Share

7

“You mean– bago ka pa lang magtungo dito, ay talagang may nakatabi ka ng ibang lalaki sa kama?” hindi makapaniwala si Ian sa ipinagtapat ni Danica, “bakit mo naman iyon ginawa?”

“Hi-hindi ko rin alam. Lasing kasi ako nun, tapos nagising ako.. Nagising ako, may katabi na akong lalaki sa kama na hindi ko kilala..”  napayuko ito habang tinitingnan niya.

Nakaramdam siya ng habag sa kaibigan. Hindi niya akalaing pagdadaanan nito ang ganoong klase ng delubyo sa buhay. Ngayon, lalo lamang kakalat sa kanilang opisina, na siya ay nakikipagtrade ng aliw sa mga client kapalit ng project.

Umiiyak na si Danica habang nakayuko. Panay ang punas nito ng kanyang luha. Inabutan niya ng panyo ang kanyang kaibigan.

“Anong plano mo ngayon?” titig na titig siya dito.

“Magreresign na lang ako. Ayoko din naman na maissue ako dito. Siguro, tatanggapin ko na lang na walang pang matagalang trabaho. Isa pa, baka naman may tatanggap na ibang kumpanya sa akin sa kabila ng aking kalagayan,” sisinghot singhot na sagot ni Danica.

“Magaling ka, kaya sigurado akong maraming tatanggap sayo. Kaya mo yan. Basta kung kailangan mo ng tulong, naririto lang ako palagi para sayo,” inakbayan siya ni iyan at hinimas himas ang kanyang braso.

Walang malisya ang haplos na iyon, ramdam na ramdam niya ang sincerity ng kaibigan niya.

“Maraming salamat. Hindi ko pa nga alam kung paano ito ipapaalam kina Siren. Nahihiya ako lalo na sa kanya, baka isipin niya, totoo ang sinasabi ng mean girls na ibinibigay ko ang aking katawan kapalit ng kontrata,” nag aalala niyang sabi dito.

“Maiintindihan ka nila, ano ka ba? Sa ngayon, wag mo na lang munang ipaalam kahit kanino ang iyong kalagayan. Saka na, kapag naisipan mo na lang na magresign sa trabaho..”

“Salamat sa pag aalala sa akin, hindi ko akalaing ikaw pa ang makakapansin ng pasaning ko ngayon sa buhay.”

“Halata ko kasi sayo na may pinagdadaanan ka. Wag kang mag alala, hindi kita pangungunahan. Halika na, ihahatid na kita,” hindi nila napansin ang pares ng mga mata na nakamasid sa kanila. Naroroon iyon sa kabilang sulok at matamang nakikinig sa kanilang pinag uusapan.

HINDI sinasadyang makita ni Jethro na nakaakbay si Ian kay Danica. Napahugot siya ng malalim na hininga habang pinapanood ang tagpong iyon.

“Baka dito niya ipinapasagot ang kanyang ipinagbubuntis. Bakit kasi may mga babaeng tulad nito,” natatawa niyang sabi sa sarili. Saka niya naalala ang kwintas na nasa kanyang drawer.

Bigla ang pagsalakay sa kanya ng reyalisasyon. Kumabog ang kanyang dibdib na parang tinatambol. Saka muling hinanap ng mata ang dalawa, wala na sila doon.

“Siya si D.S?” Para siyang baliw na kinakausap ang sarili.

“Jet!” Halos mapalundag siya sa gulat ng marinig ang boses na iyon. Akala niya, nag iisa siya doon.

“Diyos ko, Lovely!” Ang kanyang bestfriend, nakatayo sa kanyang likuran. “Bakit hindi ka nagsasalita agad? Ano bang ginagawa mo dito?”

“Ikaw ang ano ang ginagawa dito! Malayo pa lang, tanaw na kitang naninilip sa lovers na nariyan sa upuang iyan. CEO ka pa naman, nakakahiya ka!” Wika nito, “anong kalokohan ang ginagawa mo?”

