Share

04

Author: Sissy Garis
last update Last Updated: 2025-02-09 22:55:39

Ngunit sa sandaling iyon, napansin na ni Hiro si Harvey.

Ang bata ay mukhang dismayado. Dahil umalis ang kanyang magandang tita, ramdam ang tampo nito at nagreklamo, "Bakit kasi dumating pa si Daddy! Umalis na tuloy ang magandang tita!"

Nakita ni Harvey ang malungkot na ekspresyon ng anak kaya't pansamantala na lamang siyang tumigil sa paghabol.

Baka naman nagkamali lang ako ng tingin?

Matagal nang nawala ang babaeng iyon — anim na taon na ang nakalipas at wala na siyang narinig na balita tungkol dito. Paano naman siya biglang mapupunta rito?

Agad niyang ibinalik ang sarili sa kasalukuyan, tiningnan ang anak, at nagtanong, "Sino'ng sinasabi mong magandang tita? Siya ba ang sinasabi mong doctor kanina sa tawag?"

"Opo!" Tumango si Hiro habang nakatingin pa rin sa direksyong nilakaran ni Valerie. Medyo nawawala sa sarili.

Pwede pa kaya siyang habulin ngayon?

Hindi nakuha ni Harvey ang punto ng anak kaya bahagyang nagtaas-baba lang ang balikat. "Tara na."

Hindi niya iniisip na totoong nakilala ng anak niya ang isang doctor. Bukod pa roon, ang nakita niyang anino kanina ay mukhang bata pa. 

Sa kabilang banda, nakuha na niya ang contact information ng kilalang 'Divine Doctor Holy Hand' mula sa Dean.

Mas promising iyon.

Naiinis si Hiro nang makita niyang hindi sineryoso ni Daddy ang sinabi niya. "Bakit ka naman ganyan!"

Sinubukan niyang kumbinsihin ang magandang tita na tulungan ang daddy niya.

Pero nababagalan siya kay Harvey at mukhang wala pa itong pake.

Nagdadabog si Hiro, naglakad nang mabilis gamit ang kanyang maliliit na paa habang nagngingitngit.

Nakita ni Harvey ang biglang pagsungit ng anak, kaya't kumunot ang kanyang noo at mahigpit na sinabi, "Anong pinagdadrama mo?"

Nakapout si Hiro. "Wala kang pake sa doctor! Akala mo siguro hindi magaling ang magandang tita na iyon!"

Hindi sumagot si Harvey, pero malinaw sa ekspresyon nito ang kanyang pagdududa.

Nagpatuloy sa pagtatampo si Hiro. "Hindi mo alam, nagtanong pa ako! Super galing niya! May ginawa siyang sobrang hirap na operasyon na walang ibang makagawa!"

Kahit ganoon pa ang sinabi ng bata, hindi pa rin ito inintindi ni Harvey.

Gayunpaman, sinubukan pa rin niyang aliwin ang anak. "Hindi ko naman sinasabing hindi siya magaling. Pero si Daddy ang may sakit, at alam ko kung gaano katindi ito. Hindi basta-basta nagagamot ng kahit sino. Pwedeng hindi kayanin ng tita na sinasabi mo."

Mas nababahala si Harvey sa kung bakit biglang interesado ang anak niya sa isang estrangherang babae.

Sa mga nakaraang taon, napakaraming sikat na babae at kilalang pamilya sa Madlen City ang nagtangkang maging madrasta ni Hiro. Pero palaging galit ang bata.

Kahit si Jasmine, na malapit sa Alcantara, halos hindi pinapayagan ni Hiro na lumapit sa kanya. Kaya nga kilalang-kilala sa buong Madlen City ang reputasyon ng maliit na prinsipe ng Alcantara bilang matigas ang ulo. Pero ngayon, ito ang unang beses na nakita niyang interesado si Hiro sa isang babae.

Hindi mapigilan ni Harvey na maghinala — baka ang babaeng iyon ay may masamang motibo at sinadyang lapitan ang anak niya.

Kung ganito nga ang kaso…Mas mabuti nang tapusin na ang ideya ni Hiro.

Kaya, idinagdag ni Harvey, "Nakahanap na si Daddy ng tunay na 'doctor.' Nakuha na natin ang kailangan ngayon, kaya umuwi na tayo. Huwag ka nang magtampo."

Nang marinig ito, mas lalo pang nagalit si Hiro.

