Home / Romance / UNEXPECTEDLY "YOU" / NEVER THE BRIDE

Share

UNEXPECTEDLY "YOU"
UNEXPECTEDLY "YOU"
Author: Bryll McTerr

NEVER THE BRIDE

Author: Bryll McTerr
last update Huling Na-update: 2024-11-28 19:57:18

“OH, BRYANNE, kamusta ka naman? Kailan mo ba balak na lumagay sa tahimik? “

Sa halip na pansinin ang tanong na iyon ng pinsan ng kanyang ina ay pinili na lamang ni Bryanne na itikom ang bibig niya.

“Ang tanong, may balak ba namang mag-asawa iyang pamangkin natin? “ sabad naman ng isa pang pinsan ng kanyang ina.

“Mukhang wala.” sagot ng isa pa. “Simula nang ipagpalit siya ni Roger sa best friend niya ay natakot na yatang magmahal ulit.” walang preno ang bibig na sabi pa ng isa.

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Bryanne dahil sa kanyang mga narinig. Sanay na siya sa mga ito. Palagi namang gano’n ang nangyayari tuwing mayroong salo-salo ang pamilya niya.

Napatawad na niya si Roger dahil matagal na rin naman iyong nangyari pero siya rin ang tao na hindi nakakalimot. Anim na taon na ang nakakaraan simula nang matuklasan niya ang ginawang panloloko sa kanya ng lalaki at ng best friend niyang si Ella. Habang nasa ibang bansa siya at nagpapakahirap magtrabaho para sa pangarap nilang magandang future ay natuklasan niyang naglalaro na pala sa apoy ang dalawa.

Ang mga walang-hiya!

Isang pangyayari na nagdulot sa kanya ng walang kapantay na sakit pero marami rin siyang natutunan. It took her almost three years to finally move forward. Tinanggap niyang ganoon talaga ang buhay. Masakit lang dahil tinraidor siya ng dalwang taong mahalaga sa kanya.

“Ano, Bry, may plano ka ba?” hirit ng isa pa.

Malaki ang angkan nila kaya kapag nagtanong ang isa ay inaasahan na niyang makukulili na naman ang taenga niya dahil magsusunod-sunod na ng tanong ang lahat. Kaya nga bihira siyang sumama sa mga pagtitipon nila dahil nagiging tampulan siya ng tukso at tanong. Kung minsan pa ay kung kani-kanino siya nirereto ng mga ito na nauuwi lang din sa wala dahil pagkatapos ng nangyari sa kanila ni Roger ay hindi na niya kayang magtiwala ulit.

Kung hindi lang kasal ng pinsan niyang si Maris, hindi sana siya pupunta.

“Wala ho akong plano.” Walang emosyong sagot ni Bryanne bago siya tuluyang tumayo bitbit ang hawak niyang baso na may lamang alak.

Naglakad siya palapit sa pinsan niyang bagong kasal. Nais niyang batiin ang mga ito ng personal. Hindi kasi siya nakalapit kanina dahil sa dami ng gustong bumati sa bagong mag-asawa.

“Maris," tawag ni Bry sa pinsan niya na kaagad namang sumilay ang maaliwalas na ngiti sa mga labi nang makita siya.

“Ate Bry," tuwang sambit ni Maris bago mabilis na tumayo para salubungin siya.

Kaagad namang inalalayan ni Kent si Maris. “Careful, sweetheart." masuyong sabi niya sa asawa.

Bago kasi nagpakasal ang dalawa ay isang taon munang naglive-in ang mga ito. Nang matuklasan ni Maris na buntis ito at nalaman ni Kent ay kaagad na inalok ng huli ng kasal ang babae.

Sa kasalukuyan ay limang buwan na ang tiyan ni Maris. Sa katunayan ay halata na ang umbok ng tiyan ng pinsan ni Bryanne.

“Stay ka lang diyan," nakangiting sabi ni Bryanne sa pinsan. “I just want to personally congratulate you and Kent. Masaya ako para sa inyong dalawa." aniya sa mag-asawa.