“Wala no!” Naglakad na siya palayo sa kanyang pinagkukublian, “nagkataon lang na napadaan ako. Mukhang empleyado kasi natin ang mga yun, kaya tiningnan ko kung sino sila,” pagdadahilan niya dito, “teka, ikaw, anong ginagawa mo dito?”

“Malamang, hinahanap ka! Ano naman ang gagawin ko sa bulok na kumpanya mo, kung hindi ikaw ang pakay ko?” Kasunod na niya ito sa paglalakad.

“Kukulitin mo na naman ba akong pakasalan ka?” Ilang beses na itong lumalapit sa kanya at nakikiusap na magpakasal sila upang hindi matuloy na ipakasal ito sa anak ng kumpare nito.

“Wow ha, mukhang lugi ka pa. Hindi kita kukulitin no, saka ayaw din kitang yayain at baka naman isipin mo, patay na patay pa ako sayo,” bunsol ni Lovely sa kanya.

Ang babaeng ito, ay mukhang lalaki sa kanyang paningin. Ang mahabang biyas nito na hindi pa niya nakikita kung makinis ay bagay na bagay sa maliliit nitong mga braso. Kung magkikilis babae si Lovely, pasmado ito bilang Modelo, subalit wala doon ang linya ng buhay ng kaibigan.

“Wag mo akong matingnan tingnan ng ganyan, Jethro, at baka samin ka sakin,” banta nito sa kanya.

“Bakit ka nga ba narito?” Inuulit niya ang tanong sa kaibigan.

“Pupunta akong America. Matagal tagal akong mawawala. Hindi na ako nakapagsabi doon sa dalawa dahil nasa out of town sila.” Ngumiti ito, saka humawak sa pinto ng kanyang kotse, “Ikaw na lang ang magsabi sa kanila na aalis ako.”

“Baka magpapa sex change ka dun, magpapalit ka na ba ng gender? Magiging babae ka na?”

“Baliw! Babae ako no! Yang mata mo kasi, para lang sa malalaki ang suso, gaya nung babae kanina,” namulsa pa si Lovely na lalong nagpatingkad sa height nito.

“Sana, sa sunod na kita natin, mag skirt ka na at mag dress, baka pag isipan ko pang maigi kung pakakasalan kita,” kinindatan niya si Lovely.

Biglang namula ang babae sa ginawa ni Jethro. Oo, ayaw niyang magdamit ng mga ganoong pasexy, dahil natatakot siya, na baka hindi na makipaglapit sa kanya ang kaibigan. Umiiwas ito sa mga babae na nakikilala nito, maliban na lang kung makikipag one night stand si Jethro.

Minsan pa niyang narinig ang usapan nito at ng iba nilang kaibigan. Na lalong nagpasidhi ng kanyang takot, na magbihis pambabae.

“Pare, bakit hindi mo ligawan si Lovely? Maganda naman siya?” Tanong ni Vinz kay Jethro.

“Mas mukha pang maton sa akin iyon. Isa pa, masisira lang ang pagkakaibigan namin kapag nangyari iyon. Kaya mas gusto ko na ganyan siya,” sagot ni Jethro.

Simula noon, pinanindigan na niya ang ganitong pirmahan. Mahalaga sa kanya si Jethro, noon pa man. Masaya na siyang nakakasama ito, at walang siniseryosong babae. Nararamdaman niya, na may natitira pang pag asa, para sa kanya.

“Oh, natulala ka na diyan?” Tanong ni Jethro sa kanya.

“Ah– eh– saan ka pupunta?” Tanging nasambit niya dito.

“Kakain, malamang, sasama ka ba?” Tanong nito.

“Libre mo?”

“Oo, ako ang bahala.”

“Sige, kukunin ko lang ang motor ko. Magkita na lang tayo, sa dati?”

“Sige, ingat ka,” nauna na itong umalis sa lugar na iyon. Tinanaw niya ang Ferrari na sinasakyan ni Jethro.

“Jet…” hanggang pagpapantasya na lang niya ito makakaniig at makakasalo sa kama. Nalulungkot niyang tinungo ang kanyang motor, saka sinundan na niya ang kanyang kaibigan.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status