Share

CHAPTER 4

Pagkatapos ng palitan namin ng messages ni Theodore ay pinatay ko na rin yung phone ko, grabe na yung mga kahihiyan na pinaggagawa mo Celeste Amethyst, pagkausap ko sa sarili ko. Napagkasunduan din namin na sa school ko na lang mismo kukunin yung card holder ko kaya hihintayin ko na lang siya bukas sa gate. Natulog na rin ako dahil may pasok pa bukas, baka ma-late pa ako ng gising.

‘’Mom, I’m gonna go na, I’m late already,’’ sigaw ko habang palabas na ng house namin, sabi na nga ba sa hula at mala-late ako ng gising kaya nagmamadali na akong magpahatid sa driver namin.

‘’You should eat breakfast Celeste anak,’’ sigaw din ni mom, pero hindi ko na pinansin dahil may quiz pa kami sa isang major mamaya, hindi pa rin ako nakakapag-review kaya sumasakit na ang ulo ko kung anong uunahin.

‘’Amy, come here ma’am Legaspi is in your back,’’ natatawang tawag sa ‘kin ni Debbie, muntik ko pang makasabayan si ma’am, buti nakipagkwentuhan pa sa isang teacher katabi ng room namin.

‘’Pahiram ako ng notes Deb,’’ sabi ko sabay hablot ng notes ni Deb, tawa ng tawa lang ang babaeng to, malamang nakapag-review kaya she can laugh all she want. Binasa ko lang din yung notes niya baka sakaling may maisagot naman ako sa quizz.

‘’Good Morning Class,’’ bati samin ni Ma’am Legaspi at inayos na ang gamit niya sa harap

‘’Good Morning Ma’am,’’ saad din namin at umupo na. Kinakabahan na ako baka mahirap yung ipa-quiz ni ma’am, mas inatupag ko pa kase ang mag-stalk ayan tuloy.

‘’Let’s reschedule our quiz for today next week, pinapatawag lahat ng teachers per department class,’’ saad ni Ma’am Legaspi at napa ‘yes’ ang mga kaklase namin, ofcourse me rin syempre.

At dahil natapos ng maaga ang class namin ay tumambay muna kami sa cafeteria para kumain, I didn’t have breakfast pa sa house para sa quiz na yun no.

‘’Nat, lets eat I didn’t have breakfast kase may quiz yet ire-resched naman pala,’’ natatawang sabi ko kay Nat. Kinuwento naman ni Debbie kung paanong magkasunod lang kami ni Ma’am na pumasok ng room kaya tawang-tawa sina Hope, Nat and Seb.

‘’That’s her talent guys, not considered late naman dahil nauna pa rin sa teacher,’’ sabi ni Nathalie habang tumatawa, pero its true naman diko alam kung lucky ba ako or not pero lagi lang talaga akong nauuna sa mga teachers namin kahit before pa.

Pagkatapos kumain ay bumalik na rin kami sa kanya kanyang classroom dahil may classes pa kami. Hope is taking Tourism, Nat is fashionate in modeling, Me and Debbie are taking Business Administration and Sebastian is in Engineering.

Habang nagkaklase ay biglang may nagpop-up na message sa i***a, galing pala kay Theodore, he just said that he is on the way to my school. I tried getting it on my own, but he said na may pupuntahan din siya around here kaya pumayag na rin ako. May nagpop-up ulit kaya akala ko si Theodore but its an anonymous message.

‘’Hindi ba siya titigil,’’ naiinis na saad ko habang nakatingin sa message

‘’Anong meron? At naiinis ka diyan,’’ nagtatakang tanong ni Debbie at tinignan na rin ang message

‘’From Drake, he wants to talk daw,’’ sabi ko kay Debbie.

‘’You should clear out things to him Amy but were going to tag along, baka saktan ka na naman ng lalaking iyon,’’ nag-aalalang sabi ni Deb kaya tumango ako.

Pagkatapos ng klase ay papunta na kami sa labas ng school, wala naman ng dapat kaming pag-usapan ni Drake. He can easily replace me, so why bother in talking pa.

‘’Akala ko ba talk lang pero ang daming dala,’’ sarkastikong saad ni Nat, dahil nakita na namin agad ang sasakyan ni Drake paglabas ng school. Paano ba naman may hawak-hawak na bulaklak tsaka paper bag galing gucci ata yun, ito naman lagi ang ganap niya tuwing may away kami.

‘’Feel na feel pa ni gago yung pagsandal sa kotse oh, ang sarap idikit sahig yung pagmumukha,’’ mayabang naman na saad ni Seb. Halatang inis pa rin kay Drake, lahat naman sila kanya-kanya ng masamang sinasabi kaya tinawanan ko na lang. Kung dati ay ipinagtatanggol ko pa yung lalaki pero mukhang natauhan na talaga ako dahil makita ko lang na ganito si Drake dati pinapatawad ko na siya e.

