Share

She's Back

|Chapter 3: She’s Back

“I KNOW ayaw mo nang bumalik sa lugar na ‘yon pero I still hope na pag-isipan mo ito. Over the years, alam ko ang mga pinagdaanan mo at sa ilang taong nagkatrabaho tayo, alam ko. May potential ka at isa itong oportunidad para mag-improve pa. Broaden your horizon. Soon – alam kong may mararating ka pa . . .,”

Iyan lamang ang laman nang isipan ni Sabrina habang nasa loob ng eroplano pa-Pilipinas. Her kids were asleep beside her. Nakatulala lamang siya sa maulap na paligid at hindi maiwasang mag-alala sa maaaring mangyari sa pagbabalik niya – nila.

Iniisip pa lamang niyang makikita niya ang taong ayaw na niyang makita ay bumabaliktad na ang kaniyang puso dahil sa kaba at takot.

Hindi lamang siya ang uuwi kung hindi mayroon na rin ang mga batang lingid sa kaalaman nang dating asawa, nagbunga ang nangyari sa pagitan nilang dalawa nang gabing iyon.

“Besides, alam kong nagbago ka na. Alam kong kaya mong harapin kung ano man ang susubok sa iyo, hindi ba?” Pumikit siya dahil naalala niya ang huling sinabi ng kaniyang boss.

Alam niya sa kaniyang sarili na totoo iyon ngunit may kaunting agam-agam pa rin siya. Pero hindi iyon ang makakapagpatigil sa kaniyang ipagpatuloy ang kaniyang nasimulang future ng kanilang mag-iina.

SA ISANG banda, maraming mga nagkalat na nakasuot ng black tuxedos na iniikot ang buong lugar upang hanapin ang nawawalang prinsesa ng mga Beaufort.

“Sir Luan, all clear po ang second floor. Wala po ang Young Miss sa paligid.” Bagama’t kinakabahan, kailangan iyong sabihin ng isang tauhan na naghahanap dahil kung hindi ay mawawalan sila ng trabaho.

“Dang it! H’wag kayong titigil kakahanap hanggang sa makita niyo ang anak ko!” sigaw nito na nagpakislot sa mga taong nakapaligid sa kanila.

Ang mga taong nakapila para sa kani-kanilang flight ay hindi maiwasang panoorin ang mga hindi mabilang na mga kalalakihan na nagkalat upang hanapin ang nag-iisang prinsesa ng pamilyang Beaufort – si Sabi Ruan Beaufort.

“Where are you, baby Sab?” nanghihinang tanong ni Luan sa sarili at hindi maiwasang mapasabunot sa kaniyang  buhok dahil sa kaba at matinding pag-aalala.

Nalibot na lahat ng lugar na pwedeng puntahan ng batang si Sabi ngunit wala pa rin ito – hindi pa rin mahagilap kahit anino nito.

Ang huling naalala ni Luan na kasama ang bata ay noong paalis na siya sa kanilang bahay para sa isang business meeting ngunit matapos ang kalahating oras ay sinabihan siyang nawawala ang kaniyang anak.

“MOMMY! Look! Ang ganda!” Maririnig ang kakaibang kasiyahan sa boses ng batang si Fabby – Fabien. Busy ang dalawang bata na iikot ang mga mata sa bagong paligid na kanilang kinatatayuan.

Hindi mapigilan ni Sabrina ang mapangiti dahil sa kaniyang kambal. Ang mga inosenteng mga ngiti ng mga ito ay sapat na para siya’y mapanatag nang kahit kaunti.

“SIR, negative! Wala po siya sa buong airport!” sigaw nang isang tauhan ni Luan.

Tuluyang nandilim ang awra ni Luan at napapikit na lamang nang mariin at kasabay no’n ay ang paglingon nito sa isang banda.

Mula sa kaniyang kinatatayuan kitang-kita niya ang bahagyang paglingon ng isang babae sa p’westo niya. Saglit lamang iyon pero hinding-hindi niya makakalimutan ang mukha nang babaeng kinamumuhian niya – si Sabrina Anderson.

“MOMMY, bathroom. Naiihi po ako,” sambit ng batang Arden sa kaniyang ina na buhat-buhat ang isa pang anak.

“Ako rin, Mommy.”

“Okay, Samahan ko na kayo-,” naputol ang sasabihin ni Sabrina nang sabay na umiling ang dalawang bata. 

“Kaya na po namin, Mommy.” giit ni Arden at hinawakan sa kamay ang kakambal.

Napangiti si Sabrina sa tinuran nang kaniyang panganay sa kambal. Wala na siyang nagawa at hinintay ang dalawa sa kaniyang p’westo. Naisip niyang wala naman sigurong makakapansin sa kaniya dahil nasa isang sulok siya.

Ngunit iyon ang akala niya dahil may isang pares na mga mata ang siyang kasalukuyang nanonood sa kaniyang mga galaw.

HINDI siya p’wedeng magkamali. Ang babaeng iyon ay si Sabrina, kastigo ni Luan sa sarili.

Lalapitan na sana niya ito nang humarang ang isa sa kaniyang tauhan. “Sir, ang huling kita raw sa Young Miss ay sa park na malapit sa Vesta Village,” imporma nito kay Luan na hindi maipinta ang reaksyon sa mukha.

“Let’s go. Baka naroon lamang si Sabi,” ani sa nagmamadaling tono.

Sa huling pagkakataon ay muli niyang nilingon ang babae sa kinaroroonan nito kanina ngunit ni buhok nito ay hindi niya na makita.

‘Nagbalik siya. Ha! How dare her! How could she come back when she abandoned her child?’

LINGID sa kaalaman ni Luan ay nasa malapit lamang si Sabrina nang paalis na sila sa airport.

“Hindi maaari.” Sinubukang kumalma ni Sabrina ngunit hindi niya kaya. Ayaw niyang maniwala na sa pagtapak pa lamang nila ng Pilipinas ay siyang pagtatagpo muli nang kanilang landas.

Luan Beaufort, her ex-husband.

“Ang mga bata,” usal nito sa sarili at dali-daling umalis sa kinatatayuan ngunit gano’n na lamang ang kaba nito nang makita ang kambal na palabas sa hallway mula comfort room.

“Ardie! Fabby!” sigaw niya at nilapitan ang mga anak, takot na may makakita sa kanila.

“Mommy, tapos na po kami!”

Hindi na niya hinayaang magtagal pa sila sa loob at binuhat ang dalawang bata. Buong pagtataka ang namuhay sa kaloob-looban ng kambal ngunit hindi na nila iyon isinatinig nang makitang hindi maipinta ang mukha ng kanilang ina.

Mommy . . .

“TITA Muren!” sigaw nang kambal nang makita ang kaibigan ng kanilang ina na kumakaway sa kanilang harapan.

“Oh my, cuties! Finally, na-meet ko na rin kayo in person!” tili nito at tinakbo ang kanilang distansya.

Masaya ang dalawang bata dahil ngayon lang nila makikita ang kanilang tita at hindi na lamang sa loob ng phone.

“Muren, kailangan na nating umalis. Pagod na ang mga bata,” buong tapang nitong inagaw ang atensyon ng kaibigan mula sa kambal.

Ang mga mata nito’y nangungusap at hindi naman tanga si Muren para hindi maintindihan ang gustong ipahiwatig ng kaibigan.

Muling huminga nang malalim si Sabrina at paulit-ulit nililingon ang buong paligid para siguraduhing wala roon ang dating asawa.

“Hindi niya na dapat kailangan malaman,” bulong nito sa sarili at tuluyang nilisan ang lugar.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status