May nagseselos...
SamKitang kita ng dalawang mata ko ng maghalikan sila Tito Draco at Margaux. Napansin kong sinubukang niyang lumayo ngunit hinapit siya palapit pa ng aking tiyuhin.Ang hindi ko pa matanggap ay ang nagbabantang tingin na binigay sa akin ni Tito Draco na tila sinasabi niya na sa kanya na si Margaux habang patuloy siya sa pag-angkin sa mga labi ng aking babaeng mahal ko.Ni minsan ay hindi ko nahalikan si Margaux, lagi akong umiiwas na magkasarilinan kami dahil ayaw kong makarating sa aking ama iyon.I’m so stupid dahil hinayaan kong magkahiwalay kami.Noon pa man ay gusto ko na siya talaga. Kaya sa tuwing lumalapit siya sa akin ay hanggang langit ang ngiti ko.Nang sabihin niya sa harap nila Mommy na gusto nga daw niya ako ay ako na ang pinakamasayang tao non.Pero ang Daddy ko ay hadlang sa kaligayahan ko. Buti na lang at nandyan ang aking ina. Kinausap ko si Dad na pagbibigyan ko lang si Mommy na maging kami ni Margaux at pumayag ito lalo at panay na panay ang panunukso ng aking ina
Margaux“Hoy babae! Bakit ganyan ang mukha mo?” takang tanong ni Yvonne. Lunes at nasa classroom ako habang naghihintay ng aming prof para sa second subject.“Ano na naman ang nakita mo sa mukha ko?” umiikot ang mga matang tanong ko. Ayaw kong makahalata siya ng kahit na ano. “Tsaka anong ginagawa mo dito sa classroom namin, wala ba kayong klase?”“Kung meron sa tingin mo ay nandito ako?” tugon niya. Oo nga naman, sadya lang na wala ako sa mood mag-isip dahil si Draco ang laman ng isipan ko ngayon. Noong Sabado ang auction at kahapon siya umalis.Ni hindi rin siya nagtext or tumawag sa akin at hanggang ngayon ay aaminin kona, hinihintay ko pa rin.“Nasalubong ko sina Alexis at Tessa, nagsabi daw sila sayo na lalabas ngunit mukhang wala ka raw sa sarili. Sabihin mo, anong problema?” Hindi yata ako titigilan ng babaeng ito.“Tsaka na lang natin pag-usapan, baka abutin tayo ng magdamag kapag sinabi ko ngayon eh may klase pa kami.”“So, may problema nga?” tanong niya na tinugon ko lang ng
Margaux“Bakit ba hindi ka makali?” tanong ni Yvonne. Kaka-park lang niya ng sasakyan at ngayon ay naglalakad kami papunta sa pool area ng Homie Residence, ang condominium complex kung saan nakatira sina Johoney at Hendrix.“Ewan ko ba, pakiramdam ko kasi ay parang may nakatingin sa akin.” “Kaloka ka naman girl, hindi ka pa ba nasanay?”Inikutan ko siya ng aking mga eyeballs at tinawanan lang niya ako.“Gandang ganda ka sa atin ano?” natatawa ko ng tanong. Ayaw ko ng isipin ang tila mga matang nakatuon sa akin. Tumingin ako sa paligid at totoo naman na maraming taong napapadaan ng tingin sa amin na malamang ay mga residente ng complex na papunta sa parking area.Nagpatuloy na kami sa paglakad hanggang sa makarating na nga kami sa pool area. Agad kaming sinalubong ni Johoney sabay abot ng regalong dala namin para sa kanya.“Thank you, girls. Let’s go, huwag kayong mahiya dahil mga makakapal naman ang mga nandito,” nakangiting sabi ng birthday celebrant na alam namin na nagbibiro lang.
