Napagkasunduan nilang magkita ni Jethro sa parking space na ginagamit nito sa gusaling iyon. Pagdating ni Danica doon, naroon na ang lalaki at nakasimangot na naghihintay sa bench. Masam ang tingin ni Jethro sa kanya na parang lalamunin siya nito ng buhay."Bakit?" tanong ni Danica kay Jethro na hindi man lang nauupo sa tabi nito."Buntis ka na, nakikipaglandian ka pa sa ibang lalaki?" may panghuhusga ang tinig nito, "isa ka ba talagang pakawalang nilalang?""Hoy, Jethro, wala akong pakialam kung ano man iyang iniisip mo. Walang halaga iyan. Hindi ko na naman mababago ang pananaw mo tungkol sa akin, bakit pa ako magiexplain hindi ba? kaya paniwalaan mo na lang kung ano ang nais mo!" naiinis na si Danica sa inaarte ng lalaking ito.Nagtiim bagang si Jethro at malamig ang matang tiningnan siya. Hindi niya akalain na matapang ang babaeng ito. Masyadong matalas ang dila.Wala pang babaeng nagsalita sa kanya ng hindi maganda. Namumukod tangi ito. Malalim siyang huminga."Danica, mag usap
“No!!” nanginginig ang kanyang kalamnan sa narinig sa kanyang ama. Hindi siya makapaniwalang naisipan nitong ipagkasundo siya sa isang matandang halos kasing edad na nito. Nagpupuyos ang kanyang kalooban sa labis na galit. Hindi niya maiwasang maghimagsik ang kanyang puso. Nagngingit ngit ang kanyang damdamin.“Danica, siya lang ang makakatulong sa atin. Si Amante na lang ang nais sumugal sa ating kumpanyang lubog na sa pagkakautang. Hindi na tayo makabawi magmula ng mamatay ang iyong mama,” paliwanag ng kanyang ama, “matitiis mo bang mawala ang kompanyang pinaghirapan namin sa matagal na panahon? Nasa kamay niya ang ating muling pagbangon.”“Papa,” nangingilid na ang kanyang luha dahil na rin sa labis na frustration, “matitiis niyong ako ang ibayad sa matandang iyon kapalit ng tulong na nais niyang ibigay sa atin? Kung totoo niyo siyang kaibigan, bakit hindi niya kayo tulungan ng walang kapalit?” Hindi niya matanggap sa kanyang sarili na gagawin siyang collateral ng kanyang ama, “maa
PAGDATING niya sa bahay, walang tao sa salas. Ngunit naririnig niya ang tinig ng mga naroroon sa itaas.“Kailangang magantihan ko siya mommy!” umiiyak na sabi ni Ingrid, “ginupit niya ang maganda kong buhok!”Dahan dahan siyang umakyat ng hagdan. Nasilip niya sa masters bed room ang mga ito na parang may pinagmimitingan na hindi siya kasali.“Sumusobra na yang anak mo, Luke!” singhal ni Rodora sa kanyang papa, “tingnan mo naman kung ano ang ginawa niya sa anak ko.”“Baka naman inasar niyo na naman ang anak ko,” nakatayo ang kanyang ama. Mukhang walang sakit, naninigarilyo ito saka namintana, “mabait si Danica, hindi niya kayo sasaktan kung hindi kayo nauna.”“Kasalanan pa ni Ingrid ngayon ha?” lumapit si Rodora kay Luke, “masyado ng maldita yang anak mo!”“Tigilan mo ako, Rodora,” asik ng kanyang papa sa kanyang madrasta. Bahagya pa siyang lumayo, upang hindi makita ng mga ito, “baka akala mo, isasakripisyo ko ang anak ko, dahil sa pagiging sugarol mo!”“Ako lang ba? Ako lang? Eh di b
DAHAN -dahan niyang inilapag sa kama ang walang malay na babae. Wala itong ginawa kundi ang umungol. “Ang init! ang init!” paulit ulit nitong sabi. Nilakasan niya ang buga ng aircon, ngunit nananatili pa rin itong pagulong gulong sa kama at patuloy pa rin ang pagsasabi na naiinitan ito. Hinubad niya ang suot nitong heels. Napansin niya ang pagpapawis ng katawan nito. Napailing na lang siya ng marahas. “Mga bwesit! nakainom ito ng libido pill!” inis niyang sambit, “mga wala talagang magawa sa buhay!” Kailangan niya itong ibabad sa bath tub upang maibsan ang init na nararamdaman nito. Kinarga niya ang babae sa banyo. Inilapag niya iyon sa bath tub at binuksan ang faucet. Iniwan niya ito saglit para makapaghubad siya ng suot niyang suit. Inihanger niya ang hinubad, saka binalikan ang babae. Nakalubog na ang buong katawan nito sa tubig. “Damn!” nagmamadali niyang pinatay ang tubig saka inahon ang babae. Agad niya itong inilapag sa carpet at pinakinggan ang hinga nito. Mahina iyon.
