|Chapter 4: His Daughter
KAHIT nagtataka, hindi na lamang inintindi nang dalawang bata ang aligagang ina. Ang nasa isip lamang nila ay ang maikot ang bagong lugar na kanilang patutuluyan.
Isa pa, gusting-gusto na rin nilang makita ang kanilang ama na hindi alam nang kanilang ina. Gusto rin nilang pagalitan ang ama dahil sa pag-iwan niya sa kanilang mag-iina.
“Nandito na tayo,” sambit ni Muren at tumigil sa harapan ng isang may kalakihang gate. Natulala naman ang mag-iina nang makita kung saan sila tutuloy.
“Buti na lang nag-migrate na ‘yong dating naninirahan d’yan at isa pa, magkapit-bahay lang tayo. Mabibisita ko kayo at gano’n rin kayo,” pag-imporma nito kay Sabrina na kasalukuyang buhat-buhat ang tahimik na si Fabby habang ang isa sa kambal ay nakakapit sa kaniyang Tita.
“Salamat, Muren.”
Hindi niya alam kung papaano niya pasasalamatan ang kaibigan dahil kahit hindi sila nagkakausap nang personal ay naroon pa rin ito para damayan at tulungan siya; lalo nang ipagbuntis nito ang kambal – triplets.
“Ano ka ba, Sab. Magkaibigan tayo – parang kapatid – sino pa ba ang magtutulungan, right?”
Natawa na lamang silang dalawa at ipinagpatuloy ang pagpasok at pag-ayos ng kanilang mga gamit.
Ang bahay na kinaroroonan nila ay isa sa mga ekslusibong tirahan ng mga mayayaman – Vesta Village. Hindi alam ni Sabrina kung makakaya ba nila ang tumira sa gano’ng kamahal na tirahan ngunit alam niyang kaya naman niyang tustusan iyon para sa kaniyang mga anak. Besides, hindi na siya ang dating Sabrina na walang alam sa mga bagay-bagay.
May responsibilidad na siyang kailangan bitbitin.
SA MALAWAK na tahanan ng mga Beaufort ay naroon ang mga aligagang mga tauhan at hindi alam kung matatakot ba sila sa kanilang mga buhay o kung mawawalan na sila ng kani-kanulang trabaho dahil pagka-hanggang ngayon ay hindi pa rin nahahanap ang nag-iisang tagapagmana ng kanilang boss – Luan Ayden Beaufort.
“Shan, how was it? May lead na ba kayo?” matigas na tanong ni Luan sa kaniyang nakayukong assistant sa kaniyang harapan – reporting to his boss.
“Sir Luan, I’m sorry pero wala pa po. Naikot na namin-,”
“I need result not your sorry. Find her at all cost,” pagtatapos nito sa usapan at tuluyan na siyang pumasok sa kaniyang pamamahay.
Hindi pa siya nakakaakyat sa hagdanan nang marinig nito ang boses ng babaeng noon pa man ay gusto niyang pakasalan.
“Luan, nawawala raw si Sabi? Nahanap niyo na ba?” bungad nito sa lalaki ngunit tinitigan lamang siya ni Luan.
Nakakunot ng mariin ang kaniyang noo at madilim ang ibinibigay nitong ekspresyon.
“Hindi pa. Magkasama kayo kanina, anong sinabi mo sa bata, Amara? Bakit siya umalis ng bahay if she was fine earlier?”
Hindi maipinta ang mukha ng babae nang marinig ang tanong nito sa kaniya. Para bang inaakusahan siya nitong may ginawa para umalis ang batang Beaufort.
“Luan, no. Are you accusing me? Trinato ko ang bata as my own daughter! Kahit pa parang wala siyang pakialam, inalagaan ko siya. Wala akong ginawa para umalis siya ng bahay,” depensa niya sa sarili kahit pa ang totoo ay pinagsalitaan nito ang bata na dahilan para ito’y lumabas sa malawak at malaking tahanan ng pamilyang Beaufort.
Walang nakakaalam na ayaw niya sa batang inuwi nang kaniyang nobyo – hindi asawa dahil hindi pa sila kasal – na kung ikakasal siya kay Luan ay magkakaanak sila at mawawalan na ng pake ang ama sa kaniya.
She hated the existence of Sabi Beaufort and will never accept a child that wasn’t hers.