Draco“Anak,” nakangiting bati sa akin ng aking ina pagpasok ko ng aming tahanan dito sa Germany. Agad akong lumapit sa kanya at yumapos bago ito hinalikan sa kanyang sentido.“Wie geht es dir? Ich habe dich vermisst.” sabi ko na ang ibig sabihin ay kamusta na siya at na-miss ko siya.“Tagalog, anak. Alam mong gusto kong naririnig kang nagtatagalog,” tugon niyang ikinatawa ko habang tumatango.“Okay, Mom. Nasaan na si Dad?”“Nasa patio. Alam mo naman ‘yon,” tugon niya. Sabay na kaming naglakad para puntahan ang aking ama.“Anak!” masayang bulalas ni Dad sabay tayo. Lumapit ako sa kanya at yumapos din. Ganito talaga ang dalawang ito sa tuwing uuwi ako. Hindi ko naman masisi dahil nag-iisa nila akong anak.Ngayon ay matatanda na sila, pero malalakas pa naman. Mabuti na nga lang at talagang mga health conscious ang mga ito noong kabataan nila at walang mga bisyo kaya heto, inaani ng katawan nila ang disiplina nila sa sarili. Magse-seventy na ang aking ina habang magse-seventy two naman an
DracoHindi ako makapaniwala sa mga narinig ko at mas lalong ayaw kong isipin na may sumpa nga sa akin. I’m too old to believe that. Ano ‘yon, wala na akong karapatan na maging maligaya? Tsaka wala akong inagrabyadong tao ever since kaya hindi ko deserve na maparatangan ng kung ano anong may kinalaman sa kababalaghan. I don’t believe in that bullshit!Nakisuyo ako sa aking ama at sinabihang gawin ang lahat upang malaman ang katotohanan. Sabi niya ay iyon din ang gustong mangyari ni Tito Felix and Dad started to support him.Nag-schedule din ako ng pagdalaw kila Tito Felix. But tonight, magpapahinga muna ako.Kailangan kong bumalik ng Pilipinas agad dahil nga sa announcement ng change name and management ng Alegre Construction. Hindi ako pwedeng mawala doon at may ilang mga bagay pa akong kailangang ayusin.Mabuti na lang at very reliable si Kevin kaya kumpyansa akong magagawa niya ang lahat on my behalf kahit na wala ako.Isa pa, I need to talk to Margaux.Fuck! Nagmadali akong makauw
Draco“Are you sure that this has nothing to do with your curse?” natatawang tanong ni Ingomar, ang kaibigan kong imbestigador.“Are you crazy? I didn’t know you’re one of the people who believes in that bullshit.”Lalo pa siyang natawa dahil sa sinabi ko. “Seriously speaking, I told Gertrud that I am not, nor my or her parents, forcing her to be married to me.”“Meaning she doesn’t really like you?” bulalas ng aking kaibigan.“I had been telling you that from the very beginning. What do you think of me? A chick magnet that attracts every woman?”“Well, you’re Draco Zaffiri. Every woman likes you.”“Not every woman, Ingomar, there’s this one woman I’ve longed to have but she doesn’t like me.”“That’s unbelievable. I wonder how amazing she is for her to be able to resist the charm of Draco Zaffiri, a young– what? Zillionaire? You’re no longer a billionaire, right?”“For her, I’m not young,” sabi ko sa mahinang tinig.“You’re not young? Who would say that? Wait– Are you saying that you’r
DracoPaglipas lang ng ilang araw ay sa sariling opisina ko na ako nagtungo. Habang nagchecheck ng sales namin ng nakalipas na buwan ay biglang may kumatok at pumasok, dahilan upang mag-angat ako ng tingin.“Chiara?” bulalas ko ng makakita ang nakangiting babae.“Hi, Draco!” ganting bati niya habang lumalapit. Ako naman ay tumayo mula sa aking kinauupuan at sinalubong siya. Nagbeso kami gaya ng lagi naming ginagawa.“How are you?” tanong ko.“Fine as always. I just returned from my vacation with my boyfriend.”“Where is he?” tanong ko. Ilang beses na niyang nabanggit ang kanyang nobyo sa akin ngunit ni minsan ay hindi pa niya iyon napakilala sa akin. “When are you going to let me meet him?” dagdag ko pa.“Come on, Draco. Let me have him for myself. I’ll introduce you to him in time,” nakangiti niyang tugon.“Take a seat,” sabi ko sa kanya tsaka ko siya iginiya sa executive sofa na nasa harap lamang ng aking office table. Dito ko talaga kinakausap ang sinumang bisita ko. “So, where have