DanicaILANG bloke pa lang ang layo niya sa kanyang bahay, ay napansin niya ang mga sasakyang nakaparada sa harapan niyon. Nagtataka siya kung sino ang bibisita sa kanya ng ganoong araw, samantalang wala namang ibang nakakaalam kung nasaan siya.Bumaba siya ng kotse, at nagtago sa likod ng isang sasakyan. Baka natunton siya ng kanyang papa. Doon niya lang naalala ang kanyang cellphone, maaaring nalocate iyon gamit ang GPS!Pinanood niya ang mga taong pumasok sa kanyang bahay. Mabuti na lang at ang mga importante niyang gamit ay nasa kanya pa ring sasakyan. Narinig pa niya ang usapan ng naroroon.“Babalik dito yun, baka namasyal lang. Dapat may maiwan dito,” boses iyon ni Rodora, “malalagot tayo kay Amante kapag hindi natin naiharap sa kanya si Danica sa loob ng anim na buwan!”“Gaga din, mukhang nagpapahabol lang. Nakaopen ang GPS ,bakit hindi natin alam na may bahay siyang sarili?” si Jalen naman iyon, na kita niya sa kamay nito ang kanyang cellphone.“Dapat, makaganti ako sa kanya,
Two months later..UMIIKOT ang kanyang paningin ng umagang iyon. Masakit na masakit ang kanyang ulo. Ilang araw na niyang nararamdaman ang kakatwang pakiramdam. Madalas na rin siyang nagsusuka, na kahit wala ng ilalabas, todo duwal pa rin siya.Kumabog ang kanyang dibdib. Mabilis iyon, biglaan lang siyang kinabahan. Napatingin siya sa kanyang mga napkin sa may vanity mirror. Sa pagiging abala niya, hindi na niya napagtuunan ang maliit na detalyeng iyon ng kanyang buhay.Bumalikwas siya ng bangon kahit masama ang kanyang pakiramdam. Walang kabawas bawas ang lagayang iyon. Sumigid ang kirot ng kanyang ulo..“No!! No! This can’t be!” napapaluha niyang sabi sa sarili. Bawal sa kanilang opisina ang mabuntis ng walang asawa dahil iniingatan nila ang image ng kumpanya.Kahit ang pakikipagrelasyon sa may mga asawa na, ay sinasaklawan doon. Ayaw nila ng imoralidad. Kapag may asawa na, sila lang ang maaaring mabuntis under their company. Mahigpit sila pagdating sa core values.Sa loob ng dalawa
“Bakit ka ipinatawag ni sir?” Tanong ni Siren, “hindi ka nun basta ipapatawag kung hindi importante ang sasabihin niya sayo,” inuusisa siyang maigi ng kanyang kaibigan.Hindi niya alam, kung paano sasabihin dito ang kanyang kalagayan. Ayaw niyang mahusgahan, dahil iyon ang unang ikinababahala niya. Nag isip na lang siya ng maaaring idahilan sa kaibigan.“May ipinapa confirm lang siya friend, kung– kung account ko daw ang nakapag close deal sa mga Chavez..” pagsisinungaling niya. Hindi niya iyon matingnan sa mata. Natatakot siyang mabuko nito ang kanyang pagsisinungaling.“Huh? Wala pa ba silang tiwala sayo? Ang galing mo kaya!” lumapit na si Ian sa kanila, “kahit nag uumpisa ka pa lang, marami ka ng napatunayan, sanay ka sa takbo ng businesses ah. Baka naman, anak mayaman ka talaga?”Walang nakakaalam sa mga ito, ng totoong pagkatao niya. Ang mga nakakaclse deal din niya, ay mga kakilala na niya ang iba, kaya madali ang mga itong nagtitiwala sa kanya. Tapos, pagbibintangan lang siya n
“You mean– bago ka pa lang magtungo dito, ay talagang may nakatabi ka ng ibang lalaki sa kama?” hindi makapaniwala si Ian sa ipinagtapat ni Danica, “bakit mo naman iyon ginawa?”“Hi-hindi ko rin alam. Lasing kasi ako nun, tapos nagising ako.. Nagising ako, may katabi na akong lalaki sa kama na hindi ko kilala..” napayuko ito habang tinitingnan niya.Nakaramdam siya ng habag sa kaibigan. Hindi niya akalaing pagdadaanan nito ang ganoong klase ng delubyo sa buhay. Ngayon, lalo lamang kakalat sa kanilang opisina, na siya ay nakikipagtrade ng aliw sa mga client kapalit ng project.Umiiyak na si Danica habang nakayuko. Panay ang punas nito ng kanyang luha. Inabutan niya ng panyo ang kanyang kaibigan.“Anong plano mo ngayon?” titig na titig siya dito.“Magreresign na lang ako. Ayoko din naman na maissue ako dito. Siguro, tatanggapin ko na lang na walang pang matagalang trabaho. Isa pa, baka naman may tatanggap na ibang kumpanya sa akin sa kabila ng aking kalagayan,” sisinghot singhot na sag