Nasa dressing room si Cerise at pinag-aaralan ang script niya para sa programa nang may pumasok at ibinulong sa kanya. Agad niyang hinanap ang kanyang cellphone at nakita ang pinakamainit na topic sa social media ngayon.‘Popular now: The road to fame of the daughter of a criminal’At isang larawan niya kanina noong bumaba sa kotse ng isa sa mga ‘manliligaw’ niya.‘Ang anak ng isang kriminal na nagpakamatay dahil sa takot ay hindi lamang nakakapag-aral sa abroad, at bumalik pa ng Pilipinas para maging isang tagapagbalita. Napakawalang-hiya…’Nanginig naman ang pagkatao ni Cerise sa salitang ‘kriminal’ pero dahil siya ito, mukha siyang kalmado. Marahan niyang tiningnan ang taong pumasok. “Puwede bang matanggal ‘yan?”“Hindi ba ‘yan masyadong halata kaysa sa itago ito? Baka sabihin nila guilty ka.” Saad ng staff member na pumasok.Naisip niyang tama nga naman kaya itinabi niya ang cellphone at bumalik sa kanyang ginagawa sabay kibit-balikat. Tama nga naman, bakit niya naman ito papatulan
Matapos ang programa ni Cerise ay naghanda na siyang umuwi nang may lumapit na staff sa kanya. “Wala na ‘yong mga articles.”Nagtataka niya itong tiningnan. “Ano? Wala na?”“Oo, lahat!”Hindi siya makapagsalita dahil sa pagkagulat. Kinuha niya ang cellphone at binuksan ito para tingnan, at totoo nga. Wala na ang mga posts at articles na kanina halos nag-uunahan pa.Anong nangyayari? Kalahating oras palang ang lumipas, paano ito nawala nang ganun kabilis?“Mabuti na ‘yang wala.” Ani Kara na katrabaho niya bago ito umalis.Napatango naman si Cerise dahil tama naman ito. Nagtungo siya dressing room at hindi mapakali ang isip niya. Hindi siya mahinto sa kakaisip dahil wala namang ibang puwedeng gumawa nito. Wala na siyang pamilya kaya sino ang magtatanggol sa kanya sa ganito?Sigmund?Agad siyang umiling.‘Masyado na akong nag-iisip nang marami. Bakit naman siya magiging mabait? Pero maliban sa kanya, sino?’ Isip niya.Nakaupo na siya sa harap ng salamin at nag-aayos nang may pumasok na st
Makalipas ang kalahating oras, dumating si Vivian sa silid kung nasaan si Sigmund. Nandoon rin si Izar, at nang makita niya ang pagdating nito ay napatanong siya, “Dapat ba akong umalis?”“Pamilya tayo, ba’t mo naman kami iiwan dito? Sinabi sakin ni Ceri na may lagnat si Sigmund at naglasing kaya pumunta ako.” Mahinhing sabi nito. “Sigmund, how can you drink at this time?”Hindi sumagot si Sigmund at tiningnan lang ang kamay na nakasapo sa noo niya.Maganda rin ang mga kamay ni Vivian, pero mukhang hindi ito ang kamay na inaasahan niya.At ang babaeng iyon ay mas gugustuhing tawagan si Vivian kaysa siya ang pumunta dito. Napansin naman ni Vivian na mukhang hindi natuwa si Sigmund nang dumampi ang kamay niya dito kaya agad niyang kinuha ang kamay.“Dalawang baso lang ang ininom niya.” Sagot ni Izar na napansing hindi man lang tinitingnan ni Sigmund si Vivian.Tumingin naman ito kay Izar at ngumiti na parang nagpapasalamat. “Hindi ka dapat umiinom kahit dalawang baso lang ‘yan. Ang mga t
