Share

CHAPTER 6

‘’You really like stars huh, you have been staring at the dark skies Celeste,’’ saad ni Theodore. Kaya napatingin ako sa kanya ngunit nakatingin na din siya sa kalangitan.

‘’I feel like its free there, kahit pinapaligiran sila ng kadiliman hindi hadlang yun upang hindi sila magliwanag. At tsaka ang ganda nila tignan sa kalangitan,’’ saad ko habang nakangiti at nakatingin sa kalangitan.

‘’Ang ganda nga,’’ bulong naman ni Theodore kaya napatingin ako sa kaniya pero nakatingin din pala siya sa ‘kin kaya umayos na ako ng tayo para pumasok na sana sa loob dahil nahihiya na tuloy ako sa kanya.

‘’We should go inside na uhm Theodore,’’ sabi ko habang hindi nakatingin sa kaniya at tinuturo na ang pintuan papasok ng bahay.

‘’Yeah, let’s go Celeste,’’ saad naman ni Theodore at nauna ng pumasok kaya huminga muna ako ng malalim at pumasok na rin ako kasunod ng lalaki.

Pagkatapos ng gabing yun ay tila gumaan din ang pakiramdam ko patungkol sa arrange marriage sapagkat nakikita ko naman na mabait si Theodore. Sa katunayan, magkikita kami bukas sa isang restaurant kase gusto ni Mom na magkausap kami ni Theodore. I think its her way na din para hindi kami mahirapan kapag nagsama na kami since malapit na din ang graduation ko.

‘’Mom, is there any available driver today? Na-flat pala yung gulong ng kotse ko and malapit na din ako ma-lowbatt,’’ text ko kay Mom kase I have my car naman with me pero pagtingin ko, it’s flat kaya need ko magpasundo. Nauna na din ang mga kaibigan ko kaya wala na din akong kasama sa labas ng gate at medyo madilim na din. Na-lowbat din yung phone ko kaya mag-cha-charge muna ako kaya naglakad pa ako ng medyo malayo layo papunta ng convenience store.

‘’Oh my god, let me go,’’ sigaw ko ng may biglang humatak sa ‘kin na mga tambay ng matapat ako sa madilim na eskinita.

‘’Wag mo na subukan miss dahil wala namang makakarinig sayo rito,’’ tumatawang sabi nung tambay na may bonet at sira-sira pa ang damit.

‘’Ang ganda at kinis mo naman miss, ang swerte natin ngayon boy,’’ saad naman nung lalaking naka-cap mukhang adik dahil namumula pa yung mata. Nagpupumiglas ako sa dalawa pero wala din yung kwenta dahil mas malakas sila sa ‘kin.

‘’Tulong! Pakawalan niyo na po ako kuya, sino po ako magsusumbong sa mga pulis, please po,’’ umiiyak na pagmamakaawa ko sa dalawa baka pakawalan ako.

‘’Tumahimik ka nga diyan, ikaw din naman ang masisiyahan sa gagawin natin,’’ saad nung tambay na mukhang adik kaya napailing-iling ako.

‘’Ayoko po, parang-awa niyo na po,’’ patuloy na pakiusap ko habang sumisigaw parin ng tulong baka-sakaling may makarinig at matulungan ako.

‘’Sinabing tumahimik ka diba, naririndi na ako sayo ha,’’ sigaw ng isa at sinampal ako. Ang sakit pero hindi ko na ininda yun, mas gusto kong makaalis dito.

‘’Aray p*****a ka ha, lagot ka sa ‘kin’’ sigaw nung mukhang adik dahil kinagat ko siya ng muntik niya na akong halikan, nakakadiri, pero sinubukan kong tumakbo ng mabilis para hindi maabutan pero ang bilis nila akong nahabol.

‘’Lagot ka sa ‘kin ngayon, inuubos mo talaga ang pasensya kong puta ka ha,’’ sigaw nung lalaking naka-bonet sabay hila sa buhok ko kaya napahawak ako sa kamay niya. Sobrang sakit. Iyak lang ako ng iyak habang hinihila niya ang buhok ko papunta sa mas madilim pa na parte ng eskinita. Nahihilo na din ako dahil medyo matagal ding hinila ng lalaki yung buhok ko.

‘’You bastard, I’m gonna fucking kill you,’’ mariin na sabi ng isang lalaki at nakipaglaban ata sa dalawang tambay dahil nabitawan na ako sa buhok. Umupo ako ng maayos habang umiiyak dahil hindi ko inakalang mangyayari sa ‘kin ang ganito.

‘’Who told you that you can touch or hurt her huh,’’ narinig kong sigaw ng lalaki kaya napatingin ako dito, mabilis niyang sinusuntok ang dalawang tambay na nanakit sa ‘kin. Hindi man lang makasuntok ang dalawa sa sobrang bilis umiwas at umatake ng lalaking nagsagip sa akin sa kamay ng mga demonyong tambay na iyon.

‘’Lux, I need you to bring someone behind bars, make them rot in jail. Name your price, I’ll pay,’’ saad ng lalaki habang may kausap, pagkababa ng phone call ay humarap ito sa ‘kin kaya nakita ko na ang lalaking nag-ligtas sa ‘kin. It was Theodore.

‘’Hush, I’m here Celeste, no one can hurt you okay,’’ saad nito habang umiiyak ako sa balikat niya. Muntik na akong mawalan ng pag-asa na may dadating para isalba ako sa mga tambay na yun.

‘’I’m so scared Theo, It was so scary, they slap and drag me by hair bago ka dumating,’’ sunod-sunod na sumbong ko kay Theodore. Narinig ko pa siyang nagmura at tatayo sana ulit para bugbugin yung dalawa pero hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya kaya hindi siya makaalis.

‘’Please don’t hurt yourself, Theo,’’ saad ko dito at sinandal ang ulo ko sa dibdib niya. Ayokong pag-aksayahan niya pa ng lakas ang mga tambay na iyon, narinig ko naman na ipapakulong ito ni Theodore.

‘’Do you have bruises? Let’s go to the hospital to make sure you are okay,’’ mahinahon na saad nito sa ‘kin habang nag-aalalang nakatingin sa ‘kin.

‘’Just don’t tell this to my parents please, I don’t want them to cage me or anything Theo please,’’ naiiyak na naman na sabi ko dahil lalong hindi ko mararanasan ang kalayaan na nais ko makamit.

‘’Don’t cry Celeste, I’ll make sure those bastards will not step outside ever again,’’ seryosong saad nito habang nakatitig sa ‘kin. He also carry me papunta sa car niya, dahil nanginginig parin ang paa ko. Nang mapadaan din kami sa Mercury Drug ay bumaba ang lalaki at may bibilhin daw siya, siya nalang daw ang gagamot ng sugat ko kung ayaw ko sa hospital.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status