"Thank you, Ate,” may ngiti sa mga labi na usal ni Maris ngunit hindi maikakaila ang pag-aalala sa tinig niya.

At hindi iyon nakatakas sa matalas na pakiramdam ni Bryanne na pinili namang magpatay-malisya na lamang.

Bakit nga naman hindi mag-aalala si Maris para kay Bryanne gayong ilan na ba sa kanilang magpipinsan ang ikinasal na? At sa bawal kasalang naganap ay saksi si Bry sa lahat. Ika nga ng marami, she’s always there to witness, never a bride.

Ibinaling ni Bryanne ang kanyang atensiyon kay Kent. “At ikaw, mas lalo mong ingatan ang pinsan ko, ha. Magiging tatlo na kayo soon kaya mas lalo mong mahalin ang pamilya mo. Huwag na huwag mong paiyakin si Maris, ipapakulam talaga kita!" mahabang turan niya rito.

Natawa naman si Kent dahil sa huling sinabi ni Bryanne. " No worries, Bry. I’ll take care of her and our baby. Mahal na mahal ko ang pinsan mo kaya wala kang dapat na ipag-alala.” seryoso ang tinig na sabi niya. " Ako nga ang pina-iiyak niyan, eh.” dugtong pa niya na sinabayan ng pag-nguso kay Maris.

“Aba, at naghanap ka pa ng kakampi!" nandidilat ng mga mata sa sabi ni Maris sa asawa.

Natawa na lamang si Bryanne dahil sa nakaka-aliw na harutan ng bagong kasal. Sandali ring dumaan ang pinaghalong lungkot at inggit sa kislap ng kanyang mga mata. Kaagad din iyong nawala nang sumagi sa kanyang isipan ang takot na magtiwala ulit.

No, she’s better off alone.

PAYAPA ang gabi at tanging ang ingay lamang ng paghampas ng mga alon sa dalampasigan ang naririnig ni Roman. Malayo-layo na rin ang narating niya, dulong bahagi na yata iyon ng beach resort na pinuntahan niya.

Hawak ang bote ng alak, isang marahas na buntong-hininga ang pinakawalan niya kasunod ng isang malutong na mura.

“Fuck you, Celestte!" puno ng galit na sigaw niya bago deretsong dinala sa bibig ang bote ng alak. Tinungga niya iyon at sunod-sunod na lumagok. “Huh!" bulalas niya nang humagod sa kanyang lalamunan ang init na dulot ng alak.

Madilim ang buong paligid at walang ibang tao roon maliban kay Roman, dis-oras na rin kasi ng gabi.

Muli niyang tinungga ang alak bago iyon pagalit na ihinagis sa dagat.

“Fuck!" sigaw niya.

"Hindi mo ba alam na masamang magtapon ng kahit na anong basura sa dagat?”

Marahas na napalingon si Roman nang makarinig siya ng malamyos na tinig mula sa kanyang likuran. Kumunot ang noo niya kasunod ng painingkit ng kanyang mga mata.

“Who are you?" magaspang ang tinig na aniya sa babae.

Madilim ang bahaging iyon ng dalampasigan kaya hindi niya makita ang mukha ng babae. Tanging ang pigura lamang nito ang nababanaagan niya dahil sa suot nitong kulay puting damit.

“Me? Well, does it matter?" malambing ang tinig na sabi ng babae.

Kaagad na natunugan ni Roman na lasing ang babae dahil na rin sa pananalita nito.

Isang nakakalokong ngisi ang sumilay sa kanyang mga labi.

“Hindi mo rin ba alam na delikado para sa isang babae na pumunta sa madilim na lugar na kagaya nito lalo’t nag-iisa?" may bahid na insulto sa tinig na sabi ni Roman.

Isang mahinang tawa ang pinakawalan ng babae. Shit! Hindi maintindihan ni Roman ang kanyang sarili kung bakit bigla siyang nakaramdam ng kakaibang init nang dahil doon. Kumuyom ang mga palad niya.