“…ang taong magugustuhan mo ay dapat kilala ni Mamita at ni Papito. Kapag makita nilang maayos ito, hindi mo nalang mamamalayan at magiging sang-ayon rin sila kalaunan, kapag okay na sa kanila.”Pagpatuloy ni Sigmund nang hindi siya tinitingnan.Napayuko naman si Cerise. “Okay.”Inabot nitya ang kamay niya para tulungan itong tumayo pero hindi nito tinanggap. Tumayo ito gamit ang dingding sa likod niya at dumulas pataas pero hinablot niya parin ang braso nito.Pakiramdam ni Cerise ay gusto nitong baliin ang buto niya sa pagkakahawak nito. Gusto niyang kumawala pero nang subukan niya ay agad siya nitong isinandal sa dingding.Napapikit siya sa sobrang takot, ang mga pilik-mata niya ay balot na ng luha niya. Ang hininga nitong amoy alak ay ramdam at naamoy niya sa mukha niya. “Huwag mo na uli akong pipilitin.”Hindi alam ni Cerise ang isasagot.“Tumingin ka sa’kin.” Utos nito sa kanya.Dahan-dahang idinilat ni Cerise ang mata niya pero hindi siya tumingin dito. Pero habang umiiwas siya
Nang kasunod na araw, walang balita tungkol kay Cerise ang lumabas gaya ng inaasahan, wala rin ni isang post tungkol sa kanya sa kahit ano mang social media platform. Pero sa pagkakaalam niya ay maraming paparazzi ang sumusunod sa kanya kahapon. Ano kayang nangyari?Nang mag-almusal ay kumain siya ng tinapay at maiging tiningnan ang kanyang cellphone. Bigla niyang namiss ang sandwich na ginawa para sa kanya ni Sigmund, masarap at nakakatakam sa paningin.Biglang may kumatok sa pintuan niya at agad siyang tumayo sa pag-aakalang si Sigmund ito.“Ceri, may dala akong almusal!”Pero ni hindi nga ito lalaki.Binuksan niya ito at agad itong pumasok dala ang dalawang bag ng almusal mula sa isang kilalang kainan.“Anong mukha ‘yan? Gustong-gusto mo ‘to nung bata ka pa ah.” Saad nito sabay lapag sa mesa niya.“Thank you.” Hindi niya alam ano pa ang dapat niyang sabihin.“That’s weird. Wala ka nang ibang magulang, at kami ni Sig ang pamilya mo na ngayon. Tama lang na pagsidalhan ka namin ng alm
“Kung may nangyari kay Vivian, sisiguraduhin kong buhay mo ang ibabayad mo. At tinatanong mo pa ako kung mahal ba kita?” Ngisi nito at madiing tinanong siya.“Binigay na sakin ni Apito ang household registration book tapos sasabihin mong hindi siya sang-ayon na maghiwalay tayo?”“Labag sa kalooban niya ‘yun!” Sagot nito at nag-iwas ng tingin.Tumango naman si Cerise. “E di sige! Ayon sa sinabi mo, kailangan kong makipagkita kay kuya Izar hanggang sa pumayag silang dalawa. Pero bago naman lahat ng iyon, asikasuhin mo naman ‘yang babae mo at huwag mo nang papuntahin sakin. Hindi ako kailanman tumutol sa divorce.”Nandilim ang paningin ni Sigmund sa sinabing ito ni Cerise. Magtatanong pa sana siya pero nakaalis na ito. Bigla siyang kinabahan, alam niyang kanina nang magtagpo ang mata nila, wala ni ano mang alab sa likod nito. Napatingin siya sa ngayon ay nakababa ng kausap at napamura sa galit.Papunta sa kanyang trabaho, paulit-ulit na sinabi ni Cerise sa sarili na hindi siya dapat magp
Habang kumakain, alagang-alaga naman ni Cerise si Izar. Inilapit niya dito lahat ng mga paborito nito. “Kuya Izar, gustong-gusto mo noon yung sweet and sour pork hanggang ngayon parin ba?”Lumapad naman ang ngiti ni Izar. “Nako nako, ang Baby Riri ko na ‘yan. Masyado mo naman akong pinapahalagahan. Kung sa ganun ay pakainin mo ako aaahhh…”Dismayado namang napatingin si Cerise dito. Ano daw?Napatingin siya kay Sigmund, pero mukha wala naman itong pakialam kaya ginawa niya nalang ang sinabi ni Izar. “Hmmm, sarap!”Ngumiti nalang si Cerise. Nahahalata na niyang gusto lang nito inisin si Sigmund. “Isa pa ba? Nako nako ang damulaga na ‘yan…”Pagsakay niya sa trip nito. “Mas masarap talaga basta mula sa magandang babae ang pagkain. Napakasarap!”“Maganda?”“Syempre, pinakamaganda sa lahat!”Nabaling ang tingin niya sa palabok. Gustong-gusto niya ito dati pa pero mula noong nagpa-abroad siya ay mas tinutukan niyang kumain ng masustansya, hindi niya alam kung masustansya ba ito o hindi pero
