Home / Romance / Until Divorce Do Us Part / Chapter 32: Where He Belongs

Share

Chapter 32: Where He Belongs

Author: Lyric Arden
last update Last Updated: 2025-01-12 21:06:45

“Hinatid mo na ba ang Baby Riri ko?” Tanong agad ni Izar nang sagutin ni Sigmund ang tawag.

“Oo.” Iritang sagot nito.

“Oy oy. Ano bang gusto mo ha? Bata pa si Cerise, hindi ka ba natatakot na hindi niya matiis ‘yang ugali mo at biglang lumayas? Tumino ka naman kahit saglit.”

“At saan naman siya pupunta?” Tanging nasabi nito bago pinatay ang tawag. Hindi siya bumaba agad nang nakarating sila kaya ngayon ay mag-isa lang siya sa kotse. Napatingin naman siya sa cellphone niya at sinearch ang IG ni Cerise. Wala man lang ito ni isang message para sa kanya, kaya napadako siya sa mga pictures nito.

Nadagdagan iyon ng picture mula sa kaninang date nila ni Izar. Napakatamis ng ngiti nito. Kailan ba ito nila kinuha? Hindi niya maalalang nagselfie pala ang dalawa. Nadako ang tingin niya sa mga daliri ni Izar na nasa balikat ng asawa. Biglang may pumasok sa isip niya pero nahinto iyon nang biglang bumulabog ang kilala niyang ringtone.

“Hello?”

“Sig, pupunta ka ba ngayong gabi dito?”

“Oo.”

Tumang
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Related chapters

  • Until Divorce Do Us Part   Chapter 33: Harbored Feelings  

    Tiningnan ito ni Sigmund at nawala ang ngiti sa mga mata niya. “Oo. Hindi dapat ikaw…”Ayaw ni Cerise tingnan ito at yumuko nalang.Nang aabutin na sana niya ang kamay nito ay agad naman itong umilag. Nalaglalg sa hangin ang kamay niya kasabay nang pagkidlat, dalawa silang napalingon sa bintana.“Umalis k-”“Ayoko!” Agad namang pagputol niya sa sasabihin ni Cerise.Bumilis naman ang tibok ng puso ni Cerise. Nabingi lang ba siya? Bakit parang bata yung kaninang kausap niya?“Masyadong malakas ang ulan. Siguradong baha na sa ilang lugar. Hindi kakayanin ng kotse ko.”Napairap naman sa kawalan si Cerise. “E di sa sofa ka matulog.”“Ayokong matulog sa sofa. Hindi ako sanay.”“Tatawag ako para may kumuha sa’yo.” Ayaw ni Cerise makipagtalo pa dito, mas lalo na ang makisalo sa isang silid.“At sino naman ang tatawagan mo? May sariling pamilya rin si Manong Roger. Kung lalabas siya nang ganitong oras at may masamang mangyari, sino ang mananagot sa ating dalawa? Ikaw ba?”“Pero maghihiwalay na

    Last Updated : 2025-01-13
  • Until Divorce Do Us Part   Chapter 34: You’re the Only Certainty  

    Nang sumunod na araw ay maaliwalas na ang panahon, parang kumikinang ang sinag ng araw na pumapasok sa bawat bintana ng apartment ni Cerise. Marahan itong dumadampi sa balat ng taong kalahating-hubad na nakahiga sa sofang masyadong maliit para dito.Tahimik na lumabas si Cerise sa kanyang kwarto habang may katawag. Nang madako ang tingin niya sa lalaking mahimbing ang tulog sa sofa ay napahinto siya. Bago pa man niya maproseso ang mga nabubuo sa kanyang imahinasyon ay naglakad na siya papuntang pintuan ng apartment. Nang may marinig siyang katok ay agad niya itong binuksan.“Good morning, my baby Riri!”“Good morning, Kuya Izar.”Sumimangot naman si Izar dahil pakiramdam niya’y hindi masaya si Cerise sa pagdating niya dahil ‘di man lang nito pinantayan ang sigla niya. Napabungisngis naman si Cerise sa reaksyong iyon ni Izar.Na-cocornyhan man sa pagtawag sa kanya ni Izar na baby, hinahayaan nalang niya ito dahil alam niyang nagbibiro lang ito.“Nakita ko ‘yung kotse ni Sigmund sa baba