“Bakit, delikado ba ako sa iyo?" balik-tanong ng babae bago dahan-dahang humakbang palapit kay Roman.

Bahagyang namamaos ang malamyos na boses nito na nagbigay ng kakaibang pakiramdam kay Roman.

Nahigit niya ang kanyang hininga nang mahagip ng kanyang ilong ang nakakahalinang bango ng babae. Tinangay iyon ng hangin at dinala sa kanyang nostril, sumigid iyon hanggang sa mismong kaloob-looban ng kanyang ilong.

Tangina, parang mas lalo siyang nalasing!

“What if I say yes? Ano ang gagawin mo?" halos pagalit na sambit ni Roman.

Sa pagkakataong iyon ay tuluyan nang nakalapit sa kanya ang babae.

“Ikaw, ano ba ang balak mo?” nanunuksong sabi ng babae.

Naningkit ang mga mata ni Roman. “Damn you, woman!" may gigil sa tinig na sikmat niya sa babae bago ito marahas na hinila palapit sa kanya.

Muling nahigit ni Roman ang kanyang hininga nang madama niya ang mainit at malambot na katawan ng babae. Nakadagdag iyon para mas lalo siyang makaramdam ng init.

Shit but this woman is a complete stranger to him! Ni hindi nga nakikita ang itsura nito pero bakit ganito katindi ang apekto sa kanya ng babae?

Mahigpit na hinawakan ni Roman ang braso ng babae bago mabilis na ipinulupot sa beywang nito ang isang braso.

“Hmm, hell but you smell so fucking good!" marahas ang namamaos na tinig na usal niya sa babae.

Isang mahinang tawa ang muling pinakawalan ng babae.

“Am I?" nanunukso ang tinig na ani ng babae kasabay ng paghaplos ng mapangahas nitong kamay sa dibdib ni Roman.

Napapikit si Roman nang manulay ang init mula sa bahaging iyon ng kanyang pagkatao patungo sa parteng hinahaplos ng babae hanggang sa mapuno ang buo niyang katawan.

“You, witch…” mahina ang tinig na aniya sa pagitan ng nag-iigtingang mga ngipin.

“Uhummm…” mahinang usal ng babae.

Isang marahas na buntong-hininga ang pinakawalan ni Roman bago walang sali-salitang sinakop niya ng halik ang mga labi ng babae.

Humigpit ang pagkakayakap ni Roman sa beywang ng babae nang madama ng mga labi niya ang mainit-init at malambot na mga labi ng babae. Napuno rin ang ilong niya ng mabangong hininga nito na humalo sa amoy ng ininom nitong alak.

“Shit!" pa-ungol na sambit ni Roman.

Kaugnay na kabanata

  • UNEXPECTEDLY "YOU"    WHAT TO DO?

    “ANO’NG GINAGAWA MO?" " Kumakain?” patamad na sagot ni Bry sa tanong ng kapatid niyang si Jack. “Alam ko." naka-ismid na sabi ni Jack kay Bry. “Pero ano ‘yang kinakain mo? Kailan ka pa nahilig sa maasim?" kunot ang noo na tanong niya. Sandaling nag-isip si Bryanne. Oo nga naman, bakit nga ba napapadalas ang pagkain niya ng maasim ngayon? Weird kasi hindi rin siya mahilig sa prutas. Nang bigla siyang matigilan. Wala sa loob na napatitig si Bry sa hawak niyang green apple na isinasawsaw niya pa sa asin. “Oh, my god!" bulalas ni Bry bago tila napapasong mabilis na binitawan ang hawak na prutas. Ang lakas ng kabog ng dibdib niya. “Oh, ‘di ba? Kahit ikaw, nagulat ka rin sa sarili mo." wala pa ring kamalay-malay na patuloy ni Jack habang nilalagyan ng palamang peanut butter ang hawak nitong sliced bread. Hindi pinansin ni Bryanne ang kapaid. Mabilis siyang tumayo at nagmamadali ang mga hakbanag na lumabas ng kusina. Nagtaka naman si Jack dahil sa kakaibang ikinilos ng nakak

