Hindi si Cerise palainom kaya mababa ang alcohol tolerance niya. Matapos siyang tagayan ng tatlong baso ni Izar nagsimula na siyang mag-isip na huminto dahil hindi na maganda ang nararamdaman niya. “Kuya Izar, madali akong malasing.”“Alcohol tolerance is practiced. Magkakakilala tayo ngayon na nandito, it’s the best time to practice. Sa susunod hindi lang isa ang dadaluhan mong mga social gatherings, kung doon ka malasing, pagsasamantalahan ka nila.” Saad nito.“I can testify to this. Totoo ‘yan kaya mabuti nang hasain mo na ‘yang tolerance mo ngayon.” Komento naman ni Kara.“Okay! Kaya here’s another one.”Ayaw na niya talaga. Nararamdaman na niya ang pagkahilo.“Ah oo nga pala, may isa pa tayong dapat ipagdiwang. Izar, Sigmund, trending ngayon na Ceri and I are sworn sisters!” Kinuha ni Vivian ang kanyang juice at masayang itinaas ito.Pero ang karaniwang maghihiyawan pagkatapos, ay humantong sa katahimikan.“Ceri, you won’t be touched by anyone especially na kami ang backer mo. ‘D
Yinakap ni Sigmund ang hindi na makatayong si Cerise. Pumasok siya dala ito sa mga bisig niya, sinarado ang pinto, at yumuko upang tingnan ito. Hindi man lang madilat nang mabuti ang mata nito. “Sofa o kama?”Gumalaw lang ang talukap ng mga mata nito at umangat sa pagkakadala ni Sigmund. Hindi pa rin niya ito nilalapag. Itinaas nito ang ulo nito para makipag-usap pero sumandal parin kay Sigmund. “Kahit ano.”“Kahit ano?” Napalunok naman si Sigmund.“Kahit ano! Sofa o kama, wala akong pakialam!” Saad nito at nahiga rin pagkatapos.Lumalim ang tingin ni Sigmund sa dalaga. “Then, bed it is.”Hindi na kumibo si Cerise at sumiksik nalang dibdib ni Sigmund. Inilapag siya ni Sigmund sa kama. Dahan-dahan at maingat, inalalayan niya ang likod ng ulo nito, at humiga sa tabi ni Cerise. Dumilat naman ito at lokong ngumiti sa kanya.“Ano?”“Halika nga dito.” Malambot itong ngumiti at hinila siya palapit sa tabi nito. Kumbinsido naman si Sigmund na lasing na lasing ito. Dahil kung hindi, alam niyan
Kung kailan ay mawawala na sa kontrol si Sigmund ay narinig niya ang paghilik ni Cerise. Nakatulog na pala ito.Bagamat nainis, gusto niyang matawa dito.Maayos niya itong inihiga at kinumutan at nagpasyang maligo muna.Pagkalabas niya ng banyo ay nadatnan niya itong nakaupo sa kama. Pikit ang mata at suot ang kanyang polo. Hindi ata nito nakita ang blouse nitong tinapon niya kanina palayo.Nag-unat ito at may kung anong inabot sa kanyang likod at paglabas ng kanyang kamay ay dala na ang kapirasong tela sabay tapon sa kung saan. Nasulyapan pa ni Sigmund ang pagngiti nito bago makabalik uli sa pagtulog. Dahil nakaharap ito sa direksyon ng banyo ay kita niya ang nakangiting pagtulog nito.Napalapit siya dito at tiningnan niya kung ano ang itim na tela nitong tinapon, sabay tingin sa dibdib nitong bahagyang nakikita.Napalunok siya sa nasaksihan at nag-iwas ng tinginPilit niyang nilalayo ang tingin habang binubutones lahat ng butones ng polo niya na suot nito.“At bakit ka naman tinangg