    Last Updated : 2025-01-14
  • Until Divorce Do Us Part   Chapter 35:  She Suffered Enough

    Matapos ihatid ni Izar si Cerise sa trabaho nito ay pumunta siya sa opisina ni Sigmund. Kakadating lang din nito sa trabaho, mga ilang minuto bago siya dumating. Pumasok siya at naabutang namimirma ng mga dokumento si Sigmund. Hindi man ito nag-angat ng tingin, alam nitong si Izar ang pumasok.“Huwag kang papayag sa ano mang gusto niya.” Saad nito habang patuloy na nagpipirma.Naiintindihan niya ang sinabi nito pero hindi niya mapigilang hindi magtanong. “Bakit? Gusto mo ba siya?”“Tsk.” Saad nito sabay ngisi.“Sigmund, hindi mo ba napapansin na parang nagbabago ka na? You actually spent the night in her small apartment. Hindi ka makatulog sa mga lugar na at least kalevel ng five-star hotel. Ganyan ang standards mo o nakalimot ka na?”“Her place meets my hygiene standards.” Huminto ito sa ginagawa bago sumagot at bumalik rin pagkatapos.Seryoso namang tiningnan ni Izar ang lalaking seryosong nagbabasa ng mga dokumento. Ayaw niyang magyabang pero alam niyang nagkukunwari lang ito at wa

    Last Updated : 2025-01-15
  • Until Divorce Do Us Part   Chapter 36: The Reality

    Pagkatapos niyang ilagay ang PIN ng lock ay tumuloy na silang dalawa. Nauna si Sigmund kaysa kay Cerise sa pagpasok, at hindi niya alam kung ano ang nararamdaman niya. Napatayo siya sa gilid ng pintuan hanggang sa nakaupo ito.“At bakit ka nandito?” Tanong niya.“May naiwan ako…” Tinaasan naman siya ng kilay ni Cerise. “…ano, ah lighter. Oo.”Napairap nalang si Cerise. “Saan mo ba naiwan?”Gustong ngumiti ni Sigmund sa iritado nitong reaksyon pero baka mabuko lang ang pagsisinungaling niya dahil iyon rin ang tanong niya sa sarili. Bakit ba siya nandito?“Balita ko kanina na gusto ka raw ulit makita ni Mr. Brown ngayong gabi?” Pagsisimula niya.“Nag-agree na kami na hindi ako magiging babae niya, at hindi niya dapat ako ipahiya dahil sa desisyon kong iyon.” Sagot nito habang patuloy sa paghahanap.“Paano? May hiningi ba siyang kapalit?”“Nalaman niyang maybahay ako ng pamilya Beauch. Asawa ng bagong boss ng Beauch Group.” May diing sabi ni Cerise pero halatang walang gana. Gusto na ni

    Last Updated : 2025-01-16
  • Until Divorce Do Us Part   Chapter 37: What Truth

    “Then go. Go and do it with him.” Tila nanghahamon na sabi ni Sigmund kay Cerise. Hindi naman nagpatalo si Cerise kaya tumayo siya at naglakad papuntang pintuan.“Cerise!”“Sigmund!” Bago pa ito magalit ay tinawag din niya ang pangalan nito.Natahimik naman ito nang makitang lumuluha na ang kaharap.“Sigmund, please… pakawalan mo na ako.”Tinitigan niya ito at bakas sa mga mata nito ang pagkammuhi. Hindi niya alam paano ipapaintindi ang pagod niya dito. Pagod na siyang pumagitna sa dalawa, kay Sigmund at Vivian, gusto nalang niyang maging malaya, masaya, at magmahal ng taong kaya siyang mahalin pabalik.Naiinis siya dahil hindi niya maintindihan ang gusto ni Sigmund. Kung talagang gusto nito si Vivian bakit pinapatagal pa nito ang paghihiwalay nila? Bakit hindi ito nagmamadali? Gusto ba nitong parusahan siya? Para sa ano? Ano ang kasalanan niya para maging karapat-dapat sa ganitong trato?-Hindi sila nagkita ng ilang araw matapos ang pangyayaring iyon. Kasabay nito ay ang balita tung

