Napaisip si Valerie kung mayroon pa bang dapat pag-usapan sa pagitan nila.
Tahimik na tumingin si Valerie kay Harvey at malamig na sinabi, “Wala na akong ibang masasabi pa sa’yo, Mr. Alcantara. O baka naman gusto mong magbalik-tanaw sa nakaraan?”
‘Nakakatawa namang pag-usapan ang nakaraan, tutal, anim na taon na kaming hiwalay. At para sa isang dating asawa, wala nang dapat pang pag-usapan tungkol sa nakaraan!’ sigaw ng isipan ni Valerie.
Nang marinig ni Harvey ang paulit-ulit na pagtawag ni Valerie sa kanya bilang “Mr. Alcantara,” pakiramdam niya ay sasabog na siya sa inis.
“Ang galing mo talaga, ha! Wala kang masasabi? Ikaw siguro, pero ako meron! Hindi ko pa nakakalimutan ang lahat ng ginawa mo. Noon, iniwan mo ako nang walang paalam, tapos nagawa mo pang gawin ang bagay na ‘yon para lang makaganti sa akin…”
Matindi ang panunumbat sa tono ni Harvey. “Magaling ka talagang mag-abandona ng asawa at anak, ano? At ngayon, kaya mo pang tumayo rito na parang wala lang, tapos sasabihin mong wala kang dapat sabihin sa akin?”
Napaatras si Valerie sa bigat ng paratang ni Harvey. Nanlaki ang mga mata niya, hindi makapaniwala.
“Iniwan ko ang asawa at anak ko?!”
Ano bang pinagsasasabi ng lalaking ito?! Anong anak? Paano ko naman iiwanan ang anak ko e kasama ko siya!
Kung tama ang pagkakaalala niya, noon, siya mismo ang nagsabi kay Valerie na maaari na siyang magpakasal sa kahit sino. At pagkatapos, ang mismong ina ni Harvey ang nagdala sa kanya ng divorce agreement.
At tungkol naman sa sinasabi niyang iniwan niya ang anak nila…Mas lalong nakakatawa iyon.
Kailan pa siya nang-iwan? At saka, hindi ba’t noong una, hindi naman alam ni Harvey na may anak sila?
Habang iniisip ito, hindi napigilan ni Valerie ang mapangiti nang malamig.
“Harvey, okay ka lang ba?” sarkastikong tanong niya. “Hindi ba’t ikaw ang nagdesisyong maghiwalay tayo? At ngayon, ikaw pa ang may ganang kwestyunin ako?” Nagpatuloy siya, mas lalong lumalim ang inis sa kanyang tinig. “At kung ako nga ang unang nakipag-divorce noon, anong problema roon? Kasal nga tayo, pero parang wala rin. Tuwing ilang buwan lang kita nakakasama bilang asawa, at sa halos buong panahon, mag-isa akong nabubuhay sa isang bahay na parang isang biyuda! Mas mabuti pang wala na lang!”
Huminga siya nang malalim at tinitigan si Harvey nang diretso sa mata. “At saka, ikaw mismo ang nagsabi noon na wala namang pinagkaiba sa’yo kung sino ang magiging asawa mo! Kung ganon, hindi ba’t mas mabuting naghiwalay na lang tayo para mas maging masaya ang bawat isa?”
Ramdam sa bawat salita niya ang bigat ng emosyon. Ngunit dahil sa muling pagbabalik ng masasakit na alaala, pakiramdam niya ay nahihirapan siyang huminga. Kaya, inilagay niya ang kanyang mga kamay sa dibdib ni Harvey, pilit siyang tinutulak palayo.
“Kaya, pwede ka nang umalis sa harapan ko!” madiin niyang sabi.
Ngunit hindi gumalaw si Harvey. Sa halip, ngumiti ito, ngunit ang mga mata niya ay punong-puno ng panganib.
“Parang biyuda?” aniya, tila naiinis ngunit natatawa. “Hindi ko alam na ganyan ka pala kalungkot noon. Pero kung hindi ako nagkakamali, mukhang nasiyahan ka naman sa’kin dati. Hindi ba’t pagkatapos ng lahat, ikaw pa mismo ang humihiling na…”
Napakagat-labi si Valerie, namula sa inis at kahihiyan. Hindi niya inaasahan na mababanggit pa ni Harvey ang bagay na iyon.
