Saan kaya sila papunta? hehe
“Yes, book me a hotel. 2 rooms,” narinig kong wika ni Theo sa kabilang linya. Nagkusot pa ako ng mata ko at nag-inat ng kamay. Hindi ko pala napansing nakatulog na ako dito sa upuan ko, pero hindi ko natandaang ni-recline ko yung chair. Baka si Theo na ang nag-recline nun, pagtingin ko sa bintana ay mga puno lang ang nakita ko.“Theo, where are we?” saad ko habang tinitignan pa rin ang paligid. Mukhang malayo na kami sa city because sobrang daming puno ang nakikita ko.“Sa daan?” pamimilosopo nito kaya natawa ako ng mahina. Aba-aba marunong na mamilosopo ang lalaking ito ha.“Ah, ganyan na tayo ngayon….. Sino yun?” histerical na saad ko at tumuro pa sa bintana niya kaya mabilis ding napalingon ang lalaki.“What are you talking about? No one’s here Celeste,” mabilis na saad ng lalaki na malakas ko lamang na tinawanan.“Wala naman talaga,” sabi ko kay Theo habang nakahawak na sa tiyan ko at tumatawa na. Bigla itong lumapit kaya napasandal ako sa pinto ng kotse sa gilid ko, pero mabilis d
Pagkatapos namin kumain sa buffet ay inaya kong tumambay si Theo sa may alfresco habang nakatanaw ito sa pool at sa taal volcano. Pero dahil madilim pa ay yung ilaw sa city ang aming nakikita, sobrang relaxing sa place na ‘to.“Wow, that’s insane Theo sabay turo ko sa view,” mangha kong wika sa lalaki sabay turo sa view na nasa harapan namin. I just heard him chuckled, kinuha ko rin ang phone ko to take a picture of it.“Do you wanna swim?” saad ni Theo na marahan ko lamang na inilingan, sobrang lamig na kaya tinatamad na akong mag-swim.“Nah, super cold na kaya,” sabi ko kay Theo, kaya napatingin ito sa ‘kin at biglang tumayo.“Wait here, kukuha ako ng jacket,” saad ni Theo at pumunta na sa elevator, maybe going to his to get a jacket. Tumango naman ako dito at sumandal na lamang sa upuan habang tinitignan ang mga pictures na kuha ko.Medyo madami palang pictures ang na-take ko kaya nawili ako sa kakatingin dito ng biglang may umupo sa harap ko. Akala ko ay si Theo iyon, kaya ipapaki
Pagkatapos namin mag-usap ni Theo patungkol sa lalaki kanina ay umakyat na rin kami upang makapagpahinga na. Akala ko ay tuluyan na akong makakapagpahinga dito sa Tagaytay pero mukhang mas na-stress pa ata ako dahil sa sinabi ng lalaki.“You should rest now Celeste,” saad ni Theo sa akin pagtapat namin sa pinto ng room ko. Ngumiti lang ako ng maliit dito at nagpaalam na papasok na rin.“Goodnight, you should sleep also,” saad ko kay Theo na tinanguan lang ng lalaki, lumapit din ito sa akin at humalik sa noo ko bago tuluyang nagpaalam.“Goodnight, sleep tight. Cheer up! May pupuntahan pa tayo bukas hm,” saad ni Theo bago ako sinabihang pumasok na sa aking kwarto.Pagpasok ko ng room ay iwinaglit ko muna sa isipan ko ang sinabi ng lalaki, baka gusto lamang nun masira si Theo or what. Nag-halfbath na rin ako, buti nalang ay may warm pption ang bathroom nila dahil baka nangangatog na ako sa lamig ay hindi pa ako tapos mag-halfbath.Nakatulog din naman ako kaagad matapos mag-halfbath at sk
