Share

CHAPTER 3

Pagkagising ko ay nagtataka ako sapagkat iba ang kwartong kinagisingan ko. Huling naalala ko lang ay yung halikan na naganap sa pagitan namin ni Theodore.

‘’Argh, nakakahiya ka Celeste Amethyst,’’ sigaw ni Amethyst sabay sabunot sa buhok. Hindi niya alam kung anong pumasok sa isip niya at siya pa ang unang humalik sa lalaki.

Nakahinga naman ako ng maluwag ng makitang suot pa rin  ang dress na suot kagabi kaya sure ako na walang nangyare sa aking masama, lalo na at hindi rin naman masakit ang nasa pagitan ng hita ko. Tumayo na rin ako para sana makaalis na sa estrangherong lugar na iyon ng makitang may gamot para sa hangover, tubig at mangkok ng porridge sa side table. Napangiti ako lalo ng mabasa ang maliit  na note na nakaipit sa tubig ‘Eat and drink this when you wake up’ - TC. Alam ko na kay Theodore iyon galing, kahit na mukhang nonchalant ang lalaki ay may pagka-caring side din pala ito.

‘’Wow, his taste is really good ha,’’ maanghang na sabi ko habang tinitignan ang condo ng lalaki. His condo is a mixture of navy blue, beige and mostly windows kaya nakikita yung view sa labas. Ang ganda rin ng mga furnitures sa bahay ng lalaki, parang nagpa-interior design pa ang lalaki para bumagay talaga ang mga gamit sa condo.

‘’You’re awake,’’ biglang saad ng lalaki ng magtitingin sana ako sa dining dahil sa living room palang ang natitignan ko.

‘’You scared me my gosh, I didn’t expect you to be here Theodore,’’ sabi ko sa lalaki sabay hawak sa dibdib bigla-bigla na lang kase nagsasalita. Hindi ko talaga in-expect na makikita siya dito, akala ko umalis na kaya lilibutin ko pa sana itong condo niya.

‘’Its my condo Celeste,’’ sabi nito at nagluto na ulit. Oo nga pala sa kanya itong condo, malamang nandito siya Amy pagka-usap ko sa sarili.

‘’Ah right,’’ sabi ko na lang at mahinang tumawa, kasabay nun ay tumakbo na ako sa room kung saan niya ako pinatulog para kunin na ang gamit ko. Sobrang nakakahiya yung ginawa ko kagabi tapos makikita ko siya agad ngayon.

Nagdahan-dahan pa ako ng papunta na ko sa pinto para hindi niya marinig pero tumunog yun ng binuksan ko, kaya kumaripas na ako ng takbo dala-dala yung bag at sandals ko. Kung may makakita lang sa ‘kin ay baka mapagkamalan akong nakipag one night stand, dahil gulo gulo pa ang buhok ko, walang ayos tapos nagmamadali pa.

‘’Celeste wait your…’’ narinig ko pang tawag ni Theodore pero hindi ko na nilingon. Hindi muna ako umuwi ng bahay dahil lagot talaga ako kay mommmy, dumiretso na muna ako sa condo ni Nat alam kong nag-aalala na yun. Hindi pa naman ako nakapagpaalam kagabi, paano ka naman kase magpapaalam Celeste Amethyst kung bumagsak kana sa kalasingan.

Pagdating sa tapat ng condo ni Nat, narinig kong nagkakagulo na silang apat rinig yung pag-aaway nila kahit malayo pa ko sa mismong room ni Nat.

‘’We should call the police na guys, baka na-kidnap or whatever na si Amy,’’ oa na pagkakasaad ni Debbie. Natawa na lang ako, me maki-kidnap pa? Gosh

‘’Or maybe we should tell Tito and Tita,’’ sigaw ni Hope at narinig kong may ida-dial sana pero narinig ko ding may nahulog na bagay. Ang lakas pa naman ng pagkalagapak

‘’Oh my god my phone Nathalie Iris Ferrer, why do you have to hit my hand ba?’’ sigaw ulit ni Hope, phone niya ata yung nalaglag. Pumasok na rin ako sa condo para hindi na maging aligaga yung apat. Nakita ko pang palakad-lakad si Nat, si Debbie naman ay tinatawagan sa phone, Si Hope ay tinitignan yung phone na nalaglag, habang si Seb ay walang pakialam at natutulog lang sa sofa.

‘’I’m here, no need to tell mom and dad,’’ awkward na sabi ko sabay wave pa sa kamay ko.

‘’Celeste Amethyst where have you gone? Hindi ka namin mahagilap kagabi, we almost called your parents because of worry,’’ nag-aalang saad ni Nat.

‘’Uhm Theodore brought me to his condo because I passed out yesterday,’’ mahinang sabi ko at hindi makatingin sa kanila.

