Share

MOVE FORWARD

Author: Bryll McTerr
last update Huling Na-update: 2024-11-28 19:57:18

“SIGURADO KA BA?" bakas ang pag-aalala sa tinig na tanong ni Klarisa kay Brayanne. 

Naroon sila sa bungalow style na apartment na lilipatan ni Brayanne. One week ago ay humingi siya ng tulong sa kaibigan. Nagpahanap siya ng mauupahang apartment sa Mariveles. May mga kamag-anak sa lugar si Klarisa kaya hindi ito nahirapang hanapan siya ng apartment. Pagkaraan lamang ng tatlong araw ay nakahanap kaagad ito. 

At ngayon nga ay naroon na siya. Plano niyang doon muna siya habang hindi pa niya alam ang dapat niyang gawin. Umalis siya sa kanila nang walang paalam at batid niyang nag-aalala na ang kanyang ina sa mga sandaling ito pero wala siyang maisip na ibang paraan. 

“Bry, are you with me?" nag-aalalang tanong ni Klarisa sa kaibigan. 

Napakurap naman si Bryanne nang marinig niya ang tinig na iyon ng kaibigan. Humugot siya ng malalim na buntong-hininga bago pilit na ngumitii. 

“Yes, I’m sure, Klay,"  turan niya bago iginala ang paningin sa loob ng apartment. 

Ayaw niyang salubungin ang tingin ni Klarisa. Ayaw niyang makita ng kaibigan ang takot na pilit niyang nilalabanan. 

Because why not? Isang tila pagod na pagod na ngiti ang pinakawalan ni Bryanne. Well, naroon lang naman siya sa isang estrangherong lugar, buntis at nag-iisa. 

“Samahan kaya muna kita?" puno ng pag-aalala sa tinig na sabi ni Klarisa. 

Kitang-kita ni Bryanne ang pinaghalong awa at pag-aalala sa anyo ng kaibigan. Oo, wala siyang inilihim dito. Sinabi niya rito na buntis siya ng dalawang buwan maliban sa parteng hindi niya alam kung sino ang ama. Hindi niya pa kayang ipaalam kay Klarisa na nabuntis siya ng hindi kilalang lalaki. 

‘Oh my god, ni hindi niya nakita ang pagmumukha ng lalaki. She’s completely clueless!’

“I’ll be fine here, Klay. Tatawag na lang ako sa’yo kapag may problema." nakangiting sabi ni Bryanne sa kaibigan. “Saka hinihintay ka ni Renus." dugtong niya na ang tinutukoy ay ang limang taong gulang nitong anak na lalaki. 

Doctor ang asawa ni Klarisa at ang alam ni Bryanne ay pang-gabi ang shift ni Dino ngayong buong linggo kaya kailangan nitong makabalik sa Manila bago dumilim. 

“Pero—-” 

Inirapan ni Brayanne ang kaibigan. “Don’t worry about me, Klay. At saka, five houses away lang naman ang bahay ni Tiya Lolita, ano ka ba…” aniya na ang tinutukoy ay ang tiyahin ni Klarisa na siyang tumulong para kaagad siyang makahanap ng apartment. Kapatid ito ng mommy ng kaibigan niya. 

Isang hindi kumbinsidong tingin ang ibinigay ni Klarisa kay Bryanne bago bumuga ng hangin. 

“Okay, sige. Basta kapag may kailangan ka, magsabi ka lang kay Tiya, ha. Ibinilin na kita sa kanya." sabi ni Klarisa habang hawak ang kanang kamay ni Klarisa. 

Tumango si Bryanne. “Opo, sige na. Ano’ng oras na. Aabutin ka ng dilim. Walang kasama si Renus." pagtataboy niya sa kaibigan. 

Day-off ng yaya ng anak ni Klarisa kaya kailangang naroon na ang kaibigan ni Bryanne bago ang oras ng pagpasok ni Dino sa hospital.

“Mag-ingat ka rito, ha. Tawagan mo ako kapag may problema." 

" Oo na nga, sige na…Daming bilin.” 

Umirap si Klarisa. " Aba, malamang!” pasikmat na sabi niya sa kaibigan. " Nag-iisa ka rito at bago lang sa lugar.” dugtong niya. 

