Kinabukasan ay sobrang laki ng eyebags ko kakaiyak kagabi. Hindi ko alam kung maiinis, mandidiri o magagalit ba ako kay Drake because partly I think I have a fault din. Naalala ko din ang lalaking tumulong sa ‘kin kaso nakalimutan ko palang tanungin ang pangalan niya. Nagbihis at nagsuot na lamang ako ng hoody upang matakpan ang mata kong namamaga.
‘’Hey Amy, halika magbreakfast tayo,’’sabi ni Debbie, lima kaming magtotropa, alam kong nasa cafeteria lang din yung tatlo. Sina Nat, Hope at Seb. Ayoko pa naman sana magpakita sa kanila pero bumungad agad si Debbie sa aking paningin.
‘’Ang init init naka-jacket ka Celeste Amethyst, tanggalin mo nga yan,’’ saad nito at hinigit ang hoody ko. Sa gulat ay napatakip ito sa bibig niya at seryoso akong tinignan.
‘’Its about Drake, I wanna talk about this with the whole squad Deb,’’ saad ko na lang dahil ayoko nang ulit-ulitin kung anong sinapit ko sa lalaking yun. Inayos ko na rin ang hoody ko baka may iba pang makakita sa mata ko.
‘’Guys, Amy has something to tell us,’’ sabi agad ni Deb upang makuha ang atensyon ng mga kaibigan namin. Napatingin silang tatlo sa ‘kin kaya iniwas ko ang mga mata ko.
‘’What happened to you Amy, did that bastard hurt you again?’’ galit na tanong ni Nat sa ‘kin at tinignan ang katawan ko kung may sugat o pasa na naman ba. Nang makitang wala naman ay nakahinga ito ng maluwag.
‘’We broke up last night, I caught him cheating,’’ I said at nagulat ako ng tumayo si Seb.
‘’Tangina nung gagong yun,’’ sabi ni Seb habang naka-grit pa yung teeth kaya natawa ako.
‘’Its alright I punch him with the Cartier watch na binili natin Natty,’’ mayabang pa na sabi ko kay Nat. Natawa naman ito at ginulo ang buhok ko.
‘’I forgave you for calling me with that nickname since you did a good job,’’ sabi ni Nat. Sinabi ko pa ang ibang detalye pati na rin yung tungkol sa lalaking nagsagip sa ‘kin.
‘’Baka siya na ang para sayo Amy, don’t you think?’’ sabat naman ni Hope na sinamaan ko lang ng tingin, kakabreak ko nga lang sa asshole na yun. I want to experience being single muna and go to parties again.
Lumipas ang ilang araw na binuhos ko lang talaga lahat ng hinanakit at galit ko kay Drake sa paraan ng pag-iyak, wala e yan ang moving on mechanism ko. Ngayong medyo maayos na ang pakiramdam ko, niyaya ko na ang squad na mag-party tonight and they all said yes naman.
I just choose a black fitted satin dress and a silver heels with my silver glittery pouch. I also soft curls my hair because I preferred it that way. When Nat told me to pick her up, I just get my keys and drove to their house. Though its not that malayo kaya mabilis ko rin siyang nasundo, after it we just go to the location that Hope provided. Knowing Hope taong club yun kaya sobrang daming kakilala especially boys.
‘’I miss partying Amy, let’s go inside na,’’ excited na sabi ni Nat at lumabas ng car ko. Namiss ko rin ang mga clubs, pinagbabawalan lang ako ni Drake kaya halos 2 months din akong hindi nakapag-bar. I miss party life, I just wanna get drunk tonight.
‘’Here Amy, Nat,’’ sigaw samin ni Seb. Nandun na rin pala sina Debbie at Hope, nagpapalinga-linga na yung dalawa alam kong nagha-hunt na naman ng boys.
‘’Hi guys,’’ I said and drink a beer. Namiss ko rin yung hagod ng pait at tama ng beer ha infairness.