MargauxAgad akong kumapit kay Hendrix ng halos buhatin na niya ako sa tubig habang papalapit sa gilid ng pool. Ang sakit pa rin ng paa ko at pakiramdam ko ay may naipit na ugat doon.“Okay ka lang Margaux?” nag-aalalang tanong ni Yvonne ng tuluyan na akong maiahon ni Hendrix. Tatayo na sana ako ngunit binuhat pa rin niya ako papunta sa beach chair na kahoy at inilapag doon.“Ayos ka lang Margaux?” tanong ni Johoney.“Yes, okay lang. Masakit lang talaga ang paa ko”“Let me take care of it,” sabi ni Hendrix sabay pwesto sa aking paahan. Isa siyang varsity player kaya siguro akong alam niya ang kanyang gagawin. Hindi malayong mangyari na naka-experience na siya at ang iba pa niyang ka-team ng ganito during their matches.Inunat niya ang mga daliri ko sa paa papataas patungo sa aking katawan. Masakit pero tiniis ko, yun nga lang, hindi ko maiwasan ang mapangiwi. Nag-aalala namang nakatingin sa akin si Hendrix habang hinihila ang aking paa.Sumunod ay dahan dahan niyang minasahi na rin ang
DracoNapakagaan ng aking pakiramdam nang dahan-dahan kong imulat ang aking mga mata. Ramdam ko pa rin ang init ng nakalipas na gabi na pilit kong pinatay. Ganon din ang lambot ng kanyang katawan sa ilalim ng aking mga kamay. Isang ngiti ang gumuhit sa aking labi habang inaasam na makita ang magandang mukha ng aking Sugar sa tabi ko.Ngunit sa halip na ginhawa, isang matalim na kirot ang bumalot sa aking dibdib nang mapagtanto kong wala siya roon.Agad akong napabangon, at isang malamig na pakiramdam ang gumapang sa aking katawan. Iniwan na ba niya ako? Napalunok ako habang hinahayaan ang mga mata kong maglibot sa paligid, pilit siyang hinahanap. Kasunod nito ay ang pag-landing ng tingin ko sa pintuan ng bathroom. Nakabukas ito, at walang ilaw sa loob. Sigurado akong wala rin siya roon.Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko bago ako tumayo at mabilis na tinungo ang pintuan. Lumabas ako ng kwarto at bumaba ng hagdanan, may kung anong kumakabog sa aking dibdib, pag-aalala.
Draco“Tumawa ka pa!” singhal niya sa akin kaya naman natahimik na lang ako. “Nakakatawa ako sa tingin mo?”“Nakakatawa in a way na naaakit ako, Sugar. You don’t know how cute you are kapag ganyang nakasimangot at galit ka.”“Huwag mo akong utuin,” tugon niya, crossing her arms over her chest. Huminga muna ako ng malalim bago nagsimula ng magdrive.Malapit lang ang bahay namin dito kaya saglit lang at nasa bahay na rin kami agad. Pagbubukas ko pa sana siya ng pinto ngunit inunahan na niya ako dahil pagkaparada ko ay agad na rin siyang bumaba.Papasok na siya sa loob ngunit nakasara pa ang pinto kaya naman agad akong lumapit sa kanya at binuksan iyon.Pero bago kami tuluyang tumuloy ay siniguro ko muna na mai-record ko ang fingerprint niya sa lock para anytime ay pwede siyang makapasok sa loob.“I should have done that the first time na dinala kita rito.”Galing ako dito ng magyaya si Kevin sa bar kung saan ko nakita si Margaux. May kakausapin lang daw siya, iyon pala ay babae lang. Hin
