Share

CHAPTER 7

---------------------------------------------------THEODORE----------------------------------------------------

‘’She’s gonna be okay bro, but to make sure, let her attend a psychiatrist. It might be traumatic for her,’’ saad ng kaibigan kong si Matt. Dinala ko si Celeste dito sa Hospital to get her bruises treated, I am still shaking from anger and hatred towards the person who did this to her. 

‘’Okay, thanks,’’ malamig kong saad sa kaibigan ko at tinignan ulit si Celeste pero iniwas ko din agad ang tingin ko. How come someone like her gets hurt when all she does is kindness.

‘’You like her dude fuck,’’magiliw na saad ni Matt kaya sinamaan ko ito ng tingin.

‘’Shut up and go away you might wake her up,’’ I said to Matt aasarin na naman ako ng gagong 'to kaya papalayasin ko na. Parang walang pasyente at madaming oras para bulabugin ako.

‘’ Alright, alright and stop staring you might scare her,’’ tumatawang saad nito, bago lumayo sa ‘kin para umalis dahil hahabulin ko na sana siya. Kung ano-ano ng lumalabas sa bibig niya.

Pagkatapos umalis ng kaibigan kong doctor ay tumawag ako sa isa kong tauhan upang mag-background check sa dalawang tambay na nanakit kay Celeste. Nagsampa na din ako ng kaso at hawak iyon ng kaibigan kong si Zee. Ipinangako kong hindi na makakalabas ang dalawang yun kaya kahit magkano ay magbabayad ako para lang mabulok ang dalawang yun sa kulungan.

‘’Ouch,’’ narinig kong ungot ni Celeste kaya pinatay ko na ang tawag at lumapit sa kaniya mukhang nais niyang umupo pero dahil nanghihina pa ay mahirap ito para sa kaniya.

‘’Let me help you,’’ saad ko at inayos siya ng higa at may pinindot sa gilid ng higaan niya upang kusa na itong mag-recline. She looks vulnerable, very unlikely to a strong Celeste she always portray. 

‘’Thank you.’’ saad ni Celeste at tumingin lang sa kamay niyang nasa blanket lang.

‘’Are you okay or may masakit ba sa 'yo?’’ tanong ko sa babae, upang matawagan ko agad si Matt kung may masakit man sa kaniya. 

‘’I’m fine Theodore,’’ mahinang saad ni Celeste. Kaya tumango nalang din ako, at tumingin sa bintana alam kong naiilang siya. Susubukan niya din sanang kuhanin ang telepono niya ng mapa-aray ito dahil sa sakit, yun yung sampal na ginawa nung tambay ng naisin nitong kumawala. Nagtangis ang ngipin ko ng sumilay ang sakit sa mukha niya pero ayaw niyang ipahalata sa ‘kin dahil nakita kong ngumiti siya.

Kinuha ko na din ang telepono niya sa may sofa sa loob lang ng room kung saan siya naka-confine.

------------------------------------------------CELESTE-----------------------------------------------------------

‘’Uhm Theodore where’s my phone?’’ tanong ko at luminga-linga para hanapin ang phone ko pero napangiwi rin ako ng maramdaman ko ang sakit sa batok ko. Napalakas ata yung sampal ni kuya sa ‘kin kagabi, sabagay tumagilid nga naman yung panga ko ng sampalin ako ni kuya.

‘’Stop moving around, I’ll get it for you just fucking stay put Celeste,’’ iritadong sabi ni Theodore at may binubulong pa pero hindi ko na marinig. Gusto ko na ding tawagan si Nat, ang alam pa naman niya ay kakain lang ako sa restaurant na ni-reserve ni Mom.

Nang inabot na sa ‘kin ni Theodore ang phone ko ay tinawagan ko na agad si Nat at nagdadasal na din ako na hindi siya galit o magalit na nasa Hospital ako ngayon.

‘’Hoy babae, nasaan ka ha! Alam mo bang kagabi ka pa namin hinahanap,’’ narinig kong sigaw ni Nat sa kabilang linya. Alam kong nag-aalala siya at ang mga kaibigan namin dahil ang sabi ko ay hanggang 10 pm lang ako.

‘’Nat…nat….Nathalie Iris Ferrer, nasa Hospital ako puntahan mo ako please,’’ naiiyak na saad ko, naalala ko na naman yung trahedya kagabi, kung paanong malapit na akong mapagsamantalahan kung hindi lang dumating si Theodore.

‘’What….anong nangyare? wait papunta na ako Amy don’t worry huh, I'll be there quick I’m sorry….I’m sorry,’’ natatarantang sabi ni Nat, narining ko pa ang kalampag ng mga gamit. Baka hinahanap yung car key niya paulit-ulit din itong humihingi ng sorry habang hindi binababa ang tawag.

‘’Don’t drive too fast Nat, you might get into accident, okay na ako, just confine here at the Salvador Hospital,’’ saad ko para huminahon si Nat dahil naririning kong nagmamadali siya baka mamaya siya naman ang maaksidente.