Matapos ang agahan naming puno ng saya ay magkahawak kamay kaming bumaba ng hotel upang pumunta na sa aming destinasyon. Pagdating sa baba ay nanduon na rin ang kotse na gagamitin namin ni Theo.“Saan tayo pupunta T?” tanong ko habang inaayos ang seatbelt matapos niya ako pagbuksan ng pinto at hinawakan pa nito ang ulo ko para hindi mauntog.“Just wait and see, this is something exciting,” saad nito sa akin at marahang ngumisi bago tuluyang pinaandar ang kotse.“Malapit lang ba ‘yon dito?” pagtatanong ko uli baka sakaling madulas ito at masabi sa akin kung saan ang pupuntahan ngunit marahan lamang itong umiling at nag-focus sa pagda-drive.Nanahimik nalang din ako at mas piniling makinig sa music na kasalukuyang bumabalot sa sasakyan dahil walang nagsasalita sa aming dalawa. Ng lumingon ako sa lalaki ay nakita kong nakasandal ang isang braso nito sa bintana habang nilalaro ang labi nitong mapula at kulay rosas. Napalunok ako ng laway lalo ng makita ang muscles na humahapit sa t-shirt n
“Hala, hindi pa tayo umabot para sumakay,” saad ko kay Theo habang nakasimangot. But it was so fun lining up, hindi ko maramdaman ang pagod sapagkat saya at pagka-excite ang mas nanaig sa akin.“Just wait a little bit and the moment you blink its our turn to ride that damn carousel,” saad ni Theo sa akin kaya kumuha nalang ulit ako ng mga litrato at nag-selfie na rin para sa memories ko as my first ever amusement park experience.“Oh my, it’s our turn na T,” excited na wika ko sa lalaki at hinawakan ang laylayan ng damit nito para ipaalam kahit alam kong alam na neto na makakasama na kami sa next batch ng sasakay. Marahan lang din naman itong tumawa at ginulo ang buhok ko kaya sinamaan ko ito ng tingin.“Not my hair, Theodore,” saad ko sa buong pangalan nito para malaman na stop na talaga. Mahangin na nga tapos ginugulo niya pa ang hair ko gosh!Tinaas lang nito ang kamay tila sinasabing titigil na. Maya maya ay kinuha na rin ang pass namin at nakapasok na kami sa loob. Pumili ako ng h
“AHHHH,” sigaw ko ng pataas na yung drop tower. Ngayong nakasakay na kami ni Theo ay tila kinakabahan na ako.“My god, super taas na T,” saad ko sa lalaki at hinagilap ang kamay nito dahil natatakot na ako lalo na kapag bumaba na talaga ang tower.“I’m here Celeste, here hold my hand,” wika ni ni Theo at pinakita ang kamay niya kaya hinawakan ko ito.“AHHHH, Mommy ayoko na,” sigaw ko ng biglang bumaba ang drop tower dahil tila malalagatun ako ng hininga sa takot.“C’mon Celeste, ikaw ang nagyaya dito,” saad ni Theo habang tumatawa sa gilid ko kaya sinamaan ko ito ng tingin at patuloy lang na sumisigaw.Naririnig ko rin ang ingay galing sa ibang kasama namin dito kaya alam kong hindi lang din ako ang natatakot. Subalit panay ang tawa kase ng kasama ko kaya naman sinasamaan ko ito ng tingin at paminsan-minsang hinihigpitan ang hawak sa kamay niya.“I can really feel your love kase grabe yung higpit mo sa kamay ko Celeste,” sarkastikong saad ni Theo at kumakawag para wag ko na higpitan
”How about Treasure? Trea for short?” tanong ko kay Theo habang kumikislap ang mata.”Why Trea though?” tanong ni Theo”I want it to have the same first initial of your name, at tsaka you are the one who give these to me, kaya I wanna treasure Trea along with the memories created here,” mahabang saad ko sa lalaki at ngumiti kaya nakita ko rin ang ngiti nito sa naging paliwanag ko.”Trea it is, what a beautiful name for this stuffed toy,” saad ni Theo habang nakatingin sa stuff toy na yakap-yakap ko. Pagkatapos namin magpahinga ay sumakay pa kami ng Super Vikings at Nessi Coaster kung saan feeling ko talaga ay mawawalan na ako ng boses sa kakasigaw habang ang kasama ko ay nagsasaya at nakataas pa ang kamay. Labis din ang tawa ng lalaki tuwing sumisigaw ako lalo na kapag pabilis o paakyat ang sinasakyan namin. Hanggang gumabi ay nagsaya lang kami ni Theo na tila wala ng bukas. Halos lahat ng rides ay pinilahan at sinakyan namin. Ngayon naman ay nasa ferris wheel kami at nakatanaw sa k