DracoHindi sumagot si Margaux. Sa halip, lumingon siya kay Yvonne na ngayon ay titig na titig sa amin, waring hinihintay ang susunod na mangyayari."Hindi ka magpapapigil?" tanong ng kanyang kaibigan na tinanguan lang ng aking Sugar bilang tugon. Bumuntong-hininga ito bago dahan-dahang tumango bilang pagsang-ayon.“Kaya kong maglakad,” madiing sabi ni Margaux nang bumaling siya sa akin. Ngumiti ako at saka tumingin kay Samuel.“Go home. Ako na ang bahala sa girlfriend ko.” Kasabay ng mga salitang iyon, hinapit ko si Margaux sa kanyang bewang, pinapalapit pa lalo siya sa akin. Napasinghap siya sa gulat, ngunit hindi rin tumutol.“Take care, Margaux,” malamig na paalam ni Samuel. Ni hindi man lang siya tumingin sa akin, pero ayos lang. Wala akong balak magpaapekto. Ang gusto ko ay malaman niya na wala na siyang babalikan pa. Na hinding hindi ko ibibigay sa kanya ang Sugar ko.“Sige na, aalis na ako,” sabi ni Yvonne, waring naiinip na sa eksena.“Ihahatid ka na lang ni Kevin,” sabi ko, s
MargauxSinalihan ako ng kaba at gulat.Anong ginagawa niya rito? Napatingin ako sa kanyang tabi at nakita kong naroon din si Kevin at may kausap na babae tila balewala sa kanya kung ang kasama niya ay sa nasa iba ang atensyon.Nagkataon lang ba na nandito rin sila o sinundan niya ako?Nagtagpo na ang aming mga mata ngunit nagpanggap akong hindi ko siya napansin at nagpatuloy lang sa pagsasayaw hanggang sa naging sexy na ang tugtog.May kung anong kalandian ang pumasok sa isip ko at bigla na lang akong nagsimulang gumiling na tila nang-aakit habang gamit ang katabi kong si Yvonne bilang partner.“Anong kalokohan ang ginagawa mo? Hindi ko alam na kaya mo palang magsayaw ng ganyan!” bulalas ng aking kaibigan sabay tingin sa akin.Nginitian ko siya at gusto kong matawa sa kanyang reaksyon dahil ngangang nganga siya habang puno ng pagtatakang nakatingin sa akin.Inangat ko ang aking kamay papunta sa kanyang balikat at tsaka ko nilapit ang aking katawan sa kanya.“Hayaan mo lang ako at maki
Margaux“Hala girl, uminom na lang tayo nang hindi tayo abutin ng alanganing oras. Wala namang mangyayari kung iintindihin mo ang ex mo na 'yan," sabi ni Yvonne na halata pa rin ang pagkairita kay Sam.Naiintindihan ko naman siya dahil bago pa lang naging kami ni Sam ay panay na ang sabi niya na makipag hiwalay na ako dahil nga sa pambabalewala ng lalaki sa akin.Tumango ako sa sinabi ni Yvonne at nagdesisyon nang mag-order, sakto namang lumapit ang waiter sa amin. Hindi rin nagtagal ay bumalik ito, dala ang aming mga inumin. Dahil hindi naman kami sanay sa puro alak, natural lang na may kasamang pulutan na pwede naming lantakan para naman hindi kami puro lagok.Nagtatawanan lang kami, kwentuhan ng kung anu-anong bagay, habang pilit kong iniiwasan ang tumingin sa kabilang mesa kung saan naroon si Sam at ang grupo niya. Naririnig ko ang malalakas nilang tawanan, pero hindi ko sila pinapansin. Ayaw kong magbigay ng kahit anong dahilan para isipin niyang may nararamdaman pa ako sa kanya,
MargauxSimpleng bestida lang ang isinuot ko, yung tamang komportable, sapat para makakilos nang malaya nang hindi ako mailang o mahirapang sumabay sa party, party. Nakakailang din naman kung buong gabi akong mag-aalala sa suot ko habang sinusubukan kong magpakasaya.Alas otso nang makarating kami ni Yvonne sa isang bar sa Pasay. Sa totoo lang, ayaw ko sanang pumunta rito. Napakalapit lang kasi nito sa bahay ni Draco. Pero dahil si Yvonne na mismo ang nagdala sa akin dito, wala na akong nagawa kundi ang sumunod.Pagpasok namin, sinalubong kami ng mahinahon na tunog ng musika at mahinhing usapan mula sa mga naroon. Hindi pa ito gaanong matao, ayon kay Yvonne, mga bandang alas-diyes pa raw ito tuluyang mapupuno.Mas okay na rin. Hindi pa masyadong mabigat ang amoy ng alak at pawis sa paligid, at kahit paano, may espasyo pang malanghap ang hangin.Kumuha kami ng mesa para sa dalawahan lang, tamang-tama para maiwasan ang sinumang maaaring sumubok maki-share sa amin. Ayaw ko ng istorbo.Isa
