Share

Chapter 45 (Part 2)

"Kay Ivan." nagtawanan sila ulit at muling hinatak ang buhok ko. Napangiwi ako lalo. "'Wag mong ibahin ang usapan at matatanggal talaga 'tong buhok mo. Luko ka, pinag-alala mo kami ng subra tapos bababa ka ng kotse na abot tainga ang ngiti." sabi ni Sheeva.

"Alangan sisimangot ako... awww--Sheeva!"

Nagtawanan na naman sila. "Magpaliwanag ka na."

"Hindi ako pinalabas ng bahay ng asawa ko kaya hindi ako nakapunta. Bantay sarado 'yong gate... Aww--!"

"Kailan ba nagkaroon ng gate 'yong Unit n'yo?" si Cait.

"Hindi na kami sa Condo nakatira. After ng event natin noong gabing iyon, sa Tagaytay kami dumeritso, sa bagong bahay namin." sabi ko. Naramdaman kong unti-unting lumuwag ang pagkakahawak ni Sheeva sa buhok ko. Kaagad ko s'yang nilingon at hinatak din ang buhok n'ya. "Bwesit ka! Ang sakit ng hatak mo ah." sabi ko pero nagtawanan lang sila. Naiiling na hinihimas ko ang anit kong nananakit.

Mga siraulo talaga...

"Ediretso mo na ang kwento." nakangising s
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status