    Last Updated : 2025-01-17
  • Until Divorce Do Us Part   Chapter 38: Strings In A Knot

    Hindi si Cerise palainom kaya mababa ang alcohol tolerance niya. Matapos siyang tagayan ng tatlong baso ni Izar nagsimula na siyang mag-isip na huminto dahil hindi na maganda ang nararamdaman niya. “Kuya Izar, madali akong malasing.”“Alcohol tolerance is practiced. Magkakakilala tayo ngayon na nandito, it’s the best time to practice. Sa susunod hindi lang isa ang dadaluhan mong mga social gatherings, kung doon ka malasing, pagsasamantalahan ka nila.” Saad nito.“I can testify to this. Totoo ‘yan kaya mabuti nang hasain mo na ‘yang tolerance mo ngayon.” Komento naman ni Kara.“Okay! Kaya here’s another one.”Ayaw na niya talaga. Nararamdaman na niya ang pagkahilo.“Ah oo nga pala, may isa pa tayong dapat ipagdiwang. Izar, Sigmund, trending ngayon na Ceri and I are sworn sisters!” Kinuha ni Vivian ang kanyang juice at masayang itinaas ito.Pero ang karaniwang maghihiyawan pagkatapos, ay humantong sa katahimikan.“Ceri, you won’t be touched by anyone especially na kami ang backer mo. ‘D

    Last Updated : 2025-01-18
  • Until Divorce Do Us Part   Chapter 39: Alcohol and Feelings

    Yinakap ni Sigmund ang hindi na makatayong si Cerise. Pumasok siya dala ito sa mga bisig niya, sinarado ang pinto, at yumuko upang tingnan ito. Hindi man lang madilat nang mabuti ang mata nito. “Sofa o kama?”Gumalaw lang ang talukap ng mga mata nito at umangat sa pagkakadala ni Sigmund. Hindi pa rin niya ito nilalapag. Itinaas nito ang ulo nito para makipag-usap pero sumandal parin kay Sigmund. “Kahit ano.”“Kahit ano?” Napalunok naman si Sigmund.“Kahit ano! Sofa o kama, wala akong pakialam!” Saad nito at nahiga rin pagkatapos.Lumalim ang tingin ni Sigmund sa dalaga. “Then, bed it is.”Hindi na kumibo si Cerise at sumiksik nalang dibdib ni Sigmund. Inilapag siya ni Sigmund sa kama. Dahan-dahan at maingat, inalalayan niya ang likod ng ulo nito, at humiga sa tabi ni Cerise. Dumilat naman ito at lokong ngumiti sa kanya.“Ano?”“Halika nga dito.” Malambot itong ngumiti at hinila siya palapit sa tabi nito. Kumbinsido naman si Sigmund na lasing na lasing ito. Dahil kung hindi, alam niyan

    Last Updated : 2025-01-19
  • Until Divorce Do Us Part   Chapter 40: Gentle Mornings

    Kung kailan ay mawawala na sa kontrol si Sigmund ay narinig niya ang paghilik ni Cerise. Nakatulog na pala ito.Bagamat nainis, gusto niyang matawa dito.Maayos niya itong inihiga at kinumutan at nagpasyang maligo muna.Pagkalabas niya ng banyo ay nadatnan niya itong nakaupo sa kama. Pikit ang mata at suot ang kanyang polo. Hindi ata nito nakita ang blouse nitong tinapon niya kanina palayo.Nag-unat ito at may kung anong inabot sa kanyang likod at paglabas ng kanyang kamay ay dala na ang kapirasong tela sabay tapon sa kung saan. Nasulyapan pa ni Sigmund ang pagngiti nito bago makabalik uli sa pagtulog. Dahil nakaharap ito sa direksyon ng banyo ay kita niya ang nakangiting pagtulog nito.Napalapit siya dito at tiningnan niya kung ano ang itim na tela nitong tinapon, sabay tingin sa dibdib nitong bahagyang nakikita.Napalunok siya sa nasaksihan at nag-iwas ng tinginPilit niyang nilalayo ang tingin habang binubutones lahat ng butones ng polo niya na suot nito.“At bakit ka naman tinangg

