Share

His Daughter 2

|Chapter 5: His Daughter 2

            Bagama’t iyon ay isa lamang na rason kung bakit ito hindi sumasagot ay pinilit pa rin ni Sabrina na kausapin ang bata at kunin ang loob nito.

            “Mukhang hindi pa kumakain ang isang ‘yan. Isabay na lang kaya natin bago ilapit sa mga pulis?” Muren asked. Tumango si Sabrina at inalalayan ang batang babae patungo sa kanilang sasakyan.

            Ilang minuto ang lumipas ay dumating na sila sa Quinn’s restaurant. Lima silang nagsalo-salo sa isang mahabang lamesa at nakalatag ang mga masasarap na pagkain.

            Ipinagbalat ni Sabrina ng shrimp ang mga bata bago ang sarili nang maisipan niyang tanungin ang batang babae sa kaniyang tabi. Nagmukha siyang nanay nito nang hindi man lamang ito humiwalay sa kaniyang tabi at kapit na kapit ito sa kaniyang braso.

            “Baby girl, alam mo ba kung paano kontakin ang mga magulang mo? Or kung gusto mo, ihatid ka namin sa police station,” pahayag nito sa bata.

            Umiling-iling ang bata na tila ayaw gawin ang huling sinabi. May kinuha ito sa maliit na bag na nakasabit sa kaniyang braso – isang maliit na papel at panulat.

            Naghintay lamang siya ng ilang sandali at kinuha ang papel sa bata nang matapos itong magsulat.

            Katabi ng isang celphone number ay ang salitang ‘Daddy’. Hindi na siya nagsayang ng isang segundo at d-in-ial ang numero.

            “HINDI kaya’y na-kidnap ang bata, sir?” pahayag nang isang kasambahay sa kaniyang amo na kasalukuyang nakatayo sa balkonahe ng kaniyang bahay.

            Hindi iyon isang suspetsya lamang dahil kahit noon pa man ay biktima ang bata nang ganoong pangyayari dahil isa itong Beaufort – ang maaaring tagapagmana ni Luan.

            Nag-igting ang panga nito at nandilim ang madilim nang anyo nito dahil sa narinig. Magsasalita pa lamang siya nang tumunog ang kaniyang telepono.

            “Hello?” Isang marahang tinig ang kaniyang narinig at sa hindi malamang dahilan ay hindi siya makahinga nang maayos.

            Ang boses ng taong nasa kabilang linya ay pamilyar na pamilyar, hindi siya p’wedeng magkamali.

            “Ah, may nakikinig ba?” Kumuyom ang kanang kamao ni Luan nang patuloy na nagiging klaro ang boses ng taong kausap sa telepono.

            “Yeah,” sagot niya matapos intindihin ang nangyayari kesa sa ibang bagay na ayaw niyang pag-usapan.

            Ang boses ni Luan ay mahina dahilan para hindi mas’yadong makilala ni Sabrina kahit na parang pamilyar rin dito ang boses ng kausap.

            “Ganito kasi iyon, may nakita kasi kaming isang batang babae sa gilid ng kalsada and galing sa kaniya ang numerong ito. Ikaw ang ama niya, hindi ba? May time ka ba para sunduin siya? We’re in Quinn’s Restaurant,” mahaba nitong paliwanag na mas lalong ikinakumpirma ni Luan na ang babaeng kausap ay ang nag-iisang Sabrina Anderson na kaniyang kilala.

            She’s back, for real . . . isip nito.

            “Okay. I’ll be right there.” Iyon lang at pinatay na nito ang tawag at naiwang tulala saglit si Sabrina ngunit may agam-agam pa rin siyang parang kilala nito ang lalaking nakausap sa telepono.

            “Shan, ready my car. At Quinn’s Resto,” uto ni Luan sa assistant nitong nasa gilid lamang, nakikinig.

           

            “GUTOM ka pa ba?” tanong nito sa batang babae na nanatiling nakakapit sa kaniynag braso. Umiling lamang ang bata na siyang ikinangiti ni Sabrina.