Lumabi si Bryanne. “I’ll be fine, Klay. Nakahanda naman na ang pangbambo ko kung sakali." sabi niya sabay hila sa kaibigan patungo sa pinto. “Dami mong sinasabi. Umalis ka na at magpapahinga ako." nakangusong patuloy niya. 

Pinandilatan ni Klarisa si Bryanne. " Gaga ka, how ungrateful of you, ha.” turan niyang inismiran pa ang kaibigan. 

“Sige na, tawag ka kapag nasa Manila ka na…” muling taboy ni Bryanne sa kaibigan.

“Ang mga bilin ko,ha. Tawagin mo lang si Tiya—-”

“Oo na, oo na…Paulit-ulit, Klarisa San Miguel.” 

“BUKAS NA ANG flight mo, bro?” 

Napatingin si Roman sa kaibigang si Karl. Tatlong araw bago ang flight niya patungo sa London ay nagpasya siyang kausapin ang lalaki. Ayaw niyang umalis ng bansa na hindi sila nagkaka-ayos. 

They’re best friends anyway. Nasira lang nang dahil kay Celestte. 

“U-huh…” maikling tugon ni Roman bago tinungga ang laman ng hawak na beer. 

Kasalukuyan silang nasa high-end club na pag-aari ni Karl. 

Tumango-tango si Karl. “Kailan ang balik mo?" muli niyang usisa sa kaibigan habang nilalaro ng hintuturo ang labi ng bote ng beer. 

Nagkibit ng kanyang mga balikat si Roman. “I don’t know." walang emosyong sagot niya habang ang mga mata ay nakatutok sa mga ilaw na iba-iba ang kulay. 

Tila sumasabay ang mga iyon sa maharot na kantang pinapatugtog ng DJ. 

“Don’t tell me, magtatagal ka roon?" 

"Depende, pare.” 

Napa-iling si Karl. Malaki talaga ang naging epekto ng ginawang panloloko ni Celestte sa kaibigan niya. Binalaan na niya si Roman noong bago pa lang ito at ang kilalang runway model pero hindi siya pinakinggan ng kaibigan. Sinabi niya rito na nakita niyang may ibang lalaki na kasama si Celestte ngunit sa halip na paniwalaan siya ay nasira pa ang pagkakaibigan nila. 

“How are you  coping up?" tanong ni Karl.

Isang pagak na tawa ang pinakawalan ni Roman. " I’m doing good, man.” sagot niyang sinamahan pa ng pagkibit ng balikat. "I’m starting to get over her already. I have to move forward, y’know. At saka tama ka, pare, babae lang si Celestte. I can have all the woman that I want kahit anong oras ko gugustuhin. They'll jump into my bed and open their legs as long as I want.” aniyang may nakakalokong ngisi sa mga labi. 

Natigilan si Karl dahil sa kanyang narinig. Mukhang malaki rin ang magiging pagbabago ni Roman dahil sa nangyari dito at kay Celestte. 

Napa-iling na lamang si Karl. “Basta don’t forget to use your protection." suhestiyon niya bago tinungga ang beer. 

Natawa si Roman. “But of course, pare. Hindi na ako magpapa-isa sa mga babae ngayon. Sila na ang iisahan ko." aniyang bahagya pang inilayad ang dibdib. 

“Ingat sa pikot, pare." nakangising sabi ni Karl kay Roman. 

"Pikot? No fucking way, pare…" 

Muling tinungga ni Roman ang laan ng hawak na bote. Habang lumalagok ay sumagi sa kanyang isipan ang anyo ng dating nobya. 

Kumuyom ang palad ni Roman. Igting ang mga panga na ibinaba niya ang hawak na bote. 

‘Damn you, Celestte…’ anang isang bahagi ng kanyang isipan. 

Kaugnay na kabanata

  • UNEXPECTEDLY "YOU"    SILAS

    APAT NA TAON ang matuling lumipas…“Sigurado ka na ba? Or if you want, samahan ko muna kayong mag-ina dito ngayong gabi," ani ni Kamia kay Bryanne na mabilis namang umiling. Nakilala ni Bryanne ang babae, dalawang buwan simula nang matanggap siyang assistant head ng marketing department ng A&C Corp, isang food processing company na hindi lag dito sa bansa nagsu-supply kundi maging sa ibang bansa. Ipinatong ni Bryanne ang hawak niyang basahan sa gilid ng hagdan bago ipinagpag ang parehong kamay.“Oo naman. Sanay naman akong kami lang ni Silas," tugon ni Andrea na ang tinutukoy ay ang tatlong taong gulang niyang anak na kasalukuyang abala sa paglalaro ng hawak nitong kotse-kotsehan. “At saka ilang hakbang lang naman mula rito sa apartment ang police station." may tipid na ngiti sa mga labi na dugtong pa niya. Nagkibit ng balikat si Kamia. Well, sa loob ng dalawang buwan na naging malapit silang dalawa ni Bryanne, una niya kaagad na napansin ang pagiging independent nito. Umiikot nga