“Hinatid mo na ba ang Baby Riri ko?” Tanong agad ni Izar nang sagutin ni Sigmund ang tawag. “Oo.” Iritang sagot nito.“Oy oy. Ano bang gusto mo ha? Bata pa si Cerise, hindi ka ba natatakot na hindi niya matiis ‘yang ugali mo at biglang lumayas? Tumino ka naman kahit saglit.”“At saan naman siya pupunta?” Tanging nasabi nito bago pinatay ang tawag. Hindi siya bumaba agad nang nakarating sila kaya ngayon ay mag-isa lang siya sa kotse. Napatingin naman siya sa cellphone niya at sinearch ang IG ni Cerise. Wala man lang ito ni isang message para sa kanya, kaya napadako siya sa mga pictures nito. Nadagdagan iyon ng picture mula sa kaninang date nila ni Izar. Napakatamis ng ngiti nito. Kailan ba ito nila kinuha? Hindi niya maalalang nagselfie pala ang dalawa. Nadako ang tingin niya sa mga daliri ni Izar na nasa balikat ng asawa. Biglang may pumasok sa isip niya pero nahinto iyon nang biglang bumulabog ang kilala niyang ringtone.“Hello?”“Sig, pupunta ka ba ngayong gabi dito?”“Oo.”Tumang
“Hindi ka na bata pero kung makainom ka… pinanghilamos mo ba ‘yan?” napatingin si Sigmund sa milk tea sa daliri niya at sinisi si Cerise.Napairap naman si Cerise bago maiabot ang tissue sa bag niya. “Hindi ka na rin bata para agawan ng milk tea ang asawa mo!”Samantalang hindi na matiis ng matanda ang pagsesermon ni Sigmund kay Cerise at nagsalita.“Tinitikman niya lang kung anong lasa. Linibre niya nga pa ako eh.”Napatingin naman si Sigmund kay Cerise at sumipsip ulit ng milk tea.Tumahimik naman si Cerise sa gilid, hindi maalis sa isip niya kung bakit ba ito nandoon.“Ang taas na naman ng tingin mo sa sarili mo. Wala kaming ideya bakit ka nandito. Pinasundan mo ba kami?” tanong ng matanda.Agad namang iniba nito ang usapan.Nang marinig ni Cerise ang eksaktong tanong sa isip niya ay sabik niya itong tinitigan.Napansin ni Sigmund ang pagtingin sa kanya ni Cerise pero hindi ito pinansin at tiningnan ang matanda. “Hindi ba tinawagan mo’ko at nagpapasundo ka?”“Talaga ba? E bakit ka
“Cerise, may yayamaning matanda na naghihintay sa opisina mo. Sabi niya andito daw siya para makita ang asawa ng apo niya.”Kakatapos lang ni Cerise sa segment niya nang salubungin siya ng isang katrabaho. Napatalon naman ang puso niya. Ang tanging papasok lamang sa deskripsyon na iyon ay nag-iisang Mamita niya. Agad siyang nagmamadaling bumalik.Pero mas mabilis pa rin sa kanya ang pagiging mausisa ng mga tao. Nang makarating siya ay napapalibutan na ng kung sino-sino ang opisina niya.Habang nakikipagsiksikan sa dami ng tao ay may narinig siyang nagtanong, “Mawalang-galang na ho, sino po ang apo niyo?”“Apo ko? Si Sigmund.” Buong kumpiyansang sagot ng matanda, sa kabila ng nagkukumpulang mga reporter at empleyado.Agad namang nataranta si Cerise. Mas pinilit niyang makaalis sa siksikan at pilit na ngumiti. “Sorry, nagbibiro lang ang lola ko. Please give us some space.”“Sinong nagbibiro?” simangot ng matanda sabay krus ng kanyang mga braso. “Baby Riri here, at ang loko-lokong si Sig
