Party party Margaux ha...
Margaux“Bakit ba hindi ka makali?” tanong ni Yvonne. Kaka-park lang niya ng sasakyan at ngayon ay naglalakad kami papunta sa pool area ng Homie Residence, ang condominium complex kung saan nakatira sina Johoney at Hendrix.“Ewan ko ba, pakiramdam ko kasi ay parang may nakatingin sa akin.” “Kaloka ka naman girl, hindi ka pa ba nasanay?”Inikutan ko siya ng aking mga eyeballs at tinawanan lang niya ako.“Gandang ganda ka sa atin ano?” natatawa ko ng tanong. Ayaw ko ng isipin ang tila mga matang nakatuon sa akin. Tumingin ako sa paligid at totoo naman na maraming taong napapadaan ng tingin sa amin na malamang ay mga residente ng complex na papunta sa parking area.Nagpatuloy na kami sa paglakad hanggang sa makarating na nga kami sa pool area. Agad kaming sinalubong ni Johoney sabay abot ng regalong dala namin para sa kanya.“Thank you, girls. Let’s go, huwag kayong mahiya dahil mga makakapal naman ang mga nandito,” nakangiting sabi ng birthday celebrant na alam namin na nagbibiro lang.
Draco“Anak,” nakangiting bati sa akin ng aking ina pagpasok ko ng aming tahanan dito sa Germany. Agad akong lumapit sa kanya at yumapos bago ito hinalikan sa kanyang sentido.“Wie geht es dir? Ich habe dich vermisst.” sabi ko na ang ibig sabihin ay kamusta na siya at na-miss ko siya.“Tagalog, anak. Alam mong gusto kong naririnig kang nagtatagalog,” tugon niyang ikinatawa ko habang tumatango.“Okay, Mom. Nasaan na si Dad?”“Nasa patio. Alam mo naman ‘yon,” tugon niya. Sabay na kaming naglakad para puntahan ang aking ama.“Anak!” masayang bulalas ni Dad sabay tayo. Lumapit ako sa kanya at yumapos din. Ganito talaga ang dalawang ito sa tuwing uuwi ako. Hindi ko naman masisi dahil nag-iisa nila akong anak.Ngayon ay matatanda na sila, pero malalakas pa naman. Mabuti na nga lang at talagang mga health conscious ang mga ito noong kabataan nila at walang mga bisyo kaya heto, inaani ng katawan nila ang disiplina nila sa sarili. Magse-seventy na ang aking ina habang magse-seventy two naman an
DracoHindi ako makapaniwala sa mga narinig ko at mas lalong ayaw kong isipin na may sumpa nga sa akin. I’m too old to believe that. Ano ‘yon, wala na akong karapatan na maging maligaya? Tsaka wala akong inagrabyadong tao ever since kaya hindi ko deserve na maparatangan ng kung ano anong may kinalaman sa kababalaghan. I don’t believe in that bullshit!Nakisuyo ako sa aking ama at sinabihang gawin ang lahat upang malaman ang katotohanan. Sabi niya ay iyon din ang gustong mangyari ni Tito Felix and Dad started to support him.Nag-schedule din ako ng pagdalaw kila Tito Felix. But tonight, magpapahinga muna ako.Kailangan kong bumalik ng Pilipinas agad dahil nga sa announcement ng change name and management ng Alegre Construction. Hindi ako pwedeng mawala doon at may ilang mga bagay pa akong kailangang ayusin.Mabuti na lang at very reliable si Kevin kaya kumpyansa akong magagawa niya ang lahat on my behalf kahit na wala ako.Isa pa, I need to talk to Margaux.Fuck! Nagmadali akong makauw