---------------------------------------------------THEO------------------------------------------------------------Habang pabalik na kami sa Hotel ni Celeste ay nakita kong madaming missed calls ang mga tauhan kong pinagbabantay ko kay Drake. Mamaya ko na iyon sasaguti kapag naihatid ko na si Celeste sa kwarto to.”Do you want to eat dinner?” saad ko sa babae na tila inaantok na rin marahil sa pagod dahil sobrang hyper at excited nitong sumakay sa mga rides kanina. Panandalian ko ring nakalimutan ang mga trabaho ko sa kumpanya dahil sa babae. ”Yeah, I am hungry na rin, but gusto ko munang umakyat sa room,” wika ng babae at isinandal ang ulo sa may headrest ng upuan. Masaya rin na tuluyan ko ng naamin ang totoo kong nararamdaman para sa babae, subalit hindi ko pa nasasabi na matagal na kaming nagkikita. Dahil nasa iisang mundo lang naman ang aming pamilya, iyon ay sa negosyo kaya bata palang ako ay nakikita ko na siya maging ang kaniyang pamilya. Pagdating namin sa hotel ay pina-va
“Calamba! Huling destinasyon na po ito, miss pasensya na pero hanggang dito na lang ang jeep ko,” sambit ng driver. “Pasensya na po, ingat po kayo,” sabi ko naman sa driver at mabilis na bumaba ng jeep. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako sa jeep dahil sa labis na pagod. Mabuti na lang ay Calamba ang huling destinasyon kaya kung sakaling hindi ay lumampas na ako. “Nakauwi na po ako,” masayang bulalas ko pagbukas ng pinto pero suumalubong sa akin ang mangiyak ngiyak kong ina. At katabi nito ay ang may pasa at duguang mukha ng aking ama. “A-anak,”naluluhang tawag sa akin ni Mom kaya mabilis akong lumapit sa kanya at yumakap sa kanya. “A-ano pong n-angyari dito? Bakit po dumudugo ang labi ni Dad?” nagtatakang wika ko sa kanila ngunit napailing na lamang ang aking Tito at Tita. “Y-yung pinagkakautangan ng Dad mo natunton tayo anak, nang walang maibigay ang ama mo ay iyan ang ginawa nila,” nahimigan ko ang galit sa boses ng aking ina. Kahit ako ay magagalit sa mga taong nakaka
“Ano ba ‘yan miss? Tumingin ka nga sa dinadaanan mo,” inis na saad ng babaeng nabangga ko sa kakamadali. “S-sorry po… pasensya na po talaga,” kinakabahang wika ko sa babaeng nabangga ko pero hinawakan ako nito sa braso kaya napatingin ako sa kanya. “May humahabol ba sa ‘yo? Bakit parang gulat na gulat ka? Walang mananakit sa ‘yo sa lugar na ‘to,” pagpapakalma sa ‘kin ng babaeng nabangga ko. “A-ah, wala po… pasensya na po ulit pero kailangan ko na pong umalis,” paalam ko sa babae at nagmadali ng umalis sa Resort de Salvadore’.“Fily! How are you? Pinapahirapan ka ba ng pinsan ko?” narinig kong sambit ni Matthew sa babaeng nabangga ko. Mabuti na lang talaga at nagmadali akong umalis duon kung hindi ay baka maabutan at makita ako ni Matthew. Sobrang loyal pa naman ng lalaking iyon kayy Theo. Habang naglalakad papunta sa sakayan ay tumawag si Nathalie sa akin kaya naghahanda ko na itong sigawan ng mauna na itong magpaliwanag sa’kin.“Hep, hep… sorry na Amy, ngayon ko lang din nalama