“According to convention, you sleep on the bed.”Pagkatapos niyang sabihin ito ay isang palakpak ng kulog ang umalingawngaw sa laba, sobrang liwanag din ng kidlat na parang kayang humati ng puno.Nakita ni Cerise ang hindi masabing mensahe ng maitim nitong mata. “Hindi ka puwedeng umalis.”Napatingin sa kanya si Sigmund, matalas at matindi, parang nakikita niya kung ano ang iniisip nito.Umiwas si Cerise at naglakad papunta sa bintana. Nanaig ang tunog ng namumuong bagyo sa labas, pero kung tutuusin hindi ganun kalayo ang bahay niya.Kung sa bagay, maraming tao ang na-istranded sa biglaang buhos ng ulan. Kung kaya nila, walang rason na hindi para sa kanya.Nakita niya ang repleksyon nito sa bintana at nagtagpo ang kanilang mata. Matatag ang kanyang boses.“Kaya kong umuwi.”“Sa sofa ako matutulog.”Nanatili si Sigmund sa may bintana, pinapanood siya.Hinarap niya ito. “Lagi mo nalang itong ginagawa.”“Ang ano?”“Imposing your decisions on me,” saad niya, kalmado ang tono niya pero ma
Kinuha ni Sigmund ang kamay ni Cerise, sabay kuha ng kanyang coat, at inakay siya palabas.Lumingon si Mr. Prescott sa mga tao sa loob at sinabing, "Babalik na lang ako mamaya."Pagkalabas, iniabot ni Sigmund ang coat kay Cerise, saka tumingin sa lalaking papalapit. Tinupi niya ang manggas ng kanyang damit, bahagyang nakayuko, may dahan-dahang ngiti sa labi, ngunit sa likod nito'y may nakatagong panganib.Nakita ni Cerise ang kagandahan ng kanyang kilos, ngunit ang lamig sa kanyang mga mata ay nagpatibok ng kanyang puso sa kaba."Sig, sasaktan mo ba ang Tito Vince mo?" tanong ni Mr. Prescott, pilit na nakangiti."Bakit hindi?" Tumawa si Sigmund bago agad na humataw ng isang malakas na suntok.Hindi nakapaghanda si Mr. Prescott at tumilapon sa gilid.Nakatayo si Misty sa may pintuan, tulalang nakatingin sa eksena.Lumuhod si Sigmund sa harapan ni Mr. Prescott, hinawakan ang kanyang kuwelyo gamit ang isang kamay at itinuro siya gamit ang isa pa. "Binabalaan kita, sa sandaling takutin–hi
Napahinto siya bago matigas na tinanggihan ang alok ni Mr. Prescott, “I won’t consider it.”Pinatay niya ang cellphone niya para hindi na niya kailangang sagutin ulit ang tawag nito at sumakay ng taxi diretso sa TV station.Kahit ang company CR ay hindi nakaligtas na maging lugar ng tsismis.“Kalat na kalat sa balita. Bumisita kahapon si Mr. Beauch, at nanatili sa office niya ng isang oras.”“Isang oras? Grabe. Ang lakas naman ng stamina ni Mr. Beauch.”“Exactly! Nakita ko si Harrod kanina, mukhang hindi naman siya ganun kahaggard. She seems perfectly fine.”Tsismis ng tatlong babae hanggang sa marinig nila ang pagflush ng tubig sa isang cubicle.Inunat ni Cerise ang kamay niya, binanlawan, at pinatuyo ito.Pagbukas niya ng pinto ay sakto namang napalingon ang isa sa tatlong babae. “Ms. Harrod!”Ngumiti lang siya at tumalikod.Gulat na gulat naman ang babae sa malamig na trato ni Cerise.Pagkarating niya sa kanyang opisina ay naabutan niyang naghihintay sa kanya si Misty. “Ma’am, tung
Binuksan ni Cerise ang pintuan na hindi pinapansin ang tatlong lalaking naghihintay. Ang kanilang tingin ay nakapokus sa kanya, na ikinahiya at tameme naman niya.“Syempre, alam ng jowa ang password,” hagikhik ni Izar habang tinatapik ang braso niya. “Pasok ka na.”Hindi naman alam ni Cerise kung anong mararamdaman niya sa sinabing iyon ni Izar. Pero dahil mas nakakapagod magpaliwanag, hindi nalang siya nagsalita.Kalaunan, nang nagluluto si Cerise, pinansin naman ni Sigmund ang dalawang hindi imbitadong bisita. “Umuwi na nga kayo.”“Magkakaibigan tayo,” protesta ni Izar, “at si Riri ang nagluluto, hindi ikaw.”“I warn you,” biglang tumigas ang boses ni Sigmund, “huwag na huwag mo siyang hahawakan ulit kahit na tawaging baby.”Agad namang tumango si Izar na nagpalambot sa ekspresyon ni Sigmund. Samantalang si Winston ay hindi mapigilan ang sarili na magtanong, “So, nagsasama na kayo?”Nagpaliwanag si Sigmund tungkol sa kasunduan ni la ni Cerise, isang walang kabuluhang excuse para sa
