Share

After Six Years

|Chapter 2: After Six Years

SEVEN years. Pitong taong ipinaglaban ni Sabrina ang pagmamahal niya kay Luan. Kahit pa parang ipinagpipilitan niya ang sarili sa lalaki, hindi ‘yon naging hadlang upang maging masaya ang kaniyang puso.

Nagalak ang kaniyang pagkatao nang sabihan siyang pakakasalan niya si Luan ngunit iyon pala’y isa iyong kasunduan. Ang kanyang ama at stepmother ay piniling ipagbenta siya sa pamilyang Beaufort dahil nagkasakit ang kaniyang lolo. Kapalit nang ilang milyon ay ang kaniyang pagpapakasal sa lalaki.

Natupad nga ang kahilingan nitong pakasalan siya ngunit hindi niya inaasahang mabubuhay siya sa sakit at lungkot. Para sa lalaki’y balakid siya sa plano nitong pakasalan ang minamahal na si Amara.

Amara at hindi Sabrina.

“Hindi ikaw ang karapat-dapat na maging asawa ko, si Amara lang! Naiintindihan mo ba, Sabrina?”

Ang mga katagang iyon ang tuluyang nagpawasak sa kaniyang nasasaktang puso. Ni hindi man lamang niya iyon sinabi nang may pag-iingat, sa isip nito.

She tried. Despite what happened, ipinagpatuloy nito ang pagiging asawa niya kay Luan. Araw-araw niya itong ipinagluluto, gabi-gabi siyang naghihintay sa labas ng pintuan kada-late itong uuwi, at kumakapit siya sa kaisipang lalambot rin ang puso ni Luan sa ipinapikitang pagmamahal ni Sabrina ngunit nabigo lamang siya.

Not until that day, ang birthday niya. Imbes na siya ang kasama ng asawa ay ang babaeng nagpapatibok nang puso nito ang siyang kasama sa hospital. Kahit ilang beses na ay muling nabasag at nasugat ang kaniyang munting puso.

Masakit para sa kaniya na ang lahat ng kaniyang ginagawa ay siyang tinatawag nilang ‘wishful thinking’ – hindi niya mapapalambot ang puso ni Luan at nararapat siya sa babaeng kailanman hindi niya mapapantayan sa puso ng lalaki.

Oh, how to be ‘her’ – matagal na niyang tanong sa kaniyang sarili.

Ngunit dumating rin ang araw na siya’y sumuko na sa kagustuhan ng kaniyang puso. Sinukuan na niya ang pagmamahal niya kay Luan at iyon na nga ang nangyari.

SA ISANG malawak at maaliwalas na hallway, naroon nakatayo ang isang magandang babae na malayo ang tingin sa labas nang transparent glass wall. Hanggang balikat ang itim na itim nitong buhok. Nakasuot ito nang isang putting coat na umaabot sa kaniyang binti, sa loob nito’y isang kulay berdeng floral dress na bumagay sa kaputian nang dalaga.

Nakalapat ang kanan nitong kamay sa glass wall habang lumilipad ang isipan sa nakalipas na pangyayari.

It has been six years. Anim na taon na siyang umalis sa lugar kung saan puno siya nang pait at pighati, ni wala siyang naramdaman kung hindi sakit.

Huminga siya nang malalim at inayos ang sarili bago sinimulang lakarin kung nasaan ang kaniyang opisina. Nakakailang hakbang pa lamang ito nang may tumawag sa kaniya – si Linda, katrabaho niya.

“Doctor Sab! Tawag ka ni Professor Vidona. Punta ka raw sa office niya.” Hindi man lamang nito hinintay ang pagsagot ni sabrina at nilagpasan siya nito.

Hindi maiwasan ni Sabrina na mapairap sa ginawa nang katrabaho. Sanay na siyang pinag-iinitan ng mga tao sa trabaho dahil malapit ito sa lalaking nagngangalang Lance Vidona, her superior.

Tatahakin na sana niya ang daan papuntang office ni Professor Vidona nang mapagtanto kung bakit pinapapunta na naman siya sa office nito. Nakagat nito ang ibabang labi nang maalala kung bakit at dahil iyon sa dalawang taong kilalang-kilala nitong makulit.

“Hindi naman sana,” usal nito sa sarili bago takbuhin ang kinaroroonan ng kaniyang superior.