Sa isip niya. Ang doctor ba na hinahanap ni Daddy ay iba sa magandang tita? Kung gano'n... baka hindi ko na siya makita ulit? Kahit minsan ko lang siya nakita, hindi ko maintindihan pero nagustuhan ko na agad siya. Pagkahiwalay pa lang namin, naiisip ko na siya. Kung pwede lang ulit kaming magkita...

"Desidido na ako, hahanapin ko siya! Kung hindi niya magamot ang sakit, edi maging mommy na lang siya!”

Biglang naging masigla ang isip ng bata at napawi ang lungkot na nararamdaman kanina.

***

Paglabas ng ospital, dumiretso na si Valerie pauwi. Habang nasa biyahe, hindi pa rin mapanatag ang isip niya. Kahit anim na taon na mula nang maghiwalay sila ng taong iyon, wala na siyang nararamdamang pagmamahal para dito.

Pero sa tuwing naaalala niya si Hiro, hindi niya maiwasang maapektuhan ang damdamin niya.

Ang bata... parang kasing-edad ng natutulog niyang anak.

Ibig sabihin, hindi nagtagal matapos silang maghiwalay, nagkaroon na ng anak ang lalaking iyon kasama ang iba.

“Kanino kaya? Kay Jasmine ba?” bulong niya sa sarili.

Napailing si Valerie sa naisip.

Noong mag-asawa pa sila, ilang beses niyang gustong magkaanak pero ayaw talaga ni Harvey. Palaging sinasabi nitong uminom siya ng birth control pills pagkatapos nilang magtalik. A higit doon, hindi rin sang-ayon ang Alcantara sa kanya.

Matagal silang nagsama pero hindi siya nabuntis, kaya palagi siyang inaapi at minamaliit ni Maricar.

Wala itong alam na pagkatapos nilang maghiwalay, bigla na lang nagkaroon ng anak.

Sa muling pagbabalik ng mga alaala, gusto na lang murahin ni Valerie si Harvey.

Ang lalaking iyon? Isa talagang aso!

Habang nagmumura sa isip, biglang nag-ring ang telepono niya — si Chesca Ventura ang tumatawag.

Huminga nang malalim si Valerie para pakalmahin ang sarili bago sinagot ang tawag. "Hello, Chesca? Bakit napatawag ka?"

Sa kabilang linya, masiglang boses ni Chesca ang narinig niya, "Tapos ka na ba?"

Sumagot si Valerie, "Kakatapos ko lang. Pauwi na sana ako ngayon."

Napangiti si Chesca, "Huwag ka munang umuwi! Nandito ka na rin lang sa Madlen City, hayaan mong magpakitang-gilas ako bilang host! Isa pa, sobrang tagal ng operasyon mo kanina, kailangan mong bumawi."

Napatawa si Valerie. "Sige na nga, padalhan mo ako ng address. Pupuntahan kita."

"Yes! Ligang Restaurant, hintayin kita doon!"

Pagkatapos sabihin iyon, binaba na ni Chesca ang tawag.

Itinago ni Valerie ang telepono at nagsabi sa driver na nasa unahan, "Mang Boy, hindi na po ako uuwi sa bahay. Pakidiretso na lang po ako sa Ligang Restaurant."

"Sige, Miss Val," sagot ng driver bago pinaandar ang sasakyan.

Pagkalipas ng kalahating oras, nakarating si Valerie sa restaurant at nakita si Chesca.

Matagal na rin mula nang huling magkita ang dalawa. Pagkakita pa lang ni Chesca kay Valerie, mabilis itong tumakbo papunta sa kaibigan at niyakap siya nang mahigpit. "Chuchu baby! Sa wakas nandito ka na!"

Parang babaeng manyak, hinawakan nito ang baba ni Valerie at pabirong tinukso, "Bakit lalo kang gumaganda? Ang unfair talaga ng langit! Ang ganda mo na, ang talino mo pa! Naiinggit na ako sa'yo!"

Napailing si Valerie at nagsalita nang seryoso, "Una sa lahat, ang ganda ko ay mana ko sa mga magulang ko. Pangalawa, ang talento ko? Natural lang 'yan!"

Tumingin nang maloko si Chesca, "Mayabang ka talaga!"

Hindi napigilan ni Valerie ang tumawa.