Nang makasakay si Cerise sa kotse ni Sigmund ay labis ang pagpipigil niya sa kanyang inis.Tinawagan lang naman kasi nito ang station manager na huwag siyang pagabihin dahil kailangan niya itong ipagluto ng hapunan ng isang linggo.Hindi pa man humuhupa ang inis niya ay kinuha na ni Sigmund ang isang box mula sa backseat at ibinigay sa kanya.Tiningnan naman ito ni Cerise ng pinaghalong irita at pagkainteresado sa kung ano ang laman.Sa loob nito ay isang pares ng asul na leather na sapatos.“Ano’ng ibig sabihin nito?” tanong niya nang lingunin niya ito habang nakataas ang kilay.“Tama ang size ‘di ba? Subukan mo nga kung kasya lang.”Hindi makapagsalita si Cerise. Paano nito nalaman ang sukat ng paa niya? Hiyang-hiya siya.Napansin naman ni Sigmund ang pag-aalangan nito kaya nagsalita siya, “Napansin ko lang na malaki ang paa mo, pero wala lang naman ‘yun sa’kin.”“Please stop talking.” Pigil niya sabay irap.Kinuha niya ang isa nito at inilagay sa lapag at ipinalit sa suot niyang bl
Nagtagpo ang mga labi ni Cerise at Sigmund sa isang banayad, marahan, at tumatagal na halik.Hinaplos nito ang kanyang mukha at hinayaang gumuhit ang kanyang mga daliri sa matatalas na linya ng kanyang panga.Kahit nang bahagya itong lumayo, ipinagpatuloy niya ang pagdampi ng malalambot at magagaan na halik sa kanyang mga labi, sa dulo ng kanyang ilong, at pati sa kanyang mga kilay. Tahimik na dumaloy ang kanyang mga luha, isang pipi ngunit matinding patunay ng bagyong bumabagabag sa kanyang puso.Tiningnan niya ang madilim na mga mata ni Sigmund at habang isang luha ang dahan-dahang bumaba sa kanyang pisngi, naglaho ito sa kurba ng kanyang mapait na ngiti.Bahagyang nanginginig ang kanyang tinig nang bumulong siya, "Noon, mahal na mahal kita…”Mahigpit na hinawakan ni Sigmund ang kanyang kamay, isang tahimik na pagkilala sa lalim ng kanyang nararamdaman. "Hinangad kita," mahina niyang pagpapatuloy, halos isang buntong-hininga lamang ang kanyang tinig. "Hinangad kong mahalin mo rin ak
Ang nakakagambalang pagtatagpo kasama si Mr. Prescott ay nag-iwan kay Cerise ng matinding pagkabalisa.Ang kanyang mga salita ay umalingawngaw sa kanyang isipan, isang nakakapangilabot na kontrast sa mabait na tiyuhing naaalala niya noong bata pa siya. Paulit-ulit niyang nirepaso ang pag-uusap nila, bawat nakakagambalang parirala ay nagpatingkad sa imahe ng isang lalaking halos hindi na niya makilala."Hindi na ako nagtataka kung bakit sinabi ni Mr. Peterson na hindi siya makakain o makatulog nang maayos," mahinang bulong ni Mr. Prescott, may bahagyang ngiti sa labi.Nagulat si Cerise at nagtanong, "Mr. Peterson?""Yung boss ng kumpanyang gumagawa ng sasakyan, na nilasing ka noong nakaraan?" sagot ni Mr. Prescott, ang kanyang tono ay kaswal ngunit may nakakapanindig-balahibong dating.Siyempre, naalala niya.Sandaling nakalimutan niya, ngunit hindi maikakaila ang ugnayan ng mga makapangyarihang lalaking ito.Kumikilos sila sa parehong mundo, ang kanilang impluwensya ay isang sapot na