“A-anong sinabi mo Hon? A-ang mga A-alejandro? B-but they were nice hindi ba? T-tama ba ang narinig ko? Alejandro?” naguguluhang tanong ni Mom kay Dad. “A-akala ko mapagkakatiwalaan din sila ngunit nagkakamali pala ako, sila ang nasa likod kung bakit tuluyang nawala ang mga investors, maging ang patuloy na paninira sa mga produkto natin,” nanghihinang wika ni Dad at narinig ko pa sa loob ng kwarto ang pagkalansing ng baso hudyat na umiinom na naman si Dad.Napatingin ako sa aking kamay ng may tumulong luha mula sa aking mata. Akala ko masakit na yung pag-iwan ko kay Theo, at marinig sa mismong bibig ng lalaking mahal ko na awa lang ang lahat. Ngunit mas masakit palang malaman na pamilya nila ang may kagagawan kung bakit nawala sa amin ang kumpanya. “Y-you will never be like you Dad and Grandfather who are ruthless and cold hearted,” bulong ko sa aking tiyan habang hinihimas ito. Palalakihin ko ang batang ito na puno ng pagmamahal at may malasakit sa kapwa. Hinding hindi nito maiisip
“Y-you were the one who pushed that arrange marriage Dad. I was against that pero para sa kapangyarihan kaya mong ipamigay ang nag-iisa mong anak,” masakit na sambit ko kay Dad kaya napatayo na ito sa kanyang kinauupuan. Mabilis itong lumapit sa akin at itinayo ako habang mahigpit ang pagkakahawak sa magkabila kong braso. Kahit anong pagmamakaawa ko ay tila walang naririnig ang aking ama. “That was for your future. So you won’t have to worry about your damn future kid. Connection. Connection ang magpapalawak ng pangalan mo, without Alejandro’s that time no one is high enough for you,” wika ni Dad kaya natawa na lang ako sa sinabi nito. Kahit nanghihina ay pinilit kong ipunin ang aking lakas upang makawala sa hawak ng aking ama. “Connection? You think I can’t do that Dad? You really think so lowly of me huh. All this time I was proving myself worthy but it doesn’t make sense to you at all. O-only Theo made me feel that,” masakit na saad ko sa aking ama. “I guess that child is from t
“SINONG BUNTIS?!” galit na wika ni Dad. At mabilis itong pumasok sa silid na aking kinauupuan. Dahil sa matinding gulat ay nakatulala lamang ako sa aking amang galit na galit na nakatingin sa akin. “Sinong buntis Celeste? Ikaw ba?” sigaw na tanong ni Dad at hinawakan ang aking braso upang tumayo. Kahit nanghihina ay wala akong magawa kundi tumayo dahil sa nararamdamang sakit sapagkat mahigpit ang hawak ng aking ama sa aking braso. “Dad, masakit po please,” nagmamakaawa kong sabi kay Dad pero tinignan lang ako ng nanlilisik nitong mga mata. “Ikaw ang buntis? Sinong ama? Iyong Alejandro ba Celeste?” sunod sunod na tanong ni Dad sa akin at tuluyan na itong napasabunot sa kanyang buhok. “I-i can explain po Dad please,” umiiyak kong wika sa aking ama pero tinalikuran lang ako nito. “Bumaba ka Celeste Amethyst,” may pagbabantang sambit ng aking ama bago tuluyang lumabas ng kwarto ni Dahlia. Tuluyan na rin akong napaupo sa sahig ng kwarto ni Dahlia dahil sa labis na panghihina. Simula
Habang sinusulyapan ang kapaligiran, mahahalatang ibang iba ito sa Manila. May nakikita pa akong mga kapunuan dito habang sa Manila ay kakaunti lang. Dito sigurado akong magsisimula talaga kami sa baba, tanging tiyahin ko lang naman ang kakilala namin dito. “Celestine, kamusta na kayo? “ wika ng aking tiyahin ng makababa kami sa tricycle na sinasakyan. Tinulungan pa kami ni Tita na magbaba ng mga gamit namin kaya nagpasalamat ako sa kanya. “Ayos lang ate, pasensya na ha, ikaw na lang talaga ang naiisip kong puntahan,” nahihiyang sambit ng aking ina habang yakap yakap ang kanyang kapatid. Nakita ko namang tumango si Dad sa tiyahin tsaka tiyuhin ko. Mabuti na lang ay mabait ang kapatid ni Mom kaya may matitirhan kami kahit pansamantala lang hanggang sa makakuha ako ng bahay na pwede naming lipatan. Kaya kailangan ko na ring magtrabaho upang may maibigay naman kami kina tita kahit papaano. “Ano ka ba Celestine, tayo tayo na nga lang ang magkakadugo hindi pa ba tayo magtutulungan?” na