    Last Updated : 2025-01-21

Latest chapter

  • Until Divorce Do Us Part   Chapter 136: Tangled in Silence  

    Sa kabilang bahagi ng lungsod, hindi tahimik ang umaga sa private apartment ni Vivian.Nakaupo siya sa harap ng salamin, pinagmamasdan ang sarili. Ilang ulit niyang tinangkang mag-makeup, pero nauuwi lang ito sa pagkabigo. Sa huli, binato niya ang mga mamahaling cosmetics at skincare sa sahig.Tumunog ang mga bote. Nagkalat ang mga piraso.Pumasok si Craig na nagulat sa gulo. Napatingin siya kay Vivian, nakaupo pa rin sa upuan, tahimik pero naglalagablab ang mga mata.“Lumapit ka rito,” malamig na utos ng babae.Nagdadalawang-isip man ay lumapit si Craig.Tumayo si Vivian, at bigla na lang yumakap sa kanya. Hinalikan siya nito, mariin, puno ng poot at pangungulila. May luha sa mga mata nito at napakaagresibo ng galaw nito.Pagbitaw niya sa halik ay mahina itong nagtanong, “Tulungan mo akong kalimutan siya. Kaya mo ba?”“Vivian…”“Please.”Muling hinalikan ni Vivian ang kanyang leeg, labi, at dibdib. Habang hinahaplos siya, pinasok ng kamay niya ang loob ng suot ni Craig, binubuksan an

  • Until Divorce Do Us Part   Chapter 135: Secrets That Don’t Sleep  

    Bigla siyang hinila ni Sigmund pabalik at sabay silang bumagsak sa kama.Nataranta si Cerise. Napakapit siya sa braso nito. Pagkatapos ng ilang segundong katahimikan, mahina siyang bumulong."Hindi yata tama 'to...""Bukas, may press conference. Sasabihin ko na asawa kita. At hindi ko na itatago."Ibinulong ni Sigmund iyon sa leeg niya—mababa, mariin, at puno ng paninindigan.“Hindi,” madiing sabi ni Cerise sa nanginginig niyang tinig. “Hindi tayo puwedeng magpa-press conference.”Bahagyang napatigil ang mundo. Nadadarang siya sa init ng katawan nito, sa seguridad ng yakap, ngunit nanaig ang katinuan.Dumikit si Sigmund sa leeg niya, at may bulong na dumaan sa balat niya gaya ng usok na may dalang apoy. “Ayoko nang maulit ang nangyari ngayon,” aniya, mariin ang tono.Ayaw na niyang hayaang harapin ni Cerise ang panganib nang mag-isa.Pumasok sa isipan ni Cerise ang nakaraan, ang araw na sinabuyan siya ng pintura sa harap ng media. Iyon ay isang kahihiyan, ngunit maituturing pang mabab

  • Until Divorce Do Us Part   Chapter 134: Still His Wife

    Natigilan si Cerise nang magtagpo ang tingin nila ni Sigmund. Sa isang sulyap pa lang, alam niyang nakita na nito ang mga sugat niya na pilit niyang itinatago. Naunawaan niya rin kung bakit ito bumalik sa pribadong silid para hanapin si Mr. Peterson. Ngunit sa kabila ng lahat, hindi niya mapigilang makaramdam ng hiya."Sigmund, tumigil ka na sa pagtitig," mahinang bulong niya.Ngunit hindi siya pinakinggan ni Sigmund. Sa halip, lumapit ito mula sa likuran at bumulong sa kanyang tainga, malamig ang tinig nito."Sino'ng nagbigay ng pahintulot para masaktan ka?"Napatigil si Cerise. Sa dami ng nangyari, halos hindi na siya makakilos. Akala niya, ligtas na siya, pero heto siya, pinapagalitan pa nga. "Saan ka pa nasugatan? Sasabihin mo ba, o gusto mong ako na mismo ang maghubad ng natitira mong damit para malaman ko?"Hindi na siya hinintay nitong sumagot. Parang seryoso nga ito."Ako na ang magsasabi! Ako na!"Taranta siyang napasigaw.Sa wakas, umangat si Sigmund mula sa kanya. Ngunit na