Margaux“Hi, Sugar. How are you? I miss you…”Napangiti ako nang hindi sinasadya habang binabasa ang text ni Draco. Ramdam ko ang kilig na dulot ng mensahe niya, pero hindi ko pa rin siya nire-reply-an. Alam kong nakikita niyang binabasa ko ang mga text niya, at bahala siyang ma-frustrate sa paghihintay kung sasagot ba ako o hindi.Mahigit isang linggo na mula noong huli kaming mag-usap, at sa buong panahong iyon, hindi pa niya ako sinundo sa school o dinala sa bahay niya.Sa isang banda, ayos na rin iyon para sa akin. Nagkaroon ako ng oras para sa mga kaibigan ko. Pagkakataon na pinalagpas ko non at hindi binigyang pansin dahil mas minabuti kong gugulin ang oras at panahon ko maling tao. Nakakainis lang isipin na ang dami kong nasayang na pagkakataon, pero mabuti na lang at may panahon pa akong bawiin ang lahat.Masaya ako sa piling ni Yvonne. Kahit dalawa lang kami dati, walang dull moments. Pero iba rin pala ang pakiramdam kapag mas marami kang nakakasama. Mas maingay, mas makulit,
Margaux“Sure,” sagot ko kay Hendrix nang lumapit siya sa amin habang nasa school ground kami nina Yvonne, Alexis, at Tessa. Nagpalitan kami ng tingin ng mga kaibigan ko, at nang tumango sila bilang pagsang-ayon, hindi ko na rin tinanggihan ang alok niya. Nagyaya siyang mag-hangout sa mall pagkatapos ng klase, at wala naman akong nakikitang masama roon.Sa totoo lang, ilang beses nang sinasabi nina Yvonne na may gusto sa akin si Hendrix. Ngunit hindi naman iyon direktang sinasabi sa akin ng lalaki, kaya hindi ko rin lubusang pinaniniwalaan ang hinala nila.Isa pa, hindi naman siya nag-aalok ng regalo o nililibre ako, kaya paano ko masasabing may iba siyang intensyon? Hindi naman siguro masama kung didikit ako sa kanya, ‘di ba?Pinilig ko ang ulo ko at isinantabi ang iniisip ko.Nang matapos ang klase, sabay-sabay kaming nagpunta sa mall na malapit lang sa eskwelahan. Kasama rin namin ang ilan sa mga kaibigan ni Hendrix mula sa team nila, at aminado akong masarap sa pakiramdam ang ganit
MargauxHinatid ako ni Draco hanggang sa bahay namin, ngunit hindi ko na siya pinapasok. Alam kong gusto pa niyang magtagal, halata sa paraan ng pagdadalawang-isip niya ang umalis, ngunit matapos ang isang malalim na buntong-hininga, tumango na lamang siya.May kung anong kirot sa dibdib ko nang makita ang lungkot sa kanyang mga mata, pero hindi ko iyon maaaring hayaan na tuluyang ipakita sa kanya 'yon.Pagpasok ko, nadatnan ko si Mommy sa sala, abala sa panonood ng paborito niyang serye. Sigurado akong pauwi na rin si Dad mula sa trabaho. Isang mabilis na bati lang ang ibinigay ko sa aking ina bago ako umakyat patungo sa aking silid. Kailangan kong pakalmahin ang nagwawalang damdamin ko. Kailangan kong pag-isipan ang lahat nang hindi nadadala ng bugso ng emosyon.Fourteen.Ibig bang sabihin, labing-apat na taon pa lang ako ay may gusto na siya sa akin? Hindi ko siya nakikita noon, kahit kailan. Ang alam ko lang ay may tito si Sam na nasa Germany at iba ang tatay. Pero sa lahat ng pagk