Samantha"Alam mo ikaw..." nanggigigil na sabi ni Sheeva sabay hatak ng buhok ko. Napangiwi ako sa sakit. "Ang utak mo talagang babaita ka e no. Magpaliwanag ka ngayon kung bakit hindi ka sumipot sa tagpuan at naka-off pa ang phone mo ng isang linggo?"Nasa School kami ngayong magbabarkada, kumuha ng toga at invitation card para sa graduation namin bukas. Inagahan ko ng punta, sabi kasi ng mga bruha baka daw mahirapan kami makakuha agad dahil subrang dami ng estudyante. 'Yon pala gigisahin lang nila ako ngayon. Pinagtulungan nila akong hatakin papunta dito sa puno ng Molave.Kaya pala lahat sila nakangising aso sa akin kanina pagkababa ko ng kotse dahil may mga nilulutong balak. Inantay pa talaga ang pagdating ko. Animo'y mga gangster na inaabangan ang target nila.Buti na lang talaga at nakumbinsi ko si Wayne kanina na 'wag s'ya ang maghatid sa akin papunta dito sa school dahil hina-hunting kami ng mga kaibigan kong boang.Nagulat pa ako ng sabihin nila na
"Kay Ivan." nagtawanan sila ulit at muling hinatak ang buhok ko. Napangiwi ako lalo. "'Wag mong ibahin ang usapan at matatanggal talaga 'tong buhok mo. Luko ka, pinag-alala mo kami ng subra tapos bababa ka ng kotse na abot tainga ang ngiti." sabi ni Sheeva."Alangan sisimangot ako... awww--Sheeva!"Nagtawanan na naman sila. "Magpaliwanag ka na.""Hindi ako pinalabas ng bahay ng asawa ko kaya hindi ako nakapunta. Bantay sarado 'yong gate... Aww--!""Kailan ba nagkaroon ng gate 'yong Unit n'yo?" si Cait."Hindi na kami sa Condo nakatira. After ng event natin noong gabing iyon, sa Tagaytay kami dumeritso, sa bagong bahay namin." sabi ko. Naramdaman kong unti-unting lumuwag ang pagkakahawak ni Sheeva sa buhok ko. Kaagad ko s'yang nilingon at hinatak din ang buhok n'ya. "Bwesit ka! Ang sakit ng hatak mo ah." sabi ko pero nagtawanan lang sila. Naiiling na hinihimas ko ang anit kong nananakit.Mga siraulo talaga..."Ediretso mo na ang kwento." nakangising s
SamanthaHindi ko alam kung ilang oras na ang lumipas na nanatili lang akong nakaupo sa ibabaw ng lababo habang nakatingin sa sarili kong reflection sa malaking salamin na nakadikit sa pader sa may gilid ko. Nananakit na ang pang-upo ko pero ayaw kong tumayo.Kanina pa ako nag-iisip ng paraan kung pa'no bubuksan ang pinto pero wala pa rin akong maisip. Wala din akong makitang bagay na pwede kong gamitin pambukas ng seradura kaya hinayaan ko na lang. Pagmamay-ari naman ng asawa ko ang eskwelahan na 'to kaya siguradong hahanapin n'ya ako kapag inabutan na ako ng gabi't hindi pa umuuwi ng Condo. May mga CCTV naman ang buong campus kaya siguradong nahagip naman ako ng camera bago ako napadpad dito sa likod ng building."Stacey?" bulalas ko ng biglang pabalyang bumukas ang pinto ng banyo at s'ya ang iniluwa niyon. Muntik pa akong mahulog sa subrang pagkagulat sa kanya.Bakit hindi ko man lang narinig ang mga yabag n'ya?Nanlilisik ang mga matang tiningnan n'ya ak
Nginisian s'ya ni Luigi. "I have my ways, tsaka hindi mo deserve ng paliwanag. Now, kapag inulit mo pa 'to, hindi ako magdadalawang isip na ipakulong kayong lahat at sisiguraduhin kong mabubulok kayo sa bilangguan habambuhay."Tinanawan s'ya ni Stacey. "As if natakot naman ako sayo." maarteng sabi n'ya kay Luigi sabay baling sa akin. "Binuntis ako ng asawa mo kaya dapat lang na panagutan n'ya ang dinadala ko."Natigilan ako sa sinabi n'yo pero bigla din akong napahagalpak ng malakas na tawa na ikinadilim lalo ng mukha n'ya. "Sa tingin mo maniniwala ako sayo? Halos lahat naman ng babaeng naghahabol sa asawa ko puro ganyan ang sinasabi sa akin. Wala na bang iba? Masyado na kasing gasgas 'yan e." asar ko pa sa kanya.Pwerke gusto ni Wayne ng anak, lahat na lang sasabihin buntis sila para makuha ang asawa ko? Ha, nek-nek nila..She gritted her teeth. Nakita ko rin na naikuyom n'ya ang kanyang mga kamao dahil sa sinabi ko."Nakalimutan mo na ba 'yong tungkol sa n