Dahil si Sabi ay isang batang pipi – hindi nakapagsasalita.
Nag-aalala si Amara na baka sabihin nito ang sinabi sa bata sa ama ngunit hindi niya inaasahang lalayas ito sa bahay. Nasisiyahan siyang lumayas ang bata at mas lalo siyang sasaya kapag mamatay ang bata sa labas. That way, she could turn a blind eye to what was happening.
“You better telling the truth, Amara.” malamig pa sa malamig ang pagkakasabi nito at walang pasabing nilagpasan ang dalaga.
Naiwang nakatulala si Amara dahil sa tinuran ni Luan sa kaniya at sa aktong para siyang isang malaking harang sa harapan nito. Hindi siya makapaniwala. Galit niyang nilingon ang mga taong nasa kaniyang likuran, mga nakayuko at naghahandang masigawan.
“That kid! Kasalanan ng batang iyon!”
“TEKA lang! Gutom na ako, kumain na muna kaya tayo?” Muren told her companions. Kanina pa sila nag-aayos ng gamit sa bahay at patapos na sila nang makaramdam ito nang pagod at pagkalam ng sikmura.
“Sige. Ako na lang tatapos nito mamaya. Kids! Mag-prepare na kayo, hugasan ang mga kamay at kakain tayo sa labas,” anyaya nito sa mga anak na kasalukuyang nakasalampak sa malamig na sahig.
Nagsisisigaw ang dalawang bata dahil sa wakas ay makakain na silang lahat dahil kanina pa sumisigaw ng gutom ang kanilang t’yan.
“Yes, Mommy!”
HABANG tinatahak ang daan papunta sa isang 5-star restaurant – Quinn’s Restaurant, at dahil sa kadiliman ay hindi masiyadong maaninag ni Muren ang nasa kaniyang harapan.
Ganoon na lang ang kaba at sigaw nito nang may biglang humarang na anino sa kanilang harapan. Walang pasabi nitong itinigil ang takbo ng sasakyan. Parehong sumigaw ang magkaibigan dahil sa hindi inaasahang pangyayari.
Tiningnan ni Sabrina ang dalawang anak na nasa kaniyang magkabilang gilid at napahinga na lamang siya nang malalim dahil maayos ang mga bata.
“Titignan ko lang,” paalam nito sa kaibigan at dali-daling lumabas ng sasakyan matapos sabihan ang mga anak na h’wag lalabas.
Nang mapuntahan ni Sabrina kung ano ang humarang sa daan ay napatakip na lamang siya ng bibig nang makita ang isang maliit na bulto malapit sa kaniyang kinatatayuan.
A kid?
“Hey, ayos ka lang little girl?” tanong nito habang lumalapit sa batang babaeng nakaupo sa kalsada, marahil nagulat din ito sa biglaang paghinto ng sasakyan.
Umiling ang bata at hindi sumagot. Napansin ni Sabrina ang suot-suot nitong damit na parang suot ng mga prinsesa sa Disney land. Nakaayos ang buhok nito at may yakap-yakap na isang cute na bear stuff toy.
“Anong nangyari?” rinig nitong tanong ni Muren sa kaniyang likuran. Hindi siya sumagot at inantay lang ang dalaga sa kaniyang tabi upang makita rin ang kaniyang nakikita.
“Oh my! Anong ginagawa ng isang bata sa madilim na daan?”
Nilapitan ni Sabrina ang bata at dahan-dahang lumuhod sa harapan nito.
“Little girl, anong ginagawa mo dito? Nasaan ang mga magulang mo?”
Nakailang tanong pa siya rito nang hindi man lang ito natinag at hindi sumagot. Nakalapit na rin ang dalawang bata at iisa lamang ang kanilang mga nasa isipan.
Ang bata ay hindi nakapagsasalita, isang pipi.