Draco“Are you sure that this has nothing to do with your curse?” natatawang tanong ni Ingomar, ang kaibigan kong imbestigador.“Are you crazy? I didn’t know you’re one of the people who believes in that bullshit.”Lalo pa siyang natawa dahil sa sinabi ko. “Seriously speaking, I told Gertrud that I am not, nor my or her parents, forcing her to be married to me.”“Meaning she doesn’t really like you?” bulalas ng aking kaibigan.“I had been telling you that from the very beginning. What do you think of me? A chick magnet that attracts every woman?”“Well, you’re Draco Zaffiri. Every woman likes you.”“Not every woman, Ingomar, there’s this one woman I’ve longed to have but she doesn’t like me.”“That’s unbelievable. I wonder how amazing she is for her to be able to resist the charm of Draco Zaffiri, a young– what? Zillionaire? You’re no longer a billionaire, right?”“For her, I’m not young,” sabi ko sa mahinang tinig.“You’re not young? Who would say that? Wait– Are you saying that you’r
DracoPaglipas lang ng ilang araw ay sa sariling opisina ko na ako nagtungo. Habang nagchecheck ng sales namin ng nakalipas na buwan ay biglang may kumatok at pumasok, dahilan upang mag-angat ako ng tingin.“Chiara?” bulalas ko ng makakita ang nakangiting babae.“Hi, Draco!” ganting bati niya habang lumalapit. Ako naman ay tumayo mula sa aking kinauupuan at sinalubong siya. Nagbeso kami gaya ng lagi naming ginagawa.“How are you?” tanong ko.“Fine as always. I just returned from my vacation with my boyfriend.”“Where is he?” tanong ko. Ilang beses na niyang nabanggit ang kanyang nobyo sa akin ngunit ni minsan ay hindi pa niya iyon napakilala sa akin. “When are you going to let me meet him?” dagdag ko pa.“Come on, Draco. Let me have him for myself. I’ll introduce you to him in time,” nakangiti niyang tugon.“Take a seat,” sabi ko sa kanya tsaka ko siya iginiya sa executive sofa na nasa harap lamang ng aking office table. Dito ko talaga kinakausap ang sinumang bisita ko. “So, where have
MargauxAgad akong kumapit kay Hendrix ng halos buhatin na niya ako sa tubig habang papalapit sa gilid ng pool. Ang sakit pa rin ng paa ko at pakiramdam ko ay may naipit na ugat doon.“Okay ka lang Margaux?” nag-aalalang tanong ni Yvonne ng tuluyan na akong maiahon ni Hendrix. Tatayo na sana ako ngunit binuhat pa rin niya ako papunta sa beach chair na kahoy at inilapag doon.“Ayos ka lang Margaux?” tanong ni Johoney.“Yes, okay lang. Masakit lang talaga ang paa ko”“Let me take care of it,” sabi ni Hendrix sabay pwesto sa aking paahan. Isa siyang varsity player kaya siguro akong alam niya ang kanyang gagawin. Hindi malayong mangyari na naka-experience na siya at ang iba pa niyang ka-team ng ganito during their matches.Inunat niya ang mga daliri ko sa paa papataas patungo sa aking katawan. Masakit pero tiniis ko, yun nga lang, hindi ko maiwasan ang mapangiwi. Nag-aalala namang nakatingin sa akin si Hendrix habang hinihila ang aking paa.Sumunod ay dahan dahan niyang minasahi na rin ang
MargauxNaging constant na sa harapan ko si Hendrix simula ng kaarawan na yon ni Johoney. Kahit ang mga classmate ni Yvonne na nakasama namin sa celebration ay lagi na rin akong binabati.Isama pa ang teammates ni Hendrix na may kasama pang pagkaway at ngiti. Napapailing na lang ako pagkatapos ko silang batiin din.Ilang araw na ang lumipas at tuluyan na akong nawalan ng pag-asa na tatawag or magte-text man lang si Draco. Bahala na siya sa buhay niya.Anyway, mabuti na nga ito. Ibig sabihin ay nakalaya na ako sa kanya, right?Kasama ko sina Alexis at Tessa papunta sa classroom ni Yvonne para sabay sabay na kaming mag-lunch ng makasalubong namin si Sam.Iiwasan ko na siya ngunit humarang pa talaga ito.“Let’s talk,” sabi niya sa mahinang tinig. Nagkatinginan muna kaming tatlong magkakaibigan bago ko siya sinabgot.“Wala na tayong dapat pang pag-usapan, Sam.”“Meron at alam mo ‘yan.”“Huwag mo ng ipilit ang gusto mong mangyari, just leave me alone. Ayaw kong lapitan na naman ako ni Chloe