Nainis si Cerise dahil naisip niyang bata parin ang turing nito sa kanya.Hindi nagtagal ay tumunog ang cellphone ni Sigmund, hindi niya ito sinagot sa halip ay in-on lang nito ang silent mode.Agad namang naisip ni Cerise na si Vivian ito kaya hindi niya mapigilang hindi magtanong, “Hinahanap ka ni Ate Vivian, tama ba?”“Kung ayaw mong tawagin siyang Ate Vivian, you can call her Vivian. Hindi mo kailangang pilitin ang sarili mo,” seryoso nitong sabi.Napaisip naman si Cerise kung ano ba ang pinagsasabi niya kagabi. Posible bang nagreklamo siya tungkol kay Vivian? Kung sakaling oo man, bilang na ang mga araw niya. Baka sa paningin ngayon ni Sigmund ay isa siyang kawawang babae na hindi man lang tumatanaw ng kabutihan.Napayuko nalang si Cerise at nagpatuloy sa pagkain sa lugaw.“By the way, tumawag si Percy at sinabing magpapalit kayo ng shift ngayon, kaya magpahinga ka muna,” ani Sigmund.Natulala naman si Cerise at naalalang sinagot pala nito ang tawag para sa kanya, “Oh.”Pagtango
“Cerise,” tila pagsaway sa kanya ni Sigmund, tila hindi niya inaasahan ang tanong na ito galing sa dalaga.Ngumiti naman siya, “Biro lang. Alam ko naman kung ano ang halaga ko sa’yo, bakit ka pala pumunta dito? Paalala ko lang, hindi kita papatulugin ngayon dito.”Bigla namang humangin at linipad ang buhok ni Cerise kasabay ang paglapit ni Sigmund sa kanya, “Curious lang rin ako, alam mo ba talaga kung gaano ka kahalaga sa akin?”Ang mukha nito’y napakaamo at tila hindi ang karaniwang mabagsik na Sigmund.Tiningnan lang naman niya ito hanggang sa makalapit ito sa kanya. Huminto ang pag-ihip ng hangin habang ang puso naman niya’y lalong uminit.“Hmm?” Paalala nito ulit sa kanya.Binuka niya ang bibig niya, at dahil sa kaba ay kumalma muna siya at kalmadong tumugon, “Baka mga ilang piso!”Nagalit naman sa sinabi niya si Sigmund, at lumapit sa kanya, ang sapatos nito’y tumatama sa sapatos niya.Nawala naman sa balanse si Cerise at natumba. Agad naman siyang nasalo ni Sigmund, yakap nito
Tila nabingi naman si Cerise sa sinabi ni Sigmund, “Ano? Anong mag-asawa?”Hindi nagsalita si Sigmund, kaya hindi na rin nangulit si Cerise.“Hindi ko pa nalalabhan ang mga damit mo, kokontakin nalang kita kung tapos na,” ani Cerise sabay tulak kay Sigmund pero hindi man lang ito naapektuhan sa pagkakatayo nito.“Ihahatid na kita sa pintuan.”Hindi na siya nakipag-alitan dahil alam niyang hindi ito magpapatalo. Nang makasakay sila ng elevator ay tinugon niya itong maghintay, “Ihahatid ko nalang sa’yo dito, hintayin mo nalang ako.”“Pintuan,” pag-uulit nito. “Sa pintuan kita ihahatid.”Nang bumukas ang elevator ay nauna pa itong maglakad sa kanya.“Dito ka lang, okay?” Saad niya bago i-enter ang passcode.“Buksan mo ang pintuan.”“Sigmund!”“I promise I’ll leave right away!” Hindi niya alam kung naiinis na ba ito, pero ramdam niyang seryoso ito kaya binuksan niya ang pinto.“Bumalik ka na sa condo ko, mahigpit sila sa mga sasakyan, hindi basta-basta nakakapasok ang kung sino.”Hindi ma
“Sandali,” saad ni Cerise bago tumungo sa opisina ni Percy. Pinanood sila ng mga katrabaho nila mula sa labas nito.“Alam mo bang magkababata ang anak ko at si Sigmund, noon palang ay gusto na nila ang isa’t isa, at itong babaitang ito ay biglang pumasok sa buhay nila. Ginawa niyang imposibleng ikasal ang dalawang tao na dapat kasal na. Kailangan mo akong tulungan!”Iniabot ni Percy ang tubig sabay ngiti, “Uminom po muna kayo.”Kumatok nang dalawang beses si Cerise bago pumasok at binuksan ang pintuan, “Director Colton, gusto ko pong ako mismo ang kumausap kay Mrs. Prescott.”Naramdaman ni Percy na mas mainam kung si Cerise ang kumausap dito. Nasa pribadong espasyo na sila at hindi rin naman basta-basta masasaktan ni Mrs. Prescott si Cerise kaya lumabas siya.Napatingin naman si Mrs. Prescott sa pumasok, at bago pa man niya mainom ang tubig na binigay ni Percy ay inilapag na niya ito.“Cerise kung gusto mo pang magtagal sa lugar na ito at tumira dito, lumayo ka kay Sigmund,” pagbaban