‘’I’ll talk to him quickly guys, just wait me here,’’ sabi ko sa kanila nung tumapat kami sa coffee shop malapit sa gate ng school. Tumango naman sila, pinaalalahanan pa ako na manloloko si Drake at pumasok na sa shop.

‘’Amy,’’ tawag sa ‘kin ni Drake sabay alis ng eyeglasses niya, nakita ko pang may bruises siya sa mukha, napaaway na naman ata wala ng pinagbago dun. Still a hot-temperred guy.

‘’What talk are we gonna talk about?’’ diretsong tanong ko dito habang seryoso ang mukha. Nakita kong tumalikod ito at pagharap ay tila nagpapaawang aso siya, its disgusting hindi ko alam na napapatawad ko siya nuon gamit ang ganiyang tactics. Eww

‘’ Amy, I know I made a mistake but ikaw lang yung mahal ko, hindi ko mahal yung babaeng nakita mo sa condo promise. Give me another chance I’ll be a good boy babe, just last chance,’’ pagmamakaawa nito habang hawak ang kamay ko. Kinukuha ko yung kamay ko pero ayaw niya bitawan.

‘’You’re hurting me Drake, you chose to cheat you should be responsible for that, and I don’t want anything from you anymore, no expectation, no changes so stay that way I won’t beg you anymore but I won’t go back to an abusive, manipulative cheater boyfriend like you,’’ sunod-sunod na sabi ko habang umiiyak dahil masakit na yung pagkakawak niya sa kamay ko and he can’t even realize kung gaano kalaki yung epekto ng cheating na ginawa niya.

‘’Masasaktan ka talaga kapag hindi mo tinigilan yang pag-iinarte mo, sayo pa rin naman ako babalik a at huli na yung nakita mo sa condo at sa bar,’’ sabi nito kaya napailing na lang ako.

‘’She already tells you that she’s hurting bro,’’ biglang sabi ni Theodore, hindi ko napansin na nasa gilid na pala namin siya. Ang bilis naman niya makadating dito sa school.

‘’Ikaw na naman, this is between me and my girlfriend so shut the fuck up,’’ sigaw naman ni Drake kaya napapatingin na yung ibang tao sa amin.

‘’Bibitawan mo siya o babaliin ko yang kamay mo and she’s not your girlfriend anymore asshole,’’ seryosong saad ni Theodore at tinanggal ang hawak ni Drake sa akin. Naglakad naman palapit si Theodore kay Drake at may binulong ito na nagpaputla kay Drake. Nagmamadali rin itong sumakay sa kotse nito at pinaharurot paalis.

‘’What did you tell him?’’ I asked Theodore, Drake seems scared kase e.

‘’Nothing just reminding him of his issues and how I can make his life miserable,’’ wala lang na sabi nito at nakapamulsa pa sa harap ko.

‘’Yeah, billionaire things huh,’’ sarkastikong sabi ko kaya napangisi ang lalaki.

‘’Here’s your cardholder Celeste,’’ saad nito at inabot sa ‘kin ang cardholder. Nagdikit pa ang kamay namin kaya parang nakuryenteng nilayo ko ang kamay ko.

‘’Why would you call me Celeste, just call me Amy,’’ sabi ko dahil parents tsaka minsan ang squad lang ang tumatawag sa ‘kin nun.

‘’Nothing I just liked it,’’ saad nito at napatingin sa orasan

‘’I have to go, see you next week maybe?’’ patanong nitong sabi kaya nagtaka ako dahil tila inaasahan niya nang magkikita kami next week.

Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Theodore ay pumasok na rin ako sa coffee shop at napasipsip din sa kape na binili nila para sa ‘kin. I didn’t know I could be smiling this wide just talking to Theodore.

‘’What did Drake said?’’ tanong ni Nat.

‘’Asking for a last chance,’’ kaswal na sabi ko sabay kibit balikat

‘’Last chance my foot,’’ inis naman na saad ni Seb sabay sip-sip sa iced coffee niya. Biglang tumawag si Mom kaya I excused myself para makausap siya ng maayos.

‘’Hija, Drake told us about your relationship,’’ mom said sa kabilang linya kaya napahilot ako sa sintido ko.

‘’Uhm that’s true mom,’’ I cant lie anymore baka nag-feeling close na si Drake kina mom without even knowing na hindi naman siya kakampihan ng mga ito. Mom also said that Dad wants me to come home para pag-usapan yung arrange marriage.

‘’Your Dad wants you to free your sched next week Friday for you to meet your future fiancee hija,’’ saad nito sa nag-aalalang tono. Mukhang seryoso talaga si Dad sa arrange marriage na ito, I think its time to listen to them.

Originally, my parents wanted to arrange marriage me a long time ago pa, but I insisted na hayaan nila akong mamili ng lalaking para sa akin. I want to experience love but I received the opposite pa tuloy. In return, my parents will continue the arrange marriage if we broke up and since it happened I can’t say no to them.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status