|Chapter 5: His Daughter 2 Bagama’t iyon ay isa lamang na rason kung bakit ito hindi sumasagot ay pinilit pa rin ni Sabrina na kausapin ang bata at kunin ang loob nito. “Mukhang hindi pa kumakain ang isang ‘yan. Isabay na lang kaya natin bago ilapit sa mga pulis?” Muren asked. Tumango si Sabrina at inalalayan ang batang babae patungo sa kanilang sasakyan. Ilang minuto ang lumipas ay dumating na sila sa Quinn’s restaurant. Lima silang nagsalo-salo sa isang mahabang lamesa at nakalatag ang mga masasarap na pagkain. Ipinagbalat ni Sabrina ng shrimp ang mga bata bago ang sarili nang maisipan niyang tanungin ang batang babae sa kaniyang tabi. Nagmukha siyang nanay nito nang hindi man lamang ito humiwalay sa kaniyang tabi at kapit na kapit ito sa kaniyang braso. “Baby girl, alam mo ba kung paano kontakin ang mga magulang mo? Or kung gusto mo, ihatid ka namin sa police station,” pahayag nito sa bata. Umiling-iling ang ba
|Chapter 1: The Divorce“It’s now or never,” pangungumbinsi ni Sabrina sa sarili habang tila hindi mapakali sa kaniyang kinatatayuan sa loob ng banyo sa isang silid. Pilit nitong pinakakalma ang pintig ng kaniyang puso sa kadahilanang gagawa siya nang isang bagay na kailanman ay gustong-gusto na nitong gawin.Nakayuko siyang lumabas sa madilim na banyo at sa tulong nang sinag ng buwan, malinaw nitong natitigan ang mukha ng kaniyang minamahal sa nagdaang mga taon pagka-hanggang ngayon. Luan Ayden Beaufort, her husband for three years already. Now, hindi na siya mangingiming gawin ang gusto sa oras na ito. Mali man ito sa mata nang ibang tao pero kinakapitan na lang nito ang sit’wasyon nila; na kasal sila sa harapan ng diyos.“Amara . . .,” tinig iyon ng kaniyang asawa ngunit nagpantig ang kaniyang mga tainga nang mapagtanto ang pangalan na kaniyang isinambit.‘Amara. Ang babaeng iyon na naman!’ Hindi mapigilan ni Sabrina ang pagtaas-baba ng kaniyang dibdib at ang paghigpit nang kapi
|Chapter 2: After Six YearsSEVEN years. Pitong taong ipinaglaban ni Sabrina ang pagmamahal niya kay Luan. Kahit pa parang ipinagpipilitan niya ang sarili sa lalaki, hindi ‘yon naging hadlang upang maging masaya ang kaniyang puso.Nagalak ang kaniyang pagkatao nang sabihan siyang pakakasalan niya si Luan ngunit iyon pala’y isa iyong kasunduan. Ang kanyang ama at stepmother ay piniling ipagbenta siya sa pamilyang Beaufort dahil nagkasakit ang kaniyang lolo. Kapalit nang ilang milyon ay ang kaniyang pagpapakasal sa lalaki.Natupad nga ang kahilingan nitong pakasalan siya ngunit hindi niya inaasahang mabubuhay siya sa sakit at lungkot. Para sa lalaki’y balakid siya sa plano nitong pakasalan ang minamahal na si Amara.Amara at hindi Sabrina.“Hindi ikaw ang karapat-dapat na maging asawa ko, si Amara lang! Naiintindihan mo ba, Sabrina?”Ang mga katagang iyon ang tuluyang nagpawasak sa kaniyang nasasaktang puso. Ni hindi man lamang niya iyon sinabi nang may pag-iingat, sa isip nito.She tri
|Chapter 3: She’s Back“I KNOW ayaw mo nang bumalik sa lugar na ‘yon pero I still hope na pag-isipan mo ito. Over the years, alam ko ang mga pinagdaanan mo at sa ilang taong nagkatrabaho tayo, alam ko. May potential ka at isa itong oportunidad para mag-improve pa. Broaden your horizon. Soon – alam kong may mararating ka pa . . .,”Iyan lamang ang laman nang isipan ni Sabrina habang nasa loob ng eroplano pa-Pilipinas. Her kids were asleep beside her. Nakatulala lamang siya sa maulap na paligid at hindi maiwasang mag-alala sa maaaring mangyari sa pagbabalik niya – nila.Iniisip pa lamang niyang makikita niya ang taong ayaw na niyang makita ay bumabaliktad na ang kaniyang puso dahil sa kaba at takot.Hindi lamang siya ang uuwi kung hindi mayroon na rin ang mga batang lingid sa kaalaman nang dating asawa, nagbunga ang nangyari sa pagitan nilang dalawa nang gabing iyon.“Besides, alam kong nagbago ka na. Alam kong kaya mong harapin kung ano man ang susubok sa iyo, hindi ba?” Pumikit siya d