Related chapters

  • Twin Fate: Wife, Please Love Me Again   01

    “Magkaka problema ka na naman sa kidney mo pagkatapos ng two months business trip mo. Posible iyon, hindi ba?"Maagang-maaga sa araw na iyon, matapos ang isang matinding sandali, si Valerie ay bumuntong-hininga at nagbigay ng isang tahimik na kahilingan. Nakapikit pa siya, pawisan, at ramdam ang pangangalay ng katawan, ngunit mahigpit niyang niyakap ang baywang ng lalaking katabi niya at nagtanong.Tumayo si Harvey mula sa kama, patungo sa banyo upang maligo. Nang marinig niya ang sinabi ni Valerie, sandali siyang natigilan, saka hinawakan ang kanyang baba at mahina ngunit may bahid ng pang-aasar na sinabi, "Bakit? Hindi ba kita napasaya?"Napangiti si Valerie. "Dahil nga sa'yo, lumakas ang gana ko! Pero kung may nararamdaman ka talaga, magpatingin ka na sa doktor. Huwag kang matakot magpagamot..."Bago pa niya matapos ang sasabihin, mariing siyang hinalikan ni Harvey.Alam niyang hindi kailanman naging mahinahon ang lalaki—lalo na kapag nasusubok ang pasensya nito. Kaya sa pagkakatao

    Last Updated : 2025-02-09
  • Twin Fate: Wife, Please Love Me Again   02

    Sa harap niya, may isang babaeng maganda ang mukha.Nagpapakilala ito nang may kumpiyansa, "Hello, little master, ako si Hazel. Medyo magaling naman ako sa medisina, handa akong tulungan ang daddy mo..."Pagkarinig ng pambungad nito, biglang sumimangot ang cute na bata.Oo, kasama nga siya ng daddy niya ngayon para magpagamot. Pero... kailan pa sinabi na naghahanap sila ng stepmother?!Sino ang nagpakalat ng ganitong nakakabaliw na tsismis?!At saka, saan naman nakakuha ng lakas ng loob ang auntie sa harap niya? Ang kapal ng makeup sa mukha nito!Halata sa mukha ng bata ang pagkadismaya.Nakita ni Valerie ang ekspresyon nito at naintindihan agad ang gustong ipahiwatig kahit hindi ito nagsalita."Pfft..."Hindi napigilan ni Valerie ang mapatawa.Ang tawa niya ay biglang napansin ng mga tao sa paligid.Napalingon ang lahat at nagbigay-galang, "Doc. Valerie!"May bulungan pa sa tabi, "Ay oo nga pala, kahit pansamantala lang siya rito para sa isang operasyon, siya ang pinakamagaling na do

    Last Updated : 2025-02-09
  • Twin Fate: Wife, Please Love Me Again   03

    Nang marinig ito ni Harvey, biglang napakunot ang noo niya at malamig na nagsalita, "Kumalat na ang balitang nandito ako?"Mabilis na sagot ni Joshua, "Hindi ko naman po binanggit ang buong pagkakakilanlan mo, sinabi ko lang na isa kang makapangyarihang tao sa Madlen City! Huwag kang mag-alala, inayos ko na 'to. Magpapaliwanag din ako kay Dean Tolentino para siguradong walang makakaalam!"Bahagyang tumango si Harvey, pero nanatili pa rin ang hindi magandang ekspresyon sa kanyang mukha.Nagpatuloy siya, "Nasaan si Hiro ngayon?"Nahihiyang sagot ni Joshua, "Ah, hindi ko rin po alam. Ayaw niyang nagpapasunod ng tao. Sinubukan ko sanang gamitin ang tracking device sa phone niya, pero wala na yung signal. Mukhang natuklasan niya at na-disable ulit."Natigilan si Harvey saglit at inutusan siya, "Pagbalik natin, ipagawa mo ulit sa technical department ng mas maayos. Kung kaya niyang i-disable, sayang lang effort nila!""Okay po."Sumunod agad si Joshua, pero sa loob-loob niya ay nagrereklamo

    Last Updated : 2025-02-09

Latest chapter

  • Twin Fate: Wife, Please Love Me Again   04

    Ngunit sa sandaling iyon, napansin na ni Hiro si Harvey.Ang bata ay mukhang dismayado. Dahil umalis ang kanyang magandang tita, ramdam ang tampo nito at nagreklamo, "Bakit kasi dumating pa si Daddy! Umalis na tuloy ang magandang tita!"Nakita ni Harvey ang malungkot na ekspresyon ng anak kaya't pansamantala na lamang siyang tumigil sa paghabol.Baka naman nagkamali lang ako ng tingin?Matagal nang nawala ang babaeng iyon — anim na taon na ang nakalipas at wala na siyang narinig na balita tungkol dito. Paano naman siya biglang mapupunta rito?Agad niyang ibinalik ang sarili sa kasalukuyan, tiningnan ang anak, at nagtanong, "Sino'ng sinasabi mong magandang tita? Siya ba ang sinasabi mong doctor kanina sa tawag?""Opo!" Tumango si Hiro habang nakatingin pa rin sa direksyong nilakaran ni Valerie. Medyo nawawala sa sarili.Pwede pa kaya siyang habulin ngayon?Hindi nakuha ni Harvey ang punto ng anak kaya bahagyang nagtaas-baba lang ang balikat. "Tara na."Hindi niya iniisip na totoong nak