“Tumigil ka nga! Wala akong sinasabing ganyan!” galit niyang sagot. “At isa pa, hindi ka naman talaga gano’n kagaling!”
Biglang nagbago ang ekspresyon ni Harvey. “Ano’ng sinabi mo?” malamig niyang tanong, ang tingin niya kay Valerie ay mapanganib.
Hindi na nag-isip si Valerie at may pang-asar na sagot, “Ang sabi ko, hindi ka naman gano’n kagaling noon!”
Nanigas ang mukha ni Harvey. Para sa isang lalaking may mataas na pride, ang marinig ang ganitong insulto ay isang malaking sampal sa kanyang ego.
Tahimik siyang tumingin kay Valerie, ngunit ang apoy sa kanyang mga mata ay kitang-kita.
“Gano’n pala, ha? So ibig mong sabihin, hindi ka nasiyahan noon?” bumaba ang tono ng boses niya, puno ng panganib. “Mukhang kailangan ko yatang patunayan ang sarili ko ngayon, hmm?”
Bago pa makapalag si Valerie, bigla niyang hinawakan ang kamay nito at hinila siya palabas ng kwarto.
Dinala niya ito sa elevator at pinindot ang button paakyat.
Doon lang napagtanto ni Valerie na nasa masamang sitwasyon siya.
Sinubukan niyang pindutin ang ibang button, ngunit masyadong mahigpit ang hawak ni Harvey sa kanyang pulso.
Napatingin siya sa kanya, hindi makapaniwala, ang boses niya’y bahagyang nanginginig.
“Harvey, ano bang binabalak mo? Saan mo ako dadalhin?!”
Harvey ngumisi. “Saan tayo pupunta? Siyempre, magche-check-in tayo sa isang hotel.”
Napaka-natural at kalmado ng tono niya, na para bang simpleng sinabi lang niya na “Ang ganda ng panahon ngayon.”
Nanlaki ang mga mata ni Valerie, tuluyang natigilan.
Magche-check-in?! Ano bang problema ng lalaking ‘to? Kaninang-kanina lang, galit na galit siya, tapos ngayon bigla niyang naisipang gawin ‘to? Siraulo!’ hindi maiwasan ni Valerie na sumigaw sa kanyang isipan.
“Ayoko!” agad siyang nagpumiglas. “Bitawan mo ‘ko! Kung hindi, sisigaw ako!”
Iniisip ni Valerie na dahil mataas ang pride ng lalaking ‘to, siguradong hindi niya kakayaning mapahiya sa harap ng maraming tao.
Pero nagkamali siya.
Sa halip na mag-alala, lalo pang lumalim ang ngiti ni Harvey. “Sige, sumigaw ka. Pero tandaan mo, pag-aari ng Alcantara ang buong club na ‘to… Tingnan natin kung may magtatangkang tumulong sa’yo.”
Pagkasabi niya nito, biglang tumunog ang elevator at huminto sa isang palapag.
Wala siyang pakialam sa pagpupumiglas ni Valerie. Hinila niya ito palabas at tuloy-tuloy silang pumasok sa isang marangyang suite.
Pagkasara ng pinto, itinukod ni Harvey ang kamay niya sa likod nito, ikinulong si Valerie sa pagitan ng kanyang katawan at ng pinto.
Doon lang siya tuluyang kinabahan. Mukhang seryoso nga si Harvey.
“Harvey… kalma lang, pwede nating pag-usapan ‘to,” nag-aalalang sabi ni Valerie.
Pero hindi siya pinansin ni Harvey. Hawak pa rin nito ang pulso niya gamit ang isang kamay, habang ang kabilang kamay ay walang pag-aalinlangang binuksan ang unang butones ng kanyang polo.
Mariin siyang ngumisi. “My ex-wife, anong pag-uusapan natin? Imbes na magsayang ng oras sa salita, mas mabuti pang gawin na lang natin…”
At bago pa siya makapalag, mabilis siyang yumuko at hinalikan siya nang mariin sa labi.
Tuluyang nag-blangko ang utak ni Valerie.
Galit siyang nagpumiglas. “Bitawan mo ‘ko! Harvey—!”
Pero hindi siya tinigilan ni Harvey. Sa halip na huminahon, mas lalong lumalim ang halik nito—mapanakit, galit, walang bahid ng pag-iingat.