    Huling Na-update : 2024-11-28
  • UNEXPECTEDLY "YOU"    MOVE FORWARD

    “SIGURADO KA BA?" bakas ang pag-aalala sa tinig na tanong ni Klarisa kay Brayanne. Naroon sila sa bungalow style na apartment na lilipatan ni Brayanne. One week ago ay humingi siya ng tulong sa kaibigan. Nagpahanap siya ng mauupahang apartment sa Mariveles. May mga kamag-anak sa lugar si Klarisa kaya hindi ito nahirapang hanapan siya ng apartment. Pagkaraan lamang ng tatlong araw ay nakahanap kaagad ito. At ngayon nga ay naroon na siya. Plano niyang doon muna siya habang hindi pa niya alam ang dapat niyang gawin. Umalis siya sa kanila nang walang paalam at batid niyang nag-aalala na ang kanyang ina sa mga sandaling ito pero wala siyang maisip na ibang paraan. “Bry, are you with me?" nag-aalalang tanong ni Klarisa sa kaibigan. Napakurap naman si Bryanne nang marinig niya ang tinig na iyon ng kaibigan. Humugot siya ng malalim na buntong-hininga bago pilit na ngumitii. “Yes, I’m sure, Klay," turan niya bago iginala ang paningin sa loob ng apartment. Ayaw niyang salubungin ang ting

    Huling Na-update : 2024-11-28
  • UNEXPECTEDLY "YOU"    SILAS

    APAT NA TAON ang matuling lumipas…“Sigurado ka na ba? Or if you want, samahan ko muna kayong mag-ina dito ngayong gabi," ani ni Kamia kay Bryanne na mabilis namang umiling. Nakilala ni Bryanne ang babae, dalawang buwan simula nang matanggap siyang assistant head ng marketing department ng A&C Corp, isang food processing company na hindi lag dito sa bansa nagsu-supply kundi maging sa ibang bansa. Ipinatong ni Bryanne ang hawak niyang basahan sa gilid ng hagdan bago ipinagpag ang parehong kamay.“Oo naman. Sanay naman akong kami lang ni Silas," tugon ni Andrea na ang tinutukoy ay ang tatlong taong gulang niyang anak na kasalukuyang abala sa paglalaro ng hawak nitong kotse-kotsehan. “At saka ilang hakbang lang naman mula rito sa apartment ang police station." may tipid na ngiti sa mga labi na dugtong pa niya. Nagkibit ng balikat si Kamia. Well, sa loob ng dalawang buwan na naging malapit silang dalawa ni Bryanne, una niya kaagad na napansin ang pagiging independent nito. Umiikot nga

    Huling Na-update : 2024-11-28

Pinakabagong kabanata

  • UNEXPECTEDLY "YOU"    NEVER THE BRIDE

    “OH, BRYANNE, kamusta ka naman? Kailan mo ba balak na lumagay sa tahimik? “ Sa halip na pansinin ang tanong na iyon ng pinsan ng kanyang ina ay pinili na lamang ni Bryanne na itikom ang bibig niya. “Ang tanong, may balak ba namang mag-asawa iyang pamangkin natin? “ sabad naman ng isa pang pinsan ng kanyang ina. “Mukhang wala.” sagot ng isa pa. “Simula nang ipagpalit siya ni Roger sa best friend niya ay natakot na yatang magmahal ulit.” walang preno ang bibig na sabi pa ng isa. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Bryanne dahil sa kanyang mga narinig. Sanay na siya sa mga ito. Palagi namang gano’n ang nangyayari tuwing mayroong salo-salo ang pamilya niya. Napatawad na niya si Roger dahil matagal na rin naman iyong nangyari pero siya rin ang tao na hindi nakakalimot. Anim na taon na ang nakakaraan simula nang matuklasan niya ang ginawang panloloko sa kanya ng lalaki at ng best friend niyang si Ella. Habang nasa ibang bansa siya at nagpapakahirap magtrabaho para sa p

DMCA.com Protection Status