Labag man sa kanyang kalooban ay lumapit parin si Cerise, “Young Master!”“No need to call me that, they know.”Makahulugang sabi ni Sigmund nang makalapit siya. Nagsilbi naman itong masamang hangin kay Cerise at kinuha ang inalok nitong braso, hanggang sa napalapit sila sa nagkukumpulang grupo ng mga lalaki.“Our Cerise works at our provincial TV station, balita ko ay maraming manliligaw siya. Halos lahat ay gusto siya. Maganda siya pero…”Tumingin ito sa kanya bigla at ngumiti hanggang sa maningkit ang mga mata, “…paborito siya ng dalawang matanda ko, kaya hindi siya para sa lahat.”Matapos ang mga katagang iyon ay para namang isang banta ang binitawan ni Sigmund, halos walang nagtangkang huminga dahil pakiramdam nila ay hindi ni Sigmund papalampasin. Mas lalo naman ang boss na nag-alok sa kanya ng presyo kapalit niya.Ang ibig sabihin ng hindi para sa lahat ay pagmamay-ari na siya ng Beauch Group, pero paano naman ang nababalitang kasintahan ni Sigmund? Marami man ang tanong ng baw
Kinabukasan ng umaga, kumatok ang isang katrabaho ni Cerise sa kanyang pinto, balak na nilang bumalik sa Pearl Pavilion pagkatapos mag-almusal nang magkakasama, ngunit walang nagbukas nito.Sa wakas, kinuha na ng staff ang room card para buksan ang pinto, pero natutulog pa rin si Cerise sa sofa."Cerise?""Cerise?"Hilong-hilo si Cerise nang narinig niyang tinawag siya ng isang kasamahan, ngunit hindi niya marinig ito nang malinaw.Nagmasid naman si Percy at dalawa nilang lalaking kasamahan sa gilid. Hinimas ng babaeng katrabaho ang kanyang mukha ngunit hindi ito gumana, hindi parin magising si Cerise. Tinanong nito si Percy, "Sir Colton, gusto mo bang tawagan ang pamilya niya?""Huwag na nating palakihin pa ang pangyayari, dalhin muna natin siya sa ospital para makasigurado tayo sa kalagayan niya. Doon na tayo magpasya kung anong gagawin pagkatapos."Mabilis na pagpapasya si Percy.Pagkarinig nito, ay naghanda silang umalis papuntang ospital.Si Percy lang ang nakakaalam na wala siy
Nang maglaon, lumabas silang dalawa sa ward at nasa elevator na naman.Si Cerise ay nakatayo pa rin sa gilid, ang isang kamay ay nakasandal sa dingding ng hagdan, at ang isa ay nakakapit sa malaking ponkan.Si Sigmund ay nasa parehong posisyon pa rin nang umakyat sila. Ayaw niyang sumandal sa pader, dahil nararamdaman niyang marumi ang mga taong sinasandalan ng iba, ngunit nang sumandal si Cerise sa kanya, medyo na-distract siya.Ilang beses na ba niyang idiniin ito sa dingding, at ang nangyari sa kanila noon sa isang elevator din, biglang lumitaw sa harap ng isip niya ang mga eksena na iyon.Nararamdaman ni Cerise na pinagmamasdan siya nito, ngunit nagpasya siyang huwag tumingin sa kanya kahit na bugbugin pa siya nitoAng mga tao ay napakakomplikadong nilalang. Sa oras na sumuko sila, hindi na sila bumabalik sa dati. Kahit na minsan ay namimiss nila ang buhay na iyon, alam nila sa sarili na hindi na ito mababalik.Ganoon din ang nararamdaman ni Cerise kay Sigmund, isang pakiramdam ng