SamanthaThis is it!Graduation Day!"I'm very proud of you, baby. You really did a great job." sabi ni Wayne habang mahigpit akong niyayakap mula sa aking likuran.Nakapulupot ang kanyang mga braso sa bewang ko habang nakapatong ang kanyang chin sa ibabaw ng balikat ko. Nasa harapan kami ng isang built in full length mirror. Inaayos ko ang suot kong dress na papatungan ko ng aking toga, pero ang kulit-kulit n'ya sa aking likuran. Kanina pa nanyayakap, ayaw akong pakawalan. Makailang ulit ko ng binabaklas ang matitigas n'yang mga brasong nakapulupot sa akin ngunit lalo lamang n'yang hinihigpitan. Pinanliliitan ko na s'ya ng aking mga mata sa salamin pero hindi man lang natitinag, nginingisian lang ako lalo."Hindi ka pa ba magbibihis? Anong oras na o." sabi ko habang tinitingnan ang rolex watch na nasa bisig ko saka tinapat sa mukha n'ya.Binigay n'ya sa akin kahapon pag-uwi ko galing school. Magkapares kaming dalawa. Graduation gift n'ya daw sa akin lal
Kaagad kong tinabig ang kamay n'yang nasa bibig ko. Malakas s'yang napahagalpak ng tawa habang nakatitig sa akin ang nagniningning n'yang mga mata. Inirapan ko s'ya sabay talikod. Napangiti ako at mabilis ng lumabas ng sasakyan ng makita kong hindi na ma-drawing pa ang mga mukha ng mga kaibigan ko. Malamang naiinip na."O ayan na pala ang bruha e." nakasimangot na sabi ni Criezel habang abot tainga ang ngiti kong naglalakad palapit sa kanila."Tuwang-tuwa ka pa ah." sabi ni Bea pagkalapit ko sa kanila. "Kanina pa kami dito-- Oh my gosh!" nanlalaki ang mga matang bulalas n'ya sabay turo sa aking likuran. Napatakip na s'ya ng kamay sa kanyang bibig. "S-Si Mr. Santiago ba 'yon?" sabi n'ya. Nagpapabalik-balik pa ang nakaturong kamay nito kaliwa't kanan.Nagtataka naman na sinundan namin ang tinuturo n'ya. Napanganga ako sa gulat ng makita kong naglalakad si Wayne sa kabilang daan papasok ng campus. Nakangiting nakatingin sa amin habang sinusuot ang black sunglasses n'ya
SamanthaAfter presented to President John Jherwin Del Carpio Santiago those who are about to receive honorary degrees and escorted each candidates, he introduce a young man, I forgot the name, who responded on behalf of the honorary degree recipients and gave a long speech in front of the stage.Makalipas ang ilang minuto, malakas kaming nagpalakpakan at naghiyawan matapos nitong magsalita."Ladies and gentlemen, please welcome the WSU singers with their tribute to Winx State in the class twenty-twenty two." sabi ng Emcee."Wooo!""Ang pogi n'yo!""Ayusin n'yo, bawal magpaiyak ngayon!"Sabay-sabay pang sabi nila. Malakas kaming nagtawanan habang naghiyawan at nagpalakpakan ng umakyat na ng stage ang grupo nina Luigi."Congratulations class of twenty-twenty two!" malakas sa sigaw ni Ivan. Humiyaw lalo ang mga tao saka nagsimula silang kumanta.Baby, I know you are hurtingRight now you feel like you could never love againNow all I as
"Kunin mo na Sam!""Sagutin mo na kasi!""'Wag ka nang magpakipot pa!""Oo nga, umi-effort na e!"Malakas na sigawan pa nila. Lalo akong linukuban ng subra-subrang hiya. Hindi ko maipaliwanag 'yung init na nararamdaman ko. Pinagpapawisan na akong malapot. Pakiramdam ko para akong nasa loob ng kaldero at niluluto ng pagkalakas-lakas na apoy. Ang init pero para akong nanlalamig sa nerbiyos. Putek talaga!Kung wala lang sana akong asawa pwede pa. Ang kaso meron e, at alam n'ya! Nagkakasala tuloy ako kay Wayne dahil sa kalukuhan ni Luigi! Graduation ngayon gumagawa ng scene na ganito! Ang sarap tadyakan!Wala sa sariling hinablot ko ang bulaklak na inaabot n'ya sa akin para matigil na ang ingay nila at ng lumayas na ang mga ito dito sa harapan namin. Sinamaan ko ng tingin ang mga kaibigan kong abot langit ang mga ngisi sa mga labi habang nakatingin sa akin. May kanya-kanya ding hawak na bulaklak."I'm sure hindi ka na lulukuhin pa ng asawa mo after