Margaux“Kamusta naman ang naging pag-uwi mo, Draco?” tanong ni Dad sa lalaki. Nasa hapag na kami at nagdi-dinner. Nasa kanan ni Dad si Mommy habang ako ay nasa kaliwa niya, katabi ang gurang.“May inayos lang, Mr. Pinto.”“I hope okay na ang inayos mo. Mahirap rin ang mag-manage ng negosyo kung malayo ka doon. Mabuti at mahuhusay at mapagkakatiwalaan ang mga naiwan mo doon,” sabi naman ni Mommy.“Sa company ni Dad ay meron namang OIC, pero sa akin ay ako talaga. All my managers reported to me regularly.”“Ang akala ko ay ang DZ Motors ang negosyo ng pamilya niyo, may iba pa pala,” komento ni Dad.Ako ay tahimik lang na nakikinig habang kumakain. Ayaw kong makisali sa usapan nila dahil kahit papaano ay naiinis pa rin ako sa gurang na ito na bigla na lang mag-uutos na pumunta sa condo niya at ng hindi ko sinunod ay bigla na lang lumitaw dito sa bahay namin.Ano yon, alam na niyang hindi ko siya talaga sisiputin?“Are you alright, anak?” biglang tanong ni Mommy kaya nag-angat ako ng tin
Margaux“Ito, sa palagay mo, bagay sa akin?” tanong ko habang nakaharap kay Yvonne, hawak-hawak ang naka-hanger na isang pulang lace na lingerie, nakatapat sa aking katawan sa harap ng salamin.“So sexy, bruh!” halos pasigaw niyang sabi. Nanlalaki ang mga mata, titig na titig sa akin na para bang ini-imagine na niyang suot ko na ito. Napakagat pa siya ng labi sa eksaheradang reaksyon.“Maka ‘so sexy’ ka d'yan, wagas. Tigilan mo nga ‘yang pagka-exaggerated at animated mo. Kaya ka tuloy napagkakamalang high school pa rin.”“Alam mo, okay lang ‘yon! At least nakakaiwas ako sa mga lalaking akala mo kung sino. Mas madali pang maglaro ng online game kesa sa pakisamahan sila.”“Bruh,” umiling ako, sabay buntong-hininga. “Hindi lahat ng lalaki pare-pareho. Hindi porket iniwan kayo ng Dad mo ay ganun na lahat. Tingnan mo nga si Tita, kahit anong heartbreak ang pinagdaanan niya, she still believes in love. May mga crush parin ‘yon, ‘noh! Kaya mag-relax ka. Baka maunahan ka pang magka-lovelife ng
Margaux“Ang bruha, at masayang-masaya!” bulalas ni Yvonne habang papasok sa opisina ko, dala-dala ang malaking ngiti at tsismis sa mga mata. Hindi na siya nakatiis na kahit abala sa negosyo ng kanilang pamilya ay sinugod niya talaga ako rito.“Ano naman kung sobrang saya ako?” natatawa kong tugon habang ibinaba ko ang hawak kong ballpen. “Inggit ka lang kasi hanggang ngayon, wala ka pa ring lovelife!”Tinawanan lang niya ang sinabi ko tsaka nagpatuloy sa paglapit sa akin at tumayo sa harapan ko.“Tsaka, hindi ka talaga makapaghintay, no? Kung makapunta ka parang may sunog.”“Bakit pa ako maghihintay? Eh ang sabi ng gurang na kaibigan ni Uncle Cupcake, yes, yun pa rin ang tawag ko sa kanya ay nakaalis na raw ang mga biyenan mo!”Napataas ang kilay ko habang inaabot ang kape sa gilid ng mesa. “Kaya heto’t sinugod mo na ako agad-agad.”“Natural mente!” Umupo siya sa harap ko na parang batang sabik sa kwento. “Gusto kong marinig mula sa’yo kung ano’ng pakiramdam ng ipagsigawan ni Uncle C