Sa pagkakataong iyon, si Sigmund naman ang nagulat. Lumingon siya sa bintana ng sasakyan upang itago ang kanyang ngiti, ngunit nakita niya ang kanyang nakangiting repleksyon sa salamin kaya agad niyang hinuwisyo ulit ang sarili.Pagdating nila sa ospital, pumasok sila sa elevator at pumwesto nang malayo sa isa't isa. Hindi napigilan ni Sigmund ang mapangiti nang makita niyang iniiwasan siya ni Cerise. "Iniiwasan mo ba ako nang ganito dahil natatakot kang bigla kitang sunggaban?" Mahigpit na pinilipit ni Cerise ang kanyang mga kamay sa likuran niya. Hindi niya inaasahang mahuhulaan ni Sigmund ang nararamdaman niya nang ganoon kabilis. "Huwag kang matakot, hindi naman ako halimaw." May bahagyang kapilyuhan sa kanyang ngiti, ngunit natakot pa rin si Cerise. Bago pa marating ng elevator ang palapag kung saan naroon si Mamita, bigla itong huminto. Napatingin sila sa labas at nakita ang isang pamilyar na mukha na nakasuot ng hospital gown. "Sig, pumunta ka dito para sa’kin? Ang galin
Tanghali nang kumain sina Sigmund, Izar, at Winston sa Ficos, at inihatid ang sulat kay Sigmund."Isang lalaking nakasuot ng itim ang may dala nito, injured ang braso niya, at nagmamadali siyang umalis. Wala rin itong sinabing pangalan.”Ang impormasyon na iyon ay mula sa isang reporter at nagsumbong kay Sigmund.”Kumunot ang noo ni Izar at bumulong "Bali ang braso?""Mabuti naman at napigilan ‘yan. Ano ba’ng maligno ang may galit kay Riri at para magsunod-sunod ang kamalasan sa buhay niya?”Nagtanong din si Winston nang may pagtataka."Vivian."May kumpiyansa na sinabi ni Sigmund ang salitang iyon.Hindi makapaniwalang napatingin sa kanya sina Izar at Winston.Unang tumingin si Sigmund sa taong nakatayo sa tabi niya "Salamat sa tulong mo ngayon, pakialagaan mo ako rin ako sa susunod."Matapos makuha ang sobre ng pera, ay magiliw itong tumugon. "Hangga't may malaking balita si Mr. Beauch, maaasahan niya ang serbisyo ko."Matapos ay silang tatlo na lang ang naiwan sa pribadong silid, t
"Pumunta ako para dalhan ka ng almusal."Napansin ni Percy na medyo pawisan si Cerise, pero hindi naman siya mukhang kakatapos lang mag-ehersisyo, kaya nagduda siya.Binuksan ni Cerise ang password ng pinto, pero bigla siyang tumigil at tumingin kay Percy, "Medyo marumi ang bahay ko.""Oo, alam ko. Nakabalita ako.”Tumango si Percy at kalmadong sumagot.Nagtataka si Cerise, "Ano ang nabalitaan mo?""Sinabi ng kapitbahay mo na may nagdala ng pulang pintura para ibuhos sa’yo at tinangka kang saktan."Binuksan ni Percy ang pinto para kay Cerise, at agad na naamoy niya ang amoy sa loob, pero pumasok pa rin siya.Kusang tumingin si Cerise sa kabilang panig.Mga kapitbahay?Hindi pa niya nakikita ang mga kapitbahay sa kabilang bahagi ng building. Akala niya ay isang lumang gusali lang ito na walang masyadong nakatira.Sinundan siya ni Cerise papasok at nakita niyang nakatiklop na ang manggas ni Percy. "Huwag mong isipin na linisin ‘yan. May tinugon na si Sigmund para maglinis n’yan.."Lumin
Alam ni Cerise ang ibig nitong sabihin. Nanlaban siya, ngunit magkahawak ang kanyang mga kamay sa mga daliri nito at hindi siya makagalaw.Dalawang beses na dinampihan ni Sigmund ang kanyang maputing leeg gamit ang manipis nitong labi, at biglang sinipsip nang malakas.Masakit.Sobrang sakit.Kumukulo ang dugo sa kanyang katawan nang mga sandaling iyon.Malungkot siyang umungol, at kapalit nito ay hinalikan siya ulit nito nang malakas.Binitawan siya ni Sigmund pagkatapos ng mahabang panahon, hinihingal at bumubulong sa kanyang tenga, "Nararamdaman mo ba?"Nakaramdam si Cerise ng pagkadismaya at gusto niyang saktan ito, ngunit nakatali pa rin ang kanyang mga kamay gamit ang isang kamay nito, kaya pinigilan niya lang ang kanyang galit at nagtanong: "Sigmund, ano ba ang gagawin mo?""Para lang sabihin sa iyo, kaya ko ba o hindi?"Bumulong siya sa kanyang tainga, ang kanyang mga labi ay marahang hinahalikan ang gilid ng kanyang tenga.Sa malaking bahay, habang nasa isang sulok, ay tila k