“Sabrina, how’s the Laboratory?” Iyon agad ang bumungad sa kaniya pagkapasok sa opisina ng lalaki.

Bagama’t hinihingal dahil sa kaniyang pagtakbo, pinilit ni Sabrina ang kumalma at sinagot ang tanong.

Mula sa kaniyang kinatatayuan ay nakita nito ang lalaki sa kaniyang table na mukhang may kinahaharap na isang malaking problema. Ang magulo nitong buhok ay mas lalo lamang nagbigay ng kagandahan sa hulma ng kaniyang mukha.

Ilang araw lamang siyang nakulong sa laboratory at kumuha ng all-nighters ay ganito na naman ang resulta – isang problema.

“It’s going well, Sir. I’ll send it via email as soon as possible,” sagot nito at nabaling ang kaniyang atensyon sa dalawang taong nananahimik sa isang L-shaped sofa sa isang gilid.

“Mommy, you are finally out! Akala namin nilamon na po kayo ng work mo po!” Isang batang lalaki ang tumakbo palapit sa kaniya na may isang matamis na ngiti na akala mo walang ginawang kalokohan.

“Mommy! I – pat your back. I know . . . pagod, you.” Isa namang bulinggit ang lumabas mula sa likuran nang naunang bata at nagpabuhat kay Sabrina.

Six years . . . ang nangyari noon ay nagbunga. Hindi lang isa o dalawa but triplets!

Sa kasamaang palad ay namatay ang isa sa kanila – ang nag-iisang babae sa triplets dahil sa kakulangan nang hangin. At ngayon nga’y hindi niya maiwasang mapangiti nang makita ang kaniyang mga anak.

“Hi, cuties!”

Naupo ang mag-iina sa malapad na sofa habang pinapanood lamang sila ni Lance, Professor Vidona.

“Aba, behave kayo ngayon, ah? Bakit hindi kayo ganiyan no’ng ginalaw niyo ang computer ko?” Bagama’t may munting pagbabanta sa tono nito ay nangingibabaw ang loko-loko nitong pagtatanong sa mga bata.

Growing up, hindi maiwasang mamangha ni Sabrina na may angking katalinuhan pala ang kambal – namana siguro sa kanilang Ama – at kahit na ganoon ay taglay rin nila ang matinding kalokohan at ayon nga’y ginalaw na naman ang gamit ng kaniyang superior or boss na si Lance.

“Mommy – just – human! Work! Overtime!” putol-putol na angal nang pangalawang bata na nagngangalang Fabien Brix.

“That’s right! She’s almost malnourished!” segunda nang batang si Arden Brix, ang panganay sa triplets at ang mahilig paglikutan ang mga bagay-bagay patungkol sa teknolohiya – little hacker ayon kay Lance Vidona.

“You two! Walang taong hindi dumadaan sa hirap para makapagtrabaho rito,” Lance argued na para bang kaedaran niya ang mga kausap.

Hindi maiwasan ni Sabrina ang mapangiti dahil sa kanilang tatlo. Hindi man niya maintindihan ngunit nasisiyahan siyang makita ang pagiging makulit nang kaniyang kambal.

“Little Arden, ayusin mo ang ginawa mo sa computer ni Sir Lance, baka may mawalang importanteng files doon,” utos nito sa anak at dahil kakaiba ang taba ng kanilang utak ay hindi maiwasan ni Sabrina ang mas lalong mamangha sa mga anak.

Kung si Arden ay magaling sa teknolohiya, particularly with number and codes, si Fabien naman ay mahilig sa mga medicines – all things related to medicines.

Little geniuses, ika nga niya.

“That’s impossible, Mommy! May back-up ako palagi, imposibleng hindi iyon mare-restore,” angal nang batang Arden. Natawa na lamang si Sabrina sa anak.

“Sabrina, let’s talk.”

Sa seryosong tinig ay hindi na niya nagawang umangal at sumama ito sa isang gilid at parehong pinanood ang dalawang bata sa harapan ng desktop ni Lance.

Nawala siya sa kaniyang pag-iisip nang marinig ang gustong pag-usapan ng kaniyang boss. Hindi niya iyon inaasahan at higit sa lahat may isang tanong ang puma-ibabaw sa kaniyang pagkatao.

“I have business to do in the Philippines. We’ll go back in three days.”

Babalik ng Pilipinas? Ready ba ako?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status