‘’Sinong kasama mo? Are you safe ba Amy? Or do you want me to call Tita and Tito?’’ sunod-sunod na tanong sa akin ni Nat habang nasa elevator, ayaw pa rin ibaba ang tawag. Kaya napailing ako, tanda na ayokong malaman yun ng mga magulang ko at sinabing hindi na kailangang ipaalam kina Mom, naintindihan naman ito ni Nathalie.

‘’Theodore saved me Nat and he’s with me as of the moment,’’ mahinang saad ko kase nakita kong nakatingin sa ‘kin si Theodore. Kaya nahihiya akong ngumiti dito at tumingin nalang sa bintana. Hindi parin ako sanay sa presensya niya but I am grateful that he found me that night kase baka kung ano ng nangyare sa akin kung hindi.

Nang marinig kong ini-start niya na yung kotse nagpaalam na ako sa kaniya at magusap nalang ulit dito sa Hospital. Ayaw pa sana ng kaibigan ko pero hinang-up ko na at baka ma-distract habang nagmamaneho. Pagkatapos ng tawag ay sobrang tahimik ng kwarto kaya tumikhim ako at tumingin kay Theodore para sana magpasalamat sa pagligtas sa ‘kin kagabi ng makitang papalapit ito sa akin.

‘’Uhm…..Theodore thank you for saving me last night,’’ mahinang saad ko pero linapit niya yung mukha niya sa ‘kin kaya napapikit ako, how come a person can smell this good, pero naramdaman ko na inayos niya yung unan sa likod ko. Kaya dumilat ako pero nakangising mukha niya ang bumungad sa 'kin kaya nag-iwas nalang ako ng tingin dito. Kunyari'y may kinakalikot sa phone pero hiyang-hiya na ako, how come I imagine that he will kiss me oh my god. 

‘’Just fixing the pillow, its already on the verge of falling,’’ saad ni Theodore kaya nahihiya akong tumango dito at hindi na nagsalita. Pero lalo lang akong nahiya ng marinig ang pinipigilang tawa ng lalaki.

‘’You thought I will kiss you don’t you?’’ tanong nito sabay mahinang tawa kaya sinamaan ko ito ng tingin at kumuha ng orange sa side table at ibabato na sana dito ng magtaas ng dalawang kamay akala mo ay hinuhuli ng pulis.

‘’Chill Celeste, masakit yan,’’ saad nito at kinuha sa ‘kin ang orange at sinimulang balatan habang binibigay naman sa ‘kin kapag may nabalatan na siya. I love oranges kaya andami ko ding nakain, pero wala naman siyang reklamo sa pagbabalat kaya lamon lang ako ng lamon.

‘’This taste good Theodore, saan binili ‘to?’’ tanong ko habang sumusubo ng nabalatang orange punong-puno na nag bibig ko kaya medyo utal pa ako habang nagtatanong.

‘’Just call me Theo, I asked my friend to buy this oranges,’’ saad nito kaya tumango-tango na lamang ako.

‘’Pero bakit oranges lang, usually apples din right?’’ tanong ko ulit dahil napansin kong walang ibang fruits sa basket only oranges lang talaga. Weird

‘’I thought you only liked oranges? Do you want any fruits other that orange? Fuck you Zei, hindi inaayos ang trabaho mo,’’ mabilis naman na tanong nito pero hindi ko na naintindihan ang huling sinabi ni Theo dahil hininaan niya ang boses niya. Napakamot din ito sa ulo niya sabay nag-focus nalang sa pagbabalat ng orange.

Although kumakain ako ng ibang fruits, oranges talaga ang pinaka-favorite ko so I am okay naman with all oranges sa basket napaka-exagerrated naman kase ni Theo. Mukhang lalabas pa ng room para bumili ng ibang prutas kung hindi ko lang napigilan.

‘’Its alright, I just find it weird that oranges lang ang nasa basket hehe,’’ saad ko habang tumatawa sabay kinakain na ulit yung oranges na hinimay niya. Bigla nalang may tumawag sa lalaki kaya binitawan muna nito ang orange na binabalatan at nagpaalam.

‘’Let me take this call Celeste,’’ seryosong saad ni Theo at pumunta sa may bintana para kausapin yung tumawag sa kanya.

‘’Gawin niyo lahat ng sinabi ko, they need to feel what they did to her,’’ seryosong saad nito. Nakakatakot si Theo kapag seryoso grabe, minsan ko lang siya makitang seryoso pero sobrang nakakatakot siya.

‘’I suspected that bastard have something on his sleeves, keep an eye on him,’’ narinig kong sabi nito. Pagkatapos ng tawag ay bumalik na ulit siya sa pagbabalat kaya tinanong ko siya kung anong nangyare sa tambay na nananakit sa ‘kin kagabi.

‘’I handled it Celeste, don’t worry about it anymore,’’ saad nito sa ‘kin. Magtatanong pa sana ako ng marinig ko ang iyak ni Nat sa may pinto at nakatakip pa ang kamay sa bibig niya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status