  • Until Divorce Do Us Part   Chapter 132: The Mask Falls    

    Binalewala ni Cerise ang kirot na gumagapang sa kanyang tagiliran. Ang tunay na takot ay dumapo sa kanyang sikmura nang mapansing naka-lock ang pinto, inilock ito ni Mr. Peterson.Tahimik ang tunog ng mga sapatos ni Mr. Prescott habang papalapit siya, mabagal, puno ng intensyon. Hinawakan nito ang basang manggas ng kanyang damit.Napaatras si Cerise nang di sinasadya. Napadikit ang kanyang kamay sa nabasag na salamin. Napasinghap siya at mabilis na inangat ito. Dugo ang dumaloy sa kanyang palad."Akala mo ba'y kaya kitang pagbigyan katulad ng ama mong inutil?" mariing bulong ni Mr. Prescott habang sinunggaban siya sa kwelyo at pilit siyang itinatayo. "Kung hindi dahil sa natitirang pakialam ng pamilya Beauch sa'yo, matagal ka nang wala. Hindi kita gagawing prinsesa tulad ng ginawa ko kay Vivian."Napilitan si Cerise na titigan ang kanyang mukha. Wala nang pagkukunwari. Sa isang simpleng pagkakatapon ng alak, lumabas ang tunay na anyo ng halimaw.Dapat sana’y masaya siya na nabunyag an

  • Until Divorce Do Us Part   Chapter 132: The Deal She Never Asked For  

    “Ako?”“Hm-hm.” mabilis na pagtango ni Spencer, pilit na ngumiti kahit hindi umaabot sa kanyang mga mata ang ngiti. “Kumain na tayo.”Dahan-dahan nilang tinapos ang hapunan. Pagkatapos, isinama ni Cerise si Spencer sa ilang kilalang lugar sa lungsod, ipinakita ang kultura at tradisyon ng Pearl Pavilion. Nang matapos ang paglilibot, tinawag niya ang taxi para ihatid siya pabalik sa hotel.Ginagampanan lang niya ang papel ng mabuting host. ’Yun ang iniisip niya.Pero hindi inaasahan ang sumunod.Pagkababa ni Spencer mula sa taxi, nakaharap na siya agad sa isang pamilyar na tanawin nang bigla ay may isang katahimikan nang makaramdam ng isang malakas na presensya.Si Sigmund.Nakatayo siya sa unahan ng isang grupo, malamig ang tingin na ibinabato nito kay Spencer. Mula roon, lumipat ang tingin niya sa likuran, sa taxi kung saan nakaupo pa rin si Cerise.“Manong, paandarin niyo na po,” utos ni Cerise sa drayber, kahit nanginginig ang kanyang mga daliri.Umalis agad ang taxi, iniwan si Spen

  • Until Divorce Do Us Part   Chapter 131: Lines We Can’t Cross

    “Sig?” Halos pabulong na lumabas ang pangalan niya sa labi ni Cerise nang sinagot niya ang tawag, malamig ito at matalim.“Kailangan ba ng babae ko ang pamilya Prescott? She already has me.” Hindi na siya naghintay ng sagot ng kabilang linya at kaagad na pinatay ang tawag.Nakanguyom ang panga ni Sigmund habang nakatitig sa screen, ang pangalang Vince Prescott ay malinaw pa rin sa display. Subukan niya lang magpantasya kay Cerise at buhay niya ang kukunin ko.Galit ang unti-unting bumalot sa kanya. Tiningnan niya ang numero, malamig ang tingin, at walang pag-aalinlangang binlock ito. “—Cerise.” Naglakad palabas si Cerise mula sa silid at nakita siyang nakatayo sa may kusina, hawak ang kanyang cellphone. “May tumawag ba sa’kin?” tanong niya. “Wala,” matalim ang sagot ni Sigmund. Hindi pa rin nawala ang galit sa kanyang mga mata. “Ah, ganon ba...” Tumango lang si Cerise, pero may kutob siyang may tinatago ito. Kung wala ngang tumawag, bakit parang may balak siyang patayin? Gal