Habang nag-iinom kaming magkakaibigan, bigla akong may nakitang pamilyar na lalaki, yung lalaking tumulong sa ‘kin. Kaya napatayo ako agad at sinundan siya para pormal na magpasalamat.
‘’Wait sir, excuse me, my god don’t push me,’’ saad ko ng kamuntikan pa akong masubsob dahil sa pagmamadali para maabutan yung lalaki. Subalit pagtaas ng paningin ko at hinahanap ang lalaki ay may nagsalita malapit sa tenga ko.
‘’Looking for me Celeste?’’ tanong ng lalaki. Muntik pa akong matumba dahil sa gulat pero mabilis naman ang reflexes niya at nahawakan ako sa bewang. Nagtataka rin ako dahil bakit alam niya ang pangalan ko.
‘’Uhm yes, do you remember me? The one you help in the hallway of Alejandro Residentials,’’ pagpapaalala ko sa lalaki habang nakatingin dito, sinuri ko rin ang kabuuan niya. Nakasuot ng black button down shirt and black trouser which looks very good on him.
‘’Uh you’re the girl who’s crying loudly at the hallway,’’ pang-aasar pang aniya ng lalaki pero hindi ko na pinansin upang magpasalamat.
‘’By the way, Thank you sir?mister? What’s your name sir?’’ tanong ko, nakakahiya baka sabihin nito gusto ko lang malaman yung pangalan niya.
‘’Its Theodore for you Celeste,’’ bulong nito sa tenga ko bago siya tuluyang umalis.
‘’You’re still naive as ever,’’ makahulugang sabi pa ng lalaki pero hindi na pinansin ni Amethyst at pumunta na ulit sa mga kaibigan.
‘’That man looks hot and ripped Amy,’’ saad ni Hope parang bet niya pa ata si Theodore, naku lahat naman kapag usapang pogi active palagi si Hope.
‘’I know Hope, in addition he also smells good and expensive,’’ I said. Totoo naman wala akong maamoy na mabaho sa kanya.
‘’His friends are handsome also Amy, can you introduce me,’’ sabi naman ni Debbie na inilingan ko lang. We’re not totally friends naman ni Theodore para humingi ng favor no.
We just continued drinking again but since I have to drive, I’m trying to do it moderately. But someone caught my eye, Drake and another girl kissing in the dance floor. My friends even tried to get my attention but I already saw it, we were just off a few days ago. He’s just proving that I made the right decision. Instead of watching them, I just focus on drinking till I can’t take it anymore bahala na kung sinong magda-drive later.
‘’I need to go to the restroom, I’ll be back guys,’’ pagpapaalam ko sa mga ito at tumayo na upang pumunta ng CR. Papalapit palang ako ay sumulpot si Theodore, I just smiled and waved then liliko na sana sa CR ng matapilok pa ako.
‘’Gosh, clum..clumsy Amy t..thank you Theo,’’ putol putol na sabi ko dahil sa kalasingan.
‘’I have seen your ex, making out with another woman?’’ tanong nito sa ‘kin na nagpahinto sa ‘kin sa paglalakad.
‘’He’s watching now with his new girlfriend, ayan lang ba ang kaya mo Celeste? You should show him what he lose? You’re much more attractive than her new fling,’’ malanding bulong ni Theodore kaya lalo akong na-trigger.
‘’ You sure about this Theo? Can I kiss you then?’’ tanong ko sa lalaki habang mapungay na nakatingin dito. Nang hindi siya nagsalita ay naging signal na sa ‘kin na its okay kaya I put my hand in his nape then kiss him. Hindi ko alam kung ilang minuto kaming naghalikan ni Theodore at tumigil lang ng may biglang nagbasag ng bote para tignan kung saan galing yun.
‘’You should only focus on me, you started this Celeste you won’t get away easily,’’ makahulugang saad nito at kinabig ang batok ko para halikan ulit. Marahil sa sobrang kalasingan ay hindi ko na kinaya at nag-black out na ang paningin ko.