Mas lumakas ang kanyang pagpupumiglas nang maramdaman ang sakit mula sa madiing pagkagat ng lalaki sa kanyang labi.
Pero masyadong mahigpit ang pagkakahawak nito sa kanya. Nakapulupot ang isang kamay nito sa kanyang baywang, habang ang isa naman ay mahigpit na nakapigil sa kanyang mga kamay laban sa pinto.
Sa lakas ni Harvey, wala siyang laban.
Dahan-dahan, unti-unting nabalot ng amoy, init, at presensya ng lalaki ang kanyang buong pagkatao. At sa ikinagulat niya, sa kabila ng lahat ng kanyang pagtutol, biglang nanghina ang kanyang tuhod mula sa sensasyong hatid ng halik nito.
Sa loob ng anim na taon, inakala niyang naging manhid na siya. Ngunit kahit anong pilit niyang paniwalaan iyon, hindi niya kayang dayain ang sariling katawan.Mabilis na nagkalat ang init sa kanyang dibdib, at hirap siyang huminga. Napakadali siyang paikutin ng lalaking ito.Alam na alam ni Harvey kung saan siya mahina…Nararamdaman ni Valerie ang panganib. Ang pintig sa kanyang dibdib ay nagsasabing hindi dapat ito mangyari.Sa matinding kaba, mabilis niyang itinaas ang tuhod, handang umatake sa pagitan ng mga hita ng lalaki. Pero mabilis ding kumilos si Harvey—ginamit ang libreng kamay para harangin ang kanyang binti. Nagpumiglas siya, pero sa halip na makawala, mas lalo siyang nadarang.Sa isang iglap, naramdaman na lang niyang nakapulupot na ang kanyang mga binti sa baywang ni Harvey. Kasabay nito, ipinasok ng lalaki ang isang tuhod sa pagitan ng kanyang mga hita, kaya’t lalong naging maselan ang kanilang posisyon.Pinisil ni Harvey ang kanyang baba, at sa mga mata nito ay kitang-
Pag-uwi ni Valerie sa apartment niya, hindi pa rin gumaan ang pakiramdam niya hanggang sa biglang tumunog ang cellphone niya.Kinuha niya ito at tiningnan ang screen. Isang video call mula kay Sleeping Baby.Agad niyang inayos ang kanyang ekspresyon at sinagot ang tawag. Sa kabilang dulo ng screen, lumitaw ang mukha ng isang maliit na batang babae—napakaganda, parang isang manika. May bilog at inosenteng mga mata, suot ang pajama na may design na kuneho, kaya naman lalo siyang mukhang mabait at ka-cute-cute.Si Vanessa ay halatang antok na. Kinusot niya ang kanyang maliliit na mata at nagsalita gamit ang kanyang malambing at inosenteng boses, "Mommy, bakit hindi mo ako tinawagan ngayong gabi para mag-good night?"Medyo malungkot ang ekspresyon ng bata, kaya naman agad nawala ang lahat ng pagod at inis ni Valerie matapos siyang makita.Agad siyang nag-sorry sa anak, "Sorry, baby. Plano ko sanang tawagan ka pagkatapos ng operasyon, pero nagkaroon ako ng meeting sa isang customer tungkol
Pagkatapos mag-almusal kinaumagahan, umalis si Harvey papunta sa kompanya. Hindi niya alam na pagkakaalis pa lang niya, si Hiro ay sumunod na lumabas ng bahay...Bandang alas-diyes ng umaga, napansin ng butler na nawawala ang bata. Dahil sa sobrang kaba, agad siyang tumawag kay Harvey."Sir, masama po ang balita! Wala na po ang Little Young Master!"Abala si Harvey sa mga mahahalagang gawain nang matanggap ang tawag. Agad siyang bumalik sa bahay. "Anong nangyari? Ang dami-daming bantay dyan, paano siya nawala?"Matapos mag-imbestiga ang mga bodyguard, agad silang nag-report, "Sir, na-hack po ng Little Master ang security system ng bahay. Bukod doon, may natagpuan kaming maliit na butas sa may hardin sa likod—sakto lang para makalusot ang isang bata. Mukhang dumaan siya roon para makatakas..."Alam ni Harvey ang kakayahan ng anak niya. Kung nasabing na kinidnap ito sa loob ng bahay ay imposibleng mangyari. Pero ang tumakas ito nang kusa—malamang pa. Lalo na't... hindi ito ang unang be