    Huling Na-update : 2024-11-28
  • UNEXPECTEDLY "YOU"    NEVER THE BRIDE

    “OH, BRYANNE, kamusta ka naman? Kailan mo ba balak na lumagay sa tahimik? “ Sa halip na pansinin ang tanong na iyon ng pinsan ng kanyang ina ay pinili na lamang ni Bryanne na itikom ang bibig niya. “Ang tanong, may balak ba namang mag-asawa iyang pamangkin natin? “ sabad naman ng isa pang pinsan ng kanyang ina. “Mukhang wala.” sagot ng isa pa. “Simula nang ipagpalit siya ni Roger sa best friend niya ay natakot na yatang magmahal ulit.” walang preno ang bibig na sabi pa ng isa. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Bryanne dahil sa kanyang mga narinig. Sanay na siya sa mga ito. Palagi namang gano’n ang nangyayari tuwing mayroong salo-salo ang pamilya niya. Napatawad na niya si Roger dahil matagal na rin naman iyong nangyari pero siya rin ang tao na hindi nakakalimot. Anim na taon na ang nakakaraan simula nang matuklasan niya ang ginawang panloloko sa kanya ng lalaki at ng best friend niyang si Ella. Habang nasa ibang bansa siya at nagpapakahirap magtrabaho para sa p

    Huling Na-update : 2024-11-28
  • UNEXPECTEDLY "YOU"    WHAT TO DO?

    “ANO’NG GINAGAWA MO?" " Kumakain?” patamad na sagot ni Bry sa tanong ng kapatid niyang si Jack. “Alam ko." naka-ismid na sabi ni Jack kay Bry. “Pero ano ‘yang kinakain mo? Kailan ka pa nahilig sa maasim?" kunot ang noo na tanong niya. Sandaling nag-isip si Bryanne. Oo nga naman, bakit nga ba napapadalas ang pagkain niya ng maasim ngayon? Weird kasi hindi rin siya mahilig sa prutas. Nang bigla siyang matigilan. Wala sa loob na napatitig si Bry sa hawak niyang green apple na isinasawsaw niya pa sa asin. “Oh, my god!" bulalas ni Bry bago tila napapasong mabilis na binitawan ang hawak na prutas. Ang lakas ng kabog ng dibdib niya. “Oh, ‘di ba? Kahit ikaw, nagulat ka rin sa sarili mo." wala pa ring kamalay-malay na patuloy ni Jack habang nilalagyan ng palamang peanut butter ang hawak nitong sliced bread. Hindi pinansin ni Bryanne ang kapaid. Mabilis siyang tumayo at nagmamadali ang mga hakbanag na lumabas ng kusina. Nagtaka naman si Jack dahil sa kakaibang ikinilos ng nakak

    Huling Na-update : 2024-11-28

Pinakabagong kabanata

  • UNEXPECTEDLY "YOU"    SILAS

    APAT NA TAON ang matuling lumipas…“Sigurado ka na ba? Or if you want, samahan ko muna kayong mag-ina dito ngayong gabi," ani ni Kamia kay Bryanne na mabilis namang umiling. Nakilala ni Bryanne ang babae, dalawang buwan simula nang matanggap siyang assistant head ng marketing department ng A&C Corp, isang food processing company na hindi lag dito sa bansa nagsu-supply kundi maging sa ibang bansa. Ipinatong ni Bryanne ang hawak niyang basahan sa gilid ng hagdan bago ipinagpag ang parehong kamay.“Oo naman. Sanay naman akong kami lang ni Silas," tugon ni Andrea na ang tinutukoy ay ang tatlong taong gulang niyang anak na kasalukuyang abala sa paglalaro ng hawak nitong kotse-kotsehan. “At saka ilang hakbang lang naman mula rito sa apartment ang police station." may tipid na ngiti sa mga labi na dugtong pa niya. Nagkibit ng balikat si Kamia. Well, sa loob ng dalawang buwan na naging malapit silang dalawa ni Bryanne, una niya kaagad na napansin ang pagiging independent nito. Umiikot nga