Pagkagising ko ay nagtataka ako sapagkat iba ang kwartong kinagisingan ko. Huling naalala ko lang ay yung halikan na naganap sa pagitan namin ni Theodore.‘’Argh, nakakahiya ka Celeste Amethyst,’’ sigaw ni Amethyst sabay sabunot sa buhok. Hindi niya alam kung anong pumasok sa isip niya at siya pa ang unang humalik sa lalaki.Nakahinga naman ako ng maluwag ng makitang suot pa rin ang dress na suot kagabi kaya sure ako na walang nangyare sa aking masama, lalo na at hindi rin naman masakit ang nasa pagitan ng hita ko. Tumayo na rin ako para sana makaalis na sa estrangherong lugar na iyon ng makitang may gamot para sa hangover, tubig at mangkok ng porridge sa side table. Napangiti ako lalo ng mabasa ang maliit na note na nakaipit sa tubig ‘Eat and drink this when you wake up’ - TC. Alam ko na kay Theodore iyon galing, kahit na mukhang nonchalant ang lalaki ay may pagka-caring side din pala ito.‘’Wow, his taste is really good ha,’’ maanghang na sabi ko habang tinitignan ang condo ng lal
Pagkatapos ng palitan namin ng messages ni Theodore ay pinatay ko na rin yung phone ko, grabe na yung mga kahihiyan na pinaggagawa mo Celeste Amethyst, pagkausap ko sa sarili ko. Napagkasunduan din namin na sa school ko na lang mismo kukunin yung card holder ko kaya hihintayin ko na lang siya bukas sa gate. Natulog na rin ako dahil may pasok pa bukas, baka ma-late pa ako ng gising.‘’Mom, I’m gonna go na, I’m late already,’’ sigaw ko habang palabas na ng house namin, sabi na nga ba sa hula at mala-late ako ng gising kaya nagmamadali na akong magpahatid sa driver namin.‘’You should eat breakfast Celeste anak,’’ sigaw din ni mom, pero hindi ko na pinansin dahil may quiz pa kami sa isang major mamaya, hindi pa rin ako nakakapag-review kaya sumasakit na ang ulo ko kung anong uunahin.‘’Amy, come here ma’am Legaspi is in your back,’’ natatawang tawag sa ‘kin ni Debbie, muntik ko pang makasabayan si ma’am, buti nakipagkwentuhan pa sa isang teacher katabi ng room namin.‘’Pahiram ako ng not
‘’Anak, wear this red silk dress, it will perfectly match you,’’ aniya ni Mom sabay lahad sa ‘kin nung dress.‘’Do I have to dress up Mom? I just have to meet him right,’’ tanong ko sa aking ina, sapagkat tinatamad talaga akong magbihis ngayon.‘’Just do it Celeste, nakakahiya naman sa mapapangasawa mo kapag hindi ka man lang nagbihis, sermon pa ni Mom. Kaya tumango na lang ako at nagshower na din dahil maghapon lang akong nakahiga sa bed ko. Hindi ko alam kung anong mararamdaman sapagkat kakahiwalay lang namin ni Drake tapos ngayon naman ay ipapakilala ako ng magulang ko sa future husband ko.Nag-ayos na din ako pagkatapos ko maligo, I just put a no make-up make-up look para I look fresh lang, parang nag-b-blush lang very slight ganon ang atake ko. While my hair naman is naka messy bun lang, it look so good especially that it highlights my silk dress and how it compliments on my skin. Lastly, I just sprayed my favorite perfume, it’s from Yves Saint Laurent named Libre, aside from its
