"Ha? ah-- eh--" nagdadalawang isip siya kung patutuluyin ang lalaki. Nag iisa siya sa bahay. Paano kung patayin siya ng lalaking ito? anong laban niya?"Nagugutom na ko," hinawi siya nito at inagaw ang kanyang susi, "oh, pumasok ka, bahay mo ito," sabi ni Jethro sa kanya na nauuna pang maglakad papasok sa bahay. Muli niyang ikinandado ang gate.Namangha si Jethro sa bahay ni Danica. Maliit lang iyon, na may isang kwarto. Malinis at mabango ang bahay, na halatang madalas nililinis."Ma-maupo ka muna.. wala akong maaaring ipakain sayo kundi ako este adobo na niluto ko kaninang umaga," nagsaing siya, saka inilabas ang adobo mula sa ref. Naka-on na ang rice cooker.Pagharap niya, nabangga siya sa malapad na dibdib ni Jethro. Agad nitong nahapit ang kanyang baywang."Naiinitan kasi ako.. maaari bang makiligo?" tanong nito sa kanya. Ang boses nito ay bahagyang paos, na malapit sa kanyang tenga.Nanindig ang kanyang mga balahibo, dahil sa mainit na hininga nito."Ah-- wa-wala akong damit na
Mabango ang amoy na pumapasok sa kanyang ilong. Nagdudulot ito ng gutom sa kanya. Dahan dahan siyangnagmulat ng mata. May kumot siya, ngunit sa ilalim noon ay ang walang saplot niyang katawan. Agad niyang nilingon ang kabilang gilid ng kama. Wala siyang katabi doon. "Asan na si sir?" nagmamadali niyang kinuha ang kanyang robe, nagbihis, at lumabas ng kwarto. Nagulantang siya sa hitsura nito. Nakasuot ito ng shorts na maiksi na kulay pink, at ng kapartner noon na spagetti strap na damit. Nagluluto ito ng pagkain. HIndi na niya napigilan ang matawa, kaya lumingonh ito sa kanya. "What?" ang paraan ng pagsagot ng lalaki sa kanya, ay medyo paasik. "Wala naman," parang napahiya siya, "anong niluluto mo?" "Yung kakainin sana natin kagabi. Naiwan mo pala sa lababo, buti hindi napanis." sagot nito, habang nag umpisang magsangag. Bumaliktad ang kanyang sikmura, ng masamyo ang bawang na bagong salang sa kawaling may mantika. Nagmamadali siyang nagtungo sa banyo at sumuka. Nag a
Hinintay pala siya ng lalaking ito. Ang akala niya at iniwan na siya at umalis na si Jethro, subalit nag effort pa ito na maghintay.'Akala ko, nakaalis ka na?" tanong ko sa kanya. Hindi ako umaalis sa aking kinatatayuan. Noon niya pa lang naisipang lapitan ako."Alangang iwanan kita? pinapanood ko pati ang bahay mo, kung aawas ang tubig, dahil sa sobrang tagal mong maligo, baka bumaha na sa loob," nakakunot ang noong sagot ni Jethro kay Danica. Alam ng babae kung paano mang asar ng lalaking gaya niya, na walang pasensiya."Ano namang pakialam mo, kung matagal akong maligo? eh di sana, iniwanan mo na lang ako hindi ba?" inis niyang sagot sa lalaki. Waring pinapalabas pa nito, na siya ang mga kasalanan ng hindi nito pag alis.Napahilamos sa mukha si Jethro. Hindi niya akalain, na ang babaeng ito, at ang babaeng nagalaw niya kagabi ay iisa. Ang babaeng iyon ay masunurin, submissive. Samantalang ang babaeng ito, may katabilan ang bibig."Hindi ka ba makakasagot sa akin ng maayos? ang bib
"Hindi ako naniniwala sa sinasabi mo, Danica.. Saan ka galing kagabi?" mahinang tanong sa kanya ni Ian, habang patungo sila sa pantry. "Sinong kasama mo?" "Sa bahay ako natulog," tugon ni Danica sa kausap. "Alam kong sa inyo ka natulog, ang itinatanong ko, ay kung saan ka galing kagabi. Iyon lang. Hindi yung kung saan ka natulog. Inihatid ka ba ni sir?" 'Oo, inihatid niya ko sa bahay," hindi naiya kayang magkaila sa kausap. Iniisip niya, sana ay naging imbestigador o abogado na lang ang kaibigan sa galing nitong mag imbestiga. "Sinundan ko kayo kagabi," sagot ni Ian sa kanya, "hindi kasi ako mapakali, na baka mamaya, hindi ka niya ihatid. Hindi siya umuwi.." Napahiya siya sa sinabi ng kaibigan. Alam pala nito na sa bahay niya natulog si Jethro. Biglang namula ang kanyang mukha. "Alam ba niya na.. buntis ka?" tanong ulit ng kanyang kaibigan "Oo, alam niya," alanganin ang kanyang ngiti at hindi man lang niya ito matingnan sa mata. Pakiramdam niya ay isa siyang makasalanang