  • UNEXPECTEDLY "YOU"    MOVE FORWARD

    “SIGURADO KA BA?" bakas ang pag-aalala sa tinig na tanong ni Klarisa kay Brayanne. Naroon sila sa bungalow style na apartment na lilipatan ni Brayanne. One week ago ay humingi siya ng tulong sa kaibigan. Nagpahanap siya ng mauupahang apartment sa Mariveles. May mga kamag-anak sa lugar si Klarisa kaya hindi ito nahirapang hanapan siya ng apartment. Pagkaraan lamang ng tatlong araw ay nakahanap kaagad ito. At ngayon nga ay naroon na siya. Plano niyang doon muna siya habang hindi pa niya alam ang dapat niyang gawin. Umalis siya sa kanila nang walang paalam at batid niyang nag-aalala na ang kanyang ina sa mga sandaling ito pero wala siyang maisip na ibang paraan. “Bry, are you with me?" nag-aalalang tanong ni Klarisa sa kaibigan. Napakurap naman si Bryanne nang marinig niya ang tinig na iyon ng kaibigan. Humugot siya ng malalim na buntong-hininga bago pilit na ngumitii. “Yes, I’m sure, Klay," turan niya bago iginala ang paningin sa loob ng apartment. Ayaw niyang salubungin ang ting

  • UNEXPECTEDLY "YOU"    WHAT TO DO?

    “ANO’NG GINAGAWA MO?" " Kumakain?” patamad na sagot ni Bry sa tanong ng kapatid niyang si Jack. “Alam ko." naka-ismid na sabi ni Jack kay Bry. “Pero ano ‘yang kinakain mo? Kailan ka pa nahilig sa maasim?" kunot ang noo na tanong niya. Sandaling nag-isip si Bryanne. Oo nga naman, bakit nga ba napapadalas ang pagkain niya ng maasim ngayon? Weird kasi hindi rin siya mahilig sa prutas. Nang bigla siyang matigilan. Wala sa loob na napatitig si Bry sa hawak niyang green apple na isinasawsaw niya pa sa asin. “Oh, my god!" bulalas ni Bry bago tila napapasong mabilis na binitawan ang hawak na prutas. Ang lakas ng kabog ng dibdib niya. “Oh, ‘di ba? Kahit ikaw, nagulat ka rin sa sarili mo." wala pa ring kamalay-malay na patuloy ni Jack habang nilalagyan ng palamang peanut butter ang hawak nitong sliced bread. Hindi pinansin ni Bryanne ang kapaid. Mabilis siyang tumayo at nagmamadali ang mga hakbanag na lumabas ng kusina. Nagtaka naman si Jack dahil sa kakaibang ikinilos ng nakak

  • UNEXPECTEDLY "YOU"    NEVER THE BRIDE

    “OH, BRYANNE, kamusta ka naman? Kailan mo ba balak na lumagay sa tahimik? “ Sa halip na pansinin ang tanong na iyon ng pinsan ng kanyang ina ay pinili na lamang ni Bryanne na itikom ang bibig niya. “Ang tanong, may balak ba namang mag-asawa iyang pamangkin natin? “ sabad naman ng isa pang pinsan ng kanyang ina. “Mukhang wala.” sagot ng isa pa. “Simula nang ipagpalit siya ni Roger sa best friend niya ay natakot na yatang magmahal ulit.” walang preno ang bibig na sabi pa ng isa. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Bryanne dahil sa kanyang mga narinig. Sanay na siya sa mga ito. Palagi namang gano’n ang nangyayari tuwing mayroong salo-salo ang pamilya niya. Napatawad na niya si Roger dahil matagal na rin naman iyong nangyari pero siya rin ang tao na hindi nakakalimot. Anim na taon na ang nakakaraan simula nang matuklasan niya ang ginawang panloloko sa kanya ng lalaki at ng best friend niyang si Ella. Habang nasa ibang bansa siya at nagpapakahirap magtrabaho para sa p

DMCA.com Protection Status