‘’You really like stars huh, you have been staring at the dark skies Celeste,’’ saad ni Theodore. Kaya napatingin ako sa kanya ngunit nakatingin na din siya sa kalangitan.‘’I feel like its free there, kahit pinapaligiran sila ng kadiliman hindi hadlang yun upang hindi sila magliwanag. At tsaka ang ganda nila tignan sa kalangitan,’’ saad ko habang nakangiti at nakatingin sa kalangitan.‘’Ang ganda nga,’’ bulong naman ni Theodore kaya napatingin ako sa kaniya pero nakatingin din pala siya sa ‘kin kaya umayos na ako ng tayo para pumasok na sana sa loob dahil nahihiya na tuloy ako sa kanya.‘’We should go inside na uhm Theodore,’’ sabi ko habang hindi nakatingin sa kaniya at tinuturo na ang pintuan papasok ng bahay.‘’Yeah, let’s go Celeste,’’ saad naman ni Theodore at naun
---------------------------------------------------THEODORE----------------------------------------------------‘’She’s gonna be okay bro, but to make sure, let her attend a psychiatrist. It might be traumatic for her,’’ saad ng kaibigan kong si Matt. Dinala ko si Celeste dito sa Hospital to get her bruises treated, I am still shaking from anger and hatred towards the person who did this to her.‘’Okay, thanks,’’ malamig kong saad sa kaibigan ko at tinignan ulit si Celeste pero iniwas ko din agad ang tingin ko. How come someone like her gets hurt when all she does is kindness.‘’You like her dude fuck,’’magiliw na saad ni Matt kaya sinamaan ko ito ng tingin.‘’Shut up and go away you might wake her up,’’ I said to Matt aasarin na naman ako ng gagong 'to kaya papalayasin ko na. Parang walang
‘’Amy!” malakas na sigaw ni Nat at lumapit sa ‘kin para suriin ang katawan ko. I just chuckled bukod sa namamaga kong pisngi ay iilang galos lang naman ang natamo ko. May iilang luha pa sa mukha ni Nat kaya pinunasan ko ito.“Such a cry baby, I’m fine lang Nat, buti naligtas agad ako ni Theo,” saad ko sabay tingin at ngiti kay Theo na nanunuod lang sa amin ng kaibigan ko habang nakatayo sa kabilang gilid ko.“Wala na bang masakit sa ‘yo? Tsaka sino yung mga nanakit sa ‘yo? Ha? Reresbakan namin nina Seb yun Amy,” sunod-sunod na tanong ni Amy kaya hindi ko tuloy alam kung anong uunahin kong sagutin.Napakamot ako sa ulo ko ng padami ng padami ang tanong ni Nat kaya tinakpan ko na muna ang bibig nito upang hindi na makapagsalita. “Wait, wait isa-isa lang Nat. We have all day to discuss that,’’ saad ko dito at unti-unting binitawan ang bibig
“Bakit ka tumatakbo?” tanong sa akin ni Nat ng buksan ko ang pinto ng sasakyan niya. Hinihingal pa ako kahit malapit lang naman ang tinakbo ko. Bakit ko ba kase kiniss yung pisngi niya, goodness, control your self Amethyst.“Uhm mainit kase Nat,” pagpapalusot ko sabay paypay pa sa sarili ko pero napangiwi nalang si Nat. “Hindi naman mainit a,” mahinang usal nito at pinaandar na ang kotse. Napailing-iling pa ang kaibigan ko dahil sa palusot ko. Alangan namang sabihin kong nag-goodbye kiss ako kay Theo.Lumingon pa ulit ako sa Hospital para tignan kung nandoon pa ang lalaki ngunit wala na ito sa dating kinatatayuan. Kaya binuhay ko nalang ang speaker ni Nat at kumonek nalang para magpatugtog. Pinatugtog ko lang ang kanta ni Taylor Swift at nakikanta na in sa chorus ng Lover.We could let our friends crash in the living roomThis is our place, we make the callAnd I'm highly suspicious that everyone who sees you wants youI've loved you three summers now, honey, but I want 'em allCan I