‘’Did you two have sex?’’ tanong ni Hope, yun talaga itatanong niya porket inuwi ako sa condo.

‘’Hell no why would we though,’’ maanghang na sabi ko.

‘’He’s hot kaya Amy,’’ sabi ni Hope at tila inaalala pa si Theodore.

Pagkatapos nila akong usisain ay nagsiuwian na rin sina Hope, Debbie at Seb dahil may pasok pa kami bukas. Kahit tinatamad na daw sila ay kailangan naming tiyagain dahil huling taon na namin ito sa kolehiyo.

Umuwi rin ako sa bahay namin pagkatapos ko matulog ulit sa condo ni Nat. Sinalubong pa ako ni Mom at sumabay na daw ako ng dinner sa kanila ni Dad. Kaya tumango na lang ako at pumunta na sa room ko.

‘’Hows school Celeste?’’ tanong ni Dad habang kumakain kami kaya napataas ang tingin ko sa kanya.

‘’Its fine Dad,’’ sagot ko, at binibilisan na naman ang pagkain, alam kong kasunod ay tatanungin ako patungkol sa ex-boyfriend ko.

‘’Then, are you still in relationship with Drake?’’ tanong ulit ni Dad, kaya napapikit ako ng mariin dahil mag-lelecture na naman siya tungkol sa kasunduan namin.

‘’Yes Dad,’’ saad ko na lang para hindi niya na ako kulitin.

‘’Going strong huh, if you happen to broke up you know our deal hija, you know you cant say anymore,’’ sabi pa ni Dad, pinapaalala sa ‘kin ang kasunduan na yun. Tumango na lang ako, unti unti naman ay ina-accept ko na rin baka mas makakabuti sa’kin ang kagustuhan ng parents ko.

Pagkatapos kumain, nagpaalam na rin akong umakyat sa room ko para magpahinga. I was just browsing in my phone when our squad gc popped up. May kanya-kanya kaming nickname which sounds funny pa.

Hopeforthebest: @Amysist I have a chika na nasagap hehe

Amysist: what is it?

Debbiethedemigod:  Is that a hot topic @Hopeforthebest?

Hopeforthebest: yeah, about @Amysist boy last time

Nattycoconut: Spill,spill,spill

Hopeforthebest: @Amysist your boy last night is a billionaire, you lucky girl

Debbiethedemigod: Seduce him more @Amysist

Nattycoconut: Siya na siguro ang para sa imo, my dear friend

Amysist: stop it guys, not interested in any boys.

After that chika na sabi ni Hope ay tutulog na sana ako pero I can’t help but search kung totoo ba ang sinabi ng kaibigan. But his car and condo is such a representation na talaga to his richness e. I’ll just see naman kung totoo ba, I checked if he has a f******k pero wala, buti na lang nahanap ko i***a account niya. I need to search it pa sa g****e. @tc_alejandro

‘’ He looks good here ha,’’ I said without even thinking when I was browsing in his account when I get to see a picture of him in a beach showing his well toned body. Parang biglang uminit sa room ko kaya napapaypay ako sa sarili. While inaayos ko ang temperature sa room ko a message suddenly popped up, mas lalo pa akong nagulat ng sa lalaking iniistalk ko pa galing yung mensahe.

‘’Did he knows I am stalking him,’’ pagkausap ko sa sarili ko at tinignan ang message niya.

@tc_alejandro: done stalking me Celeste?

He even screenshot the photo I liked, yung photo pa na kita yung abs niya. Kakahiya ka na talaga Celeste Amethys.

@_itsclstmthys: I’m not stalking you mister

@tc_alejandro: It won’t make you go in jail though

@_itsclstmthys: whatever.

Parang inaasar pa ako ng lalaking to, hindi ko naman talaga sinasadya na ma-like yung picture niya no. Nag-slip lang yung hand ko kaya napindot.

@tc_alejandro: you looked cute in your id

With laughing emoji pa. Hindi ko tuloy alam kung anong pinagsasabi nito.

@_itsclstmthys: what are you talking about?

@tc_alejandro: send a photo

Pamilyar yung wallet na sinend niya, when I saw the chain I gasped dahil sa ‘kin yun. Nandun lahat ng cards ko kaya siguro nakita niya yung picture ko sa mga ID.

@_itsclstmthys: Its bad stealing ha

@tc_alejandro: wdym?

@_itsclstmthys: I can give you money naman if you need, but I doubt if you need that since you’re a billionaire.

@tc_alejandro: you even know that stuff huh, you must be stalking me for a while Celeste.

@_itsclstmthys: I’m  not.

@tc_alejandro: Just get your wallet, you left it when you runaway yesterday.

@_itsclstmthys: alright.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status