            “Boys, kayo? Gusto niyo pa ba?” baling nito sa mga anak na kapuwa umiling habang punong-puno ang magkabilang pisngi ng mga ito dahilan para matawa ang magkaibigan.

            “Ah, alam niyo ba? Hindi pa raw nahahanap ang anak ni Sir Luan hanggang ngayon.”

            Slowly, kahit ayaw ni Sabrina ay natawag ang atensyon niya sa pangalang nabanggit ng mga nag-uusap sa kanilang likuran. Ang kaniyang mga tainga ay hindi mapakaling pakinggan ang susunod na mga salita galing sa mga nag-uusap.

            “Talaga? Eh, ang dami nilang tauhan na pinadala, hanggang ngayon wala pa rin?”

            “Baka na-kidnap ang bata? Grabe, ha? Ang tapang naman nang gumawa no’n? Parang laging biktima ang batang iyon ng kapahamakan.”

            “Totoo! Kahit hindi makapagsalita ang batang iyon ay isa pa rin siyang Beaufort. A princess at that,” patuloy na usapan ng mga ito.

            Doon lang natigil si Sabrina nang malamang ang batang nawawala ay hindi makapagsalita at ang malala ay anak iyon ni Luan – ang lalaking minahal niya nang pitong taon.

            Nagkatinginan ang magkaibigan at doon nakaramdam ng awa si Muren dahil alam nito ang nakaraan ng dalawa. Hearing that Luan has a child made it worse.

            Naalala niya ulit ang taong nakausap sa telepono kani-kanina lamang. Rumehistro ang pagkilala sa kaniyang mukha kasabay ng panlalaki ng kaniyang mga mata.

            It was Luan Ayden. Ang lalaking ito ang nakausap niya kanina at sa isipang iyon ay hindi niya maiwasang kabahan.

            ‘Paparating na ito ngayon dito,’ isip niya at tiningnan ang kaibigan gamit ang natatarantang mga mata.

            “P’wede mo bang ipaligpit ang mga nagamit namin? We need to leave,” pagkuha nito sa atensyon ng kaibigan. Tumango naman ang huli dahil alam niya ang nangyayari.

            Nilingon ni Sabrina ang batang babae – na si Sabi, ang nawawalang bata – nang hinila nito ang manggas ng kaniyang damit.

            Ang kaniyang mga mata ay parang nakikiusap na h’wag siyang aalis ngunit kailangan. Kung hindi ay makikita ni Luan ang pinakatinatago niya nang anim na taon.

            “Baby girl, parating na ang Daddy mo at saka, kailangan na rin magpahinga ng mga bata kaya aalis na kami. Naiintindihan mo ba?” malumanay na tanong nito sa bata.

            Nag-aalinlangan man ay dahan-dahang tumango ang bata saka unti-unting bumitaw kay Sabrina. Ngumiti lamang si Sabrina at tumango sa kaniyang kaibigan.

            Nang makaalis ang mag-iina ay dali-daling pinaalis ni Muren ang mga upuan at nagamit na utensils nila Sabrina sa isang waiter. Hindi alintanang nanonood si Sabi sa kaniyang ginagawa. Nginitian niya na lamang ito at huminga ng malalim.

            “What a small world it is, right?” Pinaypayan niya ang mukha gamit ang kanang kamay at muling nginitian ang bata.

            Sa gabing iyon, matapos makaalis sina Sabrina at ang mga anak ay siya namang pagdating ni Luan sa restaurant.

            Sa hindi malamang dahilan ay kusang umikot ang kaniyang mga mata para hanapin ang pigura ng taong inaasahan niyang makita ngunit gano’n na lamang ang naramdaman niyang pagkadismaya – na hindi niya alam kung saan nanggagaling – nang hindi niya makita ang babaeng kanina lamang ay nakausap sa telepono.

            Maybe it was fate for them not to meet despite the chances they have in their current interactions.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status