.

——

Isang batang babae ang nakikita ko. Ang hula ko'y nasa sampung taon gulang na ang batang ito. Ang mahaba niyang buhok, na umaabot hanggang sa kanyang baywang, kulay itim ito at kumikinang kapag natatamaan ng sinag nang araw.

Ang kanyang itsura ay walang kapantay sa kagandahan. Ngunit bakit niya nakikita ang batang ito? Sino nga ba siya? O marahil isa nanaman ito sa mga alaalang nakalimutan niya? Siya nga ba ito, at nagbalik sa pagiging bata? O baka nasa isang panaginip nanaman ba ako?

Ang kanyang mga mata, na kulay Lila at Asul. Nangangahulugang galing siya sa isang malalakas na angkan, ngunit ang pagkakaiba, dalawa ang pinanggalingan niyang angkan, ang Asul ay galing sa mataas na angkan nang na kung tatawagin ay nasa mga katungkulan na nang isang Diyosa habang ang isa naman, ang kulay Lila ay galing sa maharlikang angkan nang mga bampira.

Walang may alam kung paano iyon nangyari, ngunit ang tanging alam lamang gawin nang parehas na angkan ay magamit sa isang hangarin ang bata at iyon ay ang gamitin siyang armas sa mga may nais pumuksa sa parehong lahi. Dahil alam nila ang kakayahan nang bata.

Isa lamang akong hamak na pulubi. Ulila at wala nang katuwang sa buhay, maraming may ayaw sa akin, ang isang dahilan na roon ay ang kulay nang mga mata ko.

Kagaya nang bata sa aking panaginip, ganoon eksakto ang mata ko. Walang pinag-kaiba.

Para sa isang limang taong gulang na bata, o talaga nga bang limang taong gulang na ako? marami na akong nalalaman.

Marami narin akong nagawa, ngunit hindi ko lamang pinapahalata. Kung sa mata ng ibang tao, isa lamang akong pulubi na pakalat-kalat, kung ganoon nagkakamali sila.

Ever since I born, I have a lot of abilities, na kahit ang mga magagaling sa kung anong larangan ay hindi kayang ipaliwanag. Ngunit pakiramdam ko hindi pa lahat ng iyon ay lumalabas. Sa pangitain kong iyon, para bang ang lakas lakas ko.

I can bring someone life back, but I can't help myself to bring my life back, if ever I died. Iyong ang kapalit nang kapangyarihan ko, kaya kong bumuhay nang ibang buhay, ngunit hindi ko kayang ibalik ang sarili kong buhay, ganoong kapalaran ang kinalalagyan ko. Bagay na tanging may dugo ng isang Diyosa lamang ang nakakagawa.

May mga bagay na hindi ko maipaliwanag, pakiramdam ko'y may komukontrol sa aking pagkatao. O kaya naman ako'y may dalawang pagkatao at ang tanging isa pa lang ang siyang gumagalaw at nagpapagalaw sa sarili ko.

Ngunit iba na ang usapin kong tungkol sa mga pangitain ko ang pag-uusapan, hindi na sa dalawang pagkatao ko ang may kasalanan, kung hindi isang pangyayari sa buhay ko na nangyari na at nais na lamang nito ibalik.

Pakiramdam ko ang mga nangyari nitong nagdaang taon ay napakarami na. Hindi ko na mabilang. Nararamdaman ko sa sarili kong may kakaiba. Ngunit hindi ko pa iyong matukoy.

Ako'y isang bampira na mangkukulam. Iyon lamang ang alam ko, dahil iyan din ang sinabi nang matandang iyon. Ngunit hindi ko alam ang kanyang pangalan.

Nasa panaginip ko siya lagi, para bang ang dami niyang naging ambag sa buhay ko kahit hindi ko naman talaga nakikita sa personal, basta't ang alam ko tungkol sa kanya ay ang pagsusuot niya ng isang kwentas na kagaya sa mga anghel at ang kanyang balabal na kulay puti.

Kung isa man siyang anghel, dapat ay galit siya sa akin, at kamumuhian ngunit iba ang pinapakita niya sa akin. Kaya anong magagawa ko upang pag-isipan siya nang masama?

Hanggang sa nagulat na lamang ako isang araw— ang matandang nakikita ko lagi sa aking panaginip ay nasa harapan ko ngayon.

Ang itsura niya'y batang-bata at ang wari ko'y nasa edad tatlumpu't limang taong gulang. Nakasuot nang kwentas na sumisimbolo sa mga anghel. Ang kanyang mata ay nagliliwanag, at animo'y sinusuri ang aking buong pagkatao.

"Ako ang nakatalagang magbabantay sa iyo. Ika'y magiging anak ko, apo ko, hanggang sa ako'y bumalik sa kanya. Akin kitang kukupkopin. Tuturuan kita nang mga dapat mong malaman, kung paano maging isang totoong tagapangalaga nang mundo. Isang malaking gampanin ang naka-atang sa iyo. Dalawang uri nang propesiya ang lumabas, at pangatlo dito'y nagsilbing sumpa." isa siyang 'babaylan' mga taong nagngangalaga sa pareho na mundo.

Sa kaayusan at pakikitungo nang mga anak nang liwanag at dilim.

Wala akong nalalaman sa mga sinasabi niya, ngunit pumayag ako sa kanyang kagustuhan. Totoo nga ang kanyang sinabi, siya'y naging ama ko, naging lolo ko hanggang sa ngayon.

Hindi nagbago ang aking edad, pakiramdam ko'y isa parin akong batang hindi man lang tumanda o nadagdagan ang edad. Ngunit tooo ang aking nakita sa aking panaginip.

Ang batang babae pala na nakita ko sa aking isip ay ako.

At ang kanyang ngalan ay Vamaila Terese...

                               M. J | MissGorJuice

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status