Share

CHAPTER 5

‘’Anak, wear this red silk dress, it will perfectly match you,’’ aniya ni Mom sabay lahad sa ‘kin nung dress.

‘’Do I have to dress up Mom? I just have to meet him right,’’ tanong ko sa aking ina, sapagkat tinatamad talaga akong magbihis ngayon.

‘’Just do it Celeste, nakakahiya naman sa mapapangasawa mo kapag hindi ka man lang nagbihis, sermon pa ni Mom. Kaya tumango na lang ako at nagshower na din dahil maghapon lang akong nakahiga sa bed ko. Hindi ko alam kung anong mararamdaman sapagkat kakahiwalay lang namin ni Drake tapos ngayon naman ay ipapakilala ako ng magulang ko sa future husband ko.

Nag-ayos na din ako pagkatapos ko maligo, I just put a no make-up make-up look para I look fresh lang, parang nag-b-blush lang very slight ganon ang atake ko. While my hair naman is naka messy bun lang, it look so good especially that it highlights my silk dress and how it compliments on my skin. Lastly, I just sprayed my favorite perfume, it’s from Yves Saint Laurent named Libre, aside from its very unique and captivating aroma, I love how it is define, a freedom. I just love freedom because for me it was so hard to acquire.

‘’Let’s go Celeste Amethyst, just smile like you always do,’’sabi ko sa aking sarili habang nakatingin sa salamin. I just have to look like it’s nothing, I am slowly accepting that it would be for my own good, I just wish to have a kind future husband that’s all.

Habang pababa na ko papunta sa dining room ng aming mansion, naririnig ko ng may nag-uusap. Nandiyan na yung mga bisita, sinadya ko talagang magpalate ng kaunti para ma-turnoff yung lalaki. Baka sakaling siya na mismo ang magpatigil ng kasal.

‘’Pare, here is my daughter,’’ pagpapakilala sa ‘kin ni Dad sa kaniyang business partner.

‘’She’s very beautiful pare, good to meet you hija, I’m Thomas Alejandro, you can call me Tito though,’’ mapagbiro nitong saad sa ‘kin at inabot ang kamay.

‘’Hello uhm Tito Thomas, I’m….,’’ magpapakilala pa sana ako ng may biglang nagsalita sa gilid ni Tito Thomas.

‘’You’re Celeste Amethyst Serrano, I’m Theodore Cade Alejandro your soon to be husband I guess,’’ sabi ni Theodore. Kaya   nagtatakang nagpapalipat-lipat ang tingin nina Mom, Dad tsaka Tito Thomas, maging ako ay natulala din dahil hindi ko akalain na si Theodore ang makakaharap ko ngayon.

‘’What are you doing here?,’’ tanong ko kay Theodore.

‘’I’m his son Celeste and Dad said that you  are my future fiancee right’’ nakangisi pa ring saad ni Theodore kaya naguguluhan na talaga ako sa kanya. Sinabi niya din last week na magkikita kami, ito na ba yun? So he did know na iaarrange marriage kami?

‘’I guess you both already know each other, so get along well’’ makahulugang sabi ni Dad at pinaupo na ako para makakain na, sa harap pa talaga nitong si Theodore na panay parin ang tingin sa ‘kin habang nakangisi. Lagot ka sa ‘kin mamaya, isip-isip ko dahil matagal niya na sigurong alam na future fiancee niya ko yet hindi niya man lang sinabi sa kin.

Napatingin ako sa lalaking kaharap ko ng sipain niya ang paa ko sa ilalim ng mesa. At nagulat pa ako ng lagyan niya ako ng rice at ulam sa plato ko sabay ngiti ng matamis.

‘’What the heck are you doing?,’’ tanong ko ng pabulong kay Theodore dahil kitang-kita siya ng parents namin na naglalagay ng foods sa plate ko.

‘’Thank you’’ saad naman nito at patuloy lang na kumakain. Si Mom naman ay nakita kong kinikilig sa gilid ko kaya sinamaan ko ito ng tingin.

‘’You’re so sweet Cade, hope that you can take care of our unica hija really well, she’s clumsy but very independent naman yan,’’ saad ni Mom kaya nahihiya tuloy ako, I try to be really careful naman talaga at all times.