  • Twin Fate: Wife, Please Love Me Again   03

    Nang marinig ito ni Harvey, biglang napakunot ang noo niya at malamig na nagsalita, "Kumalat na ang balitang nandito ako?"Mabilis na sagot ni Joshua, "Hindi ko naman po binanggit ang buong pagkakakilanlan mo, sinabi ko lang na isa kang makapangyarihang tao sa Madlen City! Huwag kang mag-alala, inayos ko na 'to. Magpapaliwanag din ako kay Dean Tolentino para siguradong walang makakaalam!"Bahagyang tumango si Harvey, pero nanatili pa rin ang hindi magandang ekspresyon sa kanyang mukha.Nagpatuloy siya, "Nasaan si Hiro ngayon?"Nahihiyang sagot ni Joshua, "Ah, hindi ko rin po alam. Ayaw niyang nagpapasunod ng tao. Sinubukan ko sanang gamitin ang tracking device sa phone niya, pero wala na yung signal. Mukhang natuklasan niya at na-disable ulit."Natigilan si Harvey saglit at inutusan siya, "Pagbalik natin, ipagawa mo ulit sa technical department ng mas maayos. Kung kaya niyang i-disable, sayang lang effort nila!""Okay po."Sumunod agad si Joshua, pero sa loob-loob niya ay nagrereklamo

  • Twin Fate: Wife, Please Love Me Again   02

    Sa harap niya, may isang babaeng maganda ang mukha.Nagpapakilala ito nang may kumpiyansa, "Hello, little master, ako si Hazel. Medyo magaling naman ako sa medisina, handa akong tulungan ang daddy mo..."Pagkarinig ng pambungad nito, biglang sumimangot ang cute na bata.Oo, kasama nga siya ng daddy niya ngayon para magpagamot. Pero... kailan pa sinabi na naghahanap sila ng stepmother?!Sino ang nagpakalat ng ganitong nakakabaliw na tsismis?!At saka, saan naman nakakuha ng lakas ng loob ang auntie sa harap niya? Ang kapal ng makeup sa mukha nito!Halata sa mukha ng bata ang pagkadismaya.Nakita ni Valerie ang ekspresyon nito at naintindihan agad ang gustong ipahiwatig kahit hindi ito nagsalita."Pfft..."Hindi napigilan ni Valerie ang mapatawa.Ang tawa niya ay biglang napansin ng mga tao sa paligid.Napalingon ang lahat at nagbigay-galang, "Doc. Valerie!"May bulungan pa sa tabi, "Ay oo nga pala, kahit pansamantala lang siya rito para sa isang operasyon, siya ang pinakamagaling na do

  • Twin Fate: Wife, Please Love Me Again   01

    “Magkaka problema ka na naman sa kidney mo pagkatapos ng two months business trip mo. Posible iyon, hindi ba?"Maagang-maaga sa araw na iyon, matapos ang isang matinding sandali, si Valerie ay bumuntong-hininga at nagbigay ng isang tahimik na kahilingan. Nakapikit pa siya, pawisan, at ramdam ang pangangalay ng katawan, ngunit mahigpit niyang niyakap ang baywang ng lalaking katabi niya at nagtanong.Tumayo si Harvey mula sa kama, patungo sa banyo upang maligo. Nang marinig niya ang sinabi ni Valerie, sandali siyang natigilan, saka hinawakan ang kanyang baba at mahina ngunit may bahid ng pang-aasar na sinabi, "Bakit? Hindi ba kita napasaya?"Napangiti si Valerie. "Dahil nga sa'yo, lumakas ang gana ko! Pero kung may nararamdaman ka talaga, magpatingin ka na sa doktor. Huwag kang matakot magpagamot..."Bago pa niya matapos ang sasabihin, mariing siyang hinalikan ni Harvey.Alam niyang hindi kailanman naging mahinahon ang lalaki—lalo na kapag nasusubok ang pasensya nito. Kaya sa pagkakatao

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status