Nararamdaman ni Valerie na nakakatawa ang sitwasyon.Ang pinaka-nakakatawa pa, masyadong totoo at tapat ang ekspresyon ng bata—parang hindi peke, kaya paano niya ito tatanggihan? Bukod pa roon, dumating ito mag-isa, kaya hindi niya ito basta-basta mapapaalis.Matapos mag-isip sandali, hindi rin niya nakuhang tumanggi, kaya sa huli, sinabi niyang, "Sige, pumasok ka muna.""Yay!" Masayang-masaya si Hiro. Napaisip siya na kung handa siyang papasukin ng magandang tita, ibig sabihin, gusto nitong maging kaibigan siya.Masaya siyang sumunod kay Valerie papasok sa bahay. Pinaupo naman siya ni Valerie sa sofa. "Maupo ka muna diyan, maghuhugas lang ako ng mukha.""Uh-huh! Sige po, Tita! Maghugas na po kayo, hihintayin ko kayo nang maayos dito!" sagot ng bata na parang isang masunuring anghel.Napangiti si Valerie, saka siya umalis upang maghilamos, magsipilyo, at magpalit ng damit.Pagbalik niya, nadatnan niya ang bata na nakaupo sa sofa, palipat-lipat ang paa sa ere habang tila walang inaalal
Ginugol ni Joshua ang halos buong umaga sa paghahanap, ngunit hanggang tanghali ay wala pa rin siyang makitang bakas ni Hiro.Habang lumilipas ang oras, lalong bumibigat ang pakiramdam ni Harvey. Halos dumadagundong ang tensyon sa buong bahay ng Alcantara, at lahat ng tao roon ay tila naglalakad sa manipis na yelo. Walang mangahas magsalita, ni lumapit man lang kay Harvey na ngayo'y nakaupo at tahimik na nagngangalit ang panga.Ang matandang mayordoma ay halos maluha-luha na sa matinding pagsisisi. "Kasalanan ko ito... ako ang dapat sisihin! Kung sana'y mas naging maingat ako, hindi mawawala ang batang master. Diyos ko... sana walang masamang mangyari sa kanya," hikbi nito habang nanginginig ang boses.Nananatiling tikom ang bibig ni Harvey, ngunit bakas sa mukha niya ang matinding pag-aalala. Ang mga manipis niyang labi ay mahigpit na nakasara, at ang mga kamao niya'y nakakuyom na parang anumang oras ay pwedeng magwala.Sa kaloob-loobang isip niya, masyado na siyang kinakabahan. Sa m
Nakita ni Valerie ang mga luha ng bata, at pakiramdam niya ay may kung anong pumipiga sa kanyang puso.‘Ang munting batang ito… paano ba siya tatahanin?’ tanong niya sa kanyang isipan.Hindi niya kayang makita ang mga batang umiiyak. Tuwing umiiyak ang anak niya sa bahay, palaging nadudurog ang puso niya. At ngayon, ganoon din ang nararamdaman niya kay Hiro.Napabuntong-hininga siya at walang nagawa kundi sabihin, “Si Tita kasi, may trabaho pang kailangang tapusin, pero ganito na lang… Bibigyan kita ng contact number ko, pwede mo akong i-message kapag may oras ka, okay ba ‘yon?”“Totoo po?”Namumula pa rin ang mata ni Hiro, pero hindi na siya umiiyak. Sa halip, nagliwanag ang kanyang mga mata at bakas sa mukha ang tuwa at sorpresa.Nang makita ni Valerie ang ekspresyon nito—halos kapareho ng anak niya tuwing natutuwa—hindi niya natagalan ang ideyang tanggihan ang bata.Tumango siya. “Siyempre, hindi kita lolokohin.”“Yehey!”Muling sumigla ang bata at nagkaroon ng gana sa pagluluto. N