Pagkatapos ng nasaksihan ko ay nagmadali na rin akong sumakay sa kotse ko. Mahimbing na rin na natutulog si Nat kaya pinaandar ko na ang kotse paalis sa bar na yun.“Ahhh stop it Amethyst, ano naman kung may babae siya?” pagkausap ko sa sarili ko dahil iniisip ko pa rin ang nakita ko sa may bar. Napasabunot na rin ako sa sarili ko, ano ba namang pakialam ko kung landiin at patulan niya na lahat ng babae.“Ba…kit ba… ka..shi a..yaw..mo..amin..na guss..to..mo…siya,” putol-putol na sabi ni Nat kaya tinignan ko ito pero mahimbing pa rin naman ang tulog niya. Bakit ko naman magugustuhan si Theo?Hindi ko na ito pinansin at tinunton na ang daan patungo sa condo niya. Mabuti nalang ay hindi traffic kaya mabilis din kaming nakadating sa condo unit niya. Ayaw pa ngang bumaba ni Nat ng kotse, nagsapilitan pa kaming dalawa para lang mapababa siya.“A..amy, I..I want…to..d.…drink…pa, my….heart…is…so.broken,”kahit putol-putol ay naintindihan ko kung anong nais nito. Sino kaya ang lalaking iniiyaka
“Calamba! Huling destinasyon na po ito, miss pasensya na pero hanggang dito na lang ang jeep ko,” sambit ng driver. “Pasensya na po, ingat po kayo,” sabi ko naman sa driver at mabilis na bumaba ng jeep. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako sa jeep dahil sa labis na pagod. Mabuti na lang ay Calamba ang huling destinasyon kaya kung sakaling hindi ay lumampas na ako. “Nakauwi na po ako,” masayang bulalas ko pagbukas ng pinto pero suumalubong sa akin ang mangiyak ngiyak kong ina. At katabi nito ay ang may pasa at duguang mukha ng aking ama. “A-anak,”naluluhang tawag sa akin ni Mom kaya mabilis akong lumapit sa kanya at yumakap sa kanya. “A-ano pong n-angyari dito? Bakit po dumudugo ang labi ni Dad?” nagtatakang wika ko sa kanila ngunit napailing na lamang ang aking Tito at Tita. “Y-yung pinagkakautangan ng Dad mo natunton tayo anak, nang walang maibigay ang ama mo ay iyan ang ginawa nila,” nahimigan ko ang galit sa boses ng aking ina. Kahit ako ay magagalit sa mga taong nakaka
“Ano ba ‘yan miss? Tumingin ka nga sa dinadaanan mo,” inis na saad ng babaeng nabangga ko sa kakamadali. “S-sorry po… pasensya na po talaga,” kinakabahang wika ko sa babaeng nabangga ko pero hinawakan ako nito sa braso kaya napatingin ako sa kanya. “May humahabol ba sa ‘yo? Bakit parang gulat na gulat ka? Walang mananakit sa ‘yo sa lugar na ‘to,” pagpapakalma sa ‘kin ng babaeng nabangga ko. “A-ah, wala po… pasensya na po ulit pero kailangan ko na pong umalis,” paalam ko sa babae at nagmadali ng umalis sa Resort de Salvadore’.“Fily! How are you? Pinapahirapan ka ba ng pinsan ko?” narinig kong sambit ni Matthew sa babaeng nabangga ko. Mabuti na lang talaga at nagmadali akong umalis duon kung hindi ay baka maabutan at makita ako ni Matthew. Sobrang loyal pa naman ng lalaking iyon kayy Theo. Habang naglalakad papunta sa sakayan ay tumawag si Nathalie sa akin kaya naghahanda ko na itong sigawan ng mauna na itong magpaliwanag sa’kin.“Hep, hep… sorry na Amy, ngayon ko lang din nalama