  • Until Divorce Do Us Part   Chapter 130: Don’t Say It Out Loud

    “Ano bang gusto mong pag-usapan?” tanong nito, mata’y puno ng sakit. “Yung divorce? Na willing ka pang magsampa ng kaso? Gusto mo bang malaman ng buong mundo na kasal tayo?”“Hindi ko kayo kakasuhan. Pumayag ka na maghiwalay tayo, at wala nang ibang makakaalam,” sagot ni Cerise. “Kahit kailan, walang makakaalam na naging mag-asawa tayo. Puwede ba ‘yon?”Tumawa si Sigmund nang mapait. Pagkatapos ay muling kinagat nito ang kanyang balat.Walang makakaalam?“Hindi ba pwedeng kapalit ng tiwala mo ang lahat ng yaman ko? Ang buong buhay ko?”Isa lang namang bagay ang hinihiling niya.Pero huli na.Hindi na siya kayang pagkatiwalaan ni Cerise.Tumahimik siya. Hindi na nagsalita.Bumagsak si Sigmund sa kanyang leeg, bulong nang bulong ng hindi niya naman marinig.Matagal silang walang imik.Hanggang sa halos makatulog na si Cerise ay muling nagsalita si Sigmund.“Gutom ka pa ba?"Napadilat siya sa marahang boses nito..“May dala akong sopas.”Tumayo ito, nagbihis, at lumabas.Napaupo si Ceri

  • Until Divorce Do Us Part   Chapter 129: If Only We Were

    Bago pa man siya matapos magsalita, yumuko na si Sigmund at kinagat ang kanyang baba nang malakas. Dahan-dahan itong gumapang paitaas hanggang sa dumapo ang kanyang mga labi sa mga labi ni Cerise.Napasinghap si Cerise at awtomatikong umatras. Nagtangkang tumakas ang hininga niya habang ang pag-aalinlangan ay tumagal nang matagal, hanggang sa nalasahan niya ang dugo mula sa sariling labi. Unti-unting dumilat ang kanyang mahigpit na nakapikit na mga mata, at tuluyang nanlambot ang katawan.Kinagat siyang muli nito ngayon, sa kanyang labi.At saka nito sinipsip, tila isang nauuhaw na hayop.Masakit.Malalim.Sobrang sakit.Ang kamay niyang nakakulong sa itaas ng kanyang ulo ay walang malay na nangiwi, at napakapit sa hangin.Masakit.Mula sa kanyang mga labi hanggang sa kanyang puso.Nang maramdaman ni Sigmund na hindi na siya tumututol, unti-unti nitong binagalan ang kanyang galaw. Ang mga halik niya ay naging banayad, halos may pag-galang, habang dahan-dahan nitong sinisipsip ang dugo

  • Until Divorce Do Us Part   Chapter 128: Even If I Die

    Matagal pinag-isipan ni Kara ang lahat. Pero sa huli, alam niyang hindi na pwede kung ano man ang meron sina Cerise.Pagkatapos ng hapunan, habang umiinom ng gamot si Cerise, tahimik siyang umupo sa tabi nito. May seryosong ekspresyon sa mukha niya, at ilang segundo pa bago siya nagsalita.“Kung ganon... Kailangan ba natin si Dad para tulungan kang idemanda siya? Itutuloy na natin ang divorce?”Hindi man lang nagdalawang-isip si Cerise.“Oo.”Napakurap si Kara, medyo nabigla sa gaan ng tono nito. “Grabe, puwede naman yatang hindi na umabot sa ganito? Mag-usap kaya muna kayo."Hindi sumagot si Cerise. Bagkus, isang mapait na ngiti lang ang gumuhit sa labi niya.-Umuulan na naman pagdating ng gabi. Banayad ang lagaslas ng ulan sa bintana, habang ang liwanag lang ng ilaw sa restaurant ang naglalaban sa dilim. Nasa isang sulok si Cerise, nakabalot sa kumot, nakatitig sa thermometer sa mesa.39 degrees.Napabuntong-hininga siya.Maya-maya ay bumukas ang pinto. Narinig niya ang tunog ng bi

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status