Napansin ni Joshua na tila walang balak tumuloy si Valerie kaya agad siyang nagtanong, "Doktora Sevilla? May problema po ba?"Umiling si Valerie, pilit na pinapanatili ang kalmado sa kanyang ekspresyon. Bagama't nagulat siya nang malamang si Harvey pala ang pasyente, nanatili siyang composed. Wala pa naman siyang tinatanggap na consultation fee at wala ring agreement, kaya kahit umatras siya ngayon, hindi niya ito matatawag na breach of contract.Isa pa, wala na siyang balak pang magkaroon ng kahit anong kaugnayan kay Harvey. Ano mang koneksyon ang mayroon sila noon ay tuluyan na niyang pinutol. At higit sa lahat — wala siyang balak na tanggapin ang listahang ito.Dahil dito, marahan niyang ibinaba ang boses at nagsalita, "Pasensya na po, pero... hindi ko po matatanggap ang pasyente ninyo. Hindi ko po siya maaaring gamutin, kaya mas mabuti pong maghanap na lang kayo ng ibang doktor."Nanlaki ang mga mata ni Joshua, tila nagulat sa sinabi niya. "Ha? Sandali lang po, Doktora... ano pong
"Nagmamadali ako!" apakunot ang noo ni Valerie.‘Ano bang problema ng mga taong ‘to? Kung may problema, tumawag na lang sana ng pulis! Bakit pa kailangang maghanap ng reporter?’ Sa isip ni Valerie.Kung lalabas sa publiko ang tungkol dito, siguradong malaking gulo ang haharapin niya.Mariin niyang kinagat ang kanyang labi. Alam niyang siya mismo ang nagdala ng gulo sa sarili niya—parang tinapakan niya ang sariling bitag. Wala na talaga siyang lusot sa sitwasyong ito.Isa pa, ayaw naman niyang makilala sa ganitong paraan!Pero kung tutuusin...Hindi ba’t gamutan lang naman ito? Kapag natapos ang paggamot, tapos na rin ang transaksyon. Walang magiging koneksyon sa pagitan nila ni Harvey. At higit sa lahat—isang bilyon ang consultation fee.Kung hindi niya tatanggapin ito, talagang malaking kawalan.Maaari niyang gamitin ang perang ito para bilhan ng magarang bahay si Vanessa!Sa isiping iyon, walang alinlangang hinablot ni Valerie ang cellphone ni Joshua. Bahagya siyang ngumiti nang mala
"You..."Hindi man nakikita ni Harvey ang nangyayari, ramdam niya na sinadya ng babae ang ginawa nito. Halatang-halata sa boses niya ang galit.Simula noon, lubos niyang kinamumuhian ang mga taong masyadong lumalapit sa kanya—lalo na ang mga babaeng may hindi magagandang intensyon.Ang babaeng ito… mukhang mali ang naging tantiya ko sa kanya!’ sigaw ng isip ni Harvey.Kanina, habang nandoon si Joshua, malamig at walang emosyon ang paraan ng kanyang pagsasalita. Ngunit ngayon, pag-alis ng lalaki, bigla itong nagbago?"Sinadya mo ba ito?" Mariing itinukod ni Harvey ang kanyang mga kamay, saka nagsalita habang nagpipigil ng galit. "Oo, kaya mo akong gamutin, pero mali kung iniisip mong may ibang posibilidad sa ating dalawa. Pinapayuhan kitang huwag na huwag kang mag-isip ng kung ano-ano!"Halos hindi pa nakakapag-isip nang maayos si Valerie nang marinig niya ang sinabi ni Harvey. Sa gulat at inis, napatawa na lang siya sa sobrang pagkaasar.Ilang taon lang silang hindi nagkita, pero kail
Tahimik na nakaupo si Harvey sa tapat ni Valerie, walang bakas ng emosyon sa kanyang mukha. Pero sa loob niya, alam niyang mula pa lang sa simula ay wala naman talaga siyang gaanong inaasahan sa babaeng ito—ang sinasabing milagrosang doktor na ubod ng tigas ng ulo. Lalo na matapos niyang marinig ang mga sinabi nito kanina, mas lalo lang niyang naramdaman na hindi ito mapagkakatiwalaan.Ang dahilan kung bakit hindi pa rin niya ito pinaalis ay dahil iyon na lang ang huling alas niya—isang desperadong pagsubok. Iniisip niyang baka sakaling may makita itong paraan para malunasan ang kanyang sakit, kahit pa parang suntok sa buwan na ito.Hindi naman alam ni Valerie kung gaano karaming bagay ang iniisip ni Harvey tungkol sa kanya. Tahimik niyang binalikan ang mga medical records at treatment history mula sa ibang doktor. Sinuri niya ang mga resulta ng pagsusuri at pinagmasdan muli ang mga larawan mula sa iba't ibang tests.Sa unang tingin, wala naman siyang nakikitang kakaiba. Pero makalipa