“A-anong sinabi mo Hon? A-ang mga A-alejandro? B-but they were nice hindi ba? T-tama ba ang narinig ko? Alejandro?” naguguluhang tanong ni Mom kay Dad. “A-akala ko mapagkakatiwalaan din sila ngunit nagkakamali pala ako, sila ang nasa likod kung bakit tuluyang nawala ang mga investors, maging ang patuloy na paninira sa mga produkto natin,” nanghihinang wika ni Dad at narinig ko pa sa loob ng kwarto ang pagkalansing ng baso hudyat na umiinom na naman si Dad.Napatingin ako sa aking kamay ng may tumulong luha mula sa aking mata. Akala ko masakit na yung pag-iwan ko kay Theo, at marinig sa mismong bibig ng lalaking mahal ko na awa lang ang lahat. Ngunit mas masakit palang malaman na pamilya nila ang may kagagawan kung bakit nawala sa amin ang kumpanya. “Y-you will never be like you Dad and Grandfather who are ruthless and cold hearted,” bulong ko sa aking tiyan habang hinihimas ito. Palalakihin ko ang batang ito na puno ng pagmamahal at may malasakit sa kapwa. Hinding hindi nito maiisip
“Y-you were the one who pushed that arrange marriage Dad. I was against that pero para sa kapangyarihan kaya mong ipamigay ang nag-iisa mong anak,” masakit na sambit ko kay Dad kaya napatayo na ito sa kanyang kinauupuan. Mabilis itong lumapit sa akin at itinayo ako habang mahigpit ang pagkakahawak sa magkabila kong braso. Kahit anong pagmamakaawa ko ay tila walang naririnig ang aking ama. “That was for your future. So you won’t have to worry about your damn future kid. Connection. Connection ang magpapalawak ng pangalan mo, without Alejandro’s that time no one is high enough for you,” wika ni Dad kaya natawa na lang ako sa sinabi nito. Kahit nanghihina ay pinilit kong ipunin ang aking lakas upang makawala sa hawak ng aking ama. “Connection? You think I can’t do that Dad? You really think so lowly of me huh. All this time I was proving myself worthy but it doesn’t make sense to you at all. O-only Theo made me feel that,” masakit na saad ko sa aking ama. “I guess that child is from t
“SINONG BUNTIS?!” galit na wika ni Dad. At mabilis itong pumasok sa silid na aking kinauupuan. Dahil sa matinding gulat ay nakatulala lamang ako sa aking amang galit na galit na nakatingin sa akin. “Sinong buntis Celeste? Ikaw ba?” sigaw na tanong ni Dad at hinawakan ang aking braso upang tumayo. Kahit nanghihina ay wala akong magawa kundi tumayo dahil sa nararamdamang sakit sapagkat mahigpit ang hawak ng aking ama sa aking braso. “Dad, masakit po please,” nagmamakaawa kong sabi kay Dad pero tinignan lang ako ng nanlilisik nitong mga mata. “Ikaw ang buntis? Sinong ama? Iyong Alejandro ba Celeste?” sunod sunod na tanong ni Dad sa akin at tuluyan na itong napasabunot sa kanyang buhok. “I-i can explain po Dad please,” umiiyak kong wika sa aking ama pero tinalikuran lang ako nito. “Bumaba ka Celeste Amethyst,” may pagbabantang sambit ng aking ama bago tuluyang lumabas ng kwarto ni Dahlia. Tuluyan na rin akong napaupo sa sahig ng kwarto ni Dahlia dahil sa labis na panghihina. Simula
Habang sinusulyapan ang kapaligiran, mahahalatang ibang iba ito sa Manila. May nakikita pa akong mga kapunuan dito habang sa Manila ay kakaunti lang. Dito sigurado akong magsisimula talaga kami sa baba, tanging tiyahin ko lang naman ang kakilala namin dito. “Celestine, kamusta na kayo? “ wika ng aking tiyahin ng makababa kami sa tricycle na sinasakyan. Tinulungan pa kami ni Tita na magbaba ng mga gamit namin kaya nagpasalamat ako sa kanya. “Ayos lang ate, pasensya na ha, ikaw na lang talaga ang naiisip kong puntahan,” nahihiyang sambit ng aking ina habang yakap yakap ang kanyang kapatid. Nakita ko namang tumango si Dad sa tiyahin tsaka tiyuhin ko. Mabuti na lang ay mabait ang kapatid ni Mom kaya may matitirhan kami kahit pansamantala lang hanggang sa makakuha ako ng bahay na pwede naming lipatan. Kaya kailangan ko na ring magtrabaho upang may maibigay naman kami kina tita kahit papaano. “Ano ka ba Celestine, tayo tayo na nga lang ang magkakadugo hindi pa ba tayo magtutulungan?” na