‘’Mom stop it, nakakahiya,’’ awat ko kay Mom.

‘’Ofcourse Tita, Celeste won’t experience something bad when she’s with me. And I want her to be dependent with me, I don’t want her to have a hard time just because she’s independent especially if I can do something with it,’’ seryosong saad ni Theodore kay Mom sabay tingin sa ‘kin kaya napaiwas ako ng tingin. I didn’t know he could be this good talker, muntik na din akong maniwala I tried to set it aside kase baka for the show lang naman ito. Just like what I was doing.

‘’ Can I talk to Theodore Mom, Dad and Tito? We’ll just talk in the garden po,’’ tanong ko pagkatapos namin kumain.

Nauna na akong naglakad papunta sa garden namin, hindi ko din alam kung anong sasabihin ko but I want to talk to him about this arrange marriage stuff. Umupo lang ako sa may fountain at hinawakan ang tubig, this is my favorite part of the house I feel free here. I can breath fresh air, I can feel the cold water and the scenery around the garden is amazing.

‘’Do you know why I chose to be with Drake,’’ tanong ko kay Theodore kahit hindi ko alam kung nakikinig ba siya sa’kin.

‘’He first approached me saying he likes me, kaya we tried being in a relationship. Pero lahat ng yun doesn’t feel na minahal niya ako or vice versa,’’ kwento ko ulit, I don’t even know bakit ko kinukwento sa kanya ito. He is just quiet maybe listening to me blabbering nothing, but still I continued.

‘’It really hurt nung nagloko siya pero I was okay with it after a few days, I don’t even longed or tinry na balikan siya, alam mo kung bakit?,’’ tanong ko kay Theodore at humarap sa lalaki, nakatingin lang ito sa ‘kin at tumango kaya ipinagpatuloy ko ang sasabihin ko.

‘’Sa likod ng relasyon na yun, may mas malalim na dahilan kung bakit kailangan kong kumapit,’’ huminga muna ako ng malalim kase naiiyak ako, ngayon lang ako mag-o-open patungkol sa buhay ko, maging mga kaibigan ko ay hindi alam ito.

‘’Kase kalayaan ko yung kapalit Theodore, ka…kapag nag-break kami ni Drake hindi na ako pwedeng humindi sa kagustahan nila Dad about arrange marriage and eto na nga ang kinakatakutan ko,’’ umiiyak ko ng saad sa lalaki at niyakap lang ako neto.

‘’All I want was to be free from anything but it’s so hard to acquire, no matter what I do, I can just be free for a short time then biglang binabawi sa ‘kin,’’ umiiyak pa rin na saad ko, umiiyak na sa dibdib ng lalaki.

‘’Shhhh, who said you can’t have a freedom with me Celeste? You can still do anything you want, and I will support you,’’ tanong ng lalaki at hinawakan ang mukha ko at pinunasan ang mukha ko ng kamay niya.

‘’You look ugly when you cry Celeste, mas maganda ka kapag masaya ka’’ saad nito kaya napahiwalay ako dito dahil biglang lumakas ang tibok ng puso ko gosh. Pinalo ko din siya sa kamay sabay ngisi na rin.

‘’ You just admitted that I’m beautiful huh’’ pang-aasar ko kay Theodore, gumaan na din ang pakiramdam ko dahil sa sinabi niya. He is the first one to actually make me feel good especially that siya lang din naman ang nasabihan ko sa problem ko.

‘’Did I?,’’ maang na tanong ni Theodore at ngumisi bigla at hinabol ako kaya naghabol-habulan tuloy kami paikot sa fountain. I really  thought that today could be a bad day for me but kabaliktaran pala, Theodore is very kind and good hindi lang halata because of his features that look scary, scary handsome.

‘’Stop, I can’t breath,’’ saad ko habang hinihingal ng maabutan ako ni Theodore at yakapin ako sa likod.

‘’I waited a really long time for this’’ makahulugang sabi ng lalaki habang nakayakap sa ‘kin sa likod. Kahit hindi ko maintindihan ang sinabi niya ay pinag-sawalang bahala ko na lang at sabay kaming nakatingin sa magandang kalangitan na puno ng stars.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status