Draco“Hindi ko akalain na magiging maayos din ang lahat sa pamilya ko,” sabi ko kay Kevin habang magkatapat na nakaupo sa loob ng aking opisina. Nakatanaw ako sa malawak na bintana kung saan tanaw ang kabilang building, pero ang isipan ko ay abala sa iba.Sina Mommy at Daddy ay nasa bahay ngayon at kasama si Margaux. Hindi ko na naawat ang mga magulang ko na manatili sa bahay namin, at wala na ring nagawa si Margaux kundi ang lumiban sa kanyang trabaho para masamahan ang dalawa na excited rin.“Masayang-masaya ka na niyan?” tanong ni Kevin. May halong pag-aalala ang boses niya, pero dama ko ang tunay na malasakit at suportang taglay ng kanyang mga mata.Tumango ako, pilit pinapangiti ang sarili. “Oo. Pero aminin ko, parang may kaakibat na kaba.”“Hindi mo na napigilan ang bugso ng damdamin mo,” aniya, habang nilalaro ang hawak na ballpen. “You stepped on the line, Draco. Inilagay mo sa panganib si Margaux. Handa ka na ba talaga sa posibleng kahinatnan nito?”Napabuntong-hininga ako, m
Third PersonNaging maayos na ang pagtitipon at sinikap ng lahat na maging masaya kahit na ang daming tanong ng mga kuya ni Draco.Kasunod na araw, nagbalik ang magkakapatid kasama ang kanilang mga pamilya sa hotel kung saan naroon sina Drake at Daniella. Ganon din sina Rex at Morgana na nang-aalala para sa anak kahit na nga nandoon din si Draco at ang mga magulang nito.“You really married her?” bulalas ni Dennis.“Bakit ba hindi ka makapaniwala na mag-asawa na kami?” tanong naman ni Draco sa nakatatandang kapatid.“Sinabi ko na sayo na dati siyang girlfriend ni Sam.”“So? Ano naman ngayon?”“Pinagsawaan na siya—” Hindi na naituloy ni Dennis ang kanyang sasabihin dahil agad na sumabat si Draco na kung hindi niya ginawa ay malamang na si Rex ang gumawa.“Ako ang mas higit na nakakaalam kung pinagsawaan ba ng anak mo ang asawa ko o hindi kaya tigilan mo ang kakasabi ng ganyang salita.” Naninigas ang panga ni Draco sa pagtitimpi ng galit. Tumingin siya kay Sam bago nagpatuloy.“Samuel, m
MargauxNakangiting nakatingin sa amin sina Mommy Daniella at Daddy Drake nang tuluyan kaming makalapit ni Draco sa kanila. Ramdam ko ang pamumula ng aking pisngi sa pinaghalong hiya at kaba, pero pinilit ko pa ring gumanti ng pino at sinserong ngiti.Paglingon ko sa iba pang mga kapatid ni Draco, kapansin-pansin ang mga bakas ng pagtataka sa kanilang mga mukha. Lalo na kay Sam, na sa totoo lang ay dapat hindi na nagugulat, dahil alam naman niya ang tungkol sa relasyon namin ng kanyang tiyuhin.Si Chiara?Halos butasin niya ng tingin ang magkahawak naming kamay ni Draco. Hindi ito basta hawak lamang dahil mahigpit, puno ng init, at malinaw na nagpapahayag ng aming ugnayan. Tanga na lang talaga ang hindi makakaintindi sa nakikita nila.“What’s the meaning of this?” tanong ni Chiara, na may halong pagtaas ng kilay. Hindi ako nakatiis, gusto kong matawa. Sa lahat ay siya pa ang may ganang magtanong, siya pa talaga? Ang kapal!“Eherm,” Draco cleared his throat, pinipilit buwagin ang tensyo
MargauxHindi ko mapigilang pagmasdan si Draco. Mula pa kanina, ramdam ko ang madalas niyang pagsulyap sa akin kahit abala sila sa unahan. Hindi ko man marinig ang mga pinag-uusapan nila dahil malayo kami ni Dad sa kanila ay hindi ko naman kailangang marinig para maintindihan ang nangyayari.Isang sulyap ko pa lang sa asawa ko, alam ko na agad.Naiinis siya. Nagtitimpi ng galit.Kita ko ang paninigas ng kanyang panga, ang malamig niyang tingin kay Chiara na paulit-ulit niyang iniiwasan. Hindi ko maintindihan kung manhid ba talaga ang babaeng ‘yon o nagbubulag-bulagan lang.Ano sa tingin niya ang ibig sabihin ng paglayo ni Draco sa kanya? Kahit sinong may matinong pag-iisip ay alam na ayaw ng asawa ko na madikit siya rito.Kaya nga sigurado ako na may pagtingin siya sa asawa ko, contrary sa sinabi ni Draco na wala at si Chiara pa ang nagsabi non sa kanya.Sorry na lang siya dahil hinding-hindi hahayaan ng asawa ko na magkaroon siya ng anumang kaugnayan sa buhay nito.At alam ko kung bak