Pinapaikot paikot niya ang ballpen habang nakahalumbaba at nagsusway sway ang kanyang upuan. Napapaisip siya kung ano ang relasyon ni Ian at ni Danica. Sinusubukang maging kalmado ni Jethro subalit parang hindi siya makapag isip ng maayos. Imposible namang nagseselos siya, dahil hindi naman niya masyadong kilala ang babaeng iyon. "Sir? si Ronnel iyon na may hawak na folder. "Oh, bkit?" hindi na niya ito binigyang pansin. Ipinagpatuloy na lang niya ang pagkatulala. "Kanina pa po kasi ako dito sir.. parang hindi niyo ako napapansin.." sabi nito sa kanya. Doon pa lang niya naisipang mag angat ng tingin, "wahat?" "Kanina pa po ako dito, sir," ulit ni Ronnel, medyo nahihiya. "May mga dokumento po akong ipapapirma." Napalunok si Jethro at agad na itinaas ang kanyang ballpen, sabay nag-ayos ng upo. Pilit niyang isinantabi ang iniisip tungkol kay Ian at Danica. "Ah, oo. Pasensya na, Ronnel. Ano 'yan?" Inabot ni Ronnel ang folder, at mabilis na kinuha ni Jethro ito. Habang binubuklat a
"Anong sabi mo?" tanong ni Ryza, galit na galit ang tono. "Ulitin mo nga, Ian. Sino bang kumampi sa'yo?"Tumayo si Ian at nilapitan si Ryza, hindi para makipag-away, kundi para ipakita na hindi siya natatakot. "Sabi ko, kung may problema kayo kay Danica, sa akin niyo na lang sabihin. Tigilan niyo na ang panglalait sa kanya. Kung gusto niyong i-judge ang buhay ng iba, siguraduhin niyo na malinis ang sa inyo."Natameme sina Ryza at Jona. Alam nilang hindi sila mananalo sa argumento ni Ian, lalo na’t ilang beses na nilang narinig na maraming problema sa kanilang sariling mga buhay. Ngunit bago pa sila makapag-react, nagsalita na si Danica."Alam niyo," malumanay ngunit matalim ang tono niya, "hindi ko kailangang patulan ang mga sinasabi niyo. Kung anuman ang iniisip niyo tungkol sa akin, bahala kayo. Hindi ko na iintindihin, dahil alam kong hindi ako ang problema dito."Tahimik ang paligid. Kahit ang ibang tao sa café ay tumingin sa direksyon nila. Hindi inasahan ng mean girls na bibigya
Napagkasunduan nilang magkita ni Jethro sa parking space na ginagamit nito sa gusaling iyon. Pagdating ni Danica doon, naroon na ang lalaki at nakasimangot na naghihintay sa bench. Masam ang tingin ni Jethro sa kanya na parang lalamunin siya nito ng buhay."Bakit?" tanong ni Danica kay Jethro na hindi man lang nauupo sa tabi nito."Buntis ka na, nakikipaglandian ka pa sa ibang lalaki?" may panghuhusga ang tinig nito, "isa ka ba talagang pakawalang nilalang?""Hoy, Jethro, wala akong pakialam kung ano man iyang iniisip mo. Walang halaga iyan. Hindi ko na naman mababago ang pananaw mo tungkol sa akin, bakit pa ako magiexplain hindi ba? kaya paniwalaan mo na lang kung ano ang nais mo!" naiinis na si Danica sa inaarte ng lalaking ito.Nagtiim bagang si Jethro at malamig ang matang tiningnan siya. Hindi niya akalain na matapang ang babaeng ito. Masyadong matalas ang dila.Wala pang babaeng nagsalita sa kanya ng hindi maganda. Namumukod tangi ito. Malalim siyang huminga."Danica, mag usap
“No!!” nanginginig ang kanyang kalamnan sa narinig sa kanyang ama. Hindi siya makapaniwalang naisipan nitong ipagkasundo siya sa isang matandang halos kasing edad na nito. Nagpupuyos ang kanyang kalooban sa labis na galit. Hindi niya maiwasang maghimagsik ang kanyang puso. Nagngingit ngit ang kanyang damdamin.“Danica, siya lang ang makakatulong sa atin. Si Amante na lang ang nais sumugal sa ating kumpanyang lubog na sa pagkakautang. Hindi na tayo makabawi magmula ng mamatay ang iyong mama,” paliwanag ng kanyang ama, “matitiis mo bang mawala ang kompanyang pinaghirapan namin sa matagal na panahon? Nasa kamay niya ang ating muling pagbangon.”“Papa,” nangingilid na ang kanyang luha dahil na rin sa labis na frustration, “matitiis niyong ako ang ibayad sa matandang iyon kapalit ng tulong na nais niyang ibigay sa atin? Kung totoo niyo siyang kaibigan, bakit hindi niya kayo tulungan ng walang kapalit?” Hindi niya matanggap sa kanyang sarili na gagawin siyang collateral ng kanyang ama, “maa