Biglang tumunog ang doorbell, at naharang ang taong naghahandang tumakas."Mommy! Bakit ang tagal mo?""Bakit mo pinalitan ang password?""Ah? Sabi ni Young Master baka daw hindi ligtas, kaya pinalitan ko. Ang bagong password ay...""Sige na, sige na, huwag mo nang sabihin kung pinalitan mo. Mag-iingat nalang ako para hindi ko kayo maistorbo sa paggawa ng apo ko.”Nahaharap sa pagkabalisa ni Cerise, tiningnan siya ni Mrs. Beauch nang may malabong mga mata, at tinanong siya habang hinihila siya papasok.Dinala siya ni Mrs. Beauch para umupo sa sofa. Ang bahay na dating malamig ay naging mainit dahil sa pagdaragdag ng isang pamilyar na kapamilya.Tiningnan siya ni Mrs. Beauch nang may kasiyahan: "Baby, kung may nagawa si Sigmund para masaktan ka, susuportahan ka ng buong pamilya namin para makipaghiwalay, pero wala naman siyang ginawang hindi tama. Ang gusto lang naman ng pamilya namin ay ang magsama kayo.”"Mommy, wala talagang nangyari sa amin!"Alam ni Cerise na iniisip ni Mrs. Beauc
Si Cerise ay sobrang takot na sumandal siya sa gilid ng bathtub at hindi nangahas na gumalaw.Biglang inabot ni Sigmund ang tubig, hinawakan ang isa sa kanyang manipis na mga binti, at pagkatapos ay sumandal.Bumilis ang tibok ng puso ni Cerise, tila naamoy niya ang panganib na naghuhudyat, at gustong sipain ito.Madaling napigilan ni Sigmund ang kanyang manipis na mga binti, at sinabi habang papalapit, "Pagkatapos maligo, linisin mo ang bathtub para sa akin, naririnig mo ba ako?"Bumulong siya sa kanyang tenga habang nagsasalita, at umalingawngaw ang katahimikan."Narinig kita!" tanging sagot niya dahil sa kaba.Nang maabot ng kamay ni Cerise ang kanyang hita, namumula ang kanyang mukha at wala siyang magawa kundi sumuko.Medyo nasiyahan si Sigmund, ngunit nang makita ang kanyang pulang tenga, nag-atubiling umalis siya.Bahagyang tumaas ang mahaba at makapal na pilikmata ni Cerise, ngunit hindi niya siya nakita, ngunit mas naramdaman niyang mapanganib ito.Umabot ang kamay ni Sigmund
Pagkatapos umalis, pumunta si Sigmund sa doktor na nangangalaga kay Vivian, at pagkatapos ay nagkaroon siya ng isang buong araw na puro meetings.Umalis siya sa opisina nang maaga at dumaan sa TV station bago matapos ang araw.Gayunpaman, si Kara ang sumalubong sa kanya. Kilala na ni Kara ang kanyang sasakyan kaya agad siyang lumapit upang batiin siya. “Hindi ba tinawagan ni Mr. Beauch si Cerise? Umalis siya agad pagkaraan ng taping.” "Salamat." Seryosong sagot ni Sigmund, saka siya umalis. Habang nasa daan, tinawagan niya si Cerise, ngunit hindi ito sumagot. Tinawagan niya ang matandang ginang at nalaman niyang nasa ospital si Cerise buong hapon. Hindi na niya hinintay matapos magsalita ang matanda at agad siyang nagtungo sa ospital, ngunit muli siyang nadismaya. "Ang tanga mo ba? Hindi mo man lang ako hinintay matapos magsalita!" Nang makita ng matanda ang kanyang nagrereklamong itsura, siya naman ang naunang nagreklamo. Tumayo si Sigmund sa tabi at napabuntong-hininga, "Pakau