Draco“What are you doing here, Sugar?” mahina kong tanong habang tuluyan na akong nakalapit sa kanya. Hindi ko nilakasan ang boses ko, pero alam kong rinig niya iyon lalo na’t halatang iniiwasan niya akong tingnan. Naupo na rin ako sa tabi niya, ramdam ko ang bigat ng hangin sa pagitan naming dalawa.“Ayaw ko ng gulo kaya hinayaan ko na si Tito Darius...” mahina niyang sagot, sabay buntong-hininga na parang pinipigilan ang sarili niyang magalit.“Tito?” salubong ang kilay kong tanong. Hindi ko napigilan ang pagtaas ng kilay sa narinig ko, at lalo akong naguluhan nang makita ko siyang biglang ngumiti. Napatingin din ako sa aking mga biyenan, na halatang nagpipigil din ng tawa.“Sorry, nasanay na kasi ako. Kuya Darius pala,” pagtatama ni Margaux, pero hindi pa rin nawala ang mapang-asar na ngiti sa kanyang mukha at sa mga mata niyang kumikislap sa tuwa.Napatikhim ako, pilit na hindi magpahalata na kinikilig ako sa simpleng asar niya. Hindi naman na ako napipikon sa ganong klase ng biro
Draco“What the–” bulalas ko bago mabilis kong iniwas ang mukha ko sa gulat. “Chiara! You’re here!” dagdag ko, pilit na pinapakalma ang kabog ng aking dibdib.“Why do you look so surprised?” tanong niya, may bahid ng alinlangan ang ngiti sa kanyang mga labi, tila nagdadalawang-isip kung dapat ba siyang natuwa sa aking reaksyon.“I just didn’t expect to see you here. When did you arrive?” tanong ko, bahagyang umatras ang katawan ko palayo sa kanya. Hindi ko kayang itago ang lamig sa boses ko.“Yesterday,” sagot niya, naglalaro pa rin ang ngiti sa labi. “I found out from your nephew, Sam, that Auntie Daniella will be celebrating her birthday here in the Philippines.”“Sam?” kunot-noo kong ulit, sabay sulyap kay Samuel na ngayo'y nakatingin lamang sa akin, halatang may gustong sabihin pero pinipigil ang sarili.“Yes,” tugon ni Chiara, sabay tango.Napabuntong-hininga ako bago muling nagsalita, pinipigilang mawalan ng pasensya. “Okay, you can get yourself a seat, or wait—” Sandali akong tu
MargauxUmalis kami nila Mommy at Daddy sa hotel room ng mga biyenan ko matapos naming makapag-usap nang masinsinan. Sa wakas, na-clarify na ang ilang mga bagay tungkol sa amin ni Draco. Ramdam ko ang pagluwag ng dibdib ng aking biyenan, lalo na nang marinig nila na hindi muna namin ipapaalam sa publiko ang tungkol sa pagpapakasal namin dahil na rin sa kapakanan ko.Hindi ko maiwasang makaramdam ng kaunting kirot sa puso. Sa isang perpektong mundo, dapat ay malaya naming maipagsisigawan ang pagmamahalan namin ni Draco... pero hindi ito ang tamang panahon.Sabi ni Draco, may naka-reserve na daw na mesa para sa amin sa harapan, katabi lang ng sa pamilya nila. Agad kong hinanap iyon ng aking mga mata, at nang makita ko ang "Reserved" na card na nakapatong sa mesa, kusa akong napangiti.“Doon tayo, Mom, Dad,” sabi ko habang itinuro ang mesa. Tumango naman ang aking mga magulang at sinundan ako. Ngunit sakto rin ang dating ng isang hindi inaasahan, si Tito Darius, kapatid ni Tito Dennis.“A