“What are you trying to say again anak?” tanong ni Mom sa akin kaya napabalikwas ako sa aking iniisip. “W-wala Mom, nakalimutan ko din po,” kunyari’y natatawang saad ko pero kabado na ako sa para sa aking sarili at sa munting buhay na nasa aking sinapupunan. I am so so scared what will Dad do if ever he knew I am carrying Theo’s child. Kaya siguro hindi ko masabi sabi kahit kay Mom dahil baka malaman ng aking ama. “Mom, hindi pa ba tayo aalis? Nasaan ba ang bus na sasakyan natin?” pagtatanong ko sa aking ina sapagkat medyo matagal na rin kaming nakatayo at naghihintay rito. “Y-your Dad is still talking to someone, let’s wait for him okay?” saad naman ni Mom kaya napabuntong hininga ako. Kapag lalong tumatagal ang pananatili namin ay hindi ko maiwasang alalahanin si Theo na iniwan ko sa kanyang condo. Sa bawat minutong lumilipas ay mas nananaig ang kagustuhan kong manatili na lamang sa tabi ni Theo. Kahit puro galit pa ang matanggap ko sa lalaki ay ayos lang basta nakikita at naka
Pagkatapos kong lisanin ang condo ni Theo ay mabilis kong tinawagan ang aking mga magulang. Upang ipaalam na papunta na ako kung nasaan sila.“Bakit ngayon ka lang nagparamdam anak? Kahapon pa kami nag-aalala ng Dad mo,” saad ni Mom sa kabilang linya.“M-ma pasensya na po, natagalan po kase akong nakaalis sa condo ni Theo,” mahinang sambit ko sa aking ina. “Ayos ka lang ba anak? Bakit natagalan ka sa pag-alis? Dahil ba kay Cade?” tanong ng aking ina na kinailing ko na lamang. Alam ko sa sarili kong ginusto ko ring manatili kagabi. Hindi man sapat iyon upang pagaanin ang aking dalamhati ay sapat na mayakap at mahagkan si Theo. “S-sobrang hirap po umalis Mom, y-you how much he means to me po,” nanginginig na saad ko sa kabilang linya. “I-im sorry anak, kase wala akong magawa. Mahal na mahal ko kayo ng Dad mo. A-alam kong hindi kakayanin ng Dad mo kung pati tayo ay tuluyang bibitawan siya,” malungkot na sambit ni Mom. “I-i know po Mom, k-kahit sobrang hirap magdesisyon. Sana lang po
“So ano ka? Hindi ba't mas masahol pa sa hayop ang ginawa mo? Para sa pera diba? Gusto mo ng pera Celeste? Sumagot ka! Gusto mo ng pera diba?!” galit na sambit ni Theo. Nakita ko ang litid sa leeg niya na parang sasabog na dahil sa galit. Kahit ako ay nanginginig na sa takot mula sa aking kinatatayuan. Pero iniisip ko ang mga magulang kong naghihintay sa ‘kin. Kaya kahit alam kong napakawalanghiya ko na sa mata niya wala akong magagawa kundi panindigan ang ginawa ko. “OO gustong gusto ko ng pera kaya nga ako nagtagal sa ‘yo diba? Baka nga nagpapakalantari na ako sa iba kung wala akong nahuhuthot na pera galing sa ‘yo,” walang emosyon kong saad sa lalaki. Napaatras ako sa kinatatayuan ko ng dahan dahang lumapit sa akin si Theo. Hindi ko na makita sa mata nito ang lamlam at pagmamahal na palagi kong nakikita sa tuwing nakatingin ito sa akin. “Then strip Celeste, maghubad ka sa harapan ko. Sa huling pagkakataon, bigyan mo naman ako ng magandang performance,” bulong sa akin ni Theo ka