“What are you trying to say again anak?” tanong ni Mom sa akin kaya napabalikwas ako sa aking iniisip. “W-wala Mom, nakalimutan ko din po,” kunyari’y natatawang saad ko pero kabado na ako sa para sa aking sarili at sa munting buhay na nasa aking sinapupunan. I am so so scared what will Dad do if ever he knew I am carrying Theo’s child. Kaya siguro hindi ko masabi sabi kahit kay Mom dahil baka malaman ng aking ama. “Mom, hindi pa ba tayo aalis? Nasaan ba ang bus na sasakyan natin?” pagtatanong ko sa aking ina sapagkat medyo matagal na rin kaming nakatayo at naghihintay rito. “Y-your Dad is still talking to someone, let’s wait for him okay?” saad naman ni Mom kaya napabuntong hininga ako. Kapag lalong tumatagal ang pananatili namin ay hindi ko maiwasang alalahanin si Theo na iniwan ko sa kanyang condo. Sa bawat minutong lumilipas ay mas nananaig ang kagustuhan kong manatili na lamang sa tabi ni Theo. Kahit puro galit pa ang matanggap ko sa lalaki ay ayos lang basta nakikita at naka
Pagkatapos kong lisanin ang condo ni Theo ay mabilis kong tinawagan ang aking mga magulang. Upang ipaalam na papunta na ako kung nasaan sila.“Bakit ngayon ka lang nagparamdam anak? Kahapon pa kami nag-aalala ng Dad mo,” saad ni Mom sa kabilang linya.“M-ma pasensya na po, natagalan po kase akong nakaalis sa condo ni Theo,” mahinang sambit ko sa aking ina. “Ayos ka lang ba anak? Bakit natagalan ka sa pag-alis? Dahil ba kay Cade?” tanong ng aking ina na kinailing ko na lamang. Alam ko sa sarili kong ginusto ko ring manatili kagabi. Hindi man sapat iyon upang pagaanin ang aking dalamhati ay sapat na mayakap at mahagkan si Theo. “S-sobrang hirap po umalis Mom, y-you how much he means to me po,” nanginginig na saad ko sa kabilang linya. “I-im sorry anak, kase wala akong magawa. Mahal na mahal ko kayo ng Dad mo. A-alam kong hindi kakayanin ng Dad mo kung pati tayo ay tuluyang bibitawan siya,” malungkot na sambit ni Mom. “I-i know po Mom, k-kahit sobrang hirap magdesisyon. Sana lang po
“So ano ka? Hindi ba't mas masahol pa sa hayop ang ginawa mo? Para sa pera diba? Gusto mo ng pera Celeste? Sumagot ka! Gusto mo ng pera diba?!” galit na sambit ni Theo. Nakita ko ang litid sa leeg niya na parang sasabog na dahil sa galit. Kahit ako ay nanginginig na sa takot mula sa aking kinatatayuan. Pero iniisip ko ang mga magulang kong naghihintay sa ‘kin. Kaya kahit alam kong napakawalanghiya ko na sa mata niya wala akong magagawa kundi panindigan ang ginawa ko. “OO gustong gusto ko ng pera kaya nga ako nagtagal sa ‘yo diba? Baka nga nagpapakalantari na ako sa iba kung wala akong nahuhuthot na pera galing sa ‘yo,” walang emosyon kong saad sa lalaki. Napaatras ako sa kinatatayuan ko ng dahan dahang lumapit sa akin si Theo. Hindi ko na makita sa mata nito ang lamlam at pagmamahal na palagi kong nakikita sa tuwing nakatingin ito sa akin. “Then strip Celeste, maghubad ka sa harapan ko. Sa huling pagkakataon, bigyan mo naman ako ng magandang performance,” bulong sa akin ni Theo ka